
Sa pagpasok ng Bagong Taon, karaniwan sa atin we look back to 2014. Mainam nga naman iyon, lalo na kung aalalahanin natin ang kabutihan ng Diyos last year. Sa pagpasok ng 2015, mahalagang lumingon sa nakaraan. May kasabihan nga tayo, “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.” But we are disciples of Jesus. And we look back hindi lang kung ano ang nangyari last year, kundi kung ano ang nangyari 2,000 years ago.
We look back to the gospel story. Bakit? Dahil ito ang tinatayuan natin, ito ang pinanggalingan ng buhay natin at ito ang magdadala sa atin sa buhay na nais ng Diyos para sa atin. Sabi ni Pablo sa mga taga-Corinto, “Mga kapatid, nais kong ipaalala sa inyo ang Magandang Balita na ipinangaral ko sa inyo. Ito ang aral na inyong tinanggap at hanggang ngayon ay pinaninindigan ninyo (ESV, in which you stand)” (1 Cor. 15:1 ASD). Sinabi pa niya sa v. 2 na ito ang gospel “by which you are being saved.” Present tense, continuous. Ibig sabihin, kailangan natin ito araw-araw. Hindi lang last year, hindi lang pag New Year, but everyday.
Sabi nga ni Tim Keller, “The gospel is not the ABC of the Christian life, but the A to Z of the Christian life.”
Listen
Resources
Bago mag-end ang 2014, sinamahan ko ang youth natin sa isang youth camp na ang tema ay “Anchored in the Gospel.” Di karaniwang ganito ang tema ng mga youth ministry. Pero dito, ipinaalala sa lahat, kabataan man o matanda, bagong Christian o matagal na, we need the gospel everyday. Sa mga messages, sa mga kanta, pati sa mga workshops gospel-centered lahat! Gospel, gospel, gospel!
Ano ang laman ng “gospel” na to? Verse 3, “na si Cristo’y namatay upang iligtas tayo sa atin mga kasalanan, ayon sa Kasulatan.” Last December 21, pinag-usapan natin ang Luke 23, that Jesus was born to die. Ngunit hindi doon nagtatapos ang kuwento. Sabi ni Paul sa v. 4 ng 1 Corinthians, “Inilibing siya ngunit muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa kasulatan.” Ito naman ang kuwentong pag-uusapan natin ngayon, based sa Luke 23:50-56 (his burial) and 24:1-12 (his resurrection).
This is good news, hindi lang dahil totoong nangyari ‘to. But because we are part of this story. Malaki ang epekto nito sa buhay natin. Nabalitaan natin ang crash ng isang jet ng AirAsia, maraming namatay. Pero tuloy pa rin ang buhay natin, di masyadong apektado. Pero last January 2, namatay na ang tatay ng ating mga manggagawang sina ate Malou at ate Baby. Apektado sila dahil namatay ang mahal nila sa buhay. Sa kamatayan ni Jesus, good news, apektado tayo, dahil namatay ang “Anak ng Dios na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin” (Gal 2:20). In him, we have forgiveness, acceptance, access to God’s presence.
But when we talk about the gospel or the Cross, remember that it is not just about his death, but also his burial and resurrection.
Buried with Jesus
Nakasulat ang kuwento ng paglilibing kay Jesus sa Luke 23:50-56:
May isang lalaki roon na ang pangala’y Jose. Siya’y taga-Arimatea, isang bayan sa Judea. Mabait at matuwid ang taong ito, at isa siya sa mga naghihintay sa paghahari ng Diyos. Kahit na siya’y kagawad ng Sanedrin, hindi siya sang-ayon sa kanilang ginawa kay Jesus. 52Nagpunta siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus. 53Ibinabâ niya ang bangkay, binalot sa telang mamahalin at inilagay sa isang libingang inuka sa bato na hindi pa napaglilibingan. 54Araw noon ng Paghahanda at magsisimula na ang Araw ng Pamamahinga. 55Sumama kay Jose ang mga babaing sumunod kay Jesus mula pa sa Galilea. Nakita nila ang libingan at ang pagkakalagay doon ng bangkay ni Jesus. 56Pagkatapos, umuwi sila at naghanda ng mga pabango at mira.Dahil sumapit na ang Araw ng Pamamahinga, nangilin sila ayon sa itinakda ng Kautusan (MBB).
