Part 2 – Singing and the Gospel

download mp3

A worship problem

Last week, sinimulan nating pag-usapan ang tungkol sa congregational singing. Ginagawa naman natin ‘yan nang regular. Pero dapat mas maintindihan natin kung bakit natin ginagawa. Bakit mahalaga? Bakit dapat nating matutunan? Last week, I emphasized na we sing primarily, ultimately, for the glory of God. God is the reason why we sing. We sing because of God, kasi iniutos niya, gusto niya na kumanta tayo tulad niya. We have a singing God. We sing for God, para sa Diyos. We sing about God, tungkol sa Diyos ang kinakanta natin – we have a great God, a glorious God, a good God, a gracious God.

Last week din sinabi kong mahalagang magreflect tayo about what we do sa almost half hour na we are spending every Sunday sa congregational singing. Baka naman sabihin ng iba na 30 mins out of 10,080 minutes – 0.3% – we spend every week ay minimal lang. But I will argue na the way we approach that half hour – and our two hours every Sunday – will impact all areas of your life. Hindi exaggeration yun. Kasi yung sagot sa question na why we sing? ay hindi iba sa sagot sa question na why we live? The answer: for the glory of God. If we will learn how to sing, we will learn how to live. Sa parenting ganun din, kaya nga sinasama natin ang mga bata sa worship services: If we will teach our children how to sing, we will teach them how to live their lives centered on God.

Look at this: “Ang taong masama ay mahuhuli sa sarili niyang kasalanan, ngunit ang matuwid ay aawit nang may kagalakan” (Prov. 29:6 MBB). Look at the contrast, ang masama characterized by sin, ang matuwid by singing and rejoicing. Don’t you want that for your children? Don’t you want that for yourself? Siyempre merong right way or wrong way of singing. I’m not talking about notes or voice quality. Nakadepende ito kung tama o mali ang puso natin sa Diyos.

And that is the problem. Nilikha tayo ng Diyos (Creation) in his image, to reflect him, to glorify him. We sing because God sings. But we failed to reflect his image (Fall). We failed to sing, we failed to sing rightly. Meron tayong singing problem, kasi meron tayong worship problem. At kung meron tayong worship problem, meron tayong heart problem. The whole Story of God is the story of God redeeming his people (Redemption) – to be a singing people for him.

Singing in redemptive history

Nangako ang Diyos kay Abraham na gagawin siyang isang malaking bansa, pagpapalain ang kanyang lahi, at bibigyan ng lupang matitirhan (Gen. 12:1-3). Nagkaanak nga siya, dumami nang dumami, pero dumating ang panahong naalipin sila sa Egypt for 430 years! Until God raised up Moses to lead his people out of slavery. Pagkatapos ng kabi-kabilang salot as God’s judgments sa Egypt at sa kanilang idolatry, nakalabas na sila. Miraculously, nahati ang Red Sea, at nakatawid sila sa tuyong lupa. Hinabol sila ng mga kaaway nila, pero natabunan silang lahat at namatay. Nakita nila ang pagliligtas na ginawa sa kanila ng Diyos, his great power of salvation (Exod. 14:30-31). Nagtiwala sila sa Diyos at umawit silang lahat (2 million Israelites!) ng awit sa Diyos:

Ito ang inawit ni Moises at ng mga Israelita para kay Yahweh: 
“Itong si Yahweh ay aking aawitan, 
sa kanyang kinamtang dakilang tagumpay;
ang mga kabayo't kawal ng kaaway, 
sa pusod ng dagat, lahat natabunan. 
Si Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan, 
siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan. 
Siya'y aking Diyos na aking pupurihin, 
Diyos ng aking ama, aking dadakilain.” (Exod. 15:1-2 MBB)

“Who is like you, O Lord, among the gods? 
Who is like you, majestic in holiness,
awesome in glorious deeds, doing wonders?” (15:11 ESV)

After 40 yrs, nakapasok na sila sa Promised Land. Si Joshua na ang naglead sa kanila kasi namatay na si Moses. Pagkamatay naman ni Joshua, nagkagulo na sa Israel. Paulit-ulit silang sumuway sa mga utos ng Diyos. Hanggang dumating ang time na nagkaroon na ng kingdom ang Israel. Si Saul ang unang hari, pagkatapos ay si David naman. Hindi naging madali ang transition, kasi itong si Saul gustong patayin si David. Pero palagi siyang inililigtas ng Diyos sa kamay ni Saul at sa lahat ng iba pa niyang mga kaaway. In response?

