Problem: Self-focused life
Last week, pinag-usapan natin ang utos ng Diyos na araw-araw nating layuan ang idolatry o pagsamba sa mga diyus-diyosan. The goal here – our ultimate goal – is to live our lives totally devoted to God in worship, faith and obedience. To love the Lord with all our hearts. Sa Corinth, and in other religions, obvious ang mga idols. Pero sa atin ngayon, medyo subtle, di madaling makita, at yun ang mas delikado, kesa sa mga rebulto.
Ano ba ang “idol”? An idol is something we value more than God, desire more than God, follow more than God. Meron din ‘yang trinity of idols – sex, money, and power. At ang idol of all idols, the king of kings kumbaga pagdating sa idolatry, ay walang iba kundi ang sarili natin. Addicted tayo sa mga idols natin kasi we demand our idols to bow down to us, serve us, obey what we want, and make much of us.
Ang extreme form of this ay tinatawag na narcissicism defined as “excessive interest in or admiration of oneself and one’s physical appearance.” Although there is a trace of this in all of us. Sa medical terminology, tinatawag nila itong personality disorder, a physical or mental condition. Pero in essence, this is a moral/spiritual problem. Ayon sa isang medical website, heto ang ilan sa mga symptoms niyan:
- Have an exaggerated sense of self-importance
- Have a sense of entitlement and require constant, excessive admiration
- Expect to be recognized as superior even without achievements that warrant it
- Exaggerate achievements and talents
- Be preoccupied with fantasies about success, power, brilliance, beauty or the perfect mate
- Believe they are superior and can only associate with equally special people
- Monopolize conversations and belittle or look down on people they perceive as inferior
- Expect special favors and unquestioning compliance with their expectations
- Take advantage of others to get what they want
- Have an inability or unwillingness to recognize the needs and feelings of others
- Insist on having the best of everything — for instance, the best car or office
Sa panahon natin ngayon, tulad din ng problema sa church sa Corinth, we place too much emphasis, importance, attention, focus, interest sa sarili natin. Di man natin amining ganito kalala ang problema natin, but we have to be honest to evaluate ourselves. Nakikita ‘yan sa mga actions and decisions natin kahit sa mga maliliit na bagay tungkol halimbawa sa pagkain. Tulad din nina Adan at Eba, the Corinthian Christians thought that they can just decide for themselves what to eat and what not to eat without regard sa sinasabi ng Diyos o sa epekto nito sa ibang tao. Kaya naman Paul spent three chapters (8-10) dealing with this issue of “eating food offered to idols” (8:1; 10:19).
Ang burden niya ay matulungan silang to take away their focus sa sarili nila. Kasi naman ang galing nating gumawa ng mga excuses or justifications for our actions. Tulad ng gustong paringgan ni Pablo sa 10:23, “Mayroon namang magsasabi, ‘Malaya akong gumawa ng anuman,’ ngunit hindi lahat ng ito ay nakakabuti. ‘Malaya akong gumawa ng anuman,’ ngunit hindi rin lahat ng ito’y nakakatulong” (ASD).
Sinagot na niya yung ganyang klaseng reasoning sa 6:12-13. Ang isyu naman dun ay tungkol sa paggamit ng katawan natin bilang templo ng Diyos sa mga kasalanang sekswal. Doon clear-cut yung issue na di dapat gawin. Dito medyo parang gray area about eating food na wala namang masama kung kakain. Pero paalala ni Paul, “hindi lahat nakakabuti.” Permissible, yes. Profitable ba, beneficial ba, makakatulong ba, makakapag-encourage ba? O baka maka-stumble ka pa, baka maging dahilan pa para magkasala ang iba? Yun ang tanong.
Tinalakay na rin niya ‘yan sa chapter 8, pero this closing section, he’s trying to bring this issue to a close. If you do things for yourself, you are not really doing yourself a favor. You are not really helping yourself, doing something good for yourself. Selfishness is destructive. Self-focused love is really a form of self-hatred. Yung narcissicism o idolatry of self is not just a disorder but destructive and, at worse, demonic.
