Introduction
Meron akong tsismis, gusto n’yong marinig? Kwento pala para mas magandang pakinggan. Meron akong kilalang isang matandang lalaki, nangibang-bansa dahil sa hirap ng buhay. Kasama niya ang asawa niya. Pero ang pakilala sa mga tao, kapatid niya. Ang ganda pa naman ng asawa niya. Muntik na tuloy silang maghiwalay at sumama sa ibang lalaki itong asawa niya. Sabi ng ibang tao, buwenas daw itong lalaking ito. Biruin mo, nakabili ng malaking lupa, umasenso talaga. Pero sabi naman ng iba, malas daw. Kasi matanda na wala pa ring anak. Tapos itong lalaking ito, nagkaanak pa sa kasambahay nila. Alam n’yo sino ang may kasalanan? Yung asawa pa niya ang nag-suggest na gawin yun ng asawa niya! May sira ata ito. Tapos nung nanganak na yung kasambahay nila, siya naman ang nagalit at pinalayas pa! Pero alam n’yo ba, itong babaeng ito, menopause na, edad lola na, aba nabuntis! Nanganak pa! Akalain mo nga naman. Napagkakamalan tuloy ng mga nakakakita na apo niya sa tuhod yung alaga niyang bata. Ito namang asawa niya, minsan nung magbibinata na yung anak niya, kumuha ng itak at iginapos ang anak niya sa ibabaw ng mga kahoy na panggatong. Sasaksakin ang anak, tapos susunugin. Nakupo. Buti na lang merong sumigaw at sinabihan siyang wag ituloy!
Siguro nahulaan n’yo na kung sino ‘yang matandang lalaki? Si Abraham siyempre. Mahilig tayong makinig, magkwento at mag-share ng mga ganyang kwento. Kahit nga hindi totoo, pag-uusapan, kasi entertaining. Kaya nga nahilig tayo sa telenovela at KDrama. Pero kahit mga totoong kwento na, dapat tanungin pa rin natin ang sarili natin, ano naman ang kahalagahan nun? Ano naman ang kinalaman nun sa buhay ko? May magbabago ba kung mapapakinggan ko ang kwentong yun o okay lang kahit hindi?
As we begin our sermon series sa buhay ni Abraham na nakasulat sa Genesis 12-25, magkaroon muna tayo ng quick tour sa story niya. At kailangan nating pakinggan ‘to kasi bahagi ito ng salita ng Diyos para sa atin. And as you listen to his story, tutulungan ko kayo na masagot yung mga questions tulad nito:
- Ano naman ang kinalaman nito sa buhay natin ngayon, gayong nangyari ito halos 4,000 taon na ang nakakaraan?
- Ano ang kinalaman natin sa mga pangako ng Diyos kay Abraham? Pwede rin ba nating angkinin ang mga yun sa sarili natin? At kung pwede, ganun din ba exactly ang pangako ng Diyos sa atin o merong pagkakaiba?
- Ano ang kinalaman ng mga utos ng Diyos kay Abraham? Applicable din ba sa atin yun?
- Ibinigay ba sa atin ang story ni Abraham para meron tayong halimbawang susundin? O meron pa itong significance na higit pa dun?
Answering these questions is crucial in proper interpretation and application of every passage na pag-aaralan natin throughout this series.
The Call of Abraham
Abram pa noon ang pangalan niya. Sa dinami-dami ng mga tao, siya ang pinili ng Diyos. Wala namang espesyal sa kanya. Ordinaryong tao lang din siya. Pagala-gala lang sila nun at nag-aalaga ng mga hayop. Tapos ang pamilya niya, sumasamba pa sa mga diyus-diyosan (Jos. 24:2-3). Sa pagpili pa lang kay Abraham, kamangha-manghang biyaya na ng Diyos. Lalo pa nung nagpakita ang Diyos sa kanya, at heto ang sabi: “Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo. Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa marami” (Gen. 12:1-2). Great nation, great name, great blessing ang mga pangako ng Diyos. Pati ang destiny ng ibang mga tao ay nakasalalay ngayon sa relasyon nila kay Abraham—susumpain ang susumpa sa kanya, pero may blessing para sa iba, “in you all the families of the earth shall be blessed” (v. 3).
