Palm Sunday: A Disciple’s Journey (Mark 8-10)

downloadmp3-icon

We will resume our sermon series on 1 Peter sa April 1, Easter Sunday. Today is Palm Sunday. Kung pag-aaralan natin ang pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, nasa Mark 11 ang story niyan. But now, we will look at what happened sa three chapters before that, Mark 8-10. Ito yung salaysay ni Mark kung paanong si Jesus at ang mga disciples niya ay naglakbay mula sa Galilea papunta sa Jerusalem, mahigit 100km din ang layo niyan. As we resume our series on 1 Peter next week, naniniwala ako na makakatulong din itong pag-aaralan natin ngayon to inform us kung ano ang pananaw at natutunan ni apostol Pedro about true Christian discipleship. Ano ba ang ibig sabihin ng pagsunod kay Cristo? Kasi itong si John Mark, many Bible scholars believe, ay nagsusulat nito under Peter’s influence. Dito sa pag-aaralan natin ngayon, mahalagang marecognize natin na para matutunan natin kung ano ba ang ibig sabihin ng pagsunod kay Cristo, magsisimula ito sa tamang pagkakakilala kung sino ba talaga si Cristo at ano ang dahilan kung bakit siya naparito.

Meron tayong 12 babautismuhan next Sunday. Dumaan sila pag-aaral tungkol sa baptism at church membership. Na-interview din sila ng mga elders. At ang purpose naman ng interview na ‘to ay para malaman namin na ang babautismuhan natin ay mga tunay na Cristiano, tagasunod ni Cristo. Although only God knows what is in your hearts. Pero yung desisyon namin to accept you ay base na rin sa discernment namin based sa pagsagot n’yo sa mga tanong na kung sino si Jesus, what is the gospel, do you really believe it, do you trust him for your salvation. Pwede namang tama ang mga sagot ninyo. Pero answering correctly doesn’t mean you believe the gospel with all your heart. Maaaring sinasabi mong kilala mo si Cristo, pero hindi sa pagpapakilala ni Cristo na naaayon sa kanyang Salita. Maaaring sinasabi mong you are a disciple, but not according to his definition of what it means to follow him.

Sa simula ng journey nila, nagpunta muna sila sa norte, sa Ceasaria Philippi, bago bumiyahe southward sa Jerusalem. Dito sa Mark 8:27-30, tinanong ni Jesus ang mga disciples niya kung ano ang pagkakilala ng mga tao sa kanya. Sabi ng mga disciples niya, akala ng mga tao ay isa lang si Jesus sa mga propeta. Hindi pa talaga nila kilala kung sino siya. Iba itong mga disciples. Tinanong sila ni Jesus, “E kayo, ano sa tingin n’yo?” Sumagot si Pedro, in behalf of the group, “You are the Christ.” Greek Christos. Sa Hebrew, Messiah. The Anointed One. Ang ipinangako ng Diyos na darating na Haring Tagapagligtas. Tama ang sagot niya. Si Jesus ang Messiah. Pero sinabihan sila ni Jesus na ‘wag muna itong ipagsabi. Hmmm. Bakit kaya? Kasi maging itong mga disciples niya hindi pa lubos na nauunawaan what it means for Jesus to be the Christ. Meron silang different expectations of a Savior-King. Akala nila, and this was a popular opinion about the coming Messiah during their time, na siya ang magpapalaya sa kanila mula sa pang-aapi ng mga Romano. Kumbaga, isang conqueror or political liberator.

Tatlong taon na nilang kasama si Jesus, pero hindi pa nila lubos na kilala and what it really means to follow him. Kaya on the way to Jerusalem, Jesus will use this opportunity para ituwid ang konsepto nila ng “Messiah” and to teach them tungkol sa paglalakbay din na dapat nilang tahakin bilang mga tagasunod niya. Merong tatlong key sections sa tatlong chapters na ‘to – 8:31-38; 9:30-37; 10:32-45. As you read a biblical story, mahalagang tandaan na hindi lang nagkukuwento ang author. Sinadya niyang ayusin ang materials na meron siya to make a theological point. Pay attention to repetition and structure here. Ibig sabihin, nandun yung point of emphasis niya. Bawat isang section na ‘to kasi, meron tigatlong bahagi. Each time, sinabi ni Jesus ang isang gospel truth sa kanila, yung prediction kung ano ang mangyayari sa kanya sa Jerusalem. Each time din, epic fail itong mga disciples, di nila naintindihan, di sila naniniwala, di nila matanggap na yun ang mangyayari. Each time din pagkatapos nun, merong discipleship lesson na ibibigay ang Panginoon. Isa-isahin natin ‘yan.

