Part 6 – David and Saul

Last Sunday natuklasan natin sa kuwento ni David, Nabal at Abigail sa 1 Samuel 25 na “kapag may mga taong gumawa ng masama sa atin sa kabila ng kabutihang ipinapakita natin sa kanila, merong Diyos na di tumitigil sa paggawa sa atin ng mabuti at siyang maghihiganti para sa atin.” Kaya dapat nating “ipagkatiwala sa kanyang mga kamay ang anumang sakit na naranasan at nararanasan natin.”

Download mp3

Ito kasing si Nabal, inisulto pa si David pagkatapos ng kabutihang nagawa para sa kanya. Nagalit si David, at gustong patayin si Nabal. Buti na lang ginamit ng Panginoon ang asawa ni Nabal na si Abigail para mamagitan at mapigilan ang masamang balak ni David. Eventually, ang Diyos na ang pumatay kay Nabal para ipaghiganti si David.

Siguro sa tingin natin kung tayo si David, kaya pa natin yan ioverlook. Isang beses pa lang naman nangyari. Pwedeng palampasin muna. Bilib na bilib kasi tayo sa sarili natin. We don’t realize na kahit si David kailangan niya ang intervention ng Panginoon. Kung hindi, tuluyan na siyang nahulog sa matinding kasalanan. Lalo pa kung paulit-ulit na.

Paano kung merong kang kasama sa trabaho na lagi kang sinisiraan sa boss mo para di ka mapromote at siya ang mapromote? Paano kung meron kang kapitbahay na paulit-ulit nang-aasar sa iyo? Paano kung meron kang kliyente sa negosyo na hindi na nga magbayad sa iyo, kung anu-ano pa ang sinasabi sa iba tungkol sa iyo? Paano kung meron kang anak na paulit-ulit na pinasasakit ang ulo mo? Paano kung meron kang asawang paulit-ulit na nagiging unfaithful sa iyo at paulit-ulit ka na sinasaktan? Aba, sobra na ‘yan! Ang dali nating magalit, mawalan ng pasensiya, mag-isip na maghiganti o kaya’y mag-isip ng masama laban sa mga taong umaaway sa atin.

When someone keeps trying to bring you down, what will you do? Kung si David nga, sa isang beses na kasalanan sa kanya ni Nabal, kailangan niya ang gracious help galing sa Panginoon, lalo pa kaya kung paulit-ulit na kasamaan ang pinapakita sa kanya ng kanyang biyenan na si haring Saul. Kailangan din natin ang paulit-ulit na tulong na galing sa Panginoon sa mga ganitong pagkakataon. We need God’s extraordinary grace everyday.

Saul’s pursuit of David

Bakit nga ba galit na galit si Saul kay David? Dito nagsimula ‘yan. Pagkatapos ng laban kay Goliath, umuwi na sila Saul at sinalubong sila ng mga babaeng sumasayaw at kumakanta: “Libu-libo ang napatay ni Saul, kay David naman ay tig-sasampung libo” (18:7). Nagalit si Saul. Nagselos. Na-insecure. Kaya lagi na niyang minamatyagan si David (vv. 8-9). Bukod pa dun, natatakot din siya kay David “dahil sinasamahan ito ng Panginoon samantalang siya namaʼy pinabayaan na ng Panginoon” (v. 12). Dahil sa pagsama ng Panginoon kay David, lalo pa siyang nagtatagumpay, at lalong napapamahal sa mga tao, pero lalo namang natatakot si Saul sa kanya (vv. 15-16).

Dahil dun, lagi siyang sinasabak sa laban sa mga Philistines para mag-increase ang chance na siya’y mapatay. Pero lalo lang siyang pinagtatagumpay ng Panginoon. Nakita yun ni Saul, at kung paanong mas nagiging popular na si David (v. 30), nakita rin niya kung gaano siya kamahal ng anak niyang si Michal, kaya “lalo pa siyang natakot kay David. At itinuring niyang kaaway si David habang nabubuhay siya” (v. 29). This is a preview sa atin na hanggang kamatayan dadalin ni Saul ang galit kay David. At ito rin namang galit na ito ang ikamamatay niya.

