Part 51: Guilty or Not Guilty? (Luke 22:66-23:16)

Malapit na malapit na ang Pasko. Marami na namang mga inaabangang pagtitipon. Para makita ang mga kamag-anak. Para magkasiyahan. Para magpamigay at tumanggap ng mga regalo. Pero maraming Filipino, they are missing something. Or, they are missing Someone. Kulang ang selebrasyon kasi si Jesus ay palamuti lang, nasa sideline lang, wala sa sentro. Kahit na sinasabi ng maraming Filipino na Christian sila, they were neglecting Jesus. At hindi ka naman magtataka kung sa araw ng Pasko ay neglected siya kasi araw-araw naman neglected din siya sa buhay ng maraming tao.

Listen

Resources

pdf-iconmp3-iconitunes-iconsermonnetlogo

Sa kuwento natin sa Luke 22:66-27:16, hindi lang si Jesus neglected. He was rejected. It was Friday morning, verse 66, “Kinaumagahan…” Thursday night nang magkaroon ng Passover meal (huling hapunan) si Jesus kasama ang mga disciples niya. Sa Greek, ang “Passover” ay Pascha, sa Spanish Pascua, kung saan natin nakuha ang salitang Pasko, to refer to Easter and Christmas. It is just appropriate, kasi ang pagdating ni Jesus, ang buong buhay niya, ang kamatayan niya, ang muli niyang pagkabuhay ay siyang regalo ng Diyos sa mga taong makasalanan. Sa Passover, inaalala ng mga Judio ang pagliligtas ng Diyos at kinasasabikan ang paghihintay ng isang Tagapagligtas.

Ang hinihintay nila dumating na nang dumating si Jesus. But he was rejected by the people waiting for a Rescuer. Verse 66, “Kinaumagahan, nagtipon ang mga pinuno ng mga Judio, mga namamahalang pari, at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Iniharap nila si Jesus sa Korte nila.” Meron din silang pagtitipon. Ito ang Sanhedrin, ang mga religious leaders na kumakatawan sa bansa nila. Nagtitipon sila hindi para ipagdiwang ang pagdating ng Tagapagligtas, kundi para litisin siya at hatulan ng kamatayan, na matagal na nilang balak gawin. Salamat kay Judas at nagkaroon ng katuparan ang plano nila. Pero ang hindi nila alam, ang mga nangyayaring ito ay ayon din sa plano at balak ng Diyos para iligtas tayong mga makasalanan.

They rejected Jesus. Ang mga pinuno nila, ayaw tanggaping dumating na ang Hari na siyang mamumuno sa kanila. Ang mga pari, ayaw tanggaping dumating na ang Punong Pari, na siyang maglalapit sa kanila sa Diyos. Ang mga tagapagturo ng Kautusan, ayaw paniwalaan ang sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol sa kanyang pagdating.

And we are also guilty of rejecting him when we neglect him. Hindi lang Pasko ang pinag-uusapan dito. Kundi ang araw-araw natin na hindi si Jesus ang nagiging sentro. Na para bang ang buhay ay umiikot sa trabaho, sa pamilya, sa libangan, at hindi sa kung sino si Jesus at kung ano ang ginawa niya para sa atin. Itinatakwil din natin si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas kung isinasantabi natin siya sa anumang bahagi ng buhay natin.

Ano nga naman ang ieexpect natin sa mga tao ngayon, talaga namang hindi si Jesus ang nasa sentro ng buhay nila, kasi hindi naman talaga nila kilala si Jesus. At kung tayo man, kilala natin siya, kaso hindi natin lubos na inaalala at pinaniniwalaan kung ano ang ibig sabihin noon sa buhay natin.

Jesus: The Christ, The Son of Man, The Son of God (22:66-71)

Sa unang bahagi ng kuwento natin, ipinapakilala si Jesus sa mga taong ayaw naman siyang kilalanin. Pero sa atin na ang nais natin ay makilala pa siya, pakikinggan natin kung paano siya nagpapakilala.

