[Ang study guide na ito ay translation ng 7-week study guide na Growing One Another: Discipleship in the Local Church na isinulat ni Bobby Jamieson. Ito ay isinalin sa Filipino ni Jodi Parfan.]
GETTING STARTED
1. Ano ang naiisip mo kapag pinag-uusapan ang “discipleship”? Positibo ba o negatibo ang naiisip mong ito?
MAIN IDEA
Ang ibig sabihin ng discipleship ay paglago bilang mga tagasunod ni Jesus at pagtulong sa iba na sumunod din sa kanya.
DIGGING IN
Sa Gospels, tinatawag ni Jesus ang mga tao para iwanan ang lahat at sumunod sa kanya. Basahin nang malakas ang mga talatang ito:
Minsan, naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Nakita niyang naghahagis ng lambat sa lawa ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag ding Pedro, at ang kapatid niyang si Andres. 19 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.” 20 Noon di’y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus. (Mateo 4:18–20 MBB)
Pag-alis ni Jesus doon, nakita niya si Mateo na nakaupo sa tanggapan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo nga si Mateo at sumunod sa kanya. (Mateo 9:9)
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. 25 Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito. (Mateo 16:24–25)
Ang taong nagpapahalaga sa kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, ngunit ang taong hindi nagpapahalaga sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon ng buhay na walang hanggan. 26 Ang naghahangad na maglingkod sa akin ay dapat sumunod sa akin, at saanman ako naroroon ay naroroon din siya. Pararangalan ng Ama ang sinumang naglilingkod sa akin.” (Juan 12:25–26)
1. Base sa mga talatang ito, ano ang ibig sabihin ng pagsunod kay Jesus? Isulat ang lahat ng maiisip mo tungkol dito.
2. Ang pagsunod kay Jesus ba ay nangangahulugang dapat nating iwanan ang ating mga responsibilidad tulad ng ginawa nila Pedro, Andres, at Mateo? Ipaliwanag ang sagot mo mula sa Biblia.
3. Ayon sa mga talatang ito, madali ba ang pagsunod kay Jesus?
Sa nakaraang pag-aaral natin, napag-usapan natin ang katotohanang walang isa man sa atin ang perpekto. Lahat tayo ay kailangang lumago bilang mga tagasunod ni Jesus. Kahit noong tayo ay maniwala sa Mabuting Balita, hindi tayo tunay na tagasunod ni Jesus kung tayo ay “nagpasya” o “nagdesisyon” lang na isuko ang buhay sa kanya pero wala namang naging pagbabago sa atin.
Ang pagiging Cristiano o tagasunod ni Jesus ay nangangahulugang palagian tayong nagsisisi at humihingi ng tawad sa ating kasalanan, pinaglalabanan ito, at nagsisikap na lumago sa pagkakatulad kay Cristo. Katulad ng sinasabi ni Pedro, “Sa halip, patuloy kayong lumago sa kagandahang-loob ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, at sa pagkakilala sa kanya.” (2 Ped. 3:18). Ang pagiging tagasunod ni Jesus ay patuloy na paglago sa pagsunod kay Jesus.
Tingnan natin ang isa pang talata sa Biblia na nagbibigay ng linaw sa discipleship. Sa huling bahagi ng aklat ng Mateo, binigyan ni Jesus ang 11 disciples ng tagubilin na tinatawag na Great Commission. Sabi dito,
Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. 19 Kaya’t humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. 20 Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.” (Mateo 28:18–20)
4. Ano ang sinabi ni Jesus na ibinigay na sa kanya (v.18)? Ano ang dapat nating maging tugon dito?
5. Ano ang iniutos na Jesus na gawin ng kanyang mga disciplies? Paano nila ito gagawin (vv. 19–20)?
6. Sa palagay mo ba ang talatang ito ay para din sa mga mananampalataya ngayon, o para lamang ito sa 11 disciples? Ipaliwanag ang iyong sagot mula sa talata.
7. Anong encouragement o pampalakas ng loob ang ibinigay ni Jesus sa atin sa gawaing ito ng pagtuturo sa iba na sumunod din kay Jesus (v. 20)?
8. Ano ang mga bagay na maaaring magpahina ng loob natin sa pag-akay sa iba sa pagsunod kay Jesus? Sa mga pagkakataong iyon, paano makakatulong sa atin ang pangako ni Jesus na palagi natin siyang kasama?
9. Karaniwan nating ginagamit ang talata ito kapag pinag-uusapan ang cross-cultural missions o pag-abot sa mga ibang lahi. Tiyak na iyon ang iniuutos ni Jesus dito pero iyon lang ba ang application ng talatang ito? Ano sa palagay mo?
Nakita natin sa talatang ito na dapat sumunod sa lahat ng kanyang utos ang mga disciples ni Jesus. Kasama dito ang paghayo at pagtuturo sa iba na sumunod din sa kanya. Ibig sabihin nito, lahat ng disciples ni Jesus ay kikilos para ang ibang tao ay maging tagasunod din ni Jesus. Gagawin natin ito sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Mabuting Balita sa kanila. At para sa mga magtitiwala kay Jesus, tuturuan silang sumunod sa lahat ng iniutos niya.
