Part 48: My Way or God’s Way? (Luke 22:1-30)

Hindi lahat ng gusto nating makuha ay makukuha natin sa sarili nating paraan. Tulad ng isang Chinese na nagpropose sa kanyang girlfriend:

proposalAn unnamed Guangzhou man reportedly spent two years’ savings on 99 iPhone 6 models, in order to stage a wedding proposal for his girlfriend. The programmer spent 500,000 yuan (almost $82,000) on Apple’s latest smartphones, hoping, it seems, that an exhibit of his well-off financial standing would win her heart. He then stacked up the boxes in the office parking lot to form a heart, inside of which he stood with a bouquet of flowers, and professed his undying love for a female colleague. But when she turned him down—in front of a crowd of friends and onlookers—the man was simply left with a broken heart and 99 iPhones to sell online. (Source: http://bit.ly/117wAVo)

Nakapag-ipon nga siya’t nabili ang gusto niya. Pero sa bandang huli, aanhin ba niya lahat iyon? Hindi niya naman nakuha ang gusto talaga ng puso niya. He was left broken-hearted. At dahil ginawa niya iyon sa harap ng maraming tao, ano na kayang nangyari sa pride niya? Tulad ng taong ito, meron din tayong mga gustong makuha sa sarili nating paraan na hindi naman talaga natin makukuha sa sarili nating paraan. Ang mga bagay na ito ay nakakahadlang sa pagsunod natin sa Panginoon.

Sa pagpapatuloy ng kuwento natin sa Luke 22:1-30, narito na tayo sa huling yugto ng buhay ni Jesus. Huwebes na. Kinabukasan papatayin na siya. At sa kuwentong ito, we can identify with the desires of the three sets of characters – mga religious leaders na sa simula pa’y kaaway na ni Jesus, si Judas na kaaway ni Jesus pero nagpapanggap na tagasunod at ang mga tunay na tagasunod ni Jesus. Tulad nila, meron din tayong mga gustong makuha sa sarili nating paraan na malaking hadlang sa gusto ng Diyos na paraan sa buhay natin.

Listen

Resources

pdf-iconmp3-iconitunes-iconsermonnetlogo

Desire to get approval our way. Gusto nating ma-approve tayo ng mga tao sa sarili nating paraan. Tulad ng mga kaaway ni Jesus. Verse 2, “Ang mga namamahalang pari at ang mga tagapagturo ng Kautusan ay humahanap ng paraan upang ipapatay si Jesus na hindi magkakagulo, dahil natatakot sila sa mga tao” (ASD). Mga religious leaders pa man din. Dapat sila ang aprubado ng Diyos, pero hindi. Mas gusto pa nila ang approval ng mga tao. Noon pa man, gusto na nilang ipapatay si Jesus (19:47), pero di nila magawa dahil sa mga taong nakikinig kay Jesus. Kaya maingat sila, “dahil natatakot sila sa mga tao.”

They crave for people’s approval. Gagawin nila ang lahat ng magagawa nila para maganda ang sasabihin sa kanila ng mga tao. Tayo? Nag-aaral kang mabuti para makakuha ng mataas na grade kasi gusto mong makuha ang approval ng parents mong parang di ka napapansin. Nagseserve ka sa ministry, pursigido, para masabi ng ibang tao na mabuting Christian ka. Nagtatrabaho ka nang mabuti para patunayan sa asawa mong hindi siya nagkamali ng pagpili sa iyo. Tinitiyak mong lalaki ang mga anak mo na matino para maganda ang sasabihin sa iyo ng mga tao.

Desire to get riches our way. Inaakala din natin na kung mas marami tayong pera, mas masisiyahan tayo. Kaya gagawin natin ang magagawa natin para makuha ang kayamanan sa sarili nating paraan. Tulad ni Judas. Verses 4-6, “Pumunta siya sa…mga opisyal…at pinag-usapan nila kung paano niya maibibigay sa kanila si Jesus. Natuwa sila at nakipagkasundo kay Judas na bayaran siya. Pumayag naman si Judas…at mula noon, humanap siya ng pagkakataon upang maibigay si Jesus sa kanila nang walang maraming taong nakakaalam.” Gusto rin niya ang approval ng mga tao. Pero merong isang motivation ang nagtulak sa kanya para traydurin si Jesus. Pera! The love of money! Treasurer nga siya ng grupo ni Jesus pero baka wala naman siyang napapala doon. Sa kayamanan ipinagpalit niya ang Panginoon na kasa-kasama niya sa tatlong taon.

Trabaho ka nang trabaho, wala kang time sa ministry o involvement sa church, kasi baka sa tingin mo mababawasan ang kikitain mo o hindi ka mapopromote. O kung involve ka naman sa church, iniisip mo ang mga tao dito ay mga contacts na puwede mong pagkakitaan. Ayaw nating maidentify kay Judas. Pero meron sa puso natin na parang Judas, na mas pinahahalagahan ang kayamanan kaysa relasyon kay Jesus.