So what is the solution to this huge problem. Sa v. 23 pa lang paulit-ulit na niyang sinabi: “All things…all things…all things.” Sa mga susunod naman ipapakita niya sa atin ang isang “comprehensive worldview” o yung paano tayo dapat mamuhay bilang mga tagasunod ni Cristo. Gagamitin niya itong issue ng pagkain as opportunity to teach about the purpose of Christian: “Whatever you do… (v. 31); “…in everything I do… (v. 33). We have here in this closing section a reminder kung ano talaga ang purpose for living.
Hindi lang para ngayong Christmas season, though we desperately need this reminder dahil sa daming distractions and temptations to make this season all about us. But we’re talking here also about the whole Christian life, our life as a church. Para saan ka, para saan tayo nabubuhay, a question of ultimate importance.
Serving Others (10:24-29a)
From focusing sa sarili natin, gusto ni Pablo na tulungan tayo to shift our focus away from ourselves to serving others.From serving self, to serving others. “Huwag ang sariling kapakanan ang unahin ninyo, kundi ang sa iba” (v. 24 ASD). “Let no one seek his own good, but the good of his neighbor” (ESV). Hindi ibig sabihing gagawin mo na kung ano ang makasasama sa ‘yo. This is about a change of focus. Like the second greatest commandment, “Love your neighbor as you love yourself.” Naturally we love ourselves. Pero ang calling sa atin ay “self-denial” not “self-love.” It doesn’t mean na kill-joy si Lord. Tulad ng tukso ng ahas kina Adan at Eba na pinalalabas na pinagbabawalan silang kumain. Isa lang naman ang bawal kainin, lahat pwede. But they chose to disobey, they chose death, instead of obedience and life.
Dito rin naman sa Corinth, di naman sila pinagbabawalang kumain, except during pagan feasts dun sa loob ng templo na parang nakikisawsaw na sila sa pagsamba sa mga diyus-diyosan nila. Yun ang tinalakay natin last week sa 10:14-22. In most cases malaya naman silang kumain kung ano ang gusto nila, kaya sabi niya, “Kumain kayo ng anumang nabibili sa pamilihan ng karne at huwag nang magtanong kung ito baʼy inihandog sa mga dios-diosan o hindi, upang hindi na kayo usigin ng inyong konsensya” (v. 25 ASD). Alangan naman tatanungin pa nila yung tindera, “Inoffer ba ‘to sa mga idols?” Makaka-offend pa sila ng mga unbelievers na they were trying to reach with the gospel.
Saka yung pagkain naman kaloob ng Diyos: “Sapagkat sinasabi ng Kasulatan (sa Psa. 24:1), ‘Ang mundo at ang lahat ng naroroon ay pag-aari ng Panginoon'” (v. 26 ASD). Malinis ‘yang pagkain na ‘yan, hindi marumi. Galing sa Diyos, ipagpasalamat mo sa kanya. “…ginawa ng Dios ang mga pagkaing ito para tanggapin nang may pasasalamat ng mga mananampalataya at nakakaalam sa katotohanan. Lahat ng nilikha ng Dios ay mabuti, at dapat walang ituring na masama kung tinatanggap nang may pasasalamat, dahil nilinis ito ng salita ng Dios at ng panalangin” (2 Tim. 4:3-5 ASD).
Kahit may dinner invitation kayo from unbelievers, pwede ring kumain. “Kung imbitahan kayo ng isang hindi mananampalataya sa isang salo-salo at gusto ninyong dumalo, kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo nang hindi na nagtatanong kung ito baʼy inihandog sa mga dios-diosan o hindi, upang hindi na kayo usigin ng inyong konsensya” (v. 27 ASD). Binigyan tayo ng Diyos ng konsensiya na nagsisilbing built-in warning system kung okay ba ang ginagawa natin o hindi. Pero kung sa konsensya mo, di ka sure sa gagawin mo, ‘wag mo na lang gawin. Baka magkasala ka pa (see Rom. 14:22-23).