Dahil dito, inutusan na ni Saul ang anak niyang si Jonathan pati ang mga tauhan niya na patayin si David (19:1). Pero di ginawa ni Jonathan, dahil kaibigan ang turing niya kay David. Sinabi niya sa ama niya, “Huwag nʼyo pong saktan si David na inyong lingkod dahil wala siyang ginawang masama sa inyo. Nakagawa pa nga po siya ng malaking kabutihan sa inyo…Pero bakit gusto nʼyo pang ipapatay ang isang inosenteng tao na katulad ni David nang walang dahilan?” (vv. 4-5). Tulad ng ginawa ni Abigail sa pagkausap kay David, ito naman ang ginagawa ni Jonathan para sa kanyang ama. Si Nabal may kasalanan kay David. Pwede pa niyang ijustify ang paghihiganti sa kanya (although di rin naman tama!). Pero si David wala namang kasalanan kay Saul. Killing David was totally unjustified.

Pero walang makakakumbinsi kay Saul na baguhin ang plano niya, unlike David na nahismasan ang galit sa mga salita ni Abigail. Isang araw, sinibat ni Saul si David, pero nakatakas ito (vv. 9-10). Minanmanan siya ng mga tauhan ni Saul sa bahay pero pinatakas siya ni Michal (v. 11). Sa galit ni Saul, pati ang anak niyang si Jonathan sinubukan na rin niyang sibatin at patayin dahil sa pagtatanggol nito kay David (20:33). Pati mga paring naglilingkod sa Panginoon sa Nob pinagpapatay ni Saul nang malamang kinupkop nila si David (22:21). Lahat ng kumakampi kay David gusto na rin niyang ipapatay.

Nang may magsabi kay Saul na nasa Keilah si David, delusional pa siya na akalang nasa panig pa niya ang Diyos, “Ibinigay na siya ng Dios sa akin…” (23:7). Nang lulusubin na sila David ng mga tauhan ni Saul, pinatakas siya ng Panginoon (vv. 8-13).  “Nagtago si David sa mga kuta sa ilang at sa kaburulan ng disyerto ng Zif. Araw-araw ay hinahanap siya ni Saul, pero hindi siya ibinigay ng Dios kay Saul” (v. 14).

The rest of chapter 23 tells us how they were like playing hide-and-seek. Magtatago si David. May magsusumbong kay Saul. Susugurin si David. Malalaman ni David. Tatakas siya at magtatago ulit. And on and on and on and on. Nakakapagod ang may kaaway. Nakakapagod ang may iniiwasan at tinatakasan. Pero ano nga ba naman ang gagawin ni David kung ayaw siyang tantanan. Kung patayin na lang niya sana si Saul para tapos na ang lahat. Pero yun ba talaga ang solusyon? Yun ba talaga ang gusto ng Diyos na maging response natin kung may mga kaaway tayong ayaw tayong tantanan? Gusto natin mawala na lang sila para wala na rin tayong problema. Di man ikaw ang papatay, pero sa isip mo, “Ma-EJK sana ‘yan!” More often than not, di mawawala ang mga taong umaaway sa atin, di rin natin matatakasan, dapat nating harapin. Ngunit paano? Tingnan natin ang ginawa ni David.

David’s attitude toward Saul

When Saul keeps trying to bring David down, what did David do when he had the chance to kill his enemy? Dalawang occasions iyan. Isa sa chapter 24, at isa sa chapter 26.