Inawit ni David ang awit na ito para kay Yahweh nang araw na iniligtas siya ni Yahweh mula sa kamay ng kanyang mga kaaway at sa kamay ni Saul.
2“Si Yahweh ang aking tagapagligtas,
matibay na muog na aking sanggalang.
3Ang Diyos ang bato na aking kanlungan,
aking kalasag at tanging kaligtasan.
Siya ang aking pananggalang,
sa mga marahas ay siya kong tanggulan.
4Kay Yahweh ako'y tumatawag,
sa mga kaaway ako'y kanyang inililigtas.
Purihin si Yahweh!

50Sa lahat ng bansa ika'y aking pupurihin,
ang karangalan mo'y aking aawitin,
ang iyong pangalan, aking sasambahin.
51Pinagkaloobang magtagumpay lagi,
ang abang lingkod mong piniling hari;
di mo kailanman pababayaan ang iyong pinili,
na si Haring David at ang kanyang mga susunod na lahi.”
(2 Sam. 22:1-4, 50-51)

Matagal ding nawala sa kanila yung ark of the covenant, yung kahon na naglalaman ng sampung utos noon pang panahon ni Moises. Symbolic kasi yun ng presence and authority ng Diyos, the true King of Israel. Pero noong naibalik na, si David ang nanguna sa celebration. May mga singers and musicians, nagsisigawan sila sa tuwa, pati si David nagtatatalon at sumasaway sa pagpupuri sa Panginoon (1 Chr. 15:27-29). Then David commissioned Asaph to lead Israel in worship.

1 Chr. 16:7-9, 23-24
Nang araw na iyon, iniatas ni David kay Asaf at sa mga kasama nito ang tungkol sa pag-awit ng pasasalamat kay Yahweh.
8Magpasalamat kay Yahweh, tumawag sa kanyang pangalan;
ang lahat ng gawa niya sa lahat ay ipaalam.
9Umawit ng pagpupuri at siya ay parangalan,
ang kahanga-hangang gawa'y ibalita kahit saan.

23Umawit ka kay Yahweh, buong sanlibutan,
ipahayag araw-araw, bigay niyang kaligtasan.
24Ipahayag sa mga bansa kanyang kaluwalhatian.
Sabihin sa mga tao gawa niyang makapangyarihan.

Umaawit sila dahil sa mga gawa ng Diyos – sa pagpapalaya sa kanila, sa pagliligtas sa kanila, at sa pagsama sa kanila.

Sa kabila noon, patuloy pa rin sila sa pagsuway sa Panginoon. Nahati ang kaharian sa panahon ni Rehoboam na anak ni Solomon na anak ni David. Yung northern kingdom (Israel), composed of the 10 tribes of Israel, 20 ang naging kings, lahat masasama. Nauna na silang nilusob ng Assyria at inalipin ulit. Yung southern kingdom na lang ang natira (Judah), 20 kings din, meron namang 8 kings na mabuti, relatively speaking. Sila rin nilusob naman ng mga Babylonians, pinalayas sa lupain nila at ginawang alipin. Pero bago mangyari yun, nangako na ang Diyos na ililigtas silang muli.

Tulad ng ginawa niya noon, gagawin niya ulit. Pangako niya ‘yan, tutuparin niya.

Isaiah 51:10-11
Kayo rin po ang nagpatuyo sa dagat
at gumawa ng daan sa gitna ng tubig,
kaya nakatawid nang maayos ang bayang iyong iniligtas.
11Ang mga tinubos ninyo'y babalik sa Jerusalem,
magsisigawan sa galak, umaawit sa tuwa.
Ang mamamalas sa kanilang mukha ay walang hanggang galak,
at sa puso nila ang lungkot at hapis ay mawawalang lahat.
Aawit sila dahil patatawarin sila ng Diyos, aalisin ang parusa para sa kanila.
Zeph. 3:14-15
Umawit ka nang malakas, Lunsod ng Zion! Sumigaw ka, Israel!
Magalak ka ng buong puso, Lunsod ng Jerusalem!
15Ang iyong kaparusahan ay inalis na ni Yahweh,
at pinalayas na niya ang iyong mga kaaway.
Nasa kalagitnaan mo si Yahweh, ang Hari ng Israel,
wala nang kasawiang dapat pang katakutan.