Dito naman gustong ipaalala ulit ni Paul na bagamat mahalaga ang sariling konsensya, hindi yun ang pinakamahalaga. Isipin mo rin ang konsensya ng iba.”Ngunit kung sinabihan kayo na ang pagkain ay inihandog sa mga dios-diosan, huwag na kayong kumain, alang-alang sa nagsabi nito sa inyo, upang walang mabalisang konsensya. Hindi ang inyong konsensya ang ibig kong tukuyin, kundi ang konsensya ng inyong kapwa” (vv. 28-29 ASD). Tulad ng mga sinabi na ni Paul sa chapter 8, reminder ito sa atin na ang layunin natin sa buhay ay para isipin din ang kapakanan ng iba. Na “walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, bawat isa’y may pananagutan sa isa’t isa.” Especially yung mga kasama natin sa church na responsibilidad nating tulungan sila na lumago at tumibay ang pananampalataya nila sa Panginoon. At para din naman sa mga unbelievers para maakay natin sila sa pananampalataya sa Panginoon.
We know this. Pero may hugot pa rin ang iba, tulad halimbawa ng isang nanay na ang daming inaasikaso sa mga anak, o asawang pinagtitiisan ang mga kalokohan ng asawa, o employee na nagtitiis sa sitwasyon sa opisina, “Paano naman ako? Puro na lang ba iba ang iisipin ko?” Kaya meron tayong “me time” – treat ko naman sarili ko, gift ko ‘to sa sarili ko. Pwede namang magpahinga siyempre. That’s why we do quiet time every day, o set aside a rest day one day a week, o take longer sabbatical for pastors and elders. Not because we don’t care about others, but in order that we can take care of others better. We rest, we get recharged, para mas maging ready tayo at ma-refocus in serving others.
Glorifying God (10:29b-31)
Anuman ang ginagawa natin – resting, working, studying, serving in ministry, sharing the gospel – tanungin natin, “Why am I doing the things I am doing?” Mahirap ito sa atin na naturally self-centered. We will always find reasons to justify our actions. Lalo na kung wala namang mali talaga. Kaso nga lang kailangang isipin ang iba. So Paul was anticipating those kinds of objections: “…Maaaring sabihin ng iba sa inyo, ‘Bakit ko hahadlangan ang gusto ko dahil lang sa konsensya ng iba? Bakit ako susumbatan sa pagkain ko ng isang bagay na ipinagpasalamat ko naman sa Dios” (vv. 29-30 ASD). In a way sinagot na niya ‘yan in pointing out the effect of our actions to other people. Anuman ang gagawin natin o hindi natin gagawin merong epekto sa ibang tao, hindi pwedeng wala.
But ultimately, the reason why we do everything ay hindi para sa sarili natin (although iisipin din natin ang makakabuti sa atin) o para sa ibang tao (dahil dapat naman talagang isaalang-alang natin ang iba), kundi para sa Panginoon. “Ito ang maisasagot ko riyan: Anuman ang inyong gawin, kumain man o uminom, gawin ninyo ang lahat sa ikapupuri ng Dios” (v. 31 ASD). “So, whether you eat or drink, or whatever you do, do all to the glory of God” (ESV). “Sa ikararangal ng Diyos” (MBB). So now, from a specific issue about eating food offered to idols, Paul was giving us instruction on how to live all of our life. Tulad ng sagot sa first question ng Westminster Shorter Catechism: “What is the chief end of man?” To glorify God and enjoy him forever. Ano ang ibig sabihin ng “do all to the glory of God”?
