Part 6 – The Grace of Discipline

http://freewallpaperbeautifulnature.blogspot.com/Negatibo ang dating kapag discipline o pagdidisiplina ang pag-uusapan. Bakit kaya? Isang dahilan ay dahil sa mga negative experiences mo sa family. Noong bata ka pa, ang image na pumapasok sa isip mo kapag discipline ang pinag-uusapan ay ang tatay mo na hinahampas ka ng sinturon, sinisigawan ka, minumura ka. Kaya kapag may nagawa kang kasalanan, takot kang mahuli ka ng magulang mo. Kapag sinabi ng kapatid mong, “Hala, lagot ka,” nanginginig ka na sa takot.

O kaya naman, tatay mo na wala naman sa tabi mo, walang pakialam sa iyo. Nagrebelde ka na para mapansin lang, pero hinayaan ka lang. O kaya naman, isa ka nang magulang ngayon at hirap na hirap ka na sa pagdidisiplina ng anak mo, parang walang nangyayari. Hindi mo na alam ang gagawin mo. Nasasabi mo, “Hmmm. Bahala ka sa buhay mo.”

Isa pang posibleng dahilan ay dahil sa mga negative experiences mo sa church. Maaaring may nagawa kang kasalanan noon – sexual immorality, halimbawa – at pinatayo ka agad sa harap ng church at pinagconfess sa nagawa mong kasalanan. Naexperience mo ang kahihiyan at di mo naramdaman ang pagmamahal sa iyo. O kaya naman, meron kang kilala na nawawala na sa church dahil sa kasalanan pero parang neglected naming mga leaders at parang walang ginawang aksyon para madisiplina siya.

O kaya naman, isa ka sa mga church leaders at naranasan mo kung paano iproseso’t pag-usapan ang pagdidisiplina sa isang miyembro. Nakakapagod. Messy. Lalo na kapag hindi positibo ang response. Kapag D.A. o disciplinary action ang pag-uusapan sa church, negative ang dating.

Negative kasi meron tayong imperfect parents, imperfect family, imperfect leaders, imperfect church. At tayo mismo, kasali tayo sa imperfect na iyon. We live in a fallen and broken world. Pero kung ang image natin ng discipline ay manggagaling sa ating Diyos – our perfect Father – at ipapractice natin nang naaayon hindi sa nakasanayan natin sa mundo kundi sa perfect Word of God, magiging positibo ang pananaw natin tungkol dito. Makikita natin, and this is my prayer for you today, na ang pagdidisiplina ay biyaya ng Diyos na nagpapakita ng laki ng pagmamahal niya sa ating mga makasalanan.

The Heart of the Father

We treat our church as family. God is our perfect Father. At bilang Ama sa ating magkakapatid kay Cristo, ayaw niya na meron mang isa sa atin ang maligaw ng landas o kaya ay maglayas. Tingnan n’yo ang Matthew 18, “Ano sa palagay n’yo ang gagawin ng taong may 100 tupa kung mawala ang isa? Hindi ba’t iiwan niya ang 99 sa burol at hahanapin ang nawawala” (v. 12 ASD)? Inihalintulad ang Diyos dito sa isang shepherd na inaalagaan ang kanyang mga tupa. Iba ito sa konteksto ng nawawalang tupa sa Luke 15. Doon ang tinutukoy ay isang unbeliever. Dito naman sa Mateo 18, isang disciple na ng Panginoong Jesus na nalihis ng landas. Ito ang mga “little ones” (ESV) sa verse 10. Hindi papabayaan ng Diyos na maligaw tayo at malihis nang tuluyan. Dinidisiplina tayo ng Diyos para maibalik sa kanya.

Natutuwa ang Ama kapag ang anak niya ay nagbalik-loob sa kanya. We don’t have to fear him. Hindi galit ang sasalubong sa iyo, tulad ng experience mo siguro sa magulang mo. Kundi tuwa na umuwi ka na at hindi ka napahamak. Verses 13-14, “Ang totoo, kapag nakita na niya ang nawalang tupa, mas matutuwa pa siya rito kaysa sa 99 na hindi nawala. Ganito rin naman ang nararamdaman ng inyong Amang nasa langit. Ayaw niyang mawala ang kahit isa sa maliit na batang ito.”

Ang pagdidisiplina ay tanda ng pagmamahal niya sa atin bilang kanyang mga anak. “Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya, at pinapalo niya ang itinuturing niyang mga anak” (Heb. 12:6, cited from Prov. 3:12). Kapag hindi ka pinapalo, kapag walang pakialam sa iyo, ibig sabihin hindi mo nararamdaman ang fatherly love. Hindi mo nararamdamang itinatrato ka bilang isang anak.

