Part 1 – Intimacy and Glory

mayforeversermonseries-cover-artUna akong nagkaroon ng crush noong Grade 5. Hanggang tingin lang. Nung first year high school nagkaroon din ako ng crush. Hindi lang tingin, nabigyan ko na ng love letter. Pero di ko makausap sa sobrang torpe ko. Kahit magkatabi kami sa bus during field trip, di ko kinibo (di rin ako kinibo!). Then, 3rd year high school, may iba naman, niligawan ko na. Sinagot naman ako. Kaso di siya Christian. Then after three months, nakipag-break. Siyempre broken hearted ako. Nung college ako, nagkaroon ako ng girlfriend. Christian siya. Three years kami bago nagbreak.

Then nung nagwowork na ko, naging kami ni Jodi for more than three years. Muntik na siyang makipagbreak sa kin nung magreresign na ko sa work at mag-aaral sa seminary. Muntik lang. Nung kasal namin noong 2008, we pledged before God to be faithful to each other, til death do us part. Kinantahan ko siya (seriously) ng “I wanna grow old with you.” Hanggang ngayon, after 8 years kami pa rin, sa kabila ng mga pagsubok, sa kabila ng mga nakita naming kasalanan, kapalpakan, at pagkukulang ng isa’t isa. And we hope that God will sustain us hanggang sa huli naming hininga.

Starting today, hanggang December siguro, ang bagong sermon series natin ay #MayForever. Lahat tayo, lahat ng tao, kahit anong lahi o kultura, we all long for intimate, loving relationships lalo na ang pag-aasawa. Yan ang most intimate of all human relationships. Walang ibang relasyon sa pagitan ng dalawang tao ang may higit na potential for highest joy (and at the same time greatest pain!) kaysa sa relasyong mag-asawa. But we long not just to have that relationship for 3 months or 3 years or 30 years. We want something that will last, hindi matatapos, hindi magwawakas, hindi masisira. “What a person desires is unfailing love” (Pro 19:22 NIV). Sa ESV, “What is desired in a man is steadfast love.” By biblical definition, ang true love “never fails” – “ang pag-ibig ay walang hangganan” (1 Cor. 13:8). We all long for that kind of love. “Love [that] will last forever” (NLT).

Pero karamihan sa atin, nandoon yung disappointments, frustrations, pains, wounds, dahil based on experience parang mahirap, parang imposible na maranasan ang ganyang forever love. Pero ang prayer ko, every Sunday marinig n’yo yung good news na galing sa Salita ng Diyos na posible at promise niya na bawat isa sa atin na nakay Cristo mararanasan natin yang forever love na iyan na pinakahahanap-hanap natin. Almost every Sunday titingnan natin ang ilang key points sa Ephesians 5:22-33 na karaniwang text na ginagamit sa mga kasalan dahil ito’y sulat ni Pablo para sa mag-asawa. But as we will soon find out, this passage speaks much more than about marriage.

So this text, this sermon series #MayForever ay mensahe ng Diyos para sa mga singles o married, para sa mga in relationships or it’s complicated ang status. Estudyante ka man, nanliligaw na, may gustong ligawan, torpeng manligaw, o may manliligaw, o may BF/GF, o malapit nang ikasal, o may asawa na, o may mga anak na, o 40 years nang kasal, o hiwalay sa asawa, o biyudo/biyuda, o sugatan ang puso sa relasyon, o nagdududa na kung makakapag-asawa pa, ito ay para sa iyo.

Mega-Mystery (Eph. 5:31-32)

Ngayon, gusto ko lang sagutin natin ang dalawang tanong: Una, saan galing ang marriage o who is author of marriage? Pangalawa, para saan ang marriage o what is the purpose of marriage? Two questions, one answer. Alam n’yo na yan! God! Galing sa Diyos, para sa Diyos. Sabi ni John Piper, “Marriage is God’s doing, and for God’s display.” From God, and for God’s glory. Knowing the right answer to those questions is one thing, believing it and applying it is another. So, paglaanan natin ng oras na pag-usapan, unawain, at ipagpray na we will all take this to heart and let it transform our marriage or pursuit of marriage.

