Part 2 – David and Samuel

09_1Sa_16_10_RGHoly Week is an opportunity for us followers of Jesus to go deeper into the gospel. Yun ang pinakamahalaga ngayong Semana Santa, hindi ang pagbabakasyon (walang masama, pero hindi yun ang pinakamahalaga), at hindi rin ang sakripisyong ginawa natin tulad ng sa prayer walk o prayer and fasting. Pinakamahalaga ang ginawa ng Panginoong Jesus para sa atin. Kaya nga “as of first importance” ang turing ni Pablo sa gospel (1 Cor. 15:3). Good news yun kasi yun ang nagligtas sa atin, bumabago sa buhay natin at magdadala sa atin sa buhay na walang hanggan (vv. 1-2). At the heart of this gospel is the death, burial and resurrection of Jesus (v. 4). Today is Easter Sunday, Resurrection Sunday. Good news ang kamatayan ng Panginoong Jesus, dahil sa kanyang kamatayan inako niya ang parusang nararapat dahil sa ating mga kasalanan. Pero bad news yun at balewala kung hindi siya muling nabuhay. Hallelujah! Jesus is alive!

[Audio not available for this sermon]

Tulad ng sinasabi ni Pablo sa 1 Cor. 15:1-4, hindi rin ako magsasawang ipaalala yan sa inyo, hindi tayo magsasawang pakinggan ‘yan at panghawakan. Kapag Mabuting Balita ang pag-uusapan wag mong isiping sa New Testament lang yan. Namatay siya, inilibing at muling nabuhay “in accordance with the Scriptures.” Ang Kasulatan na tinutukoy diyan ay ang Old Testament. Nakaugat ang kuwento ni Jesus sa kuwento ng Diyos Lumang Tipan. Kaya nga kahit Easter, ituloy pa rin natin ang sermon series natin sa life ni David na sinimulan natin last Sunday. Nang ipakilala ni Paul ang sarili niya sa sulat niya sa Romans, sinabi niyang siya ay “set apart for the gospel of God” (Rom. 1:1). At ang gospel na ito, sabi niya, “promised beforehand through his prophets in the holy Scriptures (Old Testament!), concerning his Son, who was descended from David (yan ang sermon series natin!) according to the flesh and was declared to be the Son of God in power according to the Spirit of holiness by his resurrection from the dead (Easter Sunday!), Jesus Christ our Lord” (vv. 2-4).

Approval and Rejection

Sabi ni Dan Phillips, “Jesus’ resurrection is His Father’s seal of approval on everything He said and did.” Lahat ng sinabi niya, aprub. Lahat ng ginawa niya, aprub. Yan exactly ang kailangan natin. Kaso we experienced being and feeling rejected. Ang iba sa inyo bata pa lang iniwanan na ng magulang. Kung hindi naman, you still feel rejected kasi di mo naririnig yung mga words of affirmation galing sa kanila. I felt rejected when my first girlfriend nung highschool ako nakipagbreak sa kin. I felt rejected nung ipahiya ako ng history teacher ko sa harap ng klase. I felt rejected last year nung ma-deny ang application ko for US visa. Dahil sa mga experiences natin of being rejected, we are trying to gain yung approval ng mga tao. Nagpapakabait sa bahay. Sinisipagan sa pag-aaral. Umaattend ng church at active sa ministry. Working hard sa trabaho. Para marinig sa ibang tao, “Good job. Galing. Ok ka.” But what we need most is not human approval, but God’s approval. Kahit gaanong effort ang iexert mo to look good in front of others, kung ang puso mo naman ay hindi ayos sa paningin ng Diyos, balewala ang lahat.

So now we have a far deeper problem. Rejected din tayo ng Diyos kasi nireject natin siya sa buhay natin. Hindi tayo aprub sa Diyos dahil nagrebelde tayo sa kanya. We were created in his image para bigyan siya ng karangalan pero inagawan natin siya ng trono. Gusto natin tayo ang naghahari-harian sa buhay natin. Simula kina Adan at Eba na pinalayas ng Diyos sa presensiya niya, lahat ng tao rejected by God because of our rebellion.

