Part 2 – Healing for the Brokenhearted

o-healing-from-a-broken-heart-facebook

Last week, nakita natin ang magandang disenyo ng pag-aasawa. Na ito ay salamin ng relasyon ni Cristo at ng church (Eph. 5:32). Ibig sabihin, sa paghahanap natin ng ka-forever natin, nandun yung longing natin for good marriage relationship – single ka man o hindi. Yung desire natin para sa isang forever love – “Never Stopping, Never Giving up, Unbreaking, Always and Forever Love” (Sally Lloyd-Jones, The Jesus Storybook Bible) ay sa pag-ibig lang ng Diyos natin mararanasan sa pamamagitan ng Panginoong Jesus. Sa relasyon ng tao – kahit sa the best of marriage – walang forever. Pero kay Cristo, meron, may forever.

Para sa lahat sa atin, ang implication nito, dapat na ang pangunahing relasyon na pagyamanin natin ay ang relasyon natin sa Diyos. Kasunod lang niyan ang relasyon natin sa asawa, mga anak, o kahit kanino. Ang pag-ibig natin sa asawa ay dapat nanggagaling sa pag-ibig ng Diyos sa atin. “Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, tulad ng pagmamahal ni Cristo sa kanyang iglesya” (Ef. 5:25 ASD). “Tularan nʼyo ang Dios dahil kayong lahat ay minamahal niyang mga anak. Mamuhay kayo nang may pag-ibig sa kapwa tulad ng pag-ibig sa atin ni Cristo” (5:1-2). Kung tayo ay nakay Cristo, naranasan na natin yang pagmamahal ng Diyos at yan din ang pagmamahal na ibibigay natin sa mga taong nais ng Diyos na mahalin natin, lalo na ang asawa.

Pero bakit may problema pa rin sa mga relasyon natin? Bakit meron pa ring kahalayan at karumihan (4:19; 5:3)? Bakit meron pa ring kasinungalingan (v. 25), galit (v. 26), at pagsasalita ng masama (v. 29) sa halip na mga salitang makakabuti? Bakit meron pa ring samaan ng loob, galit, pag-aaway, pambubulyaw, at paninira sa kapwa (v. 31) sa halip na pagkakasundo at pagpapatawad? Bakit meron pa ring sakim (5:3) sa halip na maging mapagbigay? Bakit meron pa ring naglalasing (5:18), sa halip na kausapin ang asawa at mga anak?

Facing the Reality of Our Brokenness (Genesis 3)

May pinangalingan yan. Kailangan nating lingunin ang nakaraan natin para maharap natin ang mga nangyayaring problema sa mga relasyon natin. Nilikha ng Diyos sina Adan at Eba at “nang panahong iyon, kahit huboʼt hubad silang dalawa, hindi sila nahihiya” (Gen 2:25). Ang ganda ng relasyon, sobrang intimate, walang shame. Maganda rin ang relasyon nila sa Diyos. They were experiencing what most marriage counselors called “divine love triangle.” Mag-asawa, ang sentro ng relasyon ay ang Diyos. Perfect na sana. Pero di nagtagal yan.

Pumasok ang ahas sa eksena. May ibang third-party. Gustong sirain ang divine love triangle. Tinukso niya si Eba. Kumagat naman sa tukso, at kinagat ang pinagbabawal ng Diyos na kainin. Si Adan na katabi niya noon, binigyan niya, kinagat din. Pagkatapos nun, namulat ang mata nila. Nalaman nilang sila’y hubo’t hubad. Nagsimula ang kahihiyan, na noong una naman ay wala. Tinakpan nila ang sarili nila ng mga dahong pinagtagpi-tagpi nila. Nagtago sila sa likod ng puno nang marinig na dumarating ang Diyos. Tinanong sila ng Diyos kung bakit nagtatago, bakit nahihiya, kung kinain nila ang pinagbabawal niya. Sagot ni Adan, “Ito po kasing babae na bigay n’yo sa akin.” Sagot naman ni Eba, “Ito po kasing ahas.”