Malaki ang pangako ng Diyos kay Abraham. Not just for him. Kundi para sa plano ng Diyos para iligtas ang mga makasalanang nasa ilalim ng sumpa dahil sa kasalanan ni Adan. Yung reversal ng curse into blessing ay nagsimula dito kay Abraham. Maaaring hindi lubos na maunawaan ni Abraham ang lahat ng ito. Pati pinapagawa sa kanya ng Diyos mahirap din. Pero sumunod siya tulad ng sabi ng Diyos (v. 4). Kasama ang pamilya niya at ilan sa mga kamag-anak niya. Pumunta sila sa Canaan, yung lupa na ipinangako ng Diyos sa kanila. Kahit hindi pa niya alam ang dadatnan niya dun, “by faith” ay sumunod siya sa salita ng Diyos (Heb. 11:8-9).
Hindi pa rin niya alam kung paano ang gagawin ng Diyos para matupad ang mga pangako niya. Wala naman silang anak. Matanda na siya, 75 years old. Yung asawa niya, 65 years old. Humanly impossible na magkaanak. Pero sabi ng Diyos, “Ibibigay ko ang lupaing ‘yan sa anak mo” (v. 7). Nagtiwala siya, sumunod, at sumamba sa Diyos: gumawa ng altar, “and called upon the name of the Lord” (v. 8), kahit hindi mo alam kung ano ang mangyayari bukas.
As we go along sa story, mapapansin n’yong merong iba’t ibang threats o banta na para bang magiging balakid para hindi matupad ang pangako ng Diyos. Tingnan natin ang sampung threats sa story.
Threat #1: Famine and Abram’s folly
Nagkaroon ng matinding taggutom. Nagpunta sila Abram sa Egypt. Sa panahon ni Jose mangyayari rin yan at magtatagal sila sa Egypt. Pero dito sandali lang. Pero itong si Abram, sinabi ba namang kapatid niya si Sarai. Ayun, muntik nang makuha ng Pharaoh (king of Egypt) itong si Sarai bilang asawa. Pero ang Diyos ang gumawa ng paraan. Nagpadala siya ng mga salot (oh, parang mangyayari rin ito sa Exodus a!) (12:17). Sa kabila ng lahat ng ito, naging napakayaman ni Abram (13:2). In response, sumamba siya sa Diyos: gumawa na naman siya ng altar, and “called upon the name of the Lord” (13:4). Essential talaga ang pagsamba as our response to God’s goodness and mercy.
Threat #2: Conflict with Lot
Nagkaroon ng di pagkakasundo itong si Abram at ang pamangkin niyang si Lot, pati mga tauhan nila. Kasi dumami nang dumami na ang mga alaga nilang hayop. Kaya nagkahiwalay sila, si Abram nanatili sa Canaan, si Lot sa Sodom, ang tirahan ng mga “wicked, great sinners against the Lord” (13:11-13). Akala ko ba magiging malaking pamilya ang angkan ni Abram? Nabawasan pa. Pero sabi ng Diyos, “Tingnan mo ang lupaing ‘yan, ibibigay kong lahat sa ‘yo ‘yan at sa mga anak mo, na magiging sindami ng alikabok sa lupa, hindi mo mabilang sa dami” (13:14-17). In response, gumawa na naman ng altar si Abram at sumamba sa Diyos (v. 18).
Threat #3: Lot taken captive
Heto mas matinding conflict. Nagkaroon ng away itong mga hari. Nakasamang madakip itong si Lot (14:12). Siyempre sugod itong si Abram pati mga tauhan niya. Pero paano kung mapatay si Abram? Buti na lang, siyempre sa tulong ng Diyos, nailigtas niya si Lot. At itong si Melchizedek, king of Salem, also “priest of God Most High” (v. 18), nagpuri sa Diyos, at kinilala na si Abram ay pinagpala ng Diyos kaya dapat lang na purihin ang Diyos (vv. 19-20). Ayon sa Hebrews, si Cristo (our Priest-King) ay type (ibig sabihin, greater fulfillment) of Melchizedek.
Threat #4: Childlessness
Pero wala pa ring anak si Abram. Pano na yan? Sabi ng Diyos sa kanya, “Wag kang matakot, I am your shield; your reward shall be very great” (15:1). Sabi pa niya, “Sarili mong anak ang magiging tagapagmana mo. Tingnan mo ang mga bituin sa langit, kung mabilang mo, ganyan karami ang magiging angkan mo” (v. 5). Too good to be true? Naniwala ba si Abram?
