Part 50: Mockery, Denial and Betrayal (Luke 22:47-65)

Habang pinapakinggan mo ang kuwento ng Luke 22:47-65, nakakalungkot. There is just too much evil. Totoong buhay ‘to. Kahit ngayon, mababalitaan mo ang kaguluhan sa US dahil sa galit ng mga black people sa pagabswelto sa isang white na pulis na nakapatay ng isang black na teenager. Sa gobyerno natin, puro corruption ang pinag-uusapan. Maraming kaguluhan at mga conflicts. Hindi lang sa national level, kundi pati sa loob ng mga tahanan. Broken families, a lot of teenage pregnancies, sexual exploitation, sexual immoralities. Grabe na.

dark_world_by_hayurikokoro-d3fi9tp

Listen

Resources

pdf-iconmp3-iconitunes-iconsermonnetlogo

There is evil outside of us. Mga tagasunod tayo ni Jesus. Kaya kung may nakikita tayo o nababalitaang mga kasamaan sa paligid natin, mga taong nagrerebelde sa Diyos at patuloy na binabalewala si Jesus, nalulungkot tayo. Minsan, nagagalit tayo. Sa verses 63-65, ang mga sundalong umaresto kay Jesus, kinukutya si Jesus, binubugbog. Sa version ni Matthew, sinasampal at dinuduraan (Mat. 26:67). Nilalait nila. Ang literal sa v. 65 ay “blasheming,” hindi lang nagsasabi ng masasakit na salita, iniinsulto ang Anak ng Diyos, ang Diyos mismo, na dapat bigyan ng pinakamataas na respeto.

There is evil inside of us. Christian na tayo. Yes, we love Jesus. At sinasabi nating ibibigay natin ang buhay natin sa kanya. Pero sa sarili natin mahina tayo. Humaharap tayo sa tukso at nahuhulog tayo. Si Pedro, di ba’t nanindigan siyang handa siyang mabilanggo at mamatay na kasama ni Jesus (Luke 22:33). At nang arestuhin ang Panginoon, matapang siya, sumunod pa siya (v. 54), samantalang ang iba niyang kasama hindi na. But his courage failed him, nang makita niya sigurong delikado na ang sitwasyon. He denied Jesus three times. Sa v. 57, itinanggi niyang kilala niya si Jesus. Sa v. 58 at v. 60, itinanggi niyang isa siya sa mga tagasunod ni Jesus.

Nag-aaral ako sa UP noon. May subject kami na nagreport ang group namin tungkol sa aesthetic technology, yun bang mga pampaganda ngayon. Sa group namin may isang gay. Meron din akong kasamang new Christian pa lang. May nagtanong sa class namin kung anong position namin sa sex change. I feel na gusto ng Diyos ako ang magsalita at sabihin ang kalooban ng Diyos sa isang lalaki at sa isang babae. Pero natakot ako. May group mate kami na gay. Maraming tao sa klase na maaaring di magustuhan ang sasabihin ko. Hindi ako nakapagsalita. Ang group mate ko na new Christian ang nagsalita. Sabi niya, “OK lang daw iyon. Freedom of choice.” Tulad ni Pedro, tulad ng nangyari sa akin, madali tayong ikumpromiso ang faith natin. Kapag di maganda ang testimony natin sa family o sa school o sa office, di nakikitang followers of Jesus tayo.

There is evil hidden from us. Ito iyong mga katulad ni Judas sa vv. 47-48. Tatlong taon nilang kasama. Akala nila kaibigan nila. But his evil heart was hidden in friendship. Sa gabi na inaresto si Jesus, sinalubong niya si Jesus ng isang halik. This is a sign of friendship ng isang disciple sa kanyang master o teacher. But in this case, this was a sign of betrayal. Nagulantang ang 11 tagasunod sa nakita nila. Oo magkakasama tayo sa church, pero di natin alam ang nasa puso ng mga kasama natin. Ang iba, walking in sin sa araw-araw, pero pag nakita mo sa church, parang napakabanal. Ang iba, kung kausap mo, ang gaganda ng sinasabi. Pagtalikod mo, tsinitsimis ka na pala at sinisiraan sa iba.

