Katatapos ko lang basahin ang Franchising McChurch: Feeding America’s Obsession with Easy Christianity. Binanggit dito ang disturbing trend na nangyayari sa mga churches sa America (at ganoon din naman sa atin). Tinatawag itong McDonaldization (sa atin JolliChurch or Jollibization). Gusto natin fastfood, mabilisan, efficient ang service. Kung baga sa church, dapat maikli lang ang sermon, dapat maayos lahat.
Sa McDo o Jollibee, hindi lang pagkain ang pinupuntahan, may mga toys sa Happy Meal o Jolly Kiddie Meal, di na nga pinapansin ang food basta makuha lang ang mga toys. Ang ibang Christians, hindi lang Word of God ang pinupuntahan, kailangan maganda rin ang sound effects, may visual at video presentations, may entertainment.
May playground din para ang mga bata ay hindi nanggugulo. Dapat daw sa church catered ang mga services sa childcare. Pagpunta mo sa McDo, customer ka, may magseserve sa iyo, magbabayad ka at kapalit ay makuha mo ang maayos na services. Kapag hindi ka satisfied. Lilipat ka sa Jollibee. Sa church ganoon din. Feeling ng iba, komo nagbibigay sila sa offering, dapat masatisfy sila sa services ng church para sa kanila. Kapag hindi sila satisfied, hindi comfortable, mainit at di maganda ang facilities, lilipat sa mas maganda at mas convenient na church.
Ang church, the true biblical definition ng church, ay hindi fastfood restaurant tulad ng McDo o Jollibee. Sa mga nagdaan nating pag-aaral sa Colossians chapter 1, mapapansin nating ang pananaw ni Pablo sa church ay hindi tulad ng brand ng “easy Christianity” kundi ng isang “messy family”. Sa verse 2, tawag niya sa kanila, “faithful brothers in Christ at Colossae” (v. 2). Family, brothers and sisters. Not customers.
Oo nga’t merong mga tulad ni Epaphras na kasama nila, pastor siguro nila, na sinabi ni Paul na “faithful minister of Christ on your behalf” (v. 7). Pero hindi lang siya ang nagseserve at ang mga members ng church ay mga customers niya na paglilingkuran. No! Binanggit din ni Pablo ang tungkol sa relasyon nila sa isa’t isa, “the love that you have for all the saints…your love in the Spirit” (vv. 4, 8), hindi parang nasa isang restaurant na wala namang pakialam sa ibang nandoon (“Basta ako kakain, bahala kayo sa buhay n’yo, walang pakialaman). At ang prayer niya sa kanila ay ito: “makikita na lumalago kayo sa mabubuting gawa” (v. 10). Ibig sabihin, may ginagawang mabuti para sa iba, hindi nakatunganga lang at pinapanood na ang iba lang ang gumagawa.
Ang sermon natin last week sa verses 21-23 ay nagtapos sa pagsasabing, “Akong si Pablo ay naging lingkod [ng Magandang Balita].” At ito ang ipinagpatuloy niyang ilarawan kung anong ibig sabihin nito. Verse 25, “Itinalaga ako ng Dios na maging tagapaglingkod ng iglesia…” Sa verses 23 at 25, parehong salita ang ginamit niya, “minister” (ESV), o “lingkod.” Sa Greek, diakonos, kung saan galing ang word na deacon or diakono na tumutukoy sa mga nangunguna sa paglilingkod sa iba’t ibang ministeryo ng iglesia.
Sa isang banda, nais ni Pablo na ihiwalay ang sarili niya sa mga false teachers sa Colosas at ihighlight ang authority niya na galing sa Dios. Pero sa isang banda, naniniwala akong ang description niya ng kanyang pagiging minister ay para magbigay din ng halimbawa para sa bawat isa sa kanila kung paano sila rin maglilingkod sa isa’t isa. Hindi lang si Pablo o si Epaphras ang minister, kundi ang bawat isa. We are family. And we are servants. Lahat tayo may ministry. Kaya dapat maintindihan natin kung ano ang nakapaloob sa ministry na ito. Na tulad rin ng sinasabi ni Pablo dito sa verse 24-29.
