“Worship by the Book”
Kung narito na kayo sa church for a longer period of time, napansin n’yo siguro na we are making some changes sa ways we conduct our worship services, and also the way we sing and select kung anu-ano ang kakantahin. Kung kayo naman ay galing sa ibang church, meron kayo sigurong mapapansing differences sa mga mas popular contemporary approaches sa music sa church. I want to remind you now, and make it clear, na yung mga changes na ‘to ay hindi para maiba lang, o maiba naman. Hindi rin dahil sa mga exposures ko sa ibang churches na nagbigay ng inspiration sa akin, at sabihin sa inyong tularan natin sila.
Although maganda ring tularan yung magagandang halimbawa nila siyempre. Pero yung iba kasi, ang primary question sa gagawin nila sa worship, “Magugustuhan ba ito ng mga tao? Mag-eenjoy ba sila o baka ma-bored? Maa-attract ba ang mga unbelievers? May appeal ba ito para sa mga young people? Masasabi kaya nila after the service, ‘Nakakabless ang worship ngayon. Nag-enjoy ako.’”?
Hindi dapat ganun yung mga nangingibabaw na tanong sa atin. Nagiging man-centered tayo sa pagsamba. By definition, worship is God-centered. Ano ba ang sabi niya? Ano ba ang gusto niya? We must have a commitment to reform our lives, reform our church ministry, reform our worship, reform our congregational singing “by the Book.” Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito? At paano natin maia-apply ang itinuturo ng Salita ng Diyos tungkol dito? After all, we are talking about singing in worship. Kung ang Diyos ang sinasamba natin, dapat siya rin ang masusunod kung paano natin siya sasambahin. Kaya nga hindi lang niya ipinagbawal sa unang utos yung pagsamba sa idols, ipinagbawal din niya sa ikalawang utos ang pagsamba sa kanya na di ayon sa paraan na gusto niya (Exod. 20:1-4).
We must worship in spirit and truth (John 4:24). For us to offer true worship, kailangang ‘wag nating tularan ang pamamaraan ng mundong ito, but be transformed by the renewing of our mind (Rom. 12:1-2). Nag-aaral tayo ng Salita ng Diyos para malaman kung ano ang kalooban ng Diyos. Kaya nga kung mapapansin n’yo sa first two sermons sa series natin about congregational singing, I tried my best to argue from Scripture. Sa part 1, sinabi ko na we sing because of God, for God and about God. Sa part 2 naman, sinabi ko na we sing because of what God has done for us in Jesus. So yung pattern natin sa congregational singing week in and week out must be shaped, governed, and driven by the gospel.
Keep in mind na ang pinag-uusapan natin ay yung pag-awit kasama ang iba sa church (congregational), hindi lang personal. Although siyempre mahalaga rin ang personal and private worship. Parehong mahalaga, at konektado’t hindi pwedeng paghiwalayin. Dahil sa awa ng Diyos na naranasan natin kay Cristo, kaya tayo sumasamba, “in view of God’s mercies” (Rom. 12:1), we “glorify God for his mercy” (Rom. 15:9). Itong pagkamangha sa biyaya ng Diyos ang nagtutulak sa bibig natin para umawit ng papuri sa Diyos. “Therefore I will praise you among the Gentiles, and I will sing praise to your name.” Deeply personal ang pagsamba sa Diyos, “I will sing.” Private, but also public. “Among the Gentiles.” Hindi lubos ang papuri sa Diyos kung hindi mo siya pupurihin sa harap ng ibang tao.
At ito ang dahilan kung bakit hindi lang tayo iniligtas ng Diyos, kundi inilagay din tayo sa church. Ang prayer ni Paul ang prayer din natin sa church, “mamuhay nang may pagkakaisa ayon kay Cristo Jesus, upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (Rom. 15:5-6). Literally, “with one mind and one voice.” Isa ang nasa isip at puso natin – ang ebanghelyo ni Cristo. Kaya isa rin ang awit na lumalabas sa bibig natin in preaching the gospel and in singing the gospel.