Mahal tayo ng Diyos. Anak tayo ng Diyos. Sino ba ang dapat disiplinahin? Iyong mga nagkasala ng sexual immorality, oo. Iyong mga nagiging dahilan ng pag-aaway-away sa church o sa family, oo. Pero hindi lang iyon. Lahat tayo dapat disiplinahin! Bakit? Kasi lahat tayo mahal ng Diyos. Lahat tayo na nakay Cristo ay mga anak ng Diyos. At lahat tayo ay nagkakasala pa at hindi pa tuluyang matuwid at banal na tulad ng Diyos at ng Panginoong Jesus.

Anong gustong mangyari ng Diyos sa pagdidisiplina sa atin? “Ang pagdidisiplina ng Dios ay laging para sa ikabubuti natin upang maging banal tayong gaya niya” (v. 10). Gaya niya. Para maging katulad niya. Anong kinalaman nito sa peacemaking? “Blessed are the peacemakers, for they shall be called sons of God” (Matt. 5:9). Sa pagdidisiplina at peacemaking, we reflect the heart of God. Tingnan natin ang koneksyon nito sa 5Ts ng biblical peacemaking.

  1. Una, tumingin sa Diyos. Habang tumitingin tayo sa Diyos, nakikita natin ang perfect love niya, ang perfect holiness niya. And we desire to glorify him and be like him.
  2. Ikalawa, tumingin sa sarili. Nakikita natin ngayon sa puso natin ang mga kasalanan at mga imperfections na kailangang linisin ng Diyos, na kailangan nating ihingi ng tawad.
  3. Ikatlo, tumingin sa krus ni Cristo. Doon makikita natin ang pagmamahal ng Diyos. Na sa kabila ng kasalanan natin o kasalanang nagawa sa atin, tatanggapin tayo ni Cristo. And as we look to him, we become like him in the process.
  4. Ikaapat, tulungan siyang makita ang sarili niya. Meron tayong bahaging gagampanan para kausapin siya at maipakita na kailangan din siyang madisiplina o maituwid.
  5. Ikalima, pagtulungang maayos ang relasyon. Relasyon sa Diyos. Relasyon sa isa’t isa. That’s the goal of peacemaking and discipline – maibalik tayo sa magandang relasyon sa Diyos at sa bawat isa. We’ll explore more of these fourth and fifth aspects as we go along in this sermon and the last two.

Discipline is not a pleasant subject. Because discipline is painful. Tayo man ang dinidisiplina o tinutulungan natin ang kapatid nating madisiplina. Kung alam n’yo sigurong ito ang topic ngayon baka di kayo umaattend. Pero nandito kayo, kasi merong gustong ituro ang Diyos sa atin. Alam nating kailangan natin ‘to. Kapag binubunutan ka ng ngipin, masakit pero kailangan. “Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Ngunit ang ibubunga naman nito sa bandang huli ay ang mapayapa at matuwid na pamumuhay” (Heb. 12:11). Mapayapang pamumuhay ang bunga. Peacemaking. Messy at mahaba ang proseso, pero maganda ang bunga sa biyaya ng Panginoon.

The Process of Discipline

Yes, merong proseso ang pagdidisiplina. Hindi naman ito nagagawa nang madalian lang. From this point on, kapag binanggit ko ang disipline, ang tinutukoy ko ay iyong corrective discipline. Iba ito sa formative discipline na halos karamihan ng ginagawa natin sa church ay ganito. We study the Word of God. We pray for one another. May GraceComm. May One2One. May Fight Club. This is formative. Sinasanay tayo ayon sa kalooban ng Diyos. Pero kapag corrective, mas specific. Merong specific na kasalanan na kailangang iaddress, kailangang sawayin at ituwid sa atin o sa kapatid natin.

Malinaw sa Matthew 18:15-17 ang apat na hakbang sa prosesong ito. It’s a process. Ibig sabihin, merong beginning point at meron ding end point. Saan ito magsisimula? Verse 15, “Kung magkasala sa iyo ang iyong kapatid…” Ang kundisyon? Kapag may kasalanang hindi mo maiooverlook o mapapalampas. Tulad ng napag-usapan natin sa mga nakaraang sermon, pwede mong ioverlook iyan hindi lang dahil ayaw mo nang pag-usapan o harapin. Kundi nakikita mong minor offense lang. Hindi naman habitual sa kanya. Hindi naman makakahadlang sa relasyon n’yo. Hindi naman harmful ang effect sa kanya o sa ibang tao. Hindi naman madudungisan ang reputasyon ng Diyos sa labas ng church. Pero kung it’s too serious to overlook, you have to deal with it. Kailangang gawin mo ang mga hakbang na sasabihin ng Panginoon dito sa text natin.