At aawitan pa sila ng Diyos: “Masaya siyang aawit sa laki ng kagalakan” (Zeph. 3: 17).

After ng 70 years of exile, nakabalik na sila. Sa pangunguna nina Zerubabbel, Nehemiah at Ezra, na-restore yung temple sa Jerusalem, pati yung city walls, at higit sa lahat yung pagpapanumbalik ng relasyon nila sa Diyos. So?

Neh. 12:27
Nang italaga na ang pader ng Jerusalem, tinipon ang mga Levita sa Jerusalem upang sama-sama nilang ipagdiwang ang pagtatalaga. Ipinagdiwang ito sa saliw ng mga awit ng pasasalamat at ng tugtog ng pompiyang, alpa, at lira. 

Umaawit sila dahil sa pagpapalaya, pagliligtas, presensiya, pagpapatawad at pagpapanumbalik ng Diyos. At lahat ‘yan ay katuparan ng mga pangako niya. At ang lubos na katuparan nito ay nangyari sa pagdating ng Panginoong Jesus. Si Jesus ang nagpalaya sa atin mula sa pagkakaalipin sa kasalanan. Si Jesus ang nagligtas sa atin mula sa parusa ng Diyos. Si Jesus ang presensiya ng Diyos, Immanuel, God with us, the Word became flesh and dwelt among us. Si Jesus ang nagbayad ng mga kasalanan natin para mapatawad tayo ng Diyos. Si Jesus ang namatay, nahiwalay sa Diyos, para mapanumbalik tayo sa relasyon sa Diyos. In light of what God has done for us in Jesus, we sing! Dahil sa katapatan niya sa pagtupad sa mga pangako niya, dahil sa laki ng awa niya sa atin, kaya tayo umaawit sa kanya:

Rom. 15:8-9
Sinasabi ko sa inyo, si Cristo'y naglingkod sa mga Judio upang patunayang ang Diyos ay tapat, at tumutupad sa mga pangako niya sa kanilang mga ninuno, 9at upang ang mga Hentil naman ay magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag. Tulad ng nasusulat (2 Sam. 22:50; Psa. 18:49),
“Kaya't sa gitna ng mga Hentil, ika'y aking pupurihin,
At aawitan ko ang iyong pangalan.”

We have more reasons to sing. We sing, we go to the nations to preach this message of salvation, kasi yung mga taong di pa nakakakilala kay Cristo, they were singing a different song. We invite them to join us in singing the songs of salvation. And one day, kapag lahat ng mga lahi sa buong mundo ay nagkaroon na ng mga singing churches, the Lord Jesus will come again. Makikita natin siya, he alone is worthy, dahil sa ginawa niya sa krus para sa atin. We will join the 24 elders in singing:

Rev. 5:9-10
And they sang a new song, saying,
“Worthy are you to take the scroll
and to open its seals,
for you were slain, and by your blood you ransomed people for God
from every tribe and language and people and nation,
and you have made them a kingdom and priests to our God,
and they shall reign on the earth.”

We will join countless angels in singing Rev. 5:12, “Worthy is the Lamb who was slain, to receive power and wealth and wisdom and might and honor and glory and blessing!” We will join all creation in singing Rev. 5:13, “To him who sits on the throne and to the Lamb be blessing and honor and glory and might forever and ever!”

What we are doing now is a rehearsal for that glorious day!

Congregational singing shaped by the gospel

So, we sing because of who God is and what he has done for us in Jesus. Our congregational singing then must be a re-enactment of the gospel story. Dati ganito ang practice natin, and most churches na nag-embrace ng contemporary worship practices: dalawang upbeat/lively/joyful songs sa simula, tapos susundan ng dalawang solemn/slow songs. We don’t do that pattern anymore, minsan nagiging ganun din, pero our worship pattern is primarily governed by this gospel-shaped pattern: Adoration – Confession – Gospel Assurance – Thanskgiving. I preached on this a few years ago: “Gospel-Shaped Worship.” For now, let me just comment about the songs we sing.