march-25-1.jpg

Mark 8:31-38

Gospel Truth (8:31). “And he began to teach them that the Son of Man must suffer many things and be rejected by the elders and the chief priests and the scribes and be killed, and after three days rise again.” Dapat alam na nila ‘to kasi nasa prophets naman sa Scripture ang tungkol sa mangyayari sa Messiah bilang isang Suffering Servant (like Isaiah 53). Pero kailangang ituro – at paulit-ulit itong ituturo ni Jesus hanggang bumaon sa isip at puso nila – kasi bulag pa sila sa katotohanang ito. Meron silang man-made expectations ng Messiah. Kapag naririnig nila yung phrase na “Son of Man” – it is a picture of divine authority na meron ang Messiah, tulad ng pagkakagamit nito sa Daniel 7:13 (“dominion…glory…kingdom…”).

Pero sabi ni Jesus, marami ang daranasin niyang paghihirap, itatakwil siya ng mga religious leaders nila, at papatayin. Hindi ito ang ending na ineexpect ng mga disciples niya kung si Jesus nga ang Haring Tagapagligtas. Hindi rin naman yun ang ending sa sinabi ni Jesus. Sabi niya, mabubuhay siyang muli sa ikatlong araw. Pero hindi nila naririnig yun. Oo, alam nila merong resurrection of the dead sa mga huling araw, pero yung “after three days” walang paglagyan pa ‘yan sa isip nila.

Epic Fail (8:32-33). “Plainly” ang pagpapaliwanag ni Jesus sa kanila, not in parables, not in symbolic language. Malinaw naman kay Pedro. Pero di niya matanggap. Hinila niya si Jesus sa isang tabi, kinausap siya privately, at sinaway siya. Grabe ang audacity nitong si Pedro na i-rebuke ang kanyang Master. Hindi naman siya concern kay Jesus sa mangyayari sa kanya, but more on what will happen to him as he follows Jesus.

But it was not just Peter. Ganito rin naman malamang ang sentimiyento ng lahat ng disciples. Kaya tiningnan niya silang lahat at siya naman ang nag-rebuke kay Peter. Sabi niya, “Get behind me, Satan! For you are not setting your mind on the things of God, but on the things of man.” ‘Yan ang talagang rebuke. Strong words. Hindi dahil si Pedro ay si Satanas nga o sinaniban ng demonyo. No. Pero dahil ang nasa isip niya ay tulad ng nasa isip at hangarin ni Satanas na kaaway ng Diyos (yun nga ang ibig sabihin ng pangalan niya!) at palaging humahadlang sa plano ng Diyos.

Tulad nila Pedro, dapat ang hangarin nating makamundo ay mapalitan ng hangaring maka-Diyos. Gusto natin kung ano ang madali, kung ano ang kumportable, kung ano ang makapagpapayaman sa atin, kung paano tayo matatanggap, maa-approve, at mapapalakpakan ng mga tao. Akala natin ‘pag nakay Cristo tayo, makukuha natin ang lahat ng ‘yan. Ginagawa pa nating si Jesus na daan patungo sa mga hangarin nating makamundo. Pero kung tayo ay susunod sa kanya, dapat nating daanan ang daang nilakaran niya.

Discipleship Lesson (8:34-38). Hindi lang ito ang dapat matutunan nila Pedro, kundi ng lahat ng tao na nagnanais na sumunod sa kanya. Ito rin ang dapat nating matutunang lahat at ituro sa lahat ng tao.

And calling the crowd to him with his disciples, he said to them, “If anyone would come after me, let him deny himself and take up his cross and follow me. For whoever would save his life will lose it, but whoever loses his life for my sake and the gospel’s will save it. For what does it profit a man to gain the whole world and forfeit his soul? For what can a man give in return for his soul? For whoever is ashamed of me and of my words in this adulterous and sinful generation, of him will the Son of Man also be ashamed when he comes in the glory of his Father with the holy angels.”

Ang pagsunod kay Cristo ay hindi tungkol sa pagtataas ng sarili, it is about self-denial. Hindi na ambisyon mo, hindi na ang nais mo ang masusunod kundi si Cristo na. Ang pagsunod kay Cristo ay hindi tungkol sa pagkakaroon ng mahabang buhay, magandang buhay, saganang buhay. It is about cross bearing. Hindi ito one time lang o minsanan lang. Sabi pa ni Luke, it is daily. Araw-araw, handa tayong maghirap para kay Jesus, tumanggap ng kahihiyan para kay Jesus, be rejected for Jesus, at mamatay para sa kanya.

