Ang Ika-Limang Utos

Natapos na nating pag-aralan ang unang apat na utos. At lahat ‘yan ay may kinalaman sa relasyon natin sa Diyos. And we can summarize that as “love the Lord your God with all your heart.” But to know and to memorize these commandments is one thing. To obey and live our lives according to these commandments is another. And that is the goal. Hindi lang makinig, kundi sumunod. Sabi nga ng Panginoong Jesus, na ang makinig at magsabuhay ng kanyang mga salita ay parang isang wise man na nagtayo ng bahay sa bato. Kahit anong delubyo ang dumating, di magigiba. Pero kung nakinig lang, hindi naman ginawa, parang isang foolish man na nagtayo ng bahay sa buhanginan. Pagdating ng bagyo at baha, wasak agad ang bahay (Matt. 7:24-27). Brothers and sisters, let us “be doers of the word, and not hearers only” (Jas. 1:22).

Tulad ng sa ika-4 na utos tungkol sa Sabbath o Araw ng Pamamahinga. Challenging, personal, at specific ang application n’yan. Kaya nga may mga Sabadista, insisting na dapat Saturday ang worship time ng mga Christians dahil yun naman talaga ang original na Jewish Sabbath Day. But we worship now on the first day, the Lord’s Day, because of the resurrection of Jesus. Sabado man o Linggo, or in Muslim countries Biyernes – hindi yun ang pinakamahalaga. But what you do and how you spend this time? Nakakapahinga ba? Nakakasamba ba? Nakafocus ba sa Diyos? Or kung may mga conflicts tulad ng trabaho o negosyo o bisitang dumating o invitations o mga naiwang gawaing bahay, how will you make your decisions? Susunod ka ba sa utos ng Diyos o sa sarili mong gusto o sa gusto ng ibang tao na gawin mo?

Obedience matters. Because your relationship with God matters. Yun ang goal ng first four commandments. Para sabihin sa ating, pay attention to your relationship with God. ‘Yan ang pinakamahalaga sa lahat. From your vertical relationship it will flow into your horizontal relationships. Kung hindi ayos ang relasyon mo sa Diyos, ang relasyon mo sa ibang tao ay hindi rin magiging ayos. Kung may problema ka sa relasyon sa ibang tao, ibig sabihin you have a primary problem sa relasyon mo sa Diyos. Kaya yung susunod na anim na utos ay may kinalaman dun. At heto yung una dun, the fifth commandment: 

Honor your father and your mother, that your days may be long in the land that the Lord your God is giving you (ESV).

Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo’y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos (MBB).

Exod. 20:12; also Deut. 5:16

Ang pagsamba sa Diyos ay hindi lang tuwing Linggo, kundi araw-araw. Hindi lang sa loob ng church, kundi sa loob ng bahay. Hindi lang when we spend time with him, kundi pati na rin sa pagtrato natin sa parents natin. Pansinin n’yo kung paanong pinagsama ang ika-4 at ika-5 utos dito: “Every one of you shall revere his mother and his father, and you shall keep my Sabbaths: I am the Lord your God” (Lev 19:3). Throughout the Old Testament, sa mga reiterations ng utos na ‘to, and illustrated sa mga stories, makikita natin kung gaano ‘to ka-importante. At sa mga sulat ni Pablo, inulit din niya itong utos na ‘to. 

Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sa Panginoon: sapagkat ito ang nararapat. “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong “Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa.”


Eph. 6:1-2 MBB

Mga anak, sundin ninyo ang mga magulang nʼyo sa lahat ng bagay, dahil kalugod-lugod ito sa Panginoon.


Col. 3:20 ASD

The Command

Pagkatapos ng instructions ni Paul sa duty ng mga anak sa kanilang parents, kasunod nito yung duty naman ng parents sa kanilang mga anak. Pero ngayon, kung meron kayong mga anak, ‘wag n’yo munang isipin na yung fifth commandment ay applicable lang sa kanila. Lahat tayo, isipin muna natin ngayon na we are all children of our parents (and we are kahit gaano ka na katanda) and learn from God’s Word today.