Sabi ni Pablo, heto ang foundational truth na dapat na malaman ng mag-asawa o mag-aasawa about marriage: “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa.’ Kamangha-mangha itong malalim na katotohanan na ipinahayag ng Dios. Isinasalarawan nito ang ugnayan ni Cristo at ng iglesya niya” (Ef. 5:31-32 ASD). Sa ESV, “‘Therefore a man shall leave his father and mother and hold fast to his wife, and the two shall become one flesh.’ This mystery is profound, and I am saying that it refers to Christ and the church.”

Yung verse 31, ginamit din ng Panginoong Jesus sa Matt. 19:5 at Mark 10:7-8 nang tanungin siya tungkol sa divorce. Galing naman ito sa Genesis 2:24 na siyang interpretation ni Moses, yung author ng Genesis, tungkol sa first marriage between Adam and Eve na siyang pattern ng lahat ng relasyon ng mag-asawa. Dito sa sulat ni Paul, binibigyang diin niya na ang pagdating ni Jesus at ang ginawa niya para sa atin (the gospel!) gives the fullness of the meaning and significance of marriage. At hindi ito alam ng karamihan!

Ang pag-aasawa ay hindi lang tungkol sa relasyon ng isang lalaki at isang babae na nagsumpaang magsasama sa hirap at ginhawa, hanggang sa kamatayan. Totoong nandun yung horizontal intimacy na purpose ng mag-asawa – para maging masaya sila, para maging physically intimate sila, para maging partner sila sa pagtataguyod ng pamilya. Pero karamihan ng mga tao sa mundo, ang approach sa marriage hanggang horizontal level lang. Nakatingin sila sa isa’t isa for love and fulfillment. In the end di rin nila nararanasan ang kasiyahan, ang totoong intimacy, ang tibay ng relasyon sa pamilya.

Bakit? Dahil ang pag-aasawa ay hindi lang tungkol sa inyong dalawang mag-asawa. It’s primarily about God. Kaya nga ang tawag dito ni Pablo sa v. 32, “this mystery is profound” – kamangha-mangha itong malalim na katotohanan na ipinahayag ng Diyos. This is a “mega-mystery”, napakalaking hiwaga. Di alam ng karamihan, di pa rin alam sa panahon ng Old Testament. Pero sa pagdating ni Cristo, sa pamamagitan ng Holy Spirit na nasa atin, speaking the words of God to us, nalaman natin. Marriage is a shadow of a greater reality, ang relasyon ni Cristo sa Iglesiya. Kaya mula sa v. 22, kapag kinakausap ni Paul ang lalaki at babae na mag-asawa lagi niyang ikinukumpara sa relasyon ni Cristo sa Iglesiya, “tulad ni Cristo…gaya ni Cristo.” Ang pag-aasawa ay larawan ng relasyon ng Diyos sa atin.

Kung may asawa ka na nasa ibang bansa, tapos meron ka ring picture niya sa wallet mo. Ano ang mas totoo – yung asawa mo o yung picture ng asawa mo? Sasabihin mo ba sa kanya, “OK lang na wala ka dito, hindi kita kasama, nandito naman ang picture mo”? Do you want marriage more than you want Christ? Mas mahal mo ba ang asawa mo kaysa kay Cristo? Ang relasyon mo ba sa asawa mo ay nagpapakita ng klase ng relasyon na meron ka kay Cristo?  Kung hindi nag-workout ang relationship mo gaya ng inaasahan mo, feeling mo ba wala nang saysay ang mabuhay?

Isa sa main reason bakit sobrang nag-iistruggle tayo sa relationships ay dahil inaakala natin ito ay “love story” about us. Nakakalimutan nating ito ay “Love Story” ng Diyos sa atin. Karamihan ng marriages ay me-centered o kaya ay spouse-centered, sa halip na God-centered. So, dapat tingnan natin ang Bibliya na “Story of God” – tungkol sa Diyos, not about us. It is not a marriage manual, it is God’s Book. Ang Kuwentong ito ay may apat na pangunahing eksena: 1) Creation (Paglikha); 2) Rebellion (Pagkakasala); 3) Rescue (Pagliligtas); at 4) New Creation (Pagpapanumbalik). Titingnan natin yung una at huli ngayon. Next week yung pagkakasala at pagliligtas.