“Abram believed the Lord, and he credited it to him as righteousness” (Gen. 15:6 CSB).
This verse is very significant, na nagtuturo sa atin kung paano magkakaroon ng matuwid na relasyon sa Diyos. Hindi sa pamamagitan ng sarili nating effort sa pagsunod sa Diyos, kundi sa pagtitiwala sa mga pangako ng Diyos na nagkaroon eventually ng katuparan kay Cristo. Kaya ilang beses din itong binanggit ni Pablo (Rom. 4:9, 22; Gal. 3:6).
Ang katuparan ng pangako ng pagliligtas ng Diyos ay hindi nakasalalay sa ating mga pagsisikap. Kundi sa katapatan at kapangyarihan ng Diyos. Pinakita ito ng Diyos sa sumunod na nangyari habang natutulog si Abram, merong apoy na tumupok at humati sa mga hinating hayop para ihandog (Gen. 15:7-21). As if God is saying, “Hindi ko kailangan ang tulong mo para maisakatuparan ito. Pangalan ko ang nakasalalay kung hindi ito matutupad.” Bagamat naniwala naman na si Abram sa pangako ng Diyos, kailangan pa rin natin ng ganitong mga assurances from God kasi marupok ang pananampalataya natin.
Threat #5: Sarai and Hagar
After 10 years pagdating nila sa Canaan, hindi pa rin nagkakaanak si Sarai. Sinisi pa ang Diyos. Gumawa na siya ng sariling diskarte, baka surrogate child pwede. Meron silang Egyptian servant, si Hagar. Sabi ni Sarai kay Abram, “Heto si Hagar. Anakan mo para sa akin.” Tulad ng ginawa ni Eba, kinuha ni Sarai si Hagar at ibinigay kay Abram para asawahin. Tulad ni Adan, nakinig si Abram sa boses ng asawa niya, sa halip na sa salita ng Diyos. Epic fail si Sarai. Epic fail din si Abram. Nabuntis si Hagar. Nagkaanak, si Ishmael na siyang sinasabing pinanggalingan ng mga Arab Muslims. Ito pang si Sarai ang nagalit at pinalayas ang mag-ina. Kapag nilagay natin sa mga kamay natin ang mga bagay-bagay, tayo rin ang mapapasama. Madadamay pa ang ibang tao. Pero kinausap ng Diyos si Sarai, nangako rin na pararamihin ang lahi niya. Dahil dito, sumamba si Sarai sa Diyos na siyang duminig at tumingin sa kanyang paghihirap (16:13).
Threat #6: Old Age
Fast forward after 14 years, 99 years old na si Abram. Si Sarai, 89 (17:1). Imposible na talagang magkaanak ‘to, kahit anong advancement sa technology, negative na ‘yan. Pero sabi ng Diyos kay Abram, “I am God Almighty. El Shaddai.” Sinasadya talaga ng Diyos na dumating sila sa punto na talagang wala nang magagawa, humanly impossible na, para obvious na obvious na Diyos lang talaga ang makagagawa nito. Sa halip na i-revise yung covenant kay Abram, mas pinalawak pa ng Diyos. Pinalitan ang pangalan niya na Abraham, “the father of a multitude of nations” (17:5). Si Sarai naman ay Sarah (v. 15). Gagawin daw siyang “exceedingly fruitful” at manggagaling sa kanyang lahi ang mga hari, at ito ay “everlasting covenant” na siyang maging Diyos nila at mapapasakanila ang Canaan “for an everlasting possession, and I will be their God” (vv. 6-8). At bilang marka ng “everlasting covenant” na ‘to, lahat ng mga lalaki sa angkan ni Abraham ay tutuliin, bilang tanda na sila’y kabilang sa pagpapala ni Abraham.
