Gospel-Centered Everything

crossAng pagdating ni Pope Francis sa Pilipinas noong January ay nagpapakitang generally speaking ang mga Pilipino ay mga religious people. Religious, pero hindi ibig sabihing they love Jesus. Tulad halimbawa ng reaksiyon ng marami sa Instagram posts ni Lara Quigaman (2005 Miss International) noong January 17, third day ni Pope sa bansa. Two Bible verses ang pinost niya, “Salvation comes no other way; no other name has been or will be given to us by which we can be saved” (Acts 4:12 MSG); at, “I am the way, the truth and the life. No one comes to the Father except through me” (John 14:6).

May nagreact. Disrespect daw kay Pope Francis. Siguro dahil mas nagiging inclusive siya sa mga non-Catholics. Pero sabi ni Lara, “The Bible Verses I posted are very powerful. And I believe in them. The reason I posted them is for my own personal reminder not to look anywhere else but to focus on Jesus. My Lord and Savior. My God.” “Not to look anywhere else but to focus on Jesus.”

Focus on Jesus. Hindi ba’t iyan ang emphasis natin sa katatapos lang nating sermon series sa Luke na “The Story of Jesus.” Si Jesus ang nasa sentro. Kung sino siya, hindi tayo. Pangalan niya, hindi reputasyon natin. Karangalan niya, hindi ang maitanyag tayo o sinuman. Ang ginawa niya sa krus, hindi ang ginawa o magagawa natin. Jesus-centered. Ibig sabihin din, gospel-centered.

Listen now…

Downloads 

mp3-iconpdf-icon

 

 

 

Gospel-centered. Ito ang term o label na madalas n’yong maririnig sa akin. Hindi dahil nakikiuso tayo. Bagong term ito sa pandinig ng marami, pero ang katotohanang nakapaloob dito ay lumang-luma na, pero kailangan nating marecover ngayon. May movement ngayon sa North America (US/Canada) na marecover itong gospel-centrality. Nakausap ko nga ang speaker natin na si Ptr. John Mahaffey last week. Isa siya sa mga pioneers ng church natin. Pastor siya sa isang church ngayon sa Canada, at part ng council ng The Gospel Coalition, isang organization na ang layunin ay matulungan ang Body of Christ na marecover ang gospel-centrality.

Napansin daw niya 26 years ago, bago siya umalis, ang mga churches ay mas naging concern sa social justice at mga activism. Hindi dahil masama ang mga iyon. Mainam nga naman makibahagi sa nangyayari sa society at tumulong sa mga mahihirap. Pero hindi iyon dapat ang nasa sentro. At kung nagfocus tayo sa mga bagay na wala sa sentro, ang tendency we will drift away from the gospel.

I agree with him. At ito ang nagiging burden sa heart ko ngayon. I want to see the Filipino Church, not just our church, recover the centrality of the gospel. Hindi lang “sharing the gospel” ang pinag-uusapan natin dito. Kundi iyong buhay na naaayon sa mensaheng ipinapangaral natin. Iyon naman ang ibig sabihin ng pagiging “evangelical”. I prefer na kapag may nagtanong sa atin kung anong “religious group” tayo, wag “Born Again” ang sabihin natin, hindi dahil unbiblical iyon, kundi dahil sa mga negative connotations. Wag ding “Protestant,” negative din ang dating. Evangelical! Ibig sabihin, galing sa word na “evangel,” na hangayo sa Greek na euangellion na ang ibig sabihin ay “good news”. We are good news people in a bad news world, sabi nga ng subtitle ng book ni Michael Horton na The Gospel-Driven Life.

Ang problema din sa mga “evangelical” churches, nagiging label na lang, o distinction, hindi na alam kung ano ang ibig sabihin. Ang dami nating mga activities, merong camps, concerts, seminars, conferences, medical mission, outreaches, feeding program, leadership trainings. That’s good… but also bad, kung nawawala sa sentro. Ang dami nating pinag-uusapan – church growth, multiplication, organization, unity, leadership, social issues, but there is not much talk about Jesus and his gospel na siyang dapat na nasa sentro. Jesus came hindi para siya maging “marginalize” sa church na kanyang itinayo at dapat siyang ulo at sentro.

It is my prayer as your pastor na ang church natin maging gospel-centered church, kung saan ang pagtuturo ng Bibliya ay gospel-centered din, na isinasabuhay nating lahat na mga gospel-centered people na ang resulta ay gospel-centered life. I will call this vision “The Gospel-Centered Everything” borrowing from Tim Challies’ Mar. 7, 2013 blog post.