Ang specific application ito ay sa relationship natin sa parents natin. But like all other commandments, this relationship represents by extension all other relationships na meron tayo sa mga taong in positions of authority over us. Tulad ng wife sa husband, ng employee sa employer, ng student sa teacher, ng citizen sa government, ng member sa pastor or church leader (Eph. 5:21-6:9; Col. 3:18-4:1). But for the purpose of this sermon, magfocus lang muna tayo sa relationship natin sa parents natin. For if children cannot learn how to submit to their first authority sa loob ng bahay, paano naman sila matututong magpasakop sa authority sa labas ng bahay, and more significantly, to God’s authority over all of their life?

Ano ang utos sa atin? “Honor your father and mother.” Not just father, not just mother, but “father and mother.” Ang salitang “honor” ay galing sa Hebrew na kabed, ibig sabihin, bigyan ng bigat (weight) o halaga. Equivalent din sa give “glory” na ginagamit mismo sa Diyos. Ibig sabihin, pahalagahan, itrato na mas mataas kaysa sa atin. Itrato na nag-rerepresent sa authority mismo ng Diyos. Kaya nga ikinabit ni Paul, “Obey your parents in the Lord” (Eph. 6:1); “Obey your parents in everything, for this pleases the Lord” (Col. 3:20). The word “honor” means at least three things na duties natin sa parents natin – respect, obedience, and gratitude.

  1. Respect. Hindi lang pagmamano o paggamit ng “po” at “opo.” Kasali yun. But more importantly, yung attitude natin sa kanila. Itinuturing ba natin sila na magulang? Mahalaga? At mas nakatataas sa atin? Kapag kinausap ba natin sila, kapag sumagot tayo sa mga tanong nila, nararamdaman ba nila ang paggalang natin sa kanila? O hindi mo sila pinapansin? O bastos at walang modo kang sumagot o magdabog? Kapag nagsalita ba tayo tungkol sa kanila sa ibang tao, do we speak well of them? O puro masasama ang ikinuwento natin sa iba?
  2. Obedience. Kung tayo ay nakatira pa sa loob ng bahay nila, at wala pang sariling pamilya, sumusunod ba tayo sa lahat ng iniuutos nila? Siyempre may limitation yun, kung may iniutos na sila na labag sa utos ng Diyos o humahadlang sa pagsunod, pagsamba at paglilingkod natin sa Diyos, “we must obey God rather than men” (Acts 5:29). Sila ba ang nasusunod sa bahay o ikaw at kung ano ang gusto mong gawin? Sinusunod ba natin sila agad, at hindi na kailangang bilangan o paghintayin? Sinusunod ba natin sila na masaya sa puso natin at hindi nakasibangot at nagrereklamo? Sinusunod ba natin sila kahit walang kapalit, because it is our duty to obey them? Sinusunod ba natin sila with the right motivations?
  3. Gratitude. Ang mga magulang ay regalo ng Diyos sa atin. Wala tayo sa mundo kung wala sila. We owe our life and existence to them. Ipinagpapasalamat mo ba sa Diyos ang mga magulang mo? O puro ka reklamo? O wish mo dumating na yung time na wala ka na sa puder nila at independent ka na? Nasabi mo man lang ba sa kanila na, “Salamat po dahil kayo ang mga magulang ko”? O ang daming himutok sa puso mo dahil sa mga bagay na di nila naibigay sa ‘yo? Nakalimutan mo na ba ang sakripisyo ng mga magulang mo para mapalaki ka, mapag-aral, at maturuan nang tama?

The Difficulties

Malinaw ang utos ng Diyos na igalang, mahalin, sundin at magpasalamat tayo sa mga parents natin. Pero bakit ang hirap-hirap para sa atin na sumunod? Again, don’t think of your children first: “Oo nga, ang hirap-hirap sumunod ng mga anak ko.” As if naman you are better than them when you were still a child! Bakit nga ba hindi natin masunod ang ika-5 utos?

