“The Salvation of Your People” (Hab. 3:8-15)

Sentimentalities in Suffering?

Second to the last part na tayo ng study natin sa Habakkuk. Dito sa last chapter, we are taking a look sa prayer ni Habakkuk (Hab 3:1). Take note na it is possible na ginamit din itong song, nilapatan ng music para gamitin sa worship life ng mga Judio (Hab 3:19). It is good to pray, it is good to sing during times of suffering, including this pandemic na meron tayo ngayon dahil sa coronavirus. Pero mahalaga rin yung content ng prayers natin at siyempre yung desires ng heart natin na nagda-drive ng mga prayers na yun. Kasi mas natural sa atin na gusto natin ng comfort, gusto nating mag-end na hindi lang itong quarantine na extended pa nga, but also yung mga sufferings natin gusto nating mag-end. Pero hanggang nandito tayo sa buhay na ‘to, sufferings are inevitable, lalo na sa ating mga Christians (Phil 1:29). 

Itong si prophet Habakkuk, matindi na nga yung dinadaing kay Lord dahil sa chaos na nangyayari sa society ng Judah. Then sa pakikipag-usap niya sa Diyos, napag-alaman niyang hindi “the best is yet to come” but “the worst is yet to come for them.” Hala. Lalala pa pala ang sitwasyon nila dahil sa parating na kalupitan at karahasan ng Babylon. But here in chapter 3, maybe true to his name (Habakkuk means “embrace”), niyayakap din niya ang Diyos, ang karakter ng Diyos, ang mga layunin ng Diyos. Hindi lang yung sentimental views of God, but God in his fullness, the fullness of his glory, yung mga rock-solid truths about him. Wrath and mercy, judgment and salvation. Kaya siya nagpupuri sa Diyos at kaya rin siya nagpray, “In wrath remember mercy” (Hab 3:2).

Sa vv. 3-15, nagkaroon siya ng longer recollection. At tingnan n’yo yung mga verses, yung mga words about God – anger, wrath, indignation, fury. Heto yung mga tema na di natin gaanong mapapansin sa mga worship songs natin ngayon. Bakit kaya? Siyempre one reason ay mas gusto natin yung mga tema about the love, grace and mercy of God. And when we talk about the gospel, expression naman talaga yun ng love ng Panginoon. But we forget that the cross is also an expression of God’s wrath against sin. On the cross, si Cristo ang naging “propitiation” (Rom 3:25), he was “put forward as a propitiation by his blood.” Siya ang pumawi ng galit ng Diyos, he satisfied the justice of God (Rom 3:26). Yung prayer na “in wrath remember mercy” beautifully answered by God sa cross.

Meron lang ilang mga songs na exemption sa general trends ng mga songs ngayon. Tulad ng “In Christ Alone”: 

In Christ alone who took on flesh
Fullness of God in helpless babe
This gift of love and righteousness
Scorned by the ones He came to save
Till on that cross as Jesus died
The wrath of God was satisfied
For every sin on Him was laid
Here in the death of Christ I live.

Tulad din ng “Gethsamane Hymn”: 

No words describe the Saviour's plight
To be by God forsaken
Till wrath and love are satisfied
And every sin is paid
And every sin is paid.

Tulad din ng “The Power of the Cross”: 

This is the pow'r of the cross
Christ became sin for us
Took the blame, bore the wrath
We stand forgiven at the cross. 

We remember, we pray, we sing the gospel, God’s answer sa prayer ni Habakkuk: “in wrath remember mercy”. The cross is both a display of God’s great mercy in saving sinners, and God’s terrible wrath in judging sin.

“In Wrath Remember Mercy”

Nung nagpray si Habakkuk for God to “remember”, hindi ibig sabihing pinapaalalahanan niya si Lord as if nakakalimot siya. Tulad ng mga anak natin, kapag sinabi sa atin, “Di ba sabi mo…?” Then we felt guilty kasi nakalimutan natin, kailangan pa nilang ipaalala. Siyempre God is not like that. Naalala din siguro ni Habakkuk kung response ni Lord sa suffering ng Israel sa Egypt, nung dumaing din sila kay Lord. “And God heard their groaning, and God remembered his covenant with Abraham, with Isaac, and with Jacob” (Exodus 2:24 ESV). Sabi niya kay Moses, “Moreover, I have heard the groaning of the people of Israel whom the Egyptians hold as slaves, and I have remembered my covenant” (Exodus 6:5 ESV). When Habakkuk asked God to remember, he was holding on to God’s promise to save his people, claiming God’s faithfulness to his covenant.