Malaki ang nakasalalay dito. Tulad ng sabi ni Jesus, it is a matter of life and death. Hindi ibig sabihin na ang salvation natin ay by works. Nagpapakita lang kung ano ang essence ng true, saving faith. Hindi intellectual lang, o basta naniniwala ka lang. Discipleship is not optional in the Christian life. Discipleship is the Christian life. This is about the gospel, embracing the true gospel. That is why prosperity gospel is dangerous. Kapag naging Christ-follower ka daw, kasunod ay maginhawang buhay. Talaga lang ha. Read this passage again and tell that to the prosperity preacher! We need to get the gospel right. Kahit anong discipleship program o strategy o events ang gawin natin, balewala if we don’t get the gospel right. If we don’t preach the gospel over and over again. Kasi ito naman ang ginagawa ni Jesus para sa mga disciples niya.

Mark 9:30-37

Gospel Truth (9:30-31). Kasi naman lagi nating nakakalimutan, kaya kailangang ulit-ulitin. Buti na lang si Jesus very patient sa pagtuturo sa mga disciples niya. Nakalagpas na sila sa Galilea, sinabi niya ulit, “The Son of Man is going to be delivered into the hands of men, and they will kill him. And when he is killed, after three days he will rise.” Ang expectation kasi nila sa Haring darating, siyempre magiging popular, magiging loyal ang mga tao sa kanya. Pero si Jesus, isa nga sa 12 apostles niya, si Judas, trinaydor siya. Ipinadakip siya. Nilitis pa kunwari, may mga hearing pa kunwari, pero buo na ang desisyon ng mga ito na ipapatay siya. Yun nga ang nangyari.

Epic Fail (9:32-34). Ganun pa rin, di pa rin sila naniwala. Unbelief starts with lack of understanding. Nagpapakita ito ng blindness sa heart nila. Pwede naman silang magtanong. Pero natatakot magtanong. Baka siguro matulad sila kay Pedro sa nangyari kanina pag nagsalita sila. Pero di naman sila papagalitan ni Jesus pag nagtanong sila. Yun nga ang mark ng isang good learner (disciple), nagtatanong sa teacher (Jesus) para matuto. Pero malamang na mas natatakot silang maexpose kung ano ang nasa puso nila.

Yun nga ang nangyari. Nagtanong si Jesus kung ano ang pinag-uusapan nila. Not because he doesn’t know. He knows. Pero di na naman sila sumagot. Takot. Silent lang. Ang pinag-uusapan kasi nila ay kung sino ang greatest among them. Pagalingan ba. Pataasan ng ihi. Naku, nangyayari ‘yan kahit sa pagtitipon naming mga pastor. Kahit sa workplace n’yo. Kahit sa loob ng bahay, kahit sa mag-asawa, kahit sa magkakapatid, pagalingan. Kahit sa Facebook, pagalingan ng anak, paramihan ng awards.

Discipleship Lesson (9:35-37). Lahat tayo dapat turuan tulad ng mga disciples ni Jesus noon kung ano ibig sabihin ng greatness or success sa buhay ng isang tagasunod ni Jesus. Sabi ni Jesus, “Ang sinuman sa inyo na gustong maging pinakadakila sa lahat ay dapat magpakababa at maging lingkod ng lahat” (v. 35 ASD). Ang greatness or success in God’s kingdom ay hindi nakadepende sa popularity o sa taas ng posisyon sa trabaho o ministry, sa resulta ng ginagawa sa bahay, sa trabaho o sa ministry, o sa approval ng mga tao. It is about humility, okay lang maging huli, okay lang na di mapansin o mapapurihan.

It is about servanthood. Diakonos ang ginamit na salita dito. Parang waiter, ang concern ay mapagsilbihan ang iba. Hindi lang mga importanteng mga tao, kundi pati yung mga hindi mahalaga sa paningin ng iba. Tulad ng mga bata, na ginawang example ni Jesus sa verses 36-37. Yun bang kahit di ka malagay sa headlines. Hindi na yun ang mahalaga para sa iyo. What matters is that we do it for Jesus, for the glory of God. Your ministry of service may be small or big, inside the home or in a big church, nasa background or speaking in front. All that matters is Jesus. Because of the gospel, he humbled himself to the point of becoming a servant, even death on a cross. Hindi niya inatrasan, hindi niya inurungan.

