Bagong Taon na. May mga bagong resolutions na naman. Ang iba tungkol sa diet, ang iba tungkol sa pera, ang iba tungkol sa pag-aaral, ang iba tungkol sa ministry. Ang iba ayaw na kasi di naman natutupad. Resolutions are actually good, kung gospel-centered, kung naka-rely tayo sa biyaya ng Diyos, kung ang goals natin ay not just for our own good but for the glory of God.
And every year, every moment, we can make resolutions related sa gospel kasi the gospel is like the deepest ocean. Kahit nakapag-scuba dive ka na, di mo pa rin nasisisid ang pinakailalim nito. It is also like the highest mountain. Kahit nakapag-hike ka na, di mo pa rin naaakyat ang pinakatuktok nito. It is also like the widest field. Kahit nakapagsimula ka nang magtravel, di mo pa rin nararating ang pinakadulo nito. May we Christians resolve, this year and beyond, to grow deeper in our affection for Jesus, higher in our adoration of God, and wider in our ambition for the spread of the gospel and the glory of God among all the nations.
Hindi lang ito personal ambition, but also corporate. Bilang isang pamilya ng Diyos, we have this Gospel Ambition 2020: “By the grace of God and for his glory, Baliwag Bible Christian Church will multiply into four gospel-centered church-planting churches of disciple-making disciples by year 2020 – Baliwag-Central, Baliwag-North, Bustos and Plaridel.” Local ambition pa lang ‘yan. And we also have global ambition to continue sending and partnering with missionaries to plant churches among the unreached. At ano yung magmomotivate sa atin to make this a reality? Oo, kailangan ng manpower, ng pera, ng training, ng strategies. But what we need most is the gospel. Only the gospel can truly motivate us. Only the gospel through the Spirit can empower us.
Parang kape. Ito rin yung ginamit kong illustration sa iDisciple Youth Camp recently. At una kong narinig kay Ptr. Robin. Dati nahilig ako sa San Mig coffee extra strong, 3 in 1 yan na instant. Pero simula nang matikman ko ang kapeng Barako galing sa Batangas, ayaw ko na ng instant. Kapag natikman mo ang tunay na kape, lalo na kapag puro, walang sugar at cream, grabe. You will want more and more. Hindi ka masisiyahan sa one or two cups lang. At gusto mo ring matikman ng iba, kaya nga nagpapakape ako, nagbebenta pa, so that others can experience the satisfaction of one of God’s marvelous creations! But in the gospel, we have something infinitely better than coffee. Kapag natikman mo ang puro, si Cristo at wala nang iba, you will want more and more of Jesus. At gusto mo ring maipakilala siya sa iba so that they can also taste and see that the Lord is good.
Sa dami ng mga hindrances and excuses na meron tayo – like our sins and our sufferings – for not diving deep, aiming higher, and reaching wider in the Christian life, we need more of the gospel. Kaya we will focus sa John 4, yung story ng encounter ni Jesus sa Samaritan woman. But before that, mahalaga na magreflect tayo muna sa gospel realities na nakasulat three verses prior to that story. Let’s read John 3:34-36: “For he whom God has sent utters the words of God, for he gives the Spirit without measure. 35 The Father loves the Son and has given all things into his hand. 36 Whoever believes in the Son has eternal life; whoever does not obey the Son shall not see life, but the wrath of God remains on him.”
Reflecting on Gospel Realities
#1: Ang unang realidad ay may kinalaman sa love of God: The Father loves His Son. The Father loves us through His Son. Verse 35, “The Father loves the Son…” Bago tayo magreflect sa pag-ibig ng Diyos para sa atin, “For God so loved the world…” (3:16), tama lang na magreflect muna tayo sa pag-ibig ng Diyos Ama sa Diyos Anak. From eternity past, wala pa tayo, God is already existing as a Trinity – Father, Son and Spirit. And they have mutual love for one another. Nilikha tayo ng Diyos hindi dahil kailangan niya ng may mamahalin at magmamahal sa kanya. No. The Father loves His Son sa simula’t simula pa. And this is a perfect, pure, holy, and infinite love they have for each other.