Congregational singing in the Old Testament
Ito rin naman ang intensyon ng Diyos para sa mga inililigtas niya mula pa sa simula. Sa panahon ni Moises, ano ang response nila nang iligtas sila ng Diyos sa mga Egyptians at makatawid sila sa Red Sea (Exod. 14:29-31)? “Then Moses and the Israelites sang this song to the Lord…” (Exod. 15:1). Si Moses ang worship leader, pero hindi lang siya at ang kapatid niyang si Miriam (Exod 15:20-21) ang nag-special number para panoorin at pakinggan ng lahat. Lahat ng iiniligtas ng Diyos, lahat ng nakakita sa ginawa ng Diyos, lahat ng sumampalataya sa Diyos, lahat sila umawit sa Diyos! Imagine 2 million voices singing, napakalaking choir ang buong congregation ng Israel! Kung di mo naman naranasan ang pagliligtas ng Diyos, paano ka makakaawit sa kanya? Pero kung iniligtas ka ng Diyos, wala kang excuse para hindi magparticipate sa congregational singing.
Ganyan kahalaga ang congregational singing kaya nung si David na ang hari ng Israel, worship leader din siya – he was also a great musician, composer and passionate worshipper of Yahweh. Nag-appoint siya ng team ng singers and musicians para maging in-charge sa music ministry sa temple worship, to lead God’s people sa pagpupuri (1 Chron. 6:31-32; 16:42). Siya pa ang nagturo kung ano ang dapat nilang ipakanta sa Israel (1 Chr 16:7-36; nakasulat din sa Psa 105). “Sing to him; sing praise to him…” (1 Chr 16:9; Psa. 105:2). This is a song David told them to sing, a song inviting others to sing also and join them in singing. Praising God is not complete when you sing alone, but when you sing with others.
Marami sa mga awit sa book of Psalms (halos kalahati ng 150 psalms) ay attributed kay David. Yes, marami rin sa psalms ang individual praises like, “I will sing to the LORD all my life; I will sing praise to my God while I live” (Ps 104:33 CSB). Also Ps. 7:17; 9:2. Pero nakasulat ‘to sa Book of Psalms to be used as a hymnbook ng just of individuals but of congregation gathered to worship. With a worshiper’s desire to sing to God is a desire also to have others sing. “Sing to the Lord…sing praise to God…” (Ps. 9:11; 47:6-7; 66:2). Kung ang puso mo ay umaawit sa Diyos, di ka makukuntento na ikaw lang ang umaawit sa Diyos. Kasi alam mong God is worthy not just of your song, but of the songs of a multitude! So we are invited, and we invite others to “Oh come, let us sing to the Lord” (Ps 95:1 ESV). Nasasabik ka rin na umawit sa Diyos kasama ang lahat ng mga lahi sa buong mundo, “I will sing praises to you among the nations” (Ps. 57:9; 66:4). At alam mong that day will come we will join “a vast multitude from every nation, tribe, people, and language, which no one could number” (Rev 7:9).
Pero bago dumating ang araw na yun, we sing regularly (at least weekly) with our church family. Yun ang ibig sabihin ng pagiging miyembro ng church. “But you are a chosen people, a royal priesthood, a holy nation, God’s special possession, that you may declare the praises of him who called you out of darkness into his wonderful light” (1 Pet 2:9 NIV).
Two foundational New Testament texts
Hindi man ganoon karami ang references sa New Testament about congregational singing, kung ikukumpara sa Old Testament, and much has changed dahil sa pagdating ni Cristo na siyang katuparan ng mga worship at religious rituals sa OT, pero merong dalawang similar at foundational texts sa sulat ni Pablo na importanteng maintindihan natin.
Ephesians 5:19. In light of the riches of grace we received in Christ (Eph. 1-3), this is then how we should live not just as individual Christians but as a church, the body of Christ (Eph. 4-6). Sa Eph. 4:3-4, sinabi ni Paul na ang gusto ng Diyos para sa atin one body, merong unity. Para mangyari yun, meron tayong ministry to one another, to build up the church (4:12). So, we speak the truth in love to one another (v. 15). The body grows “by the proper working of each individual part” (v. 16). Nilalabanan natin ang kasalanan, we grow to be like Christ, at mangyayari ‘yan if we are filled by the Spirit (Eph. 5:18). A Spirit-filled life helps us out of our self-centeredness to give our lives to God and to others in the church. One obvious expression niyan ay yung sinabi ni Paul directly following yung being filled by the Spirit: “speaking to one another in psalms, hymns, and spiritual songs, singing and making music with your heart to the Lord” (Eph. 5:19). Ang congregational singing ay indispensable part ng pagiging Christian at mahalaga if we are to grow into maturity as a body of Christ.