Threat #7: Unbelief
Sa halip na matuwa sa pangako ng Diyos, natawa si Abraham. Pati si Sarah. Pinagtawanan nila ang Diyos na para bang nagbibiro siya. “Matanda na kami, paano pa kami magkakaanak?” Sabi ng Diyos, “Meron bang mahirap gawin para sa akin? Imposible ba ang sinasabi ko” (18:14)? Sa salita nga lang niya nalikha ang lahat ng bagay, paano pa ang pagbubuntis ni Sarah? Sabi pa ni Abraham na si Ishmael na lang yung maging tagapagmana niya, as if we can suggest a better solution sa Diyos. Kaya sabi ng Diyos, “No. Magkakaanak si Sarah. Next year, mark your calendar. Isaac ang ipapangalan n’yo. Tungkol naman kay Ishmael, pagpapalain ko rin siya” (17:19-21). Medyo nahimasmasan si Abraham. Seryoso pala ang Diyos. Hindi nagbibiro. Kaya tinuli niya ang lahat ng lalaki sa kanyang sambahayan, isang pagsunod na udyok ng pagtitiwala sa pangako ng Diyos.
Threat #8: Destruction of Sodom and Gomorrah
Hindi rin nagbibiro ang Diyos kapag may banta siya na humatol at magparusa. Totoo naman masama ang mga tao dito sa Sodom at Gomorrah. Dapat lang parusahan at tupukin ng apoy ng galit ng Diyos (18:20). Pero di ba may promise din siya kay Abraham na pagpapalain ang ibang bansa? Paanong “all the nations of the earth shall be blessed in him” (v. 18)? At yung kamag-anak ni Abraham na si Lot at pamilya niya ay nandun. Kaya nagpray si Abraham para sa Sodom. Iniligtas ng Diyos si Lot at ang pamilya niya. At yung dalawang anak na babae ni Lot ay nagkaanak at ang tatay ay ang tatay nila. Nagkaanak siya (na apo rin niya!), si Ben-ammi na pinanggalingan ng mga Ammonites, at si Moab na pinanggalingan ng mga Moabites (vv. 36-38). Meron ba kayong kilalang Moabita? Si Ruth na napangasawa ni Boaz, na naging apo ay si David, na siyang pinanggalingan ni Jesus.
Threat #9: Abraham’s folly (again)
Nagpunta sina Abraham sa Gerar (20:1). Pinakilala ulit niya yung asawa niya na kapatid niya. Nagustuhan ng hari. Kinuha si Sarah. Pero binantaan ng Diyos ang hari sa panaginip niya. Kaya ibinalik na niya si Sarah kay Abraham. At sinara ng Diyos ang lahat ng bahay-bata ng mga babae sa household ni Abimelech dahil dun. Pero nagpray si Abraham sa Diyos, kaya nabuksan ulit ang bahay-bata nila (vv. 17-18).
Kung ang Diyos ang nagsasara ng sinapupunan ng isang babae, siya rin ang makapagbubukas nito. Kaya bang gawin ng Diyos yun kay Sarah? At bakit hindi nagpepray si Abraham para sa asawa niya? Pero sa kabila nun, eksakto sa nakamarka sa kalendaryo ng Diyos, dinalaw niya si Sarah at siya ay nagbuntis (21:2). Nagkaroon sila ng anak ni Abraham, ang pangalan ay Isaac, ibig sabihin ay “tawa.” 100 taon si Abraham noon, 90 naman si Sarah. Hindi lang sila at ibang tao ay matatawa sa nangyari, matutuwa sila dahil sa katuparan ng pangako ng Diyos sa kanila.
Anumang banta, anumang balakid, anumang salot, anumang hirap, anumang kahangalan ng tao, walang makapipigil sa Diyos para tuparin ang pangako niya. He is unstoppable. Gagawin niya ang sinabi niyang gagawin niya. Pero hindi sa paraan na inaasahan ng tao. Hindi sa panahon na inaasahan ng tao. Sa sariling paraan ng Diyos. Sa sariling panahon ng Diyos.
Abraham and the Nation Israel
Tumutupad ang Diyos sa pangako niya. Pero hindi pa buo ang fulfillment ng promise ni Lord kay Abraham. Makikita lang natin ‘yan sa progreso ng redemptive history. Inulit niya yung promise niya kay Abraham sa anak niyang si Isaac, at nagpakilala siyang “I am the God of Abraham your father” (Gen. 26:24). Sa anak ni Isaac na si Jacob, ganun din “I am the Lord, the God of Abraham your father and the God of Isaac” (Gen. 28:13). Kay Jacob nagmula ang bansang Israel, na siyang dumami nang dumami sa paglipas ng panahon.
