Deeper and Wider (Isaiah 12)

deeper-and-widerTotoo namang napakaespesyal ng araw na ito. 30th Anniversary ng BBCC. Pero di tulad sa nakagawian kapag anniversaries, wala pong special guest speaker ngayon. Pero merong special Word from God. Not just for our church, but for all of you. I take seriously the prophetic role God has given me to preach the gospel and awaken you to God’s global purposes. Magkakaiba man ang grupo ng taong nagkakatipon ngayon, naniniwala ako na iisa ang kailangan nating marinig.

Two weeks ago, may nakausap akong drug user, gustong magbago, gustong makalaya, heartbroken pa kasi iniwan ng girlfriend niya. Sabi ko sa kanya, “You need Jesus.” Last week naman may nakausap akong isang lalaki, may asawa, may mga anak, di na makatrabaho dahil sa sakit, iniwan na ng mga kaibigan o kainuman niya. Sabi ko sa kanya, “You need Jesus.” Nitong isang araw lang, may nakausap akong mag-asawa, umiiyak, merong wounds sa marriage nila, gusto nilang mas maayos ang relasyon nila sa Diyos at sa isa’t isa. Sabi ko sa kanila, “You need Jesus.” So ngayon, this day is special hindi dahil meron akong bagong sasabihin sa inyo, wala naman akong bagong ideas. This is special because of Jesus. At yun din ang sasabihin ko sa inyo, “You need Jesus.” We all need Jesus.

The Day of Salvation

Yun din naman ang gustong sabihin ni Prophet Isaiah sa mga taga-Judah more than 700 years bago dumating ang Panginoong Jesus. Chapters 1-3 pa lang sinasabi na niya sa kanila, “Makasalanan kayo. Nagrebelde kayo sa Diyos, tinalikuran n’yo siya. Dapat lang kayong parusahan tulad ng ibang mga bansa. Kailangan n’yo ng Tagapagligtas.” Naranasan din yun ni Isaiah sa chapter 6 nang makita niya ang isang vision of a holy God. Sabi niya, “Makasalanan ako. Mapapahamak ako.” Pero naranasan niya ang pagpapatawad ng Diyos, ang pagliligtas ng Diyos. Ito ang gusto niyang maranasan din ng mga taga-Jerusalam, mga taga-Judah.

More than 100 years pagkatapos ng prophecy ni Isaiah, sasalakayin sila ng mga Babylonians, maraming papatayin, susunugin ang templo at ang buong Jerusalem, ang mga natira ay dadalhin sa Babylon para maging alipin. Pero sabi ng Diyos, “Babalik kayo. Ililigtas ko kayo.” At kapag dumating ang araw na iyon, that day will truly be special. At tulad ng araw na ito, mapupuno rin ng awit ang kanilang mga puso. “You will say in that day…” (12:1). Or, “You will sing…” (NLT). Sa verse 4 ganun din, “You will say in that day…”

Ang araw na tinutukoy ay higit pa sa araw na sila’y ililigtas mula sa Babylon. Kung titingnan n’yo ang 11:1, ang araw na ito ay ang araw ng pagdating ng isang tagapagligtas mula sa lahi ni Jesse, ang ama ni David. Verse 2, “The Spirit of the Lord shall rest upon him.” Referring to Jesus! Tumutukoy din ito sa araw na babalik ang Panginoong Jesus; sa araw na iyon, “the earth shall be full of the knowledge of the Lord as the waters cover the sea” (v. 9). Bago ang araw na iyon, titipunin ng Diyos ang bawat lahi sa buong mundo at lalapit sila kay Jesus (v. 10). Pati ang mga Jews na nagkalat sa iba’t ibang bansa ay kikilalaning si Jesus ang Messiah (v. 11). So “that day” is the day of God’s salvation.

My Prayer for You

So I pray, kung naririto ka at ang araw na ito ay di pa dumarating sa iyo, today will be your day of salvation. At kung alam mo na nasayo na si Jesus na iyong Tagapagligtas, I pray that this day God will bring you “deeper into the gospel.” Yun ang burden ng Isaiah 12:1-3. And as God brings you deeper, the whole Body of Christ will work together to bring the gospel “wider in the world.” Yun naman ang vv. 4-6.