Mark 10:32-45

Gospel Truth (10:32-34). Heto na, malapit na sila sa Jerusalem. Tuluy-tuloy si Jesus kahit alam na niya ang mangyayari sa kanya pagdating doon. Kaya siguro itong mga sumusunod sa kanya, nagtataka na rin. Medyo nag-sisink in na siguro sa kanila yung mga naunang sinabi ni Jesus. Natatakot na sila. Kasi ibig sabihin dapat handa sila na mag-suffer at mamatay rin tulad ng mararanasan ni Jesus. Takot na nga, parang tinakot pa ulit sila ni Jesus sa sinabi niya, na actually way of reminding them of what he is going to accomplish for them.

“Papunta tayo ngayon sa Jerusalem kung saan ang Anak ng Tao’y ipagkakanulo sa mga punong pari at sa mga tagapagturo ng Kautusan. Siya’y hahatulan nila ng kamatayan at ibibigay sa mga Hentil. Siya ay kanilang hahamakin, duduraan, hahagupitin, at papatayin. Ngunit pagkaraan ng tatlong araw, siya’y muling mabubuhay.” Lahat ng binanggit niya ay kailangang mangyari para matupad niya ang misyong ibinigay sa kanya ng Ama para iligtas tayong mga makasalanan at tipunin bilang isang iglesiya ang mga taong susunod sa kanya. Parang bad news kung papakinggan yung sinabi ni Jesus. But it is good news, the greatest news in all the world. That is the gospel.

Epic Fail (10:35-41). Dahil epic fail na naman tayo, itong good news na ‘to ang kailangan sa dami ng bad news sa puso natin. Tulad nitong magkapatid na James and John. Sabi kay Jesus, “Guro, may hihilingin kami sa inyo.” Pero hindi parang request ang dating, parang demanding. Na gawin ni Jesus kung ano ang gusto nila. Pwede naman tayong magpray siyempre. Pero icheck natin ang heart natin. Sila kasi parang student na sasabihin, “Teacher, gawin mo naman akong valedictorian, at itong kapatid ko ang salutatorian.” Sila kasi ang hiling maupo sa kanan at kaliwa ni Jesus pag naghahari na siya. They want glory and honor above other disciples of Jesus. Nang sabihin ni Jesus ang requirements, confident pa sila na kayang-kaya nila at magiging qualified sila. At itong sampung disciples naman, nagalit sa magkapatid. Hindi dahil sa attitude ng heart ng dalawa, kundi nagpapakita din na they want the same thing.

Ironic itong nasa heart nila kasi katatapos lang ni Jesus magsabi sa kanila tungkol sa mararanasan niyang suffering and shame tapos sila ang gustong pag-usapan yung tungkol sa kanilang glory and honor. Kung tutuusin, yun din naman ang gusto ni Lord para sa atin. We will have glory and honor…someday. Pero hindi pa ngayon. Gusto kasi natin shortcut, gusto natin nakatataas tayo sa iba, gusto natin pahalagahan tayo ng mga tao, gusto natin makatiyak na ang pinaghirapan natin may makukuha tayong reward.

Discipleship Lesson (10:42-45). But that is the value system of this world. Hindi ‘yan ang marka ng isang tagasunod ni Jesus. Our definition of greatness and success must be different from the world. But like Jesus. Kaya sabi niya, “But it shall not be so among you. But whoever would be great among you must be your servant, and whoever would be first among you must be slave of all” (vv. 43-44). Discipleship is about servanthood. Servant, Greek diakonos, naituro na niya kanina ‘yan. Pero meron pa siyang ginamit na isa pang mas mabigat. “Slave,” sa Greek doulos. Not a pretty word. Pero ‘yan ang image ng isang disciple. Handang ibaba ang sarili kahit sa pinakamababang posisyon mapaglingkuran lang ang pangangailangan ng iba alang-alang sa Panginoon.

Tulad ni Jesus, “For even the Son of Man came not to be served but to serve, and to give his life as a ransom for many” (v. 45). Oo si Jesus ang halimbawang dapat nating tularan. Kung ano ang nilakaran niya, dapat din nating lakaran. Pero dito ang emphasis ay hindi sa kanyang pagiging example, but his being our subsitute. Ransom. Dati tayong nasa slave market of sin. Pero pinalaya tayo. Binili ni Jesus ang kalayaan natin sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus. Pinalaya na tayo mula sa kasalanan, mula sa parusa ng Diyos, mula sa makamundong ambisyon, mula sa makasariling hangarin. Malaya na tayong maging alipin ni Cristo. Malaya na tayong sumunod sa pangunguna niya. Malaya na tayong maging tulad niya. Malaya na tayong maglingkod sa iba, ibaba ang sarili, kahit mag-fail, kahit i-reject ng iba, at kahit mamatay alang-alang kay Jesus na siyang namatay para sa atin.

