Pinag-aaralan natin every Sunday ang Psalms at binabasa din araw-araw para matutunan natin ang iba’t ibang expressions kung paano aawit ang puso natin sa pagsamba sa Diyos. But how can you worship and sing if your soul feels guilty and dirty because of the sins you have just committed? Or kahit yung matagal nang kasalanan pero pag naaalala mo you still feel guilty and dirty? Tulad ng adultery, kasali din diyan ang premarital sex, extramarital sex at homosexual relations; pati na rin ang mga lustful thoughts (gaya ng sabi ng Panginoong Jesus) tulad ng porn addiction and sexual fantasies. O paano kung murder tulad ng abortion o pagkasangkot dito; kasali din diyan ang galit na nasa puso (tulad ng sabi ng Panginoong Jesus). Walang makasalanan – guilty and filthy sinners – ang makalalapit sa Diyos na banal.
Pwede mo bang sabihin sa kanya paglapit mo…
- License: “Ok lang yan. Mabait ka naman, Lord.” God of love siya. God of justice din. Seryoso sa kanya ang kasalanan. Di basta-basta isasantabi.
- Promise: “Promise, next time, di ko na po uulitin.” As if naman kaya mong tuparin ang promise mo. Ilang beses mo na ‘yang sinabi.
- Penance: “Babawi ako sa inyo. Gagawin ko po lahat ng gusto n’yo. Magseserve akong mabuti para sa iyo.” As if namang mas magagawa tayo para makabawi o makabayad.
We approach God in worship not by turning his grace into a license to sin, not by making a promise, not by acts of penance, but by repentance. Lalapit ka, aaminin mong makasalanan ka, hihingi ka ng tawad at hihilinging linisin at baguhin ka. This is David’s prayer of repentance sa Psalm 51: “Blot out my transgressions…cleanse me from my sin…wash me…blot out all my iniquities…Create in me a clean heart, O God…Deliver me from bloodguiltiness…” (51:1, 2, 7, 9, 10, 14). That’s David, author of almost half of the Psalms. Inaamin niyang makasalanan siya, sumasamba siya sa Diyos. Tinatanggap ng Diyos ang pagsamba niya.
Pinatatawad siya ng Diyos. Pero baka maliit lang naman kasi ang kasalanan niya? Tingnan n’yo yung heading ng Psalm 51: “To the choirmaster. A Psalm of David, when Nathan the prophet went to him, after he had gone in to Bathsheba.” Nasa 2 Samuel 11-12 ang kuwento nyan. Panahon ng digmaan noon, pero si David namamahinga. Nakita niya si Batsheba na naliligo. Sinilip niya. Pinagpantasyahan niya. Nagandahan siya. Pinatawag niya. Nakipag-sex siya. Hindi niya ito asawa. Si Uriah, isa sa mga sundalo niya ang asawa. Nangalunya siya. Sumuway sa ika-7 utos. Actually, panggagahasa na iyan dahil ginamit niya ang kapangyarihan niya bilang hari to take advantage of her. Nabuntis si Batsheba. May asawa siya, si Uriah. Gustong pagtakpan ni David ang kasalanan niya. Ipinatawag niya si Uriah, pinauwi sa kanila para mag-sex silang mag-asawa para kunwari si Uriah ang ama ng dala ni Batsheba. Pero di umuwi si Uriah dahil panahon ng digmaan noon. Mas pinili niyang tuparin ang tungkuling makidigma bilang sundalo kaysa magpakasarap sa piling ng asawa. Bilang solusyon, ibinilin niya sa mga sundalo niya na ilagay sa harapan ng laban si Uriah para mapatay agad. Ganun nga ang nangyari. At kinuha na ni David si Batsheba para maging asawa niya. Guilty na si David sa pagsuway sa ika-7 utos. Nadagdagan pa ng pagsuway sa ika-6 na utos. Nagkapatung-patong na ang kasalanan niya sa pagtatangkang solusyunan ang ginawa niya.