Pero when we move to Hab 3:3-15, he’s no longer asking. Ang ikli lang ng request niya. Ngayon it is Habakkuk’s turn to remember. Hindi ang Diyos ang nagkaka-amnesia. Tayo ang madalas makalimot. Forgetting who God is and what he has done leads us to despair, mas lalo pa tayong made-depress. But remembering gives us hope. Tulad ni Jeremiah, na naging contemporary din ni Habakkuk, sa bigat ng mga dinadaing niya sa Diyos, sabi niya, 

“Simpait ng apdo ang alalahanin sa aking paghihirap at kabiguan. Lagi ko itong naaalaala, at ako’y labis na napipighati. Gayunma’y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag naalala kong: Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo’y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo’y napakadakila. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala” (Lam. 3:19-23).

Dito sa Habakkuk 3:3-7 na focus natin last time, mas nagfocus tayo sa reflection about wrath and judgment of God na inaalala ni Habakkuk, na nagiging cause of fear and trembling and awe sa kanya. Ngayon naman sa vv. 8-15, yung mingling na ng wrath and mercy, yung hope na binibigay nito sa mga anak ng Diyos na equally deserving din ng parusa ng Diyos dahil sa kasalanan nila. Kitang-kita ito sa kasaysayan ng Israel. Lalo na yung exodus from Egypt sa time ni Moses at yung conquest ng Canaan sa time ni Joshua. 

Aside from historical references, merong ding vision or picture of God here as a divine warrior. Ito rin naman ang sinabi niya sa Israel bago sila tumawid sa Red Sea, “The Lord will fight for you, and you have only to be silent” (Exod 14:14). Ganun nga ang nangyari. Nahati ang dagat. Nakatawid sila. Patay ang mga kalaban nila. So, umawit sila at sinabing, “The Lord is a man of war. The Lord is his name” (Exod 15:3). 

Ang Diyos ang aktibong lumalaban para sa kanila. Hindi ang Diyos ang kalaban nila. Ang Diyos ang kakampi nila. Pansinin n’yo yung mga active verbs dito sa vv. 8-15, ang Diyos ang Bida sa Kuwento ng Israel, “You rode…(Hab. 3:8); You stripped…you split (9); your arrows…your spear (11); You marched…you treshed… (v. 12); You went out…you crushed (13); You pierced (14); You trampled (15).” 

Why is this important for Habakkuk? Kung paanong ang Diyos ang nakipaglaban sa kanila in the past, gayundin naman siya ang makikipaglaban para sa kanila versus Babylon. Yes, for a brief period, for 70 years, mararanasan nila yung suffering at the hands of Babylon. Pero ibubuhos ng Diyos ang galit ng parusa niya sa Babylon, ibabagsak sila ng Persia, at babalik ang mga Judio sa lupain nila. “For the Lord will not cast off forever, but, though he cause grief, he will have compassion according to the abundance of his steadfast love” (Lamentations 3:31-32 ESV; cf. Isa 45:7; Amos 3:6; Job 1:20-21).

Tatlong beses din ginamit yung term na “Selah” (Hab. 3:3, 9, 13). Though unsure tayo sa exact meaning niyan, it can be a clue or a call sa hymn na pause, to reflect. Kapag nakita ni Habakkuk ang gawa ni Lord, mamamangha siya (Hab 1:5). At ang invitation ng Diyos sa buong mundo, “Be silent” (Hab 2:20). So, as we reflect on these verses, may we remember what God has done, and worship, and may our confidence in him increase as we face our sufferings today.

