Jesus plus nothing equals everything. Salat ka man sa pera o boyfriend o trabaho o approval ng tao o popularity o power, nasa iyo na ang lahat kung nasa iyo si Cristo.
Everything minus Jesus equals nothing. Sagana ka man sa pera, sa luho ng buhay, sa pagmamahal ng tao, sa palakpak at pag-like ng iba, pero kung wala si Cristo balewala ang lahat.
Ang daming nangyayari araw-araw, ang daming isyu o events na trending sa social media, ang dami mong mababasang mga ideya o opinyon o kuru-kuro o katuruan sa TV at sa Internet. Kung di ka maingat, kung di mo alam kung paano sasalain ang mga ito, mabibitag ka.
At ito ang burden ni Paul para sa mga taga-Colosas, lalo na dito sa Colossians 2:8-15. Verse 8, “See to it that no one takes you captive by philosophy and empty deceit, according to human tradition, according to the elemental spirits of the world, and not according to Christ.” Captive, parang na-kidnap. Iyon bang ito na ang pinaniniwalaan mo, kumokontrol sa iyo, nagpapatakbo ng buhay mo. Sabi ni Paul, wag mong hayaang mangyari sa iyo iyan, delikado iyan.
Bakit ganito ang warning ni Paul? Di naman masama ang “philosophy.” Love of wisdom nga ang ibig sabihin nun. Pero ang pilosopiyang tinutukoy dito ay ang katuruan ng mga false teachers na para bang sinasabing meron pa silang kailangang matutunan, bukod kay Cristo, para malubos ang kanilang spiritual experience, para masabing kumpleto na ang karanasan nila sa buhay.
Bukod kay Cristo. Yan ang problema. “Not according to Christ.” Human tradition lang, gawa-gawa lang ng tao. At dahil sa tao lang, kulang. Hindi lang kulang na kulang, empty ayon kay Paul. Walang laman. Di ba’t ganyan ang marami nauuso ngayon? Hindi lang empty, deceptive pa. Akala mo totoo, akala mo kapaki-pakinabang, delikado pala. Para kay Pablo, ang buhay natin, ang paniniwala natin, dapat lahat nakasentro kay Cristo. Kung hindi, delikado.
Complete in Christ
Bakit ganoon na lang ang seriousness at kakulitan ni Pablo sa pagbibigay ng warning sa kanila na wag maniwala sa mga katuruan at sumunod sa mga tradisyong di ayon o di nakasentro kay Cristo? Verses 9-10, “For in him the whole fullness of deity dwells bodily, and you have been filled in him, who is the head of all rule and authority.” Ang dahilan na binanggit niya dito ay may kinalaman sa kung sino si Cristo at kung sino na tayo ngayon in relation to him.
Sino si Cristo? Oo nga’t naging tao siya at nanatiling tao hanggang ngayon. But he is more than a man. 100% man. 100% God. Mahirap intindihin pero totoo. The fullness of deity dwells in him bodily. Ang lubos na pagkaDios ng Dios ay nasa kanya. Hindi lang karamihan ng attributes ni God ang nasa kanya. Kundi lahat lahat. He is the image of the invisible God (Col. 1:15).
At kung siya ay Dios ibig sabihin walang kulang sa kanya. He is perfect. Wala nang kailangang idagdag sa kanya. Kung may kulang sa kanya, hindi siya Dios. Anumang doktrina o ideya o gawain ng tao na nagsasabing may kailangang idagdag kay Cristo ay insulto sa kanya. He is the Head of all rule and authority. Wala nang mas hihigit sa ka kanya, dito sa mundo o maging sa spirit world. Dahil siya ang pinakadakila sa lahat, walang hihigit sa kanya, siya ay sapat para sa lahat. Ito ang burden ni Paul not just here in this text but in his whole letter.
Sino na tayo ngayon, kung tayo ay nakay Cristo? This relates to our union with him, our new identity. “And you have been filled in him” (ESV). Sa NLT “complete.” Kumpleto na. Wala nang kulang. Kung si Cristo nga naman ay Dios at ang Dios ang lahat na ng kailangan natin, lahat nasa atin na kung si Cristo ay nasa atin.
Jesus plus nothing equals everything. Salat ka man sa pera o boyfriend o trabaho o approval ng tao o popularity o power, nasa iyo na ang lahat kung nasa iyo si Cristo. Everything minus Jesus equals nothing. Sagana ka man sa pera, sa luho ng buhay, sa pagmamahal ng tao, sa palakpak at paglike ng iba, pero kung wala si Cristo balewala ang lahat.
