“In Wrath Remember Mercy” (Hab. 3:1-7)

No Answers?

Sabi ng kilalang Bible scholar na si NT Wright sa kanyang article sa Time in reaction sa mga Christians and pastors na nagpapaliwanag tungkol sa “why” ng coronavirus: “It is no part of the Christian vocation, then, to be able to explain what’s happening and why. In fact, it is part of the Christian vocation not to be able to explain—and to lament instead.”

To lament, yes. Yan ang natututunan natin sa Habakkuk. May problema ka kung di mo iiyakan o di ka malulungkot sa tindi ng sufferings na nangyayari sa buong mundo. To ask God, “Why? How long, O Lord?”, this is a valid Christian response. It does not always show lack of faith tulad ng kay Habakkuk.

Kaso sinabi din ni Wright na hindi part ng “Christian vocation” na i-explain kung ano ang nangyayari. At mas mainam daw kung di na tayo magpaliwanag. Talaga naman maraming mysteries na we cannot explain. Pero merong mga answers na binibigay sa atin si Lord to give us hope in our sufferings.

Yan ang ginawa niya kay Habakkuk. That is the reason din kaya we look back sa death and resurrection of Christ, and we look forward sa future resurrection natin sa pagbabalik ni Cristo. We lament, but we lament with hope. Matiyaga tayong naghihintay at nagpapatuloy sa pagtitiwala sa Diyos at sa kanyang pangako sa kanyang salita.

This is the reason kaya sobrang encouraging and hope-giving ng Habakkuk. “For whatever was written in former days was written for our instruction, that through endurance and through the encouragement of the Scriptures we might have hope” (Romans 15:4 ESV).

Sa Hab. 1:1, clearly nagpapaalala sa atin na ito ay salita ng Diyos. Sa Hab. 1:2-4, nakita natin ang prayer of lament ni Habakkuk, “Lord, bakit di ka sumasagot? Gaano mo katagal di papansinin ang nangyayari sa bansa namin?” Sumagot si Lord, Hab. 1:5-11, sinabi niyang, “Tingnan mo ang ginagawa ko sa buong mundo. May gagawin ako na kapag nangyari ay di ka makakapaniwala.” Sinabi niya kasi na gagamitin niya ang wicked and violent Babylon para parusahan ang Judah. Nag-complain si Habakkuk sa 1:12-17, “Bakit ganun? Akala ko ba holy and righteous ka? Bakit Babylon?” Sa Hab. 2:1, in-express ni Habakkuk na maghihintay siya sa pagsagot ni Lord. Sa buong chap. 2, sumagot ang Diyos. Sinabi niya kay Habakkuk na maghintay at magtiwala sa salita niya, kasi tiyak na mangyayari ‘to, at wag tumulad sa kahambugan ng Babylon (Hab. 2:2-5). Dahil diyan, tiyak na hahatulan sila ng Diyos (Hab. 2:6-20). 

Yung huling verse na nakita natin ay ito, “The Lord is in his holy temple. Let all the earth keep silent before him” (Hab 2:20). Itong dulo ng sagot niya kay Habakkuk ay may similarity sa una din niyang sinabi sa Hab 1:5, “Look…wonder…be astounded…” Hindi naman ibig sabihin nito na parang tulad ng sinasabi ng iba na “let go and let God.” Na para bang kapag naghihintay ka sa sagot ni Lord, passive ka lang. Si Habakkuk, actively waiting, nagrereflect din siya kung ano yung isasagot niya o response niya sa Panginoon (Hab 2:1).

At ito ngang chapter 3 ang prayerful response niya. Pag sinabing “be silent,” hindi naman ibig sabihing di na magsasalita o di na sasagot kay Lord o wala ka na talagang gagawin. Pwede ka namang tahimik lang at titigil lang basta pero di pa rin responsive and submissive sa will ni God. Yung silence at stillness ay disposition of the heart, yung heart na dependent sa Panginoon. Tulad ng prayer dito ni Habakkuk na nagpupuri sa Diyos at humihiling sa kanya na maawa sa kanila (Hab 3:2), inaalala kung ano na ang ginawa ng Diyos in redemptive history (vv. 3-15), at nag-eexpress ng kanyang faith and confidence in God kahit na anong mangyari (vv. 16-19).