Pero hindi ibig sabihing kapag nagkasala lang siya sa iyo at kapag sa iba na ang kasalanan niya, wala ka nang pakialam. Sa ESV at NLT, ang salin ay mas specific, mas personal, “sins against you.” Pero sa ibang salin nitong verse 15 ang nakasulat ay mas general, “If your brother sins…” (tulad ng NASB at NIV). Hindi man ito ang original na text, supported din ito ng Galatians 6:1, “Mga kapatid, kung may magkasala man sa inyo, kayong mga mga ginagabayan ng Banal na Espiritu ang dapat tumulong sa kanya para magbalik-loob sa Panginoon.” Ang kasalanan man ay laban sa atin o sa iba na we are aware of, meron tayong responsibilidad sundin ang prosesong ibinigay ng Panginoon.

Step #1: One-on-One

Ang unang hakbang na ito ay counter-cultural. Actually, lahat naman ng mga steps din pagkatapos nito ay counter-cultural. The gospel of Jesus is counter-cultural, salungat sa nakagisnan nating gawi o kultura. Karaniwan sa atin, kapag may nagkasala, sasabihin natin, “Mind your own business. Walang pakialaman. Hayaan mo nga siya.” Pero kung sa atin naman nagawa ang kasalanan, “Lintik lang ang walang ganti.”

Pero anong sabi ng Panginoon? Verse 15, “Kung magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Pagsabihan mo siya tungkol sa ginawa niya.” Sa ESV, “Go and tell him his fault, between you and him alone.” Puntahan mo. Take the initiative. Tinuturo din naman ng Panginoon na kung alam mo namang ikaw ang nagkasala o kaya’y ang kapatid mo ay may hinanakit sa iyo, take the initiative din (Matt. 5:23-24). Pero dito sa Matthew 18, kahit siya ang nagkasala sa iyo, ikaw pa rin ang mag-take ng initiative. Wag mo na siyang hintayin.

“Kausapin nang sarilinan.” Hangga’t maaari one-on-one. Di mo kailangang sabihin sa iba ang nagawa niyang kasalanan. Maliban na lang kung hindi mo talaga alam kung ano ang gagawin o ano ang sasabihin o kung paano siya iaapproach. In that case, pwede kang humingi ng tulong sa iba. Pero hangga’t maaari, make it private and confidential.
It’s your responsibility. Hindi ito responsibilidad naming mga church leaders. Sabi ni MacArthur, “The person responsible for initiating discipline is any believer who is aware of another believer’s sin. Discipline is not simply the responsibility of church officials but of every member” (Matthew, 127).

When you fail to confront, hindi ka lang nagiging irresponsible, you are also becoming unloving. Sa Levitius 19, malinaw sa verse 16 na ang pagtsitsismis ng kamalian ng iba ay paninira sa kapwa at unloving. Paano naman kung hindi ka magsasalita? Unloving din. Verse 17, “Huwag ninyong kapopootan ang inyong kapwa. Paalalahanan ninyo siya kung siya’y nagkasala para kayo’y walang panagutan.”

Sabi pa ni MacArthur tungkol dito, “Unwillingness to reprove a sinning believer is a form of hatred of him, not loving him enough to warn him of his spiritual danger…He is not too loving but too uncaring” (p. 129). Sabi naman ng German pastor na si Dietrich Bonhoeffer, “Nothing is more cruel than the tenderness that consigns another to his sin. Nothing is more compassionate than the severe rebuke that calls a brother back from the path of sin” (Life Together). Sabi naman ni Paul Tripp, “We fail to confront, not because we love others too much, but because we love ourselves too much” (Instruments in the Redeemer’s Hands, 202).

At this point, meron kang naiisip na isang tao na nagkasala sa iyo o alam mong nagkasala sa Panginoon. Tinatawag ka ng Diyos na mahalin siya, na lapitan siya at kausapin siya. Sa pagkausap mo sa kanya, anong gusto ng Diyos na mangyari?