Diyan nagsimula ang sirang relasyon natin sa Diyos. Diyan din nagsimula ang sirang relasyon natin sa kapwa natin, na siyang nararanasan din ng mag-asawa. Sabi ng Diyos kay Eba, “Dahil sa ginawa mo, dadagdagan ko ang paghihirap mo sa pagbubuntis at mararamdaman mo ang sobrang sakit sa iyong panganganak” (3:16). Ang pag-aanak ay paraan para matupad ang layunin ng Diyos “to be fruitful and multiply” (1:28). Pero mahihirapan ang mga babae. Hindi lang sa pag-aanak, kundi mahihirapan sa pagpapalaki sa mga anak. Minsan mag-isa lang sila, ayaw tulungan ng asawa. Kahit sa best efforts ng nanay, nagrerebelde ang mga bata. Ang iba naman di magkaanak, feeling nila kulang ang pamilya nila.

Heto pa sabi ng Diyos: “…Pero sa kabila niyan, hahangarin mo pa rin ang iyong asawa…” (3:16). Your desire is for him. Na parang linta na nakakapit sa lalaki. Parang hindi mabubuhay kung wala ang asawa. Ang theme song ay “I can’t live without you.” Kahit inaabuso, kahit sinasaktan, nagpapakamartir dahil ang seguridad, ang halaga, ang saysay ng buhay ay hinahanap niya sa asawa. Pwede rin namang ibig sabihin ay “your desire is contrary to him.” Sa halip na hayaan ang lalaki na manguna, papangunahan ang asawa. Tulad ni Eba na siya na ang nagdesisyon.

“…at maghahari siya sa iyo” (3:16). Heto naman ang problema ng mga lalaki. Una na yung passivity. Yung walang paki, yung walang kibo, yung walang leadership, yung pinapaubaya na sa babae ang lahat. Tulad ni Adan. Nasa tabi lang ni Eba, nakikinig lang habang inaahas na ang kanyang asawa. Di man lang nag-intervene. Ang iba naman, di nga passive, abusado naman, naghahari-harian. Gusto lagi sila nasusunod. Nagagalit kapag di nasunod. Nananakit. Nagmumura. Nagpapabaya sa pamilya. Kapag di niya nakukuha sa asawa niya ang gusto niya, hahanapin sa ibang babae. O kaya sa trabaho. He finds value and significance in his job performance.

Sabi naman ng Diyos sa lalaki: “Dahil naniwala ka sa asawa mo at kumain ng bunga ng punongkahoy na ipinagbawal ko sa inyo, susumpain ko ang lupa! Kaya sa buong buhay mo ay magpapakahirap ka nang husto para makakain” (v. 17). Yun bang kahit anong effort, anong sikap ng lalaki, kahit gaano siya ka-successful, kung di naman ayos ang relasyon niya sa asawa, at sa Diyos lalo na, balewala ang lahat.

Mahalaga ang kuwento ng Genesis 3. Ang problema natin sa mga relasyon ngayon, alam natin ang pinagmulan. Sino ang unang may kasalanan? Si Adan o si Eba? Sabi ni Adan, si Eba raw, pati nga ang Diyos dinamay na niya. Sabi naman ni Eba, ang ahas raw. May problema sa relasyon, una nilang ginawa? Nagtakip, nagtago, nagdeny, nanisi pa. Madalas pag may magpacounsel sa akin na may problema sa marriage, unang-unang sasabihin na ang may problema ang asawa niya. Pag tinanong ko naman ang asawa niya, ang sasabihin ang problema ay ang asawa niya. Tama naman sila pareho. Tama naman parehong sila ang problema.

Oo lahat tayo nasaktan. Simula pa sa pagkabata natin. Maaaring ang pagmamahal na inaasahan mo sa magulang mo di nila naibigay. Nang-abuso pa. Nanakit pa. Nasaktan tayo, may sugat tayo sa puso, gawa ng kasalanan ng iba. Pero kung hanggang dun lang ang aaminin natin, magiging self-absorbed tayo, self-centered, na ang response din natin sa mga naranasan natin ay kasalanan. Tayo rin naman nakasakit ng iba, nakagawa din tayo ng kasalanan sa iba. Nasugatan din natin ang iba. Brokenhearted ka dahil sa kanya. Siya rin naging brokenhearted dahil sa iyo.