A Prayer and a Hymn (3:1)

Malinaw sa intro sa v. 1 na ito ay prayer: “A prayer of Habakkuk the prophet, according to Shigionoth.” Prayerful yung response niya. Pwedeng ang suffering ang gamitin mong excuse para lumayo sa Diyos. Pero suffering din ang instrument ni God para ilapit ka sa kanya. Make sure you are responding to our suffering to day by praying more, depending more on God. At dito sa Habakkuk meron tayong matututunan about how to respond to God prayerfully, hindi lang yung usual na view natin ng prayer na hiling lang ng hiling, “Lord, tulungan mo kami. Lord, pagalingin mo sila. Lord, pahintuin mo na ang virus.” We can pray those prayers, but prayer is more than that.

Itong prayer na ‘to sa chapter 3, song or hymn din. Di natin alam kung ano itong “Shigionoth.” Pero isa beses lang din itong ginamit sa Psalms. Maybe a musical term. Tulad ng ending din ng book, “To the choirmaster: with stringed instruments” (v. 19). Nakasulat yung prayer niya in poetry, merong symmetry, merong rhythm, merong beauty, merong artistry, at intented to be used sa worship. Wow. We can pray and even sing even during times of suffering.

So di natin ‘to pag-aaralan lang for the sake of intellectual discussions. Ngayon maraming mga views and arguments about “theodicy” – o yung paliwanag kung nasaan, ano ang ginagawa ni Lord, ano ang reason behind dito sa pandemic na ‘to. Meron naman talagang time to discuss, to study, to argue, to ask questions. Meron ding time to listen, time to reflect, time to look back sa work ni God in history – especially the cross. This is a time to worship God, believe in God and rejoice in God. Yun ang pinakamahalaga sa lahat. Tulad ni Martha, we can be distracted about so many things sa pandemic ngayon, trying to resolve problems, navigate tensions, but forget the one thing necessary, to listen at the feet of Jesus and worship him.

Sabi ni D. A. Carson: “From beginning to end, [the Bible] is concerned to teach us to trust and obey…God is less interested in answering our questions than in other things: securing our allegiance, establishing our faith, nurturing a desire for holiness.” (How Long, O Lord, 219).

Prayer of Praise and Petition (3:2)

Itong first line ng prayer niya ay very concise expression of praise and petition. Yung prayer of praise yung simula, “O Lord, I have heard the report of you, and your work, O Lord, do I fear” (v. 2). Narinig niya ang mga sinabi ni Lord. Nakita niya yung mga gusto ni Lord na makita niya (Hab. 1:5). Tulad ng sabi ng Diyos na mamangha siya, di siya makakapaniwala sa makikita niya, ganun nga ang nangyari. “I fear.” O, namangha, humanga. Stood in awe, amazed. Maraming tao aakusahan ang Diyos ng injustice, unfair daw siya, monstrous daw, not good, dahil sa mga nangyayaring sufferings. But the proper posture ng bawat anak ng Diyos ay praise and worship, reverent fear.

At sa prayer, merong humility, hindi yung demanding, hindi yung para bang feeling mo deserving ka ng mabuting bagay at undeserving ng mga masasamang nangyayari. “In the midst of the years revive it; it the midst of the years, make it known; in wrath remember mercy.” Revive, reveal, remember. Gawin mo ulit yung mga ginawa mo noon. Ipakita mo ulit sa amin ang mga kamangha-manghang bagay. Hindi lang yung pagpaparusa, hindi lang yung mga sakit na dapat lang na maranasan namin because of our sins and rebellion. In wrath remember mercy.” Maawa ka. Mamamatay kaming lahat, we will be totally consumed if not for your mercy. 

We want God mercy more than we want God’s justice. Natural sa atin yun siyempre. Kaya rin nagiging imbalanced ang approach natin sa suffering, at nagiging puro sentimentalities when we only talk about love and mercy. Totoo namang nasa atin yun dahil sa ginawa ni Cristo sa krus. But let us remember na yung cross ay also expression of God’s justice and wrath against sin. 

Sa ginawa ng Diyos in the past, sa ginagawa niya ngayon, tingnan natin pareho ang awa at galit ng Diyos, dahil parehong ‘yan ay essential attribute ng pagiging Diyos ng Diyos. Idolatry is not just worshipping a false God, but also worshipping a God na ayon lang sa kung ano ang gusto natin. 

