All Christians must take membership in a local church seriously. Not lightly. Ang pagiging Christian ay hindi lang basta pag-attend-attend lang sa mga church services na tulad nito. Meron tayong sinumpaang pangako, bilang mga miyembro, na gawin ang bahagi natin sa pagtupad ng misyon ng Diyos sa ating iglesiya para sa buong mundo. To make disciples of all nations. Manalangin. Pag-aralan ang Bibliya at sundin ito. Ibahagi ito sa pamilya at sa ibang tao. Magbigay. Makibahagi. Maglingkod. Magpasakop.
Magpadisiplina. Simple lang naman ang mga ‘yan. It’s not complicated. Pero sumasabit tayo. Nagiging unfaithful tayo. Ano’ng gagawin mo? You have two choices. Either patuloy mo lang ang unfaithfulness mo or you will begin taking this covenant more seriously.
Sa pagpapatuloy natin ng kuwento sa Nehemiah, makikita nating maganda so far ang nangyayari dahil sineseryoso nila ang sinumpaang pangako nila sa Diyos. Natapos ang rebuilding ng walls sa chapters 1-6 sa kabila ng maraming opposition, dahil na rin sa leadership ni Nehemiah at unity ng mga tao. But mainly because of the help of the sovereign God (6:16). Pagkatapos nito, dito sa chapters 7-13 ay tinutumbok ang higit na mahalaga, the rebuilding of God’s people by the Word of God. Itinuturo sa kanila ang salita ng Diyos, nakikita nila ang kasalanan nila, tumatalikod sila, sumasamba sa Diyos, at nagpapatuloy na sumunod sa Diyos.
Sa dulo ng chapter 10, ganito ang pangako nila, “We will not neglect the house of our God” (10:39). Itong templo una nang na-rebuild during the time of Zerubabbel (Ezra 1-6). Nasa loob ito ng Jerusalem. The worship of God must be central in the life of the people of God. Kaso nang matapos na ang pader, nag-uwian na ang mga tao sa kanya-kanyang bayan at kaunti lang ang natira sa Jerusalem (Neh. 7:4). Mas mahirap siguro ang buhay dun, mas marami pang kailangang ayusin, tapos yung mga properties nila, mga fields, at mga family members nasa kanya-kanyang probinsiya na. Moving to Jerusalem would be difficult for them. At mas delikado pa, kasi kung lulusubin na naman sila, unang mayayari itong Jerusalem.
So, may problemang kailangang i-address. Kailangang madagdagan ang mga taong nakatira sa Jerusalem. Yun ang priority nila. At ganun din naman sa atin. Maraming problema, maraming needs na kailangang i-address sa church. But we need to constantly listen to God, kung ano ang dapat bigyang priority, kung anong bahagi ang mas nais ng Diyos na tugunan natin sa panahong ito.
As we continue sa story dito sa Nehemiah 11-12, makikita natin kung paano natugunan ang problemang ito at patuloy na nakakasunod sila sa commitment nila sa Panginoon. Merong three major sections ang dalawang chapters na ‘to. Sa 11:1-12:26, makikita natin ang listahan ng mga pangalan ng mga taong nag-commit na lumipat at tumira sa Jerusalem. Sa 12:27-43 naman ay kung paano nila pinagdiwang ang dedication ng walls ng Jerusalem. Finally, sa 12:44-47 ay yung pagtutulung-tulong nila sa mga gawain sa templo. This was their response or follow-up sa commitment nila sa chapter 10 na hindi nila pababayaan ang templo o ang central function ng pagsamba sa buhay nila as a people under God.
The People (11:1-12:26)
At first reading, itong first section (11:1-12:26), ay parang boring and tedious sa dami ng mga pangalang nakalista. Although in one or two instances sa series natin, I already pointed out na di natin dapat binabalewala ang mga bahagi ng Scripture na tulad nito. Chances are, ngayon lang tayo magkakaroon ng sustained effort na pag-aralan itong mga chapters na ‘to. “All Scripture is breathed out by God and profitable…” (2 Tim. 3:16), right? Kasali ‘to.
