For most of us, marami na tayong napakinggan na salita ng Diyos. Marami na tayong alam at pinaniniwalaan tungkol sa kung sino ang Diyos, ano ang ginawa niya, at ipinangako niya para sa atin. Pero karaniwan, itong mga alam natin ay nagkakaroon ng conflict o tension sa mga nangyayari ngayon sa buhay mo at sa buong mundo. Kung tapat ang Diyos, bakit ang hirap ng buhay ko ngayon? Kung makapangyarihan ang Diyos, bakit hindi pa tapos ang pandemic? Kung mapagkakatiwalaan ang Diyos, bakit ang gulo ng nangyayari sa pamilya namin? Kung mabuti ang Diyos, bakit namatay ang mahal natin sa buhay?
Walang maikli at madaling sagot sa mga tanong na ‘yan. Pero alam natin hindi nagbabago ang perpektong kabutihan at dakilang kapangyarihan ng Diyos. So, ang mas personal at dapat nating itanong ay ito, Kung tinatawag ka ng Diyos na sumunod sa ipapagawa niya, will you respond to God’s call based on his word alone? Will you take God at his word? Dito umiikot ang tema ng buhay ni Abraham na siyang susubaybayan natin nang ilang buwan. Tulad niya, nandito rin tayo sa isang mahabang paglalakbay, na araw-araw ay sinusubok at pinapatibay ang tiwala natin sa Diyos at sa kanyang mga salita.
Makapangyarihan ang salita ng Diyos. Merong creative power. Sinabi niya, “Magkaroon ng liwanag,” nagkaroon nga ng liwanag (Gen. 1:3). By the word of his mouth, everything was created. Kasali tayo dun. At dapat nating pakinggan ang salita niya. Kahit na pinagdudahan at sinuway nina Adan at Eba ang salita ng Diyos, listening to the voice of the serpent instead, at sa boses ng sarili nilang puso, nagbitaw pa rin ang Diyos ng salita na babaligtad sa sumpa na dulot kasalanan. Sinabi niya sa Gen. 3:15 na merong “seed of the woman” na dudurog sa ulo ng ahas balang araw. At ang mga susunod na bahagi ng Story of God ay pagsubaybay kung sino itong anak ng babae na darating bilang tagapagligtas, at kung kaninong lahi siya manggagaling.
Yun ang isa sa function ng mga genealogies, tulad ng Gen. 5, na ang simula ay “This is the book of the generations of…” o “Ito ang aklat ng mga salinlahi…” Hindi lang para ipakitang namamatay ang mga tao bilang kabayaran ng kasalanan (“and he died…and he died…and he died…”), kundi para subaybayan kung kanino manggagaling ang “seed of the woman.” Mula kay Adan, kay Seth, kay Noah, kay Shem. Mula kay Shem hanggang kay Terah sa Gen. 11:10-26, at mula kay Terah hanggang kay Abram sa vv. 27-32.
Sa panahong ito na talamak ang kasalanan—tulad ng pagrerebelde ng mga gumawa ng tore sa Babel (Babylon)—ang daming namamatay, ang daming sumasamba sa mga false gods, tulad ng pamilya ni Abram (Jos. 24:2). Hindi naman ‘yan nalalayo sa mga kaganapan din ngayon. May plano ba talaga ang Diyos? May ginagawa ba talaga ang Diyos? O hinahayaan na lang niya ang tao?
Sa unang tingin parang si Terah ang nag-initiate para dalhin ang kanyang pamilya mula sa Ur (present day Iraq?) papunta sa Canaan (now Israel), halos 1300km siguro ang travel niyan. Kaso pagdating sa Haran (naka-800km na), nagsettle na sila dun, dun na rin siya namatay sa edad na 205 yrs old. Pero ultimately, by God’s providence, hindi si Terah ang nag-aya na pumunta sila sa Canaan, ni hindi nga sila nakarating dun. Ang Diyos ang nagdala kay Abram at sa kanyang pamilya (Jos. 24:3; Gen. 15:7; Neh. 9:7).