There is just too much evil – outside of us, inside of us, and hidden from us. Anong gagawin natin ngayon? Babalewalain na lang ba natin? Wala na ba tayong gagawin? Hahayaan na lang? Kapag “evil” ang pinag-uusapan natin, we need to realize na merong four characters at play in this story. At kung aware tayo dun, malalaman natin kung paano tayo magrerespond.

Satan: Satan will do all in his power to advance his evil purposes and hinder God’s good purposes.

Sabi ni Jesus sa mga umaresto sa kanya sa vv. 52-53, “Isa ba akong tulisan? Bakit kailangan pa ninyong magdala ng mga espada at mga pamalo upang dakpin ako? 53 Araw-araw akong nasa templo, at naroon din kayo. Bakit hindi n’yo ako dinakip? Ngunit ito na ang pagkakataong ibinigay sa inyo upang dakpin ako. At sa sandaling ito ay naghahari ang kadiliman.” Alam ni Jesus na ang nangyayari sa mga oras na iyon ay masama, “Sa sandaling ito ay naghahari ang kadiliman.” ESV, “the power of darkness.” Alam ni Jesus na sa likod ng mga nangyayari ay ang pakana ni Satanas, “the prince of the power of the air, the spirit that is now at work in the sons of disobedience” (Eph 2:2 ESV).

Gagawin ni Satanas ang lahat ng magagawa niya para maisakatuparan ang kanyang mga masamang layunin at mahadlangan ang mga mabuting plano ng Diyos.

Si Judas na nagtraydor kay Jesus, anong kinalaman naman ni Satanas doon? “Pumasok si Satanas kay Judas” (Luke 22:3). Hinayaan ni Judas na maghari si Satanas sa kanya. Totally overpowered na siya. Si Pedro naman, nang ikaila niyang kilala niya si Jesus, anong kinalaman ni Satanas doon? Parang wala naman siya sa eksena. Sinabi ni Jesus kay Pedro, verse 31, “Humingi ng pahintulot si Satanas sa Diyos na subukin niya kayong lahat…” Gumagawa si Satanas ng paraan para ibagsak ang pananampalataya nila Pedro kay Jesus. Ang paghihirap na dinaranas ni Jesus, kagagawan din ni Satanas iyon na gustung-gustong saktan at pahirapan si Jesus. Naalala n’yo ang sinabi ng Diyos sa ahas (kay Satanas) sa Genesis 3:15? “Ikaw at ang babae ay mag-aaway. Ang lahi mo at ang lahi niya ay mag-aaway din. Dudurugin niya ang ulo mo at tutuklawin mo ang sakong niya.” Sa mga oras na ito, tinutuklaw ni Satanas ang sakong ni Jesus.

Wala tayong nakikitang ahas na tumutuklaw sa atin, invisible si Satanas. Pero sa tuwing nakikita natin ang kasamaan sa paligid natin, sa tuwing nahaharap tayo sa tukso, at sa mga panahong nahuhulog tayo sa kasalanan, tandaan nating aktibo si Satanas para ihasik ang kasamaan sa mundo. Ginagawa niya iyon sa panahon ni Jesus, ginagawa pa rin niya ngayon iyon. Eventually, narealize din iyon ni Pedro. Kaya sinulat niya sa atin, “Humanda kayo at mag-ingat, dahil ang kaaway ninyong si Satanas ay umaali-aligid na parang leong umuungol na naghahanap ng malalapa” (1 Pet. 5:8). He is out to get you. Walang exempted. Kahit akong pastor n’yo ay hindi exempted.