Sa panahon ni Abraham, kapiranggot pa lang ang lupang pag-aari niya. Yung lupang nabili niya para paglibingan sa asawa niya, na pinaglibingan din sa kanya, at kay Jacob (Gen. 50:13). Tapos napunta pa sila sa Egypt nang mahigit 400 taon. Pero umasa si Joseph na babalik sila sa lupang pinangako ng Diyos kina Abraham, Isaac at Jacob (50:24). Totoo ngang sa Egypt ay inalala ng Diyos ang pangako niya kay Abraham, Isaac at Jacob (Ex. 2:24). Nagpakilala siya kay Moses, “the God of your father, the God of Abraham, the God of Isaac, and the God of Jacob” (Ex 3:6), na siyang ipapakilala din niya sa Israel, (Ex 3:15-16; 4:5). Yung pangako ng Diyos kay Abraham ang basehan ng panalangin ni Moses sa Diyos para hindi tuluyang wasakin ang mga Israelita dahil sa kasalanan nila nung sumamba sila sa golden calf, “Remember your servants Abraham, Isaac, and Israel” (Ex 32:13; also Deut 9:27).
Nakabalik nga sila sa lupang pangako ng Diyos kay Abraham (Ex 33:1; Lev 26:42, “I will remember the land”; Num 32:11; Deut 1:8; 6:10; 30:20; 34:4). Ibinigay yun ng Diyso sa kanila hindi dahil sa sarili nilang righteousness, kundi para ikumpirma ang salita niya kay Abraham (Deut 9:5; 29:13). Ang daming kasalanan ng Israel laban sa Diyos, paulit-ulit. Pero paulit-ulit din silang inililigtas ng Diyos at hindi tuluyang winawasak. Bakit? Dahil may pangako siya kay Abraham (2 Kgs 13:23).
Sa paglipas ng mahabang panahon, sa paulit-ulit na pagtataksil ng Israel laban sa Diyos, hindi siya lumilimot sa pangako niya. Ito ang inaawit nila at panalangin nila:
Hindi siya makakalimot sa kanyang pangako kailanman – ang kanyang pangako para sa maraming salinlahi—ang pangako niya kay Abraham, gayon din kay Isaac. Ipinagpatuloy niya ang kasunduang ito kay Jacob, at magpapatuloy ito magpakailanman (Psa 105:8-10 ASD).
Ipakita nʼyo ang inyong pag-ibig at katapatan sa amin na mga lahi ni Abraham at ni Jacob, gaya ng iyong ipinangako sa kanila noong unang panahon (Mic 7:20 ASD).
The Son of Abraham, the Sons of Abraham
Kaya sa takdang panahon, dumating si Jesus, “the son of David, the son of Abraham” (Mt 1:1). Si Jesus at nakay Jesus ang katuparan ng lahat ng ipinangako ng Diyos kay Abraham (Lk 1:54-55, 72-73). Ganito ang pattern ng preaching ni Peter (Acts 3) at ni Stephen (Acts 7), ang kasaysayan ng Israel nagmula kay Abraham, pero patungo lahat kay Cristo.
Bagamat dumating si Jesus nang ipanganak siya ni Maria, meron na siyang existence kahit sa panahon pa lang ni Abraham. Kaya sabi ni Jesus sa mga Judio, “Your father Abraham rejoiced to see my day; he saw it and was glad” (John 8:56). Nakita na daw siya ni Abraham. At nakita na niya si Abraham. Kaya nagtaka itong mga Judio dahil 30-plus years old pa lang si Jesus nun. Pero sabi pa ni Jesus, bago pa si Abraham, siya’y existing na, “Truly I tell you, before Abraham was, I am” (v. 58). Blasphemous para sa mga Judio yung ganyang pananalita. Unless of course na totoo nga yung sinasabi ni Jesus. Siya ang Son of Abraham, pero nakahihigit siya kay Abraham, dahil siya ang Anak ng Diyos.
Galing nga ang mga Judio kay Abraham. Pero sabi ni John the Baptist na ‘wag silang mag-assume na totoong anak nga sila ni Abraham. “Not all are children of Abraham,” sabi ni Pablo (Rom. 9:7). Sa dugo, oo. Pero sa pananampalataya sa Diyos? No. Ganun din sabi ni Jesus sa kanila dahil sa pagtatangka nilang patayin si Jesus (John 8:33, 37). Hindi si Abraham ang ama nila, “You are of your father the devil” (vv. 39-40, 44).