Samuel and Israel’s Rejection of God

Sa panahong wala pang hari sa Israel, ginagawa ng lahat kung ano ang tama sa paningin nila (Judges 21:25). Napansin nila na lahat ng bansang nakapaligid sa kanila ay may mga haring namumuno, pero sa kanila ay wala. Akala nila wala, pero meron. Si Yahweh ang kanilang Hari. Lumapit sila kay Samuel, lingkod ng Diyos, sabi nila,  “…bigyan nʼyo kami ng hari na mamumuno sa amin, gaya ng ibang bansa na mayroong hari” (1 Sam. 8:5 ASD). Nalungkot si Samuel. Nalungkot din ang Diyos. Pero sabi niya kay Samuel, “Sundin mong lahat ang sinasabi nila sapagkat hindi ikaw kundi ako ang itinatakwil nila bilang hari nila” (8:7 MBB). They rejected God as their King. This is the history of Israel, this is the history of the entire human race. Sa halip na tayo ang sumunod sa salita ng Diyos, ang Diyos pa ang gusto nating sumunod sa salita natin. Baligtad na baligtad! Ang nilikha ang gustong masunod sa halip na ang Maylikha! Pinagbigyan ng Diyos itong mga Israelita. Sabi niya kay Samuel, “Sundin mo sila.” Hinayaan ng Diyos na mangyari ang gusto nila para makita nila kung ano ang kahihinatnan kung boses ng tao ang nasusunod at hindi boses ng Diyos. May kasabihan tayong vox populi, vox Dei o “the voice of the people is the voice of God.” Madalas hindi iyan totoo. Oo, hinahayaan ng Diyos na masunod ang pasya ng tao. Pero karaniwan ang gusto natin ay salungat sa gusto ng Diyos.

Saul and God’s Rejection of Him

Pinagbigyan sila ng Diyos. Ibinigay niya ang haring magugustuhan nila by human standards. “May isang taong mayaman at kilala mula sa lahi ni Benjamin. Ang pangalan niya ay Kish…Si Kish ay may anak na ang pangalan ay Saul. Bata pa si Saul at siya ang pinakagwapo at pinakamatangkad na lalaki sa Israel” (9:1-2 ASD). Anak mayaman, bata pa, pinakagwapo at pinakamatangkad. Pang-Mr. Israel yata ang sasalihan nito. Kung magbobotohan, by popular vote, siguradong mananalo.

Ito ang binigay ng Diyos kasi ito naman ang gusto nila. Noong una, may mga tao hindi bilib sa kanya, hindi siya aprub. Pero in general he was accepted by the people. The problem is: he was rejected by God on two occasions. Una: hinihintay niya si Samuel para maghandog sa Diyos at alamin ang kalooban ng Diyos sa paglusob nila sa kanilang mga kaaway. Nainip siya. Siya na ang naghandog. Wala naman siyang karapatang gawin yun. He was a king, but not a priest. He violated the law of God. Sabi sa kanya ni Samuel:

Malaking kasalanan ‘yang ginawa mo. Kung sinunod mo ang iniuutos sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos, ang sambahayan mo sana ang maghahari sa buong Israel habang panahon. Ngunit dahil sa ginawa mo, hindi na matutuloy iyon. Si Yahweh ay pipili ng isang taong mula sa kanyang puso na maghahari sa Israel sapagkat hindi mo sinunod ang mga utos niya sa iyo (13:13-14 MBB).