“Note then the kindness and the severity of God: severity toward those who have fallen, but God’s kindness to you, provided you continue in his kindness. Otherwise you too will be cut off” (Romans 11:22 ESV).

Prayer of Recollection (3:3-15)

Tulad ni Habakkuk, mahaba yung prayer of recollection niya, inaalala niya kung sino ang Diyos in the past. Yung expressions of his wrath, as well as his mercy. Sa vv. 3-7 lang muna tayo, mas emphasized dito yung wrath and judgment of God. Sa vv. 8-15 naman next time ay yung mercy and salvation ni God. May bad news, may good news. Itong recollection or remembrance ay napakahalaga para magbigay sa atin ng hope in times of suffering. Mas lalo tayong madedepress kung nakakalimot tayo kung sino ang Diyos at ano ang ginawa niya. 

“Ang Diyos ay muling nanggaling sa Teman,ang Banal na Diyos ay nagmula sa kaparangan ng Paran. [Selah] Laganap sa kalangitan ang kanyang kaluwalhatian,at puno ang lupa ng papuri sa kanya.4Darating siyang sinliwanag ng kidlat,na gumuguhit mula sa kanyang kamay;at doon natatago ang kanyang kapangyarihan.5Nagpapadala siya ng karamdamanat inuutusan ang kamatayan upang sumunod sa kanya.6Huminto siya at nayanig ang lupa;sa kanyang sulyap ay nanginginig ang mga bansa.Ang mga walang hanggang bundok ay sumasambulat;ang walang hanggang kaburulan ay lumulubog—mga daang nilakaran niya noong unang panahon.7Nakita kong natakot ang mga tao sa Cusan,at nanginig ang lahat sa lupain ng Midian” (MBB).

Posibleng merong mga historical references na tinutukoy dito si Habakkuk. But we must not miss kung ano ang ineexpress ng mga figures of speech o pagsasalarawan sa Diyos dito. Hindi siya nanonood lang sa nangyayari sa mundo. Involved siya. Directly involved siya. “Ang Diyos ay muling nanggaling sa Teman,ang Banal na Diyos ay nagmula sa kaparangan ng Paran” (v. 3). Possible references nito ay sa area ng Mt. Sinai kung saan nagkampo ang mga Israelita at dun binigay yung law sa kanila.

Sa original Hebrew, merong kasunod dito na “Selah.” Possible na isang musical term ‘to na madalas ding nakasulat sa Book of Psalms. Pero di natin alam exactly ang ibig sabihin. Sabi nila possible daw meaning nito ay “pause.” Sakto naman kasi this vision of God is calling us to reflect. Meron ulit na term na ‘to sa next section ng study natin. Then pagkatapos, “Laganap sa kalangitan ang kanyang kaluwalhatian,at puno ang lupa ng papuri sa kanya” (v. 3). Mataas siya, pero bumaba siya para pangasiwaan ang nangyayari sa mundo. He is majestic, and worthy of praise throughout all the earth. Lahat ng ginagawa niya for his glory (2:14). 

Sa 3:4 naman, “Darating siyang sinliwanag ng kidlat, na gumuguhit mula sa kanyang kamay; at doon natatago ang kanyang kapangyarihan.” Obvious yung visible display of God’s power sa kidlat, sa kulog, sa mga storms. The heavens declare the glory of God (Psa 19:1). It also displays his power to judge. “Nagpapadala siya ng karamdaman at inuutusan ang kamatayan upang sumunod sa kanya” (v. 5). “Pestilence…plague…” Galing sa Diyos din ‘yan. Kadalasan sa Scripture, picture ito ng judgment ni God (Deut 28:21-22). Kasama kaya diyan ang coronavirus? Tingnan natin maya-maya. 

Sa v. 6 naman, “Huminto siya at nayanig ang lupa; sa kanyang sulyap ay nanginginig ang mga bansa,” binabanggit dito ang mga earthquakes, na hindi lang isolated cases, apektado lahat ng mga bansa. Hawak niya maging ang mga natural disasters. Akala mo stable ang mga bundok, “Ang mga walang hanggang bundok ay sumasambulat; ang walang hanggang kaburulan ay lumulubog—mga daang nilakaran niya noong unang panahon.” Pero Diyos lang talaga ang may “everlasting ways.” Sinabi din ‘yan ni Habakkuk sa 1:12. 