The Beginning of Marriage (Gen. 1-2)

Mababasa natin sa Genesis 1-2 ang simula ng pag-aasawa. Sa chapter 2 nakadetalye ang paglikha ng Diyos kay Adan at kay Eba. Narito ang unang kasalan. Una niyang nilikha ang lalaki mula sa lupa (v. 7). Pinatira siya sa hardin at inatasang pangalagaan iyon. Tapos sabi ng Diyos, v. 18, “Hindi mabuting mabuhay ang tao nang nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at nararapat sa kanya.” Walang anumang hayop o nilalang sa mundo ang sapat na makakasama ni Adan. Kaya, pinatulog siya ng Diyos (v. 21), kinuha ang isa niyang tadyang, pinaghilom ang pinagkuhanan, at ang tadyang ay ginawang babae, si Eba.

Ano ang itinuturo nito tungkol sa pag-aasawa? Una, ang pag-aasawa ay gawa ng Diyos. Idea niya ‘to. He is author of marriage. Hindi si Adan ang nagsuggest kay Lord na “Lord, bigyan mo naman ako ng asawa.” Ang Diyos ang nakaisip, ang Diyos ang nagplano, ang Diyos ang nagbigay. Hindi ikaw ang dapat na nagdedesisyon, dapat ang Diyos. Hindi ang tibok ng puso mo ang pangunahin sa pag-aasawa, kundi ang tibok ng puso ng Diyos. Hindi ang idea mo ng marriage ang masusunod, kundi ang idea ng Diyos.

Dahil ang Diyos ang maygawa, ikalawa, ang pag-aasawa ay mabuti, napakabuti. Ang Diyos ang nagsabi na hindi mabuti sa lalaki ang nag-iisa. Hindi rin mabuti na mga hayop lang ang kasama niya. Dapat tulad din niya, pero iba din sa kanya, hindi kapwa lalaki, kundi isang babae. Kaya nga nang ihatid ng Diyos si Eba, to walk the aisle, after the giving of the bride, napakanta na lang si Adan sa tuwa. Hindi “Grow Old with You,” kundi ito: “Narito na ang isang tulad ko! Buto na kinuha sa aking mga buto, at laman na kinuha sa aking laman. Tatawagin siyang ‘babae,’ dahil kinuha siya mula sa lalaki” (v. 23). Ang marriage ay regalo ng Diyos sa atin. Dapat ipagdiwang, dapat ipagpasalamat. Kaso nga lang, sa iba di nagiging mabuti. Because of our self-centered hearts, dahil sa kasalanan ng tao. Pero kung ang Diyos ang nasa sentro, siya ang nasusunod, tiyak na mabuti, napakabuti.

Ang mag-asawa ay pinagbuklod ng Diyos sa isang relasyong walang dapat maghiwalay maliban sa kamatayan. Kaya sabi ng Panginoong Jesus, “Ang pinagsama ng Diyos ay di dapat paghiwalayin ng tao.” Ang unang hihiwalayan sa araw ng kasal ay ang mga magulang, verse 24, “Iyan ang dahilan na iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina.” Ng babae din siyempre. Di pwedeng magulang natin o mga biyenan ang mamagitan sa relasyon nating mag-asawa. Gagawin natin ang lahat ng magagawa para mapalapit tayo sa isa’t isa, “makikipag-isa sa kanyang asawa,” o “hold fast” (ESV), o “cleave” (KJV). Na para bang pinagdikit ng glue na wala nang makapaghihiwalay. Until we experience God’s design for our marriage, true intimacy, “silang dalawa ay magiging isa.” Yan ang gusto ng Diyos dahil…

Ang pangunahing misyon ng mag-asawa ay bigyang-karangalan ang Diyos. Nais niya sa buhay ng mag-asawa na maging salamin ito ng klase ng relasyon na gusto niyang meron siya sa atin. Alam n’yo kung bakit sinabi ng Diyos na di mabuti sa lalaki na mag-isa, kahit na sapat naman ang Diyos para sa kanya? Nasa chapter 1 yung summary ng creation sa unang lalaki at babae, “Kaya nilikha ng Dios ang tao, lalaki at babae ayon sa wangis niya (in the image of God). Binasbasan niya sila at sinabi, ‘Magpakarami kayo para mangalat ang mga lahi ninyo at mamahala sa buong mundo. At pamahalaan ninyo ang lahat ng hayop'” (1:26-27). Di mabuti sa lalaki na mag-isa kasi di niya fully marereflect ang image ni God. At part ng “image” na iyon ay ang relationship o intimacy na meron ang Diyos within the Trinity – Father, Son and Holy Spirit.