So, resist SatanDugtong ni Pedro, verse 9, “Patatagin n’yo ang pananampalataya n’yo sa Dios at labanan n’yo si Satanas.” Kapag wala tayong paki sa mga nangyayaring kasamaan sa paligid natin, parang sinasabi na rin nating okay lang maghari ang kalooban ni Satanas. Di ba’t ang prayer natin ay, “Your kingdom come, your will be done”? Hind tayo passive lang. We are actively joining God’s resistance army against Satan. Nang sabihin ni Pedro, “Patatagin n’yo ang pananampalataya n’yo sa Dios,” sinasabi niyang there’s another character at play in this story. At siya ang pinakamahalaga ang papel na ginagampananan.

Sovereign God: God accomplishes his good, redemptive purposes even through evil.

Sa v. 65, sinabi ni Luke sa kuwento tungkol sa ginagawa ng mga sundalo kay Jesus, “marami pa silang sinabing masama laban sa kanya.” Sa literal ito ay, “blaspheme,” o pagsasalita laban sa Diyos. Noong una, si Jesus ang pinararatangan nilang lumalapastangan sa Diyos. Dito sinabi ni Luke na sila na ang lumalapastangan sa Diyos sapagkat si Jesus ay siya mismo ang Diyos. Parang helpless siya, walang magawa sa nangyayari sa kanya. But he is God! He is sovereign! He is fully in control.

Sa v. 64, iniinsulto siya’t pinaglalaruan, hindi lang parang larong “pitik-bulag” kundi “suntok-bulag.” Sabi nila, “Hulaan mo (prophesy), sino ang sumuntok sa iyo?” Hindi siya sumagot, hindi dahil hindi niya alam, kundi hinayaan niyang mangyari ang nakatakdang mangyari sa kanya.

Alam nga niya ngang mangyayari sa kanya iyon. Sinabi na niya noon sa mga tagasunod niya, “Ibibigay ako sa mga hindi Judio, iinsultuhin nila, hihiyain at duduraan” (18:32). Ang pagtatraydor ni Judas, di ba alam ni Jesus na mangyayari iyon? Siya mismo ang nagsabi, ilang oras bago mangyari iyon, habang naghahapunan sila, “Kasalo ko sa mesang ito ang taong magtatraydor sa akin” (22:21). Ang pagkakaila ni Pedro sa kanya nang tatlong beses bago ang pagtilaok ng manok? Every detail alam ni Jesus, verse 34, “Pedro, tandaan mo, bago tumilaok ang manok ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.” Pati ang lalamunan ng mga manok hawak-hawak ng Diyos.

He is sovereign! Oo nga’t masama ang balak ni Satanas, but he is not sovereign. Maging ang masamang balak niya ay hawak-hawak ng Diyos para maisakatuparan ang magandang layunin niya. Sinasaktan si Jesus ng mga tao, kagagawan din ni Satanas. Pero sabi sa Isaiah 53:10, “Pero kalooban ng Panginoon na saktan siya at pahirapan.” Sabi ni Pedro sa Acts 2:23 na ang pagtatraydor ni Judas ay “ganito na talaga ang plano (ng Dios).” Sa 3:18, “Sa inyong mga ginawa sa kanya (kay Jesus), natupad ang sinabi ng Dios.”

Maging ang pinakagrabeng kasalanan na magagawa ng isang tao – ang traydurin ang Anak ng Diyos, ang insultuhin at duraan siya – ay ayon sa plano ng Diyos. Alam itong lahat ni Jesus. Pero lubos pa rin siyang nagpasakop sa Diyos. “Not my will, but yours be done,” prayer niya sa Garden of Gethsemane. May tiwala siya sa Ama. Na hindi siya parang isang engineer na nagkagulu-gulo ang contruction project kahit maayos ang mga blueprint. “Ooops! Paano na iyan!” Hindi mangyayari iyan sa Diyos. He is fully in control.

