Part 49: Fighting Temptation (Luke 22:31-46)

Maya-maya lang, bakbakan na sina Pacquiao (56 W, 38 by KO, 5 L, 2 D) at Algieri (20 W, 8 by KO, 0 L) para sa kanilang World Welterweight Championship. This is a big time fight, championship kasi. Malaki ang nakasalalay. Minsan lang ang mga ganitong laban.

pacquiaovsalgieriPero tayo, araw-araw ang laban natin sa tukso. Araw-araw nahaharap tayo sa tukso. There are times we are victorious, but maraming mga losses. Hindi lahat ng laban napagtatagumpayan natin. May mga big-time din ang pagkatalo natin. Dumating ang matinding tukso, tukso na magcommit ng pre-marital sex o sexual intercourse sa hindi mo asawa (adultery), o makapagsalita ng masakit na salita sa asawa mo, o mahuli na cheating sa school, para kang na-uppercut with one big punch. You find it hard to get back up. It knocks you out with just one punch, you find it hard to get back.

Pero karamihan sa atin, feeling natin small time fights lang ang kinahaharap natin araw-araw. Exposed ka sa pornography o pagtingin sa mga sexually explicit content sa Internet o sa isang men’s magazine. O nakikipagbiruan ka sa isang officemate o isang FB friend na unti-unting nahuhulog ang loob mo,  o sumosobra sa pagtulog at sobrang oras sa TV o games o sa Internet, o nahuhumaling ka sa trabaho at sa pera. Small jabs ng temptation, paunti-unti, pero eventually mauubos ang lakas mo spiritually, at kung di ka mag-ingat, KO ka din sa bandang huli.

Tulad ng mga disciples sa dulo ng kuwento natin ngayon sa Luke 22:31-46. Sa v. 40, sinabi ni Jesus sa kanila, “Manalangin kayo upang hindi kayo madaig ng tukso.” Matinding tukso din ang hinaharap ni Jesus, kaya nanalangin siya sa oras na iyon. Pero pagkatapos niyang mag-pray, nadatnan niya silang natutulog sa halip na nagpe-pray. Oo nga’t pagod sila, it’s a long day for them. Tapos nararamdaman nilang kukuhanin na ang Panginoon sa kanila. Pero sabi ni Jesus magpray sila, nagpadaig sila sa tukso. Sabi ni Jesus, “Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at manalangin, upang hindi kayo madaig ng tukso.” Inulit niya ulit. Hindi niya sinabing, “Sige na nga, naiintindihan ko talagang pagod kayo.” Para kay Jesus, ang laban sa tukso ay araw-araw. At ayaw niyang isa man lang sa mga tagasunod niya ay matalo sa labang ito.

Many times we fall. How can we make sure the next time we face this battle, we will win? If you are disciple of Jesus, your desire is to follow him straight, hindi paliku-liko, hindi paatras-atras. But some of you may be enjoying falling into temptation. I pray that God will let you see sin for what it really is and change your desire to love him.

Part 49At sa marami sa atin na nandoon na ang desire na labanan ang kasalanan, ang tanong ngayon, Paano ka mananalo sa laban sa tukso araw-araw? Ibabahagi ko sa inyo ang limang fighting strategy para labanan ang tukso.

Listen

Resources

pdf-iconmp3-iconitunes-iconsermonnetlogo

Strategy # 1: Kilalanin mo ang sarili mo: Mahina ka.

Mahalagang unang-una na tama ang pagkakakilala natin sa sarili natin. Pagkatapos sabihin ni Jesus kay Pedro na siya at ang mga kasama niya ay daraan sa matinding tukso ni Satanas para sila ay bumagsak, nanindigan si Pedro, na ang ibig sabihin ng pangalan niya ay “rock” – talagang mukhang matibay. Sabi niya, v. 33, “Panginoon, handa po akong mabilanggo at mamatay na kasama n’yo!” Alam natin ang nangyari pagkatapos, ikinaila niyang kilala niya si Jesus, tatlong beses, tulad ng sabi ni Jesus na gagawin niya, dahil sa takot na siya ay mabilanggo at mamatay kasama ni Jesus. Making resolutions won’t work. Hindi natin kailangang kumbinsihin ang sarili natin na kaya natin. Hindi natin kailangang magpanggap na malakas tayo.