In him, o sa pakikipag-isa sa kanya. Ito ang paulit-ulit sa text natin at sa mga susunod pang bahagi ng Colossians. Ipinapaalala ni Pablo, paulit-ulit, ang madalas nating makalimutan. Ito ang ID natin na dapat suot suot araw araw. Ito ang tatak natin.
Ang worth o value natin ay hindi nakakabit sa laki ng income, hindi sa antas ng edukasyon, hindi sa pinagtapusang university, hindi sa apelyido ng magulang, hindi sa laki ng simbahan, hindi sa titulong nakakabit sa pangalan, kundi sa pakikipag-isa natin kay Cristo. Ganito natin dapat tingnan ang sarili natin at ang ibang tao.
Mula verses 11-15, ilalantad ni Pablo kung anu-ano ang nakapaloob sa fulness o completeness na meron tayo sa relasyon natin sa Panginoon. In him, in him, in him, in him. Apat pa lang ito. Marami pa siyang babanggitin sa mga susunod na talata. But these four realities of our identity with Christ are enough for us today. Kung ngayon mo lang maririnig ito, panghawakan mong mabuti. Kung narinig mo na dati pero madalas makalimutan, mainam ang paalala bilang resetang gamot sa atin na may mga spiritual amnesia.
Complete Restoration
Dahil tayo ay nakay Cristo, ang relasyon natin sa Dios ngayon ay completely restored. Dati hiwalay tayo at malayo sa Dios, pero ngayon ay napanumbalik na. Reconciled na. Napag-aralan na natin iyan sa Colossians 1:20-22. Pero dito sa Colossians 2:11, binigyang-linaw niya ito sa pamamagitan ng paggamit ng image ng “circumcision.” Sabi niya, “In him also you were circumcised with a circumcision made without hands, by putting off the body of the flesh, by the circumcision of Christ” (ESV).
Ang pagtutuli sa panahon natin ay maaaring nakasanayan lang na gawin sa mga lalaki o sabi ng iba ay for hygienic reasons daw. Pero hindi lahat ng kultura nagpapractice nito. Sa Bible, nagsimula ito sa panahon ni Abraham. Nakipagtipan ang Dios kay Abraham sa Genesis 12 na pagpapalain siya at ang lahi niya, at ang Dios ang magiging Dios niya. Primarily, ang blessing dito ay tumutukoy sa restored relationship sa Panginoon, na nawala nang magkasala sina Adan at Eba at palayasin sa presensiya ng Dios (Gen. 3).
The mark of this covenant is circumcision, lahat ng lalaking ipapanganak sa lahi ni Abraham ay tutuliin sa ikawalong araw. Malinaw ito sa Genesis 17:1-14. Kapag ang isang lalaki ay tuli, siya at ang kanyang pamilya ay nasa ilalim ng covenant blessings. Na ang pangako ng Dios ay, “I will be God to you” (vv. 7-8). Kung hindi tuli, siya at ang kanyang pamilya ay sumira sa covenant, “cut off from the covenant family” (v. 14 NLT). So circumcision is about relationship. Sabi ni Graeme Goldsworthy, “This mark in the flesh of every Hebrew male child is to signify the special relationship which the covenant establishes between God and his people” (According to Plan, 155).
Ito ang malaking kaibahan ng mga Israelita/Judio sa mga hindi. Sila itinuturing na may relasyon sa Dios. Ang iba ay nasa labas, hiwalay sa Dios. Sila malinis, ang iba ay marumi. Sila ay pinagpala ng Dios, ang iba ay isinumpa. Pero ang good news, para sa mga taga-Colosas (mainly Gentiles) at sa ating lahat na hindi Judio, we are all circumcised dahil kay Cristo. Hindi pisikal kundi espirituwal: “made without hands.”
“In him…” Kung nasa atin si Cristo, we are God’s covenant people, under the New Covenant. This is our spiritual circumcision, the circumcision of Christ, “And I will give you a new heart, and a new spirit I will put within you. And I will remove the heart of stone from your flesh and give you a heart of flesh” (Ezek. 36:26 ESV). Maaaring ito ang tinutukoy ni Pablo sa circumcision natin na “by putting off the body of flesh.” Ang kasalanang naghihiwalay sa relasyon natin sa Dios ay pinutol na para mapanumbalik tayo sa Dios.
Paano nangyari? Maaaring ang “circumcision of Christ” ay nagpapahiwatig din ng kanyang kamatayan sa krus. Di ba’t ang pagtutuli ay ginagawa by cutting off the foreskin? Sa krus, Jesus was cut off. Sinugatan ang katawan niya. Pinatay siya. Itinuring siyang outside the covenant, para maipasok tayo sa relasyon sa Dios. Si Jesus ang gumawa ng paraan para maibalik tayo sa Dios.