Hirap tayo na maunawaan ang ganitong klaseng pag-ibig ng Ama sa Anak dahil sa karanasan natin at sa paligid natin na kulang na kulang ang pagmamahal na ipinapakita ng mga tatay sa kanilang mga anak. Ang iba laging wala, ang iba nananakit pa, ang iba even if they try their best kulang pa rin. That is why this truth of the Father’s love for His Son is good news for us. Ibig sabihin, ito rin ang pag-ibig na dumadaloy sa atin sa pamamagitan ni Jesus. We don’t deserve this, kasi nagrebelde tayo sa kanya, we didn’t love him with all our hearts, ipinagpalit natin siya sa mga pekeng diyos. “But God shows his love for us in that while we were still sinners, Christ died for us” (Rom. 5:8). “For God so loved the world, that he gave his only Son” (John 3:16). “By this we know love, that he laid down his life for us” (1 Jn. 3:16). Wala nang ibang pagmamahal na makapapupunan sa puso nating uhaw na uhaw sa pagmamahal maliban sa pagmamahal na nanggagaling sa Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesus. Wala na.
#2: Ang ikalawang realidad ay may kinalaman sa joy of God: The Father gives everything to His Son. The Father gives everything to us through the Son. Galing naman ‘yan sa sumunod na bahagi ng verse 35, “The Father loves the Son (what’s the proof?), and has given all things into his hand.” Sa pag-ibig ng Ama sa kanyang Anak, nag-uumapaw ang kanyang kasiyahang ibigay ang lahat sa kanyang Anak. This is a perfect model of what self-giving love means. Lahat ng kapangyarihan, lahat ng karunungan, lahat ng kabutihan, lahat-lahat sa Ama ay nasa Anak dahil ang Anak ay siyang Diyos mismo. Lahat ng nilikha ng Diyos ay sa Anak. Lahat ng iniligtas ng Diyos ay ibinigay kay Jesus.
And this has huge implications for us. Ibig sabihin, Jesus is everything we need. Everything we need we have in Jesus. Madalas kasi nagrereklamo tayo sa Diyos ‘pag di niya sinasagot ang prayers natin o hindi ibinibigay ang gusto natin. “Lord, akala ko ba mahal mo ko, pero bakit wala pa akong asawa? wala pa akong anak? wala pa akong trabaho? hindi pa gumagaling ang sakit ko? hindi pa ako nakakabayad sa utang? hindi pa rin Christian ang asawa ko?” Sa kabutihan ng Diyos, ibinibigay niya ang mga bagay na ‘yan. Pero hindi ibig sabihing kapag hindi niya ibinigay, nagiging lesser ang love niya para sa atin. Because in his love, he is committed to give us everything we need. And everything we need is Jesus. At gusto niya na maramdaman natin ‘yan, marealize natin ‘yan, even if it means losing the things or people we value the most.
#3: Ang pangatlong realidad naman ay may kinalaman sa word or revelation of God: The Father reveals Himself to His Son. The Father reveals Himself to us through His Son. Verse 34, “For he whom God has sent utters the words of God.” Ang salita ni Jesus ay salita ng Diyos dahil sa lahat ng nalalaman ng Diyos ay alam din niya. He himself is “the Word” (1:1). Ipinakilala niya ang Diyos sa atin, “No one has ever seen God; the only God, who is at the Father’s side, he has made him known” (1:18). Sabi pa niya, “All things have been handed over to me by my Father, and no one knows the Son except the Father, and no one knows the Father except the Son and anyone to whom the Son chooses to reveal him” (Matt. 11:27). This is grace. Pwede naman niyang hayaan na lang tayo sa ignorance natin, at tuluyang mapahamak. Pero pinili niyang ipakilala ang sarili niya sa atin sa pamamagitan ng Panginoong Jesus. Kung ngayong taong ito, ang prayer mo mas makilala mo ang Diyos, there is no other way but to look to Jesus in his Word. When you read the Bible, Old Testament man ‘yan o New Testament, look to Jesus and what he has done for you. Sabi ni Jesus sa mga disciples niya, “If you had known me, you would have known my Father also…Whoever has seen me has seen the Father” (John 14:7, 9).