So? We trust God. Kahit gaano kagrabe ang kasamaang nakikita natin sa paligid natin, o kasalanang nagawa natin, o kasalanang nagawa ng ibang tao sa atin, we have a sovereign God. Sa kanyang mahiwagang plano, lahat ng iyan ay patungo sa katuparan ng magagandang plano ng Diyos para sa atin. “And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose” (Rom 8:28 ESV). Humahalakhak si Satanas sa nangyayari kay Jesus sa mga oras na iyon, pero ang hindi niya alam, iyon palang lahat ay para sa ikapapahamak niya at sa ikaliligtas ng maraming tao.

Yes, God is sovereign, pero hindi ibig sabihing hindi na tayo responsible sa mga nagagawa nating kasalanan. Tayong mga tao ang third character sa istoryang ito.

Sinful and Suffering Heart: We are responsible for our own sinful actions and our sinful re-actions to those who sinned against us.

Kung tayo man ay makagawa ng kasalanan laban sa Diyos o sumuway sa nais ng Panginoon at nahulog sa tukso, hindi natin puwedeng isisi kay Satanas. “Yang demonyong kasing iyan!” At hindi rin naman natin puwedeng iexcuse ang sarili natin at sabihing, “Di bale, makagawa man ako ng kasalanan, bahala na si Lord.” Tandaan natin, ang kasalanan natin ay kasalanan natinResponsable tayo sa mga nagagawa nating kasalanan. Hindi tayo puwedeng mag-excuse at hindi rin nating puwedeng maliitin ang mga nagagawa nating kasalanan.

Ang ginawa ni Judas na pagtatraydor, may kinalaman si Satanas dun, at ayon din sa plano ng Diyos, pero kasalanan n’ya iyon! Pananagutan niya. Kaya sabi ni Jesus, “Nakakaawa ang taong magtatraydor sa akin” (v. 22). Nakaabang ang parusa ng Diyos. Si Pedro, ikinaila niyang kilala niya si Jesus. May kinalaman si Satanas dun, ayon din sa pahintulot ng Diyos (di ba’t humingi nga ng pahintulot si Satanas sa Diyos, ayon sa v. 31?). Pero kasalanan ni Pedro iyon. Hindi lang isang beses, hindi lang dalawa, kundi tatlong mabibigat na kasalanan ang pananagutan niya kay Jesus. Kaya nang marinig niyang tumilaok ang manok, nakita niyang tumingin sa kanya si Jesus, at narealize niyang nagkasala siya kaya humagulgol siya (vv. 61-62). Wala siyang ibang dapat sisihin maliban sa sarili niya. Kasalanan niya iyon.

Ang pang-iinsulto kay Jesus, pambubugbog sa kanya, kasalanan nila iyon. Tayo rin maraming kasalanan laban sa Diyos. Ang mga panahong hindi natin pinanindigang tagasunod tayo ni Jesus, ang mga panahong sinunod natin ang sarili nating gusto, ang mga panahong pinahalagahan natin ang pera, ang ambisyon, ang relasyon nang higit sa Diyos. We are all sinners. Wala tayong dapat sisihin.

Paano naman ang mga taong umabuso sa akin? Verbal abuse. Emotional abuse. Physical abuse. Sexual abuse. Neglect. Hindi ba dapat sisihin ang mga taong iyan sa mga nangyari sa buhay ko? Responsable sila sa mga naging kasalanan nila sa iyo. Pananagutan nila iyon sa Diyos. But we have to own up to the sinful re-actions we have in response to the sins of others against us.

Kinuha si Jesus sa mga disciples. They love Jesus. The one they love was taken away from them. Anong response nila? Nagtanong sila, verses 49-51, “Panginoon, tatagain na ba namin sila?” [Hindi naman ‘to nagpapaalam kung papayag si Jesus, kundi nagpapa-alam ng gagawin niya.] 50 At tinaga ng isa sa kanila (si Pedro ayon sa Juan 18:10) ang alipin ng punong pari, at naputol ang kanang tenga nito. 51 Pero sinaway sila ni Jesus, “Tama na iyan!” Sinaway sila ni Jesus dahil mali ang response nila. Hindi dapat maghiganti, hindi dapat magkimkim ng galit, hindi dapat gantihan ng masama ang masama.