Israel’s Divine Warrior

Nagagalit ba kayo dahil sa mga ilog, O Yahweh?
Ang mga dagat ba ang sanhi ng inyong poot?Nakasakay kayo sa inyong mga kabayo,at magtatagumpay na lulan ng iyong karwahe,habang pinagtatagumpay ninyo ang inyong bayan.
(Hab. 3:8)

Image ito ng Diyos na isang mandirigma na nakasakay sa karwahe, “on your chariot of salvation.” Yes, God is mighty to save Israel during the exodus, but equally he is also mighty in judgment against Egypt. Kaya paulit-ulit na question ni Habakkuk, implied answer na Yes!, “Was your wrath against the rivers, O Lord?…your anger…? …your indignation…? From the perspective ni Pharaoh at ng mga sundalo niyang nakasakay sa chariots, nakakapanginig naman talaga sa takot na makita ang dagat na nahati at sa pagtawid nila ay unti-unting bumabagsak at natatabunan sila. Pero yung mga Israelites, led by Moses, nakakapangilabot din na makita na nahati ang dagat at sila na naglalakad sa tuyong lupa at parang malaking pader ang mga tubig sa kanan at kaliwa nila. 

Binunot ninyo sa suksukan ang inyong pana,at inihanda ang inyong mga palaso. Biniyak ng inyong kidlat ang lupa. (Hab. 3:9)

Sa ASD, “Pinabitak n’yo ang lupa at lumabas ang tubig.” Sa NET, “flashfloods.” 

Picture ito ni Lord na isang warrior – an archer – na ang mga bows na gamit niya ay lahat ng forces in nature bahagi ng arsenal niya. Tulad ng kidlat at ng tubig…

Nakita kayo ng mga bundok at sila’y nanginig;bumuhos ang malakas na ulan.Umapaw ang tubig mula sa kalaliman,at tumaas ang along naglalakihan. (Hab. 3:10)

All the forces in nature are at his command, at his disposal. Isang salita niya lang, susunod sa kanya. Pati ang araw mapapatigil niya…

Ang araw at ang buwan ay humintodahil sa bilis ng inyong pana at sibat. (Hab. 3:11)

It literally happened sa panahon ni Joshua. “Noong araw na ang mga Israelita’y pinagtagumpay ni Yahweh laban sa mga Amoreo, nakipag-usap si Josue kay Yahweh. Ito ang sinabi niya na naririnig ng buong bayan: ‘Huminto ka, Araw, sa tapat ng Gibeon, at ikaw rin, Buwan, sa Libis ng Ayalon.’ 13Tumigil nga ang araw at hindi gumalaw ang buwan hanggang sa matalo ng mga Israelita ang kanilang mga kaaway…” (Jos 10:12-13).

Galit na galit kayong naglakad sa buong daigdig,at sa tindi ng poot ninyo, ang mga bansa ay niyurakan. (Hab. 3:12)

“In fury…in anger…” (ESV), Damang-dama ng mga bansa na kinalaban ng Israel during the time of Joshua ang bagsik ng galit ng Diyos. Lahat ng mga unbelieving, idol-worshipping nations dapat lang na matakot sa kanya. You don’t want God for an enemy. But what a comfort if God is on our side! If God is for us, who can be against us (Rom 8:31)?

Lumabas kayo para iligtas ang inyong bayan,at ang haring pinili ninyo.Dinurog ninyo ang pinuno ng masasama,at nilipol na lahat ang kanyang tagasunod. 14 Sinibat ninyo ang pinuno ng mga mandirigma,nang dumating sila na parang ipu-ipo upang kami’y pangalatin.Kagalakan nilang sakmalin nang palihim ang mga dukha. 15 Niyurakan ninyo ang dagat sa pamamagitan ng inyong mga kabayo,at bumula ang malawak na karagatan. (Hab. 3:13-15)

Hindi maka-move on si Habakkuk sa salvation history nila sa exodus sa Egypt. In saving God’s covenant people, God is waging war against the nations. Pati sa mga idols nitong mga nations na ‘to na nakikipagkumpetensya sa allegiance nila sa Panginoon. Ginawa ni Lord ‘yan sa idols ng Egypt, gagawin din niya sa idols ng Babylon. Sabi sa notes ng CSB Study Bible, ito daw na dagat na binanggit sa v. 8 at v. 15, bookends ng section na ‘to ay galing sa Heb. yam na siyang pangalan ng pagad god Yam, na symbol ng chaos na tinalo ni Baal sa mythology ng Canaan; at yung “the deep” (v. 10) ay Heb. tehom ay ang goddess na si Tiamat na tinalo naman ni Marduk sa mythology ng Babylon. “The purpose of God’s march was to subdue his people’s enemies, who were symbolized by elements of nature. He will punish the wicked Babylonians and save his people and their anointed Davidic lineage, thus preserving the promise of the coming Messiah.”