Kapag gospel ang pinag-uusapan natin, madalas binabanggit natin ang “death and resurrection” of Jesus. Pero bakit kasali ang burial niya? Concern si Luke na sa kanyang isinulat, sagutin ang tanong na, “Is this story true?” Kaya nga isinulat niya ang mga ipinangaral ng mga “nakasaksi mismo sa mga pangyayari mula pa noong una” (1:2). Totoong namatay si Jesus dahil totoong inilibing siya. Sinabi niya kung sino ang naglibing (si Jose), kung tagasaan siya, kung anong katungkulan niya, paano niya inilibing si Jesus, na ang katawan ni Jesus ay bangkay na, patay na. Kung sinu-sino ang nakakita (mga babae), na nakitang siya’y talagang patay at naghanda ng mga pabangong ipapahid sa bangkay ni Jesus. Ginawa niya iyon para kay Teofilus (1:1) “upang lubusan mong matiyak na totoo ang mga aral na itinuro sa iyo” (1:4). The gospel is good news because this is true.
Good news hindi lang dahil totoo ‘to, kundi dahil kasali tayo dito. Dahil si Jesus ay totoong namatay, we already have…
The Kingdom of God. O nakapasok na tayo sa kingdom of God. Ang naglibing kay Jesus ay si Jose, na miyembro din ng Korte o ng Sanhedrin. Hindi lahat ng religious leaders nireject si Jesus. Nang nagbotohan silang unanimously ay ipapatay si Jesus, obviously absent si Jose. He was one of Jesus’ disciples (Mt 27:57). Mabuti siyang tao, matuwid, hindi dahil sa sarili niyang gawa kundi dahil siya’y “naghihintay sa paghahari ng Dios” (Lk 23:51).
Ang kingdom of God hindi lang para sa mga mahihirap, pati rin sa mga mayaman, hindi lang sa mga mababa ang katayuan sa buhay, kundi pati sa mga nasa katungkulan at tinitingala. Ipinanganak si Jesus na mahirap, sa isang sabsaban sa Bethlehem. Namatay siya at inilibing sa libingan ng isang mayaman. Namatay siya na parang isang pusakal na kriminal, na dapat sana’y ang bangkay niya ay itatapon sa basurahan at susunugin. He died in shame, but he was buried with honor and dignity.
Namatay si Jesus at inilibing para tuparin ang Isaiah 53:9, “inilibing siyang kasama ng mga mayayaman.” Nangyaring lahat iyon para mapasaatin ang kayamanang walang anumang kayamanan sa mundo ang makakapantay – ang kaharian ng Diyos. And because we have the kingdom of God, we also have…
The Rest of God. May mga babaeng tagasunod si Jesus. At sa pagsunod nila kay Jesus, hindi ibig sabihing sinusuway na nila ang Kautusan ni Moises, tulad ng paratang ng mga Judio sa mga kababayan nilang naging tagasunod ni Jesus. Dito nga sa kuwento, they honored the dead. Naghanda sila bago dumating ang araw ng Sabbath, Friday 6pm ang simula noon, hanggang 6pm Saturday. Between 3pm to 6pm nila ginawa ang preparation. At pagsapit ng Sabbath, nagpahinga sila, ayon sa Kautusan.
But this story is not telling us na tularan sila sa pagsunod sa Kautusan. Kundi tumingin sa nag-iisang nakasunod sa Kautusan ng Diyos perfectly on our behalf. The point of Jesus’ burial is rest. Kung paanong ang kanyang bangkay ay nakahiga, merong rest in peace. Anim na araw ang paglikha ng Diyos, at nagpahinga siya sa ikapitong araw when “God finished his work” (Gen. 2:2). Anim na oras na nakabitin si Jesus sa krus, doing the work God has called him to do, “to seek and save the lost” (Luke 19:10), at pagkatapos noon sinabi niya, “It is finished” (Jn 19:30). Namatay siya, inilibing, enjoying the rest he so deserved.