Two questions ang sasagutin ko ngayon – Why “Gospel-Centered Everything”? and What “Gospel-Centered Everything” means?

Why “Gospel-Centered Everything”?

Picture1Sasabihin siguro ng iba sa inyo, “I thought the gospel is just what we need to enter heaven?” Diyan ka nagkakamali. We need the gospel from start to finish. Tingnan n’yo ang sabi ni Pablo, “Now I would remind you, brothers, of the gospel I preached to you, which you received, in which you stand, and by which you are being saved, if you hold fast to the word I preached to you–unless you believed in vain” (1Co 15:1-2 ESV).

Ipinapaalala niya ang gospel sa kanila, bakit? Di ba’t tinanggap na nila iyon? Di ba’t alam na nila iyon? Kasi naniniwala si Pablo na ito rin ang tinatayuan nating mga Cristiano, “in which you stand” (1 Cor. 15:1), “hanggang ngayon ay pinaninindigan ninyo” (ASD). Ito ang pundasyong kailangan natin sa buhay. Dito natin itinatayo ang buhay natin. Tinatayuan, ibig sabihin, hindi nilalayuan, hindi iniiwanan, hindi basic lang na pagkatapos ay pupunta na tayo sa mga advanced stuffs.You remain on it. Your life’s security, stability depends on it.

Ang gospel din ang paraan ng Diyos hindi lang para iligtas tayo (past, justification) kundi para baguhin tayo (present, continuous, sanctification), “by which you are being saved” (v. 2). Kaya nga ang response natin ay ” “hold fast” – continuing faith in the gospel. Sabi din niya sa Romans 1:16, “The gospel is the power of God for salvation (past, present, future) to everyone who believes…” Hindi lang one time, kundi nagpapatuloy na hinahawakan ang gospel. Huwag na huwag nating iisiping ang gospel ay sa simula lang ng Christian life, para sa mga unbelievers lang para maging believers, tapos kapag Christian na, hindi na gospel but law, not by faith alone kundi faith plus works. No way! We need the gospel from beginning to end. We grow kapag narerealize natin kung gaano kalalim ang pangangailangan natin sa biyaya ng Panginoon, we grow in our reliance on the gospel. We live by faith “from first to last” (Rom. 1:17 NIV), “from start to finish” (NLT).

Sabi ni Sam Storms, “To be gospel-centered begins with the reality that the gospel is not simply the entry point into the Christian life but also the foundation and force that shapes all we do as followers of Jesus, both in our daily lives and in our experience as the corporate body of Christ.”

What is the Gospel?

Kapag “gospel”, ang tinutukoy natin ay hindi ang mga aklat sa Bible na tinatawag na “Gospels” – Matthew, Mark, Luke, John. Hindi rin ibig sabihin ang buong Word of God. Hindi lahat ng nakasulat sa Bible ay “gospel” – pero lahat ay konektado sa gospel. Ito ang binabanggit ni Pablo sa 1 Cor. 15:3 na “una sa lahat” o “of first importance.” “Sapagkat ibinigay ko sa inyo una sa lahat ang akin ding tinanggap: na si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan, at siya’y inilibing; at muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan” (1 Cor. 15:3-4). Ganoon din sa Romans 1:1-4: ” the gospel of God, which he promised beforehand through his prophets in the holy Scriptures, 3 concerning his Son, who was descended from David according to the flesh 4 and was declared to be the Son of God in power according to the Spirit of holiness by his resurrection from the dead, Jesus Christ our Lord (ESV).

Sabi ko sa sermon ko noong October 18, 2009 na pinamagatang “Treasuring the Gospel“:

The gospel is the good news about Jesus. The gospel is not good news without Jesus. At the center of the single message of Christianity is the person and works of Christ. Ang ebanghelyo ay mabuting balita tungkol kay Cristo at sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Kung hindi naparito si Jesus, kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos, wala tayong pag-asa. Lahat tayo ay alipin pa rin ng ating mga kasalanan, at nasa ilalim ng hatol at poot ng Diyos. Ito ang mabuting balita: “si Cristo’y namatay…at siya’y inilibing; at muling nabuhay….” Ngunit sasabihin ng ilan, ano naman ang kinalaman ng kamatayan ni Cristo sa buhay natin?