Yung affliction, yung trembling, act of judgment din ni God, “Nakita kong natakot ang mga tao sa Cusan, at nanginig ang lahat sa lupain ng Midian” (v. 7). Hindi lang mga kaaway ng Israel, pati sila naranasan ang ganyang galit ng Diyos. And sa v. 8 paulit-ulit ding binanggit yung “wrath… anger… indignation…” We’ll take a look at that next.

The point of this section, yung vision of God na sinasabi ni Habakkuk sa prayer niya? When these terrible things were happening – earthquakes, disasters, plagues, pestilence, sufferings – God is not passive. He is actively involved. God is sovereign in sending them – even disasters and diseases – according to his purpose. Hindi naman ‘to mahirap intindihin kung alam natin yung judgment niya sa Egypt, sa Canaan, sa enemies ng Israel. Pero meron ding judgment sa Israel. Alam ni Habakkuk yun kasi ang prayer niya, “In wrath remember mercy.”

Yes, sa cross ni Cristo inako na niya ang judgment and wrath that we deserve. Pero it doesn’t mean na di na nagagalit ang Diyos. Na tapos na ang judgment niya. Hell and final judgment is proof of that. So hanggang may evil, may kasalanan, may gumagawa ng kasalanan, meron pa ring wrath and judgment si Lord.

How about the coronavirus?

Did God send the coronavirus as judgment? No easy answers here. And we must not assume specifics na para bang judgment ito ni God sa isang specific na kasalanan, tulad ng isang pastor sabi niya pinadala ito ng Lord bilang judgment dahil sa persecution ng mga Christians sa buong mundo. We cannot go into those specifics kasi di naman natin alam kung ano exactly ang nasa isip ng Diyos. But there are clear general principles na we can imply na yung judgment ni God sa mga makasalanan can be one of the reasons. God has thousands of reasons for doing that, sure. Many of those are unknown to us. And it is not our job to explain everything. Pero yung malinaw, yun ang dapat ipaliwanag natin.

Though offensive sa marami ‘to, lalo na sa mga non-Christians, and even to some Christians na they think na walang involvement si God dito. With good intent, ayaw kasi nila na ma-associate ang evil sa Panginoon na para bang siya ang may kasalanan sa mga nangyayaring ganito. Kaya sasabihin nila, kasalanan ni Satanas ‘yan, kasalanan ng mga tao ‘yan kaya ganyan.

But God is sovereign not just in salvation, but also in judgment. Gagawin niya ang lahat para iparanas ang parusa niya sa mga makasalanan. Awa lang ng Diyos kaya tayo nakaligtas, at kaya yung mga unbelievers ay di pa rin nagsa-suffer ng full extent ng judgment ni God.  We live in a fallen world, so yung evil and suffer ay consequences ng kasalanan ng tao. So generally, we can say na itong pandemic na ‘to ay expression of God’s judgment. Pero siyempre kailangan nating i-clarify ‘yan.

For one, we must be compassionate sa mga under judgment ni Lord. Dapat tularan natin ang response ni Abraham. Hahatulan niya ang Sodom and Gomorrah, but Abraham interceded especially for Lot his nephew. Si Moses din, nagpray para ma-spare ng jugdment ang Israel. Ang daming ulit niya ginawa ‘yan. 

Yung disasters and diseases are acts of judgments of God, pero sa atin na mga believers “this judgment from God is purifying, not punitive – not punishment. So not all suffering is owing to the specific judgments of God on specific sins. Nevertheless, God sometimes uses disease to bring particular judgments upon those who reject him and give themselves over to sin” (John Piper, The Coronavirus and Christ).

Sabi pa niya, “The sovereignty of God is all-encompassing and all-pervasive…The coronavirus was sent, therefore, by God. This is not a season for sentimental views of God (sa Habakkuk hindi sentimental ang vision of God). It is a bitter season (that is why we lament). And God ordained it (that is why we trust him). God governs it. He will end it. No part of it is outside his sway. Life and death are in his hand” (The Coronavirus and Christ).

That is why we grieve with hope. Unlike mga unbelievers, they will only grieve but they don’t have any real hope. Unless they repent and put their faith in Christ. Yun naman ang prayer natin para sa kanila. “In wrath remember mercy.”

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.