In him, we are not just partially restored to God. Na para bang ginawa ni Jesus ang 80%, tapos ang natitirang steps ay 20% na dapat pagtrabahuhan mo. No! We are totally restored to God by the death of Jesus. Kaya nga sabi niya sa krus, “It is finished!”
What does it mean for us today? Di ba feeling natin kapag sira ang relasyon natin sa iba, parang may kulang? Di ba’t sinasabi nating, “Kung magkakaasawa lang sana ako,” “Kung mabait lang sana ang tatay ko,” “Kung mapapalitan ko lang sana ang asawa ko.” Akala natin, ibang tao ang makapagbibigay ng completeness sa kakulangang nararamdaman ng puso natin. Kaya kahit maling relasyon – adultery, homosexuality, pornography – kinakapitan.
O kung alam mo mang relasyon sa Dios ang pinakakailangan mo, gawa ka nang gawa para mapalapit sa kanya, para mapansin niya, para mahalin niya. Akala mo tulad ang Dios ng magulang mo na mamahalin ka lang kung tulad ka ng kapatid mong maganda ang performance sa school o kung good boy or good girl ka. Don’t forget the good news of your new identity in Christ.
Totally restored ka na sa Panginoon. You can now enjoy your relationship with him. Di mo kailangang pagtrabahuhan, dahil pinagtrabahuhan na ni Jesus para sa iyo. Di mo rin kailangang suklian ang pagmamahal niya, dahil binayaran nang lahat ni Jesus para sa iyo.
Complete Renewal
Dahil tayo ay nakay Cristo, ang buhay natin ngayon ay completely renewed. Meron na tayong bagong buhay, wala na ang dati. “Anyone who belongs to Christ has become a new person. The old life is gone; a new life has begun” (2 Cor. 5:17 NLT)!
At dito sa Colossians 2:12-13, ginamit niyang illustration ang baptism, “Having been buried with him in baptism, in which you were also raised with him through faith in the powerful working of God, who raised him from the dead. And you, who were dead in your trespasses and the uncircumcision of your flesh, God made alive together with him” (ESV).
Kapareho nito ang sabi niya sa Romans, “We were buried therefore with him by baptism into death, in order that, just as Christ was raised from the dead by the glory of the Father, we too might walk in newness of life. For if we have been united with him in a death like his, we shall certainly be united with him in a resurrection like his” (Rom. 6:4-5 ESV).
Ang tinutukoy ni Pablo dito ay ang spiritual reality na ipinapahiwatig ng water baptism. Dati patay tayo dahil sa ating mga kasalanan (Col. 2:13; also Eph. 2:1) at dahil nasa labas tayo ng covenant (uncircumcision). Pero binuhay tayo ng Dios (Eph. 2:5). Biyaya ito ng Dios, dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo. Hindi dahil nagdesisyon tayo na magpabautismo.
Nang mamatay si Cristo at ilibing, dahil tayo ay nakay Cristo, ang dati nating pagkatao ay nailibing din. Patay na. 100% dead, wala namang 80% dead. It’s either you’re dead or you’re alive. Nang mabuhay si Cristo, dahil tayo’y nasa kanya, nabuhay rin tayo. May bagong buhay, iyon ang ibig sabihin ng “born again” o “new creation.” Nagkaroon tayo ng bagong buhay hindi sa pamamagitan ng baptism, kundi ng “faith in the powerful working of God.” Ang bagong buhay ay gawa ng Dios, biyaya ng Dios. At dahil si Cristo ay 100% alive at mananatiling buhay forevermore, ganoon din tayo.
Nararamdaman natin na kailangan natin ng pagbabago sa buhay. Kahit na marami kang pera, o buo ang pamilya mo, o maganda ang takbo ng career mo, nararamdaman mo pa ring there’s something wrong. At kahit nga Christian na tayo, lumalabas pa rin ang realities of our old nature. Parang bumabalik ang dating buhay natin. Dapat nating alalahanin na ito ay gawa ng Dios.
Ang renewal na nangyari sa buhay natin nang magsimula tayong magtiwala kay Cristo ay first installment pa lang, downpayment kumbaga, garantiya na magkakaroon ng total renewal sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. Hind lang para sa atin personal, kundi global, universal ang scope. Lahat ng nilikha ng Dios ay babaguhin niya – wala nang kasalanan, wala nang sufferings, wala nang kamatayan. Lahat ay bago na.