DEEPER INTO THE GOSPEL (Isaiah 12:1-3)

Bago ang gospel ay marinig na good news sa buong mundo, dapat ito ay talagang good news para sa iyo. This is personal. “You will say…” (v. 1), singular pronoun iyan. Sasabihin mo, aawitin mo. Oo para sa lahat ito sa atin, pero merong emphasis sa personal, individual response: “I will give thanks…comfort memy salvation; I will trust…my strength…my song…my salvation…” (vv. 1-2). So I pray that this will be the heartbeat of your heart, hindi yung nakikisabay ka lang sa mga kanta, but this is real to you, the gospel is real to you.

Gospel Story (v. 1)

Verse 1, “I will give thanks to you, O Lord…” Kapag meron tayong mabuting bagay na tinanggap mula sa isang tao o mabuting bagay na ginawa para sa atin, nagpapasalamat tayo. Kayabangan lang ang makahahadlang sa atin para magpasalamat, kung di natin maamin na kailangan natin ang tulong o kabutihang alok ng ibang tao. Giving thanks removes our pride. Dahil inaamin natin na hindi ito tungkol sa gawa natin, o sa kabutihan natin. Ito ay tungkol sa ginawa ng Diyos para sa atin. The gospel is the good news of what God has done for us.

Ang ipagpapasalamat natin ay hindi lang pagkaing natatanggap natin araw-araw, o magandang trabaho, o magandang pamilya, o maayos na kalusugan, o bagong cellphone. More than that, more than everything, we thank God for the gospel. We thank God for a new relationship with him. “…for though you were angry with me, your anger turned away, that you might comfort me.” Naranasan ng mga Judio ang galit ng Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan. Pinarusahan sila, pinalayas sila sa lupain nila, inalipin sila. Pero ibinalik sila ng Diyos palapit sa kanya. He is slow to anger and rich in love and mercy.

Siya ang tumalikod sa sarili niyang galit. Hindi tayo ang maygawa. Si Jesus na bagamat walang kasalanan, itinuring na makasalanan, inako ang galit ng Diyos sa krus, pinabayaan ng Diyos, itinakwil ng Diyos, para tayo’y makalapit sa Diyos, para mawala ang galit ng Diyos sa atin, “that you might comfort me,” para matanggap natin ang pagmamahal ng Diyos. Hindi na tayo kaaway ng Diyos, kaibigan na. “Reconciliation is not our willingness to have God but God’s willingness to have us” (J. A. Motyer). That’s the gospel story. And when you remember that everyday, and give thanks to God for the greatest blessing of the gospel, namely God himself, you grow deeper into the gospel.

Gospel Identity (v. 2)

This gospel also gives you a new identity. Siyempre, hindi ito totoo sa iyo kung hanggang ngayon wala ka pa kay Cristo. “The wrath of God remains on [you]” (John 3:36). Pero kung ikaw ay nakay Cristo, you can sing verse 2, “Behold…” Tingnan mo, pakinggan mo, you now have boldness to declare who God is to you. “…God is my salvation; I will trust, and I will not be afraid; for the LORD GOD is my strength and my song, and he has become my salvation.”

Ang awit na ito ay hawig sa Psalm 118:14, “The Lord is my strength and my song; he has become my salvation.” Ganun din sa Exodus 15:2, “The Lord is my strength and my song, and he has become my salvation,” na siyang inawit ng mga Israelita matapos ang “exodus,” ang paglabas nila mula sa pagkaalipin sa Egipto. Ito ulit ang aawitin nila sa susunod na “exodus” na mararanasan nila matapos silang maalipin sa Babylonia. Ito rin ang awit natin dahil sa “exodus” na naranasan nang tayo’y palayain ng Diyos mula sa pagkakaalipin sa kasalanan sa pamamagitan ni Jesus na naging alipin na nag-alay ng kanyang buhay para tubusin tayo sa pagkaalipin sa kasalanan (Mark 10:45).