Akala kasi natin ang duty natin to honor other people ay nakadepende kung sila ay worthy or deserving of honor, love and respect. Pero walang namang nakakabit na condition sa ika-5 utos, “Kapag okay ang parents mo, igalang mo. Kung hindi, e di wag.” No, it is not because they are worthy or deserving, but because God is. Dahil ito ang mabuting kalooban ng Diyos para sa ‘yo. Sagot ng Heidelberg Catechism (1563) sa tanong na, “What does God require in the fifth commandment?”:

“That I show all honor, love and faithfulness to my father and mother, and to all in authority over me; submit myself with due obedience to all their good instruction and correction; and also bear patiently with their infirmities: since it is God’s will to govern us by their hand.” 


Heidelberg Catechism (1563)

Mahirap sa atin kasi meron silang “infirmities” – kahinaan, pagkukulang, kasalanan. Ang iba sa inyo, lumaki kayo na di man lang ninyo nakilala kung sino ang tatay o nanay n’yo, o pareho. Ang iba, bata pa lang iniwan na ng tatay. Ang iba, hindi nga iniwanan, pero isa o dalawa sa mga magulang n’yo laging wala noong kayo ay lumalaki kasi nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang iba, bata pa lang namatay na ang magulang n’yo. Ang iba, kasama mo nga si tatay sa bahay madalas, pero para namang wala, passive and emotionally distant and detached. Ni hindi mo naririnig na sabihan kang “I love you”, “You’re beautiful,” “Very good!” Ang iba naman sa inyo abused ng tatay o ng nanay – verbally, emotionally, physically, or even sexually.

Our parents are responsible to God sa mga pagkukulang at mga kasalanan nila sa atin. But we don’t put yung blame sa kanila sa mga sinful responses naman natin o i-excuse o i-justify ang paglabag natin sa ika-5 utos. We are responsible for our own sinful actions. So, the primary problem why we find it so hard to obey the fifth is not because of our parents. But because of the hardness of our hearts.

The Father’s Love

Masyado tayong nakatingin sa kanila na ibigay kung ano ang kailangan natin at mga hinanahap natin sa kanila. Tama namang iniligay sila ng Diyos na maging first and primary caregivers para sa atin. But they are not God. They cannot give all the love, all the care, all the protection, all the provision that we need in our life. They are good gifts, gaano man sila kaimperfect, but they are not God. We dishonor our parents kasi nilalabag natin ang unang utos, and we make idols out of them. And we make idols out of our own self kung “self” na natin ang pinakamahalaga at hindi na natin naiisip that our parents also need the same things we need and they also failed to get them from their parents, our grandparents.

Ang mga magulang natin – ama at ina – ay nilikha sa larawan ng Diyos. They are not God-substitutes, but they represent, they mirror who God is. Ang purpose ng image ay hindi para yung image na yun ang maging focus of our attention. Parang ako, halimbawa, na titig na titig sa picture ng asawa ko samantalang siya mismo ang nasa harap ko. We must look beyond the image and see what that image represents. We must look beyond our parents and see God our Father.

Sa mga panahon na they can provide well for us, sa mga panahong we are showered by their love, sa mga panahong they discipline us, sa mga panahong they express their affirmation and acceptance of us, tingnan natin ang provision, love, discipline, affirmation and acceptance of our Father in heaven. Sa mga panahong na-highlight sa atin ang mga kasalanan at imperfections nila, ang mga abuses na naranasan natin sa kanila, ang mga pagkukulang nila, tingnan natin ang Diyos na ating Ama na palaging mabuti, perpekto, at sapat kung magmahal sa atin.

Iwanan man ako ng aking mga magulang, kayo naman, Panginoon, ang mag-aalaga sa akin.


 Salmo 27:10 ASD

Only as we look to our Father in heaven, and honor him, can we truly honor our parents.

A Promise and a Warning

Alam ng Diyos na hindi natin kaya sa sarili lang natin na makasunod sa ika-5 utos. Kaya dapat sa kanya tayo tumingin, sa kanya tayo humingi ng tulong. At isa sa mga tulong na ibinibigay niya ay ang mga motivations na kailangan ng heart natin para makasunod tayo. Like his promises. Ganun din naman ang ginagawa natin sa mga bata, di ba? Para ma-motivate silang sumunod, we promise them rewards o sasabihin natin sa kanila ang good consequences of obedience. Dito sa ika-5 utos, sabi ng Diyos, “Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo’y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.” Kaya sinabi ni Pablo na “ito ang unang utos (sa 10 Utos) na may kasamang pangako” (Eph. 6:2 ASD).