Colossians 3:16. “Singing to God” is not just us ministering to or serving God, though wala naman siyang kailangan sa atin (Acts 17:25). Pero dito habang nag-aawitan tayo, God is also ministering to us, serving us with what we need. Naririnig natin at bumabaon sa puso natin ang Salita ng Diyos through our singing: “Let the Word of Christ dwell richly among you…” So, don’t just think of singing as one dimensional – yung umaawit tayo sa Diyos. Sa pag-awit natin, nagsasalita rin ang Diyos sa atin kung ang mga inaawit natin ay faithful expressions of his Word. Us to God, God to us. Vertical pareho ‘yan. Pero meron ding horizontal. As we sing, we minister to one another: “teaching and admonishing one another through psalms, hymns, and spiritual songs.” Congregational singing is multi-dimensional, vertical – we sing to God and God speaks to us, and horizontal, we sing to one another.
Purposes of Congregational Singing
Sa Part 1, sinasagot ko na yung question na why we sing – para sundin ang utos ng Diyos na umawit tayo sa kanya (submission), para gayahin ang Diyos na umaawit din (reflection), at para ipahayag ang mga kamangha-manghang katangian at gawa ng Diyos (proclamation). Ngayon naman, as an expansion of that: Anu-ano ang nangyayari kapag kumakanta tayo nang sama-sama? This will also answer the question, bakit tayo sama-samang umaawit, at hindi solo lang?
Congregational singing reflects the image of God in us. More specifically, yung pagiging Trinity ng Diyos, one God in three persons – Father, Son and Spirit. Merong community sa Godhead. Kaya kapag umaawit tayo ng pasasalamat to God the Father (Col. 3:16), in the name of Jesus (v. 17), filled by the Spirit (Eph. 5:18), we join the people of God in glorifying God. Kaya dapat Trinitarian – God-centered, Christ-exalting, Spirit-empowered – ang worship natin. Kaya ang tema natin ngayon sa worship service: The Tri-Unity of God (“Nagtitipon tayo ngayon para sambahin ang Diyos na Isa sa Tatlong Persona – Ama, Anak at Espiritu.”).
Congregational singing serves the Word of God. Kung ang mga inaawit natin ay mga salita ng Bibliya o echo ng mga teachings ng Scripture, when we sing songs together, we own and affirm the Word. Sinasabi natin na pinaniniwalaan natin ang mga Salita ng Diyos tungkol sa Diyos. At the same time, singing engages our heart with the Word in a way na iba sa preaching. Kasi merong retention, merong personal and emotional engagement kapag kumakanta tayo.
Makikita natin sa Deut. 31:19-22 yung teaching function ng songs. Malapit nang mamatay si Moses, at para ihanda ang Israel sa pagpasok sa promised land, nagbigay ang Diyos ng warning sa kanila. Na pagdating nila dun, tatalikod sila sa Diyos, sasamba sa mga idols, at mararanasan ang judgment ng Panginoon. Sabi ng Diyos kay Moses, “Kaya nga, isulat mo ang awiting ito at ituro sa bansang Israel upang maging tagapagpaalala sa kanila…Kung dumating na sa kanila ang matinding kahirapan at kaguluhan, ang awit na ito ang siyang susumbat sa kanila sapagkat matatanim ito sa isipan ng magiging lahi nila” (vv. 19, 21). Ganun nga ang ginawa ni Moses, “Nang araw ring iyon, sinulat niya ang isang awit at itinuro ito sa mga Israelita” (v. 22). Sabi ni Jonathan Leeman: “Singing is the medium by which God’s people grab hold of his Word and align their emotions and affections to God’s.” Hindi tayo basta kumakanta lang, we let the Word of Christ, the gospel, dwell in our hearts as we sing.
Congregational singing unites our church. Kung isa ang inaawit natin, sinasabi nating we all believe what we are singing. Nagkakaisa tayo at mas lalong tumitibay ang pagkakaisa natin as we sing gospel truths together. “When we sing we’re reminding each other eternal truths and therefore forging a lasting spiritual bond between us. We’re not merely singing to God; we’re singing to one another” (Keith Getty).