This section ay nahahati din sa tatlo. Yung una (11:1-24) ay nagpapakita ng priority na dumami ang nakatira sa Jerusalem. Yung pangalawa naman ay listahan ng mga nasa labas ng Jerusalem (11:25-36). Yung ikatlo ay mga Levites and priests na scattered throughout the land. Yung summary statement nito ay nasa v. 3, introducing itong listahan ng mga leaders ng iba’t ibang grupo ng tao at pamilya na nasa loob at sa labas ng Jerusalem. Sa vv. 4-6 ay yung mga kabilang sa lipi o tribo ng Judah. Sa vv. 7-9 naman ay mga kabilang sa lipi ng Benjamin. Two tribes (those who belong to southern kingdom of Judah) of the original twelve tribes of Israel ang natitira. Plus the priests (vv. 10-14) and Levites (vv. 15-18) na nakakalat sa buong lupain, pero dito ay binanggit muna yung mga naka-assign sa Jerusalem. Among them na may specific mention ay yung mga gatekeepers at temple servants (vv. 19-21), pati mga singers (vv. 22-24).
Ang account kung paanong naresolba ang problem sa 7:4 (na kakaunti ang nakatira sa Jerusalem) ay makikita sa 11:1-2. Majority kasi ng mga tao gusto sa bayan-bayan tumira, hindi sa sentro. Unlike sa Manila, nagsisiksikan ang mga tao. Dito naman sa Jerusalem, maluwag na maluwag. So ang ginawa ng mga leaders nila, nagkaisa silang magpalabunutan, draw lots. Kung sino ang mabubunot na pangalan, 1 out of 10, parang ikapu, tithes of the people, ang titira sa Jerusalem. Sapilitan na ‘to. Whether you like it or not. But they are united na kailangang gawin to fulfill God’s purposes for Jerusalem.
Pero siyempre, ayaw naman ng Diyos na ang pagsunod natin ay out of duty lang, napipilitan lang, obligado lang. More pleasing to God ay yung pagsunod na kusang-loob, masaya sa puso at hindi napipilitan lang. Kaya itong mga tao pinuri din nila “ang sinumang kusang-loob na tumira sa Jerusalem” (v. 2 MBB). Kusang-loob, nagpasya sa sarili nila, willingly offered (ESV), volunteered (NIV, NLT, HCSB). Hindi naman klaro kung ang tinutukoy nito ay yung sumunod na sincere nang mabunot ang pangalan nila, o yung nagvolunteer bago pa man magpalabunutan, o yung nagvolunteer in addition sa mga nabunot na.
Whatever the case, malinaw na ang ginawa nila ay kinatuwa ng mga tao, at kinalugdan ng Diyos lalo na. Kaya may siningit na special designations sa ilan sa kanila dito sa section na ‘to, na fitting description din sa mga nagpasyang tumira sa city. At kung mabilisan mo lang babasahin ‘to, di mo mapapansing sa v. 6, tinawag silang “valiant men” (MBB “magigiting”, ASD “matatapang”). Sa v. 14 ganun din, “mighty men of valor.” Parang mga sundalo na susugod sa laban at handang ialay ang kanilang buhay. Although this was peace time, wala namang giyera, but they were ready, laging handa, to give their lives for the kingdom purposes of their King, Yahweh.
Sa v. 1, tinawag ang Jerusalem na “holy city.” Ganun din sa v. 18. Rare term ito na designation ng Jerusalem (Isa. 48:2; 52:1). Paano naging holy? Dahil ang holy presence ni God nandun. Yung temple nandun. Yung holy purposes ni God for that ay special, extraordinary. So kung nagdesisyon kang tumira dun, you set yourself apart for God’s holy purposes. At the center of this holy city is the holy temple. Na usually tinatatawag na “house of God.” Nakita na natin kung paanong paulit-ulit binanggit yung phrase na ‘to sa 10:32-39. Dito rin sa 11:12-23. About the priests: “their brothers who did the work of the house” (v. 12). About the Levites: “who were over the outside work of the house of God” (v. 16). About the singers naman from the line of Asaph, yung director of music sa time ni King David (v. 17): “the singers, over the work of the house of God” (v. 22). Remember their commitment? “We will not neglect the house of our God” (10:39).