Ang Diyos din ang pumili kay Abram (chosen by grace!) para sa kanya manggaling ang “seed of the woman.” May ginagawa naman pala ang Diyos, may plano naman siya na isasakatapuran niya. Pero kung may plano siya, paano naman magkakaanak si Abram, samantalang baog si Sarai, walang anak, imposibleng magkaanak (v. 30)? Sa tingin mo ba may imposible sa salita ng Diyos na siyang lumikha sa lahat ng bagay at nagbigay ng buhay sa lahat ng nilalang?
God’s command and promise (Gen. 12:1-3)
So simula sa Gen. 12, maririnig din natin ang salita ng Diyos, re-creating a people for himself sa pamamagitan ni Abram. “Now the Lord said to Abram…” (v. 1). Ito ang buhay ayon sa “divine imagination,” yung nakikita mo yung mga bagay na hindi pa nakikita, “informed by the word of God, especially his promises” (Waltke, Genesis, 196-197). Ano ba ang sabi niya? Merong utos: “Umalis ka sa iyong lupain, sa iyong mga kamag-anak, sa bahay ng iyong ama, at pumunta ka sa lupaing ituturo ko sa iyo” (v. 1). Pwedeng sinabi ito ng Diyos nung nasa Ur pa sa si Abram, o nung nasa Haran na sila. We don’t know. Ang alam natin mahirap umalis sa isang lugar na nakasanayan mo na, at home ka na, naka-settle ka na. Mahirap iwanan ang mga taong napalapit na sa ‘yo. At mahirap pumunta sa isang lugar na hindi mo alam kung ano ang dadatnan mo. Wala pa namang Google search nun. So, yung pagsunod sa utos na ito ay nakasalalay kung nagtitiwala ba siya sa salita ng Diyos sa kanya.
Will you take God at his word? Kapag sinabi niyang, “Go and make disciples of all nations…” (Matt. 28:19), mahirap din, aalis ka sa comfort zone mo, may iiwanan ka, may isasakripisyo ka. Pero sapat ang pangako ng Diyos, yung kanyang “great and precious promises” (2 Pet. 1:4). Actually, mas malaki ang pangako ng Diyos kumpara sa hirap ng utos na ipinapagawa niya kay Abram.
Pansinin n’yo ang pitong linya sa pangako ng Diyos kay Abram sa vv. 2-3:
- “Gagawin kitang isang malaking bansa…”—magkakaanak at darami ang lahi niya. Hindi lang “great nation” in number, but also in significance.
- “…ikaw ay aking pagpapalain…”—may blessing galing sa Diyos, yung buhay ayon sa disenyo niya sa tao, malapit na relasyon sa kanya, sa ibang tao, at sa ibang nilikha ng Diyos, spiritual and material blessings.
- “…gagawin kong dakila ang iyong pangalan…”—great name, ang Diyos ang magbibigay, hindi yung sariling diskarte tulad ng mga gumawa ng tore ng Babel na gustong magkaroon ng “name for ourselves” (11:4). Hindi lang ito para matanyag ang pangalan ni Abram, kundi kilalanin siya as man of great character.
- “…at ikaw ay magiging isang pagpapala.”—Yung blessing ni Lord sa kanya ay mag-ooverflow sa iba. Pero nakadepende ito kung ano ang ugnayan nila kay Abram. Kung maganda…
- “Pagpapalain ko ang magbibigay ng pagpapala sa iyo…”—Pero kung hindi…
- “…at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo.”
- “…at sa pamamagitan mo ang lahat ng angkan sa lupa ay pagpapalain.”—Plano pala ito ng Diyos na hindi lang si Abram ang pagpalain, hindi lang ang iilang tao na malapit sa kanya, kundi “all the families of the earth.”
