Sola Gratia Part 2 – Chosen by the Father

Last week, sinimulan na ni Ptr. Eric ang October series natin na sola gratia. Parang tinapos na nga niya ang series natin! Mula simula hanggang katapusan, talaga namang biyaya lamang ng Diyos ang nagligtas sa atin. But the gospel of the grace of God is so rich, hindi tayo mauubusan ng pag-aaralan diyan. At tayo naman ay likas na makakalimutin kaya kahit ulit-ulitin, kailangan pa rin nating marinig.

1024px-Solid_color_You_Tube_logo  Google-Drive-Download-Button

Mahirap nga lang pakinggan, lalo pa kung isasaksak sa isip at sa puso natin na kung hindi dahil sa biyaya ng Diyos, kung nananatili pa rin tayong hiwalay kay Cristo, tayo ay nananatiling patay dahil sa ating mga kasalanan, bulok, naaagnas, umaalingasaw sa baho, walang karapatan, walang kakayahan na makalapit sa Diyos. Ayaw nating naririnig iyan. Mas gusto nating marinig yung “admirers” natin na bobolahin tayo at sasabihin ang likas nating taglay na kabutihan o kagandahan. But lies about our true condition are deadly. Maraming namamatay sa maling akala. But the truth about us, tulad ng sabi ng Salita ng Diyos, ito ang magpapalaya sa atin.

Grace: Boring or Amazing?

If we really understand who we really are apart from Christ, at kung mauunawaan natin ang laki ng biyaya na tinanggap natin sa pagliligtas sa atin ng Diyos, we will really sing: “Amazing grace! how sweet the sound that saved a wretch like me! I was once lost but now am found, was blind but now I see.” Wretched, lost, blind, and dead (as we saw last week sa Ephesians 2:1-2). We are without hope apart from grace. Salvation is by grace alone in Christ alone. Pero sa halip na ma-amazed tayo, dahil palasak na nating naririnig ang “grace”, nawala na ang totoong meaning and significance nito para sa atin. Sabi ni James Boice, “What is incomprehensible is that so many true Christians, who should understand the nature, depth, extent, and horror of their sin, fail to be shocked by it and therefore find grace boring.”

We can only put the “amazing” back into grace kung mawawala ang pride sa puso natin. Gusto natin kasi pagdating sa salvation natin, meron tayong ambag o contribution. Buti pa sa kainan, mas gusto natin walang contribution. Likas sa puso natin ayaw nating 100% gawa ng Diyos. 50-50 pwede pa. God will do his part, I will do my part.

Kaya naman bihira noon ang pumupuna sa Roman Catholic doctrine and practice ng indulgences at treasury of merit. Na parang meron daw merit box na nandun yung mga merits ni Christ, ni Mary at ng iba pang mga saints. Pwede kang kumuha ng merit doon by practicing yung mga instructions na ibibigay ng church, at yung merits na yun magagamit mo para sa sarili mo o para sa ibang tao, kahit sa mga namatay na.

At kahit naman tayo ngayon, feeling natin kapag may mga demerits tayo, matatakpan yun ng mga merits natin. At kung may sapat tayong merits, pwedeng ipambili. Buti na lang nagsalita si Martin Luther at ang ibang mga Reformers 500 years ago. Ang kaligtasan hindi nabibili, may nagbayad na. Hindi pinagtatrabahuhan para may swelduhin, may nagtrabaho na para sa atin at matatanggap nating bilang isang regalo. Kung tutuusin, spiritually speaking, wala naman tayong merits, we are all demerits, none is righteous, no not one! We need the merit of Christ alone. Yun lang ang sufficient. Solus Christus!

Gospel of Grace Alone

So ang salvation natin ay natanggap natin hindi dahil sa ating cooperation, kundi dahil sa crucifixion at resurrection ng Panginoon. Masyado pa rin tayong bilib sa sarili natin, tulad ng lament ng Cambridge Declaration regarding the five solas. Meron tayong “unwarranted confidence in human ability.” We replaced the gospel of grace with self-esteem gospel, health and wealth gospel, gospel as product to be sold and sinners as consumers. Ang resulta? Pride kapag tingin natin sa sarili natin mas okay tayo kaysa sa iba kaya tayo naligtas, o kung maraming naliligtas dahil sa magaling ang approach o method natin sa evangelism. O kaya naman despair o discouragement, pag sa kakatrabaho natin feeling natin kulang pa rin at di pa rin tayo tanggap ng Diyos, o kapag kahit sa sobrang sikap natin to reach other people for Christ, wala tayong nakikitang resulta. Kaya mahalaga itong sola gratia, mahalaga in terms of viewing our own salvation and our approach sa salvation ng iba.