Ang pagiging tagasunod ni Jesus ay pagtulong sa iba na lumago bilang mga tagasunod ni Jesus.
10. Naipapamuhay mo ba ang pagiging tagasunod ni Jesus sa bawat bahagi ng iyong buhay? Anong bahagi ng buhay mo ang nahihirapan kang sumunod kay Jesus?
Ito ang isang praktikal na paraan para matugunan mo ang naunang tanong. May kakilala ka bang isang mananampalataya na nagpapakita ng pagsunod kay Jesus sa bahaging iyon na nahihirapan ka?Kung gayon, tanungin mo siya kung maaari kang tulungan at turuang makasunod kay Jesus sa aspetong ito. Disenyo ng Diyos na tayo ay lumago sa tulong din ng iba. Kung wala ay magtanong-tanong ka sa church n’yo hanggang may makita kang godly example sa bahaging ito.
11. Tinuturing mo ba na normal na bahagi ng pagsunod kay Jesus ang pagtulong sa ibang lumago bilang tagasunod ni Jesus? Sa anong paraan maiimpluwensiyahan nito ang mga sumusunod:
- Ang paggamit mo ng oras sa araw-araw?
- Ang paghahanda mo sa lingguhang worship service?
- Ang mga ordinaryong pakikipag-usap sa mga kaibigan?
- Ang iba pang mga bahagi ng buhay?
Teacher’s Notes
Digging In
1. Base sa nakita natin sa mga talatang ito, ang pagsunod kay Jesus ay nangangahulugang:
- Pagsunod kay Jesus (Mateo 4:19–20)
- Pagtatakwil sa sarili (Mateo 16:24)
- Pagpasan ng sariling krus; iyon ay pagiging handang sumunod kay Jesus hanggang kamatayan (Mateo 16:24)
- Paglilingkod kay Jesus (Juan 12:25–26)
2. Ang pagsunod kay Jesus ay hindi nangangahulugang dapat nating iwanan ang ating mga trabaho at ibang mga responsibilidad gaya ng mga unang disciples (1 Cor. 7:17–24). Katunayan, ang pagsunod kay Jesus ay nangangahulugang dapat tayong maging responsible at tapat sa anumang calling at responsibilities na ibinigay sa atin ng Panginoon (tingnan ang Colosas 3:18–4:1 bilang halimbawa).
3. Ayon sa mga talatang ito, lubhang napakahirap ng pagsunod kay Jesus. Dapat nating itakwil ang ating mga sarili, sumunod sa kanya kahit gaano kahirap, at maging handing ibigay maging ang ating buhay para sa kanya. Ganoon pa man, ang biyaya ng Diyos ang magbibigay sa atin ng kakayahang sumunod kay Jesus at nagpapanumbalik sa atin kapag tayo ay mabigo.
4. Sabi ni Jesus na lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa ay ibinigay na sa kanya (v. 18). Hinihingi nito ang pagpapasakop natin sa kanya at pagsunod sa lahat ng kanyang itinuturo.
5. Iniutos ni Jesus sa kanyang disciples na humayo at gumawa ng marami pang tagasunod niya. Dapat nilang gawin ito sa pamamagitan ng:
- Pagbabautismo sa mga taong nagsisisi sa kanilang mga kasalanan at nagtitiwala kay Cristo. Ang bautismo ay simbolo ng pakikipag-isa kay Jesus sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay at pagpapahayag din ng mabuting balitang ito.
- Pagtuturo sa kanila na sumunod sa lahat ng iniutos ni Jesus (vv. 19–20).
6. Ang talatang ito ay para din sa mga mananampalataya ngayon, hindi lamang sa unang 11 disciples. Ang pinakamatibay na dahilan nito ay ang utos sa mga disciples na turuan ang mga bagong disciples na sumunod sa lahat ng iniutos ni Jesus, kasama na ang utos na ito na tulungan ang ibang maging tagasunod din ni Jesus! Kaya isa sa mga dapat gawin ng lahat ng disciples ni Jesus ay sikaping tulungan ang ibang maging tagasunod din ni Jesus.
7. Ang encouragement o pampapalakas ng loob na ibinigay ni Jesus ay ang pangako na siya ay makakasama natin hanggang sa katapusan ng panahon (v. 20).
8. Maaaring magkakaiba ang sagot.
9. Maaaring magkakaiba ang sagot, pero ang pangunahing katotohanan ay ang talatang ito ay para sa ating lahat – hindi lang para sa mga nasa full-time ministry o nagmimisyon sa ibang kultura. Lahat tayo ay tinawag na maging disciples, kaya lahat tayo ay tinawag na ibahagi ang ebanghelyo at tulungan ang iba na maging matatag sa kanilang pananampalataya.
10–11. Maaaring magkakaiba ang sagot.