Bukod diyan, mas isa pa. Sabi ng Diyos wasakin lahat ang mga Amalekites – lahat ng tao at lahat ng hayop papatayin. Hindi niya pinatay ang hari, hindi niya pinatay ang mga magagandang hayop. Ang dahilan pa ay ang paghahandog sa Diyos. Sabi ni Samuel sa kanya:

Mas mabuti ang pagsunod kay Yahweh kaysa paghahandog, at ang pakikinig ay higit sa haing taba ng tupa…Sapagkat itinakwil mo ang salita ni Yahweh, itinakwil ka rin niya bilang hari (15:22-23 MBB).

He rejected God’s voice. God rejected him. Aprub ng tao, hindi aprub ng Diyos. Ikinalungkot ito ni Samuel. Ikinalungkot din ito ng Diyos (15:35). Tama lang na malungkot kung merong isang taong nahulog sa kasalanan, lalo na kung nagpapatuloy sa pagsuway. Pero buo na ang pasya ng Diyos, di na magbabago ang kanyang panukala. Wala nang apela. Nagdesisyon na ang Korte Suprema. Papalitan siya ng isang hari na mula sa puso ng Diyos – a man after God’s own heart – hindi mula sa puso ng mga tao. Gracious pa rin ang Panginoon kay Saul, hinayaan pa siyang maghari hanggang kamatayan. Pero pinili na ng Diyos ang papalit sa kanya.

Who will replace Saul as king?

Sabi ng Diyos kay Samuel, “Hanggang kailan ka malulungkot para kay Saul? Itinakwil ko na siya bilang hari ng Israel. Ngayo’y magdala ka ng langis at pumunta ka kay Jesse na taga-Bethlehem sapagkat pinili ko upang maging hari ang isa sa kanyang mga anak” (16:1 MBB). Ang salitang “pinili ko” literally ay “I have provided for myself” (ESV). Ito ang ihaharap ko sa sarili ko, hindi ang ihaharap sa mga tao. Ito ang gusto ko, hindi ang gusto ng mga tao. Ito ang nasa puso ko, hindi ang nasa puso ng mga tao. Nakapili na ang Diyos. Ang tanong ngayon para kay Samuel ay ito: “Sino ang pinili ng Diyos na papalit kay Saul?”‘

Sa mga panahong ito, di na nagkikita sina Samuel at Saul. Marahil ay napalitan na ang lungkot ni Saul ng galit. Kapag nalaman niyang may ipapalit sa kanya at kung sino yun, baka pagbuhusan niya ng galit si Samuel. Natural na natakot itong si Samuel (16:2). Baka pinababantayan na ni Saul ang bawat kilos nito. Pero di hahayaan ng Diyos na mahadlangan ang paghirang sa pinili niyang pumalit sa kanya. Kaya sinabihan niya si Samuel na wag matakot: “Anyayahan mo si Jesse sa paghahandog at ituturo ko sa iyo kung ano ang gagawin mo at kung sino ang papahiran mo ng langis” (16:3). Sino kaya itong papalit kay Saul? Ano ang qualifications niya? Bakit siya ang pinili ng Diyos? Ano ang kaibahan niya kay Samuel? Ito na kaya ang hari na kailangan nila? Maaaring yan ang mga tanong na naglalaro sa isip ni Samuel habang naglalakbay papuntang Bethlehem.

Pumunta si Samuel sa Bethlehem ayon sa utos ng Diyos. Di tulad ni Saul na di sumunod sa utos ng Diyos. Nakita siya ng mga taga-Bethlehem na dumarating. Kinabahan sila. Kung kaaway nga naman ang turing ng presidente sa dumarating sa bayan n’yo, nakakakaba nga. Pero sabi ni Samuel sa kanila na wag mag-alala. Mabuti ang pakay niya. Sinabi niyang maghahandog siya sa Diyos. Invited din sila. Invited din si Jesse at mga anak nito.