Maaaring sumasampalataya ang mga magulang mo, pero hindi automatic na isa ka na rin sa mga anak ng Diyos. Ang kasalanan namamana, ang pananampalataya ay hindi. Kailangang merong tunay na pagsisisi at pananampalataya sa puso mo. Tulad ni Zacchaeus. Sabi ni Jesus sa kanya, “Salvation has come to this house because he too is a son of Abraham” (Lk 19:9). Like father, like son. Kung si Abraham ay sumasampalataya sa Diyos, matituturing ka ring anak niya kung sumasampalataya ka na tulad niya (Rom. 4:16). “It is those of faith who are the sons of Abraham” (Gal. 3:7).
Kabilang ka ba sa mga anak ni Abraham? Oo, kung tulad niya ay sumasampalataya ka rin sa pangako ng Diyos na nagkaroon ng katuparan kay Cristo. Kung sumasampalataya ka kay Cristo, the true and better Son of Abraham. Ano naman ngayon kung anak ka ni Abraham? Ibig sabihin, tagapagmana ka ng pangako ng Diyos kay Abraham, “heirs according to promise” (Gal. 3:29). That is, “if you belong to Christ” (CSB). Konektado ka sa kuwento ni Abraham, sa pangako ng Diyos kay Abraham, sa pagpapalang nakalaan kay Abraham, kung ikaw ay nakay Cristo. Kasama ka sa maraming “darating buhat sa silangan at sa kanluran at dudulog sa hapag na kasalo nina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit” (Matt. 8:11 MBB).
Kaharian ng langit ang mamanahin mo kung ikaw ay nakay Cristo. Paano kung hindi? Kung nananatili kang hiwalay sa kanya? Hindi sumasampalataya kay Cristo, at patuloy na sa sarili mo at sa gawa mo nagtitiwala. “Iiyak kayo at magngangalit ang mga ngipin kapag nakita ninyong nasa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob, at ang lahat ng propeta, habang kayo nama’y ipinagtatabuyan” (Luke 13:28). Napakalaki ng nakasalalay kung ikaw ay hindi konektado kay Abraham by faith in Christ. Kaya kung hanggang ngayon ay wala ka pa kay Cristo, nakiki-usap ako sa ‘yo, aminin mong makasalanan ka, humingi ka ng tawad sa Diyos, at magtiwala kay Cristo at sa kanyang ginawang pagliligtas sa mga makasalanang tulad mo.
At kung ikaw ay nakay Cristo, tingnan mo na ngayon ang buhay mo ayon sa kuwento ni Abraham. Hindi ayon sa kwento ng kung sinu-sino sa mundong ito. Ang lahat ng ipinangako ng Diyos kay Abraham ay sa ‘yo dahil kay Cristo (2 Cor. 1:20).
Great blessing. Bakit ka pa maiinggit sa mga mayayaman o maniniwala sa mga prosperity gospel preachers? Hindi ka man maging singyaman ni Abraham sa dami ng naging possessions niya, pero ang “blessing” na meron ka ay higit pa sa tinanggap niya noon, for God “has blessed us in Christ with every spiritual blessing in the heavenly places” (Eph. 1:3). At anong yung “blessing of Abraham” na dumating sa atin na mga Gentiles? “The promised Spirit” (Gal. 3:14). Dahil kay Cristo, tinanggap mo ang Diyos. Siya ang pinakamalaking pagpapala na tinanggap mo. Greater than all the riches and pleasures this world can offer. Siya yung ating “great reward” (Gen. 15:1).
Great land. Bakit ka pa malulungkot kung wala kang sariling lupa o sariling bahay? Kung ang Diyos naman ay nananahan sa ‘yo dahil kay Cristo. You are now God’s dwelling place.
Great nation. Bakit ka maiinggit sa ibang may mga anak na at malaki at masaya ang pamilya? You now belong to God’s people (1 Pet. 2:9-10), your great family in the faith.
