Coronavirus and Our Worship Problems
Nang magsimula yung enhanced community quarantine, di na rin tayo nakapag-gather sa worship services natin like what we normally do every Sunday. Yung church plant nga natin sa Plaridel naka-isang worship service pa lang sa bagong location, tapos the following Sunday wala na. Nagkaroon tayo ngayon ng challenges sa corporate worship. Iba talaga yung nagkakasama-sama tayo. Pero tiis muna tayo kasi gusto naman nating matigil na ‘tong pandemic, at ayaw naman nating maging dahilan pa tayo ng pagkalat nun. That is not loving to our neigbors. It is also a failure to love God kung magkaganun. Although may mga churches na stubborn pa rin at talagang di sumusunod sa patakaran ng gobyerno natin. Although di tayo makapag-gather ngayon physically, tuloy pa rin ang sama-sama nating pagsamba sa Diyos. Online nga lang. Challenging din kasi di naman lahat ng members natin merong access sa Internet.
Aside from corporate worship, may challenges din sa personal worship natin. Although alam nating marami tayong time to spend with God daily, and also to worship with our family, pero dahil sa sufferings, dahil sa mga anxieties, dahil sa mga fears, dahil sa nakakalungkot na balita na nangyayari sa buong mundo, merong epekto ito sa pagsamba natin sa Panginoon. If at this time we still fail to worship God, hindi na lack of time ang problema. This is exposing a heart problem sa atin. Fundamentally, yung worship problem natin ay problem of the heart. And God will use this time to expose yung mga natitira pang idols sa heart natin.
Oo may kalungkutan, iiyak tayo kay Lord, dadaing tayo sa kanya in prayer. But we hope, we wait, we trust, we expect na magsasalita siya, we expect na may gagawin siya. At ito ang paglalakbay na ginagawa natin sa Habakkuk na sinimulan natin two weeks ago.
Habakkuk and God’s Response to Our Sufferings
Midway sa pag-aaral natin sa Habakkuk, maraming itinuturo sa atin si Lord. Siyempre okay naman na umiyak kay Lord. Yun nga yung reason bakit maraming prayer of laments sa Bible. Pero hindi dun magtatapos yun. God is calling us to respond. In what ways?
Listen to God’s word. The whole book of Habakkuk ay salita na galing sa Diyos (Hab 1:1), dapat pakinggan natin, dapat pag-aralan natin, dapat intindihin natin, dapat paniwalaan natin, dapat we submit our lives under his authority. Kay Habakkuk, sa bawat daing niya, dalawang beses dito, sumasagot si Lord. Sa unang daing niya na parang wala daw ginagawa si Lord, parang di niya pinapansin ang mga nangyayari sa Judah (Hab 1:2-4), sumagot si Lord. Sinabi niya may ginagawa siya, inihahanda niya ang Babylon to deal with Judah, para disiplinahin sila sa unfaithfulness nila sa Panginoon (Hab. 1:5-11). Dumaing na naman si Habakkuk. Unexpected kasi yung sagot ni Lord. Sinabi niya na bakit Babylon na mas masahol pa sa kanila ang gagamitin ni Lord? Di ba holy and righteous ang Panginoon, bakit ganun (Hab. 1:12-17). So ayun, naghintay si Habakkuk sa sasabihin ni Lord (Hab. 2:1). Expectant siya sa sasabihin ni Lord. Tayo rin masabik tayo na pakinggan kung ano ang sasabihin niya sa atin ngayon. Sumagot si Lord kay Habakkuk, di siya nakulitan, he was so patient with us (Hab. 2:2-20). Tayo rin dapat matuto tayong matiyagang maghintay. Kasi di natin alam kung kelan ang sagot ni Lord.