At ito naman ang matututunan natin sa section na ‘to. God’s people, tayong mga Christians now, must be ready to lay down our lives, make sacrifices, hindi puro personal preferences or convenience or ambition ang iniisip. Na para sa atin, the purpose of God, the mission of God, and the glory of God is more important than anything in this world.
Sa vv. 25-36 naman ay ang listahan ng mga nanirahan sa mga barangay at mga bayan na nasa labas ng Jerusalem. Tapos ay sa 12:1-26 ay yun namang mga priests and Levites. Maraming pangalan na naman ang nakalista dito. But let us just make two observations about this. Yung una ay yung continuity of the priesthood. Binanggit sa v. 1 at v. 26, bookends of this section, ang mga leaders ng pagbabalik nila from exile – sina Zerubabbel, Ezra at Nehemiah (12:1, 26). Mahalagang maalala nila na ang kuwento ng Diyos ay nagpapatuloy. They were one people, part of one Story. Hindi pa tapos ang Diyos. Aabangan nila ang katuparan pa ng mga pangako ng Diyos, especially the coming of the Great High Priest and the King of kings, Jesus the Messiah.
Second observation, yung important role ng mga priests in leading people to God, in leading them sa pagsamba sa Panginoon. Kanina sa 11:17 nabanggit na yung mga Levites from the line of Asaph, si Matania na “nangunguna sa mga mang-aawit na umaawit ng pananalangin at pasasalamat” (ASD). Dito naman sa 12:8, binanggit na naman si Matania na song leader nila (kasama ang mga brothers niya), “katiwala sa pag-awat ng mga awit ng pasasalamat.” Meron pa silang parang choir sa magkabilang bahagi na nagsasagutan sa pag-awit ng mga papuri at pasasalamat sa Diyos (v. 24). At ginagawa nila ito “according to the commandment of David, the man of God.”
“Behold, how good and how pleasant it is when brothers dwell together in unity” (Psa. 133:1). The people of God united for the purposes of God, for the worship of God. At ‘yan nga yung nangyaring sumunod.
Dedication of the Wall (12:27-43)
Itong next section sa vv. 27-43 ay nagdedetalye kung ano ang nangyari sa dedication ng rebuilt walls of Jerusalem. Merong similar celebration na nangyari previously pagkatapos namang magawa ang templo sa Ezra 6:16-17. They celebrated that day with joy. Dapat naman talagang i-celebrate ang mga milestones sa ministry, to celebrate the work of the Lord sa church natin. Tulad ng baptism celebration natin next week.
Dito sa dedication ng walls, tinawag ang mga Levites at pinapunta sa Jerusalem. Sila kasi ang worship leaders ng Israel. Paano sila nagcelebrate? “With gladness, with thanksgivings and with singing, with cymbals, harps, and lyres (12:27). May masayang tugtugan at awitan. May mga musicians, may mga song leaders (v. 29). Merong two great choirs na nangunguna sa kanila sa songs of thanksgiving (vv. 31, 38, 40, 42).
But worship is not just about what we do, but about the condition of our heart before God. Hindi ang awit o tugtog ang pinakamahalaga kundi ang puso natin sa pagsamba. Kaya nga meron silang seremonya ng paglilinis o purification sa v. 30. Una siyempre para sa mga priests at mga Levites. Ceremonial lang ‘to. Kaya nga may purification din para sa mga tao, pati sa walls at sa city gates.
Pero ang mas mahalaga, purified, cleansed, consecrated ang puso natin sa pagsamba sa Diyos. Those who lead in worship must also lead in lives of holiness. If you are willfully living in sin, you cannot lead in worship. At paano ka rin naman makakasamba kung nagpapatuloy ka sa kasalanan?
That is why whenever we worship hindi lang filled with music and songs. Dapat saturated tayo ng word of God. Pag worship leading kasi akala natin yung song leader agad. But the primary worship leader of every gathering is the teacher of the Word. Kaya nga dito sa celebration nila sinabing “ang grupong ito ay pinapangunahan ni Ezra na tagapagturo ng kautusan (v. 36). Nakita na natin sa previous chapters yung crucial function ng word of God in sharing the people of God.