Goal: Reconciliation

Verse 15 pa ulit, “Kung makikinig siya sa iyo, magkakaayos kayong muli at mapapanumbalik mo siya sa Dios.” Sa ESV, “You have gained your brother.” Gained or won sa ibang translation. Nang magkagalit kayo o mahulog siya sa kasalanan, parang nalugi. But because your relationship with each other and with God is priceless, para kang kumita nang malaki. That’s our goal. Hindi para ipamukha ang kasalanan niya kundi para tulad din natin matulungan natin siyang tumingin sa Diyos, makita ang mga kailangang baguhin sa puso niya, para magsisi siya, para humingi ka rin ng tawad sa contribution mo sa conflict, para magkasama kayong tumingin sa krus at matanggap ang pagpapatawad ng Panginoon. That’s what it means to speak the truth in love (Eph. 4:15). At kapag nagkaayos na kayo, meron nang repentance, meron nang forgiveness, end of process. Di na kailangan ang step 2. Ulitin mo lang ang step 1 kung meron pang ibang mga taong involved sa conflict o naapektuhan ng kasalanan.

Step No. 2: Double or Triple Team

Pero paano kung hindi naman nakinig, nagmatigas pa at ayaw magsisi? Sa kultura natin karaniwang ginagawa ay ipagsabi sa iba kung gaano kasama ang taong nakaaway natin. Character assassination ang diskarte. Para daw magtino. Yung iba, ipapabarangay na. Pero ang diskarte ng Panginoon, as usual, counter-cultural. Step #2: double or triple team na ang kailangan. Verse 16, “Pero kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka ng isa o dalawa pang kapatid sa pananampalataya para ang lahat ng pag-uusapan ninyo mapapatotohanan ng dalawa o tatlong saksi, ayon sa Kasulatan.”

Hindi mo kayang mag-isa. Kailangan mo ng tulong. Magsama ng isa o dalawa pa para tulungan ka. Not necessarily mga witnesses sa kasalanang nagawa ng kinausap mo. Kundi witness na magcoconfirm na ang kapatid mong nagkasala “was properly rebuked and that he has or has not repented” (MacArthur, 133). Ganito ang ginawa ni Pablo sa di magkasundo sa church sa Philippi, “Nakikiusap ako kina Eudia at Syntique, na magkasundo na bilang magkapatid sa Panginoon. At nakikiusap din ako sa iyo, tapat kong kasama sa pangangaral, na tulungan mo ang mga babaing ito.” Hindi magkasundo ang dalawang babae. Kailangang may mamagitan. Ginagawa iyan ni Pablo at isa pang leader siguro ng church nila na hindi pinangalanan ni Pablo. Ang role nila ay reconcilers.

Kung di kayo magkasundong dalawa kahit nagkausap na kayo ng sarilinan, humanap ka o kayong dalawa ng iba pa na makakatulong sa inyo. Kung sino siguro ang mas mature na na nagdisciple sa inyo, o GraceComm leader n’yo, o elder o pastor. Hindi natin agad kailangang sabihin sa maraming tao o isali ang marami sa gulo na wala namang kinalaman at di makakatulong. Sabi ni Ken Sande, “A general principle taught in Matthew 18 is that we should try to keep the circle of people involved in a conflict as small as possible for as long as possible” (p. 186). Kung maayos na pagkatapos nito, tapos na. Kung hindi pa rin, proceed to next step.

Step No. 3: Whole Team

Verse 17, “If he refuses to listen to them, tell it to the church.” Again, counter-cultural ‘to. Kapag nagfail pa rin sa step 2, sasabihin ng iba, “Ginawa na natin ang lahat ng magagawa natin. Hayaan mo na siya. Bahala na siya sa buhay niya.” Pero tayong mga Cristiano, we have a church, this church is our family. Hindi tayo agad papabayaan. Siyempre kung non-believer naman ang kausap mo, hindi na applicable ang step na ‘to. But if you are a member of this church, part of our covenant ay magpasakop sa pagdidisiplina ng church. And this is a good thing. That’s why I encourage you to be a covenant member with us.

Pero hindi naman ibig sabihin na ibobroadcast sa buong congregation ang kasalanan mo o iaanounce sa Sunday service. Maliban na lang kung ang nagkasala at unrepentant ay isang elder o pastor. Tulad ng sabi ni Pablo, “At tungkol naman sa nagpapatuloy sa mga kasalanan nila (mga elders ang tinutukoy), pagsabihan mo sila sa harap ng lahat ng mananampalataya para maging babala sa iba” (1 Tim. 5:19-20). Ang ginagawa natin usually ay we involve buong team na kinabibilangan niya. Tulad ng GraceComm. O ng Music Ministry team. O mga youth. At kasama rin ilang mga key leaders ng church. Ang goal ay mas marami ang magpaalala sa taong nagkakasala para mahikayat siyang magsisi sa kasalanan niya.