The Lord looks at the heart

Naghandog na sila sa Panginoon. Nandun ang mga anak ni Jesse. Tiningnan ni Samuel isa-isa at kinilatis. Nakita niya si Eliab. Tinitigan. Talagang matikas ang tayo, politician ang dating. Naimagine na niyang suot niya ang kingly robe at nakaupo sa trono. Pwede! Kumpiyansa siya ang sabi, “Aha! Siguradong ito ang pinili ng Diyos!” Pati itong si Samuel slow to learn kung ano ang nais ituro ng Diyos sa pagpili kay Saul. Kala niya siguradong tama siya, sabi ng Diyos siguradong mali siya. No, I have rejected him. Di tulad ng pagreject kay Saul, but to emphasize na hindi siya ang chosen one. “Huwag mong tingnan ang kanyang taas at kakisigan sapagkat hindi siya ang pinili ko. Si Yahweh’y hindi tumitingin nang katulad ng pagtingin ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit sa puso tumitingin si Yahweh” (16:7 MBB). “The Lord looks on the heart” (ESV).

Mas tinitingnan at pinahahalagahan ng Diyos ang kalagayan ng puso natin. Tayo naman kasi mas nakatingin sa hitsura, sa galing ng performance, sa magagandang pananalita. Ibang-iba ang pagtingin natin sa pagtingin ng Diyos. Sa dami ng oras mo sa salamin at sa liit ng oras mo sa Bibliya at panalangin ay nagpapakita na mas mahalaga sa iyo ang panlabas kaysa panloob. Sa dami ng oras at lakas na ginugugol mo sa gym at kaunting oras sa spiritual disciplines ay nagpapakita kung ano ang mas mahalaga sa iyo. Ganun din sa pagtingin natin at approval sa ibang tao. Mabait na bata iyan, hindi magulo. Magaling magpakanta, magaling tumugtog ng gitara, anointed ang dating. Husay magsalita, husay manalangin, sipag sa ministry, spiritually mature yan sigurado. Yun ang madaling makita. Pero mas dapat na tingnan natin ang puso ng tao.  Dahil iyan ang tinitingnan ng Diyos. Diyan nakasalalay kung aprub tayo sa Diyos o hindi. Pay attention to your heart. Your heart matters greatly to God. We already know that. But we are so so slow to learn that.

David the Chosen One

Si Samuel natuto na. Sabi niya kay Lord, “Ok. Sirit na. Sabihin mo na lang kung sino. Hindi na ko manghuhula.” Iniharap naman sa kanya ni Jesse ang anak niyang si Abinadab. “No.” Next, Samma. “No.” Next, son number 4. “No.” Next, son number 5. “No.” Next, son number 6. “No.” Next, son number 7. “No.” Sabi ni Samuel, “Wala nang natira. Yan na ba lahat ng anak mo?”

Sabi ni Jesse, “Meron pang isa. Yung pinakabata, pinakamaliit. Nasa bukid, nag-aalaga ng mga tupa.” Bakit naman kasi di pa sinama lahat kanina. Madedelay pa tuloy ang anointing ceremony. Siguro sa isip ng daddy, “Maiwan na lang siya. Di naman siya ganun kaimportante dito. Bata pa naman siya.” Ano naman kaya ang iniisip at naramdaman nitong si David nang iwan siya at di isama sa isang mahalagang okasyon?

Anuman ang nararamdaman niya o iniisip niya nang araw na yun, it will no longer matter compared to what will happen to him. Wala siyang kamalay-malay, that day will change his life forever.

Ipanatawag siya. Hinintay nila. Pagdating niya, nakita siya ni Samuel. Bata pa. Mamula-mula pa ang pisngi. Malusog. Gwapo. Maganda ang mata. Pero alam na ni Samuel na hindi na yun ang mahalaga, hindi yun ang naging dahilan para piliin siya ng Diyos. Basta sabi sa kanya ng Diyos, “Pahiran mo siya ng langis dahil siya ang pinili ko.”…Kaya kinuha ni Samuel ang langis at pinahiran niya sa ulo si David sa harap ng kanyang mga kapatid. Simula nang araw na iyon, napuspos siya ng Espiritu ng Panginoon (16:12-13 ASD).