Adoration: We sing about the God who is our Salvation. “I love you, LORD, my strength. The LORD is my rock, my fortress, and my deliverer, my God, my rock where I seek refuge, my shield and the horn of my salvation, my stronghold” (Psa. 18:1-2 CSB). Mas maganda kung ang inaawit natin ay nasa salita mismo ng Panginoon, o kaya ay reflective o faithfully derived from ideas and teachings ng Scripture. Tulad ng kinanta natin kanina…

Who is like the Lord our God?
Strong to save, faithful in love
My debt is paid and the vict’ry won
The Lord is my salvation

Confession: We sing of our need of salvation. Hindi nga lang Mara I ang ganitong kanta: “For I know my transgressions, and my sin is ever before me. Against you, you only, have I sinned and done what is evil in your sight…Deliver me from bloodguiltiness, O God, O God of my salvation, and my tongue will sing aloud of your righteousness” (Psa. 51:3-4, 14 ESV). Kaya eto song natin kanina:

Praise the Lord! His mercy is more
Stronger than darkness, new every morn
Our sins they are many, His mercy is more
Our sins they are many, His mercy is more.

Gospel Assurance: We sing of God’s provision of salvation in Christ. Yung Psalms 105-106 ay song about the history of Israel, yung ginawa ng Diyos para sa kanila sa kabila ng paulit-ulit nilang mga kasalanan: “Dapat na si Yahweh, ating Panginoon, ay pasalamatan, ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa’y dapat ipaalam. Siya ay purihin, handugan ng awit, ating papurihan, ang kahanga-hangang mga gawa niya’y dapat na isaysay” (Psa. 105:1-2 MBB). So we sing of the salvation we have in Jesus:

What gift of grace is Jesus my redeemer
there is no more for heaven not to give
He is my joy, my righteousness and freedom
My steadfast love, my deep and boundless peace

No fate I dread, I know I am forgiven
The future sure, the price it has been paid
For Jesus bled and suffered for my pardon
And He was raised to overthrow the grave

To this I hold, my sin has been defeated
Jesus now and every is my plea
Oh the chains are released, I can sing: I am free!
Yet not I, but through Christ in me.

This is Amazing Grace: “Oh Jesus I sing for / All that you’ve done for me.”

Thanskgiving: We sing our thanksgiving for our salvation. “Oh give thanks to the Lord, for he is good, for his steadfast love endures forever” (Psa. 107:1)!

Habang hindi karapat dapat
Pag-ukulan ng habag at wagas mong pagsinta.
Habang walang kakayanang
Masuklian ka ng mabuti sa lahat mong ginawa.

Niyakap Mo ako sa aking karumihan
Inibig Mo ako ng di kayang tumbasan
O Diyos ng katarungan at katuwiran
Na kahit minsa'y di nabahiran
Ang kabanala't kalwalhatian
Salamat sa sukdulang biyaya Mo

O Diyos ng Pag ibig na mas
Malawak pa kaysa aking mga pagkakasala
Higit pa sa buhay ko
Salamat sa Sukdulang biyaya Mo

Aside from that, we sometimes sing also songs of petition for God to speak, to change our hearts, and to help us in times of need. We’ll look at some of that sa next two sermons sa series.

A word to Christians and non-Christians…

We sing as an expression of our passion for the gospel. Kahit may mga times na that passion is small and flickering, God uses singing to awaken and sustain that passion for the gospel. Pero paano kung wala ka talagang nararamdaman para sa Diyos kahit kumakanta ka ng mga worship songs? Evaluate your heart now. Maybe that’s a sign na you are not truly born again, wala ka pang bagong puso, patay ka pa spiritually. Barado pa ang puso mo. Parang yung lababo namin nung isang araw. Ayaw na talagang bumaba ng tubig. Tinanggal ko yung drain pipes sa ilalim. May nakabara palang namuo na mga mantika siguro yun. Tinanggal ko. So dumadaloy na yung tubig.

Walang lumalabas sa bibig mo, o kung meron man di talaga singing as act of worship, nakikisabay lang, marahil kasi barado ang puso mo ng kasalanan. Naghahanap ka ng mga lively songs para sumigla-sigla ka. But music cannot make your heart alive for God. Only the gospel will. Only the gospel ignited by the Spirit in our heart is the power of God for salvation. Kapag nangyari yun, we can truly sing songs of salvation. You will sing if you are one of the redeemed of the Redeemer. Ang Diyos na ang naglagay ng awit sa puso natin.