Kinumpronta siya ni Nathan the prophet para iparealize sa kanya ang bigat ng kasalanan. It is not just about adultery and murder. He deserves to die because he despised God himself and his word (2 Sam 12:5-9). Expected natin ang ganyang mga kasalanan sa mga unbelievers. Pero sa mga anak ng Diyos? Just imagine if your pastor committed those sins? Mas malala pa nga ang kasalanan ni David in light of what God has already done for him. Pinili siyang hari kapalit ni Saul, tinawag siyang “man after God’s own heart” (1 Sam. 13:14), nangako ang Diyos na ang paghahari niya ay walang katapusan, at ang pag-ibig ng Diyos ay di mawawalay sa kanya (2 Sam. 7), kaliwa’t kanan ang tagumpay na binigay sa kanya ng Diyos (2 Sam. 8, 10). Sabi ni DA Carson: “While sin should always horrify us, it should never surprise us—even when it’s Christian leaders falling into it.” Lahat tayo nagkakasala pa rin. Lahat tayo pwede pa ring makagawa ng mga grabeng kasalanan. Ang kaibahan natin sa mga di Cristiano, ang response natin katulad din ni David:
David said to Nathan, “I have sinned against the LORD.” And Nathan said to David, “The LORD also has put away your sin; you shall not die. Nevertheless, because by this deed you have utterly scorned the LORD, the child who is born to you shall die” (2 Samuel 12:13-14).
David deserves the death penalty for his outrageous sin against God. Pero mas outrageous naman ang biyaya ng Diyos. Pinatawad si David. Hindi siya namatay! He had “utterly scorned the Lord” tapos ang anak pa niya ang namatay instead of him! Oh, para di naman tamang hustisya yan! Walang judge na matino na gagawa niyan at magpapatawad ng isang rapist at paparusahan ang kanyang anak instead of him! God can do that. Dahil yan ay anino ng araw na darating na isa sa anak ni David ang papatayin at aako sa kanyang kasalanan at sa kasalanan ng milyung-milyong taong katulad natin. At ang kanyang kamatayan ay sapat para akuin ang ating mga kasalanan so that God will be both just and merciful sa ating mga nangalunya at pumatay tulad ni David. He is not just the Son of David. He is the Son of God. His name is Jesus! At siya ang dahilan kung bakit tayo nakalalapit sa Diyos na banal. Through him, lahat ng makasalanan – forgiven and cleansed sinners – ay makalalapit na sa banal na Diyos. Kahit gaano pa kalaki ang nagawa mong kasalanan.
That’s why David and us can pray Psalm 51 at makatitiyak tayo na papakinggan, tatanggapin, kalulugdan at sasagutin ng Diyos. Gamitin natin ang panalanging ito sa personal at maging sa sama-sama nating pagsamba sa Diyos
Prayer of Repentance (51:1-5)
1. Maawa ka’t patawarin ang kasalanan ko.
Sa paglapit natin sa Diyos sa pagsamba, hindi lang tayo nagpupuri sa kanyang kabanalan at kadakilaan, tulad ng nakita natin sa Psalm 96 two weeks ago. Lumalapit tayo na nakikita ang laki ng ating kasalanan sa Diyos. We sin and are still capable of horrific sins. Punung-puno ng references sa kasalanan ang awit ni David: “My transgressions” (v. 1), “my iniquity…my sin” (v. 2). “my transgressions…my sin” (v. 3). “Against you, you only, have I sinned and done what is evil in your sight” (v. 4). “…in iniquity and in sin…” (v. 5). “…my sins…my iniquities” (v. 9). “transgressors…sinners” (v. 13), “bloodguiltiness” (v. 14). Pero ang unang-una niyang binanggit ay ang laki ng awa ng Diyos. “Have mercy on me, O God, according to your steadfast love; according to your abundant mercy blot out my transgressions” (51:1). Mercy, steadfast love, abundant mercy. Kung makita natin ang dami at laki ng ating mga kasalanan, mag-aalangan tayong lumapit sa Diyos. Pero kung nakikita natin ang dami at laki ng kanyang awa sa atin, di tayo magdadalawang-isip na lumapit sa kanya. Sa dami ng ating mga kasalanan, nakatitiyak tayo na higit na marami ang awa ng Diyos sa atin.