Ang resulta? Pride kapag tingin natin sa sarili natin mas okay tayo kaysa sa iba kaya tayo naligtas, o kung maraming naliligtas dahil sa magaling ang approach o method natin sa evangelism. O kaya naman despair o discouragement, pag sa kakatrabaho natin feeling natin kulang pa rin at di pa rin tayo tanggap ng Diyos, o kapag kahit sa sobrang sikap natin to reach other people for Christ, wala tayong nakikitang resulta. Kaya mahalaga itong sola gratia, mahalaga in terms of viewing our own salvation and our approach sa salvation ng iba.

Salvation is in no sense a human work. No human methods, techniques or strategies can suffice. We cannot accomplish our own salvation, or that of others. We cannot even contribute or cooperate. God helps those who help themselves? The gospel says, God helps those who cannot help themselves. Do your best and God will do the rest? The gospel says, Your best is not good enough, and even at your worst, God has done everything for your salvation.

My goal today and next week? Para tanggalin ang anumang natitirang yabang sa puso natin, para makita natin na wala tayong kinalaman sa kaligtasan natin, that our boasting, our trust, our joy will only be in God.

Trinitarian Grace

Magfocus tayo ngayon at next week sa Ephesians 1:3-14. Sa verse 3, nagbigay si Paul ng summary ng passage na ito at sinabing ang dahilan kung bakit dapat nating purihin ang Diyos ay ito: “Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ, who has blessed us in Christ with every spiritual blessing in the heavenly places.” Lahat ng pagpapala ng Diyos, lahat ng kailangan natin noon, ngayon at sa hinaharap ay nasa atin na dahil kay Cristo. Grace upon grace. From beginning to end of our Christian life, grace, grace, grace!

Sa original Greek composition ni Paul ng passage na ‘to, this is one very long sentence. Para bang hindi matuldukan ni Pablo ang papuri niya sa haba-haba ng biyaya ng Diyos sa atin. Biyaya galing sa Diyos Ama, verses 4-6, ‘yan ang pag-uusapan natin ngayon. Biyaya galing sa Diyos Anak, verses 7-12, pero di na natin tatalakayin dahil marami na tayong napag-usapan tungkol diyan sa solus Christus last month. Biyaya galing sa Diyos Espiritu, verses 13-14, yan naman ang pag-uusapan natin next week.

Is Our Election Conditional or Unconditional?

Ngayon, dalangin ko na mamangha tayong lahat at matanggal anumang natitirang yabang at pangamba sa puso natin habang pinag-aaralan natin itong biyaya galing sa ating Diyos Ama na nakasulat sa verses 4-6, particularly this wonderful (and also controversial) doctrine of unconditional election. Alam nating pinili tayo ng Diyos, elect (2 Pet. 1:1), chosen people (1 Pet. 2:9). Pero anong dahilan? Bakit?

Noong college ako, while in discussion with fellow singles, may tanong na nasagi sa usapan: Pinili ba ako ng Diyos dahil alam na niyang sasampalataya ako kay Cristo para maligtas (conditional sa pagkakaalam niya beforehand sa magiging response ko sa gospel)? O sumasampalataya ako ngayon at naligtas dahil ako ay pinili ng Diyos (unconditional, wala ang condition sa akin kundi nasa pasya lamang ng Diyos)? Controversial discussions yan, but when I set out on a journey to find out the answer, it revolutionizes my faith. Totoong nasabi kong, “Amazing grace!” Kaya ngayon, don’t underestimate the practicality and the life-changing impact of doctrines, like what we are doing sa series ng Five Solas.

Exposition of Ephesians 1:4-6

Tingnan natin ang verses 4-6: “…even as he chose us in him [Christ] before the foundation of the world, that we should be holy and blameless before him. In love he predestined us for adoption as sons through Jesus Christ, according to the purpose of his will, to the praise of his glorious grace, with which he has blessed us in the Beloved.”