Dahil diyan masasabi na rin natin, “God is my salvation…he has become my salvation.” Hindi lang “my salvation,” “my strength” din. Kailangan natin ang Diyos at ang gawa ni Jesus hindi lang sa unang araw na tayo’y maligtas, kundi sa araw-araw ng buhay natin. Makakatayo lang tayo, makapagpapatuloy sa gitna ng mga pagsubok at suliranin sa buhay dahil kay Jesus na nagpapalakas sa atin (Phil. 4:13). We need Jesus and his gospel everyday for our strength. Not just “my strength,” but also “my song.” Na anuman ang nangyayari sa buhay mo ngayon – bad marriage, bad business, bad health – you have a reason to sing. Siya ang tinitibok ng puso mo, siya ang laman ng awit mo, siya ang nagbibigay kagalakan at pag-asa sa iyo.

May dahilan ka ba para matakot at mag-alala kung ang Diyos ay para sa iyo (Rom. 8:31)? “I will trust, and will not be afraid.” Hindi tulad ni King Ahaz ng Judah nang mabalitaang lulusubin siya ng hari ng Syria at ng Israel. Sabi niya kay Tiglath-pileser na hari ng Assyria, “I am your servant and son. Come up and rescue me…” Hindi natin sasabihin sa asawa natin, o sa pera natin, o trabaho natin, o sa ibang tao, “Come up and rescue me.” Ang sasabihin natin, God is my salvation, my strength, my song.

We take ownership of that, of our new gospel identity. Because it is God who took ownership of us. Pansinin n’yo ang name na ginamit kay Lord dito, “the LORD GOD,” parehong all-caps. Pag isa lang ang all-caps LORD, tumutukoy sa personal covenant name ng Diyos na Yahweh na nagpapaalala sa mga Israelita sa pangako ng Diyos, “I am your God and you are my people.” I am yours, you are mine. Pero dito may emphasis pa, “Yah Yahweh.” Parang nickname at name. Showing exclusivity, superiority, intimacy. Na as we go deeper into the gospel, masasabi na natin, “Wala na akong ibang kaligtasan maliban sa iyo. Wala na akong ibang kalakasan maliban sa iyo. Wala nang ibang tinitibok ang puso ko maliban sa iyo.”

Gospel Promise (v. 3)

Wala na rin tayong ibang kasiyahan maliban sa Diyos. No other being in all the universe will be able to satisfy the deepest needs and the deepest longings of our hearts. Verse 3, “With joy you will draw water from the wells of salvation.” Sa NLT, “With joy you will drink deeply from the fountain of salvation.” Grabe ang pangako ng Diyos na nakakabit dito, grabe yung paanyaya sa atin to go deeper into the gospel.

Try to imagine (close your eyes if it will help you) yung image na ginagamit dito. Ang tubig ay paulit-ulit na tema o motif sa exodus story. Ang tubig sa Red Sea ay hinati ng Diyos at nakatawid ang mga Israelita (Ex. 14). Pagkatapos nito, yucks ang lasa nila sa mga tubig sa Marah (15:22-24). Pero pinatamis ito ng Panginoon para sa kanila (v. 25). At dinala sila ni Lord sa Elim, kung saan merong “twelve springs of water” (v. 27). At nang wala na naman silang mainom, bumalong mula sa isang bato ang tubig para sa milyung-milyong mga Israelita na nasa disyerto (Ex. 17). At ang tubig na iyon ay tumutukoy sa pagdating ng Panginoong Jesus na nagsabi sa isang Samaritana na sasalok sa balon ng tubig, “Meron kang kinakasama ngayon na hindi mo asawa. That water will not satisfy you. Pero ang tubig na ibibigay ko sa iyo, that’s me, will satisfy you for all eternity” (John 4).

Yan ang paanyaya ng Diyos sa ating lahat, “Come. Take this water. And drink. And enjoy. And be satisfied.” Drink deeply to your heart’s satisfaction. The need of our heart is so great. Hindi kayang isatisfy ng asawa mo, ng porn, ng materyal na bagay, ng ibang babae o ng ibang lalaki. Only Jesus satisfies.