Christ. Iniharap nila si Jesus sa kanilang religious court, ang Sanhedrin. Unang tanong, verse 67, “Sabihin mo sa amin, ikaw ba ang Cristo?” Cristo sa Greek, Messiah sa Hebrew, pareho lang. Ibig sabihin, “The Anointed One.” Siya ang itinalagang manggaling sa lahi ni David na siyang maghahari at magliligtas sa kanila. Siya ang katuparan ng matagal nang ipinangako ng Diyos, matagal na nilang hinihintay. Kaya nang ipanganak si Jesus, nagpakita ang mga anghel sa mga shepherds, “Fear not, for behold, I bring you good news of great joy that will be for all the people. For unto you is born this day in the city of David a Savior, who is Christ the Lord” (Luk 2:10-11 ESV). Nang ihahandog si Jesus sa templo, may nakakita sa kanya na isang lalaki na ang pangalan ay Simeon na matagal nang naghihintay ng “consolation of Israel” (o “haring magliligtas sa Israel,” ASD). “And it had been revealed to him by the Holy Spirit that he would not see death before he had seen the Lord’s Christ” (Luk 2:25-26 ESV). Siya ang pinakahihintay natin, kaya tamang kantahin natin ang sinulat ni Charles Wesley (1700s), “Come, thou long expected Jesus, born to set thy people free; from our fears and sins release us, let us find our rest in thee.”

Kaso noong panahon ni Jesus, ang salitang “Christ” o “Messiah” ay masyadong naging politicized. Ineexpect nilang rescuer ay isang political ruler. Kaya di niya sinagot ang tanong nila. Kasi there is no point in answering. Mock trial lang ‘to. May hatol na sila. Sagot ni Jesus, verses 67-68, “Kung sasabihin ko sa inyo, hindi naman kayo maniniwala. At kung tatanungin ko kayo, hindi naman kayo sasagot.” Ito ang mga taong ang akala nila political o economic ang problema nila. Pero ang Messiah sa kanyang unang pagdating ay sosolusyunan ang espirituwal na problema ng tao. Nagpapakilala si Jesus sa atin. Buo na ba ang desisyon mo tungkol sa kanya? Kung tatanungin ka kung sino si Jesus para sa iyo, anong isasagot mo? Kung tatanungin ka kung bakit mahalaga ang Pasko para sa iyo, anong isasagot mo? Nagpapakilala si Jesus, naniniwala ka ba sa sinasabi niya?

Son of Man. Kung si Jesus ang magpapakilala sa sarili niya, hindi Messiah ang ginagamit niyang titulo kundi Son of Man o Anak ng Tao. Ito ay isang titulo na makakapag-identify sa kanya na totoong tao at naparito siya para makihati sa mga paghihirap na dinaranas natin. He was the Son of Man, the suffering Messiah (9:22, 44). Pero bukod doon, ang titulong ito ay nagpapakita ng kanyang kakaibang position of authority. Bilang Son of Man, meron siyang “authority to forgive sins” (5:24), he is “the Lord of the Sabbath” (6:5). Ngayon, inaapi siya, nililitis siya, pero sa kanyang muling pagbabalik, “he will come in glory” (9:26; 21:27). Ito ang force ng sinabi niya sa verse 69, “Ngunit mula ngayon, ako na Anak ng Tao ay uupo na sa kanan ng makapangyarihang Dios.” Sa pagbabalik niya, sila na ang haharap sa kanyang trono at lilitisin at hahatulan. Ang titulong “Son of Man” ay may reference sa vision na ipinakita ng Diyos kay prophet Daniel, more than 500 years before Jesus, “And to him was given dominion and glory and a kingdom, that all peoples, nations, and languages should serve him; his dominion is an everlasting dominion, which shall not pass away, and his kingdom one that shall not be destroyed” (Dan 7:14 ESV). Ang nakaharap sa kanilang korte nang umagang iyon ay hindi lang isang ordinaryong tao. This is a claim to divinity.