Wow. Grabeng pangako ‘yan. Parang may nagtext sa ‘yo na “Congratulations! You won 100 million pesos! Come to our office and claim your prize.” Weh. Scam ‘yan. Too good to be true kasi. Pero kung galing sa Diyos, perfectly good, perfectly wise, infinitely powerful, kapag too good yung mga salitang binitawan niya, yun ay dahil totoong lahat yun. Nahihirapan tayong tumugon sa ipinapagawa ng Diyos sa atin kapag nakafocus tayo sa hirap na daranasin natin o sa kakulangan ng kakayahan natin. Pero kung pinanghahawakan mo ang mga pangako ng Diyos, yung paulit-ulit na emphasis sa “I will…I will..I will…”, how will you respond?
Paano nagrespond si Abram?
Abram’s response (Gen. 12:4-9)
Sumunod siya sa Diyos. Walang tanung-tanong: E paano kung ganito? Walang clarifications: Pwedeng paki-explain pa ang detalye? Walang excuses: Matanda na ako, hirap nang magbiyahe. Walang hesitation. Verses 4-5, “Kaya’t umalis si Abram ayon sa sinabi sa kanya ng Panginoon, at si Lot (manugang niya, anak ng namatay niyang kapatid na si Haran) ay sumama sa kanya (hindi sapilitan, kusang-loob). Si Abram ay may pitumpu’t limang taong gulang nang umalis siya sa Haran. Isinama ni Abram si Sarai na kanyang asawa, at si Lot na anak ng kanyang kapatid, at ang lahat ng pag-aaring kanilang natipon at ang mga taong kanilang nakuha sa Haran; at umalis sila upang pumunta sa lupain ng Canaan at nakarating sila roon.”
Sa ngayon, kapag makabalita tayo ng ganyan, ang interpretasyon natin ay parang nakikipagsapalaran, o kaya ay naghahanap ng adventure, o sa iba naman ay parang nahihibang. Pero sabi sa Heb. 11:8, 10:
Dahil sa pananampalataya, sumunod si Abraham nang siya’y utusan ng Diyos upang pumunta sa isang lupaing ipinangako sa kanya. Sumunod nga siya, kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta…Sapagkat umasa si Abraham ng isang lungsod na may matatag na pundasyon at ang Diyos mismo ang nagplano at nagtayo (MBB).
Dahil sa pananampalataya. Ang pag-asa niya ay nasa Diyos. Kaso pagpunta nila sa Canaan, hindi naman yun parang turista sila sa America, at makakapaghotel. Siyempre sa gilid gilid lang sila, baka mapagsuspetyahan at mapag-initan. Verse 6, “Dumaan sa lupain si Abram hanggang sa lugar ng Shekem, sa punong ensina ng More. Noon, ang mga Cananeo ay nasa lupaing iyon.” Hindi naman pwedeng pagdating niya dun sabihin niya, “Lumayas kayo diyan. Sa akin na ang lupaing ito!” Mapangahas naman yun, at nakakatakot kung ano ang mangyayaring kasunod.
So this time, hindi lang nagsalita ang Diyos, nagpakita pa siya, a theophany. To give Abram assurance and confidence. “Nagpakita ang Panginoon kay Abram, at sinabi, ‘Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong lahi’” (v. 7). Siya naman ang may-ari ng lahat, “All the earth is mine,” sabi ng Panginoon. So may karapatan ang Diyos na tanggalan ng possession ng lupa ang mga taga-Canaan (as judgment) at ilipat ito kay Abram (as gracious gift). Pero hindi sinabi ng Diyos na “sa ‘yo,” kundi “sa lahi mo.” Future pa. Kapirasong lupa nga lang ang mabibili niya bago siya mamatay. Pero assurance din ito ng promise niya na magkakaroon nga siya ng anak (lahi).