Pinahiran siya ng langis bilang pagbubukod sa kanya sa tungkulin bilang itinalagang hari ng Diyos. Itinalaga siyang hari hindi dahil sa taglay niyang katangiang naiiba kay Saul kundi dahil siya’y pinili ng Diyos at siya’y lubos na kinalugdan ng Diyos.

Jesus the Messiah

At mula rin sa bayan ni David, mula sa Bethlehem isinilang ang Haring nagmula rin sa  kanyang lahi. Jesus the Messiah. Ang pagpahid ng langis o anointing with oil ay galing sa Hebrew na maschach, kung saan galing ang Messiah, the Anointed One. Sa Greek Christos, the Christ. Jesus was the Chosen One, pinili ng Diyos bago pa likhain ang mundo, pinili na na magliligtas ng sangkatauhan. Unlike Saul, and even greater than David, his heart was so pure. He was the Man after God’s own heart. Sa kanyang bautismo, bumaba ang Espiritu at narinig ang tinig ng Ama na nagsasabi, “This is my beloved Son, with whom I am well pleased.” Aprub na aprub ng Diyos. But rejected by men, rejected even by his own family, rejected by his own hometown, betrayed by his close friend. Ang mga religious leaders nagsabwatan para siya’y arestuhin bagamat walang kasalanan. He was crucified by the Romans.

Namatay siya. Inilibing. Sa ikatlong araw, muling nabuhay. At idineklara ng Diyos na Hari. Bago ideklara si David na hari, nagkaroon ng paghahandog si Samuel. Bago iproklama ang paghahari ni Jesus, inihandog niya ang sarili niyang katawan na parang hayop na kinatay sa krus. Ang ginawang iyan ng Panginoong Jesus ay malugod na tinanggap ng Diyos Ama. His resurrection was the seal of God’s approval of what he had done. Aprub. Garantisado.

God’s chosen people

Ngayon, paano tayo magiging aprubado din sa harapan ng Diyos? Yan ang pinakamahalagang tanong. Hindi yung, paano ako magiging aprub ng tao, paano ako magugustuhan ng tao, paano dadami ang “likes” ko, paano ako pupusuan ng tao? Pinusuan ko na, bes? Ang mahalaga marinig natin sa Diyos, “Pinusuan na kita.” Pero paano? Hindi sa pagsisikap maging mabuti. Hindi sa pagiging relihiyoso o aktibo sa ministry. Ano ba ang naiambag natin sa kaligtasang tinanggap natin? Wala, wala, wala! We rejected him, we mocked him, we spit on him, we nailed him to the cross. Yan ang kontribusyon natin lalo na ang kasalanang naging dahilan at siyang inako ni Jesus sa krus (Dan Phillips, The World-Tilting Gospel).

Aminin mong wala kang maiaambag. Aminin mong di mo kayang pagtrabahuhan ang approval ng Diyos. Aminin mong you rejected him as king of your life. Humingi ka ng tawad sa kanya. Aminin mong si Jesus lang ang kailangan mo para tanggapin ng Diyos. And then, like David, receive God’s anointing.

Because you are in Jesus the Chosen One, you are also chosen, elect, predestined. Pinusuan ka na ng Diyos bago pa likhain ang mundo. Hindi dahil sa anumang katangiang taglay mo, hindi dahil sa pangako mong pagbubutihin mo ang pagsunod sa kanya. You were chosen out of his own love for you not your love of him. Kaya kung mapapansin ninyo, kaming mga worship leaders n’yo we anoint each other with oil before worship service. To remind us na we are set apart by God for a special purpose – to worship him and to lead this church in worship.