This section from John Piper’s Don’t Waste Your Life is very helpful:
The Bible is crystal-clear: God created us for his glory. Thus says the Lord, “Bring my sons from afar and my daughters from the end of the earth, everyone who is called by my name, whom I created for my glory” (Isaiah 43:6-7). Life is wasted when we do not live for the glory of God. And I mean all of life. It is all for his glory. That is why the Bible gets down into the details of eating and drinking. “Whether you eat or drink, or whatever you do, do all to the glory of God” (1 Corinthians 10:31). We waste our lives when we do not weave God into our eating and drinking and every other part by enjoying and displaying him. What does it mean to glorify God? It may get a dangerous twist if we are not careful. Glorify is like the word beautify. But beautify usually means “make something more beautiful than it is,” improve its beauty. That is emphatically not what we mean by glorify in relation to God. God cannot be made more glorious or more beautiful than he is. He cannot be improved, “nor is he served by human hands, as though he needed anything” (Acts 17:25). Glorify does not mean add more glory to God. It is more like the word magnify. But here too we can go wrong. Magnify has two distinct meanings. In relation to God, one is worship and one is wickedness. You can magnify like a telescope or like a microscope. When you magnify like a micro-scope, you make something tiny look bigger than it is. A dust mite can look like a monster. Pretending to magnify God like that is wickedness. But when you magnify like a telescope, you make something unimaginably great look like what it really is. With the Hubble Space Telescope, pinprick galaxies in the sky are revealed for the billion-star giants that they are. Magnifying God like that is worship. We waste our lives when we do not pray and think and dream and plan and work toward magnifying God in all spheres of life. God created us for this: to live our lives in a way that makes him look more like the greatness and the beauty and the infinite worth that he really is. In the night sky of this world God appears to most people, if at all, like a pinprick of light in a heaven of darkness. But he created us and called us to make him look like what he really is. This is what it means to be created in the image of God. We are meant to image forth in the world what he is really like.
Ito ang ibig sabihin ng glorifying God. Ito ang purpose bakit tayo nabubuhay. Ito dapat ang nangingibabaw na hangarin ng puso natin sa lahat ng desisyon na gagawin natin sa buhay, sa araw-araw – kung ano o gaano karami ang kakainin, kung saan mag-aaral o magtatrabaho, kung kanino makikipagrelasyon, kung gaano karami ang ibibigay sa offerings, kung anong oras at gaano kahaba matutulog, kung ano ang sasabihin sa asawa, kung paano didisiplinahin ang mga bata, kung paano magrespond sa isang difficult situation. Whatever you do, dapat lahat for the glory of God. As in, lahat dapat.
Following Christ (10:32-11:1)
That is why even seemingly trivial matters like eating or drinking or doing laundry or changing diapers can have tremendous significance. Pero mahirap ‘yan. Hindi natural sa atin ‘yan. Kaya kailangan natin ng tutularang halimbawa. “Huwag kayong maging sanhi ng pagkakasala ninuman, ng mga Judio, ng mga Hentil, o ng mga kaanib sa iglesya ng Diyos” (v. 32 MBB). In others words, may pananagutan tayo sa lahat ng tao – Christians man o hindi. “…sa halip, tularan ninyo ang ginagawa ko. Sinisikap kong mabigyang kasiyahan ang lahat ng tao sa bawat ginagawa ko” (v. 33).
Two sermons ang inilaan natin sa chapter 9 kung saan ginamit ni Paul na illustration yung personal example niya. Again, sinabi ko na hindi siya people-pleaser, sasabihin niya kung ano yung totoong gospel kahit na offensive ito sa iba. Dahil yun naman ang kailangan nila, yun naman ang makabubuti sa kanila. “…Hindi ko inuuna ang sarili kong kapakanan kundi ang kapakanan ng marami, upang maligtas sila” (v. 33). Ito rin ang paulit-ulit niyang sinasabi sa chapter 9. Yung ginagawa niya pakibagayan ang lahat ng uri ng tao. For what reason? For the sake of the gospel. To win them to Christ.
Yun ang puno’t dulo ng lahat. Si Cristo. It is not about Paul. We follow Paul not for his own sake. Hindi naman siya perpektong modelo. Kaya sabi niya sa 11:1 (kasama talaga ‘to sa section na ‘to, minsan di helpful sa Bible study ang mga chapter at verse divisions), “Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo” (MBB). HCSB, “Imitate me as I also imitate Christ.” NIV, “Follow me as I follow the example of Christ.” Kopyahin si Pablo tulad ng pagkopya niya kay Cristo. Yun ang ibig sabihin ng pagdidisciple. We invite others to follow Christ. We serve others. We glorify God. Paano natin magagawa? By following Christ.