Sa mga panahong kagaya nito, to overcome our fears, to give us confidence na harapin itong pandemic na ‘to in obedience to God’s will, kailangan nating marinig ang salita ng Diyos, at makita siya sa pamamagitan ni Cristo at ng kanyang mabuting balita. Na saan man tayo magpunta, saan man tayo dalin ng Panginoon, magkakahiwalay man tayo ngayon, we respond in worship. Worship is our essential (not optional) response. Tulad ng ginawa ni Abram pagkatapos na magpakita at magsalita sa kanya ang Diyos.
At siya’y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na nagpakita sa kanya. Mula roon ay lumipat siya sa bundok na nasa silangan ng Bethel, at doon niya itinayo ang kanyang tolda, na nasa kanluran ang Bethel, at nasa silangan ang Ai. Siya’y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon, at tinawag ang pangalan ng Panginoon. Si Abram ay patuloy na naglakbay hanggang sa Negeb (vv. 7-9 Ang Biblia).
Ang haba ng paglalakbay. Wala pang permanenteng tirahan. Walang sariling lupa. Walang sariling bahay. Naka-tent lang sila. Mapanganib ang sitwasyon. Uncertain ang mangyayari bukas. Pero kahit nasaan siya, sa hilaga, sa timog, sa silangan, sa kanluran, kahit saan God is deserving of worship. Kaya sa Schechem, pati sa Bethel at Ai (meaning, “house of God”) gumawa siya ng altar. Para sumamba sa Panginoon. Hindi ayon sa paraan ng altar sacrifices ng mga taga-Canaan, kundi bilang pagsamba sa tunay na Diyos. He “called upon the name of the Lord.” Kinilala ang Diyos, pinuri ang Diyos, nagpasalamat sa Diyos, inamin na kailangan niya ang tulong ng Diyos. Pagkilala din ito na kailangan niyang maghandog para sa kasalanan niya.
Paalala ito sa Israel na bagamat dapat nilang tingnan si Abraham bilang huwaran ng pananampalataya at pagsunod sa Diyos, siya rin ay isang makasalanan na tulad nila. Marupok ang pananampalataya, at kailangan pang matutunan kung pano makinig at sumunod sa salita ng Diyos. At ito ang matutunghayan natin sa susunod na yugto ng kuwento.
Problem: Famine in the Land (Gen. 12:10a)
Darating at darating talaga ang panahon na masusubok ang pananampalataya natin. Nagkaroon ng taggutom nun (v. 10). Hindi man taggutom ang challenge sa atin ngayon, pero marami pa ring difficulties sa pamilya natin sa panahong ito ng pandemic. Buti kung konting pagtitiis lang. Pero ito hindi lang basta taggutom, “matinding taggutom” (MBB). Common na tema ito sa Genesis. Sa panahon ni Isaac, magkakaroon ulit ng famine (26:1). Sa panahon din ni Jacob at ni Jose (43:1).
Paano kung ikamamatay ito ng pamilya mo, anong gagawin mo? Bakit pa ako dinala ng Diyos sa lugar na ito? Wala namang makain? Anong gagawin ko? Paano na ang pamilya ko? Ano ang response ni Abram?
Abram’s response (Gen. 12:10-13)
Nagpunta siya sa Egipto, nangibang bansa (v. 10). Para dun manirahan. Pansamantala siguro at babalik din sa Canaan pag tapos na ang taggutom. Kasama niya si Sarai. Yung ibang kasamahan niya siguro naiwan o kasama niya. Hindi sinabi sa story. Pero tama ba ang ginawa ni Abram? Parang sa sitwasyon ng ilang sa inyo na nangingibang bansa para magtrabaho. Wala namang masama dun. Pero dapat siyasatin natin ang puso natin. Yung desisyon ba natin sa oras ng kagipitan ay udyok ng pagsunod sa salita ng Diyos o nagpapakita ng kakulangan ng pagtitiwala sa kanya? O ngayong pandemic, cancelled ang mga in-person gatherings natin. Mahalaga yun siyempre kasi inutos ng Diyos na magtipon tayo nang regular at wag yun pabayaan. Pati ang evangelism at discipleship. Ano ba ang nagmomotivate sa atin? Fear o faith in God? Love of self o love of others?
