Ang dahilan kung bakit ikinuwento ko ang nakasulat dito sa John chapter 4 at ipinaulit sa inyo ay para masanay tayo na ikuwento rin ito sa iba. God will open up opportunities for us to share his story. Like Wednesday night, nasa hospital ang father ni Mina, nastroke, di makatayo, di makapagsalita. Nasa ward siya, meron ding dalawang matanda doon na maysakit. Pinagpray ko sila. Before praying for them, I told them the story kung paano pinatawad at pinagaling ni Jesus ang paralitiko sa Mark 2. Last week naman, maraming cake sa bahay kasi gumawa si mommy para kay Daniel. Sakto naman may kantahan sa kapitbahay namin, so binigyan ko sila ng cake. Birthday pala ng isang nanay. Gabi na, papasok na ko sa gate, lumapit sa kin si kuya Junior, isa rin sa gumawa sa bahay namin. Medyo nakainom. Nagkuwento na ng buhay niya…at nagkuwento…at nagkuwento…ako naman gusto ko nang matulog at inaantok na.
God will bring a lot of opportunities sa atin to share the gospel na pinag-aralan natin last week sa John 3:34-36 (and every week!). Because that is our mission. Not just to listen to God’s Story, but to tell God’s Story to other people. Kahit nahihirapan tayo, kahit pagod tayo, kahit marami tayong excuses. Yun naman ang ibig sabihin ng disciple – “sumusunod kay Jesus, binabago ni Jesus, at ibinibigay ang buhay sa misyon ni Jesus.”
The mission of Jesus (4:1-4)
The goal of our mission. Ano ang misyon ni Jesus? Sa John 4, ang bumungad sa ating eksena ay kung paanong itong mga Pharisees, mga Jewish religious leaders, ay nababalitaang marami na ang mga disciples na sumusunod kay Jesus, at nabaptized na rin ng mga disciples niya. Abala si Jesus sa pagsasanay sa preaching the gospel at sa pagsasanay sa mga disciples niya na magdisciple din ng iba. And later on, bago siya bumalik sa langit, he will give them explicit instruction about this sa Matthew 28:19, “Go therefore and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, and teaching them to obey everything I have commanded you. That is why the goal of our mission is to make “disciples of Jesus who make disciples of Jesus.” Ang sumusunod kay Jesus, nakikibahagi sa misyon ni Jesus. That is not optional.
The strategy of our mission. Paano mangyayari na more and more disciples will follow Jesus? Mangayari lang ‘yan kung hindi tayo mananatili sa lugar na tinitirhan natin kundi lalabas ng bahay, pupunta sa mga tao, sa ibang lugar, sa ibang bayan, maging sa ibang lahi. That is why we have local and global church planting vision. Galing si Jesus sa Judea at babalik siya sa Galilea (v. 3), dito yung ministry base niya kasi marami ditong Gentiles, not just Jews. Verse 4, “And he had to pass through Samaria.” Kailangan. Nahahati na kasi noon sa limang probinsiya ang bansa nila. At itong Samaria nasa pagitan ng Judea at Galilea. Kailangan niyang dumaan doon kasi mas maikli ang daan at mas maginhawa ang biyahe. Posible. Pero kung alam n’yo kung sino ang mga nakatira sa Samaria, maiintindihan ninyong karaniwan sa mga purong Judio iniiwasan ang mga tao doon. Bakit? Kasi itong mga Samaritans, mixed ang lahi nila. Sa panahon noon na sinakop ng Assyria ang Israel, nagpadala sila ng mga tao doon to intermarry with them. Kaya nagkahalu-halo na ang lahi nila. So they were not treated equally ng mga pure-blooded Jews. Meron na rin silang ibang version ng Scripture, may sariling temple, separate from Jewish people. Kaya ‘yan ang explanation sa v. 9, “For Jews have no dealings with Samaritans.”) Ang pakikipag-usap ni Jesus sa isang Samaritan (kasama na yung kwento niya about The Good Samaritan) ay disorienting sa mga Judio.