Trust God and his word. God inviting us to put our trust in him. Unlike Babylon na mayabang at arogante, dapat tayong magpakumbaba’t ilagak ang tiwala natin sa kanya. Bakit? “The righteous shall live by his faith” (Hab 2:4). Mabubuhay tayo at mamumuhay tayo sa pamamagitan ng nagpapatuloy at matiyagang pagtitiwala sa mga pangako ng Diyos na ang mga katuparan nito ay tiniyak ng ginawa ni Cristo sa krus para sa atin. We wait. We persevere. We hope. May ginagawa ang Diyos. Hindi ibig sabihing wala tayong gagawin. We…
Join God’s work in the world – Sinabi niya kay Habakkuk, “Tingnan mo ang ginagawa ko sa buong mundo” (Hab 1:5). God is at work among the nations. Kitang-kita ngayon ‘yan na buong mundo ang apektado nitong coronavirus. But his ultimate purpose ay hindi para punuin ang buong mundo ng virus at milyun-milyon ang magkasakit at mamatay, at kung hindi man ay magdusa dahil sa pagkawala ng mahal sa buhay, o pagkalugi ng negosyo, o kawalan ng trabaho, at marami pang sufferings na nakakabit dito. God’s ultimate purpose is to fill the whole earth with the gospel of Jesus. “For the earth will be filled with the knowledge of the glory of the Lord as the waters cover the sea” (Hab. 2:14). Hindi mangyayari yun kung walang gagawin ang mga churches, ang mga Christians, to spread the good news of Jesus to others, and to demostrate Christ-like love and compassion to the lost.
Makinig, magtiwala, makibahagi.
Oracles of Judgment as God’s Answer to Habakkuk (2:2-20)
Itong verse 14 ay nasa dulo ng pinag-aralan natin last Friday. Pero dahil aware ako na di naman lahat kayo ay nakapakinig nun, so uulitin ko yung ilan sa sinabi ko para masundan n’yo before we go to our text ngayon, yung vv. 15-20.
Itong vv. 6-20 ang bumubuo sa karamihan ng sagot ni Lord kay Habakkuk. Tinatawag din itong “five woes” dahil limang sections ito na nagsisimula sa “Woe” (Hab 2:6, 9, 12, 15, 19) o sa Hebrew hoh’ee (ah, alas, ha), “expressing usually dissatisfaction and pain.” Madalas ginagamit sa mga funeral laments at may connotations ng death (NET study notes). Kaya translated ito ng NET na “as good as dead.” Parang expression natin sa Tagalog, “Hala, patay ka!” Sa MBB, “mapapahamak kayo.” Sa ASD, “Nakakaawa kayo.”
Tig-three verses bawat isang “woe” at merong ganitong basic pattern na makikita in each verse:
- Kasalanan ng Babylon
- Kahihinatnan ng Babylon (dahil sa kasalanan nila)
- Katibayan o basehan ng pagpaparusa sa kanila.
Yung first three “woes” ang titingnan natin last time (vv. 6-14). Nakita nating itong kasalanan ng Babylon, yung karahasan nila, yung kasakiman nila, yung kasamaan nila, ay ibabalik din sa kanila. Babawian sila. Huhusgahan sila sila ng Diyos ayon sa panahon at paraang itinakda to demonstrate his perfect justice. Yun kasi ang struggle ni Habakkuk, na nagiging struggle din natin ngayon. Kung matuwid at makatarungan ang Diyos, parang di natin nakikita sa mga nangyayari sa ngayon. Because we don’t see what God sees. Limited at temporal ang perspective natin. Ang Diyos infinite at eternal ang tanaw niya. So I hope and pray na itong huling dalawang “woes” ay patuloy nating makita ang hustisya ng Panginoon at matutunan natin how to respond in light of that reality.