Because the truth is, we are weak. Alam ni Jesus iyan. Kaya bungad niya, v. 31, “Simon, Simon, makinig kang mabuti!” (v. 31). Why Simon, his old name, and not Peter, his new name? Ipinapaalala sa kanya ni Jesus na hindi pa siya malakas, matatag tulad ng isang malaking bato. We give in to temptation kapag nangingibabaw sa atin ang ating dating pagkatao. At dalawang beses niyang sinabi ito para iparealize sa kanya na iyon ang totoo.

Alam ni Jesus na babagsak siya sa tukso ni Satanas. Alam niyang tatalikod si Pedro. Alam niyang manghihina siya. Verse 34, “Pedro, tandaan mo ito, bago tumilaok ang manok ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.” Alam niyang ang weakness ni Pedro ay iyong preoccupation niya sa sarili niya. Sa sariling willpower niya siya nakatingin. Hindi lang siya pati mga iba pang disciples. Na-overwhelm naman sila ng matinding lungkot dahil namamaalam na sa kanila si Jesus. Sabi sa version sa Matthew, “Watch and pray that you may not enter into temptation. The spirit indeed is willing, but the flesh is weak” (Matt. 26:41 ESV).

Kilala tayo ng Panginoon. Alam niya ang kahinaan natin. Dapat kilala din natin ang sarili natin. Huwag ka nang magpanggap na malakas ka. “If you think you are standing strong, be careful not to fall” (1 Cor. 10:12 NLT). Sabihin mo, “Mahina ako. Ilang beses na akong nahulog sa tukso. Sa sarili ko, di ko kayang manalo sa labang ito.”

Strategy #2: Kilalanin mo ang kalaban mo: Malakas ang kalaban mo.

Sinong kalaban? Kung ang tempted ka sa gluttony, ang kalaban ay pagkain? Kung greed, ang kalaban ay pera? Kung lust, ang kalaban ay Internet porn? Kung anger, ang kalaban ay hormones or stress? Kung unforgiveness, ang kalaban ay ang asawa mo? Diyan tayo nagkakamali. Our fight is not physical. We are in a spiritual battle. “For we do not wrestle against flesh and blood, but against the rulers, against the authorities, against the cosmic powers over this present darkness, against the spiritual forces of evil in the heavenly places” (Eph 6:1 ESV).

Ang kalaban ni Pedro at lahat ng mga disciples ng Panginoon ay si Satanas. Simula pa sa Garden of Eden, hanggang ngayon, hindi siya tumitigil, hindi nagpapahinga. Sabi ng Panginoon, v. 31, “Simon, Simon, makinig kang mabuti! Humingi ng pahintulot si Satanas sa Dios na subukin niya kayong lahat tulad ng pag-aalis ng ipa sa mga trigo.” That he might sift you like wheat. Anong image dito? Na kapag nagliliglig ka ng palay, gusto mo maalis ang mga ipa at matira ang butil. Pero si Satanas, violent ang ginagawa niya, hanggang maalis hindi lang ang iba kundi ang bigas. Ibig sabihin, his purpose sa temptation ay para tuluyang ibagsak ang pananampalataya natin sa Panginoon, para tuluyang ilayo tayo sa Diyos.

Ang pangalang “Satanas” sa Hebreo ay ibig sabihin, kaaway, kalaban. Kapag nahulog tayo sa tukso niya, kahit maenjoy pa natin for a time, we’re falling into his trap. He is not a friend. He does not want what is good for us. He is like a roaring lion waiting to devour us (1 Pet. 5:8). Hindi siya nagsasabi ng totoo. He is a liar, the father of lies (Jn 8:44). Iyan ang ginawa niya kina Adan at Eba. Iyan ang ginagawa niya sa atin ngayon.

The problem is, he is invisible. We are not even aware that he is the enemy. Advanced tayo sa technology. Sobrang secular ang pag-iisip na ng mga tao ngayon. Wala na halos ang belief sa supernatural. Kahit tayong mga Christians. We live our daily lives as if Satan and his minions don’t exist. At iyan ang dahilan kung bakit ilang beses na tayong nahuhulog sa mga patibong niya. Aktibo siya sa labang ito. Hindi tayo dapat magpabaya tulad ng mga disciples na tinulugan si Jesus.