Ministry to the Church
Una, ang ministry natin ay para sa church. Sabi ni Pablo sa verse 24 na tinitiis niya ang mga hirap, tulad ng sinapit niyang pagkakakulong. Para saan? “…para sa iglesya na kanyang katawan” (v. 24 ASD). Ganoon din sa verse 25, “Itinalaga ako ng Dios na maging tagapaglingkod ng iglesya.” Ang ministry ay para sa ikabubuti, ikalalago, ikatitibay ng church. Ang salitang diakonos ay karaniwang inaapply sa isang tao na nagsisilbi sa hapag-kainan, “to wait at tables.” Parang waiter. Pero hindi sa isang restaurant. Kundi sa isang bahay. We family. Tulad sa isang pamilya, pinagsisilbihan natin ang bawat isa. Hindi parang mga bata o teenagers na naghihintay lang palaging pagsilbihan ni nanay. Iresponsable ang magulang na siya lang ang gumagawa sa bahay at ang mga anak ay di tinuturuang magtrabaho.
Bilang pastor, may tinatanggap ako na financial support from the church, at thankful ako kay Lord sa generous support ng church. Pero wag n’yong iisiping binabayaran n’yo ako para pagsilbihan kayo at gawin ko para sa inyo kung ano ang gusto n’yo. Yes, I will serve you. Pero di kayo ang tumawag sa akin at nag-appoint sa akin bilang pastor. God has called me and God has appointed me to serve you as pastor. Hindi para ako lang ang magseserve. Kundi para para masanay ko kayo – katuwang ang iba nating mga pastor – na makapaglingkod din kayo. Lahat tayo may ministry. Ang role naming mga pastor ay ito: “to equip the saints for the work of the ministry” (Eph. 4:12). Sino ang gagawa ng ministry? Hindi lang ako, kayo rin. Iresponsable ako kung ako lang ang gawa nang gawa. I have to make sure that “each part is working properly” (v. 16).
Everyone. Walang exempted. Ito ang goal ni Paul sa ministry niya, verse 28, “That we may present everyone mature in Christ.” “Sa ganoon, maihaharap namin ang bawat isa sa Dios na ganap sa pakikipag-isa nila kay Cristo.” Mature, perfect, complete. Ibig sabihin, tulad ni Cristo. Christ-like sa paglilingkod, sa pag-ibig sa kapwa, sa pagsasakripisyo. Everyone dapat. Everyone na nandito na sa church. Everyone din na mga nasa labas pa, di pa kilala si Cristo. Sasanayin ang bawat isang naririto sa paglilingkod. Aabutin ang mga nasa labas para di na sa sarili maglingkod kundi para kay Cristo na. Di matatapos ang ministry natin. Matatapos lang sa pagdating ni Cristo. Walang retirement sa ministry. Ang laki ng ministry para sa isang pastor o iilang mga leaders ng church. EveryJuan kailangan.
Nakita ko the other day ang post ng isang kilala kong pastor tungkol sa publicity stunt ng chairman ng MMDA na siyang nagtatraffic. Totoo namang problema ang traffic ang Manila. Napakalaking problema. Di kaya ng MMDA Chairman lang. Tulung-tulong dapat ang mga traffic aides, mga motorista at mga bus drivers dapat. Sabi ni Ptr. Nixon tungkol dito, “This photo also shows what is happening in many churches today. Pastors are called to equip the saints for works of ministry. But the saints want the pastors to do ministry for them. On the other hand, there are also pastors who find significance in doing every ministry and thus hinder the development of leaders and mobilization of Christ’s disciples.” Ang ministry ay para sa lahat, hindi lang para sa iilan.
Ministry from God
Dahil, ikalawa, ang ministry ay galing sa Dios. Verse 25, “Itinalaga ako ng Dios…” Hindi lang si Pablo, hindi lang mga pastor, kundi lahat tayo ay tinawag ng Dios na maglingkod. Sa ESV, “I became a minister according to the stewardship from God that was given to me for you.” Ang ministry ay para sa iglesia, oo. Pero dapat nating tandaan na ito ay galing sa Dios. Ang salitang oikonomos ay tumutukoy sa isang “household manager” or “steward.” Ibig sabihin, katiwala, hindi may-ari. Ang pamamahala at paglilingkod sa bahay ng may-ari, sa mga anak ng may-ari, sa business interests ng may-ari ay ipinagkatiwala sa kanya. Pero hindi siya ang masusunod. He must be found faithful. Faithful stewardship sa ministry ang calling natin.
Tandaan natin na ang ministry natin ay hindi sa atin, hindi natin pag-aari. We are not building our own kingdoms, we are citizens of “the kingdom of his beloved Son” (v. 13). He is the King. We are not. “He is the head of the body, the church” (v. 18), hindi tayo ang ulo, hindi tayo ang masusunod. This is not my church, your ministry is not yours. We are not owners. We don’t own people. We don’t control them. Kahit na team leader ka, kahit na discipler ka. Hindi sa iyo ang mga taong iyan. Our job is not to be successful, but to be faithful. Kapag kasi success, sa harap ng tao ang basehan mo. Marami bang tao, maganda ba ang resulta, effective ba. Sabi ni Bob Kauflin, “More people doesn’t always mean we’re pleasing God. It could just mean we’re good at marketing” (Worship Matters, p. 59).