Mahalaga ang mayasang awitan at tugtugan. Mahalaga ang kabanalan. Mahalaga ang salita ng Diyos sa pagsamba. Kasi we are celebrating the work of God. Dito sa v. 37 gawa na yung Fountain Gate na nung first inspection ni Nehemiah sa 2:14 ay sira-sira at di man lang madaanan. Sa 3:15 nagawa ulit. This is the work of God. Fulfillment ng promise niya for the city of David (12:37). Kaya masayang-masaya ang lahat na naghandog sa Diyos bilang pagsamba, great sacrifices, maraming handog (v. 43). Hindi lang masaya. Masayang-masaya, great joy. Hindi lang yung ilan. Hindi lang mga leaders. Pati mga babae at mga bata ay nagsaya rin. Paano nangyari yun? “for God made them rejoice with great joy.” Sumasamba tayo because of the great work of God. Masaya tayo sa pagsamba dahil gawa rin ng Diyos, galing din sa Diyos. At kung ganito tayo sumamba, mababalitaan ng maraming tao kung bakit we are the happiest people on the planet. “Ang ingay ng pagsasaya nila ay naririnig kahit sa malayo.”
The reason why we are not worshipping like this ay dahil hindi natin lubos na nakikita ang ginawa at ginagawa ng Diyos. Oh, that we may see the work of God in and through us! At kapag nakita natin yun – especially the work of Jesus on the cross for us – hindi lang mag-uumapaw sa saya ang pagsamba natin, we will also join him in his work, and give our time, our money, our effort sacrificially for the work of the ministry.
Temple Service (12:44-47)
Tulad ng nangyari dito sa vv. 44-47. Yung mga pinangako nilang gagawin sa vv. 33-39 for the house of God, that they will not neglect the house of God, pinangatawanan nila dito sa last section. That day, nag-appoint sila ng mga mangangasiwa ng mga contributions, mga firstfruits, mga tithes, pati yung storerooms “required by the Law for the priests and the Levites” (v. 44). Ang ginawa nila ay pagsunod sa obligasyon nila to provide and bless their worship leaders. Oo, required by the law, oo duty nila yun. But they are not merely driven by duty, but by delight in God’s work. “For Judah rejoiced over the priests and the Levites who ministered.” Masaya’t masagana sila sa mga tithes and offerings nila kasi masaya sila sa ginagawa ng mga leaders nila.
So yung service and giving natin sa ministry responsibilidad natin ‘yan bilang mga miyembro. But do it with a cheerful heart. Hindi dahil obligado ka. Kundi dahil masaya ka. Masaya tayong nakikibahagi kasi we are part of this one Story of God. Kaya nga sinabi rin dito sa story na yung ginagawa nilang “service” o paglilingkod sa worship ay “according to the command of David and his son Solomon. For long ago in the days of David…” (vv. 45-46) ganito rin ang nangyayari, ganito ang gusto ng Diyos na mangyari. Yun yung longer history. Dito naman sa v. 47, yung mas recent history. “…in the days of Zerubbabel and in the days of Nehemiah” nagbibigay sila para sa mga ministry workers, para sa mga worship leaders nila, para sa mga itinalaga ng Diyos na manguna sa kanila. Kaya ang book ng Nehemiah konektado sa book of Ezra. At konektado sa kasaysayan ng buong Old Testament, at sa kasaysayan ng buong Bibliya na ang ultimate fulfillment ay si Cristo.
Itong nagpapatuloy na grupo at lineage ng mga pari ultimately fulfilled in Jesus our Great High Priest. Siya ang Worship Leader natin. Kasi siya ang Mediator natin sa Diyos. Paano tayo makakalapit sa Diyos without Jesus? Itong mga sacrifices na ginagawa nila with great joy, fulfilled also when Jesus sacrificed himself willingly and with great joy. That is why we fix our eyes on Jesus the author and perfector of our faith, who for the joy that was set before him endured the cross (sacrificed himself!) (Heb. 12:1-3).
At itong references sa Jerusalem, the holy city, the city of David, andun yung longing nila for a King, for a Messiah. Fulfilled in Jesus the Son of David, our King of kings, the Head of the Church. At dahil kay Jesus, tayong lahat na sumasampalataya sa kanya, kahit di tayo mga Judio, we now belong to the people of God.