Son of God. Alam ng mga religious leaders kung ano ang tinutukoy ni Jesus dito, kaya ang tanong nila, verse 70, “‘Kung ganoon, ikaw nga ang Anak ng Dios?’ sabi nila. Sumagot si Jesus, ‘Kayo na rin ang nagsabi na ako nga.'” Ang mga anghel sa langit kilala kung sino talaga si Jesus, kasi matagal na nilang kasama ang Anak ng Diyos bago pa man siya ipanganak noong unang Pasko. Sabi ni angel Gabriel kay Mary nang ibalitang siya ay magdadalang-tao (o magdadalang-Diyos?), “He will be great and will be called the Son of the Most High…the child to be born will be called holy–the Son of God” (1:32, 35). Kahit ang mga anghel na pinalayas sa langit, kilala ang Diyos na lumikha sa kanila. Sabi ni Satanas sa kanya, “If you are the Son of God…” (4:3, 9). Sabi ng mga demonyo na nanginginig pa, “You are the Son of God!” (4:41); “Jesus, Son of the Most High God” (8:28).

Nanginginig pa nilang sinasabi iyon. Samantalang ito mga lumilitis kay Jesus, nanggagalaiti na sa galit nang marinig kay Jesus iyon, na para sa kanila ay blasphemy. Sabi nila, verse 71, “Narinig na natin ang sinabi niya, ano pang ebidensya ang kailangan natin?” Blasphemy iyon kung si Jesus ay hindi tunay na Diyos at inaangkin niyang siya ay Diyos. At sa mga Judio, ang blasphemy ay punishable by death. For them, Jesus is guilty of blasphemy, so he deserved to die! Hindi na nila kailangan ng ebidensiya, para sa kanila, ang confession ni Jesus ay sapat para siya’y ipapatay. Buong buhay ni Jesus, ang mga himalang ginagawa niya, ang mga itinuturo niya, ang klase ng pakikitungo niya sa mga tao, mga inaapi at maging sa mga kaaway niya, sapat na ebidensiya na para masabing siya ang Messiah. Pero bulag sila.

Sapat na ang ebidensiya ng Salita ng Diyos tungkol kay Jesus. Siya ang Cristo, ang Panginoon at Tagapagligtas. Son of Man, Son of God, siya ang kailangan natin para maibalik tayo sa magandang relasyon sa Diyos. Siya ang tangin pag-asa natin sa buhay, siya ang buhay natin. Sapat na nga ang ebidensiya, bakit neglected pa rin siya sa buhay mo? Bakit pilit mo pa ring bumabalik sa mga bagay na di naman magbibigay ng tunay na buhay?

Not Guilty (23:1-5)

Accusations. How ironic ang nangyayari sa kuwentong ito. Ang nagbigay ng buhay sa kanila ay gusto nilang patayin. Puwede na nga silang dumampot ng mga bato at pagbabatuhin si Jesus para patayin. Kaso nasa pamamahala sila ng mga Romans. Ang mga Romano lang ang puwedeng mag-execute ng death sentence. Aside from a religious trial, kailangan din ng political trial. Luke 23:1, “Pagkatapos noon, tumayo silang lahat at dinala nila si Jesus kay Pilato.” Si Pilato ang Roman governor ng Judea (3:1). Kaso, hindi blasphemy ang ihaharap nilang kaso, wala namang pakialam ang mga Romano doon. So, ginawa nilang political ang mga charges kay Jesus. Tatlong kaso ang iniharap nila, verse 2, “At sinabi nila ang mga paratang nila laban kay Jesus: ‘Nahuli namin ang taong ito na sinusulsulan niya ang mga kababayan namin na maghimagsik. Ipinagbabawal niya ang pagbabayad ng buwis sa Emperador, at sinasabi niyang siya raw ang Cristo, na isang hari!'” 

May katotohanan ba ang unang kaso sa kanya? Sedition ang tawag dito, parang iyong ikinaso kay Jose Rizal at Andres Bonifacio noong panahon ng mga Spaniards. Is he inciting rebellion? Hindi ba’t sabi nga niya, “Love your enemies, do good to those who hate you” (6:27). Mali ang unang paratang sa kanya. Case dismissed. Case No. 2: ipinagbabawal ba niya ang pagbabayad ng buwis? Clearly no. Tinanong na siya dati tungkol dito, ang sagot nga niya, “Then render to Caesar the things that are Caesar’s, and to God the things that are God’s” (20:25). Case dismissed. Case No. 3: itinuturing niya ang sarili niya na isang hari. Iyon naman ang ibig sabihin ng Cristo – hari galing sa lahi ni David. Totoo naman iyan, at delikado siya sa Rome na ang haring kinikilala ay si Tiberius Caesar (3:1).