The gospel is the good news that God is for us. Ang ebanghelyo ay mabuting balita dahil may ginawa ang Diyos para sa atin. Dati tayo ay mga kaaway ng Diyos dahil sa pagrerebelde natin sa kanya. Ngunit si Jesus ay “namatay para sa ating mga kasalanan.” Ibig sabihin, ang parusa na dapat ay tatanggapin natin siya ang umako. Bayad na! Kung dati hiwalay tayo sa Diyos, dahil namatay si Cristo ngayon ay mailalapit na niya tayo sa Diyos dahil binayaran niya ang kasalanang humahadlang sa relasyon natin sa Diyos. “For Christ also suffered once for sins, the righteous for the unrighteous, that he might bring us to God, being put to death in the flesh but made alive in the spirit (1 Pet. 3:18). Isn’t that good news?

Sabi ni Tullian Tchividjian, pastor ng Coral Ridge Presbyterian Church, na ang sermon ay punung-puno ng “gospel of grace” at ang mga sinulat na books ay tulad ng Jesus+Nothing=Everything at One Way Love:

The gospel is God’s good-news announcement that Jesus has done for sinners what sinners could never do for themselves. The gospel doxologically declares that because of Christ’s finished work for you, you already have all the justification, approval, security, love, worth, meaning, and rescue you long for and look for in a thousand different people and places smaller than Jesus. The gospel broadcasts the liberating truth that God relates to us based on Jesus’ work for us, not our work for him; Jesus’ performance for us, not our performance for him.

What does it mean to be gospel-centered?

Ang ibig sabihin ngayon ng “gospel-centered” ay ito, na ang pinakaimportante sa buhay, ang pundasyon, ang nasa sentro ay hindi kung ano ang ginawa natin, o ginagawa natin o gagawin natin, kundi ang natapos nang ginawa ng Diyos para sa atin sa pamamagitan ng Panginoong Jesus, at ang patuloy niyang ginagawa ngayon at gagawin pa na konektado o ang basehan ay ang ginawa na ni Jesus sa krus para sa atin. Hindi ibig sabihing hindi na mahalaga ang ibang bagay, kundi ang gospel ang pinakamahalaga at nagkakaroon lang ng halaga, linaw, kabuluhan ang ibang bagay kung nakakonekta sa gospel.

What does “everything” mean?

Everything means everything! Walang bagay na hindi apektado nito. Sabi ni Sam Storms, “The gospel informs, controls, and energizes all we do, from the dynamics of interpersonal relationships and marriage to work, our use of money, speech, parenting, mission, and all aspects of ministry in the local church and beyond.” Kasama din ang “everything” na hindi pa niya nabanggit tulad ng libangan, Facebook, communication, travel, bakasyon, sex, pagkain, pahinga…everything means everything.

Everything in the Bible. What is gospel-centered Bible reading?

Ibig sabihin, dapat ang pagbabasa natin ng Bible ay gospel-centered, na makita natin “everything” na nasa Bible in light of the gospel. Kaya sabi ni Pablo na ito ay “of first importance” dahil ito ang susi para maintindihan natin ang iba pa sa Bibliya, na mahalaga din dahil “all Scripture is breathed out by God and profitable…” (2 Tim. 3:16). Magiging profitable lang kung tama ang layunin natin at pagkaunawa dito.

Sabi ni J. A. Medders, na tandaan natin sa pagbabasa natin ng Bible, “It’s all about Jesus. It’s all for Jesus. When you sit with an open Bible, you should set out to meet with Jesus, to worship Jesus. The Holy Spirit’s goal in the Word is to show you Jesus so you can behold his glory and live in response to his radiance.”

Payo naman ni Russell Moore, “Every passage of Scripture is interpreted in light of the story of Jesus, as is every passage of a believer’s unfolding life story.” Para maunawaan natin ang binabasa natin, dapat tanungin natin kung ano ang kinalaman ng passage sa buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus saka pa lang ang tanong na kung ano ang kinalaman nito sa buhay natin.

Sabi ko last Jan. 18, sa huling sermon ng The Story of Jesus (Luke) series:

Naglaan tayo ng mahabang panahong sa seryeng ito para bigyang diin na kailangan natin ang “The Story of Jesus,” this gospel, bilang susi para maintindihan natin ang iba pang bahagi ng Salita ng Diyos – ang mga aklat bago ito (the Old Testament), at iba pang aklat pagkatapos nito (Acts, epistles, and Revelation).

