Sermon: “I will Rejoice in the Lord” (Hab. 3:16-19)

Okay Lang Kung Di Tayo Okay Ngayon

Nandito tayo ngayon in a virtual space online. We gather, nagtitipon tayo ngayon for our Sunday worship service. But wait. We’re not really gathering. Di naman talaga tayo nagtitipon. Hiwa-hiwalay tayo. Nasa kanya-kanyang bahay. And some of you are watching a replayed or delayed version of this broadcast. While we are grateful to God kasi naimbento ang ganitong digital technology at binigyan tayo ni Lord ng privilege to make use of this wonderful tool, kaso simula pa kahapon, I am feeling a deep sense of sadness kasi hindi naman ‘to normal sa atin. Kahit sabihin pa nilang this is the new normal. We live in abnormal times. Okay lang malungkot. Dapat lang malungkot. Kasi di tayo nakakapag-assemble together. Yung iba nating kasama dati di nga natin makita sa “virtual space” na ‘to. Di natin marinig. Di natin mahawakan. Nakakalungkot. Nakaka-miss yung ginagawa natin dati as a church. I’m still not comfortable doing this in front of a camera. And I don’t want to be comfortable doing this. What we have, what we are doing every Sunday, and every time we gather is irreplaceable. This is a weak substitute.

Ginagawa ko ‘to, preaching to you right now, kasi naniniwala ako sa power of the Word of God preached, even with this kind of medium. Pero yung mga times na walang preaching, yung mga times na tahimik lang, naghihintay lang, powerfully ginagamit din ni Lord to create in our hearts a deeper longing and a greater appreciation para sa church natin, para sa Word of God, para sa pagsamba na ginagawa natin, especially lately when we’re singing together. Oh how I miss singing with you! 

Kayo, kumusta kayo? Ano ang nararamdaman n’yo ngayon? I hope you’re doing okay. Yung mga families na naka-video chat ko lately okay naman daw sila. Pero okay lang din na aminin natin na di tayo okay. Di naman talaga okay yung nangyayari ngayon. Siguro yung iba sa inyo nalulungkot din na kagaya ko. Kasi miss na miss n’yo na rin ang church natin. Yung iba siguro feeling lonely, kasi malayo kayo sa asawa n’yo, o sa mga anak n’yo. Yung iba feeling anxious, nag-aalala ka kasi di mo alam kung hanggang kelan aabutin ang pera n’yo na panggastos sa pamilya.

Yung iba feeling impatient, ang tagal naman nitong quarantine na ‘to. Kelan ba ‘to matatapos, nakakainip na. Yung iba feeling frustrated, you tried doing new things pero di mo magawa nang maayos. Gusto mo maging productive, pero nakakatamad kumilos ngayon, ni hindi ka nga makalabas. Yung iba naman naiinggit sa iba, sa mga nakikitang posts sa social media. Yung iba feeling n’yo spiritually dry kayo. Di n’yo feel magbasa ng Bibliya o magpray nang mas mahaba, bakit yung iba parang mas naging intimate kay Lord bakit ako hindi, tanong mo sa sarili.

Journey with Habakkuk and His God

We are all dealing with pain at different levels nga lang. Ito yung reason kaya we started studying Habakkuk three weeks ago. Last part na ‘to. At sa journey natin nakita natin, naramdaman natin ang matinding level of pain din ni Habakkuk. Damang-dama natin ang struggle niya sa puso niya. Di niya itinatago at sinasabi niya sa Diyos. What is the point of hiding it from God anyway? Sabi niya, “Lord, gano katagal bago ka sumagot? Bago may gawin ka sa nangyayari sa bansa namin? Bakit ang tahimik mo? Bakit parang binabalewala mo ang nangyayari?”

Yung mga ganitong prayers ay tinatawag na “lament” – defined by Mark Vroegop as “a prayer in pain that leads to trust.” Prayer in pain. Tulad sa panahon natin ngayon, ang daming struggles, ang haba ng paghihintay natin, pero ginagamit ni Lord to build our faith in him. Yung lament “leads to trust.” Kaya sinabi din ni Lord kay Habakkuk, “Maghintay ka. The righteous shall live by faith.” So, we lament what is happening in our world, we listen to God’s word, we look to what God is doing in the world, we lean to his promises, we look forward to what he will do, kung paano niya sosolusyunan itong napakalaking krisis na kinakaharap natin ngayon. 