No easy answers here. Yung response ni Abram understandable naman. Alangan namang mamatay sa gutom ang pamilya mo. Alangan namang pabayaan mo sila. Pero may obvious absence ng word from God dito sa section na ‘to. Or baka hindi naman niya kailangang magsalita kasi sapat na yung sinabi niyang pangako kay Abram. Kung darami ang lahi nila, ibig sabihin hindi sila mamatay sa taggutom. So maybe nagpapakita nga ito ng lack of faith ni Abraham na tinaguriang “man of faith.”
Maybe. Pero malinaw na mali yung mga sumunod niyang ginawa, indicating na gumagawa na siya ng hakbang na hindi ayon sa salita ng Diyos, kundi sa sarili niyang pamamaraan. May sarili siyang plano. Mukhang wais. Sabi niya kay Sarai, nang malapit na sila sa Egypt, “Alam kong magandang babae ka” (v. 11). Wow, si Sarai na 65 years old na pero maganda pa rin. Haba ng hair. Seems like complement from Abram, pero ikinatatakot pala niya na malagay sila sa panganib dahil sa ganda ng asawa niya (delikado talaga tayong magaganda ang asawa!).
Parang may hinala na siya kung ano ang pwedeng mangyari. O baka napapraning na. Sabi niya, “Kapag nakita ka ng mga Egyptians, sasabihin nila, ‘Asawa niya yun.’ At papatayin nila ako, at ikaw naman ay hahayaang mabuhay.” Sa halip na magtiwala sa provision at protection ng Diyos, gumawa siya ng plano for his own protection, pero maaaring ikapahamak naman ng asawa niya. Kung kayo yung babae, sarap kutusan nito.Anong plano niya? “Sabihin mong ikaw ay aking kapatid upang ako’y mapabuti dahil sa iyo, at upang ang buhay ko’y makaligtas dahil sa iyo” (v. 13 Ang Biblia). Half-sister niya si Sarai, pero he’s concealing the whole truth. Sinungaling, self-serving, at the expense of his wife. Hindi dapat ganyan ang mga lalaki.
Akala niya maganda ang plano niya, pero makikita natin sa sumunod na nangyari na inilagay niya sa alanganin ang katuparan ng pangako ng Diyos sa kanya. He’s not helping God fulfill his promise to bless him. He’s hindering God’s purposes. Ganyan ang nangyayari kung sariling diskarte natin ang nasusunod.
Suspense: Sarai taken by Pharaoh (Gen. 12:14-16)
Tama nga ang hinala ni Abram sa mga taga-Egipto. Nakita nila ang babaeng kasama ni Abram na hindi lang maganda tulad ng sabi ni Abram kanina, kundi “napakaganda” (v. 14). Nakita rin siya ng mga pinuno doon at nireto siya kay Pharaoh, ang titulo ng hari ng Egipto. At kinuha siya —nakidnap!—ng hari at isinama sa mga babae niya (v. 15). Yun ang wala sa plano ni Abram, hindi niya naanticipate na ang magkakainteres sa asawa niya ay yung pinaka-makapangyarihan in all Egypt. Hala. Mas malaking problema pa ngayon ‘yan.
In trying to solve our problems our way, instead of God’s way, mas lumalaki at dumarami ang problema natin. Paano na yung promised land, e nasa ibang bansa sila? Paano na yung malaking bansa na pangako ng Diyos kung asawa nga niya mawawala pa sa kanya.