“Pumarito si Cristo at ipinahayag ang Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan sa inyong mga hindi Judio na noong unaʼy malayo sa Dios, at maging sa aming mga Judio na malapit sa Dios. 18Ngayon, tayong lahat ay makakalapit sa Ama sa pamamagitan ng iisang Banal na Espiritu dahil sa ginawa ni Cristo para sa atin. 19Kaya kayong mga hindi Judio ay hindi na mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kaisa na ng mga pinabanal at kabilang sa pamilya ng Dios. 20Tayong mga mananampalataya ay katulad ng gusali na ang mga haligi ay ang mga apostol at mga propeta, at ang pundasyon ay si Cristo Jesus. 21Sa pamamagitan ni Cristo, ang lahat ng bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang banal na templo ng Panginoon. 22At dahil kayo ay nakay Cristo, bahagi na rin kayo nitong gusaling itinatayo, kung saan nananahan ang Dios sa pamamagitan ng kanyang Espiritu” (Eph. 2:17-22 ASD).
Kabilang ka. Kasali ka. If…you are in Christ. That is why before we talk about church membership, o how you participate sa worship and ministry ng church, ito muna ang unahin mong i-deal sa puso mo – do you really belong to Christ? O yung presence mo ngayon dito is just a show, pretending lang, pakitang-tao lang, religious activity lang?
At kung ikaw nakay Cristo – trusting in his finished work on the cross for you – you are a Christian. ‘Wag mong iisiping ‘pag Christian ka attender ka lang, audience ka lang, spectator ka lang, taga-nood ka lang. No! May bahagi ka, may gagawin ka, meron kang service na gagawin. Hindi pwedeng wala. Because being a Christian, belonging to Christ, is also belonging to his Church.
Magsisimula ito sa pagpapamiyembro sa church. Lapit lang kayo sa aming mga leaders kung paano. At kung member ka na, do you have “meaningful membership”? Itinuturing mo ba itong church na pamilya mo? Sumusunod ka ba sa pinirmahan mong membership covenant? Do you strive to live for God’s purposes? Do you pursue holiness? Do you let others hold you accountable sa personal discipleship?
Kumusta rin naman ang participation mo sa “corporate worship”? Kumakanta ka ba na pabulong lang o really shouting your praise and dancing with joy? Nakikinig ka ba sa Salita ng Diyos? Masaya ka ba at sagana sa pagbibigay? Ang motivation mo ba ay driven by the gospel o more on performance and human approval? Spectator ka lang ba o actively participating?
How about your “ministry involvement”? Nakikibahagi ka ba o nagiging pabigat pa? Pag may time lang o kung ano lang ang convenient sa ‘yo o may kasamang pagsasakripisyo ng oras at lakas para mapaglingkuran ang iba? O baka iniisip mo ang ministry para sa mga great Christians lang, great leaders lang, feeling mo ordinaryo ka lang? Look at v. 47, “And all Israel…” Lahat. Sabi sa ESV Reformation Study Bible, “The people of God as a whole, not just the great leaders, are vital for accomplishing God’s redemptive plan.”
Kaya nga meron din tayong mga adult equipping classes at maraming opportunities for ministry, para masanay tayo na gawin kung ano ang gusto ng Diyos na gawin natin. Tayong lahat. Hindi lang mga leaders.
“Ang ibaʼy ginawa niyang apostol, ang ibaʼy propeta, ang ibaʼy mangangaral ng Magandang Balita, at ang iba naman ay pastor at guro. 12Ginawa niya ito para ihanda sa paglilingkod ang mga pinabanal, at para lumago at maging matatag sila bilang katawan ni Cristo. 13Sa ganitong paraan, maaabot nating lahat ang pagkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Dios, at ganap na lalago sa espiritwal nating pamumuhay hanggang maging katulad tayo ni Cristo” (Eph. 4:11-13 ASD).
Maging katulad ni Cristo. ‘Yan ang layunin ng membership natin sa church, ng participation sa worship gatherings natin, at ng involvement natin sa ministry. Maging katulad ni Cristo.