Ganito ang ipinaliwanag ni Jesus sa mga disciples niya, verse 44, “Ito ang tinutukoy ko nang sabihin ko sa inyo noong kasa-kasama pa ninyo ako; dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises (Genesis to Deuteronomy) at sa aklat ng mga propeta (kasama ang mga historical books), at sa aklat ng mga Awit (kasama ang Proverbs at iba pang wisdom literature).” Anong sinasabi niya dito? Jesus is the fulfillment of the Old Testament. Lahat ng bahagi ng Lumang Tipan – mga kuwento, mga utos, mga propesiya, mga sacrifices, lahat – ay nagkaroon ng katuparan sa pagdating ni Jesus. Hindi ba’t ganito rin ang paliwanag niya sa dalawang disciples niya sa verse 27? “At patuloy na ipinaliwanag sa kanila ni Jesus ang lahat ng sinasabi sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa mga sinulat ng mga propeta.” Kaya sinaway niya ang mga Judio na nagbabasa nga ng Kasulatan pero di inuunawa na ang katuparan nito ay sa pagdating niya, “You search the Scriptures because you think that in them you have eternal life; and it is they that bear witness about me, yet you refuse to come to me that you may have life” (John 5:39-40).

Jesus is the fulfilment of the Old Testament, the focus of the Gospels, and the foundation of the rest of the New Testament. Pagdating natin sa Acts, makikita natin ang pasimula ng Church, pero ang focus ay sa mga ipinagpatuloy na gawin ni Jesus sa pamamagitan ng Espiritu. Pagdating sa mga sulat tulad ng kay Pablo sa mga taga-Efeso, ang pundasyon ay ang biyaya ng Diyos na nakay Cristo (chaps. 1-3), at dahil sa pundasyong ito, ipinaliwanag niya kung paano tayo dapat mamuhay (chaps. 4-6). Sa Romans ganoon din, chapters 1-11 gospel, chapters 12-16, Christian life na ang foundation ay gospel. Sa Colossians ganoon din, chapters 1-2 ang identity natin kay Cristo, chapters 3-4 ang buhay natin na ipapamuhay araw-araw dahil kay Cristo.

Everything in your life. What is a gospel-centered life?

Joe Thorn defines the gospel-centered life like this: “[T]he gospel-centered life is a life where a Christian experiences a growing personal reliance on the gospel that protects him from depending on his own religious performance and being seduced and overwhelmed by idols.”

Sabi naman ni Tim Challies, “To be gospel-centered is to live your life with the constant awareness that the gospel changes everything. It is to ask in every situation, What difference does the death and resurrection of Jesus Christ make here and now?”

Sabi ko naman sa sermon ko last May 30, 2010 na pinamagatang “Christ Crucified, My Only Boast,” last sermon in Galatians series:

We live with the cross of Christ at the center and everything in life revolves around that center. Christ crucified is our only boast. There are two kinds of boasting. One is evil, and the other God-glorifying. Nais ng Diyos na maging katulad tayo ni Pablo, “Subalit huwag nawang mangyari sa akin ang magmalaki, maliban sa krus ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (Gal. 6:14). We have no other grounds for boasting except the cross and everything that flows from it. Sa panahon nila Pablo, radikal ang ideyang ito. Bakit mo ipagmamalaki o ipapagbunyi ang isang bagay na karumal-dumal tulad ng pagkapako sa krus? Hindi ba’t dapat pa ngang ikahiya ang ganoong klaseng kamatayan?

Ano’ng dahilan ni Pablo? Through the cross, “the world has been crucified to me and I to the world.” Patay na rin ang mga pagnanasa ng ating sariling makasanlibutan at tayo’y patay na rin sa paningin ng sanlibutan. Wala na tayong relasyon dito. Tulad ng isang asawa na namatay at may bago nang asawa. Hindi na maaaring balikan ang dati. Wala nang ugnayan, wala nang attraction ang mundo sa atin kasi nga bangkay na. Mabaho na. Inuuod na. Naaagnas na. Yucks! ang sasabihin natin kung nakikita nating inaakit pa rin tayo ng mundong itong gawin ang hindi ayon sa kalooban ng Diyos. We boast of Christ alone because there is no reason to boast of anything else. “I have been crucified with Christ. It is no longer I who live, but Christ who lives in me. And the life I now live in the flesh I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me” (2:20). His experience with Christ is vastly important that he can say with resolve, “I decided to know nothing among you except Jesus Christ and him crucified” (1 Cor. 2:2).