This is good news for us. Pagpasok ng taon, hindi na natin kailangang pahirapan ang sarili natin at sabihing, “Kailangan kong gawin ‘to…” We can rest in Jesus’ finished work on the cross for us. Ginawa na niya ang lahat para makalapit tayo sa kaharian ng Diyos at matanggap ang kapahingahan ng ating kaluluwa. His burial is an invitation to those who are weary and burdened to find their rest in him. Come to Jesus. Ang tanong ngayon ay hindi lang, Is this story true? kundi, Am I part this story? Do you believe in Jesus? Inilibing ka bang kasama ni Jesus?
“Inilibing kayong kasama ni Cristo nang bautismuhan kayo. At dahil nakay Cristo kayo, muli kayong binuhay na kasama niya, dahil nananalig kayo sa kapangyarihan ng Dios na bumuhay sa kanya” (Col 2:12 ASD). Good news dahil hindi nanatili sa libingan si Jesus, kundi muling nabuhay, para tayong mga namatay, nalibing na kasama niya, ay muli ring mabuhay.
Raised with Jesus
Makikita natin ang resurrection story sa Luke 24:1-12:
Madilim-dilim pa nang unang araw ng sanlinggo (Sunday, that’s why we worship not on Saturday, but Sunday), ang mga babae ay nagbalik sa libingan, dala ang mga pabangong inihanda nila. 2Nang dumating sila doon, nakita nilang naigulong na ang batong nakatakip sa libingan. 3Ngunit nang pumasok sila, wala roon ang bangkay ng Panginoong Jesus. 4Natigilan sila at nagtaka kung ano ang nangyari. Biglang lumitaw sa tabi nila ang dalawang lalaking nakakasilaw ang damit. 5Dahil sa matinding takot, sila’y nagpatirapa. Tinanong sila ng mga lalaki, “Bakit ninyo hinahanap ang buháy sa lugar ng mga patay? 6Wala siya rito, siya’y muling nabuhay! Alalahanin ninyo ang sinabi niya sa inyo noong nasa Galilea pa siya, 7‘Ang Anak ng Tao ay kailangang ipagkanulo sa mga makasalanan at ipako sa krus, at sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.’” 8Naalala nga ng mga babae ang mga sinabi ni Jesus noong una, 9kaya’t umuwi sila at isinalaysay nila sa labing-isa at sa iba pa nilang kasamahan ang buong pangyayari. 10Ang mga babaing ito’y sina Maria Magdalena, Juana, at Maria na ina ni Santiago; sila at ang iba pang mga babaing kasama nila ang nagbalita sa mga apostol. 11Akala ng mga apostol ay kahibangan lamang ang kanilang sinasabi kaya ayaw nilang paniwalaan ang mga kababaihan. 12Ngunit tumayo si Pedro at patakbong nagpunta sa libingan. Pumasok siya, at pagtingin sa loob ay wala siyang nakita kundi ang mga telang ipinambalot kay Jesus. Kaya’t umuwi siyang nagtataka sa nangyari (MBB).
Kung hindi totoong nabuhay na muli si Jesus, balewala ang lahat. Balewala ang kamatayan niya, balewala ang buhay at pag-asa natin ngayon, balewala ang pagsamba natin, ang paglilingkod, at lahat-lahat sa buhay natin kung hindi totoong nabuhay si Jesus.
Kaya nga maingat si Luke sa mga detalye sa kuwentong ito para sabihing, this is a true story. Totoo siyang nabuhay, dahil totoo siyang namatay. Nalagutan siya ng hininga, sinaksak siya sa tagiliran, para masiguradong patay na siya. Nagpunta ang mga babae sa libingan niya madaling araw ng Linggo, walang bangkay. Hindi sila naliligaw, nung makalawa lang kagagaling lang nila doon. Pagsilip ni Pedro sa libingan, wala siyang nakita kundi ang telang ipinambalot sa katawan ni Jesus. Hindi gawa-gawa lang ng mga hibang na tao ang resurrection. Sila nga hindi naniniwala noong una! Pero sila mismo nakita nila si Jesus. This is a true story. And if this is true, then what?