Deeper into the Gospel Together

The gospel is so rich. Sapat-sapat ito sa lahat ng kailangan mo. But not just for you. Ang “you” sa verse 3 ay hindi na singular tulad ng sa verse 1. It is now plural, “Iinom kayo…” We don’t grow deeper into the gospel alone. We grow deeper together as one Body. Parepareho tayong uhaw. We have only one pursuit as a church, hindi competition sa bilang ng miyembro, o sa kasikatan ng pangalan ng church. Our goal, our one goal is to grow deeper into the gospel together.

WIDER IN THE WORLD (12:4-6)

And as we do, nakikita natin na ang kailangan natin (we need Jesus!) ay siya ring kailangan ng buong mundo (they need Jesus!). So we as one church work together to bring the gospel “wider in the world.” Verse 4, “And you will say in that day…” “You” – plural ulit yan. Sama-sama tayo na ang heartbeat natin ay ipakilala ang Diyos sa buong mundo. Verse 4, “…make known his deeds among the peoples, proclaim that his name is exalted…” Verse 5, “let this be made known in all the earth.” Ipapakilala natin sa kanila kung sino ang Diyos. Ikukuwento natin kung ano ang ginawa niya sa pamamagitan ni Jesus. Bakit?

The gospel demands it.

Verse 4, “And…” Karugtong ng 1-3, hindi pwedeng paghiwalayin. Maraming Christians 12:1-3 Christians lang, hindi 12:4-6. Hindi pwede yun, hindi pwedeng paghiwalayin ang personal benefits ng gospel sa atin, sa demand of the gospel na dalhin ito sa lahat ng lahi. This is God’s plan sa simula’t simula pa. Pinagpala si Abraham para maging pagpapala sa lahat ng lahi (Gen. 12:1-3). Iniligtas ang Israel para makilala ang Diyos ng lahat ng lahi. Itinayo ang templo sa panahon ni Solomon not just house of prayer for Israel, but for all nations. Dumating si Jesus, not just as Messiah for the Jews, but also for the Gentiles. Binigyan niya ng misyon ang church not just to make disciples locally, but also globally, “make disciples of all nations” (Matt. 28:19).

Sabi ni J.D. Greear: “As the gospel grows deeper in believers, it will grow wider in the world.” Hindi pwedeng either/or, dapat both/and. Hangga’t lumalalim tayo sa relasyon sa Diyos, we “give thanks to the Lord, call upon his name” (v. 4), iniisip din natin ang mga taong hindi pa nagpupuri sa Diyos, hindi pa tumatawag sa kanyang pangalan. Same verse, di nakahiwalay, “make known his deeds among the peoples, proclaim that his name is exalted.” Habang umaawit tayo sa Panginoon at inaalala ang mga kamangha-mangha niyang gawa, “Sing praises to the Lord, for he has done gloriously” (v. 5), inaalala din natin ang mga taong ni hindi alam kung ano ang ginawa ng Diyos para sa kanila at ni walang makitang dahilan para umawit at magpuri. Same verse, hindi nakahiwalay, “…let this be made known in all the earth.” Ang pinagsama ng Diyos, wag paghiwalayin ng tao! We grow deeper into the gospel AND we go wider in the world.

All nations desperately need it.

You need Jesus. They also need Jesus. But they don’t know it. Hindi tayo parang mga bibe na pupunta sa ilog para kumendeng-kendeng lang at isuksok ang ulo sa tubig. The gospel gives new eyes to see the world and everything happening around us. Tulad sa mga balita ngayon, ang laban kontra droga at kontra EJKs ay naging parang Duterte vs De Lima. Sino ang kay Duterte? Sino ang kay De Lima? Hindi yun ang isyu sa atin, because we are for Christ. Di naman natin alam kung ano ang totoo ngayon, basta alam natin si Jesus ang Katotohanan. Kanya-kanyang paraan sa pagsugpo sa droga, basta ang alam natin Jesus is the Way. Merong concerned sa dami ng napapatay, ang iba naman ang concern ang dami ng sinisirang buhay ng droga, basta tayo ang alam natin Jesus is the Life. Hindi lang tayo nagbibilang ng 3000 dead bodies because of the drug war, inaalala din natin na si Jesus ang kailangan ng more than 600,000 na drug surrenderees na nananatiling patay (kahit na sila’y buhay pa) dahil hiwalay kay Cristo.