Isang araw, si David kasama ang 600 sa mga tauhan niya ay nagtatago sa isang kuweba sa may disyerto. May nakapagsumbong kay Saul. Hinanap niya si David kasama ang 3,000 tauhan. Nang naroon na sila sa disyerto, sumakit ang tiyan ni Saul at pumasok sa isang kuweba para dumumi. Sakto namang sa dulo ng kuwebang yun ay dun nagtatago sila David. Sabi ng tauhan ni David sa kanya, “Dumating na ang panahong sinabi ng Panginoon na ibibigay niya sa iyo ang iyong kaaway at ikaw na ang bahala kung ano ang gusto mong gawin sa kanya.” (24:4). Siya ba talaga ang bahala na gawin ang gusto niyang gawin? O ang Diyos ang bahala? Do we listen to the voices of the people around us or our own voice when dealing with our enemies? Or do we listen to the voice of God?

Nilapitan ni David, dahan-dahan, tahimik lang, nakatakip ang ilong. At pinutulan niya lang ang laylayan ng damit ni Saul. Pero yun na nga lang nakonsensya pa siya. Sabi niya sa sarili niya, “Huwag sanang ipahintulot ng Panginoon na gawan ko ng masama ang aking hari, ang hinirang ng Panginoon na maging hari” (v. 6). Paglabas ni Saul ng kuweba, “success” na, at walang kamalay-malay sa nangyari. Nilabas siya ni David at tinawag,

“Mahal na Hari!” Paglingon ni Saul, nagpatirapa pa si David sa kanyang harapan bilang paggalang (v. 8). Ipinakita niya ang tinabas niyang tela sa damit ni Saul at sinabi, “Sa araw na ito, nakita nʼyo kung paano kayo ibinigay ng Panginoon sa aking mga kamay doon sa loob ng kweba. Sinabi sa akin ng iba kong mga tauhan na patayin kayo pero hindi ko ginawa. Sinabi ko sa kanila na hindi ko sasaktan ang aking hari dahil pinili siya ng Panginoon na maging hari” (v. 10). “Ang Panginoon sana ang humatol sa ating dalawa, at parusahan kayo ngPanginoon sa mga ginagawa nʼyo sa akin. Pero wala akong gagawing masama sa inyo” (v. 12). “Ang Panginoon sana ang humatol at magdesisyon kung sino po ang may kasalanan sa ating dalawa. Sanaʼy mapansin niya at matugunan ang usaping ito at mailigtas ako mula sa iyong mga kamay” (v. 15).

Pagkatapos nito, inamin ni Saul na siya ang nagkasala at si David ang gumagawa ng mabuti para sa kanya sa kabila ng kasalanan niya. Pero it doesn’t mean na repentant na siya. David will not entrust himself to Saul. Sa Diyos lang siya magtitiwala, hindi kay Saul. Kaya patuloy pa rin sila sa pagtatago.

On another occasion, may nagsabi na naman kay Saul kung nasaan sila David. Pinuntahan na naman sila ng grupo ni Saul. Habang natutulog sila Saul sa kampo, pinuntahan sila ni David kasama ang ilan sa tauhan niya. Nakatusok sa lupa ang sibat ni Saul sa kanyang ulunan (26:1-7). Sabi ni Abishai to David, “Sa araw na ito, ipinagkaloob sa inyo ng Dios ang tagumpay laban sa inyong kaaway. Payagan nʼyo akong saksakin siya ng sibat na iyon at nang mabaon hanggang sa lupa. Isang saksak ko lang sa kanya at hindi na kailangang ulitin” (v. 8). Alam na nilang unwilling si David na siya ang pumatay kay Saul, kaya gagawin na lang nila ito for David. Pero hindi yun ang gusto ni David.  “Huwag mo siyang patayin! Parurusahan ng Panginoon ang sinumang papatay sa kanyang piniling hari. Sinisiguro ko sa iyo, sa presensya ng buhay na Panginoon, na ang Panginoon mismo ang papatay sa kanya, o mamamatay siya sa digmaan o dahil sa katandaan. Pero huwag sanang ipahintulot ng Panginoon na ako ang pumatay sa kanyang piniling hari” (vv. 9-11). Pagkatapos ay kinuha na lang nila ang sibat at lalagyan ng tubig na nasa tabi ni Saul. Walang nakaalam at nakakita ng ginawa nila “dahil pinahimbing ng Panginoon ang kanilang pagtulog” (v. 12).