Pero sa harap ng Dios, hindi numbers, hindi efficiency ng technology ang basehan, hindi masigurong ayos ang lahat. Kundi nagagawa ba natin ang mandate na ibinigay sa atin ng Dios? Sabi ulit ni Bob Kauflin, “Being faithful means fulfilling the desires of another. We don’t define our ministry; God does. And he hasn’t left it up to us to determine the content and purpose of what we do. We’re fulfilling a responsibility he has given us” (p. 58). Hindi palakihan, pagandahan o pahusayan ng church o anumang ministry ang pinag-uusapan. Katapatan ang usapan dito.
We are all servant-stewards. Lingkod at katiwala. Lahat tayo ay nasa full-time paid ministry, ayon nga kay Jeff Vanderstelt, pastor ng Soma Communities. Hindi lang ako ang “full-time paid minister.” Lahat din kayo ay tinawag ng Dios para magministry hindi lang sa loob ng church kundi sa loob ng bahay, sa school, sa office, sa business. At ang paycheck n’yo ay nanggagaling sa parents n’yo o sa company n’yo o sa tindahan n’yo. Iba-ibang sources, pero lahat galing sa Dios, to release us to do full-time Christian ministry. Hindi lahat sa atin gagawin ang tulad ng ginawa ko na iwan ang trabaho at magpastor o missionary. Huwag n’yong isiping ang sa inyo ay secular at sa akin ang mas sacred, sa inyo ay lesser at sa akin ay higher calling. Saan ka man naroon, basta ang ginagawa mo ay kung ano ang pinapagawa sa iyo ng Dios, that’s a high calling. Yan ang ministry.
Preaching the Gospel
Dahil pangatlo, ang ministry natin ay ito: to proclaim and demonstrate the gospel in our life. Para ipahayag at ipakita ang Magandang Balita ni Cristo. Dahil sa ginawa ni Cristo para sa atin – tinawag ni Paul ang sarili niya na minister of the gospel (v. 23). Anong ipinapagawang ministry sa kanya ng Dios? Verse 25, “to make the word of God fully known.” Nagpupunta si Pablo sa iba’t ibang lugar kasi marami pang tao ang di nakakarinig ng Salita ng Dios. Ang ambisyon n’ya ay ipangaral si Cristo sa mga taong di pa nakakakilala sa kanya (Rom. 15:20). At para naman sa mga taong nakakilala na kay Cristo, mga disciples na, tulad ng mga Christians sa Colosas, ang ministry niya ay ituro ang kabuuan ng Salita ng Dios.
Yes, buong Word of God, mula Genesis hanggang Revelation. Nang sabihin niya kay Timothy na “preach the Word” (2 Tim. 4:2), “all Scripture” ang tinutukoy niya (2 Tim. 3:16). Kasi kailangan natin ang buong salita ng Dios para masanay sa paglilingkod (v. 17). To “present everyone mature in Christ,” we need all of the word of God. Kaya sabi niya sa mga elders sa Ephesus, “I did not shrink from declaring to you the whole counsel of God” (Acts 20:27 ESV).
Hindi lang si Paul ang may ganyang ministry, hindi lang mga pastor, kundi lahat tayo. Sabi ni Jesus, “Make disciples of all nations…teaching them to obey everything I have commanded you” (Matt. 28:19-20). To make the word of God fully known ang ministry natin, para sa lahat.
Hindi lang basta-basta ituro ang Bibliya. Kasi marami namang basta-basta lang magturo o magquote ng mga Bible verses. Siguraduhing ang pagtuturo natin ay nakasentro kay Cristo. Kung siya ang pinakadakila sa lahat (Col. 1:15-20), di ba dapat lang na ipakita natin sa Salita ng Dios na siya nga ang Bida? Kahit sa Old Testament? Di ba’t wala pa naman siya noon? Yes, kahit sa Old Testament.