Verdict. Sa ikatlong kaso ang interes ni Pilato, kaya tanong niya kay Jesus, verse 3, “Ikaw nga ba ang hari ng mga Judio?” Sumagot si Jesus, “Kayo na ang nagsasabi.” Pangalawang beses na ‘to na hindi niya sinasagot ng diretsong “Oo” ang mga nagtatanong sa kanya. It is as if he’s taking the responsibility to his accusers. Na ngayong alam nila kung sino si Jesus, anong gagawin nila? Ang mga religious leaders, gusto siyang ipapatay. Si Pilato, di masyadong concern. Sa tingin niya siguro, wala namang threat si Jesus sa emperador kasi kahit mga sarili niyang kababayan di naniniwala sa kanya. Kaya ang hatol ni Pilato? Guilty or not guilty? Verse 4, “Sinabi ni Pilato sa mga namamahalang pari at sa mga tao, ‘Wala akong nakitang kasalanan sa taong ito!'” Case dismissed! Wala ni isa man sa paratang nila ang may sapat na ebidensya para maparusahan si Jesus.

Pwede na sigurong pakawalan si Jesus nang mga oras na iyon. Pero hindi pa. Hindi dito ang ending ng story. Hindi papayag ang mga taong nag-aakusa sa kanya na matalo sila. Kaya umapela pa sila. Verse 5, “Pero mapilit sila at sinabi, ‘Ginugulo niya ang mga tao sa buong Judea sa pamamagitan ng mga turo niya. Nagsimula siya sa Galilea at narito na siya ngayon sa Jerusalem.'” Ganito naman talaga ang nangyayari sa mga taong napatunayang mali ang mga bintang o paratang nila. Ipipilit.

Pride ang nakasalalay dito. Kung maabswelto si Jesus, ibig sabihin sila ang mali. E siyempre aaminin ba nila iyon? Di ba ganoon din kapag may kaaway tayo, o kahit ang asawa natin, ipipilit nating siya ang mali at tayo ang tama. Si Jesus ba ang dahilan bakit nagkakaroon ng gulo? Hindi ba sila? Hindi ba’t ang turo nga ni Jesus ay para magkaroon tayo ng magandang relasyon sa Diyos at sa isa’t isa? Hindi ba dapat fiesta noong araw na iyon para icelebrate ang ginawang pagliligtas ng Diyos? Bakit ginugulo nila?

Dahil sa pride natin, we don’t want to admit that we are the guilty one. Si Jesus? Wala naman siyang kasalanan, wala kahit isa. We are the ones who are guilty. Aaminin ba natin iyon?

Silent (23:6-12)

Hindi na siguro alam ni Pilato kung paano ihandle ang sitwasyong ito. Hindi naman siya Judio, kaya di niya naiintindihan ang tumatakbo sa isip ng mga taong ito. Mukhang nakahanap siya ng excuse o palusot ngayon. Verses 6-7, “Nang marinig ito ni Pilato, itinanong niya kung taga-Galilea si Jesus. At nang malaman niyang mula nga siya sa Galilea, ipinadala niya si Jesus kay Herodes, na nasa Jerusalem noon, dahil sakop nito ang Galilea.” Si Herod Antipas ang binabanggit dito, ang tetrarch o namamahala sa region ng Galilee (3:1). Anak siya ni Herod the Great, ang hari sa Judea nang ipanganak si Jesus. Ang ibang mga kapatid niya naman ang namamahala sa ibang regions, dahil pinaghati-hatian nila iyon nang mamatay ang kanilang ama. Pero puppet ruler lang siya ng mga Romans. May lahi siyang Judio, pero hindi puro.

Dinala si Jesus sa kanya. Anong reaksyon niya? Verse 8, “Tuwang-tuwa si Herodes nang makita niya si Jesus dahil matagal na niyang gustong makita ito, dahil sa mga nababalitaan niya at gusto niyang makita si Jesus na gumagawa ng mga himala.”