Congregational singing functions as our ministry to one another. Hindi lang yung mga nasa harap na worship leaders ang gumagawa ng ministry sa inyo. When we join in singing, we’re doing ministry. We are “teaching and admonishing one another” through our singing. Isang paraan ito for us to speak the truth in love to one another. Kapag kumakanta ka, sinasabi mong pinaniniwalaan mo ang kinakanta mo, na natikman mo at nakita mo ang kabutihan ng Diyos at sinasabi mo rin sa iba na tingnan mo rin, tikman mo rin, “Oh taste and see that the Lord is good.”
Congregational singing shows our witness to unbelievers. Kung may mga bisita tayo, at sana maging ugali nating mag-imbita ng mga bisita, kapag narinig nila ang pagkanta natin, malalaman nila at mararamdaman nila kung ano ang joy at treasure ng hearts natin. In fact, we are always witnessing. If you look bored by the singing, you are witnessing to others that God is not really that important to you. When we sing with our hearts, we witness to others of the treasure and joy we have in Jesus. When you sing the gospel, you are preaching the gospel to unbelievers, at inaanyayahan natin sila, “I believe this. Paniwalaan mo rin.”
Kung ang singing natin ay reflection ng Trinity, in service of the Word, para sa unity natin, ministry natin sa isa’t isa, at witness sa mga unbelievers, then may implication ito para sa aming mga leaders in planning and preparing for our worship services. Meron din itong implication sa atin as a congregation. Unahin muna natin yung may kinalaman sa planning and leading our worship services.
Implications for leadership
- Pastoral oversight. Dahil malaki ang teaching function ng singing sa church, I fully embrace my role as the primary worship leader ng church, humanly speaking. Ibig sabihin, I lead in service planning, pati sa song selection, with input from our music ministry team.
- Thematic. Yung tema ng sermon ang magdidictate sa tema ng buong service, kasali ang tema ng mga kakantahin. Usually merong God-centered theme, like today yung Tri-Unity of God. Meron ding tema about human response – our unity as the people of God. So yung mga songs na pipiliin umiikot sa tema for that Sunday.
- Gospel flow. Nadiscuss ko na ‘to last week. Kasi gusto nating “word of Christ” o yung gospel ang mangibabaw at siyang magbigay direction sa heart engagement natin – mula sa pagtingin sa Diyos (adoration), sa pagpapakumbaba dahil sa ating kasalanan (confession), sa katiyakan ng kapatawarang meron tayo kay Cristo (assurance), hanggang sa pasasalamat sa kaligtasang tinanggap natin (thanksgiving) at pagsusumamo sa tulong na kailangan nating sa Diyos sa araw-araw (petition). Kaya kailangang maintindihan ng lahat yung flow ng worship. Tutulungan namin kayo by preparing transitions para ipaliwanag kung ano ang gagawin natin at kung bakit yung song na yun ang kakantahin natin.
- Priority of words over music. Kung sinabi natin kaning music must be in service of the Word, dapat Word ang nangingibabaw hindi yung music. Music should reinforce the message. Kaya dapat nababasang mabuti yung lyrics, nakakabisado din, simple lang yung backgrounds, hindi distracting. At dapat naiintindihan din yung mga kanta. Hindi kakanta lang for emotional experience: “I will sing with the spirit, and I will also sing praise with my understanding” (1 Cor. 14:15). Kung may words or theological idea na kailangang ipaliwanag, gagawin natin. Mas maganda siyempre kung Tagalog, pero medyo limited pa ngayon yung menu natin ng God-centered at gospel-focused songs. Pero magbabago ‘yan. Ka-partner natin ang 1WorshipPH saka Sidhimig para sa pagproduce ng mga bagong Tagalog worship songs.
- We aim for participation of all, not performance by some. Meron tayong music ministry team not to perform at kayo manonood lang sa performance nila. They are our worship leaders. They lead, you follow. Nagpa-practice sila not to perform well, but to lead you well. Magpractice mabuti, yes, pero ‘wag mag-over sa rehearsal. At kahit night of worship natin, buksan natin ang ilaw para wala sa stage ang spotlight, at ma-encourage and participation ng lahat. Kaya walang nagso-solo number sa worship service natin. Kasi mas mainam kung buong congregation ang choir ng church.
- Priority of the singing voice of the congregation. Kasi nga participatory ang congregational singing. Kaya meron tayong portion na acapella singing, para mas marinig ang boses n’yo at maencourage kayong kumanta. We will turn down the volume ng sound system, ng instruments, ng drums for that. Mahalaga ang instruments, but we will settle for simplicity. The more complex yung instrumentation natin sa music, mas mahihirapan kumanta ang mga tao.