The passion needed in our mission. Bakit kailangang pumunta si Jesus sa lugar na yan? Kasi sila rin kailangang makakilala at sumunod kay Jesus. Jesus felt a divine necessity to go there. It is not optional for him. Kahit counter-cultural, kahit magbreak ng tradition, kahit ano ang sabihin ng ibang tao. That is why our gospel ambition is to plant churches everywhere, here and there, sa sarili nating lugar hanggang sa ibang mga lahi. At ‘yan din ang sinabi ni Jesus sa mga disciples niya, “You will be my witnesses in Jerusalem and in all Judea and Samaria, and to the end of the earth” (Acts 1:8). Planting gospel-centered church-planting churches and making gospel-centered disciple-making disciples are not optional in our mission. It is a divine necessity.
The difficulty of our mission. Kailangan, pero mahirap. The issue is not money, the issue is not lack of resources or lack of training or lack of education. Hindi kasi natin nakikita ang mga tao tulad ng pagtingin ni Jesus sa kanila. There is still something in our heart na hindi napepenetrate ng gospel. Meron pa sa puso natin na di tulad ng puso ni Jesus. That is why we object to this mission, that is why we make excuses, that is why we don’t do everything na kailangang gawin to see its reality. Kung meron sana tayo ng awa at habag na meron sa puso ni Jesus na kitang-kita sa kuwentong ito.
The compassion of Jesus (4:5-9)
The full humanity of Jesus (4:5-6, 8). Pagod sila sa paglalakbay. Wala naman silang kotse noon. Wala namang stopover sa NLEX. Pagod din si Jesus. Tanghali na. Gutom na. Kaya yung mga disciples niya naghanap muna ng Jollibee o 7-11 para makabili ng pagkain. A simple detail sa story, but reminding us that our Lord Jesus is fully human. Siya ay Diyos na nagkatawang-tao. Ang missionary journey niya not just from Judea to Samaria, but from Heaven to Earth, para abutin ang tao na hindi nakaabot at hindi makaaabot sa Diyos. Tulad nating mga tao, napapagod siya, nagugutom, nauuhaw, nahihirapan. He came to identify with our needs and our pains. So, nagpaiwan siya, naupo sa tabi ng isang balon. Uhaw na uhaw, and he has every reason to just think about his own needs at hindi na isipin ang pangangailangan ng iba. But he came not to be served but to serve.
The intentionality of Jesus (4:7). Merong isang babae, taga-Samaria, dumating para umigib ng tubig sa balon. Sabi ni Jesus sa kanya, “Pwede bang makiinom?” Ordinaryong araw, ordinaryong conversation, but soon will turn into something extraordinary. It is amazing kung paanong ang tubig, o pagkain, o kape, o sports, o bagong kotse, o hospital visit, o Facebook chat, can turn into great opportunities for gospel conversations. Lalo na kung ang action natin (not just the words we say) will communicate extraordinary love, na ipagtataka ng mga tao kung bakit natin ginagawa, lalo pa’t di naman natin sila kaanu-ano. Tulad ng babaeng ito.
Counter-cultural (4:9). Nagtaka siya, “How is it that you, a Jew, ask for a drink from me, a woman of Samaria?” Jesus has broken three barriers sa pakikipag-usap sa babaeng ito. First, cultural or racial barrier. Ang tingin ng mga Judio sa mga Samaritans ay hindi kabababayan. Merong alitan, merong neglect on their part to reach out to them. Lalo na ang humingi ng tulong sa kanila, unthinkable. They feel superior about themselves. But Jesus? He humbled himself toward her and ask for help. Second, gender barrier. Pantay naman ang paglikha ng Diyos sa lalaki at babae in his own image. Pero itong mga Jews, somehow failed to read their Scriptures rightly. Tigin nila sa mga babae, inferior beings, second class citizens, less valuable, and often treated as sexual objects and not as real persons. Totoo noon, totoo pa rin ngayon sadly. Third, moral barrier. Jesus was a perfectly righteous human being. Ang babae? Later on makikita natin na ang buhay ay filled with sexual immorality, unfaithfulness, failed marriages. Puno ng kahihiyan kumbaga. Isipin n’yo ngang tanghaling tapat nag-iigib para walang tao, kasi karaniwan early morning or late afternoon mo gagawin yun para medyo malamig-lamig naman.