Fourth Woe (Hab 2:15-17) – Shameful Treatment of Others
Ano ang kasalanan ng Babylon na ikapapahamak nila? Malinaw sa v. 15, “Mapapahamak kayo! Pinainom ninyo ang inyong mga kalapit bansa, ng alak na tanda ng inyong pagkapoot. Nilasing ninyo sila at hiniya, nang inyong titigan ang kanilang kahubaran.” Yung mga nakikipag-inuman, ginagawa yun sa mga kabarkada o kaibigan. Pero ito hindi friendship, kundi pagtatraydor. Merong galit, matinding galit. Parang nilalasing daw nila ang ibang bansa hindi dahil nakatuwaan lang, kundi para ipahiya. Para “titigan ang kanilang kahubaran.” A picture of shame and dishonor. Ayaw ng Diyos ng ganyan dahil bawat tao, kahit na nahulog sa kasalanan, ay meron pa ring dignidad dahil tayo ay nilikha sa larawan ng Diyos. Kasalanan ang pagmamaltrato at pagpapahiya sa ibang tao. Even during quarantine, a lot of people can be guilty of that through social media. May kabayaran ang ganitong kasalanan.
Ano ang kahihinatnan ng kasalanan ng Babylon? Kung ano ang ginagawa n’yo sa iba, ganun din ang gagawin sa inyo. Basic principle of God’s justice, kung ano ang itinanim, siya ring aanihin. Only by God’s mercy kaya di natin nararanasan ang ganyang kaparusahan sa kasalanan. Sa v. 16, “Malalagay rin kayo sa kahihiyan at hindi sa karangalan. Iinom din kayo at malalasing. Ipapainom sa inyo ni Yahweh ang inyong kaparusahan, at ang inyong karangalan ay magiging kahihiyan.” Gusto nilang makuha ang honor and glory, pero ang ibabalik sa kanila ay “shame.” Hindi lang ‘to little shame. Sa ESV, “you will have your fill,” hindi ilang patak lang, kundi sangkatutak na kahihiyan na wala ka nang mukhang maihaharap sa hiya. “Utter shame.” Intense disgrace. Sinabi din dun (pero wala sa Tagalog translation) yung image na “Drink, yourself, and show your uncircumcision.” Huhubaran at makikita yung evidence na those people don’t belong to God’s covenant people. Hindi sila kabilang, they were outsiders.
Marapat lang ba na ganito ang danasin nila? Ano ang katibayan nito? Nakasulat sa v. 17, “Hinubaran ninyo ang kagubatan ng Lebanon;ngayon, kayo naman ang huhubaran. Pinatay ninyo ang mga hayop doon;ngayo’y kayo naman ang sisindakin nila…” Marahas ang parusa nila dahil marahas din ang pagtrato nila sa mga bansang sinakop nila tulad ng Lebanon. Inubos nila ang mga “cedars” na puno nila para gamitin sa mga building projects ng Babylon. Pinagpapatay ang mga hayop. Yung binanggit sa v. 8 tungkol sa bloody violence nila, inulit ulit dito sa v. 17, “…Uusigin kayo dahil sa dugong inyong pinadanak, dahil sa inyong karahasan sa mga tao, sa daigdig at sa mga lunsod nito.” Sisingilin ng Diyos ng bawat patak ng dugong pinadanak nila dahil sa kasamaan nila.
Itong realidad ng judgment ni God sa Babylon ay hindi lang dito sa Old Testament period. Maging sa Revelation, sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, itong Babylon ay nananatiling sagisag ng lahat ng kahariang kumakalaban sa Diyos. Walang sinumang nananatiling nagmamataas ang makakatakas sa parusa ng Diyos. “Bumagsak na! Bumagsak na ang makapangyarihang Babilonia, na nagpainom sa lahat ng mga bansa ng alak ng kanyang kahalayan” (Rev. 14:8 MBB). Lahat ng sumusunod sa kanila ay “paiinumin ng Diyos ng purong alak ng kanyang poot na ibinuhos sa kopa ng kanyang galit” (v. 10). Ito ang warning sa lahat ng patuloy na nagmamatigas sa kanilang pagsuway sa Diyos: “…matinding galit at poot ang sasapitin ng mga taong makasarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sumusunod sa kasamaan” (Rom 2:8).