Hahaba ang buhay nila. Hindi naman ibig sabihing lahat ng may long life ay masunurin sa magulang at yung namatay nang maaga ay pasaway. It is not just about length of time, but quality of life. Kaya sa Deut. 5:16, ganito ang nakakabit na pangako, “Igalang mo ang iyong ama at ina tulad ng iniutos ko sa iyo. Sa gayo’y mabubuhay ka nang matagal at sagana sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos.”

We live in a fallen world. Not necessarily na mangyayari ‘to if we honor our parents. Tulad ng mga nakasulat sa Proverbs about how we treat and obey our parents. Ideally, naturally, maganda ang mangyayari. Para sa ikabubuti mo. Ang masaya at masaganang buhay ay nakadepende, in part, sa paggalang sa magulang. Many people have miserable lives today because of how badly they have treated their parents.

May promise. Meron ding implied na warning. Paano kung hindi mo iginalang ang magulang mo? Isang chapter lang pagkatapos ng 10 Commandments, heto ang mababasa mo, “Sinumang magmura (ASD, lumapastangan) sa kanyang ama o ina ay dapat patayin” (Exod. 21:17 MBB). Heto pa, “Ang sinumang magmura sa kanyang ama at ina ay dapat patayin. Mananagot ang sinumang lumait sa kanyang ama at ina” (Lev. 20:9). “’Sumpain ang sinumang hindi gumagalang sa kanyang ama at ina.’ Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’” (Deut. 27:16). “Sinumang magmura sa kanyang magulang, parang ilaw na walang ningas ang wakas ng kanyang buhay” (Prov. 20:20 MBB).

Akala kasi natin ang death penalty para lang sa krimen tulad ng “murder”. Ika-anim na utos pa yun. Pero yung ika-5, ika-4, ika-3, ika-2, at unang utos..kamatayan ang sentensiya. Ganito ang proseso niyan sa Israel… 

“Kung matigas ang ulo at suwail ang isang anak, at ayaw makinig sa kanyang mga magulang sa kabila ng kanilang pagdisiplina, siya ay dadalhin ng kanyang mga magulang sa pintuang-bayan at ihaharap sa pinuno ng bayan. Ang sasabihin nila, ‘Matigas ang ulo at suwail ang anak naming ito; at ayaw makinig sa amin. Siya ay lasenggo at nilulustay ang aming kayamanan.’ Pagkatapos, babatuhin siya ng taong-bayan hanggang sa mamatay. Ganyan ang inyong gagawin sa masasamang tulad niya. Mapapabalita ito sa buong Israel at matatakot silang tumulad doon” (Deut. 21:18-21).

Try to imagine kung gaano kaseryoso ‘yang batas na ‘yan. Kung paanong ang mga bata ay susunod sa magulang nila. Kung paanong magsisikap din ang mga magulang na madisiplina ang anak nila, dahil kung hindi, patay sila. Iba ang feeling natin sa ganitong provisions sa law, para bang napakalupit, kasi we don’t take the holiness and will of God seriously. 

Wag mong sabihing OT lang ‘yan. Jesus also takes this law seriously. He quoted Exod. 21:17 along with the fifth commandment sa Matt. 15:4 at Mark 7:10. Although hindi na applicable yung ganyang death penalty sa government natin kasi hindi naman tayo under ng Israel, at wala din namang magsusulong ng ganyang panukala sa Kongreso, we still need to take this warning seriously. Maging si Pablo isinali ang pagiging suwail sa magulang na deserving ng death penalty (Rom. 1:31-32). Ang poot ng Diyos ay nakaabang na sa lahat ng sumusuway sa utos na ‘to (1:18; 2 Tim. 3:1-5).