Tayo nga hindi man lang makapunta at makipagkaibigan sa mga kapitbahay natin. We live our lives. They live theirs. Walang pakialaman. Ouch din sa akin yan. Madalas kasama mga kaibigan sa Starbucks o sa McDo, but with no gospel intentionality. Ang daming friends sa Facebook but no time to take opportunity to share Jesus to them. Ibang-iba si Jesus, hahamakin ang lahat, abutin lang tayo, he will break every barrier that separates us from God, especially our sins and our great need for him for us to realize what we really have in Jesus. Dahil sa awa at habag ng Diyos sa atin, kaya tayo nabubuhay at may kaligtasan ngayon. So bago natin pag-usapan ulit ang misyon nating abutin ang iba (will do that sa last part ng series natin, “Wider”), let us spend this remaining time talking about our great need of Christ. We are not “Christ” in this story. We are that Samaritan woman who desperately need the gospel. Before we go wider with this gospel, we must dive deeper into this gospel ocean first, and for the rest of our lives.
The satisfaction of Jesus (4:10-14)
Our ignorance of Jesus (v. 10-12). Sa pagtataka ng babae sa action ni Jesus, he shifted the conversation and steered it to something about he, only he, can offer her. Sabi niya, “If you knew the gift of God, and who it is that is saying to you, ‘Give me a drink,’ you would have asked him, and he would have given you living water” (v. 10). Kung kilala mo lang kung sino ang Diyos na siyang lumikha sa iyo and he is greater than all created things na kinakapitan natin like relationships, money, power. Kung alam mo lang kung gaano kalaki ang ibibigay niya sa iyo, na hindi maibibigay ng iba. Kung kilala mo lang talaga kung sino si Jesus na nakikipag-usap sa iyo ngayon at tumatawag sa iyo. Kung naiintindihan mo at pinapaniwalaan how much you need Jesus, ikaw ang lalapit sa kanya, ikaw ang hihiling sa kanya. Ng ano? Not more money, not more physical pleasures, not more health, not more friendships. Kundi hihilingin natin na “Lord, merong kulang sa puso ko. Napakalaki. Ikaw lang ang makapupunan nito. Fill my heart, Lord, with your love.” At kung ‘yan ang prayer mo, ask and it shall be given to you, “He would have given you living water.” Tubig ng buhay. Tubig na hindi lang papawi sa pisikal na uhaw na nararamdaman natin, kundi magbibigay ng kasiyahang hinahanap natin sa buhay.
But often, hindi ganyan ang prayer mo. Bakit? Kasi somehow you still don’t know Jesus. You still don’t know what he is capable of. Tulad ng babaeng ito. Sagot niya kay Jesus, nagtanong pala ulit, “Sir, wala ka namang gamit pangsalok ng tubig, napakalalim pa ng balong ito, san ka naman kukuha ng ‘living water’ na ‘yan”? Aqua Vida ba ‘yan? Tatak ng purified bottle water? May magic water? She even compared him to Jacob, “Are you greater than him?” Obviously, itong babaeng ito ay nag-iisip pa rin in terms of what is humanly possible. Nasa pisikal pa rin ang isip niya. And for many of us, until we learn how to think in terms of what is humanly impossible, and learn to put our trust away from physical, earthly things, hindi natin mauunawaan what the Lord himself is offering us.
But our Lord is so patient with us. Tulad ng patience niya sa babaeng ito. Tutulungan niya ang puso natin na maunawaan kung paano tayo naging foolish sa mga efforts natin to fill the void in our lives. Kaya sabi sa kanya ni Jesus, “Everyone (without exception!) who drinks of this water will be thirsty again” (v. 13). Lahat naman talaga sa atin ay uhaw. We feel yung longing for someone or something to satisfy that deep ache in our hearts. Dahil sa nangyari sa atin while growing up, especially yung expectation natin to receive yung primary care from our father and mother. Pero ang isa sa kanila, o pareho sa kanila, naging pabaya, always absent, not speaking words of love sa atin, and some of them became abusive to you, or dahil sa kapabayaan nila you were abused or molested by a friend or a relative. You felt rejected, abandoned, unworthy of love.