- Unity in diversity. Yung ibang churches merong iba-ibang services depende sa type of music kung traditional o modern, o kung pang-youth. Pero tayo isa lang. Kahit iba-iba ang musical tastes, nagkakaisa sa passion for the gospel. Mamaya we will sing How Great is Our God in different languages para maramdaman natin ang unity natin across cultures.
- Arrangement of seats. Simula ngayon mapapansin n’yong hindi na masyadong theater type yung ayos ng upuan, may community feel na, nakikita mo yung ibang part ng congregation, hindi yung sa stage lang nakatingin.
Implications for the congregation
Merong implications sa leadership, meron din para sa lahat sa congregation. At ngayon, let me offer some points for application para sa ating lahat.
- Attendance. Paano ka kakanta kung madalas kang absent? Make sure na yung Sunday morning nakareserba na para sa pamilya mo, at make it a habit to come sa worship service.
- Punctuality. Aattend ka nga, pero late naman, isa o dalawang kanta na lang aabutan mo. Pagdating mo, malapit na ang sermon. “Better late than never,” sabi mo. Bakit di mo palitan ng ganito, “Better early than late.”
- Participation. Maaga ka nga, pero nakatayo ka lang, at kung di ka naman sasabay sa pagkanta, wala din. Sing with all your might!
- Submission. O baka sabihin mong di naman bagay sa ‘yo yung kanta. Masyadong luma, sabi mo. O masyadong moderno para sa ‘yo. But you are a member of the church. You trust the leadership na what we are singing on Sunday is according to the wisdom given to us by God to best glorify him and build up the church.
- Preparation. Paghandaan mo rin. Alamin mo kung ano ang mga kakantahin ahead of time. Kunin mo na yung YouTube o Spotify playlist ng mga kanta natin sa church. O magrequest ka ng songbook. Tapos palaging mong pakinggan at kantahin sa bahay pa lang. O kaya mag-schedule tayo ng rehearsal with music team, parang choir, so we can improve in our singing.
- Memorization. Pag bago di pa kabisado. Pero pag matagal na dapat kabisado na. Yun nga ang power ng songs, it aids our memory. So, don’t be screen dependent. Tapos pipintasan mo pa yung nasa screen kasi may maling spelling. Kung kabisado mo na, wag ka na dun tumingin, sing from your heart.
- Ministry to others. Tingnan mo ang iba sa congregation. Hindi lang sa screen o sa mga worship leaders sa harap, o nakatingala sa langit, o nakapikit na para bang nag-personal quiet time ka sa church. Singing is ministry to one another.
- Parenting. Pakantahin mo rin mga anak mo. Wag mong bigyan ng gadget. Worshipping God is more important than playing games or watching videos on YouTube. Ipakita mo rin na kumakanta ka. Di naman sila kakanta kung ikaw nga di kumakanta. O kung di naman kayo kumakanta sa bahay. So practice family worship, pray together, read the Word together, sing together as a family. And model for your children what it means to be a Christian – worshipping God Monday to Sunday. Maliban na lang siguro kung hindi si Lord ang priority ng heart mo. Kaya kailangan nito…
- Examination. Yung primary reason kung bakit di ka kumakanta ay hindi dahil sa musical preferences mo, but it is a matter of the heart. Ang Diyos ba ang tinitibok ng puso mo? O merong ibang bagay o ibang tao o ibang relasyon na nakahihigit sa affections mo for God? O baka throughout the week you are living in sin and hypocrisy and lies while pretending to sing with God’s people on Sunday?
We are doing this because we want to sing better. Hindi dahil we are in competition with other churches, para nga mas makatulong sa kanila. Hindi dahil iniisip natin na mas makukuha natin ang pabor at blessings ni Lord kung mag-iimprove tayo sa worship tulad ng sinasabi ng iba, “When praises come up, blessings come down!” No. That’s anti-gospel. Bumagsak na ang blessings sa atin when Jesus came down to rescue us. Umaawit tayo, pagbubutihin pa natin ang pag-awit ng papuri sa Diyos, pagsasanayan pa nating mabuti, pagpaplanuhang mabuti, ie-evaluate para mas ma-improve pa, because our God – the Father, the Son, the Spirit – is infinitely worthy of our songs for all eternity.