We believe it. Nang ikuwento ng mga babae sa mga apostol ang nangyari, “hindi naniwala ang mga apostol dahil akala nila ay gawa-gawa lang iyon ng mga babae” (24:11). Sa kultura nila, itinuturing nilang unrealiable witnesses ang mga babae. Pero nagbigay ang Diyos ng sapat na ebidensiya para paniwalaan natin ang muling pagkabuhay ni Jesus. We believe it, hindi lang intellectually. Marami namang ganoon lang. Kundi sinasabi natin sa sarili natin, “Dahil sa ginawa ni Jesus, siya lang ang pag-asa ko, ang kailangan ko, ang bagong buhay ko, ang kasiyahan ko, ang kayamanan ko, ang security ko, ang lahat-lahat sa buhay ko.” That’s faith. Humihina ang tiwala natin sa kanya kung sa sarili o sa ibang bagay tayo nagtitiwala dahil nakakalimutan natin ang resurrection story. So, anong gagawin natin?
We remember it. Nagtataka ang mga babae dahil di nila makita ang bangkay ni Jesus. Nagtataka kasi nakalimutan kung ano ang paulit-ulit na sinabi na ni Jesus sa kanila noon. Ipinaalala ng anghel na nagpakita sa kanila, “Hindi ba sinabi niya sa inyo noon…?” (v. 6). Ito ang dati pang sinabi sa kanila ni Jesus, na siya’y papatayin at muling mabubuhay. Naalala din ng mga babae ang sinabi ni Jesus. We are easy to forget. We are a forgetful people. Paulit-ulit na nating naririnig, nakakalimutan pa natin. Kailangang may magpaalala sa atin. Iyan ang ginagawa ko every Sunday sa preaching. Iyan din ang gagawin natin sa isa’t isa. Iyan din ang gagawin natin sa sarili natin, we preach the gospel story to ourselves everyday. Pero hindi lang ito para sa atin…
We tell it to others. Si Jesus noon pa sinabi na niya ito sa mga disciples niya. Ang mga anghel sinabi sa mga babae, “He is risen!” Ang mga babae sinabi sa mga apostol, “He is risen!” At dito sa kuwento tinawag na silang apostol, hindi lang disciples, dahil ibig sabihin, “one who is sent.” Sila ang mga saksi, at magkukuwento sa iba at sasabihin ang good news na “He is risen!” mula Jerusalem, Judea at Samaria, hanggang sa dulo ng daigdig (Acts 1:8).
The new has come!
Ito na ngayon ang misyon ng buhay natin. Hindi na para sa sarili natin. Kundi para maitanyag ang pangalan niya sa buong mundo. “And he died for all, that those who live might no longer live for themselves but for him who for their sake died and was raised…Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation. The old has passed away; behold, the new has come” (2 Cor 5:15, 17). I pray na sa pagpasok ng Bagong Taon, maalala nating hindi lang lumang taon ang lumipas kundi ang ating lumang pagkatao. At dumating hindi lang ang bagong taon, kundi ang ating bagong pagkatao. Dahil si Jesus ay namatay, inilibing, at muling nabuhay para sa atin. I pray that as you face the new year, God will change your status…
From death to life. Advice ni John Piper, pagdating ng end of year, isipin mong katapusan ng buhay mo, at pagpasok ng new year, the beginning of your new life in God. May you all be ready to face death and enter life in the Kingdom. Kung hanggang ngayon patay ka pa spiritually, I pray that God will raise you back to life in Jesus.
From weakness to power. Na anumang mga tukso ang kinabagsakan mo last year, you will not feel defeated and hopeless. Na hindi mo na sabihing “Ayoko na, di ko na kaya, ganito na lang talaga.” Na panghawakan mo ang pangako ng Diyos, that the power available to us is the power of the risen Christ.
From sorrow to joy. Na anuman ang mga nawala sa iyo, yes we feel sorrow for losses, makita mo na one day it will be over. After Good Friday, there is Easter Sunday. That there is enough reason to rejoice even in our sufferings.
From fear to boldness. Na hindi tulad ng mga disciples na naduwag at umatras ng namatay si Jesus, kundi maging tulad nila nang dumating ang Espiritu. That we will be bold and fearless as a lion in our witness for the risen Lord.
Sabi ni Paul Tripp, “As you make plans for 2015, your hope is not in what you will do for God, but in what he has already done for you in Christ.”