Awa lang ng Diyos kaya natanggap natin ang katotohanan na nagbabalita sa atin na merong umako ng “cup of God’s wrath” na nararapat para sa bawat isa sa atin – ang Panginoong Jesus nang siya’y mamatay sa krus para sa atin, to satisfy God’s justice, para mapawi ang poot ng Diyos. “Siya ang inialay ng Diyos bilang handog, upang sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sumasampalataya sa kanya. Ginawa ito ng Diyos upang patunayang siya’y matuwid, sapagkat noong unang panahon ay nagtimpi siya at pinagtiisan ang mga kasalanang nagawa ng mga tao. 26Ngunit ngayon ay ipinapakita ng Diyos na siya’y matuwid at itinuturing niyang matuwid ang mga sumasampalataya kay Jesus” (3:25-26).
Fifth Woe (Hab 2:18-20) – Idolatry
Same pattern pa rin dito sa panglima, medyo iba lang yung sequence kasi hindi sa v. 18 kundi sa v. 19 binanggit yung “woe.”
“Ano ang kabuluhan ng diyus-diyosan?Tao lamang ang gumawa nito,at pawang kasinungalingan ang sinasabi nito.Ano ang ginagawa nitong mabuti upang pagkatiwalaan ng gumawa?Ito ay isang diyos na hindi man lang makapagsalita.19Mapapahamak kayo! Ginigising ninyo ang isang pirasong kahoy!Pinababangon ninyo ang isang bato!May maipapahayag ba sa inyo ang isang diyus-diyosan?Maaaring ito’y nababalot sa pilak at ginto,ngunit wala naman itong buhay.”
Ano ang kasalanan nila? Hindi lang sila sumasamba sa diyus-diyosan, sila pa ang idol-makers, “Tao lang ang gumawa nito” (v. 18). Yung ginawa nila, yun ang pinagtitiwalaan nila, “its maker trusts in his own creation” (v. 18). . Idol-maker, trusting in idols (“its maker trusts in his own creation”). Tapos itong ginawa nila, kakausapin nila, magpe-pray sila sa kahoy o sa metal, at sasabihin nila, “Gumising ka at tulungan kami” (v. 19 ASD). Buti pa yung lament ni Habakkuk, kahit na merong reklamo na parang kinakanta yung kanya ni Gary V, “Natutulog ba ang Diyos? Natutulog ba?” At least totoong Diyos ang kausap. Kesa naman sa mga taong hanggang ngayon mga rebulto ang kinakausap.
Well, of course, when we talk of idolatry, hindi lang rebulto ang pinag-uusapan dito. Sa tuwing ipinagpapalit natin ang Diyos sa iba, sa tuwing mas mataas sa isip at puso natin ang ibang tao o bagay kesa sa Diyos, we worship idols. Ito ang idolatry ayon kay Paul, “Tinalikuran nila ang katotohanan tungkol sa Diyos at pinalitan ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga nilikha, sa halip na ang lumikha, na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen” (Rom 1:25 MBB). Ganito din naman ang Babylon, hindi lang primitive form of idolatry na paggawa ng mga rebultong luluhuran. Advanced form of idolatry na, mas malalim. “Walang dinidiyos kundi ang sarili nilang lakas” (Hab 1:11). Sabi ng Diyos, itong Babylon ay worshipers of their own power. Sabi naman ni Habakkuk, itong Babylon ay worshipers of their successes/accomplishments: “Sinasamba pa nila ang kanilang mga lambat (yung mga nasakop nilang bansa) at nag-aalay ng mga handog; sapagkat ito ang nagbibigay sa kanila ng karangyaan” (Hab. 1:16).