The Gospel

Buti na lang at “tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng Kautusan nang siya ay isinumpa para sa atin, sapagkat nasusulat, “Isinumpa ang bawat ibinitin sa punongkahoy” (Gal. 3:13). Ang quote niya dito ay galing Deut. 21:23, isang passage na pagkatapos nung section tungkol sa process kung paano sasampahan ng death penalty ang mga sumusuway sa magulang. Nagtuturo yung sumpa na yun sa sumpa na inako ni Jesus para sa atin.

And why is he qualified to save us? Jesus was the perfect child. Siya ay “lumaking malusog, matalino, at kalugud-lugod sa Diyos” (Luke 2:40). Meron lang isang story noong 12 years old siya na parang di siya nagsubmit sa parents niya na sina Maria at Jose (his legal father). Para lang. Noon kasing umakyat ng Jerusalem ang pamilya ni Jesus for a feast, naiwan siya nang pauwi na sila, pero di nila napansin. Hanap sila nang hanap. Nang balikan nila nakita nilang si Jesus (at 12 years old!) nakikipag-discussion sa mga Bible teachers. At hangang-hanga sila sa talino ni Jesus. Pero itong si Maria, sabi sa kanya, “Anak, bakit mo naman ginawa ito sa amin? Lubha ang aming pag-aalala ng iyong ama sa paghahanap sa iyo” (2:48). Sabi naman ni Jesus, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi po ba ninyo alam na ako’y dapat mamalagi sa bahay ng aking Ama” (v. 49)? Jesus was submissive…to his Father in heaven. 

“Siya’y sumama sa kanila pauwi sa Nazaret, at siya’y naging masunurin sa kanila. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso. Patuloy na lumaki si Jesus; lumawak ang kanyang karunungan at lalong naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao” (vv. 51-52). Jesus honored his parents. Jesus honored his Father in heaven. Perfectly. Without fail. Kaya nang bautismuhan siya ni Juan, at 30 years old, probably patay na rin si Jose during this time, the Father spoke from heaven, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan” (3:22). Kasi nga, buung-buo ang puso ni Jesus na sundin ang lahat ng ipinapagawa ng kanyang Ama. Maging ang pinakamahirap sa lahat, ang mamatay sa krus para akuin ang sumpa na nararapat sa atin na sumuway at di gumalang sa mga magulang natin. Inako niya ang dishonor at shameful death na para sa atin. 

At hanggang sa krus, habang nakabitin ang katawan niya at hirap na hirap nang huminga, ipinadama pa rin niya ang pagmamahal niya sa kanyang ina. “Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, ‘Ina, ituring mo siyang sariling anak!’ At sinabi niya sa alagad, ‘Ituring mo siyang iyong ina!’ Mula noon, sa bahay na ng alagad na ito tumira ang ina ni Jesus” (John 19:26-27). 

Application

Habang nakatingin tayo kay Jesus, crucified but now risen and reigning as King, we are changed. And empowered to obey na fifth commandment, “Honor your father and your mother.” Paano?

  1. Repent of the many ways you dishonored your parents. Humingi ka ng tawad sa Diyos. Humingi ka ng tawad sa kanila, kung buhay pa. Kung di mo pa kaya sabihin nang personal, write them a letter.
  2. Release forgiveness for them. Meron kang kinikimkim na sama ng loob sa kanila, patawarin mo sila gaya ng pagpapatawad sa ‘yo ng Panginoon. Akala mo nagagantihan mo sila when you withhold forgiveness. But in reality, sarili mo ang pinapahirapan mo.
  3. Resolve to show in practical ways to honor and submit to them (and all authorities sa buhay natin). Ano ang gagawin mo para maramdaman nila na they are honored, na mahalaga sila, na regalo sila ng Diyos para sa ‘yo?

And if you are a parent, resolve na gagawin mo ang lahat ng dapat gawin para maturuan ang mga anak natin na igalang tayo, sundin tayo, at magpasalamat din sila sa Panginoon na tayo’y mabuting regalo ng Diyos para sa kanila. Mahirap na nga para sa kanila na sumunod sa mga utos, wag na tayong maging pabigat pa at maging dahilan pa ng ikagagalit nila. 
Sa relasyon natin sa pamilya at sa isa’t isa, let us all look to Jesus and his relationship with his Father, and our Father, in heaven.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.