Pero kahit Christian ka na, may mga times na you still struggle with that. Nung kinabit ko ulit yung tubo sa ilalim, hayan dumadaloy na yung tubig. Kaso may leak pa hanggang ngayon, di ko pa maayos. Ganun din ang puso natin. May leaks pa. Kasi sa halip na totally devoted tayo sa Diyos, merong ibang inaawitan ang puso natin. That is why we need the gospel hindi lang sa simula kundi sa pagpapatuloy ng Christian life natin. The gospel awakens our heart for God. The gospel sustains that passion in our heart for God.

Cultivating a passion for the gospel

Kaya tayo as a church passionate sa gospel. Kaya gagawin natin ang lahat to remind ourselves of the gospel. Kaya ako as your pastor ay committed to preach to you the pure biblical gospel. At sa mga songs na kakantahin natin, hindi rin basta-basta, hindi kung ano ang type ng mga song leaders, o requested ng mga members, o popular sa mga churches. No. We make sure the songs we sing reflect the biblical gospel. We are passionate for the gospel, and we must cultivate a passion for the gospel.

Hindi lang sa song selection. Pati sa sources ng mga songs na yun. Isa ‘yan sa dahilan kung bakit di na natin kinakanta ang mga songs ng Hillsong (from Hillsong Church) tulad ng “Mighty to Save” saka “Oceans”, pati ng Bethel Music at Jesus Culture (mula sa Bethel Church) tulad ng “One Thing Remains” – yung may lyrics na “your love never fails, never runs out, never gives up on me.” Maganda naman yung mga lyrics, although may mga songs na questionable o doctrinally confusing yung lyrics. But the point is, associated yung mga songs na yun sa mga churches na nagtuturo ng distorted gospel tulad ng prosperity gospel, word of faith movement, new apostolic reformation. Medyo mahabang talakayan ‘to, I can give you sources online na you can read para maging malinaw sa inyo.

Nagbigay si Costi Hinn ng five reasons bakit di dapat gamitin sa mga churches natin yung songs na galing sa Bethel Church (applicable din sa Hillsong in a way), sa article niya na “Should Your Church Sing Jesus Culture & Bethel Music?”:

  1. Their movement & leaders preach a heretical version of Christ.
  2. They need to be rescued with truth; not mitigated in their errors.
  3. They get paid royalties to keep funding their heretical cause. The more na nagiging popular yung music nila, napopondohan natin ang ministries nila.
  4. You could be limiting the creativity and talent of your church’s own band. With some effort and time, makakagawa naman tayo ng sarili nating music.
  5. People need clarity on this issue more than ever before.

Pwede naman ninyong kantahin sa personal worship time ninyo. Although sa ngayon I won’t encourage you to do that. Mahirap lalo na for many of us, kahit mga worship leaders natin, who fell in love with that songs. Pero tandaan nating ang primary commitment natin ay sa gospel, hindi sa anumang music group o music style.

So, ganun din sana ang maging commitment ng bawat isa sa inyo sa gospel. Basahin n’yo ang Bibliya araw-araw na nakafocus kay Cristo. Nung binabasa ko isang araw yung Joshua, kung nagalit ang Diyos sa Israel dahil sa kasalanan ni Achan (Joshua 7), at nawala ang galit niya nang patayin ito – naalala ko kung paanong dahil sa kasalanan ni Adan nahulog din tayong lahat sa kasalanan at nasa ilalim ng matinding galit ng Diyos. Pero nang namatay si Cristo para sa atin, napawi ang galit ng Diyos. Napaawit talaga ako:

Your blood has washed away my sin 
Jesus, thank You
The Father's wrath completely satisfied
Jesus, thank You
Once Your enemy, now seated at Your table
Jesus, thank You

Basahin ang Bibliya, alalahanin ang Magandang Balita, at hayaan din natin ang iba na tulungan tayo sa labang ito. Hindi natin kayang mag-isa. When our heart is cold, kailangan natin ang iba para magliyab ulit ito. We need each other to hold us accountable in growing deeper into the gospel.

We cannot grow in singing in worship if we are not growing deeper into the riches of the gospel. We cannot grow deeper into the gospel alone, we need each other, we need our church family. That is why we sing together as a church. That will be for next week.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.