Pero kung ginawa na natin ang lahat ng dapat gawin, mahabang panalangin na ang inilaan natin, binigyan na natin ng sapat na panahon (mga ilang buwan siguro) para magsisi at makita ang bunga ng pagsisisi, pero wala pa rin…step 4.

Step No. 4: Ejection

Sasabihin ng iba, huwag na daw nating husgahan ang kapwa natin, ginagamit pa ang Bible verses. Hayaan na lang daw. Pero ayon sa Panginoon, meron pa rin tayong gagawin. Verse 17, “And if he refuses to listen even to the church, let him be to you as a Gentile and a tax collector.” Gentile, para sa mga Judio, outside the covenant iyan, outside the kingdom of God. Tax collector, Judio nga, pero traydor naman ang turing nila kaya outside the covenant rin. So ang sabi ng Panginoon, para sa mga kapatid nating ayaw na magsisi sa kasalanan nila pagkatapos ng lahat ng hakbang ng pagdidisiplina ay nagawa na natin, treat them as unbelievers. Hindi ibig sabihing hinuhusgahan natin ang katayuan nila sa relasyon sa Diyos. Pero para ipakita na ang pamumuhay nila, their lack of repentance, is not consistent with the life of a child of God.

Consistent ito maging sa mga turo ni apostol Pablo. Sa kasalanang sexual immorality, at hindi nagsisisi, “Dapat sana’y naghinagpis kayo at pinalayas na ninyo sa inyong grupo ang gumagawa nito…Ipaubaya ninyo kay Satanas ang taong iyon upang mapahamak ang kanyang katawan at maligtas ang kanyang espiritu sa araw ng paghuhukom ng Panginoon” (1 Cor. 5:2, 5). Ituring siyang nakapailalim sa kaharian ni Satanas, isang unbeliever, sa halip na citizen of the kingdom of God.

Sa mga nagiging dahilan para magkagulo ang church, kapag unrepentant, “Pagsabihan mo ang taong sumisira sa inyong pagkakaisa. Itakwil mo siya kung pagkatapos ng dalawang babala’y hindi pa rin siya nagbabago” (Tit. 3:10). Merong mga ganitong utos sa ating church because God is so seriously concerned about our purity and our unity.
Ibig sabihin ba hindi na natin siya hahayaang dumalo sa mga pagtitipon natin? Posible kung ang presence niya ay disruptive sa church. Ibig sabihin ba hindi na natin siya papansinin o kakaibiganin? Not necessarily. How do you treat an unbeliever? Hinid naman natin siya hinahatulan at pinaparusahan. Kundi ipinapakita pa rin natin sa kanya ang love. Hindi natin sila iniiwasan o itinuturing na kaaway. We share the gospel to them. Inaanyayahan nating magsisi at magtiwala sa Panginoong Jesus. We continue to reach out to them in love. And we hope na one day, marealize nilang nagkasala sila at magbalik-loob na sa Panginoon.

Grace in Discipline

Malinaw ang proseso ng pagdidisiplina. Klaro ang mga steps na sinabi ng Panginoong Jesus. Pero masalimuot. Oo nga’t biyaya ng Diyos ang pagdidisiplina, pero sa pagdidisiplina, kahit Step 1 pa lang, kailangan na rin natin ang biyaya at tulong ng Diyos. Sa sarili natin hindi natin kaya. This is not natural for all of us. We need the Holy Spirit. Marami na ang kaso na nadisiplina natin, not perfectly ayon sa gusto ng Diyos, pero meron na ring nakaabot sa pangatlong step. Mabigat. Painful ang process. May iyakan. Mahabang proseso. I need the grace of God as your pastor tungkol dito. Ipagpray n’yo kaming mga leaders. At kung kayo man ang tumanggap ng disiplina o mag-initiate na gawin ang disiplina, kailangan n’yo rin ng grace ng Panginoon. Lalo na kung ilang beses nang nagagawa ang kasalanan laban sa iyo – may kinalaman man iyan sa sexual immorality, paninirang-puri, usaping-pera, o anuman – kailangan mo ng tulong ng Panginoon para makapagpatawad nang paulit-ulit.

Ilang beses ka bang magpapatawad? Sabi ng mundo natin, sapat na ang ilang mga chances, tapos kapag umulit ulit, aba teka, hindi na puwede iyan. Matthew 18:21-22, “Lumapit si Pedro kay Jesus at nagtanong, ‘Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid na laging nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba? Sumagot si Jesus ‘Hindi lang pitong beses kundi 77 beses.’” Yan ang pag-uusapan natin sa susunod, kung paano magpatawad tulad ng pagpapatawad sa atin ng Diyos.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.