May ginagawa siya. May gagawin siya. Kumpiyansa tayo sa kanya. Ganito rin naman karaniwan yung mga psalms of lament. Tulad ng Psalm 13. Matapos yung daing niya na “How long, O Lord? How long?” (vv. 1-2), sabi niya sa dulo, “But I have trusted in your steadfast love; my heart shall rejoice in your salvation. I will sing to the Lord…” (vv. 5-6). Sa Psalm 55 ganun din. Matapos niyang sabihing, “Kumakabog ang dibdib ko sa takot na akoʼy mamatay. Nanginginig na ako sa sobrang takot” (vv. 4-5 ASD). Sa ESV, “My heart is in anguish within me; the terrors of death have fallen upon me. Fear and trembling come upon me, and horror overwhelms me.” Sabi niya sa v. 23, “But I will trust in you.” 

Ganyan din si Habakkuk. Matapos siyang mag-express ng complaints niya sa Panginoon, not just once (Hab. 1:2-4) but twice (Hab. 1:12-17), matapos ding sumagot sa kanya si Lord not just once (Hab. 1:5-11), but twice (Hab. 2:2-20), in-express niya yung faith, sinabi niyang maghihintay siya (2:1), and then dito sa chapter 3, nakasulat ang prayer niya, yung song of confidence niya sa Panginoon. Matapos yung prayer of praise and petition niya sa v. 2, “in wrath remember mercy,” nagspend siya ng mahabang time sa prayer of recollection, vv. 3-15. Inaalala niya yung ginawa ni Lord in the past, at ito ang nagbibigay ng hope sa kanya sa problemang kinahaharap at kakaharapin nila. 

Ito rin ang strategy in dealing with pain ni Asaph sa Psalm 77: “Panginoon, aalalahanin ko ang inyong mga gawa. Gugunitain ko ang mga himalang ginawa nʼyo noon. Iisipin ko at pagbubulay-bulayan ang lahat ng inyong mga dakilang gawa. O Dios, ibang-iba ang inyong mga pamamaraan. Wala nang ibang Dios na kasindakila ninyo” (ASD).

Dito sa text natin sa Habakkuk 3:16-19, ganito rin ang ending niya, a prayer expressing his renewed trust and confidence in God. Ibang-iba na ito sa tono niya sa simula. At ito ang prayer ko para sa ating lahat. Na anuman yung pain na nararamdaman natin ngayon, di man ‘yan mawala agad o tuluyang mawala, may our faith in God and his word deepen, mas lumalim pa, mas tumibay pa, in this season of waiting. Tulad ni Habakkuk. 

Time to Rest during Times of Trouble (Hab. 3:16)

“Narinig kong lahat ito at ako’y nanginig;nangatal ang aking mga labi dahil sa takot.Nanghina ang aking katawan,at ako’y nalugmok.Tahimik kong hihintayin ang takdang panahonng pagpaparusa ng Diyos sa mga umapi sa amin.” (MBB)

“Narinig kong lahat ito…” “I hear…” Probably yung binabanggit niya dito yung mga sinabi ni Lord sa kanya, kasama rin yung mga recollection niya ng works ni God in the past. Yun bang parang merong flashback sa isip mo, tapos akala mo nandun ka talaga sa time na yun. O yung parang nanaginip ka, and you feel it is so real. Apektadong apektado ka nung nakita mo. Yung buong pagkatao ni Habakkuk nagreact. Yung katawan niya “nanginig”, yung labi niya “nangatal” o nangatog, yung mga buto niya “nanghina” na para bang nabubulok na, wala nang lakas, yung mga tuhod niya “nangangatog.”

For us to have this kind of feeling, feeling natin negative, negative naman talaga yung ganyang expressions. But in light of God’s impending judgment to Judah, in light of the terrible things na gagawin din ng Diyos sa Babylon, how could you not feel that way? Mas may problema ka nga kung di ka apektado, wala kang paki, manhid ka. So, it is okay to feel this way. But it is not okay kung mananatiling ganyan ang feeling mo. We must respond rightly.

Yung iba kasi, sasabihin, “Ang lupit naman ng Diyos. Di ganyan ang Diyos na sasambahin ko. My God is a God of love.” Yung iba naman, totally neglectful sa Diyos at sa gawa niya. Pero iba si Habakkuk. “Yet…” sabi niya. Paano daw siya nagrespond sa pinakita sa kanya ni Lord, kahit sobrang overwhelmed siya?  “Tahimik kong hihintayin ang takdang panahon ng pagpaparusa ng Diyos sa mga umapi sa amin.” “Yet I will quietly wait…” Instead of feeling pressured, o mataranta, o maaligaga kung anu-ano ang dapat niyang gawin dahil sa burden ng ipinakita sa kanya ni Lord, he chose to rest. Pahinga lang. Relax lang. Tahimik lang.