Tama na maging honest ka sa nararamdaman mo. Nasaktan ka, sabihin mo, isumbong mo sa Diyos. Kaysa naman magmatigas ang puso mo. Ayaw mo nang umiyak kahit kailangan mo talagang umiyak at maramdaman ang sakit sa puso. Pero dapat maging honest ka rin sa mga kasalanan mo. Sabi ng Diyos kay Eba, “Dahil sa ginawa mo…” May kasalanan ka. Ginawa mo ang di mo dapat gawin. Sabi ng Diyos kay Adan, “Dahil nakinig ka sa asawa mo…” Dapat sa akin ka nakinig. Di mo ginawa ang pinapagawa ko sa iyo. Aminin mong sumuway ka sa Diyos. Nagrebelde ka sa kanya. Di mo ginawa ang nais niya. Di mo mararanasan ang tunay na kagalingan – healing for your broken heart – kung di mo aaminin na broken ka, at kung di mo aaminin na makasalanan ka.

Mahalaga yun. Pero unang hakbang pa lang yun toward healing. Nung isang araw may nabasa akong isang article sa Huffington Post, “5 Healing Strategies I Discovered After My Boyfriend Tried Cheating on Me.” Ang nagsulat lalaki rin. Sabi niya, “Just days before my 21st birthday I discovered that my boyfriend had tried cheating on me for the fourth time that year. I was heartbroken and exhausted from trying to share my love with someone who couldn’t stay dedicated to me. Due to a promise I’d made to myself after catching him the third time, I ended it.” Heto ang five strategies na ginawa niya para maka-cope, para maka-move on.

  1. Embrace The Hurt Rather Than Numbing It
  2. Don’t Feel Guilty Talking About Your Healing Process
  3. Block His Social Media Accounts
  4. Avoid The Rebound
  5. Explore Your Independence

Sounds like good advice, right? Practically, may maitutulong. But we cannot find the healing we need. Hindi enough ang good advice. May kulang. It’s just about will power, positive thinking, behavioral modification. Heto gawin mo, gawin mo, gawin mo. If the problem is inside of us (our broken heart), we cannot find the solution inside of us. The solution must be outside of us. We need power beyond our own willpower broken by sin. What we need is not good advice. What we need is Good News. Sa healing process na yan, we are not our own healers. Aminin mo kailangan mo ng Healer, kailangan mo ng Rescuer, kailangan mo ng Savior.

The Healer

Hindi yan ang asawa mo. Hindi iyan ang kung sino pang tao. Our Healer, our Rescuer, our Savior is none other than Jesus. Wala nang iba. Nilaktawan ko kanina ang sabi ng Diyos sa ahas sa Gen. 3:15, dito nakapaloob ang pangakong pagliligtas ng Diyos, tinatawag itong “first gospel”: “Ikaw at ang babae ay mag-aaway. Ang lahi mo at ang lahi niya ay mag-aaway din. Dudurugin niya ang ulo mo at tutuklawin mo ang sakong niya.” Tinuklaw ng ahas si Jesus nang siya’y sugatan, pahirapan at patayin sa krus. Pero yun din ang paraan ng Diyos para durugin ang ulo niya, para tanggalin ang kamandag niya, para ang mga sugat natin ay gumaling. “Ang totoo, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat niya ay gumaling tayo” (Isa. 53:5 ASD).

Inako ni Jesus ang parusa na nararapat para sa ating mga kasalanan. Inako niya ang sakit at hirap at kahihiyan para di na natin kailangang magtago, magpanggap at pagtakpan ang kahihiyan natin dahil sa mga kasalanan natin, at sa mga sugat na dulot ng kasalanan ng iba sa atin. Bago sila palayasin sa hardin, nakita ng Diyos na di sapat ang takip sa kahubaran ng mag-asawa. Kaya “gumawa ang Panginoong Dios ng damit mula sa balat ng hayop para kay Adan at sa asawa nito” (Gen. 3:21). Si Jesus ang hayop na parang kinatay sa krus para ang kanyang balat, ang kanyang matuwid na pamumuhay, ang kanyang kabanalan ay maibalot sa atin na mga sumasampalataya sa kanya.