Pinabayaan ka ng mga magulang mo, nagrebelde ka at nalulong sa bisyo. May kasalanan sila, may kasalanan ka rin. Di mo naramdaman ang pagmamahal ng asawa mo, nagsalita ka ng masasakit. May kasalanan siya, may kasalanan ka rin. Niloko ka ng kaibigan mo, pinagkalat mo sa Facebook ang ginawa niya. May kasalanan siya, may kasalanan ka rin. We own up to our responsibility. Huwag mo nang sisihin ang iba sa mga nagagawa mong kasalanan o sa mga paghihirap na nangyayari sa iyo. Lahat tayo makasalanan. Iisa lang naman ang walang kasalanan. He’s the fourth character sa istoryang ito. At siya ang kailangan natin.

Savior: Jesus, in his suffering and death, bears our sin and our suffering.

Jesus identified himself as “Son of Man” sa pakikipag-usap niya kay Judas (v. 48). Bagamat may awtoridad siya bilang isang Diyos, hindi niya ginamit ang kapangyarihan niya para tupukin ng apoy ang mga taong kumakalaban sa kanya. Naparito siya hindi para hatulan tayo, kundi para “hanapin at iligtas ang mga naliligaw” (Luke 19:10). Totoong tao siya. Naranasan niya ang mga naranasan natin. “Naranasan din niya ang lahat ng pagsubok (o tukso) na dumarating sa atin, pero hindi siya nagkasala” (Heb 4:15). Wala siyang kasalanan, pero trinaydor siya ng itinuring niyang kaibigan, ikinaila siya ng isang tagasunod niya, inaresto siya na parang kriminal, ininsulto, binugbog, dinuraan. He was neglected and forsaken by his disciples. He was abused verbally, physically and emotionally. Yet he doesn’t deserve any of those. Pero tiniis niyang lahat iyon para sa atin.

Our SaviorHe is our Savior. Siya ang tagapagligtas ni Pedro. Big time ang kasalanan ni Pedro. Pagkatapos niyang gawin iyon, verse 61, “Lumingon ang Panginoon at tiningnan si Pedro.” Anong tingin ito? Nakangisi na parang nanunumbat (“Sabi ko na sa iyo e. Di ba tama ako?”)? O nanlilisik ang mata sa galit na parang nagsasabing, “Grabe ang ginawa mo!” Oo nga’t sa pamamagitan ng tingin na iyon ay naalala ni Pedro ang sinabi ni Jesus at narealize niya ang kasalanan niya, pero sa mga matang iyon ay nakita niya ang kalungkutan ng Panginoon sa kasalanan at ang kanyang awa at habag sa kanya.

This is a look of love. Gusto ng Panginoon na maalala niya kung ano rin ang sinabi niya noong una sa kanya, na magbabalik-loob siya sa Panginoon (v. 32). At ang kasalanang ito ni Pedro, at lahat pa ng kanyang mga kasalanan ay dadalhin ni Jesus sa krus ilang oras pagkatapos ng kuwentong ito para ma-absuwelto si Pedro at mapatawad siya. Hindi pa tapos ang lahat. The love of the Savior leads us to repentance. Kaya sa verse 62, “lumabas si Pedro at humagulgol.” Iyak ito ng pagsisisi.