But not just intimacy. Ang purpose din niya ay kumalat ang pagkakilala sa kanya sa buong mundo. Di kaya ng lalaki na mag-isa iyon, to be fruitful and multiply, at pamahalaan ang lahat ng nilikha ng Diyos. Ang misyon nating lahat – lalo na ng pag-aasawa – ay ipakilala ang Diyos sa buong mundo. Gawa ng Diyos, para sa Diyos. He is the author of marriage and marriage is for his glory. “So whether you eat or drink or whatever you do (single life, nanliligaw, may karelasyon, sa relasyong mag-asawa, sa pag-aaway, sa pagtatalik, sa pagpapalaki ng anak, and in dealing with heartaches), do it all for the glory of God” (1 Cor 10:31).

Malinaw yan, pero anong problema? We sinned and fall short of the glory of God (Rom. 3:23). Sa halip na para sa kanya ang relasyon natin, ginawa nating para sa sarili natin unang-una. Next week pag-usapan natin kung anu-anong sari-saring problema ang naging dulot niyan. At kung paanong dumating ang Panginoong Jesus at binigyang lunas ang pinakamalaking problema natin. Hindi ang problema ng mag-asawa, hindi ang problema sa mga relasyon, kundi ang problema natin sa Diyos unang-una. “Siya na walang kasalanan ay pinatay alang-alang sa atin na mga makasalanan, para madala niya tayo sa Dios” (1 Pet. 3:18). Namatay si Jesus para ilapit tayo sa Diyos, unang-una. Ang buhay natin ay para sa Diyos. Ang buhay mag-asawa din ay para sa Diyos. God is the point of marriage.

The End of Marriage (Rev. 21-22)

Bawat relasyon ng mag-asawa ay merong simula. Meron ding katapusan. Walang forever sa relasyon ng mag-asawa. Wala. May nagtanong kay Jesus tungkol sa pagdating ng muling pagkabuhay kung kaninong asawa ang babaeng napangasawa ang iba’t ibang magkakapatid na lalaki matapos na isa-isang mamatay. Sabi ni Jesus, wrong question, “Sapagkat sa muling pagkabuhay hindi na sila mag-aasawa” (Matthew 22:30 ESV). Gaano man kaganda ang relasyon n’yong mag-asawa, one day it will be over. Sa pagharap n’yo sa judgment seat ng Panginoong Jesus, di na kayo mag-asawa. Walang forever.

Sabi ni Francis Chan, marriage is great but not that great. Mainam ang pag-aasawa. Pero hindi ito ultimate, hindi eternal. Pero it’s a pointer to something na eternal. Nagbukas ang kuwento ng Bibliya sa isang kasalan. Magtatapos din ito sa isang kasalan. “Magalak tayo at magsaya, at purihin natin siya. Sapagkat dumating na ang oras ng kasal ng Tupa, at nakahanda na ang kanyang nobya” (Rev. 19:7). “At nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit galing sa Dios. Ang lungsod na iyon ay tulad ng isang babaeng ikakasal. Handang-handa na, at gayak na gayak sa pagsalubong sa lalaking mapapangasawa niya” (21:6).

Pagkatapos ng kasalang iyon ay ang mas malalim pa na intimacy and joy na mararanasan natin. Walang hiwalayan. Walang misunderstanding. Walang iyakan. Walang hanggan. May forever. Pero hindi relasyon ng mag-asawa yun. Ang relasyon natin kay Cristo ang forever. Walang anumang relasyon ng mag-asawa ang mananatili. Pero ang relasyon natin kay Cristo ay mananatili magpakailanman. Oo nga’t dapat nating pahalagahan ang 30 or 50 or 60 years of our marriage here on earth. Pero don’t lose that eternal perspective. Mas mahalaga pa rin ang 50 million years that we will spend with Jesus.

Implications

To all married, pahalagahan natin ang relasyon natin sa asawa natin. Pero tandaan nating mas mahalaga ang relasyon natin sa Diyos. Prioritize that. Love God more than you love your spouse. The best way you can love each other is by loving Jesus more. Hangga’t nalalapit kayo sa Diyos – when you worship God together, serve together, follow Jesus together – may nalalapit at nagiging mas intimate kayo sa isa’t isa. Worship God, don’t worship marriage. One day you will stand before King Jesus, kung meron kang relasyon kay Jesus, you will spend eternity with him. Kung wala, o asawa mo ang wala, you will spend eternity in hell. May forever sa impiyerno. Pinaghahandaan n’yo ba ang araw na iyon? O mas mahalaga sa inyo ang mga araw ngayon as if that day is not coming?