Sabi naman ni Lord, “Let all the earth keep silent” (2:20). Sabi niya kay Habakkuk, “Wait for it…live by faith” (2:3-4). Sabi niya, “Look…see…be amazed” (1:5). Okay, Lord. Yan ang sabi mo. Yan ang gagawin ko. Yan, wala muna akong gagawin. Kasi ikaw ang gagawa. Terrible things will happen sa Judah, pero God’s justice will prevail in the end, they will experience God’s salvation. Kumpiyansa kasi siya sa Diyos kaya nasabi niyang “I will quietly wait…”

Tayo naman, naririnig din natin ngayon ang salita ng Diyos sa atin in light of what is happening around us. How will you respond? Restless ka ba o resting in God’s presence? Nagiging impatient ka na ba at reklamo nang reklamo o patiently waiting sa pagsagot ni Lord sa prayers natin? Tahimik ka lang ba o kung anu-ano na ang sinasabi mo? Nagiging malapit ka ba sa Diyos o nagiging malamig pa ang relasyon mo sa kanya?

Yung sagot mo sa mga tanong na ‘yan ay nakadepende kung ang relasyon mo sa Diyos ay nakadepende sa mga circumstances mo sa buhay. Baka kasing yung Christianity mo ay transactional. Parang tulad ng ibang relasyon ng mag-asawa. Nangako nga sila na “in sickness or in health, for richer or for poorer, for better or worse,” nung dumadami na ang problema, nanlamig na rin ang relasyon sa isa’t isa. Ganyan ba ang relasyon natin sa Diyos? Nakadepende sa sitwasyon? E di pabagu-bago din? Pag maraming blessings, nagiging mas masaya at worshipful. Pero kung puro sufferings na, ubos na rin ang saya at malamig na sa pagsamba sa Diyos. 

Ang laki ng matututunan natin sa resolve at determination ni Habakkuk na hindi ang sitwasyon niya ang paghuhugutan niya ng kanyang joy and faith.

Kahit Ano’ng Mangyari! (3:17) 

“Bagama’t di namumunga ang puno ng igos at hindi rin namumunga ang mga ubas, kahit na maantala ang pamumunga ng olibo at walang anihin sa mga bukirin, kahit na mamatay lahat ang mga tupa at mawala ang mga baka sa kulungan” (MBB).

Pagtatanim at pag-aalaga ng hayop ang normal way of life naman nila, yun ang ikinabubuhay ng marami. So yun ang sinabi dito ni Habakkuk na sitwasyon. Gaano man kalala ang sitwasyon ngayon, kahit mas lumala pa ang sitwasyon bukas. Nananatiling buo ang loob niya. Hindi niya lang sinabi dito na kung mabawasan ang bunga o ani nila, o mamatay ang ilan sa mga alaga nilang hayop. Ang sabi niya, kahit mawala na ang lahat. Kahit walang-wala na. Tulad din ng naranasan ni Job. “The Lord gave, the Lord has taken away. Blessed be the name of the Lord” (Job 1:21). 

Paano mo masasabi ‘yan sa panahon ngayon? Madali namang sabihin na nagpapasalamat tayo kay Lord, na masaya pa rin tayo, na okay pa rin kahit naka-quarantine. Nabawasan ang income. Di na nagagawa yung dating ginagawa. Pero siguro mas madadama natin itong sinasabi ni Habakkuk kung papalitan natin yung mga words ng mas malapit sa karanasan natin.

Paano kung wala nang trabaho? Paano kung bumagsak na ang negosyo?Paano kung wala nang kinikita? Paano kung wala nang makain? Paano kung wala nang dumating na relief? Paano kung wala nang pamilyang nakasuporta? Paano kung wala nang asawa? Paano kung nagkaloko-loko na ang buhay? Paano kung nagkagulo na ang buong mundo? Paano kung ikaw na ang nagkasakit at nakatubo na sa ospital? Paano kung mahal mo na sa buhay ang mamatay?

Diyan masusubok kung saan ba nakatali ang kasiyahan natin sa buhay. Kung mas okay tayo kumpara sa iba, madaling sabihing okay and we’re doing good. Pero paano kung walang-wala na?

“Yet I Will Rejoice in the Lord” (3:18)

Oh, sana masabi rin natin, tulad ni Habakkuk, “Magagalak pa rin ako at magsasaya…” (MBB). Ha? Ano ka baliw? Umiyak ka, buti pa. Malungkot ka, maiintindihan pa natin ‘yan. “Yet I will rejoice in the LORD; I will take joy in the God of my salvation” (ESV). Sa CSB nga, “I will celebrate.” Paano ka nga magpa-party wala ka namang panghahanda? Joke ba ‘yan, Habakkuk? Haba-joke? “Yet…” Kasi hindi natural sa tao ‘yan. This joy is supernatural. A fruit of the Spirit sa ating mga Christians. Work ng Holy Spirit sa heart natin, yes. Pero kailangan din nating magkaroon ng personal at deliberate decision on our part kung saan ba nakakabit o naka-angkla yung ganung klaseng joy.