Ano ang kahihinatnan nitong idolatry ng Babylon? Hindi nakasulat dito explicitly. Pero merong diin dun sa foolishness of trusting in idols. Sarili mong nilikha ang sinasamba mo kesa sa Diyos na lumikha sa ‘yo. What can be more foolish than that? Tanong sa v. 18, “Ano ang kabuluhan (kapakinabangan, profit, benefit) ng diyus-diyosan?” Ano ang mapapala mo? Implied answer, wala, wala wala! Walang patutunguhan ang pagsamba sa mga pekeng diyos. Walang kuwenta. Yung security, satisfaction, and significance na hinahangad ng Babylon (yun din naman ang hangad nating lahat!), di nila makukuha. They will end up disappointed. Idols always disappoint.
Ano ang mangyayari sa ‘yo? You have shaped your own idols, your idols will shape you. You will become like them. “They (idols) have mouths, but do not speak; eyes, but do not see. They have ears, but do not hear; noses, but do not smell. They have hands, but do not feel; feet, but do not walk; and they do not make a sound in their throat. Those who make them become like them; so do all who trust in them” (Psa 115:5-8 ESV). Yung buhay at klase ng buhay na hinahanap mo, di mo makukuha sa idolatry. Wala ngang buhay ang idols! Kahit “pilak at ginto” pa ang mga ito, “ngunit wala naman itong buhay” (Hab 2:19), e di walang halaga. Di mo na nga makukuha yung buhay na inaasam mo, ito pa ang sisira sa ‘yo. Idols will destroy you. Paano? Sa pamamagitan ng kasinungalingan nito. “Pawang kasinungalingan ang sinasabi nito” (v. 18). Tuturuan ka, yes, pero tuturuan ka ng kasinungalingan, “a teacher of lies” (ESV). Tulad ng Ahas na tumukso kina Adan at Eba, idolatry promises joy and security, pero nanloloko lang, scammer lang, kapahamakan at kamatayan pala ang dulot. So, sulit ba ang idolatry? Babylon is a clear picture na “No!” ang sagot dyan.
Ano ang katibayan ng ganitong consequences ng idolatry? Ganito ang mga idols at ganito ang epekto sa atin because there is only one true God. Yung naunang verse sa binasa natin kanina sa Psalm 115 about idols, ganito ang nakasulat: “Our God is in the heavens; he does all that he pleases” (v. 3). Ang sabi ng Diyos kay Habakkuk: “But (iba ang Diyos kesa sa mga idols, ibang-iba, ang layo, no comparison) the Lord is in his holy temple; let all the earth keep silence before him” (Hab 2:20). “Si Yahweh ay nasa kanyang banal na templo,tumahimik ang lahat sa harapan niya. Manahimik ang buong sanlibutan sa kanyang presensya” (MBB). As we end today’s message with this last verse sa sagot ng Diyos, let us spend our remaining time reflecting kung sino ang Diyos at ano ang nais niya na maging response natin sa kanya, especially during times of suffering.
“The LORD is in his holy temple.”
Nagtataka si Habakkuk kung bakit parang walang ginagawa ang Diyos, at kung may gagawin siya, bakit naman parang hindi makatarungan ang gagawin niya. Tulad niya, meron tayong limitadong pananaw tungkol sa Diyos, limitadong pagkakaunawa sa hustisyang pinaiiral niya. But the Lord assures Habakkuk, assures us, “The Lord is…” Anuman ang mangyari, it may change for the better, or for the worse, the Lord is, hindi nagbabago ang Diyos. He is already perfect. He cannot change for the better or for the worse.
The Lord is in his holy temple. Literally, palace. Nasa palasyo niya. Di tulad ng pangulo ng bansa na nakalockdown sa palasyo ng pangulo, ang Diyos di nakalockdown. He still rules. He reigns. He is sovereign and in control of everything na mangyayari sa Judah, everything na nangyayari ngayon. Even when things go out of control, lahat ay hawak-hawak ng Diyos sa kanyang mga kamay. He is sovereign, he does all that he pleases, lahat ay patungo sa kanyang layunin para sa buong mundo (Hab 1:5).