Ang prayer natin ma-addict sila sa gospel. Hindi lang sila. Ang misyon natin ay hindi lang ishare ang gospel sa mga kapitbahay natin, o magplant ng mga churches sa lugar na bawat kanto ay may mga churches na. Verse 4, “…among the peoples.” Verse 5, “…in all the earth.” Ayon sa JoshuaProject.net merong 1.7 billion Muslims, 1.14 billion Hindus, 980 million non-religious, 482 million Buddhists, 670 million ethnic religion, hundreds of millions of nominal Christians na spiritually dead, and makakaranas ng galit ng parusa ng Diyos kung walang magdadala ng mabuting balita sa kanila. Sa bilang na 16,508 people groups, 6,686 ang unreached (40.5%), that’s 3.11 billion out of 7.38 billion (42.2%) going to hell without any opportunity to hear the gospel of Jesus. Matindi ang pangangailangan. The gospel is enough for all nations.

Our God deserves it.

Pero ang primera sa motivation natin ay hindi ang laki ng pangangailangan ng mundo, kundi ang laki ng Diyos na sapat para sa buong mundo. Sabi ni John Piper, “When the flame of worship burns with the flame of God’s true worth, the light of missions will shine to the darkest peoples on earth…Where passion for God is weak, zeal for missions will be weak.” Why go wider in the world? God!

God is great! “His name is exalted” (v. 4). Nagpakilala siya. At ang pangalan niya ay higit sa lahat ng pangalan. Wala nang ibang Diyos maliban sa kanya. Hindi si Allah. Hindi si Buddha. Hindi ang milyung-milyong mga dios ng mga Hindus. Not sex, money or popularity. God is glorious! “He has done gloriously” (v. 5). Lahat ng kanyang ginawa ay mabuti. Ang kanyang kadakilaan at kabutihan ay nararapat ibalita sa buong mundo. God is gracious! “Great in your midst is the Holy One of Israel” (v. 6). Holy One, kinatatakutan yan ng mga makasalanan, ng Israel, ni Isaiah (Isa. 6). Tepok lahat ng lalapit sa kanya. But God is gracious. Pinili niyang manirahan sa ating mga makasalanan. At wala na tayong takot na lumapit sa kanya dahil kay Jesus na umako ng parusa, ng galit, ng kamatayang nararapat para sa atin. God is great! God is glorious! God is gracious! You still need more reasons for missions?

Heartbeat for the Nations

At pansinin n’yo na ang verses 4-6 ay hindi nagbibigay ng utos for us to go to the nations. This is our song to each other. Sinasabi natin sa isa’t isa, “Let us go the nations. Let us pray for the nations. Let us give to the nations. Let us send people to the nations. Because God deserves it.” We have a big God. Maliit man o malaki ang iyong iglesia, it doesn’t matter. Minsan merong isang conference, may isang speaker na galing sa isang mega-church, tens of thousands ang members, billion ang worth ng church building nila. Tinanong ng isang participant, “Ano ang involvement ng church n’yo sa global missions?” Sagot niya, “Our focus is to reach professionals in the marketplace.” Nakakalungkot. Marami pa rin ang unreached not because they are unreachable. But because the Church is disobedient. Paano tayo magiging obedient? If we will grow deeper into the gospel. There is no other way.

The End

And one day, God promised na matatapos ang misyong ito. Kung tayong lahat na bahagi ng big church o ng small church, magtutulungan, para ipakilala ang Diyos na ating sinasamba sa lahat ng lahi. Tutuparin ng Diyos iyan. His mission will not fail. “And this gospel of the kingdom will be proclaimed throughout the whole world as a testimony to all nations, and then the end will come” (Matt. 24:14). Babalik si Jesus. Bawat lahi, bawat wika, bawat bansa, titipunin sa harap ng Panginoong Jesus. Makikita natin siya nang mukhaan. And our hearts will be filled with joy inexpressible and full of glory. Sasabihin niya sa atin. “It is finished! I am the Alpha and the Omega—the Beginning and the End. To all who are thirsty I will give freely from the springs of the water of life” (Rev. 21:6 NLT). And with joy we will drink deeply from the fountains of salvation…with all the nations…for all eternity. Oh how we long for that day!!!

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.