Nang magising na sila Saul, nalaman niya ang nangyari. Sinabi naman niya kay David, “Nagkasala ako. Bumalik ka na, David, anak ko…” Nangako pang di na siya papatayin (v. 21). Sagot naman ni David, “May gantimpala ang Panginoon sa mga taong matapat at gumagawa ng matuwid. Ibinigay kayo ng Panginoon sa aking mga kamay sa araw na ito, pero tumanggi akong patayin kayo dahil kayo ang piniling hari ng Panginoon. Binigyan ko ng halaga ang buhay ninyo ngayon at sanaʼy bigyan din ng halaga ng Panginoon ang buhay ko at iligtas niya ako sa lahat ng kapahamakan” (vv. 23-24). 

Naghiwalay na ulit sila at naging busy naman si Saul sa pakikipaglaban sa mga Philistines. Eventually, napana si Saul sa labanan. At para di na siya mahuling buhay ng mga kalaban, nagpakamatay na siya sa sarili niyang espada (31:3-4). Napatay din si Jonathan. Nang malaman ni David, he even composed a song of lament for them na aawitin rin ng mga tao, sa halip na song of celebration dahil patay na ang kaaway niya (2 Sam. 1:17-18). In death, David honored his friend Jonathan. Also, David honored Saul his enemy.

How to respond to a persistent enemy

Pambihirang halimbawa kung paanong ang isang taong may pusong malapit sa Diyos (a man after God’s own heart) ay magrespond sa kanyang kaaway. What can we learn from this? Ano ang gagawin natin pag may mga taong ayaw tayong tantanan at gusto tayong ibagsak? Meron tayong tatlong bagay (at least) na makikita from David’s example.

Honor God.

David honors God by honoring his enemy. Yes, undeserving si Saul of honor and respect. Pero paulit-ulit na binabanggit ni David tungkol sa kanya, “the Lord’s anointed.” Gaano man kasama si Saul, gaano man kalaki ang kasalanan niya kay David, nakikita pa rin niya ang tatak ng Diyos sa kanya. Oo nga’t si David na ang bagong “anointed” na pumalit kay Saul. Pero naroon pa rin ang pagpapahalaga ni David kay Saul bilang nilikha ng Diyos sa kanyang larawan, iniluklok na hari ng Israel, ama ng kanyang asawa. Pinahahalagahan niya ang buhay ni Saul dahil bawat buhay ay mahalaga sa paningin ng Diyos, kahit buhay pa ito ng pinakamasamang kriminal. Sa pakikipag-usap, sa pakikitungo, sa pagtrato mo sa mga taong paulit-ulit na nang-aaway sa iyo, honor God by treating them with respect and dignity. They don’t deserve that honor, for sure. But God deserves to be honored in the way we treat them. Dahil tayo rin ay naging kaaway ng Diyos, pero minahal niya, kinaawaan niya (Rom. 5:8). We are followers of Jesus, so we follow Jesus in honoring God in the way we treat our enemies. Kahit na siya ang “Anointed One,” naging submissive siya sa authorities (political or religious). Wala siyang kasalanan, pero ibinilang ang sarili niya na makasalanan, alang-alang sa ating mga makasalanan. He humbled himself, so as follower of Jesus…

Humble yourself.

Makasalanan ang kaaway mo. Makasalanan ka rin. Oo, walang kasalanan si David kay Saul. Pero nagpapatirapa pa siya sa harapan niya. Tinatawag pa niyang “mahal na hari.” Tinatawag pa niya ang sarili niya na “lingkod” ni Saul. Kapag puro kasalanan ng kaaway mo ang nakikita mo, you become defensive and angry. Pero kung inaamin mo sa sarili mo na you’re no better than your enemy, you become humble. Like Jesus, he humbled himself. Pwede naman niyang itapon na lahat tayo sa impiyerno, tama lang na parusa sa mga kasalanan natin. Pero ang Diyos ibinaba ang kanyang sarili para sa ating mga makasalanan. Si Jesus, bagamat Hari, naging tao, anyong alipin, and died a criminal’s death on the cross. He came not to be served but to serve and give his life as a ransom for many. What if you will approach your enemy that way? Not thinking how you can be served, not thinking about what you want from them, but thinking how you can honor God by serving them? It is not easy. It takes faith in the promises of God. So…

Hope in God.