#4: Ang ika-apat naman na realidad ay may kinalaman sa mission of God: The Father sent His Son to the world. The Father sent us to the world through His Son. Nagsasalita siya sa atin dahil yun ang misyon niya, ang ipakilala ang Diyos sa atin. Verse 34, “For he whom God has sent..” Ang “to send” ay galing sa Greek na apostello, kung saan galing ang “apostle.” Ipinadala siya ng Diyos dahil merong misyon ang Diyos. Jesus came on a rescue mission. “The Son of Man came to seek and to save the lost” (Luke 19:10). “The Son of Man came not to be served but to serve, and to give his life as a ransom for many” (Matt. 20:28). Christianity is not about us, the lost sinners, finding God. It is about God seeking us. Hindi ito pag-akyat sa hagdanan through our religious good works, para makaabot sa Diyos. It is about God coming down to us in Jesus. Naligtas tayo dahil tinupad ni Jesus ang misyong ibinigay sa kanya ng Diyos, dahil ibinigay niya ang buhay niya para sa atin. And if we say we are among those who are saved, and we are in Jesus, and we follow Jesus, ibig sabihin we are in the same mission with him. Na puntahan ang marami pa na naliligaw at nawawala at ibigay ang buhay natin para makarating sa kanila ang balita ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng ginawa ni Jesus sa krus para sa kanila. Naparito si Jesus para iligtas tayo. Pupuntahan natin ang mga tao – even to all nations – para ipakilalang si Jesus ang kanilang Tagapagligtas, nag-iisang Tagapagligtas wala nang iba. That’s why we have a gospel ambition to plant churches locally and globally. Mahirap, malaki, imposible sa tao. Kaya mahalaga itong number 5…
#5: May kinalaman nito sa power of God: The Father gives His Spirit to His Son. The Father gives His Spirit to us through His Son. Ipinagbuntis si Jesus through the Spirit. Sa kanyang baptism, the Spirit came upon him. Sa buong ministry niya, in the power of the Spirit. Ibinigay ng Diyos ang sarili niya sa Anak sa pamamagitan ng Espiritu na nasa kanya. Verse 34, “…for he gives the Spirit without measure.” Sa NIV at NLT, “without limit.” The Spirit is God’s unlimited power at work in the life and ministry of Jesus. Kaya natapos niya ang misyong binigay ng Diyos, kaya nakayanan niya ang mamatay at akuin ang kasalanan at parusa ng Diyos sa kasalanan nang mamatay siya sa krus.
Then think about this, kung si Jesus na Diyos ay kailangan ang Holy Spirit to empower him for ministry, how much more tayong mga tao na likas na mahina at limitado? So, the good news is, Jesus did not remain dead. Nabuhay siyang muli, ibinigay ang Great Commission sa mga disciples niya to make disciples of all nations, umakyat sa langit, at bumaba naman ang Espiritu sa kanila empowering them to demonstrate and proclaim the gospel to the ends of the earth, kahit buhay pa nila ang naging kapalit. At ang Espiritu na nasa kanila ay nasa atin din na nakay Cristo. We can aim high sa gospel ambition na ‘to, we can make sacrifices, we can realign our lives, we can give everything for the sake of the gospel hindi dahil sa sarili nating powers, kundi dahil nasa atin ang Espiritu. Without measure. Without limit. So go and stop making excuses, walang takot, walang pag-aalinlangan.
For this gospel ambition, we have the mission of God, we have the power of God, we have the word of God, we have the love of God, we have absolutely everything we need in Jesus. In Jesus, dahil sa connection natin kay Jesus. The other day ipinaalala sa akin ito sa pamamagitan ng Bible reading ko sa 2 Kings 3. And I hope na lahat tayo ay gagawing practice ang daily exposure to the gospel through the Word of God. Sa chapter na ‘yon, ang hari ng Israel ay si Jehoram, an evil king. Sa Judah naman ay si Jehoshapat, a good king. Nagkaisa silang magtulungan laban sa kaaway nila na hari ng Moab. Pero bago sila lumaban, kumonsulta muna sila kay prophet Elisha. Sabi ni Elisha sa kanila, particularly kay Jehoram, “were it not that I have regard for Jehoshaphat the king of Judah, I would neither look at you nor see you” (v. 14). This is grace. Sa kabila ng kasamaan ni Jehoram, itinuring siya ng Diyos with goodness dahil sa connection niya kay Jehoshapat, a good king.