Totoo namang pinili natin ang Diyos nang nagsisi tayo at naniwala sa gospel na ipinangaral sa atin. Pero hindi yun ang primary, hindi yun ang nauna, hindi yun ang nag-determina ng kaligtasan natin. He chose us (1:4). We are not saved because we chose him, or made a decision for him. Sabi ni Jeus sa mga disciples niya, “You did not choose me, but I chose you” (John 15:16). Sumasampalataya tayo kay Jesus at ang iba ay hindi dahil hindi sila pinili ng Diyos (John 10:26). Tulad ng pagpili sa Israel para maging kayamanang pag-aari ng Diyos “out of all the peoples who are on the face of the earth” (Deut 7:6), so he has chosen us to be his people.

Nakapangingilabot ang katotohanang maaari naman niyang hindi tayo piliin. Wala naman siyang obligasyong iligtas tayo. Pwedeng hayaan niya na lang tayo di maligtas, nasa ilalim ng kanyang parusa for all eternity. Nakalulundag naman sa tuwa pag narealize natin na ang pagpili sa atin ng Diyos ay napakalaking biyaya, undeserved grace, kasama sa “every spiritual blessing in the heavenly places” (v. 3); this is “grace, with which he has blessed us in the Beloved (1:6).

Meron bang nakita ang Diyos na qualification sa atin kung bakit niya tayo pinili? No. He chose us in him (1:4). In Christ, in the Beloved (1:6). Not because we deserve to be chosen. Like those chosen for NBA Draft, or chosen to be finalists sa Miss Universe, or to be accepted or promoted sa work – by merit, by performance, by credentials, by potential, by outward appearance. We are chosen not by our own merits (we don’t have any!), but by the merits of Christ, the eternal Son of God.

This “mystical union” with Christ, from this flows all the blessings we receive from God. “Blessed us in Christ” (1:3). “He chose us in him” (1:4). He has blessed us in the Beloved (1:6). In him we have redemption (1:7). In him we have obtained an inheritance (1:11). In him you…were sealed with the Holy Spirit (1:13). In him, in him, in him, paulit-ulit iyan. Siya ang qualified, we are not. Pinili ka not because of you, but because of Jesus.

Pinili ba tayo ng Diyos noong nakita na niyang meron tayong “potential” para maging mabuting instrumento niya to accomplish his purposes? No. “He chose us…before the foundation of the world.” Not before we make a decision for Christ, not before we come to church, not before we heard the gospel, not before we were born, but before the foundation of the world. Wala pang creation, wala pang pagkakasala ang tao, pinasya na ng Diyos na piliin tayo. Obviously, that decision does not have anything to do with us. Wala tayong contribution dun. He “saved us and called us to a holy calling, not because of our works but because of his own purpose and grace, which he gave us in Christ Jesus before the ages began” (2 Timothy 1:9 ESV).

Pinili ba tayo ng Diyos at ang iba ay hindi dahil mas mabuti at mas banal tayo kaysa sa kanila? Are we better than our neighbor? No. He chose us…that we should be holy and blameless before him (1:4). Para maging banal at walang kapintasan. Hindi dahil tayo ay banal na at walang kapintasan. Dahil ang totoo, tayo ay far from holy, we are wicked, sinners, rebels, dirty, rebellious, idolatrous, blasphemers.

Practically, liberating ang katotohanang ito. Hindi na tayo yung trabaho nang trabaho para maging qualified sa pagpili ng Diyos. Dahil noong tayo’y makasalanan pa, pinili na tayo ng Diyos, even us worst sinners. Pero hindi ito dahilan tulad ng inaakala ng iba na dahil pinili na tayo ng Diyos, pwede na tayong mamuhay nang kahit anong gusto natin at magpatulo sa kasalanan. No! Dahil kung nauunawaan natin ang biyaya ng Diyos sa pagpili sa atin, ito rin naman ang mag-eempower at mag-momotivate sa atin na mamuhay nang may kalinisan at kabanalan. Pinili tayo ng Diyos para baguhin tayo.

Sumusunod tayo, namumuhay sa kalooban niya hindi para piliin ng Diyos, kundi dahil pinili na tayo ng Diyos. Hindi tayo tulad ng isang manliligaw na nag-iigib ng tubig at nagsisibak ng kahoy (di na pala uso yun) para suyuin ang nililigawan. Para tayong isang lalaking naglilingkod at ginagawa ang lahat para sa kasiyahan ng asawa dahil pinili na siyang mahalin kahit sino pa siya. We obey not to make God love us more, but because he already loved us. That’s the gospel of grace. Only this kind of love will truly transform us.