Verse 26, “Ito ang lihim niyang plano na hindi inihayag noon sa mga naunang panahon at mga salinlahi, pero ngayon ay inihayag na sa atin ng mga pinabanal niya.” “Mystery” (ESV) ang binabanggit dito. Hindi ibig sabihing sikreto na para lang sa exclusive group of people. Oo nga’t nakatago si Cristo sa Lumang Tipan, pero ngayon nahayag na siya at makikita nating lahat ng nakasulat sa Lumang Tipan ay patungo sa kanya (Luke 24:27, 44). Verse 27, “Nais ng Dios na ihayag sa atin ang dakila at kamangha-mangha niyang plano para sa lahat ng tao. At ito ang lihim na plano: Si Cristo ay nasa inyo at ito ang basehan ng pag-asa n’yo na makamtan ninyo ang napakabuting kalagayan sa hinaharap.” “Christ in you, the hope of glory.” Yan ang magandang balita. Dati akala ng mga Judio sa kanila lang ang pagpapala ng Dios. Pero ngayon sabi ni Pablo sa mga taga-Colosas, para sa lahat, kahit mga Gentiles or non-Jews.
So, when you read the Word and teach the Word, si Cristo ang bida, ang ginawa niya ang pinakamahalaga, ang relasyon niya sa atin ang pinakaimportante. Minsan sa mga churches, kahit sa mga Bible studies, kung anu-ano ang pinag-uusapan, lesser things kung ikukumpara kay Cristo. Naisasantabi ang Panginoong Jesus. Pero para kay Pablo, verse 28, “Kaya nga ipinangangaral namin si Cristo sa lahat ng tao.” “Him we proclaim,” may emphasis kay Cristo. Ang ministry natin ay hindi magturo ng mga good moral values, hindi rin system of doctrines, hindi rin philosophies o kaya’y mga prinsipyo sa buhay. Our ministry is proclaiming to people the greatest Person in all the universe – walang iba kundi si Cristo.
Sasabihin ng iba, “Mukhang hindi naman ata praktikal iyan.” Pero para kay Pablo, nothing is more practical and relevant than proclaiming Christ. Tuloy natin ang verse 28, “Pinapaalalahanan at tinuturuan namin ang bawat isa ayon sa karunungang ibinigay sa amin ng Dios.” Kailangan natin ang karunungan ng Dios kung paanong praktical na mailalapat sa buhay ang gospel, kung paano nito naaapektuhan ang bawat bahagi ng buhay natin. Pinaaalalahanan o warning (counseling) sa mga paraan ng pamumuhay na di sang-ayon kay Cristo at sa kanyang ginawa para sa atin. At tinuturuan kung paanong bawat bahagi ng buhay ay sang-ayon kay Cristo.
Ito ang totoong Christian ministry, nakasentro kay Cristo. Kaya nga mahalagang maturuan ang bawat isa kung paanong magbasa ng Bible na gospel-centered (Digging for Diamonds at Story of God), kung paano magdisciple na gospel-centered (One2One at Fight Clubs), kung paano turuan ang mga bata sa Sunday School at sa bahay na nakasentro kay Cristo, hindi sa mga values or morals. Yan ang approach ko sa pagtuturo ng mga parents sa 4Ps, pati sa marriage counseling. Hindi para ituro kung paano maaayos ang pamilya’t pagsasama nilang mag-asawa, kundi kung paanong si Cristo ang babago sa relasyon nila.
Kaya tandaan mong ang ministry ay hindi lang pagtulong sa ushering o collecting offerings o sa technical. Mahalaga iyon, pero kahit non-Christians kayang gawin iyon. Wag kang hanggang dun lang. Dito sa church, sa labas, kahit saan, Sunday man o ibang araw, make sure you are proclaiming Christ or showing Christ in your life. Yan ang Christian ministry.
Suffering for the Gospel
At hindi madali iyan. Kaya nga si Pablo nakulong dahil dyan. Pero maganda ang perspective niya dito. Yan ang pang-apat, ang ministry ay mahirap na masaya. Verse 24, “Masaya ako sa mga nararanasan kong paghihirap para sa inyo…” Sasabihin natin, “Baliw ka ba Pablo? Sino ba ang nahihirapan na, nakakulong pa, tapos masaya?” May dahilan kasi. Si Cristo, wala nang iba. Sabi pa niya, “…Dahil sa mga paghihirap ko sa katawan ay napupunuan ko ang mga paghihirap ni Cristo para sa iglesya na kanyang katawan.” Masaya siya kasi ang sufferings niya napupunuan ang sufferings ni Christ – “filling up what is lacking in Christ’s afflictions” (ESV). Hmmm…napupunuan, ibig sabihin may kulang. Mali ata ang title ng sermon series na ‘to na Wala Nang Kulang?