Holy temple, kasi ang holy presence ni Lord nandun, because the Lord is holy. He is set apart. Wala siyang katulad. Siya ang everlasting God (Hab 1:12). Hindi siya saklaw ng timetable natin. He is beyond time, he is beyond space, he is beyond what we can understand. Ibig ding sabihin, he is perfectly holy, perfectly righteous, perfectly just. Walang anumang mali sa desisyon niya. Walang plan B, isa lang ang plano niya at iyon ang mangyayari. Lahat ng gagawin niya to achieve that, lahat tama, walang mali. Di niya kailangan ang payo natin to make things right. Hindi niya kailangan ng advisers or cabinet members.
Ang nais niya ay yung tayo na magtiwala sa lahat ng ginagawa at gagawin niya, and entrust everything to his care kahit di pa natin maintindihan lahat, even when things don’t make sense to us. Mapagkakatiwalaan siya, because he is the LORD, all caps, covenant name ng Diyos – Yahweh. Yung pinangako niya kay Abraham, kay Jacob, sa Israel, kay David tutuparin niya. Yung ipinangako niyang salvation and justice tinupad niya sa krus ni Cristo at tatapusin niya sa pagbabalik ng Panginoong Jesus.
“Let all the earth keep silence before him.”
May time para magtanong, may time para dumaing sa Diyos, para manalangin, para gumawa ng dapat gawin. But this coming judgment sa Babylon, yung kahindik-hindik na gagawin ng Diyos, this calls for silence. Be quiet. Hush! Hindi nag-iisa ang Habakkuk sa mga minor prophets na nagtuturo ng ganitong response. This is a major response in light of God’s coming judgment. “Tumahimik kayo sa harapan ng Panginoong Yahweh! Sapagkat malapit nang dumating ang araw ni Yahweh” (Zeph 1:7); “Tumahimik kayo sa harapan ni Yahweh, lahat ng nilalang, sapagkat tumayo na siya sa kanyang banal na tahanan” (Zech 2:13).
Ang plano ng Diyos hindi lang para sa isang grupo ng tao, o sa isang bansa, but “all the earth” (also Hab 1:5; 2:14). Itong coronavirus pinatahimik at pinatigil ang buong mundo. Oo, magulo sa mga ospital, pero nanahimik ang buong mundo. Nabawasan ang krimen, nabawasan ang pollution, ang traffic, natigil ang mga tao sa kaabalahan sa buhay. But it doesn’t mean they are obedient to God. Natahimik sila, but not “before God.” Wala lang magawa talaga. Pero yung iba magulo pa rin ang isip, magulo pa rin ang puso. Di kasi sineseryoso ang salita at gawa ng Diyos. Ni hindi alintana na itong krisis ngayon ay a sneak peak, a mini preview of the judgment to come. Nananawagan ang Diyos sa mga unbelievers – maybe kasama ka dun, or yung kapamilya mo o mga kakilala mo kasama dun – na manahimik, at isipin na itong sufferings ngayon sa mundong ito ang pinakamaliit sa mga concerns nila kung ikukumpara sa bigat ng parusa na naghihintay sa kanila sa araw ng paghuhukom when King Jesus returns.
Mangyayari yun kung hanggang ngayon you are still clinging to your idols – your money, your health, your family, your good works – na pinagtitiwalaan mo na magtatawid sa ‘yo sa krisis na ‘to. Don’t be a fool. Repent of your sins and your idolatry and trust only in Jesus for your salvation. Maaaring magkasakit ka at mamatay sa coronavirus, but you will have life in Jesus.
Mga kapatid, samantalahin natin ang mga oras na meron tayo – oh, we have a lot of time! – let us now waste what we have right now. Reflect. Meditate. Let God expose kung ano pa yung mga idols natin sa pinagtitiwalaan ng higit sa Diyos. Be silent before God. Fix your eyes on Jesus. Stand in awe of the Lord of your salvation.