Kung malakas ang kalaban natin, we need a powerful weapon. Sa laban sa temptation, hindi pagdisconnect ng Internet ang solusyon, o pag-alis ng mga tempting na pagkain o mas exercise para bawas stress. Temporarily, puwedeng masolve ang problema. But we need a spiritual solution. “Finally, be strong in the Lord and in the strength of his might. Put on the whole armor of God, that you may be able to stand against the schemes of the devil” (Eph 6:10-11 ESV). Paano natin gagawin iyan? “Praying at all times in the Spirit, with all prayer and supplication” (v. 18). Alam ni Jesus iyan. Kaya nga sa Luke 22:32, sabi niya, “But I have prayed for you…” Dalawang beses niyang sinabi sa mga disciples niya, “Pray that you will not enter into temptation” (v. 40, 46). Sa tukso din na inihaharap sa kanya ni Satanas, he prayed more as a response. “Dahil sa paghihirap ng kanyang kalooban, lalo siyang nanalangin nang taimtim” (v. 44). What we need is not more sleep, more food, more money, more comfort, what we need is more prayer!

When we don’t pray, parang sinasabi natin sa Diyos, “Kaya ko ‘to. I don’t need your help.” When you pray, sinasabi mo sa Diyos, “Hindi ko kaya. Malakas ang kalaban. Kailangan ko ng kakampi.”

Strategy #3: Kilalanin mo ang kakampi mo: Higit na malakas ang kakampi mo.

Oo nga’t malakas ang kalaban natin, pero hindi siya all-powerful. Limited din siya. Isa din siya sa mga creature ng Panginoon. Humihingi siya ng pahintulot sa Diyos sa gagawin niya kay Pedro, ayon kay Jesus. Ganito rin ang ginawa niya sa buhay ni Job. God alone is all-powerful, sovereign. We need him on our side if we are going to win this battle against temptation everyday. Kaya nga ipinadala niya si Jesus para iligtas tayo, hindi lang para dalhin tayo sa langit pag namatay na tayo, kundi iligtas niya tayo araw-araw sa mga tukso na hinaharap natin. He is our only hope of rescue. Paano siya naging qualified?

Nagtagumpay siya para sa atin. Buong buhay ni Jesus, humarap din siya sa laban sa tukso si Satanas. Habang nasa wilderness siya fasting for 40 days, paulit-ulit ang temptation ni Satan. At bawat round, siya ang panalo. Pero gusto pa niya ng rematch, “And when the devil had ended every temptation, he departed from him until an opportune time” (Luk 4:13 ESV).

At ito na naman, huling gabi bago patayin si Jesus, matinding anguish ang nararamdaman niya. Verse 44, “Dahil sa paghihirap ng kanyang kalooban, lalo siyang nanalangin nang taimtim, at ang pawis niya ay parang dugo na tumutulo sa lupa.” Puwedeng literal, tulad ng isang medical condition na sa sobrang hirap ng kalooban, ang lumalabas na pawis ay dugo. Puwede ring figurative. Pero ang point, matinding pagsubok ang hinaharap niya. Sabi niya sa prayer, v. 42, “Ama, kung maaari ay ilayo n’yo sana sa akin ang kopa ng mga paghihirap na aking dadalhin.” Ang kopa na tinutukoy dito ay ang kopa ng poot ng Diyos (Isa. 51:22) na dadalhin ni Jesus para bayaran ang mga kasalanan natin. At napakabigat na dalahin ito. Puwedeng mangibabaw ang gusto niya bilang tao na umiwas sa paghihirap. Pero nagtagumpay siya, ang dugtong niya sa prayer niya, “Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban n’yo.” He was “tempted as we are, yet without sin” (Heb 4:15 ESV).

Wala siyang kasalanan, pero bakit siya ang nagdala ng parusa na nararapat sa atin na paulit-ulit nahulog sa tukso at piniling magrebelde sa Diyos? Dahil ito ang plano ng Diyos na sa simula’t simula pa ay nangako siyang magpapadala ng Tagapagligtas. Sabi ni Jesus sa v. 37, “Sapagkat sinasabi ko sa inyo na kailangang matupad ang sinasabing ito ng Kasulatan tungkol sa akin: ‘Itinuring siyang isang rebelde.’ At natutupad na ito ngayon!” Itinuring siyang makasalanan, para tayo naman ay maituring na matuwid sa harapan ng Diyos (2 Cor 5:21). Itinuring siyang “loser” para maituring tayong “winner”.

Wala nang maiaakusa si Satanas sa atin laban sa Diyos. Ayon sa Col. 2:14-15, kasi binura na ng Diyos lahat ng pagkakautang natin nang ipako niya ito sa krus ni Cristo. The cross is our victory. Pero hindi doon nagtatapos iyon. Nabuhay siyang muli. Umakyat siya sa langit at nakaupo sa kanan ng Diyos at anong ginagawa niya doon? Nagpapahinga na at kukuya-kuyakoy? No!