Great name. Bakit ka pa maiinggit sa mga sikat na celebrities? Wala ka ngang “great name” na katulad ni Abraham, pero ang identity mo ay nakatali kay Cristo na ang pangalan ay “name that is above every name” (Phil. 2:9). Ang ambisyon mo ngayon sa buhay ay hindi dumami ang mga followers or subscribers, kundi ipakilala ang pangalang higit sa lahat ng pangalan sa buong mundo.
So, tama ang sinasabi ni Pedro, “He has granted to us his precious and very great promises” (2 Pet. 1:4). Pero paano ako makatitiyak na sa akin ngang lahat ito? Na hindi na ito babawiin ng Diyos? Sabi ng Diyos kay Abraham, ito ay “permanent covenant,” “everlasting covenant.” At meron siyang ipinakita kay Abraham to demostrate na sure na sure na tutuparin ng Diyos ang pangako niya. Nandun yun sa ika-sampung threat na hindi ko pa nababanggit sa story ni Abraham.
Threat #10: Offering of Isaac
Sa Genesis 22. Directly initiated pa ng Diyos yung threat na ‘to. Kasi magbibinata na noon si Isaac, sabi ba naman ng Diyos kay Abraham, “Abraham, dalhin mo ang anak mo, ang nag-iisa at pinakamamahal mong anak na si Isaac, sa bundok ng Moriah at ihandog mo siya sa akin bilang handog na susunugin” (vv. 1-2). Hmmm. What’s going on here. Sanay naman siyang maghandog sa pagsamba sa Diyos, pero ibang usapan na ‘to. Saka di ba’t kay Isaac dadaloy ang pangako ng Diyos, paano mangyayari yung kung papatayin siya? Saka tama bang iutos yun ng Diyos? We don’t know kung nag-struggle nga si Abraham sa ganitong mga questions tulad natin ngayon. Nandun na siya sa punto na buo ang tiwala sa Diyos kasi kilala na niya ang Diyos. Kaya sumunod siya agad sa Diyos. Kung papatayin man si Isaac, kaya ng Diyos na siya’y muling buhayin (Heb. 11:17-19). Kaya sabi ni Abraham sa mga tauhan niya nung malapit na sila sa lugar na paghahandugan, “Maiwan muna kayo dito. Kami muna ng anak ko ang aakyat, pero babalik din kami” (Gen. 22:5). Kami. At nung nagtaka si Isaac bakit walang hayop na gagamitin sa offering, sabi ni Abraham sa kanya, “God will provide” (v. 8). Kaya nung papatayin na niya ang anak niya para ihandog sa Diyos, pinigilan siya ng Diyos, at nag-provide nga ang Diyos ng tupa bilang kapalit ni Isaac. Ang kuwentong ito ay hindi tungkol sa parenting, o pagbibigay ng mga offerings natin. Yung significance nito ay higit pa dun.
The cost of redemption was total, but what God required He provided. The faith of Abraham points us away from Abraham to God, to the God who sees, the God who provides.
God had a further purpose in summoning Abraham to Mount Moriah. He not only desired to test and strengthen Abraham’s faith. He also desired to inform the faith of Abraham, to show Abraham by symbol that God would pay the price of redemption. Abraham was shown Christ’s day; he was taken to the very area where the Temple would later stand, to the very mount where the cross of Calvary would be erected. The Lamb that God would provide would take away sin by the sacrifice of Himself. (Edmund Clowney, The Unfolding Mystery, 60).
Kaya ngayong Holy Week, isipin mo ang ginawa ni Jesus para sa ‘yo. “The Lord will provide” (v. 14). At siya nga ang nagkaloob ng substitute sacrifice para sa atin nang ibigay niya si Cristo para ipako sa krus. Siya na nag-iisang Anak ng Diyos, para tayo’y maging mga anak ng Diyos. Siya na pinakamamahal ng Diyos, para tayo’y makaranas ng pagmamahal ng Diyos. Ganyan katapat ang Diyos sa pangako niya. Kaya kung nahihirapan ka mang magtiwala ngayon sa kanya, o sumunod sa sinasabi niya, remember what Christ has done for you. At habang sa kanya ka nakatingin, titibay ang tiwala mo sa Diyos, lalalim ang commitment mo na sumunod sa kanya.
What then shall we say to these things? If God is for us, who can be against us? He who did not spare his own Son but gave him up for us all, how will he not also with him graciously give us all things? (Rom. 8:31–32 ESV)