Pero yung blessing na pangako ng Diyos? Mukha namang naging blessed siya. Parang yung plano niya maganda ang naging resulta sa kanya. “At pinagpakitaan niya ng magandang loob si Abram dahil kay Sarai at nagkaroon si Abram ng mga tupa, baka, lalaking asno, aliping lalaki at alilang babae, babaing asno, at mga kamelyo” (v. 16 Ang Biblia, cf. v. 13). Mukha namang naging prosperous siya. Pero ang promise ni God sa kanya ay hindi lang basta magkaroon siya ng blessing, kundi, “I will bless you.” Not another man, not the king of Egypt, I will bless you. Sa paraan ng Diyos, hindi sa paraan ng tao.
Di ba’t nais din ng Diyos na maging blessing siya sa iba? Paano siya magiging blessing kung naging sanhi pa yun ng kasalanan ng iba, at maaaring ika-defile ng asawa niya kung may mangyari sa kanila?Sa panahong parang ginugulo at hinahadlangan natin ang plano ng Diyos sa buhay natin, sa kabila ng foolish decisions natin and the mess we make as a result of these, may ginagawa ang Diyos, actively at work na solusyunan ang laki ng problemang tayo rin ang maygawa. Para ano? Para tuparin ang pangako niya at patunayang he is faithful and powerful to accomplish lahat ng sinabi niya.
Resolution: But God! (Gen. 12:17)
At itong parusa ng Diyos kay Pharaoh ang ginamit ng Diyos na paraan para palayain sina Abram at Sarai nang maipit sila sa sitwasyon sa Egipto. Salvation through judgment. Nagsimula ang v. 17 sa “But the Lord…” Oh sweet gospel words ‘yan na nagsisignal na heto ang Diyos na gumagawa para baligtarin ang sitwasyon, turning bad news into good news. “Subalit pinahirapan ng Panginoon ang Faraon at ang kanyang sambahayan ng malubhang salot (o “katakut-takot na karamdaman,” MBB) dahil kay Sarai na asawa ni Abram” (v. 17 Ang Biblia).
If you are listening to this story, at alam mo yung story din sa Exodus, mapapansin n’yo ang obvious parallel. Na itong mga Israelita napadpad din sa Egipto dahil nagkaroon ng taggutom. Pero nagtagal sila dun. In fact, 430 years! At ano ang ginawa ng Diyos para makaalis sila? Nagpadala siya ng sampung matitinding salot sa buong Egipto. At kung isinulat ito ni Moises para sa mga Israelita na papasok na sa Canaan, sa lupang pangako ng Diyos, matatakot din ba sila sa mga tao dun tulad ng mga magulang nila na natakot at hindi nagtiwala sa Diyos? O panghahawakan nila ang salita ng Diyos na tumutupad sa mga pangako niya?
So this story will serve as a great encouragement sa kanila na sa simula’t simula pa ay meron nang Diyos na committed sa salita niya. Sa kabila ng dami ng kapalpakang nagawa nila, na para bang nadiskaril ang plano ng Diyos, nagtagal pa silang magpaikut-ikot sa disyerto, God is committed to his word.
Tayo rin naman may takot sa kung ano ang mangyayari bukas, nag-iisip ng solusyon sa problemang pinansiyal o sa problema sa relasyon sa pamilya na kinahaharap natin ngayon. Pero ang mas matinding discouragement na nararanasan natin ay yung kapag maaalala natin na lalo lang lumala ang problema natin dahil sa mga foolish decisions natin. Kumpromiso sa negosyo. Overwork o pangingibang bansa na sa halip na makapagprovide sa family ay naging dahilan para mapabayaan, and in some cases ay masira, ang pamilya. Hindi tayo naging tapat sa asawa natin. Mas inisip natin ang sarili natin kesa sa iba.