Sabi ni Pablo sa 2 Corinto 7:10, “Ang kalungkutang ayon sa kalooban ng Dios ay nagdadala sa atin sa pagsisisi, at nagdudulot ng kaligtasan…” Ganito ang ibig sabihin ng paghagulgol ni Pedro. Dugtong pa ni Pablo, “…Ngunit ang kalungkutan ng mga taong makamundo ay nagdadala sa kanila ng kamatayan.” Ganito naman ang tulad ng kay Judas. Hindi nakalagay sa Luke, pero sa Matthew 27, mababasa natin ang ganito, “Nagsisi siya sa kanyang ginawa at isinauli ang 30 pirasong pila…” (v. 3). Sinabi niya sa mga leaders, “Nagkasala ako dahil ibinigay ko sa inyo ang isang taong walang kasalanan” (v. 4). Pagkatapos ay umalis siya at nagbigti (v. 5). “Nagsisi” siya, pero hindi tunay na pagsisisi. Nalaman niyang nagkasala siya, at walang kasalanan si Jesus, pero di siya lumingon kay Jesus bilang Tagapagligtas. Nauwi sa kamatayan ang “pagsisisi” niya.

Ang tunay na pagsisisi ay hindi lang pagtingin sa kasalanang nagawa natin. That’s the first step. Ito ay pagtingin din kay Jesus na siyang nagdala ng ating mga kasalanan. We look to sin. We look to our Savior. Gaano man kabigat ang nagawa mong kasalanan, may your respond like Peter in true repentance, not Judas in hopeless despair.

Their Savior. Pero tandaan din natin, si Jesus ay hindi lang Tagapagligtas mo, siya rin ay Tagapagligtas ng mga taong nanakit sa iyo, nagkasala sa iyo, umabuso sa iyo. Dito lang sa Luke makikita na pinagaling ni Jesus ang tinaga ni Pedro, verses 50-51, “At tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng punong pari, at naputol ang kanang tenga nito. 51 Pero sinaway sila ni Jesus, “Tama na iyan!” At hinipo niya ang tenga ng alipin at pinagaling ito.” Why would Jesus do that? Hindi ba’t tinuro ni Jesus, “Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway. Maging mabuti kayo sa mga galit sa inyo”? Ipinapakita ni Jesus kina Pedro na this is how you treat your enemies. You need a Savior. They also need a Savior.

Hindi lang iyon, habang hawak-hawak ni Jesus ang sugatang tenga ng lalaking ito, gusto niyang ipadama na ang paghipo ng kanyang kamay ang makapagpapagaling sa mga sugat sa puso natin. Alam ni Jesus kung paano masugatan din. Alam ni Jesus kung paano maduguan din. Alam ni Jesus kung paano maabuso, mainsulto, at traydurin. Lahat ng sugat sa puso natin, hindi lang mga kasalanan natin, dala-dala niya nang siya’y ipako sa krus. Kaya hindi na natin kailangang maghiganti, malaya na tayong magpatawad. Hindi na natin kailangang magtanim ng galit at sama ng loob, malaya na tayong magmahal at gumawa ng mabuti maging sa mga taong nakasakit sa atin. The touch of our Savior heals our wounded soul.

Kung nagkasala ka, maliit man o big time, look to Jesus. Sa kanya mo matatagpuan ang kapatawaran kasi siya ang nagbayad ng mga kasalanan mo. Kung nagkasala ang mga tao sa iyo, kahit pa ang mga pinakamalapit sa iyo, look to Jesus. Sa kanya mo matatagpuan ang kagalingan kasi siya ang nagdala ng mga sugat mo sa krus. “Tiniis niya ang mga sakit at mga kalungkutang dapat sana’y tayo ang dumanas… Sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating mga kasamaan. Ang parusang tiniis niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat niya ay gumaling tayo” (Isa 53:4-5).

There is just too much evil in our world today. Evil outside of us. Evil inside of us. So? We resist Satan. We trust our sovereign God. We own up to our responsibility – our sinful actions and re-actions to other’s sins against us. We look to Jesus our Savior. Sa bawat pagtingin natin sa kasalanan sa paligid natin at sa puso natin, doble ang gagawin nating pagtingin kay Jesus.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.