Sa mga singles, hindi ko ma-imagine kung paanong ang ilan sa inyo ay pipiliin ang isang taong walang relasyon sa Panginoong Jesus para makarelasyon at mapangasawa. Minsan may pinayuhan akong ganyang ang kaso, sabi ko, “Alam mo, you love her more than you love God. Mas pinahahalagahan mo ang relasyon mo sa kanya kaysa relasyon mo sa Diyos at ang relasyon na dapat meron din siya sa Diyos.”

At kahit naman Christian din ang gusto mo o karelasyon mo, at ang relasyon n’yo naman ay di nakapaglalapit sa inyo sa Diyos, o di nakapagbibigay karangalan sa Diyos, ganun din. Your relationship is meant for God’s glory. Hindi mo siya nabibigyang-karangalan if you are engaged na sa premarital sex. Because it’s not love, it’s lust, it’s self-centered, not God-glorifying, not joy-giving.

O kung single ka, tapos pabiro mo pang sinasabi na wag munang bumalik si Jesus kasi di ka pa nakakapag-asawa, repent. You long for your wedding day more than you long for the day of Jesus’ coming for you.

O kung complicated naman ang status mo, hiwalay sa asawa o wala nang asawa o may asawa nga pero parang wala rin o ilang beses nang nasaktan ang puso mo, bitter ka na kasi kala mo wala nang forever para sa iyo. Hope in God. The best is yet to come. I’m not promising na maaayos ang marriage mo, o matatagpuan mo si Mr. Right. Pero ang tiyak ko, ang Diyos ay para sa iyo, siya ang pinakahihintay mo. Ang pag-ibig niya ang pag-ibig na “never fails, never gives up, never runs out on me.”

Jesus: Alpha and Omega

Oo, lahat tayo, without exception naghahanap ng forever, iyon bang ang pangalan natin ay nakaukit na sa puso ng isang tao at di na mabubura, tulad ng sabi ng babae sa Awit ni Solomon, “Iukit mo ang pangalan ko sa puso mo para patunayan na ako lamang ang mahal mo. At ako lamang ang yayakapin ng mga bisig mo” (Song 8:6 ASD). Gusto natin iyan. Di masama iyan. Ang Diyos ang naglagay sa puso natin niyan.

Pero in our experience, simula pa sa mga magulang natin, we already failed to receive that kind of love. Even from their best efforts, kulang pa rin. Hinanap sa iba, di pa rin natagpuan, kahit sa asawa na. Kahit sa mga maling relasyon hinanap din natin yan, lalo lang tayong nasaktan. By definition, true “love never fails” (1 Cor. 13:8 NIV). Ang Diyos lang, wala nang iba, ang makapagsasabi nito sa atin, “I have loved you, my people, with an everlasting love. With unfailing love I have drawn you to myself” (Jer. 31:3 NLT). “I’ve never quit loving you and never will. Expect love, love, and more love” (MSG)!

Yan din ang sabi ng Panginoong Jesus sa pagbabalik niya, “Naganap na ang lahat! Ako ang Alpha at ang Omega, na ang ibig sabihin, ang simula at ang katapusan ng lahat” (Rev. 21:6). Siya ang simula ng marriage, siya din ang katapusan. Para sa kanya, dahil sa kanya lang natin mararanasan ang pag-ibig na nagsimula hindi sa atin kundi sa pagpili niya sa atin kahit na di tayo kaibig-ibig. Ito rin ang pag-ibig na walang katapusan. Forever.

Sa pag-iibigan n’yong mag-asawa, o sa kahit sino pang hanapin mo o hangarin mong mapangasawa, tandaan mong walang forever. Pero sa pag-ibig ng Diyos sa iyo, may forever. Wag kang sa asawa mo o karelasyon mo tumingin, at wag mo sa kanya hanapin ang love na “never fails, never gives up, never runs out on me.” Dahil mabibigo ka, dahil ang pag-ibig na iyan ay sa Diyos mo lang matatagpuan sa pamamagitan ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Sa kanya lang, wala nang iba.

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.