Pero sa kabila ng lahat ng ito, meron tayong pag-asa, merong mabuting balita na gumagawa ang Diyos, he is faithful in bringing about his redemptive purposes for us. We can trust him. We must trust him. And not put our trust in our own wisdom (which is foolishness), or the favor of others (more than God’s way of blessing us). Para mangyari yun, we have to remember the story of Jesus. Hindi tulad ni Abraham, sa salita ng Diyos siya nagtiwala nung 40 araw na siyang gutom na gutom. Nang tuksuhin siya ng diyablo na gawan ng sarili niyang paraan ang pagkagutom niya, ang sabi niya, “Man does not live by bread alone but by every word that comes from the mouth of God” (Matt. 4:4). His food is to do the will of him who sent him and to accomplish his work (John 4:34). Kahit matinding hirap ang daranasin niya. Sa pamamagitan ni Cristo, iniligtas tayo mula sa tiyak na kapahamakan dahil inako ni Jesus ang parusa ng matinding sakit at salot na naranasan niya sa krus. Sa ikatlong araw muli siyang nabuhay. Ang lahat ng nangyaring ito ay “in accordance with the Scriptures” (1 Cor. 15:3-4). Nagsalita ang Diyos. Tinupad niya ang salita niya.
Who are you going to trust? Kapag sobrang hirap ng buhay, ang ibang tao kahit sa patalim kumakapit. Tayo na nakay Cristo, sa Diyos kumakapit, sa Diyos dapat kumapit. Matatakot ba tayo sa tao o sa pwedeng gawin sa atin ng tao o magtitiwala tayo sa salita ng Diyos at sa gagawin niya?
Outcome: Go! (Gen. 12:18-20)
Yes, si Pharaoh ang most powerful man sa lupaing yun. Pwede niyang patayin si Abram bilang paghihiganti. Pero maging ang puso at bibig niya ay hawak-hawak ng kapangyarihan ng Diyos. Tinawag niya si Abram, ang sabi, “Ano itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo sinabing asawa mo siya? Bakit sinabi mo pang kapatid mo siya, kaya kinuha ko siya bilang asawa? Heto na ang asawa mo, kunin mo, at umalis na kayo” (Gen. 12:18-19). Parang mas matuwid pa si Pharaoh kesa kay Abram. Paano naman si Abram magkakaroon ng “great name” kung makikilala nga siya sa Egipto pero isang lalaking sinungaling at walang kwentang asawa?
Walang naisagot si Abram kay Pharaoh. Guilty as charged. Sa halip na Diyos ang magrebuke sa kanya, isang hari pa na kung sinu-sinong diyos ang sinasamba ang pinagsabihan siya (Waltke, Genesis, 212). Sa kabila nun, dahil sa gawa ng Diyos, yung asawa niyang halos ipamigay niya ay ibinalik sa kanya. Hindi lang yun, pati yung mga pag-aari niya ay hindi kinuha o binawi sa kanya (v. 20). Katunayan, as a result of this trip, naging napakayaman pa ni Abram (13:1-2).
Sa kabila ng foolishness ni Abram, lalo pa siyang pinagpala ng Diyos. Not because of that, but in spite of that. He’s unworthy of God’s promise. Undeserving of the blessing na meron siya. Tulad din natin, na pinagpapala ng Diyos not because we are deserving. But because of his word. Salita niya kay Abraham. Salita niya na tinupad kay Cristo. Kaya kahit sa panahon na we are faithless, he remains faithful, for he cannot deny himself (2 Tim. 2:13). Ang katiyakan natin ay nakay Cristo. Hindi ito excuse para maging pabaya tayo at gumawa ng mga foolish decisions. Alam natin ang hirap na idudulot nito sa buhay natin, sa pamilya natin—imagine yung lamat na dulot nito sa relasyon nina Abram at Sarai.
Sa halip, God’s faithfulness motivates us, na kumapit sa kanya sa oras ng kagipitan, to trust him, be faithful to him. Dahil mas mahigpit ang kapit ng Diyos sa atin. Hindi niya tayo bibitawan. Mahaba-haba pa ang lakbayin natin. Tulad ni Abram, nagsisimula pa lang. Pero titiyakin ng Diyos na makakarating tayo sa destinasyon na iminarka ng Diyos para sa atin—the heavenly city, the city of God.