Let me explain. At very helpful ang paliwanag ni John Piper sa text na ‘to. Dapat tingnan natin ang context ng passage natin, kaya nga sa huli ko tinalakay ang verse 24. Walang kulang sa ginawa ni Cristo. Sapat iyon para tubusin ang lahat ng sasampalataya sa kanya, para mapatawad ang lahat ng kasalanan natin (v. 14). Ang kulang na pinupunuan ni Pablo ay ang realidad na hindi pa ito alam sa buong mundo, hindi pa ito nakakarating sa mga dapat makarinig nito. Para sa maraming tao, mystery pa rin ito. Kailangang dalhin ang balitang ito ng ginawa ni Jesus ng mga ministers niya – tayo iyon. Pinupunan natin ang kulang sa sufferings ni Cristo sa pamamagitan ng pagdadala nito sa iba. And that means sufferings for the gospel is necessary in our ministry.
Bago ako naging pastor, water resources engineer ako sa San Miguel Corp. Meron kaming project na maghanap ng water source sa hog farm sa Bukidnon. Pwedeng sa spring source o sa river sa gilid ng farm. Pwede pareho, costs lang ang difference. Parehong sufficient ang tubig, sapat sa kailangan ng mga baboy. Ganoon din ang ginawa ni Cristo – he’s the fountain of living water – sapat sa pangangailangan ng lahat. Pero kailangang ang tubig na ito ay malagyan ng pipeline para makarating sa mga baboy. Ganoon din ang gawa ni Cristo, kailangan nating dalhin sa mga tao. Sapat nga, pero balewala kung di naman malalaman ng iba. Yan ang ministry natin.
Oo, mahirap, masusubok ka, may panahong gusto mo nang tumigil. For the last six years na pastor ako, ni hindi ako nanghinayang na iniwan ko ang trabaho ko sa San Miguel. Except nitong nakaraang araw lang. Meron kasi kaming pangarap na mag-asawa na ipatayo. Pero nag-aalala ako baka masimulan tapos di matapos. Nasabi ko tuloy sa kanya, “Bakit nga ba ako nagpastor?” Mahirap ang ministry. Kaya para magpatuloy ako hanggang sa katapusan, kailangan ko ang biyaya ng Dios. Ganoon din ang sabi ni Pablo, verse 29, “At para matupad ito, nagpapakahirap ako sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Cristo na nagpapalakas sa akin.”
Maraming kailangang trabahuhin, maraming kailangang pagpaguran, maraming kailangang sakripisyo, maraming kailangang iiyak sa Panginoon, maraming kailangang pagtiyagaan. Pero sapat ang tulong na galing sa Dios. Bakit ka magrereklamo sa ministry? Bakit hindi mo ienjoy na nakakatulong ka sa iba, nabibigyang-karangalan ang Dios? Bakit ka susuko kapag mahirap na? O baka ang iba sa inyo, paeasy-easy lang. Baka hindi ministry ang ginagawa mo. Baka trip mo lang o kung ano ang feel mo. Pag may pinagawa sa iyo ang Dios na ministry, tapos feeling mo mahirap, siyempre kailangan mo kapangyarihan ng Dios. Yan ang totoong ministry, mahirap, pero enjoy.
McChurch or Christian Ministry?
Sa pag-aaral natin sa passage na ‘to, I will define Christian ministry this way: It is proclaiming all of Christ in all the Word of God for all the people of God with all the wisdom and power of God. Meron kang choice kung gusto mong salihan ang isang McChurch, easy-easy lang. O totoong Christian ministry, mahirap, pero fulfilling. Sabi sa dulo ng Franchising McChurch:
When the size and the sphere of influence of the congregation measure success more than faithfulness to the Word and the spreading of the gospel, then McChurch has taken hold. The consumer replaces God’s Word as the foundation for the ministry. The desires of the masses differ from the demands of Christ. In order to quit McChurch, the church must decide that its duty and obligation is to provide for the true spiritual needs of the people and not the desires of the consumer. After all, the church worships an audience of One— Jesus Christ— and is accountable only to Him. (p. 219).
[When] you shift from immediate gratification to an eternal perspective……you will no longer desire to be entertained as much as you will desire to learn more about the Word of God…You will come to church to sing praises to your Lord and not to listen to your favorite style of music…You will no longer see the offering as the preacher’s way of building his kingdom, but you will see the opportunity to give as a small token of gratitude for what you have been given. You will begin to pray that your own children may be missionaries in a developing country because all of sudden the gospel becomes more important than a three-car garage. You will not desire to be a member of a church where only cool people attend. Instead you will want to learn from your elders, care for the widows, be a father to the fatherless, minister to the orphans; and you will find fellowship among those who don’t fall into your same economic or racial class. Put another way, people will go to church not asking what the church can do for them, but what they can do for the church…The church staff will no longer be viewed as the hired gun to present the gospel. It is the job of each Christian to share the gospel. The church staff equips the body for works of service. (pp. 213-214)
I’m super enjoying when I’m reading like this 😇
LikeLike