Wala siyang pakialam sa mga trials na iyan tungkol kay Jesus. Nandoon nga siya sa Jerusalem para ienjoy ang fiesta. Ang habol niya entertainment. Tamang-tama, matagal na niyang naririnig ang tungkol kay Jesus at kung paano siyang gumagawa ng himala. Para sa kanya, ayos ‘to, it’s showtime. Ang pagkakilala niya kay Jesus hanggang doon lang.

Pero hindi pinaunlakan ni Jesus ang mga gusto niyang mangyari. Verse 9, “Marami siyang itinanong kay Jesus, pero hindi ito sumagot.” Hindi si Herodes o si Pilato o ang mga religious leaders ang may control ng mga nangyayari. Jesus remained in control. Hindi ang gusto nila ang masusunod. Hindi siya sumasagot. Hindi dahil mukhang guilty siya. Meron nga siyang mga puwedeng sabihin para maabswelto siya pero di niya ginawa. He can cry against injustice, pero nanatili siyang tahimik. This is to fulfill Isaiah 53:7, “Inapi siya at sinaktan pero hindi man lang dumaing. Para siyang tupang dadalhin sa katayan para patayin, o tupang gugupitan na hindi man lang umiimik.

Hindi siya nagsasalita. Hindi siya umaalma. Di tulad natin na kapag may umaaway sa atin o masamang nangyayari sa atin, puro reklamo, galit na nagsasalita at nagmumura pa. Pero siya tahimik lang. Ibang-iba sa mga taong gusto siyang ipapatay. Verse 10 “Samantala, patuloy na isinisigaw ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan ang mga paratang nila laban kay Jesus.” Para sigurong sinasabi nila, “O ayan, silence means yes, patayin na natin iyan, nang matapos na ang kaguluhang ito!” Verse 11, “Hinamak at ininsulto ni Herodes at ng mga sundalo niya si Jesus. Sinuotan nila siya ng magandang damit bilang pagkutya sa kanya, at saka ibinalik kay Pilato.” Sabi siguro nila, “Ano ba iyan? Wala palang kuwenta ito. Wala man lang masabi. Maganda pa naman ang mga nababalitaan namin, di naman pala totoo. Pwe! Sayang lang ang oras natin ito.”

Ang dami nilang sinasabi. Ang dami nating sinasabi. Ang dami nating mga dahilan, mga excuses, mga justification. Sa halip na tumahimik tayo at amining tayo ang makasalanan. Si Jesus pa ang tahimik. Siya nga ang dapat nagsasalita at tayo ang dapat nakikinig sa kanya at sumusunod sa lahat ng sinasabi niya. Oh, what a humble Savior we have in Jesus! Hindi niya pinangalandakan ang awtoridad na meron siya bilang Diyos at Hari at Creator natin. In humility, hinayaan niyang ganunin siya ng mga kaaway niya para matupad ang magandang plano ng Diyos sa atin. 

Puro kasamaa nga ang nangyayari sa kuwentong ito, puro kawalanghiyaan. Pero may isa namang mukhang magandang nangyari as a result of this mock trial. Verse 12, “At nang araw na iyon ay naging magkaibigan ang dating magkaaway na sina Herodes at Pilato.” Kung ang dalawang magkaaway merong common enemy, at least nagkakasundo iyan para labanan ang kaaway nila. Wow, friends na sila. And it’s a good thing, right? Maybe not. Di ba isang diwa ng Pasko na popular sa atin ay iyong pagkakasundo, kung may mga alitan o magkagalit, ito ang panahon para magbati na, para magpatawad. Maganda nga iyon na makita, pero kung naayos nga ang relasyon natin sa ibang tao, ang relasyon naman natin sa Diyos ay sira, balewala din. Magkasundo nga si Pilato at si Herodes, pero nananatili naman silang kaaway ng Diyos, anong kahahantungan noon.

Punished (23:13-16)

Tayo ay mga kaaway ng Diyos dahil sa ating pagsuway sa kanya. Paano tayo makikipagkasundo sa kanya? Sa sarili nating gawa imposible. Pero buti na lang, this is the good news, siya ang gumawa ng paraan sa pamamagitan ni Jesus.