Kung ikaw man ay magpapabautismo na, alalahanin mong ito ang ibig sabihin ng baptism mo. Kung dati ka nang nabaptize, remember your baptism. At kung bumabalik at naaalala mo ang dati mong buhay na puno ng kadiliman o bumabalik at nagpapatuloy ang struggles mo sa kasalanan, lalo pang alalahanin mo ito. Wag mong sabihing, “Kung mababago ko lang sana ito, magiging ayos ang lahat.” Yes, we make effort sa buhay Cristiano. Pero wag nating iisiping sa atin nakasalalay ang pagkakaroon ng bagong buhay.
Wag nating kalimutang nasa atin na ang bagong buhay. Bago ang tingin sa atin ng Dios. Malinis na, walang dumi, dahil ang tingin niya sa atin ay tulad ng kay Cristo. In him, in him, in him. So, wag kang magmataas kung nagiging maayos man ang takbo ng buhay mo. Wag ka namang madepress kung nahihirapan ka sa mga pinagdadaanan mong spiritual struggles. The life of Jesus is in you. Meron kang buhay, dahil ang lahat ng kasalanan mo ay pinatawad na ng Dios.
Complete Forgiveness
Dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo, lahat ng kasalanan natin ay completely forgiven. “…having forgiven us all our trespasses, by canceling the record of debt that stood against us with its legal demands. This he set aside, nailing it to the cross” (Col. 2:13-14 ESV).
Ang ginamit niyang image dito ay tungkol sa pagkakautang. Ang mga kasalanan natin sa Dios ay tulad ng utang. At mula sa araw na magkasala tayo, hanggang ngayon, naging limpak-limpak na ang utang natin sa Dios. Napakahaba ng listahan ng pagkakautang natin sa Dios. Ito ang naghiwalay sa atin sa relasyon sa kanya.
“Stood against us with its legal demands.” Ang utang dapat bayaran. Ang kasalanan dapat singilin ng hustisya ng Dios. Kung babalewalain lang niya ang kasalanan, he is unjust, he is unrighteous, hindi siya tunay na Dios. Pero dahil siya ay Dios na makatarungan, mananagot tayo sa kanya.
Makakabayad ba tayo? Kahit isang kasalanan nga lang di natin kayang bayaran. Bakit? Kasi ang kaso natin hindi lang naman estafa na mahahatulan ng ilang taong pagkakakulong. Ang kasalanan natin ay laban sa Dios na lumikha sa atin, ang Hari ng lahat. Ang kasalanan natin ay treason, pagrerebelde sa Hari, dapat lang parusahan ng kamatayan. And we all deserved God’s judgment of death and eternal punishment in hell.
Pero ang good news, merong nagbayad. Walang iba kundi si Cristo sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus. The righteous, the sinless one died for the unrighteous, the the sinful ones (2 Cor. 5:21). Ipinako sa krus ang listahan ng utang natin sa Dios, isinantabi, pinunit, sinunog, itinapon sa ilalim ng dagat. Ibig sabihin wala nang utang. Completely forgiven. 100% ng kasalanan natin burado na sa paningin ng Dios. Lahat ng kasinungalingan, galit, kahalayan, unfaithfulness, kasakiman, at kahit ang itinuturing mo o ng ibang tao na pinakamalalang nagawa mo, lahat yan ay binayaran ni Jesus. The blood of Jesus is enough to cover your worst sin.
Good news iyan. Pero ito ang good news na alam nating kailangan natin, pero hirap na hirap tayong paniwalaan. Bayad na nga, pero kung mamuhay tayo, parang nagbabayad pa rin tayo ng utang sa Dios. Meron kasi tayong mga Pilipino na value na “utang na loob.” Akala natin magandang katangian ng mga Pilipino, pero di biblical, di maka-Dios. Ito kasi ang utang na di mo alam kung kailan ka makakabayad. Tapos dinadala pa natin sa relasyon natin sa Dios. Sa Christian life, sa ministry, para bang tumatanaw ka ng utang na loob sa Dios. Tama ba iyon? Wala ka ngang utang sa Dios. Binayaran na lahat. Walang kapalit.
Di ka makapaniwala, kasi feeling mo ang laki ng utang mo. Tapos ganun na lang, pinatawad lahat. Somehow, akala mo kailangang may maicontribute ka man lang. Sasabihin mo pa, “Di ko mapatawad ang sarili mo.” Don’t be too hard on yourself. Kung ang Dios pinatawad ka, ikaw di mo mapatawad ang sarili mo? That’s not humility. You’re treating yourself as higher than God.