In Jesus, God “heals the brokenhearted and binds up their wounds” (Psa. 147:3); “At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan, ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan” (MBB).

Sa simula ng public ministry ni Jesus,sa isang synagogue sa Nazareth (his hometown) binasa niya ang Isaiah 61 at sinabing siya ang Messiah na tinutukoy dito (Luke 4:16-21). Tingnan natin ang Isaias 61:1-3 (MBB) at pakinggan kung sino si Jesus para sa iyo.

  • Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako’y kanyang hinirang – wala nang ibang hinirang, anointed (Heb. masah, diyan galing ang “Messiah”) na Tagapagligtas maliban sa kanya. Wag ka nang humanap ng iba, mabibigo ka lang.
  • sinugo niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi  good news ang kailangan nating marinig. He is for us, not against us. Sinaktan ka, meron kang tagapagtanggol. He is your Hero. Wala nang iba.
  • upang pagalingin ang mga sugatang-puso – Sugatan ka, may magpapagaling sa iyo. Jesus is your Healer. Wala nang iba.
  • upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila’y lalaya – Bihag ka ng kasalanan? Patuloy na nag-iistruggle sa iba’t ibang addictions? Bilanggo ka ng nakaraan mo? Ng pang-aabusong naranasan mo? Ng pananakit sa iyo ng taong minahal mo at inasahan mong magmamahal sa iyo? Jesus is your Freedom.
  • Sinugo niya ako upang ipahayag na darating na ang panahon ng pagliligtas ni Yahweh – Dumating na ang pagliligtas sa pagdating ni Jesus. One day he will come again, para lubusin ang pagliligtas sa atin. On that day, we will be completely healed, wala nang kasalanan, wala nang sakit, wala nang sugat sa puso, wala na kahit isa.
  • at ang paghihiganti ng Diyos laban sa kanyang mga kaaway – Hindi tayo ang dapat na maghiganti. We can release forgiveness, dahil ang hustisya ay ipinapaubaya natin sa Diyos. He is our perfect Judge and Defender.
  • sinugo niya ako upang aliwin ang mga nagluluksa; upang pasayahin ang mga tumatangis sa Zion, kaligayahan sa halip na bigyan ng kapighatian, awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan – Naiiyak ka sa lungkot pag naaalala mo ang mga masasakit na nangyari sa iyo. Take heart. Jesus is our Comfort, our Joy, our Song.
  • matutulad sila sa mga punong itinanim ni Yahweh, na ginagawa kung ano ang makatuwiran, at maluluwalhati ang Diyos dahil sa kanilang ginawa. Dahil kay Jesus, nagkaroon tayo ng buhay. At sa halip na nakatitig tayo sa mga sugat sa puso natin, nagsisimula tayong mamunga, to reach out to others na brokenhearted din naman. We become wounded healers.

I’m not talking about marriage! I am suppose to talk more about marriage right, sa series na ‘to? But sa first two sermons, I hope you will get the point. Life is not about marriage. It is about God. It is about Jesus. The only way you can enjoy intimacy in marriage is for you to quit focusing on your spouse or your marriage, but to gaze upon the beauty and perfection of God. The only way you can find the healing you need for your broken heart is for you to stop fixing your “achy breaky heart,” but to fix your eyes on Jesus whose body is broken for you.

Nagmahal. Nasaktan. _________ (fill in the blanks – Nagparebond? Namasyal? Bumili ng iPhone? Lumapit kay Jesus). Nagmahal. Nahulog sa kasalanan. _________ (fill in the blanks – Lumapit kay Jesus). Bakit? Kasi siya lang ang Tagpagligtas ng iglesya (Eph. 5:23). Siya lang talaga ang magmamahal, at ang pagmamahal niya ay dapat daw tularan ng asawang lalaki. Paano siya nagmahal? “Inihandog niya ang kanyang sarili para sa iglesya upang maging banal ito…para maiharap niya sa kanyang sarili ang iglesya na maluwalhati, banal, walang kapintasan, at walang anumang bahid o dungis” (vv. 25-27). Ang pagmamahal ni Jesus sa atin ay ang pagbibigay ng kanyang sariling buhay para gawin kung ano ang mabuti para sa atin, at ang pinakamabuti sa atin ay ang mailapit tayo sa banal na Diyos.

