Part 8 – The Peacemaking Church

progressivechristianity.orgAyon sa Isaias 55:10-11, ang Salita ng Dios ay parang ulan na dumidilig sa lupa na siyang nakapagpapalago sa halaman. Ang Salita ng Dios ay hindi nawawalan ng kabuluhan. Isinasakatuparan nito ang ninanais niya at kung ano ang layunin niya sa buhay natin at sa church natin. Nakikita at nararamdaman nating totoo iyan sa mga nagdaang linggo bilang tugon sa mga salita niya na naririnig natin sa series na The Peacemaker.

God is really at work through his Word. Meron na akong ilang mga nakausap na nagsabing inapply nila ang napapakinggan nila tungkol sa resolving conflicts. Merong humihingi ng prayers dahil nahihirapan sila. Meron namang kumausap sa akin tungkol naman sa iba na nagtangkang kausapin sila o meron silang kinausap pero hindi naging successful ang resulta. Meron namang kumausap sa akin tungkol sa isang bagay na ginawa ko na di niya nagustuhan.

Mainam na nagiging intentional tayo sa pagsunod sa salita ng Diyos. Pero siyempre hindi madali ang proseso. Conflict resolution is not an ordinary work. It is hard work because it is heart work. Inaalalayan natin ang puso ng taong kakausapin natin. Kapag may kakausap sa atin tungkol naman sa mga shortcomings natin, nagrereact ang puso natin. Even in our obedience mag-iistruggle tayo. Kaso lalabas ang mga sinful tendencies natin na makahahadlang para magkaroon ng magandang resolution sa conflict.

Buti na lang merong Dios na siyang magbibigay ng karunungan at lakas sa atin para magawa ang kanyang kalooban. Siya ang nangakong ang sinumulan niyang magandang gawa sa mga relasyon natin ay ipagpapatuloy niya hanggang matapos (Phil 1:6).

So, in this last sermon sa series natin, ang goal ko ay makita natin kung saan ang patutunguhan natin bilang isang church – na tayo ay maging isang peacemaking church. We will look at three things – the foundation of a peacemaking church, the characteristics of a peacemaking church, and the commitment or pledge of the members of a peacemaking church.

Grace as Foundation

The foundation of a peacemaking church is the grace of God. Walang peacemaking na mangyayari kung walang grace. Kaya nga every sermon, I make it a goal to emphasize the gospel of grace. Kailangang ulit-ulitin natin iyan at alalahanin, kasi madali tayong makalimot. We Christians are people of grace. A peacemaking community is a grace-filled community. Kaya nga tinatawag natin ang church natin at bawat komunidad na bumubuo dito na GraceCommunity. Nakadikit iyan, hindi puwedeng ihiwalay. Hindi rin aksidente na sa mga sulat ni Pablo, ang pagbati niya sa bawat iglesia ay “Grace and peace to you” (Eph 1:2). Walang peace kung walang grace.

Alam na natin na we are saved by grace, not by works (Eph 2:8-9). But we need to be reminded na sa hard work ng keeping and building harmonious relationships, kailangan din natin ng grace ng Panginoon. We need grace desperately. Sumulat si Pablo sa mga taga-Efeso, hindi ito mga Judio, pero sila’y mga Cristiano na. Natanggap nila ang biyaya ng Dios. Pero sinabi pa rin ni Pablo sa kanila, “Alalahanin n’yo ang kalagayaan ninyo noon…na wala kayong kaugnayan sa Dios…” (2:11). The Jews need grace. You Gentiles need grace. Lahat tayo ay in desperate need of God’s grace. “Alalahanin n’yo rin na noon ay hindi n’yo pa kilala si Cristo…Namuhay kayo sa mundong ito na walang pag-asa at walang Dios” (2:12). Kung tayo rin aalalahanin nating ganyang ang kalagayan natin dati, tulad din ng mga taong nakakaaway natin o di nakakasundo, it will keep us humble. Pare-pareho tayong makasalanang nangangailangan ng biyaya ng Dios.

Pare-pareho din tayong tumanggap ng biyaya ng Diyos dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo, hindi dahil sa pagsisikap natin. Lahat tayo na magkakapatid kay Cristo, we received grace abundantly. “Ngunit kayo ngayon ay nakay Cristo na. Kahit na malayo kayo noon sa Dios, ngayon malapit na kayo sa kanya sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. At sa pamamagitan ng kamatayan niya, pinagkasundo niya tayo…winakasan niya ang alitan natin at ibinalik niya tayo sa Dios. Pumarito si Cristo ay ipinahayag ang Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan…” (vv. 13, 14, 16, 17). Dahil sa biyayang natanggap natin, wala nang dahilan para hindi tayo makipagkasundo sa iba. The blood of Jesus is enough to cover all our sins – kasama ang mga kasalanang nakakahadlang para maayos ang relasyon natin sa kapatid natin.