Parang binigyan ka ng tatay mo ng brand new car. Tapos magpropose ka na bayaran mo sa kanya ng 100 pesos a month. Ano ka? Akala mo naman makakabayad ka? Akala mo naman cheap ang binigay sa iyo ng Dios? Binayaran na nga ni Jesus, tanggapin mo nang masaya at may pagtitiwala sa kanya. Iniinsulto mo siya kung babayaran mo, at parang sinasabi mong hindi sapat ang gawa ni Jesus na pambayad sa kasalanan mo. But the good news for us is this – we are completely forgiven. Sabihin mo sa sarili mo iyan araw-araw.
Complete Victory
Dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo, tayo ngayon ay completely victorious. Merong mga tao na may takot sa evil spiritual forces tulad ng demon possession, kulam, bales, multo atbp. Totoo ngang merong spirit world at si Satan ang namumuno dito. Pero ang iba naman, di na naniniwala dyan. Pero nandoon pa rin ang fear of the unknown or the unseen.
Pero kung nasa atin si Cristo, wala tayong dapat ikabahala. Greater is he that is in us than he that is in the world. Dito sa verse 15, military term ang ginamit ni Paul. Sabi niya, “He disarmed the rulers and authorities and put them to open shame, by triumphing over them in him.”
Rule and authority – tumutukoy ito sa mga evil spiritual forces, led by Satan himself. Pero nauna nang sinabi ni Paul na si Jesus ang “head of all rule and authority” (2:10). Even the demons – the invisible world – are subject to him. Kitang-kita ito kung paano magreact ang mga demonyo nang narito si Jesus sa mundo – nanginginig at takot na sumusunod sa kanyang salita.
Nang mamatay si Jesus sa krus, tinanggal niya ang kamandag ng ahas, tinapakan niya ang ulo nito, bilang katuparan ng Genesis 3:15. Satan is a defeated enemy. “He disarmed” them, tinanggalan sila ni Jesus ng kapangyarihan. Parang mga nuclear weapons na wala nang power. He “put them to shame, by triumphing over them in him.” Ang image dito ay parang sa isang victory parade pagkatapos ng isang military conquest. Sa krus, para bang talunan si Jesus. Pero ang totoo, parang hawak niya ang pinugutang ulo ng ahas at ipinaparada sa lahat na ito’y talunan na.
At kung nasa atin si Jesus, we have complete victory. Oo nga’t naghahasik pa rin ng kasamaan ang kaaway sa panahon ngayon. Oo nga’t maraming Christians parang defeated dahil sa suffering, persecution at pagkahulog sa kasalanan. Pero sa pagbabalik ni Jesus, ginarantiya niya na ang lahat ay ipapailalim sa kanyang mga paa. We will rule with him.
Nasa atin na ang pinakamataas na posisyon, wala na tayong dapat ambisyunin pa. Nasa atin na ang pinakamalakas na kapangyarihan, wala na tayong dapat na ikatakot pa. Wala ka nang dapat na patunayan pa, sa ministry, o sa sports, o sa school, o sa business. Napagtagumpayan nang lahat ni Jesus para sa atin. In Christ, we have complete victory.
Wear Your ID at All Times!
Dahil si Cristo ang lahat-lahat, walang kulang sa kanya. At kung nasa atin si Cristo, masasabi din natin na totoo ngang wala nang kulang. We are complete in him. Lahat ng hinahanap natin, lahat ng kailangan natin, sa kanya lang natin matatagpuan. Dahil sa kanya, meron na tayo ngayong complete restoration sa relasyon natin sa Dios, complete renewal sa buhay natin, complete forgiveness sa mga kasalanan natin, complete victory laban sa kaaway natin.
Ang pamumuhay mo ay nakadepende sa tamang pagkakilala mo sa sarili mo. Your life flows from your identity. Noong bata ka, may naglabel sa iyo na bakla, bansot, bobo, tanga, walang kwenta, palamunin, malandi. Sa paglaki mo, ganoon nga ang naging buhay mo.
Pero ang salita ng Panginoon sa iyo ngayon, kung nakay Cristo ka, hindi na iyan ang ID mo ngayon. Expired na iyan. Pinalitan na ni Cristo. Ang nakasulat na sa ID mo ay “restored, renewed, forgiven, victorious.” Wear your ID at all times. Huwag mong tatanggalin. Huwag mong hayaang agawin ninuman. At kung hindi pa iyan ang ID mo, bakit di ka pa ngayon magtiwala kay Cristo at sabihing, “Totoo ngang kay Cristo, wala nang kulang”?
1 Comment