Ituloy natin ang kuwento, verses 13-15, “Ipinatawag ni Pilato ang mga namamahalang pari, mga tagapamahala ng bayan at ang mga tao, at sinabi sa kanila, ‘Dinala ninyo sa akin ang taong ito na ayon sa inyo ay nanunulsol sa mga tao upang maghimagsik. Inimbestigahan ko siya sa harap ninyo at napatunayan kong hindi totoo ang mga paratang n’yo laban sa kanya. Ganoon din ang napatunayan ni Herodes kaya ipinabalik niya si Jesus dito sa akin. Wala siyang nagawang kasalanan upang parusahan ng kamatayan.’    

Huling hatol? Jesus did not do anything deserving death. Or even any kind of punishment. He was not guilty of the charges against him. In fact he is not guilty of any sin at all. Buong buhay niya, hanggang sa kamatayan, lahat ng ginawa niya ay pagsunod sa Diyos. Siya lamang, sa lahat ng mga taong nabuhay sa mundo, ang lubos na kinalugdan ng Diyos.

Sa paglilitis kay Jesus, lumalabas pa nga na tayong mga tao ang on trial dito. Tayo kasi ang guilty. Hindi lang ng maliliit na kasalanan na dapat lang parusahan ng magaan na parusa. Nagkasala tayo sa banal na Diyos, the King of the universe, sa Diyos na nagbigay ng buhay sa atin. We don’t deserve a light beating, we deserve death and everlasting punishment in hell. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (Rom 6:23).

Walang sala si Jesus, dapat na siyang palayain. Iyon naman ang gustong mangyari na ni Pilato.Verse 16, “Kaya ipahahagupit ko na lang siya at palalayain.” Wala nga siyang kasalanan, ipapahagupit pa. Para siguro tingin ni Pilato na di na magkagulo ang mga tao, o to serve as warning kay Jesus na wag nang pumasok sa ganitong gulo. Anupaman, this is still unjust. Di naman siya dapat parusahan. At makikita natin later on sa story, di naman siya pinalaya, natuloy din siyang ipapatay.

“All we like sheep have gone astray; we have turned–every one–to his own way; and the LORD has laid on him the iniquity of us all” (Isa 53:6) Si Jesus na walang sala ay itinuring na may sala, para tayong mga may sala ay mapawalang-sala, at maituring na matuwid sa harap ng Diyos (2 Cor. 5:21). Tinanggap niya ang parusa ng kamatayan para tayong dapat na mamatay ay magkaroon ng bagong buhay (Rom 5:18). Hindi siya pinalaya para tayo ang mapalaya (Gal 5:1). Hindi na natin kailangang dalhin ang bigat ng ating mga kasalanan, gaano man ito kalaki. Dinala nang lahat iyan ng Panginoong Jesus.

So, enjoy your blood-bought peace, forgiveness, and freedom. Yan ang mga tinanggap natin nang dahil sa ginawa ni Jesus para sa atin. You need peace, hindi mo siya pwedeng isantabi. You need forgiveness, hindi mo siya pwedeng isantabi. You need freedom, hindi mo siya pwedeng isantabi.

At sa mundo natin ngayon, maraming tao ang nangangailangan din niyan. Karamihan sa kanila ay makakasama natin sa mga pagtitipon ngayon pasko. Kung paanong tulad ng paratang kay Jesus sa verse 5, “Ginugulo niya ang mga tao sa buong Judea sa pamamagitan ng mga turo niya. Nagsimula siya sa Galilea at narito na siya ngayon sa Jerusalem,” guguluhin din natin ang mga tao sa mga turo natin. Kasi kampante ang buhay nila. Akala nila okay na ang lahat.

Sasabihin nating mga kaaway sila ng Diyos na kailangang makipagkasundo sa Diyos, mga alipin ng kasalanan na kailangan ng kalayaan. At si Jesus ang nag-iisang daan patungo sa kanya, hindi sa pamamagitan ng gawa. Yan ang mensahe ni Jesus mula Galilea hanggang Jerusalem. Nagtapos sa Jerusalem, na ipinagpatuloy ng mga tagasunod niya noon, tulad ng sabi sa Acts 1:8, mula sa Jerusalem, hanggang Judea at Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig, na siyang patuloy pa rin nating gagawin hanggang bumalik na si Jesus at lahat ng tao ay humarap sa kanyang final judgment.

 

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.