Ano ngayon ang ginawa mo in response? You try to fill that void with created things. Akala mo kung uubusin mo ang oras mo sa computer games or entertainment or food, and give yourself bodily pleasures, mawawala ang problema mo. Pero alam mo hindi. Akala mo kung makakahanap ka lang ng isang tao na magmamahal sa iyo, isang kaibigang lalaki o kaibigang babae, na hindi ka iiwanan, you will be satisfied. Pero nasaktan ka rin, iniwanan ka rin. Because in trying to fill your emotional needs, naging dependent ka sa taong iyon, na kapag nawala siya guguho ang mundo mo. Or for many of us, tulad ko, I tried to seek that love from sexual fantasies, pornography, and masturbation. Pero lalo lang napasama because of guilt, shame, and false intimacy. For some of you, akala mo sa kapwa lalaki o kapwa babae mo matatagpuan yun, so you sought for homosexual relations. Hindi alam ng pamilya mo, itinatago mo rin sa church. Pero alam mo sa sarili mo, false intimacy pa rin. Ang iba hinanap sa trabaho, sobrang sipag sa pag-aaral o sa work, thinking na kung magiging successful ka baka you will find that approval and significance na hinahangad mo. But no matter how hard you try, you still feel empty. Or for a lot of us, hinanap natin sa religion o sa ministry o sa simbahan, thinking na kung mas active lang tayo sa church, mas generous sa tithes, mas passionate sa discipleship, maybe God and other people will just love us more. Pero kulang pa rin. And yet we wonder why.
The folly of not coming to Jesus (v. 13). Samantalang we keep coming and coming sa mga bagay sa mundong ito o sa mga tao sa mundong ito o sa sarili nating magagawa expecting that those things will satisfy our hearts. We are putting a lot of burden sa ibang tao o sa sarili natin na di naman natin kayang dalin. That is why we are still so tired. That is why we are still so thirsty. This is the folly of Israel. Heto ang indictment sa kanila ng Diyos, “For my people have committed two evils: they have forsaken me, the fountain of living waters, and hewed out cisterns for themselves, broken cisterns that can hold no water” (Jer. 2:13). Naghuhukay tayo ng mga balon na marupok, sira, butas, at inaasahan nating ang mga ‘yan ay makapagbibigay sa atin ng hinahanap natin. But God, and only God through Jesus, is “the fountain of living waters.”
The bounty of coming to Jesus (v. 14). Sabi pa niya sa babae, “But whoever (kahit sino, kahit addict ka pa, kahit gaano kadilim ang nakaraan mo, kahit ano pa ang background mo) drinks of the water that I will give him will never be thirsty again” (v. 14). Never. Ever. Jesus is infinitely better than anyone or anything. Don’t settle for anything less than Jesus. Ang hinahangad ng puso mo, siya lang ang makatutugon. Ngayon, your whole life on earth, and your eternity with him in heaven. Dugtong pa niya, “The water that I will give him will become in him a spring of water welling up to eternal life.” Ang salitang “welling up” ay galing sa rare word na “hallomai”, na hindi parang gripo na kakaunti ang tulo ng tubig kundi para bang isang spring na bumubulwak ang tubig at hindi ka mauubusan. There is more than enough for you and for everyone today, tomorrow, the next year, and for the next billions of years and eternity. This well, this gospel well, will never run dry.
At ano itong tubig na nanggagaling sa “gospel well”? Mas naging specific kung ano ito sa John 7:37-39, sabi ni Jesus, “If anyone thirsts, let him come to me and drink. Whoever believes in me, as the Scripture (in Isa. 12:3; Ezek. 47:1) has said, ‘Out of his heart will flow rivers of living water.'” Paliwanag ni John, “Now this he said about the Spirit, whom those who believed in him were to receive.” Ang tubig na ‘yan ay ang Espiritu na nagbigay ng buhay sa iyo, at nasa iyo as you are in Jesus. Tulad ng sabi ni Blaise Pascal na there is a void so big in our hearts that only God through Jesus Christ can fill. Only the Spirit, because he is God, is big enough to fill that void. Siya ang kailangan mo, siya ang sasapat sa iyo, siya ang buhay mo. Hindi ang tatay mo, hindi ang asawa mo, hindi ang anak mo, hindi ang trabaho mo, hindi ang pera mo, hindi ang gadgets mo, hindi ang FB friends mo, hindi success mo, hindi ang ministry mo. Siya lang.