Meron bang kaibig-ibig sa atin kaya tayo minahal ng Diyos nang ganito? Wala. He chose us…in love, he predestined us…Pag-ibig ng Diyos sa atin, hindi ang pag-ibig natin sa kanya ang motibo ng Diyos sa pagpili niya sa atin. Not because we are great, or lovely, or beautiful. Tulad ng pagpili ng Diyos sa Israel. Bakit sila pinili at bakit hindi ang Egypt o iba pang bansa? “It was not because you were more in number than any other people that the Lord set his love on you and chose you, for you were the fewest of all peoples, but it is because the Lord loves you…” (Deut. 7:7-8 ESV). Minahal tayo ng Diyos dahil mahal tayo ng Diyos. Ha? Yes! Tulad ng isang asawa na tatanungin ng asawa kung bakit siya minahal. Minsan naman wala tayong maisagot. Sapat na ang sabihing I love you because I love you. Lalo na sa Diyos. There is no reason for God to love us, except his decision to love us.

Dahil sa pag-ibig ng Diyos sa pagpili sa atin, napakagandang tadhana ang itinakda niya para sa bawat isa sa ating nakay Cristo. He chose us…predestined us for adoption as sons through Jesus Christ. Itinuturing na tayong anak ng Diyos dahil kay Jesus na Anak ng Diyos. Oo, tinanggap natin siya, nagtiwala tayo sa kanya, meron tayong desisyon ginawa kaya napabilang tayo ngayon sa kanyang pamilya. Pero hindi ang desisyon natin ang primary determining factor ng kalagayan natin ngayon bilang mga anak ng Diyos. “But to all who did receive him, who believed in his name, he gave the right to become children of God, who were born, not of blood nor of the will of the flesh nor of the will of man, but of God” (John 1:12-13).

Akala ko ba may “free will” ang tao? Sino nagsabi? Akala mo lang yun. Dahil ang totoo, alipin tayo ng kasalanan. Wala tayong kalayaan piliin ang tama at mabuti. Ang pinipili lang natin, apart from the grace of God, ay sundin ang mga hilig nating taliwas sa kalooban ng Diyos. Ang Diyos lang talaga ang may “free will.” Siya lang ang may kalayaan at kapangyarihang (sovereign will) piliin ang gusto niyang piliin. “He chose us…according to the purpose of his will.” At tulad ng sabi ni Paul sa verse 11, we are “predestined according to the purpose of him who works all things according to the counsel of his will.” Ganito rin ang dahilan ng Diyos sa pagpili kay Jacob (the younger) over Esau:

Ipinakilala ng Diyos na ang kanyang pagpili ay ayon sa sarili niyang layunin at hindi batay sa gawa ng tao. Kaya’t bago pa ipanganak ang mga bata, at bago pa sila makagawa ng anumang mabuti o masama, sinabi na ng Diyos kay Rebecca, “Maglilingkod ang mas matanda sa bata niyang kapatid.” Ayon nga sa nasusulat, “Minahal ko si Jacob, at kinapootan ko si Esau.” Masasabi ba nating hindi makatarungan ang Diyos dahil dito? Hinding-hindi! Sapagkat ganito ang sabi niya kay Moises, “Mahahabag ako sa nais kong kahabagan at maaawa ako sa nais kong kaawaan.” Maliwanag kung gayon, na ang pasya ng Diyos ay nababatay sa kanyang habag, at hindi sa kagustuhan o pagsisikap ng tao (Rom. 9:11-16 MBB).

Sasabihin ng mga kumokontra sa doktrinang ito, “That’s unfair!” Paglabag daw yan sa karapatang pantao, as if magiging monstrous violator si God ng human rights. Pero simula nang marebelde sa Diyos, wala tayong anumang karapatan o claim to God to treat us with goodness. You want to be fair? Ok, God will send you to hell! That is just fair and just. Ang dapat nating ipagtaka ay yung pinili ka pa ng Diyos. He doesn’t have any obligation to choose us, to send Jesus for us, to rescue us, to adopt us, to bless us. But he did. Only because of his mercy. Naligtas ka hindi dahil pinili mo siya, naligtas ka dahil pinili ka niya.