Seeing Everything Clearly

Tatlong beses, paulit-ulit na itinuro ni Jesus sa mga disciples niya ang hirap na mararanasan niya. Tatlong beses ding naexpose ang failures sa heart nila to believe Jesus. Tatlong beses din silang tinuruan tungkol sa true discipleship. Ang definition natin ng disciple ay ito: “sumusunod kay Jesus, binabago ni Jesus, at ibinibigay ang buhay para sa misyon ni Jesus.” Sumusunod kahit mahirap, kahit hanggang kamatayan. Binabago para maging tulad ni Jesus, in his humble and sacrificial servanthood. Ibinibigay ang buhay para sa misyon ni Jesus. Tulad niya na ibinigay ang kanyang buhay para sa misyong ibinigay ng Ama. Sa definition natin, tatlong beses ding inulit ang pangalang “Jesus.” To emphasize that discipleship is not about us, o kung ano ang gagawin natin. But about Jesus at kung ano ang ginawa niya para sa atin. Crucial sa discipleship that we see everything about Jesus and his gospel clearly.

Alam n’yo ba na merong dalawang magkatulad na kuwento tungkol sa bulag na pinagaling ni Jesus – ang isa ay before our passage, at ang isa ay pagkatapos. Hindi ito aksidente. Sinadya ng author na magsilbing bracket o bookend sa mga stories na nakita natin. To make a point. To teach us something very crucial about our desperate need.

march-25-2.jpg

Sa 8:22-26, may mga taong nagdala ng isang bulag kay Jesus at nakiusap na hipuin siya. Alam na nilang may healing touch si Jesus. Hinipo nga niya ang bulag, at nilawayan pa ang mata niya. Grabe naman ang gamot nito. Nakakita na siya. Pero malabo pa. Parang mga disciples din. Nakakakita na tungkol kay Jesus, pero malabo pa. Meron pang partial spiritual blindness. Hinipo ulit ni Jesus ang lalaki, iminulat ang mata, naibalik na ang paningin, “and he saw everything clearly” (v. 25). To see everything about Jesus and the gospel clearly, yan din ang kailangan ng mga disciples niya, yan din ang kailangan natin.

Sa 10:46-52 naman, maraming mga tao, merong isang bulag na ang pangalan ay Bartimaeus. Nalaman niyang si Jesus ang dumadaan. Sumigaw siya, “Jesus, Son of David, have mercy on me!” Pinatahimik siya ng mga tao. Pero lalo pa niyang nilakasan ang sigaw, “Jesus, Son of David, have mercy on me!” Tinawag siya ni Jesus. Tinanong, “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” Remember, yung request kanina nila James and John? Pero itong bulag na ‘to, iba. Sabi niya, “Gusto ko pong makakita.” Alam niya ang kailangan niya. May tiwala siya sa awa at kapangyarihan ni Jesus. Sabi ni Jesus, “Go your way; your faith has made you well.” Nakakita siya agad, at sumunod kay Jesus.

‘Yan ang kailangan ng mga disciples. Tayo rin. Instead of being desperate for glory, honor, power and riches, we must be desperate for God’s mercy. Na makakita tayo ng malinaw, na mas makilala natin siya nang mas malalim pa, na mabuksan ang mga mata natin ay magtiwala sa kanyang mga pangako. Oo, mahirap ang sumunod kay Jesus. Discipleship is not easy. It is messy and bloody. Pero that is not the end. Every time na sinasabi ni Jesus ang tungkol sa mangayari sa kanya sa Jerusalem, na papatayin siya, lagi namang ending nun heto – “and after three days he will rise again.” He will rise again. He will rise again. Hindi nila naririnig yun na mabuti. Yun ang kailangang marinig natin nang mabuti. Sa pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, it will not end in crucifixion and death. It will end in resurrection and glory. Sa pagsunod natin kay Jesus sa hirap, sa kahihiyan, sa kamatayan; tandaan nating ito ay pagsunod din natin sa kanya sa muling pagkabuhay, karangalan at walang hanggang kaligayahan.

See you next week – Easter Sunday – as we celebrate more of the truth of Jesus resurrection.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.