The invitation of Jesus (4:15-18)
Tulad ng sabi ni Jesus sa verse 10, regalo ito ng Diyos. Libre. Hindi pinagtatrabahuhan tulad ng poso, na pag matagal di nagamit, bubuhusan mo pa ng tubig, bobombahin nang bobombahin para maglabas ng tubig. Libre. Hindi binabayaran, tulad ng bottled water sa dispensers, lalo na kung nasa Hong Kong ka, napakamahal ng tubig. Pero bibilin mo kesa naman mauhaw ka. Libre ang alok ng Diyos, wala kang gagawin, wala kang babayaran, aaminin mo lang na uhaw ka, at gusto mo ng inaalok niya sa iyo. And because you want him above all else. Di tulad ng response ng babae, “Sir, give me this water, so that I will not be thirsty or have to come here to draw water” (v. 15). Humihingi nga siya ng tubig, pero ang isip pa rin niya about physical needs, and about getting free of the trouble of work. Tulad din naman ng babaeng ito, di tayo makukuha sa maraming paliwanag. We are still slow to believe. Kahit ilang beses na nating naririnig ang gospel, our mind is still somewhere else.
Pero dahil si Jesus ay full of compassion, he is so patient with us. Gusto niya na samahan tayo sa journey natin of going deeper into the gospel. But the journey in getting deeper may be painful. For he will expose not just who he is – which is awesome! But also expose who we really are – which is if we are honest, yucks.
Kaya sinabi ni Jesus sa babae, “Tawagin mo ang asawa mo” (v. 16). Sumagot naman ang babae, “Wala po akong asawa.” Alam naman yun ni Jesus, like everything about us, he knows. Even the things we are most shameful of. Kahit ang pinakatatago nating sikreto. Sabi niya, “Tama ka sa sinabi mong wala kang asawa. Dahil lima na ang naging asawa mo, at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo naman tunay na asawa. Tama ang sinabi mo” (v. 17). Siguro namatay ang mga dati niyang asawa, o nahiwalay siya, o iniwan siya, o iniwan niya, o naging unfaithful siya. At may maling relasyon pa siya. Ang buhay niya ay puno ng sakit, kahihiyan, kasalanan, karumihan. Yet Jesus was talking to her. Hindi para iexpose siya at ipahiya pa siya. Kundi para anyayahan siyang maging totoo sa sarili niya. Aminin ang kasalanan niya at hindi pagtakpan. Kilalaning si Jesus lang ang kailangan niya, wala nang iba.
Ganoon din sa atin. Para lumalim tayo sa gospel, hindi lang sapat na marinig natin ang katotohanan tungkol kay Jesus at sa ginawa niya para sa atin. Kailangang harapin din natin ang katotohanan tungkol sa sarili natin. Hindi pagtakpan, kundi aminin. Kung ano ang mga kasalanang nagawa natin, gaano man karami, gaano man kalaki. Kung gaano ka-messy ang buhay natin. Kung gaano ka-broken ang puso natin. Hindi na nagsusuot ng maskara. Hindi na nagtatago. Hindi na natatakot. Kundi malaya na lumalapit kay Jesus. Hindi lang inaamin sa kanya, kundi inaamin din natin sa bawat isa ang kasalanan natin. The moment na nagsimula akong aminin sa asawa ko, sa ibang kapatid sa Panginoon ang mga kasalanan ko, even my sexual sins, doon ko mas naranasan kung gaano kalalim ang pagmamahal ng Diyos sa akin. Dahil ang lalim ng pag-ibig niya ay sapat para hanguin tayo sa lalim ng pagkakabaon natin sa kasalanan, karumihan at kahihiyan. Pag-ibig lang ng Diyos ang sapat para hilumin ang lalim ng sugat na nasa puso natin. Lumapit ka. Drink freely from the water of life from Jesus. And you will be satisfied. Now and forever. Garantisado.