Yung joy kasi yung feeling mo na satisfied ka, full ka pa rin kahit empty na yung bank account, busog ka pa rin kahit na kumakalam ang sikmura mo, malakas ka pa rin kahit na nanghihina ka. Hindi ang naman niya kasing sinabing “magagalak ako…” Ang sabi niya, “I will rejoice (nasaan ang joy niya?) in the Lord; I will take joy (saan yun? paano yun?) in the God of my salvation.”

Our joy is so small, so fickle, madaling mawala, kasi di natin ganun kakilala ang Diyos. There are still idols in our heart na inaakala nating makapagbibigay sa atin ng joy. Kung marami lang sana tayong pera, kung okay lang sana ang pamilya natin. Oh, this pandemic is exposing the idols of our hearts. Ipinapakita ng Diyos na wala nang ibang makapagbibigay ng satisfaction sa heart natin maliban sa kanya. God has created in our hearts a God-sized void that only God can fill through Jesus Christ, sabi nga ni Blaise Pascal.

Take note, hindi lang dinescribe ni Habakkuk yung present feeling niya, “I rejoice, o I am rejoicing.” Sabi niya, “I will rejoice.” This is a resolution, determinasyon na kahit ano ang mangyari in the future. Things will get worse, alam niya ‘yan, but he will keep on rejoicing no matter what. Hindi niya sinabing I will rejoice kasi matatapos din yan. Thing will go back to normal, makakabangon din. Ganyan kasi mga Filipinos. Positive thinker. Mawawala din ang virus, babawi din ang stock market. Makakabayad din ng bills.

It is good to be optimistic. Pero dapat realistic din tayo. Expect what is best, but prepare for the worst. Kailangan natin ng assurance, yung hope na naka-anchor sa truth of God’s word hindi yung positive thinking lang, wish lang. Yun lang naman kasi ang makapagbibigay sa atin ng anchor for our joy. Magkasakit ka man, mamatay ka man o isa sa mahal mo sa buhay, yes merong time to weep, pero temporary lang, yung joy na nasa atin dahil kay Cristo ang mananatili. 

Ito rin naman ang sabi ng Panginoong Jesus. Kahit na persecuted ka, pagsalitaan ka ng masama, “Blessed” o “happy” ka, “Rejoice and be glad…” (Matt. 5:10-12). Sinabi niya sa mga disciples niya na makakaranas sila ng “sorrows” sa mundong ito, “but your sorrow will turn into joy.” At kapag nakita nila ulit si Jesus, “your hearts will rejoice, and no one will take your joy from you” (John 16:20-22).

Because of Christ, “we rejoice in our sufferings” (Rom 5:2), sabi ni Paul. We “rejoice in God through our Lord Jesus Christ” (v. 11). Kahit na mahirap ang buhay, “we rejoice in hope” (12:12). Paulit-ulit din sinasabi ni Paul sa mga sulat niya sa mga kapatid kay Cristo, “Rejoice” (2 Cor 13:11). Kasi kahit siya nakalockdown siya sa kulungan, nasasabi niyang “I rejoice. Yes, I will rejoice” (Phil 1:18). Kahit na alam niyang papatayin na siya, sabi pa niya, “I am glad and rejoice with you all. Likewise you also should be glad and rejoice with me” (2:17-18). Kahit anong mangyari, “Rejoice in the Lord…Rejoice in the Lord always; again I will say, rejoice” (3:1; 4:4). Kahit na hirap na hirap na siya sa ministry sa church in preaching the gospel, “I rejoice in my sufferings for your sake” (Col 1:24). “Rejoice always” (1 Thess 5:16).

Si Pablo lang ba ‘yan? Si Pedro rin sabi sa suffering Christians na sinulatan niya, “In this you rejoice, though now for a little while, if necessary, you have been grieved by various trials” (1 Pet 1:6). “Beloved, do not be surprised at the fiery trial when it comes upon you to test you, as though something strange were happening to you. But rejoice insofar as you share Christ’s sufferings, that you may also rejoice and be glad when his glory is revealed” (4:12-13).