Nananalangin siya para tayo rin ay magtagumpay. He is at the right hand of God, interceding for us (Rom 8:34). He always lives to make intercession for us (Heb 7:25).  But if anyone does sin, we have an advocate with the Father, Jesus Christ the righteous (1 John 2:1). Anong pinagpepray niya para sa atin? “Keep them in your name…keep them from the evil one” (John 17:11, 15). Di ba’t iyan ang prayer niya kay Pedro, “thay your faith may not fail”? At personal ang prayer niya, hindi general. Sabi niya kay Pedro, “I have prayed for you…” Para sa iyo. This is good news! At this moment sinasabi ni Jesus sa akin, “I am praying for you, Derick.” Ha! At kapag siya ang nanalangin, tapos si Satanas humihiling din sa Diyos, sino ang papakinggan ng Ama? Dapat pa bang sagutin iyan?

Kung nabubully ka sa school. Takot ka na sa mga classmates mo. Ayaw mo nang pumasok. Pero isang araw, sinamahan ka ng tatay mo. Sino pa man ang umaway sa iyo, alam mong your Father is on your side, ibang confidence iyon! So we fight temptation by faith in the gospel of Jesus. We keep reminding ourselves, “Greater is he who is in you than he who is in the world” (1 John 4:4 NASB).

Strategy #4: Alamin mo kung saan magtatapos ng laban: Siguradong panalo ka.

Maraming beses talunan tayo. Pero sa bandang huli, we will win. Bakit ako nakakasiguro? Kung si Jesus ba naman ang kakampi mo, may talo ka ba? Wala! If God is for us, who can be against us (Rom. 8:31).

Si Jesus mismo ang naggarantiya nito kay Pedro. Sabi niya, “I have prayed for you that your faith may not fail…” Oo, bumagsak siya nang ikaila niya si Jesus. Pero ang prayer ni Jesus dito ay “that your faith may not completely, totally fail” o tuluyang bumagsak. Kaya dugtong niya, “When you have turned again…” para bigyan siya ng kumpiyansang babalik siya sa pagsunod kay Jesus. Ang mga salitang ito ni Jesus kay Pedro ay ginarantiya niya sa pamamagitan mismo ng kanyang dugo. Wala ni isa man lang na patak ng kanyang dugo ang masasayang, ibinuhos niya iyon para tiyakin ang lubos na kaligtasan natin.

How are you going to fight if you know you will win? Pa-easy-easy ka ba? No! You are confident! Meron kang assurance na bumagsak ka man, babangon ka sa tulong ng Panginoon. So you fight temptations by the promises of God. Kapag natutukso kang mahumaling sa pera, you believe the promise, “I will never leave you nor forsake you” (Heb. 13:6), na ang presensiya ng Diyos ay sapat sa lahat ng mga pangangailangan sa buhay. Kapag natutukso kang tumingin sa porn, you believe the promise, “Blessed are the pure in heart, for they shall see God” (Mat. 5:8), na ang makita ang Diyos ay higit na exciting at delighting kesa makita ang mga hubad na larawan ng mga babae.

Makakatiyak tayo sa panalo sa labang ito because God proves himself faithful. “Now may the God of peace himself sanctify you completely, and may your whole spirit and soul and body be kept blameless at the coming of our Lord Jesus Christ. He who calls you is faithful; he will surely do it” (1Th 5:23-24 ESV).

“No temptation has overtaken you that is not common to man. God is faithful, and he will not let you be tempted beyond your ability, but with the temptation he will also provide the way of escape, that you may be able to endure it” (1 Cor 10:13 ESV). God will provide a way of escape. At kapag pinakita niya iyon sa iyo, anong gagawin mo? You escape! Kaya sabi niya sa verse 14, “Flee from idolatry.” Yes, God is faithful. Pero meron din tayong responsibility na labanan ang tukso.

Strategy #5: Alamin mong nasa iyo na ang lahat ng kailangan mo: Ibuhos mo ang lahat para sa labang ito.

I think this is the point of verses 35-38:
Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kanila, “Nang suguin ko kayong walang dalang pitaka, bag, o sandalyas, kinulang ba kayo?” [Ang tinutukoy niya ay noong isinugo niya sila sa 10:4.] Sumagot sila, “Hindi po.” “Ngunit ngayon,” sabi ni Jesus, “Kung may pitaka o bag kayo, dalhin ninyo. At kung wala kayong espada, ipagbili ninyo ang damit ninyo at bumili kayo ng espada. Sapagkat sinasabi ko sa inyo na kailangang matupad ang sinasabing ito ng Kasulatan tungkol sa akin: ‘Itinuring siyang isang rebelde.’ At natutupad na ito ngayon!” Sinabi nila, “Panginoon, may dalawa po kaming espada.” “Tama na iyan,” sagot niya.