He promises to vindicate. Ito ang laging pinanghahawakan ni David. Patunayan sana ng Diyos na wala akong kasalanan. Ang Diyos na ang bahalang maghiganti at magparusa para sa akin. Nang may nagsumbong kay Saul ng pinagtataguan ni David, ito ang panalangin niya sa Panginoon, “O Dios, iligtas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan at patunayan nʼyong wala akong kasalanan” (Ps. 54:1 ASD). “Kayo, O Dios ang tumutulong sa akin. Kayo, Panginoon ang aking maaasahan. Ibalik nʼyo sana sa aking mga kaaway ang ginagawa nilang masama. O Dios, sa inyong pagkamatapat, lipulin nʼyo sila” (Ps. 54:4-5 ASD). Isumbong mo sa Diyos ang kaaway mo. Hindi tayo ang dapat maghiganti. Hayaan natin ang Diyos na maghiganti para sa atin. Ipagkatiwala natin sa Diyos ang ating kaaway, huwag nating ilagay sa sarili nating kamay.

When someone keeps trying to bring you down, keep looking up. When David was in the wilderness of Judah, at tinatakasan si Saul, heto ang prayer niya, this is what keeps him focused on God, humble and hopeful: “So I have looked upon you in the sanctuary, beholding your power and glory” (Ps. 63:2); “My soul clings to you; your right hand upholds me” (Ps. 63:8).

Dapat nating tularan si David sa kanyang pagtingin at pagtitiwala sa Diyos sa kabila ng hirap na dinaranas niya laban sa kanyang mga kaaway. Some stories in the OT, like in this one, clearly gives us examples to follow. David gives us a good example to follow in dealing with enemies. But it doesn’t give us the motivation and the power to follow this example. We know what to do. But will we do this?

When I say keep looking up, I mean keep looking at the cross. Jesus was the truly innocent one. Wala siyang kasalanan. Pero inaway siya at ayaw kilalaning Hari at Panginoon ng mga Judio, ng mga Pariseo at mga religious leaders, ng mga Romano, at isa sa 12 alagad niya hinudas siya. Totoong naroon ang galit niya sa kanilang mga kasalanan, pero naroon din ang kalungkutan niya sa kaawa-awa nilang kalagayan, at habag sa laki ng kanilang pangangailangan sa pagliligtas ng Diyos. Sa paghuli sa kanya, naglakas loob si Pedro na espadahin ang isa sa mga sundalong humuli sa kanya. Natapyas ang tenga nito. Pero hinawakan ni Jesus at pinagaling. Sa harap ng high priest, sa harap ni Herodes, sa harap ni Pilato, nanatili siyang mababa ang loob at nagpasakop sa kanilang pasya kahit na hindi ito makatarungan. Sa krus, umasa siya sa Ama na bagamat hinayaan siyang mamatay, ay ipagtatanggol siya at patutunayang siya ang piniling Hari at Tagapagligtas. The resurrection is proof of that. Pero bago yun, tiniis muna niya ang lahat ng hirap, lahat ng pasakit ng kanyang kaaway, lahat ng injustices, para kanino? Para sa atin na mga kaaway ng Diyos. Para maibalik tayo sa magandang relasyon sa kanya.

That is how God treats his enemies who are now in Jesus. We easily forget that pag may mga nakakasakit sa atin nang paulit-ulit. Kaya dapat din nating paulit-ulit na alalahanin ang paulit-ulit na pagmamahal, pagpapatawad at kabutihan ng Diyos sa atin sa kabila ng mga paulit-ulit nating kasalanan laban sa kanya.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.