My Salvation and My Strength (3:18-19)

Kahit paulit-ulit nating marinig itong mga utos na ‘to “to rejoice” aware tayo na we cannot command our hearts to produce this kind of joy in times of great loss and suffering. Merong pinaghuhugutan. Saan tayo humuhugot ng ganitong klaseng joy? Hindi lang “rejoice always” ang sinasabi dito, but “rejoice in the Lord.” In the Lord. Ang Diyos ang pinaghuhugutan tulad ni Habakkuk. “I will rejoice in the Lord; I will take joy in the God of my salvation” (Hab 3:18).

In the LORD. Kay Yahweh. Sa Diyos na nakipagtipan sa kanila at nangako, “I will be your God and you shall be my people.” Kahit sa haba ng panahon na naging unfaithful ang Israel, nanatiling tapat ang Diyos sa kanyang pangako. Great is his faithfulness. Hindi nagbabago ang Diyos ni Habakkuk. At siya ring Diyos natin ngayon. Kung ang joy mo ay nasa Panginoon, naka-angkla sa kanya, nakataga sa Bato, magbago man o lumala ang sitwasyon mo, your joy will remain kasi ang Diyos hindi nagbabago.

The Lord is “my salvation.” Sinabi ni Habakkuk noon, masasabi rin natin ngayon. Yung “my salvation” galing sa Hebrew na yesha. Diyan din galing ang pangalan ni Jesus, Yeshua. Yan ang ipapangalan sa kanya sabi ng anghel kay Maria, “You shall call his name Jesus, for he will save his people from their sins” (Matt 1:21). Pinagaling niya ang maysakit, pinakain ang mga nagugutom, binuhay ang patay. Pero hindi niya yan ginawa para sa lahat. He did that to demonstrate his authority as King, at ipakita ang power of the kingdom sa pagdating niya. But his ultimate mission is to preach the gospel, at yung gospel na yun ay siya mismo leading to his cross. He died for our sins, inilibing, muling nabuhay (1 Cor 15:3-5). Yung pinakamalalang virus na nakakapit at sumisira sa buhay ng lahat tao – yung kasalanan yun. At mula sa kasalanan iniligtas tayo ni Jesus para mailapit tayo sa Diyos (1 Pet 3:18).

Hindi niya ipinangako na ililigtas niya tayo sa mga sakit ngayon, na hahanguin niya tayo sa mga financial problems ngayon, na pipigilan niya ang pag-collapse ng ekonomiya, na aayusin niya ang gulong nangyayari sa mundo ngayon. Pwede niyang gawin, kaya niyang gawin, and ginagawa niya in some instances. Pero ang ipinangako niya, he will give us the strength to endure anumang sufferings na darating sa atin. So we can have his joy, tulad ni Habakkuk. Hindi lang the Lord is “my salvation.” “GOD, the Lord (Yahweh, Adonai) is my strength” (Hab 3:19).

Pag narinig at nakita mo nga naman ang nangyayari sa buong mundo ngayon, nakakapanghina. Pero si Habakkuk nananatiling sa Diyos nakatingin, sa Diyos humuhugot ng lakas. “Pinalalakas niya ang aking mga paa na tulad ng mga paa ng usa, upang makaakyat ako sa matataas na lugar” (ASD). Mas tataas din ang antas ng kagalakan natin kung huhugutin natin ang kalakasan natin sa Panginoon. Tulad ni David. Pagod na pagod na sa kakahabol sa kanya ni Saul. Dinakip pa ng mga kaaway yung pamilya niya, at siya pa sinisisi ng mga tao sa nangyari. “And David was greatly distressed, for the people spoke of stoning him, because all the people were bitter in soul, each for his sons and daughters. But David strengthened himself in the Lord his God” (1 Sam 30:6). Tulad din ni Asaph. Muntik na siyang bumagsak at tuluyang manghina (Psa 73:2). “My flesh and my heart may fail, but God is the strength of my heart and my portion forever” (v. 26). 

Si Cristo ang ating kaligtasan. Si Cristo ang ating kalakasan. Si Cristo ang ating kagalakan. Mawala man ang lahat, mananatiling nasa atin si Cristo at tayo ay nasa kanya. “Your life is hidden with Christ in God…Christ…is your life…Christ is all” (Col 3:4, 11). Si Cristo ang lahat-lahat sa atin. Malalaman lang natin yun kung mawawala ang lahat-lahat sa atin. “You will only realize that Christ is all you need when Christ is all you have” (Tim Keller). Malaki man ang mawala sa atin ngayon, o mangyari mang walang-wala na tayo, and eventually lahat naman ng meron tayo ngayon mawawala din sa atin, masasabi natin, makakaawit din tayong tulad ni Habakkuk:

Hallelujah! All I have is Christ
Hallelujah! Jesus is my life

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.