The gospel is not just a past reality. Kailangan natin ito araw-araw. We still need and receive grace daily. Tayo’y “kabilang sa pamilya ng Dios”(v. 19). Tulad ng isang pamilya, magulo, messy, may away-away. Kailangan natin ang tulong ng Dios. Para tayong gusali na “ang pundasyon ay si Cristo Jesus” (v. 20). Jesus, his grace, is our foundation. “Sa pamamagitan ni Cristo, ang lahat ng bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang banal na templo ng Panginoon. At dahil kayo ay nakay Cristo, bahagi na rin kayo nitong gusaling itinatayo, kung saan nananahan ang Dios sa pamamagitan ng Espiritu” (vv. 21-22). We are all a work in progress. At gusto natin sa bawat isa sa atin, sa church natin, maranasan natin ang presensiya ng Dios na kumikilos sa kalagitnaan natin as he does his transforming work in us through the fires of conflicts.

Kung lahat tayo ay nakatayo sa biyaya ng Dios bilang pundasyon ng iglesiang ito, we are able to give grace generously kahit sa mga taong nagkasala’t nakasakit sa atin. Kasi inaalala kong ako rin naman, kailangang may baguhin sa puso ko. Kasi inaalala kong sobra-sobra ang biyayang natanggap ko sa Dios, hindi ko na kailangan ang approval ng ibang tao. I am secured in my identity in Christ. Inaalala ko rin na anumang conflicts ay ginagamit ng Dios para hubugin ako at ang church natin ayon sa nais niya.

Characteristics of a Peacemaking Church

Sa book ni Ken Sande na The Peacemaker (p. 292), ibinahagi niya ang ilan sa mga katangiang kailangan ng isang church para mahubog ang peacemaking culture. I just summarized some of the characteristics na binanggit niya doon. I will mention five.

Leadership. Sa Ephesians 4:11 ay binanggit ni Pablo na ang mga leaders tulad ng mga pastor-teacher ay regalo ng Diyos sa church. As your leaders we have a God-given vision for this church. “Sa ganitong paraan, maaabot nating lahat ang pagkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Dios, at ganap na lalago sa espirituwal nating pamumuhay hanggang maging katulad tayo ni Cristo” (v. 13). Christ-likeness, that’s our goal. Anong paraan ang binanggit muna ni Pablo bago mangyari ito? We leaders must train you, “equip the saints for the work of the ministry, for building up the body of Christ” (v. 12).

Ang peacemaking ay trabaho nating lahat. But we your leaders will take the lead role in this. Tutulungan namin kayo. Mamamagitan kami sa mga conflicts na di maresolba sa personal na usapan. We will be your role models pagdating sa pagkakasundo. But of course, pray for us. Kami rin pumalpak sa gawaing ito. May mga pagkakataong kami rin ang nagiging source ng conflict. So we are asking for your forgiveness, understanding and prayers.

AccountabilityKaming mga leaders may pananagutan sa inyo. Kayo rin, we will hold accountable. Hindi natin kailangang magmalinis dito sa church. If we want to experience healing in our relationships, we must confess our sins to one another (James 5:16). I will also confess my sins. Kaya meron akong Fight Club, at dapat lahat sa atin meron din. Kaya meron tayong GraceComm, na inooversee ng isang shepherd leader para accountable tayong lahat. We must learn to ask hard personal questions. We must rebuke our sinning brother and sister. Papaalalahanan natin palagi ang bawat isa dahil mapanlinlang ang kasalanan (Heb 3:12-13). Hindi natin papabayaan ang pagkikita-kita natin, hindi tayo mag-iiwasan, para mas mahikayat natin at mapalakas ang bawat isa (Heb 10:24-25).

Restoration. Magsabi man tayo ng masakit na katotohanan sa ating kapatid, ang goal ay loving restoration. Na magkaroon ng repentance and forgiveness and reconciliation. Ganyan ang sabi ni Pablo sa mga taga-Corinto na gawin nila sa mga nakasakit sa kanila at sa kanya din personally (2 Cor 2:5), “Patawarin na ninyo siya at patatagin, dahil baka maging labis ang kanyang hinagpis at tuluyang panghinaan ng loob. Nakikiusap ako sa inyo na ipakita ninyo sa kanya na mahal n’yo pa rin siya” (vv. 7-8). Tanda ng pagmamahal ang pagkausap sa taong nagkasala para ituwid siya.