Dahil pinili ka, minahal ka noon pa mang kinamumuhian mo siya at itinuturing na kaaway. Puro kasalanan ang nasa puso mo, pero pinadala ng Diyos ang Espiritu, binago ang puso mo. Ang dating pusong matigas, naging malambot, dating naghahari-harian ngayon nagpapasakop na sa Diyos. The day David was anointed, his life was never the same again. The day we met the risen Christ, our life was never the same again. We are changed forever.

Tinanggap ni David ang Espiritu mula nang araw na iyon. Hindi ito katulad ng pagbibigay ng Diyos ng Espiritu sa mga believers sa New Testament. This was more a power for serving God’s people as king. Si Saul pinadalhan ng Espiritu ng Diyos, pero iniwan siya nito nang si David na ang ideklarang hari (16:14). Pero kay David, “from that day forward,” ibig sabihin, hindi na umalis ang Espiritu sa kanya. He was chosen, approved by God, sealed by the Spirit of God and was never rejected by God. Parang tayong mga nakay Cristo, we are sealed by the Holy Spirit, indwelt by the Spirit. Nakatira na sa atin ang Espiritu ng Diyos, hindi na iyan lalayas. We will never be rejected by God. We are his home forever. Sigurado tayo diyan kasi kung irereject tayo ng Diyos, he has to reject what Christ has done for us. “There is therefore now no condemnation for those who are in Christ Jesus” (Rom. 8:1). Nothing, no one can separate us from the love of God in Christ Jesus (v. 39). Forever approved. No longer rejected.

Anuman ang sabihin sa atin ng mga tao, it will no longer matter. Di man natin matanggap ang papuri at palakpak ng tao, ang mahalaga pinapalakpakan tayo ng Diyos kahit sa kabila ng mga kapalpakan natin. Hindi pinapalakpakan ang kapalpakan natin. Approved tayo sa Diyos dahil beloved child ang turing niya sa atin. Parang nakita mo ang anak mo sa stage, kakanta o tutugtog ng piano. Kahit magkamali, ayos lang, nakangiti ka pa rin, papalpak ka pa rin. Because that is your child! Noong college ako, may pagkakataon akong magsalita sa harap ng mga classmates ko para masabi ang faith at conviction ko. Pero di ako nagsalita, for fear na di maapproved ng mga tao. Nadismaya sa kin ang isang kapatid sa Panginoon. Buti na lang I was not rejected by God. Katunayan nga, 6 years pagkatapos ng college (8 years ago), February 1, 2009, lumuhod ako sa harapan ng iglesyang ito at binasbasan sa harapan n’yo para maglingkod as your leading pastor. It is not about my commitment to God, but God’s calling. He has set me apart to serve him, anointed by the Spirit to speak his Word and to shepherd this church.

Totoo sa akin, totoo din iyan sa bawat isa sa inyo na nakay Cristo at ngayo’y pinananahanan ng Banal na Espiritu. We now have the Holy Spirit, di na natin pwedeng sabihing, bata pa ako, hindi ko kaya, nahihiya ako, natatakot ako. We now have power to serve God, to serve his church, to serve other people. Hindi para patunayan ang sarili natin, hindi para tanggapin ng iba o tanggapin ng Diyos. But because we are already loved, accepted and approved in Jesus.

You are now a man or a woman after God’s own heart because of Jesus. Nakatingin ang Diyos sa puso mo, ang nakikita niya ay ang puso ng kanyang anak na si Jesus. Yan din ang tingnan mo. Meron ka nang pusong binago at patuloy na binabago ng Espiritu hanggang maging tulad ni Cristo. Yan ang pusong tinanggap ng Diyos, pusong nagtitiwala kay Cristo, pusong pinusuan na ng Diyos.

2 Comments

  1. Salamat po marami sa mga sermons mga mensahe form GOD
    GOD BLESS PO

    Marami po ako natutuhan sa mga expound sa texto ng inyong page marami po salamat

    Liked by 1 person

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.