Hindi niya inuna ang sarili niyang kapakanan. Iniwan niya ang kalangitan, bumaba sa lupa, ang Diyos naging tao, ipinanganak sa sabsaban, dumanas ng maraming hirap, maraming tukso, maraming pagtuligsa ng tao, itinakwil siya, ipinagkanulo, ginawang alipin, itinuring na kriminal, ipinako sa krus, namatay. Naparito siya hindi para paglingkuran, kundi para maglingkod ang ialay ang kanyang buhay para sa marami.
Para sa atin. Para sa karangalan ng Ama, higit sa lahat. Lahat ng ginawa niya for the glory of God. Yung kapanganakan niya for the glory of God. Yung pagsunod niya sa parents niya for the glory of God. Yung baptism niya for the glory of God. Yung pagharap niya sa tukso for the glory of God. Yung miracles niya for the glory of God. Yung kamatayan niya at muling pagkabuhay for the glory of God. To serve us, to glorify God – ‘yan ang life mission ng Panginoong Jesus. At tayo rin na sinasabing tagasunod niya, yun din ang life mission natin, hindi pwedeng iba, hindi pwedeng to serve ourselves, to glorify ourselves, but to serve others, to glorify God. Jesus came and lived a perfectly righteous life, and died and rose again para ano? To rescue us from ourselves so that we may live for others and for God.
Serve others. Glorify God. Follow Christ. Ito ang buhay Cristiano.
Questions to Ask
Mainam ngayon na sa mga ginagawa natin na parang neutral – not a matter of right and wrong – like eating food o pagtatrabaho o pamamahinga o the way we use our money – sa halip na yung default natin na gawin, tanungin muna natin ang sarili natin ng ganito, and this will summarize our study sa chapters 8-10, six sermons din ang ginugol natin dito:
- May pakinabang ba ito sa akin spiritually? Remember 10:23, pwedeng gawin kahit ano, pero hindi lahat makakatulong sa sarili o sa iba.
- Magiging dahilan ba ito para magkasala o matisod ang pananampalataya ng iba? Yun ang point ng 8:8-9, mag-ingat na baka ang gagawin mo ay maging stumbling block sa mga weaker brothers and sisters. Bakit mo gagawin kung sa tingin mo makakabuti sa ‘yo pero makasasama naman sa iba?
- Makakatulong ba ito sa evangelism – o sa pagreach-out natin sa mga unbelievers? Yung motive natin tulad ni Paul sa 10:33, “that they may be saved”; 9:22-23, “that by all means I might save some. I do it all for the sake of the gospel.”
- Makakalabag ba ito sa konsensya ko? Sa vv. 25-29 ng text natin ngayon, paulit-ulit ang references sa konsensya. Sinabi din sa Rom. 14:23, na kung may alinlangan ka sa gagawin mo, at hindi mo ito ginagawa from faith, from a posture of trusting God, nagkakasala ka. Kung di ka sure kung pleasing kay God ang gagawin mo, ‘wag mo nang gawin.
- Mago-glorify ba ang Panginoon sa gagawin ko? Ito ang over-arching principle sa lahat ng ito, “Therefore, whether you eat or drink or whatever you do, do all to the glory of God” (1 Cor. 10:31).
Use these questions and decide, ano ang gagawin mo after worship service? Uuwi ka ba agad o kakausapin muna ang iba, kukumustahin, ipagpepray? How will you spend your time during the week? Ano ang magbabago? Paano mo ii-spend ang Christmas season. With all the distractions during the holiday season, think how you can best glorify God in the way you spend this special season. Dahil kung ang okasyon na dapat ay ipinagdiriwang natin para parangalan ang nagligtas sa atin ay di natin ginagawa para sa karangalan niya, how much more seemingly mundane activities like eating and drinking?