2. Linisin mo ang karumihan ko.
Kung inaamin natin ang mga kasalanan natin (tulad ng sabi ni David sa v. 3), aminin din nating sapat ang pagpapatawad niya. At kung lagi nating naaalala ang mga kasalanan natin, at bumabalik yung feeling of guilt, remember that you are forgiven. Wala ka nang atraso sa Diyos. From being a guilt-ridden sinner, you are now a forgiven sinner. Pero siyempre nararamdaman pa rin nating marumi tayo. Sin defiles us. It makes us dirty sinners. Para tayong baby na narumihan at nabahuan ng sarili niyang dumi. We cry to God saying, “Wash me thoroughly from my iniquity, and cleanse me from my sin” (v. 2). Dahil sa ginawa ni Jesus, malinis na ang tingin sa iyo ng Diyos. Mabango na ang amoy sa iyo ng Diyos. We are thoroughly washed by the blood of Jesus. But we struggle to believe that. Kaya ang prayer natin ay ibaon ng Diyos sa puso natin ang katotohanang yan. That we are forgiven, our guilt is removed; we are cleansed, our filthiness is removed. At patuloy pa na nililinis hanggang tuluyan nang maglaho ang dumi ng kasalanan sa puso natin.
3. Nagkasala ako laban sa iyo.
Nagkasala si David kay Batsheba. Nagkasala si David sa asawa niya. Nagkasala siya kay Uriah. Nagkasala siya sa Israel. Pero ang unang-unang paglapastangan niya ay sa Diyos at sa kanyang salita. “Against you, you only have I sinned and done what is evil in your sight” (v. 4). Nagtaksil siya sa Diyos. Sumuway siya. Nagrebelde siya. Inamin niya yun. Aminin din natin yun. Na di lang tayo sa asawa natin, sa anak natin, sa magulang natin, sa church natin nagkasala, kundi unang-una laban sa Diyos. Your repentance is not true repentance until you recognize that. “Kaya may katuwiran ka na ako’y hatulan, marapat na ako’y iyong parusahan” (v. 4 MBB). Kung di patawarin ng Diyos ang nagkasala sa kanya, di natin siya pwedeng sabihang unjust. Wala siyang obligasyong patawarin tayo. We deserve his punishment. Pero kung tayo na nakay Cristo ay hindi niya patatawarin, he is being unjust. He cannot require payment for sin twice. Binayaran na ni Jesus, di na niya tayo sisingilin, di na natin kailangang magbayad. Hallelujah. He is faithful and just to forgive our sins (1 John 1:9).
4. Mula sa aking pagsilang hanggang sa aking kamatayan, biyaya mo ang kailangan ko.
Di lang naman minsanan ang problema natin. Mula pa pagkabata problema na natin ang kasalanan. “Ako’y masama na buhat nang isilang, makasalanan na nang ako’y iluwal” (v. 5 MBB). Lahat tayo ipinanganak na makasalanan. Walang nagturo sa ating gumawa ng kasalanan. It’s part of our nature. Kahit kayong mga bata. Pag sinasabi ng anak namin sa kapatid niya, “You’re bad, kuya,” sinasaway namin. Pero sa isang banda, dapat sabihin, “Totoo, lahat tayo bad, bad ka, si kuya bad, si Daddy bad, si Mommy bad, si God lang yung good. Kaya kailangan nating lahat si Jesus.” Bata, matanda, bagong Christian, matagal nang Christian, we need Jesus everyday. Sanay kasi tayo na magaganda ngayon ang nagiging comments sa atin sa Facebook. Baka nakakalimutan mo ang comment sa iyo ng salita ng Diyos: you are a sinner, a great and desperate sinner. Come to Jesus everyday. The Christian life is a life of daily repentance, sabi nga ni Martin Luther. Hanggang sa kamatayan, dala pa rin natin ang puso nating makasalanan, pero hanggang sa dulo din, di tayo iiwan ng biyaya ng Diyos. Wag mong paniwalaan ang mga taong nagsasabing di mo na kailangang humingi ng tawad kasi pinatawad ka na ng Diyos. Oo pinatawad na tayo, but to receive that assurance of forgiveness, we confess our sins everyday. Turo nga ni Jesus, ganito dapat prayer natin, “Our Father in heaven…give us this day our daily bread and forgive us our sins…” Si Jesus ang sundin mo, hindi ang mga bulaang tagapagturo.