Tayo rin ay itinuturing ng Diyos with grace and mercy because of a good and flawless King, namely Jesus. “The hope of each Christian, the grounds for our assurance, achieved by virtue of our union with Christ, is that the heavenly Father treats his people with grace, mercy, and compassion because of our unbreakable connection with his Son. Were it not that the Father has regard for Jesus, the King of kings, he would neither look at us nor see us” (ESV Gospel Tranformation Bible notes).
Responding to Gospel Realities
So, how can we have this kind of “unbreakable connection with his Son”? By faith and by faith alone. Verse 36 of our text, “Whoever believes in the Son has eternal life…” Believe. Hindi ibig sabihing maniwala ka lang sa mga facts about Jesus. Ibig sabihin, satisfied ka sa love na nanggagaling sa kanya. Pinakinggan mo ang sinasabi niya at pinaniniwalaan mo. Pinanghahawakan mong ito ang totoo, ito ang kailangan mo, wala nang iba pa. Nasasabik kang makita siya, mas makilala pa, at sumunod sa kalooban niya. Nagtitiwala ka na sa sarili mo wala kang magagawa, kundi sa pamamagitan lang ng kapangyarihang nanggagaling sa kanya. By faith, you take hold of what Jesus has done for you.
At ang resulta? Eternal life. Hindi lang buhay na walang katapusan. It is not just about the length of time, but the quality of life with God. Kaya sabi ni Jesus sa prayer niya sa John 17, “And this is eternal life, that they know you the only true God, and Jesus Christ whom you have sent” (17:3). Not just to know him intellectually, but intimately. Ang mas mapalapit sa kanya, ang mas mabusog ng pagmamahal niya, ang mamuhay ayon sa kalooban niya, ang mapuspos ng karunungan at kapangyarihang nanggagaling sa kanya. When Jesus is your everything, Jesus is your life.
Pero merong tragic alternative. Dahil hindi lahat sumasampalataya. Merong mga “unbelievers.” “Whoever does not obey the Son…” (3:36). Hindi naniniwala, hindi sumusunod. Ang pinagtitiwalaan sarili nila. Ang sinusunod sarili nila. Simula sa kasalanan nina Adan at Eba, yan ang kalagayan nating lahat, apart from the grace of God in Jesus. At ang kahahantungan? Kamatayan. “…shall not see life.” Not just physically. “…but the wrath of God remains on him.” Ang kamatayan ibig sabihin separation from God. Kung pag-ibig ay nasa Diyos, ang pagtalikod sa kanya ay mauuwi sa poot at parusa ng Diyos. Kung ang lahat-lahat at ang buhay ay galing sa Diyos, ang talikuran siya ay nangangahulugang pagkawala ng lahat-lahat sa iyo. This is a terrible tragedy. This is hell.
Lahat ng di kumikilala sa Diyos as revealed in Jesus, ito ang kahahantungan. Sa 2 Kings 1, we see the story of Ahaziah, king of Israel. Si Baal ang sinasamba niya, provoking the Lord’s anger against him and Israel (1 Kings 22:53). Nagkasakit siya, at nagpadala ng messengers to consult Baal-zebub, the god of Ekron, kung makakarecover daw ba siya. Pinadala ng Diyos si prophet Elijah para salubungin ang mga messengers na ‘to. At ito ang sinabi sa kanila na sabihin sa hari, “Wala bang Diyos sa Israel at sa ibang diyos ka sasangguni? Hindi ka na gagaling, siguradong mamamatay ka!” Nalaman ito ng hari kaya pinadala niya ang isang kapitan na may 50 sundalo kay Elijah. Paglapit nila kay Elijah, nagpadala ang Diyos ng apoy (ayon sa prayer niya) at tinupok silang lahat. Nagpadala ulit ang hari ng 50, ganun din ang nangyari. Boom!