Pero merong ilan sa inyo na ang ugali ay ikuwento at ipagsabi sa iba ang tungkol sa kasalanan ng iba. Hindi kayo nakakatulong sa kinukuwentuhan n’yo. Hindi kayo nakakatulong sa kapatid n’yong itsinitsimis ninyo. Gossips destroy relationships. At kung may mabalitaan man kayo tungkol sa kasalanan ng iba, hindi rin makakatulong kung sasabihin n’yo, “Ay, hindi ako aattend ng gathering, baka makita ko siya, baka matisod ako. O sasabihin sa anak n’yo o sa iba, “Huwag ka diyan, hindi magandang influence ang taong iyan.” Our goal is restoration, not alienation or separation.

Kahit sa attempt natin na maayos ang relasyon, tandaan natin na kung hindi tayo maingat, lalong lalala ang sitwasyon. At yan ang gustong mangyari ni Satanas. Kaya sabi ni Pablo, “Nararapat lamang na magpatawad tayo para hindi tayo madaig ni Satanas. Alam naman natin ang mga binabalak niyang masama” (v. 11). Huwag tayong padaig sa Kaaway. Stand firm.

Perseverance. Peacemaking is hard work. Kaya madali tayong matukso na sumuko na, mag-give up na. Kaya sabi ni Pablo, “Pagsikapan ninyong mapanatili ang pagkakaisa n’yo…” (Eph 4:3). Kung may nagkasala, oo nga’t tutulungan nating magbalik-loob (Gal 6:1). Tutulungan din natin ang isa’t isa sa mga problemang dinadala (v. 2). Pero mahirap iyan. Tayo nga, minsan feeling natin sangkatutak na ang personal nating problema, tutulong pa tayo sa iba. O kung tumulong man tayo, pero di naman naging successful. O kaya sandali lang ang naging resulta, balik na naman sa dating gawin, paulit-ulit na pagkakasala at nasisirang relasyon. Nakakapagod. Naranasan na po natin iyan, kaya ganito akong magsalita.

Pero ang nais ng Dios, “huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko” (v. 9). Walang bibitiw. This church is your family. Stay in it for the long haul. Maliban na lang kung tawagin kayo ng Dios sa ibang lugar. Pero huwag ka basta-basta lilipat ng church dahil lang meron kang di nakasundo dito. Let us persevere in keeping our relationships as brothers and sisters, as one family. This will be hard, this will be messy, but it will be worth it.

Witness. Hindi natin binibigyan ang mga tao ng impression na everything is OK dito sa church natin. Kasi hindi naman. May pag-aaway din at mga di-pagkakasundo. But we keep loving each other. Ito ang sinasabi ng Panginoon na sa pamamagitan nito makikilala ng lahat na tayo ay mga tagasunod niya (John 13:34-35). Hindi natin kailangang magpanggap at sabihin sa mga tao na we have a perfect marriage, we have a perfect family, we have perfect relationships. Mas mainam nga na malaman nila na may mga conflicts din tayo. Pero sa kabila noon, hindi tayo nagkakawatak-watak, nananatili pa ring nagkakaisa alang-alang sa Panginoong Jesus. Ito naman ang prayer niya sa John 17. Na magkaisa tayo. Para saan? “…so that the world may believe that you have sent me…so that the world may know that you sent me and loved them even as you loved me” (vv. 21, 23). Para makilala nila si Jesus na siyang pinagmumulan ng kapayapaan, pagpapatawad at pag-ibig.

Heto ang mahahalagang katangian ng isang peacemaking church. May leadership na committed na maglingkod para masanay tayong lahat na maging peacemakers. May accountability – may maganda at loving na pakikialam at panghihimasok sa buhay ng iba. Nagkakaisa para sa restoration ng mga kapatid na nagkasala’t nagkakasala. May perseverance, di basta-basta umaayaw at sumusuko. May magandang witness o patotoo sa pag-ibig at biyaya ng Diyos na kumikilos at namamagitan sa ating mga relasyon. Pero hindi mangyayari ang mga iyan sa church natin kung wala tayong gagawin. Lahat po tayo ay may pakikibahagi dito. We all must make a commitment or pledge to be peacemakers.

My prayer is that all of you will commit to take this pledge…The Peacemaker’s Pledge.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.