God’s kindness leads us to repentance. And repentance is not just saying you’re sorry. Kung mula sa puso ang pagsisisi natin, it is changing us from the inside out. Humihingi ka ng tawad sa Diyos pero wala ka namang desire na magkaroon ng pagbabago sa buhay mo? Di mo pwedeng paghiwalayin yan! Kaya naman sa awit na ‘to, it’s not just a prayer of repentance, meron ding prayer for renewal.
Prayer for Renewal (51:6-13)
5. Baguhin mo ang puso ko, di ko kayang baguhin ang sarili ko.
Kaya emphasis sa verse 6: “truth in the inward being…wisdom in the secret heart.” Kung behavior kaya mo pang baguhin. Ang bisyo pwede mong tanggalin. Ang puso mo di mo kayang baguhin. Kaya ang prayer natin, “Purge me with hyssop, and I shall be clean” (v. 7). Hyssop ay sanga ng isang halaman na inilulubog sa dugo o sa tubig at ipinapahid sa pintuan ng bahay (Ex. 12:22; Lev. 14:4-6, 49-51). Ceremonial washing ito. Pero ang tinutukoy dito ni David ay yung totoong washing, internal washing. “Wash me, and I shall be whiter than snow.” Todo bleach talaga, parang Xonrox. Sasagutin ng Diyos ‘yan kasi ‘yan din naman ang pangako niya sa New Covenant, “I will sprinkle clean water on you, and you shall be clean from all your uncleannesses, and from all your idols I will cleanse you” (Ezekiel 36:25). By the blood of Jesus, we are cleansed, truly cleansed. Nilinis at binago ang puso natin kaya meron tayong confidence na sabihin sa prayer: “Create in me a clean heart, O God, and renew a right spirit within me” (51:10). Tinupad din ‘yan ng Diyos sa New Covenant (Ezek. 11:19; 36:26). Binago ka na. At patuloy pang binabago ayon sa wangis ni Cristo. So pray, “Baguhin mo ako, Panginoon.” Kung nagsisisi ka tapos di ka naman naghahangad na magbago, di ka tunay na nagsisisi.
6. Palitan mo ang kapighatian kong dulot ng kasalanan ng kagalakang dulot ng iyong kapatawaran.
Apektado ng kasalanan ang lahat-lahat sa ating pagkatao – isip, damdamin, at katawan. Our body cannot deny our guilt. Nakokonsensya tayo, nalulungkot, nasasaktan dahil sa kasalanan; we feel something is wrong. Kaya ang prayer natin, “Let me hear joy and gladness; let the bones that you have broken rejoice” (v. 8). Pray for joy: “Restore to me the joy of your salvation” (v. 12). Di mo mararanasan ang tunay na kagalakan sa kasalanan. Kung lumalayo ka sa pagsunod sa Diyos, lumalayo ka rin sa tunay na kagalakan. But when you remember the gospel, your salvation, the mercies of God, the depth of his forgiveness – joy overflows. Renewal means new heart and restored joy.
7. Hayaan mong ang kagalakang ito ay umapaw at magdulot ng higit pang pagsunod sa iyo.
Kapag nararanasan mo ang kagalakang ito, mas ninanais mong di na malayo pa sa Diyos. “Cast me now away from your presence, and take not your Holy Spirit from me” (v. 11). Renewed relationship with God yan. Sabik ka sa presensya niya. Ayaw mo nang malayo sa kanya. Ayaw mo nang sumuway sa kalooban niya. “Uphold me a willing spirit” (v. 12). Renewal means new heart, greater joy, and growing obedience. Ang repentance at renewal, pusong nagsisisi at pusong nababago, parehong regalo ‘yan ng Diyos. Ask for that, it will be given to you.