Kung totoong lahat yan, at totoo dahil ito ay biblikal, ano ngayon ang maipagmamalaki mo pa? Na maganda ka? Na mayaman ka? Na mabait ka? Na mahusay ka? “Bakit sinasabi ninyong nakakahigit kayo sa iba? Ano ba ang mayroon kayo na hindi nagmula sa Dios? Kung ang lahat ng nasa inyoʼy nagmula sa Dios, bakit nagmamalaki kayo na parang galing mismo sa inyo ang mga ito” (1 Cor. 4:7 ASD)? Pinili tayo ng Diyos para walang sinumang magmalaki sa kanyang harapan (1:27-29). “Ang sinumang nais magmalaki, ang ipagmalaki niya’y ang ginawa ng Panginoon” (1:31 MBB).

Yan nga ang layunin ng pagpili ng Diyos sa atin. Para ang papuri na gusto natin para sa sarili natin ay mapalitan ng pagpupuri sa Diyos lamang. He chose us…to the praise of his glorious grace (Eph. 1:6). Ito ang doktrinang pantanggal sa yabang natin. Ano ang maipagmamalaki mo sa kaligtasan mo kung ito ay pasya ng Diyos? Ano ang maipagmamalaki mo kung marami mang resulta ang pag-evangelize at pag-disciple mo kung ang pagkilos at bunga ay galing sa Diyos? Instead of boasting, let us praise God for his grace. Salvation is by grace so that no one can boast in his own accomplishments or qualifications.

Some Practical Applications of this Doctrine

Worship. The study of this doctrine is not meant to stir up controversies or create divisions in the body of Christ, bagamat nangyayari iyan. It is not also for intellectual or academic pursuits. But to fuel worship. Kaya nga ang bungad pa lang ni Pablo sa verse 3, Purihin ang Diyos…at heto ang mga dahilan kung bakit natin dapat purihin ang Diyos…Sa verse 12, “to the praise of his glory.” Sa verse 14, “to the praise of his glory.” Ang sola gratia ay dinisenyo ng Diyos para panggatong sa isip natin para pagliliyabin sa puso natin ang soli Deo gloria.

Sufferings. At kung bawat isa sa atin ay kargado ng sola gratia, walang anumang pagsubok, kahirapan, sakit, alalahanin sa buhay ang makapagpapabagsak sa atin. Bakit? Kasi kumpiyansa tayo na ang Diyos na pumili sa atin ay walang ibang ninanais para sa atin maliban sa ating ikabubuti. Anumang parang walang katapusang paghihirap na dinaranas mo ay magtatapos at magdudulot ng para lang sa ikabubuti mo. Yan ang nakasulat sa Romans 8:28-30. Pinili ka niya para maging tulad ni Cristo. Yan ang mabuti. Pinili ka niya, tinawag ka niya, pinawalang-sala at itinuring na matuwid, at tiyak na dadalhin sa kanyang kaluwalhatian sa kanyang piling sa buhay na walang hanggan.

Mission. Ganyan din ang kumpiyansa natin sa pagtupad ng misyon ng Diyos na make disciples of all nations. Kahit sa panahong kakaunti o wala tayong nakikitang bunga ng pagpapakahirap natin, hindi tayo hihinto. Bakit? Dahil alam natin na ang mga pinili ng Diyos ay ililigtas niya. “Ang lahat ng itinalaga (o pinili) para sa buhay na walang hanggan ay naging mananampalataya” (Gawa 13:48 ASD). Hindi ito dahilan para relax na lang tayo at sabihing ililigtas naman ng Diyos ang pinili niya, so di na natin kailangang magtrabaho in sharing the gospel. No! Next verse dun, ganito nakasulat, “Kaya kumalat ang salita ng Panginoon sa lugar na iyon” (v .49). Bakit kumalat? Kasi merong nagkalat!

Ang biyaya ng Diyos sa pagpili ang kumpiyansa natin na kung ang mga pinili niya ay makarinig ng kanyang Salita, kikilos ang Espiritu sa puso nila, babaguhin sila, they will truly be born again, sasampalataya sa Panginoon, patatawarin niya, babaguhin ang kanilang buhay (even with all the struggles and sufferings), gagawing tulad ni Cristo, at dadalhin sa kanyang preseniya magpakailanman. Sinimulan ng Diyos sa kanyang pagpili, tatapusin niya sa pagpapanatili sa kanila sa pananampalataya. Sigurado yan. “Natitiyak kong ipagpapatuloy ng Dios ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Cristo Jesus” (Fil. 1:6 ASD). But more of that next week.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.