Nagpadala ulit ang hari ng 50, but this time nagmakaawa na ang kapitan, and he received mercy, di sila tinupok ng apoy. Sumama si Elijah at dineliver ang message ng Diyos. At namatay nga ang hari. This is not the first time that Elijah called down fire from heaven. Sa 1 Kings 18 din, para patunayan ang Diyos ang tunay na Diyos. Hundreds ang namatay para mapatunayan isa lang ang Diyos. Tingin natin harsh ito. “But these events make an important point: the recognition of the one true God is a matter of life and death. These temporal consequences are severe, but the eternal consequences of false religion and rejecting the true God are more so, making God’s display of his true power a merciful warning to all” (ESV Gospel Transformation Bible notes).
Sa New Testament naman ganun din. Merong time sa ministry ni Jesus na merong isang bayan na nagreject sa kanya. Gusto ng dalawa sa mga disciples niya, tulad ni Elijah, na magbagsak ng apoy mula sa langit para wasakin ang bayang iyon (Luke 9:51-56). Si Jesus naman ang tunay na Diyos at zealous sila to make that known. Pero pinigilan sila ni Jesus. Bakit? Dahil sa mga oras na ito, ang Diyos mismo ang mamamatay para patunayang siya lang ang tunay na Diyos. That “God is true” (John 3:33). Ang lupit at bagsik ng poot ng Diyos sa kanyang sariling Anak (after we reflect on the Father’s love for his Son, now this!) ang naging patunay ng kanyang di nagmamaliw na pag-ibig para sa atin. Knowing God is really a matter of life and death. Ganun din naman natin nakita ang lalim ng pag-ibig ng Diyos: he was willing to die (and he did die!) in order to make himself known to us.
At kung gusto talaga nating maipakilala ang nag-iisang tunay na Diyos (revealed in Jesus) sa buong mundo, then we too must answer with “fire.” Pero ibang klaseng apoy, yung apoy ng pag-ibig ng Diyos para sa atin, na ipinakita niya sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesus sa krus para sa atin (ESV Gospel Transformation Bible notes). This is the gospel. That is why it is worth proclaiming. It is worth giving our lives for.
Alam kong the holy Spirit lead me para matagpuan ko itong site.After reading the bible 3x Genesis to Revelation.May mga part na hindi ko maunawaan kahit tagalog na ang binabasa ko.Araw2 akong nagsa surf sa google para maghanap ng mga bible commentaries, na nagpapaliwanag sa Gosple, ng ukol sa biblia.May hinahanap ako na tutulong sa lubusang pagkaunawa ko sa bawat detalye na nakapaloob sa biblia. I am very very bless ng natagpuan ko ang site mo Pastor Derick. Napakahusay na mapaliwanag mo ang bawat detalye na nauunawaan ng pusot isipan ko. I am very happy na naging katuwang ko ang site na ito to help myself para sa paglago ko sa Panginoong Jesus at ginagamit ko na rin sa aking pag-aaral at paghahanda ng sarili para sa pagso-soul win. Nasa proseso ako ng pag-aaral ,wala akong salapi para makapag enroll at malaking tulong ito para sa akin.Di ako matalinong tao so i really need help at malaking tulong this site to me.This 2018, I Started reading the bible 7 chapters per day at the same time nag-a update din ako ng sarili ko from here para matuto ng lubusan. Hangad kong matutunan, malaman ang riches treasure na nakapaloob sa salita na nasa biblia.Pastor Derick, magpatuloy ka po sa paghahayag dito sa site mo, wag ka po sana mapagod na maglahad,magpaliwanag ng ibat-ibang books ng magagaling na Pastor like Piper & more translating it in tagalog. at natututo po ako from YOU. I thank God for this and God bless you more & your Family.
LikeLiked by 1 person
Thank you Pastor for giving your life for this mission to share the Word of God. God bless you aboundantly. Wag ka magsawa at mapagod..napakalaking tulong ang nagagawa mo para palakasin ang mga kapwa natin manggagawa sa Lord sa pamamagitan ng iyong paggawa ng mga ganitong bagay para sa iklalawak ng kanilang naisin na maglingkod sa atin Lord.
LikeLiked by 1 person