Broken and Contrite Heart
Panahon ng mga puso ngayon. Sa mga commercials ng Jollibee, merong masakit sa puso, merong kinikilig na puso, merong sugatang puso. Masyadong preoccupied ang mga tao sa kalagayan ng puso nila na may kinalaman sa relasyon sa mga minamahal. Pero wag mong kalimutang ang pinakamahalaga ngayon ay ang kalagayan ng puso mo sa Diyos. Ito ang handog natin para sa kanya. Hindi naman sakripisyo mo ang hangad niya, hindi naman dami ng perang ihahandog mo, di naman ang paglilingkod mo. It is something internal, not external. “You will not delight in sacrifice…” (v. 16). “The sacrifices of God are a broken spirit; a broken and contrite heart, O God, you will not despise” (v. 17). Kasalanan mo ang makahahadlang sa iyo para lumapit sa Diyos. Pero kung inaamin mo na kailangan mo ang awa niya, yan ang buong galak niyang tatanggapin. At kung ganito ang kalagayan ng puso natin…
1. Natutuwa ang Diyos.
Ang ganitong puso, he “will not despise” (v. 17), but pleased (v. 17) and delighted (v. 16). Hindi dahil natutuwa siyang basag ang puso mo, kundi natutuwa siya dahil inaamin mo ang tunay na kalagayan ng puso mo, inaamin mo na siya lang ang kailangan mo, kahit wala kang ka-date ngayong Valentines.
2. Aawit tayo ng papuri sa kanya.
Kapag naranasan natin ang pagliligtas niya, kahit gaano kalaking krimen (tulad ng “bloodguiltiness” o salang pagpatay na guilty si David) ang nagawa natin pinatawad ng Diyos, talagang aawit ka sa Diyos. “My tongue will sing aloud of your righteousness…my mouth will declare your praise” (vv. 14-15). If you are not singing, maybe di mo pa narealize kung gaano kalalim ang pagmamahal niya sa ‘yo. The greater you see your need of Jesus and the greater you see God’s provision of salvation for you, the louder your heart will sing!
3. Aabutin natin ang mga makasalanan ding tulad natin.
May makasalanan sa labas ng church, aabutin natin ang mga ‘yan. Kasi inabot din tayo at kinaawaan ng Diyos. We share the gospel of mercy to them. May mga makasalanan din sa loob ng church, hindi lang iilan, actually lahat tayo! We disciple other members. We discipline those who are sinning. Kinaawaan tayo ng Diyos. Kaaawan din natin sila. “Then I will teach transgressors your ways, and sinners will return to you” (v. 13).
4. Titibay ang iglesiya natin.
Hindi dahil puno na tayo ng mga taong matutuwid at mga masunurin sa Diyos. Kundi mas aware na tayo na lahat tayo ay makasalanan, kailangan natin ang Diyos, kailangan natin ang isa’t isa, nagtutulungan tayo, nagdadamayan, nag-iintindihan, nagmamahalan. “Do good to Zion in your good pleasure; build up the walls of Jerusalem; then will you delight in right sacrifices, in burnt offerings and whole burnt offerings; then bulls will be offered on your altar” (vv. 18-19). This is a picture of the people of God worshipping together out of the mercies we already received in Jesus. We are singing the praises of him who called us out of darkness into his marvelous light (1 Pet. 2:8-9). Siya ang sakripisyong inihandog na para sa ating mga kasalanan. In light of that, we offer our lives as pleasing sacrifices (Rom. 12:1-2). Tumatatag ang ating iglesiya kung sama-sama tayong lumalalim sa pagkilala sa awa at habag ng Diyos sa ating mga teribleng makasalanan. That’s growing deeper into the gospel, the gospel that leads us to repentance.