They were slow to get this. Nandoon pa sila sa level na akala nila ang laban ay physical. But this is a spiritual battle. Lahat ng spiritual resources ay nasa atin na sa labang ito. Pero hindi tayo magtatagumpay kung di naman natin gagamitin. May baril ka nga o espada o sangkaterbang bomba, pero kung di mo naman gagamitin laban sa kalaban, balewala rin. Anong spiritual resources ang meron tayo? Magbibigay ako ng tatlo, ang unang dalawa ay nabanggit ko na kanina.

The Word of God. Heto iyong gospel na dapat nating palaging basahin, alalahanin, ipaalala sa sarili natin. Si Jesus, nilalabanan ang lahat ng tukso ni Satanas sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Naniniwala sa salita ng Diyos, buo ang loob na sumunod sa salita ng Diyos. Nasa atin na ang salita ng Diyos, hindi na natin kailangang magpaloko sa mga mapanlinlang na salita ni Satanas. Pero maloloko niya tayo kung di naman natin gagamitin araw-araw ang salita ng Diyos.

The Spirit of God. Gustuhin man nating makasunod sa Diyos, di natin kaya sa sarili natin. So we pray, and ask the Spirit to help us. Kung si Jesus nga, humingi ng tulong sa Ama. Nang tumindi ang pagdurusa niya, mas lalo ring tumindi ang panalangin niya. Si Jesus na ating Panginoon, lumuhod sa Diyos sa panalangin para mapagtagumpayan ang labang ito, tayo pa kaya? So pray and ask for help. “Lead us not into temptation, but deliver us from evil” (Mat. 6:13 ESV).

The People of God. Kailangan natin ang isa’t isa. Hindi solo-solo ang labang ito. Kaya sabi ni Jesus kay Pedro, “When you have turned again, strengthen your brothers.” Palalakasin natin ang loob ng isa’t isa. Gigisingin natin ang mga natutulog. Sasawayin at paaalalahanan ang mga nakalilimot. Hindi sapat ang aattend lang tayo ng Sunday Worship o kahit GraceComm gathering. Kailangan natin ng Fight Club, tatlo o apat na lalaki o babae sa isang grupo. We confess our sins, we become honest sa mga temptations na hinaharap natin. At tulung-tulong tayo na ipaalala ang gospel sa isa’t isa, at ipanalangin ang isa’t isa.

Kahit akong pastor n’yo, di exempted sa laban sa tukso araw-araw. Mas matindi pa nga ang gagawing pag-atake ng Kalaban kasi alam niyang kapag ako ay bumagsak, apekdato ang buong church. Merong temptation sa pride, sa lustful thoughts, sa passivity sa pag-lead sa family ko. This is everyday battle. Kailangan ko ring basahin ang Word of God everyday, at ipaalala sa sarili ko kung ano ang ginawa at ginagawa ni Jesus para sa akin. Hindi ko sisimulan ang araw ko na hindi muna hinihiling ang tulong ng Diyos na masunod ko ang kalooban niya. Hindi ako nag-iisa sa labang ito. Tinutulungan ako ng asawa ko. She reminds me, warns me, rebukes me, speaks the gospel to me. We pray together. Meron din akong Fight Club, mga kasama kong pastor sa ibang church. Twice a month we meet. We confess our sins. We ask for help sa mga temptations na hinaharap namin. May mga times of victory. May mga times of failure. But we keep fighting for each other. Mahabang panahon ng Christian life namin, we are fighting solo. Pero hindi na ngayon.

Bakit? Kasi inaamin kong sa laban sa tukso, mahina ako. Malakas ang kalaban ko, pero nagtitiwala akong mas malakas ang Kakampi ko. Nasasabik akong dumating ang araw na matapos na ang labang ito, at makamit ko ang tagumpay sa pagbabalik ng Panginoon. Pero bago iyon, patuloy akong lalaban at gagamitin ang lahat ng spiritual resources na kailangan ko sa labang ito.

Ikaw? Inaamin mo rin bang mahina ka? Narealize mo na bang malakas ang kalaban mo? Nagtitiwala ka bang higit na malakas ang Kakampi mo? Naniniwala ka ba sa pangako niyang tagumpay ang naghihintay sa iyo sa dulo ng laban? Lalaban ka rin ba araw-araw gamit ang salita ng Diyos, ang panalangin, at hihingi ng tulong sa iba?

6 Comments

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.