Hmmm…bakit naman nabanggit ang Messiah dito? Well, mahalaga naman sa atin yung implication niyan. Bakit? Kasi paano tayo makakahugot ng hope and comfort dito sa Habakkuk kung di naman tayo part of Judah, God’s covenant people? Kung si Habakkuk ay nagkaroon ng assurance of victory over all the problems na nirereklamo niya sa simula pa ng book na pinag-aaralan natin, paano tayo magkakaroon ng assurance na God will also act in our behalf? Yung assurance na justice will prevail in the end na sinabi ni Lord kay Habakkuk, paano tayo magkakaroon ng assurance na yan din ang promise ni Lord sa atin? Yung assurance na God will always fight for his people, will be the Savior of his people, how can we also have that assurance?

The Cross and Our Salvation

Look at v. 13, “You went out for the salvation of your people, for the salvation of your anointed…” Tayo ngayon di makalabas dahil sa lockdown. Pero di maikukulong ang Diyos, lalabas at lalabas siya, gagawa at gagawa siya, his work is most essential “for the salvation of your people, for the salvation of your anointed.” Yung people dito ay yung Israel, God’s covenant people. Represented sila ng Davidic king, yung “anointed” galing sa Hebrew na mashiach, diyan galing yung word na “Messiah” o “Christus” sa Greek, the Anointed One, ultimately fulfilled in Jesus the Greater Son of David. At ang pangalang Jesus ibig sabihin “the Lord saves.” So if we are in Jesus, by faith in him (Hab 2:14), we belong to God’s covenant people. Para rin sa atin ang pangakong ito.

Oh what hope na sa simula’t simula pa God is at work in bringing redemption to sinners like us. Noong nagkasala si Adan at Eba, and all creation fell with them, kaya nga merong mga disasters and diseases tulad ng coronavirus. Nangako na ang Diyos, sabi niya sa ahas, “Kayo ng babae’y aking pag-aawayin, binhi mo’t binhi niya’y lagi kong paglalabanin. Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo, at sa sakong niya’y ikaw ang tutuklaw” (Gen 3:15). So, by preserving Judah, God is also preserving the seed of promise, yung panggagalingan ni Cristo. Si Cristo na siyang dudurog sa ulo ng ahas, who will achieve victory over evil through his work on the cross.

Tapos tingnan n’yo yung second half ng Hab. 3:13, “Dinurog ninyo ang pinuno ng masasama, at nilipol na lahat ang kanyang tagasunod.” Kung noon pa man ay nagtatagumpay na ang Diyos, ang tagumpay na ito, na siyang dudurog sa ulo ng kasamaan, kasalanan at kamatayan ay nakay Cristo. In Jesus we have victory, we have hope, we have assurance. Mula pa sa simula, hanggang ngayon, God declares an all-out war against his enemies to accomplish salvation for us. Di man natin nakikita ang kaaway natin ngayon – especially itong coronavirus ngayon – ang mahalaga ay tingnan natin kung ano ang ginawa na ng Diyos para sa atin through the work of Christ on the cross. In remembering the gospel, we have hope.

“For at the climax of all human history, the Messiah did come. God truly did ‘in wrath remember mercy’ (v. 2). At the cross of Christ, God’s wrath was poured out on his own Son, so that we who trust in Christ might be washed clean in an astounding act of mercy” (ESV Gospel Transformation Bible).

Kapag inaalala natin ang laki ng awa ng Diyos sa atin on display at the cross of Christ, anuman ang mangyari sa buhay natin, gaano man kagulo ang sapitin ng mundo dahil sa coronavirus, hindi guguho ang pag-asa, pagtitiwala at kagalakang meron tayo kay Cristo. That is why the book of Habakkuk will close with his prayer of unwavering confidence in God and his promises sa vv. 16-19. More on that on Sunday.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.