At the heart of Paul’s message is the cross of Christ. “May I never boast except in the cross of our Lord Jesus Christ” (Gal. 6:14). Sapat-sapat ang ginawa ni Cristo. Walang kulang. Ibinigay niya ang kanyang sarili para sa atin upang bayaran ang ating mga kasalanan at upang hanguin tayo mula sa kasamaan ng mundong ito (1:4). Siya ang nag-alay ng kanyang sarili para sa atin dahil sa kanyang pag-ibig sa atin (2:20). Binigyang-diin sa pangangaral ni Pablo ang katotohanang nakahandusay ang katawan ni Cristo sa krus dahil sa ating pagrerebelde sa Diyos (3:1). Pinalaya tayo sa sumpa ng kautusan nang si Cristo ay sumpain ng Diyos sa krus at dalhin ang bigat ng kanyang parusa alang-alang sa atin (3:13). Dahil kay Cristo, malaya na tayo (5:1)! Kaya nga sabi ni Pablo, “We preach Christ crucified” (1 Cor. 1:23). May iba pa bang mas mahalaga kaysa rito?
Kung hanggang ngayon ay tangan-tangan mo pa rin ang ibang bagay o ibang relihiyon o ibang tao dahil akala ninyo’y makapagliligtas ito sa inyo, bitiwan na ninyo! You cannot hold on to Christ and hold on to other things at the same time. You must let go of one and take hold of the other. Embrace the cross of Christ and cry out, “Save me, Lord! Wala na akong ibang panghahawakan o tatakbuhan kundi ikaw lang!”
– From my sermon on Galatians 6:11-18 entitled “Christ Crucified, My Only Boast”