Implications

Mga singles, deal with your heart first. The healing your heart needs you cannot find in a romantic partner. Prioritize friends, real friends not FB friends who will speak the truth in love. Yung magsasabi sa iyo ng kasalanan mo. Yung magpapaalala sa iyo na si Jesus ang Lover mo. Hinahanap mo ang “the one” para sa iyo? O soul mate daw? It doesn’t exist. But the One who truly loves you, he’s the one who really exists. Matagal ka nang single? Wag maging bitter kay God. Tandaan mong God is more committed to your holiness than finding the right partner for you. You life goal, then, is not to find a life partner or to pursue romantic relationships, but to pursue Christ, to become more like Christ.

For those in relationships, don’t look to your partner for the healing of your wounds. Don’t expect too much. He is also a sinner, wounded and broken din. Katulad mo rin. At ievaluate mo rin kung love talaga ang namamagitan sa inyo as you consider marriage. Ang definition kasi natin ng love ganito: in love ako kasi kinikili ako, masaya ako pag kasama siya, nabubuhayan ako pag kasama siya, tila naglalaho ang problema ko pag kausap ko siya. Nakita n’yo modern definition ng  ganyang love? Puro para sa iyo, sobrang self-centered. Biblically speaking, love is self-giving. Ibibigay mo sa isang tao ang sarili mo para siya’y mapalapit din kay Cristo. Ang tunay na nagmamahal sa iyo ay iyong dadalin ka sa tama, hindi sa kama. At kung may karelasyon kang non Christian, kung mahal mo, hiwalayan mo muna. Dahil mas mahalaga sa kanya na makilala niya si Cristo na Savior niya, hindi iyong ikaw ang tatanggapin niyang tagapagligtas. At kung di mo maiwan, it’s not because you love him, but because you love yourself too much.

Para naman sa mga married, now you know that you have married the person. Walang Mr. Right. Mrs. Always Right meron daw. Minsan parang di mo kilala ang asawa mo kasi lumalabas na ang masamang ugali. Pero ang totoo, lumalabas ang tunay na kulay natin pag magkasama na tayo sa bahay. Makasalanan siya. Makasalanan ka rin. You need more understanding, patience and grace. Don’t use marriage as remedy for your hurtful past na gusto mong takasan. Dont expect your husband to fix you, to give you the love only God can give. It is too much to bear for your spouse. Kung sobrang struggljng sa kasalanan ang asawa mo lalo pa’t unbeliever yan, don’t okay the role of the hero for him. Ilapit mo kay Jesus. Magkasama kayong lumapit kay Jesus. You love each other by drawing each other closer to Jesus. You need Jesus more than you need each other.

Ganun din kung complicated ang relationship status mo. Ipinagpalit ka ng asawa mo sa iba. Naging unfaithful sa iyo. Don’t be shocked. God is at work sa asawa mo. Kahit Christian na yan, nasa proseso rin tulad mo. At ikaw din ay hinuhubog ng Panginoon para magmahal na tulad niya sa ating mga nagrebelde sa kanya, maging tapat tulad niya sa ating madalas unfaithful sa kanya, di magsawang magmahal na tulad niya sa ating humahabol pa sa ibang mga false lovers. At kung ikaw naman ang nasa maling relasyon, get out now! Hindi mo mahahanap ang kasiyahan at pag-ibig na hinahanap mo sa makasalanang relasyon. Maawa ka sa sarili mo. Maawa ka sa karelasyon mo.

Holy and Happy

Marriage cannot heal our broken hearts. But God will use your marriage to heal you. To show who you are. To show how much you need Jesus. To show you who Jesus is for you. To make you holy. To make you more like Jesus. Kung nais niya na mapalapit ka sa kanya, that he may be glorified, gagawin niya ang lahat para matanggal ang anumang balakid, anumang kasalanan para maging tulad tayo ni Cristo. God is more committed to our holiness than to our happiness in marriage or any other human relationships. For when we are growing in holiness, we will see God face to face. And when we see him, then we will truly be happy. For all eternity. Forever.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.