Hindi ka magtataka kung bakit ganito ka-passionate si Pablo kay Cristo at sa kanyang krus. Nais din ito ng Diyos sa atin. Hindi lang niya sinasabi na pahalagahan natin ang krus at ang ibang bagay nang kaunti lang, tulad ng isang kotse na mas mahalaga sa cellphone na mas iiyakan mo kapag nawala ang kotse kaysa cellphone. Ang sinasabi niya’y wala nang ibang mas mahalaga sa kanya! Ang katagang “far be it from me” (Greek me genoito) ay ang strongest negative expression sa Greek na ginamit din niya sa Gal. 2:17 sa pagsagot sa tanong na kung si Cristo ba ay lingkod din ng kasalanan. Ang sagot? Certainly not! No way! Kaya kung tatanungin natin si Pablo na bukod kay Cristo may bagay pa bang mahalaga sa kanya, ang isasagot niya: walang-walang-wala.

But whatever gain I had, I counted as loss for the sake of Christ. Indeed, I count everything as loss because of the surpassing worth of knowing Christ Jesus my Lord. For his sake I have suffered the loss of all things and count them as rubbish, in order that I may gain Christ (Phil. 3:7-8).

Wala nang ibang mas mahalaga kaysa ang makamtan si Cristo. Ang pera basura. Ang edukasyon o trabaho basura. Ang itsura mo basura din. Ang mga pag-aari mo basura din. Ang talino mo basura. Lahat ng bagay basura kung ikukumpara kay Cristo. Ang pamilya, edukasyon, ministeryo sa iglesia, at kayamanan ay nagiging mahalaga lang kung ang nasa sentro ay si Cristo. Do we look at our life this way? Do we value Christ more than everything in life?

Everything in our church. What is a gospel-centered church?

Sabi ni Joe Thorn, the gospel-centered church “is a church that is about Jesus above everything else. That sounds a little obvious, but when we talk about striving to be and maintain gospel-centrality as a church we are recognizing our tendency to focus on many other things (often good and important things) instead of Jesus. There are really only two options for local churches; they will be gospel-centered, or issue driven.”

Sabi naman ni Matt Chandler, pastor ng Village Church, to be gospel-centered is “to walk in the implications of it in every area of our lives— to repeatedly be shaped and defined by our identity in Christ, and to build rhythms and structures at home and church that support marveling, cherishing, and being formed by the gospel message.”

Sabi ko naman noong January 20, 2013, sa simula ng sermon series natin sa Acts:

Jesus. This church is all about Jesus – the Redeemer-King, the Risen King, the Reigning King, the Returning King. Ang dalangin ko sa Baliwag Bible Christian Church ay maging Jesus-Centered Church. It would be helpful for us if we will ask ourselves these three questions to help us evaluate if we are being a Jesus-centered church:

Ang ginagawa ba natin ay dahil sa natapos nang ginawa ni Jesus sa krus at sa kanyang muling pagkabuhay – na sapat na ang kanyang ginawa para sa atin at hindi na natin dapat dagdagan pa? O ginagawa natin ito na nag-aakalang sa pamamagitan nito ay makukuha natin o madaragdagan ang pagpapala ng Dios sa atin?

Ang ginagawa ba natin ay bilang pagkilala at pagsunod kay Jesus na ngayon ay naghahari mula sa langit? O ang ginagawa natin ay pagsunod na nakalakihan lang natin na tradisyon o bilang paggaya sa ginagawa ng ibang churches?

Ang ginagawa ba natin ay nagpapakita na nasasabik tayo sa muling pagbabalik ng Panginoong Jesus at ipinapakita natin sa mga tao kung ano ang klase ng buhay sa ilalim ng kanyang paghahari?

Marami pang bagay tayong pag-uusapan tungkol sa church. Marami pang dapat baguhin. May mga bagay na dapat tanggalin. May mga bagay na dapat idagdag. May mga programang dapat gawin. May mga ministries na dapat pag-igihan. Pero lahat iyan ay secondary lang. Ang primary, ang sentro, ay ang karangalan ng Panginoong Jesus. Huwag na huwag ninyong ipagpapalit ang Panginoong Jesus.

Iyan ang ibig sabihin ng “Gospel-Centered Everything” – everything sa binabasa natin sa Bible, gospel-centered, everything sa buhay natin, gospel-centered, everything sa church natin, gospel-centered. Si Jesus ba at ang kanyang gawa para sa atin ang nasa sentro ng Bible reading mo? Ng buhay mo? Ng ministry mo sa church?

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.