Desire to get greatness our way. Gusto rin nating ikinukumpara ang sarili natin sa ibang tao, na masabing tayo ay better, mas magaling na magulang, mas mahusay na student, mas maganda, mas mayaman. We want to be greater than others! Tulad ng mga tagasunod ni Jesus. Huling hapunan na makakasama nila si Jesus bago siya mamatay, tapos ito pa ang pinagtatalunan nila! Verses 24-25, “Nagtalu-talo ang mga tagasunod ni Jesus kung sino sa kanila ang pinakadakila. Sinabi sa kanila ni Jesus, ‘Sa mundong ito, ang mga hari ay pinapanginoon ng mga nasasakupan nila, at ang mga may kapangyarihan ay gustong tawagin na ‘Tagatulong ng mga Tao.'”

Kahit tayo’y mga tagasunod na ni Jesus, meron pa rin sa puso natin ang tulad ng mga tao sa mundong ito. “Ang church namin mas marami kaysa sa inyo.” “Ako mas marami na akong nadidisciple.” “Ako mas maraming oras ang nilalaan ko sa ministry.” “Ako mas masipag sa bahay, mas may time sa mga anak ko.” We want a higher status, and we want it our way.

God wants to give us everything we need his way

Ano naman ang masama sa mga ito? Di naman masamang maghangad ng approval o kayamanan o greatness. Ang Diyos din ang naglagay sa puso natin niyan at kailangan natin iyan. Ang masama ay ang kagustuhan nating makuha ang mga iyan sa sarili natin paraan. Our way, our way, our way. We are disciples of Jesus. Hindi na paraan natin ang masusunod. But his way. God’s way. The Jesus way. Kaya nang nagtatalu-talo sila kung sino ang greatest, sinaway sila ni Jesus at sinabing, “Ngunit hindi dapat ganyan sa inyo…” (v. 26). Gusto ng Diyos ibigay sa atin ang lahat ng kailangan natin sa sarili niyang paraan.

Kinakalimutan nila kung ano ang kuwentong nasa likod ng ginagawa nilang hapunan. Nang nagpaplano itong mga religious leaders laban kay Jesus, verse 1, “Malapit na noon ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa (Unleavened Bread) na tinatawag ding Pista ng Paglampas ng Anghel (Passover).” Ang hapunan na pinagsaluhan nila ay ang Passover meal, na siyang simula ng one week feast nila na “Unleavened Bread”.

Ang kuwento sa likod nito ay matatagpuan sa Exodo 11-12. Bago sila lumabas sa Egypt, matapos ang 430 years of slavery ng Israel doon, kakain sila ng Passover meal. Bakit “passover”? Ito kasi ang gabing ipapadala ng Diyos ang kanyang anghel para patayin ang lahat ng panganay sa Egipto, tao man o hayop. Para maligtas ang mga panganay ng Israel, papatay sila ng tupang lalaki, isang taong gulang, na walang kapintasan, ang dugo nito ay ipapahid sa hamba ng pintuan nila. Pagdating ng anghel, lalagpasan sila kung may makitang dugo sa pintuan. At ang pamilyang nasa bahay ay pagsasaluhan ang karne ng tupa at kakain ng tinapay na walang pampaalsa. At gagawin nila ito taun-taon simula noon para alalahanin na sa araw na iyon naligtas sila hindi sa sarili nilang paraan kundi sa paraan ng Diyos, God’s way!

Ngayon naman, narito si Jesus, kasama ang mga disciples niya na naghahapunan. Last Passover meal na ‘to. Dahil ito ay simbolo ng paraan ng Diyos para maligtas ang tao. Kinabukasan, papatayin si Jesus, ang tupang walang kapintasan para matugunan ng Diyos ang kaligtasang kailangan natin. At hanggang ngayon, ito ang dahilan kung bakit dito sa church every first Sunday of the month, o sa inyong GraceComm gathering, nagsasalu-salo tayo sa Lord’s Supper. Para alalahanin na sa kamatayan ni Jesus, paraan ng Diyos ang nasunod at dapat masunod para sa kaligtasan natin.

God’s way for us is through the death of Jesus

Wala nang ibang paraan para makuha natin ang totoong approval na kailangan natin, totoong riches na kailangan natin, totoong greatness na kailangan natin maliban kay Jesus. He is “the way” (Jn 14:6), the only way to the Father. Paano ipinakilala ni Jesus ang sarili niya dito, na siyang Bida sa kuwento – at hindi ang mga religious leaders, hindi si Judas, hindi ang mga disciples niya?

Sovereign. Oo nga’t nagpaplano ang mga religious leaders laban kay Jesus, pero si Jesus pa rin ang may kontrol. Hindi Huwebes ang nakatakdang kamatayan niya, kundi Biyernes. Makikita ito sa paghahanda nila sa hapunan. Nang magtanong sina Pedro at Juan kung saan maghahanda ng hapunan, sinabi niya sa verses 10-12, “Pagpasok n’yo sa lungsod…sasalubungin kayo ng isang lalaking may pasang banga ng tubig (babae ang karaniwang gumagawa nito). Sundan n’yo siya sa bahay na papasukan niya…Isasama niya kayo sa itaas…sa malaking kuwarto na kumpleto ng kagamitan. Doon kayo maghanda ng hapunan natin.” Nang sumunod sila sa sinabi ni Jesus, nakita nila exactly ang lahat ayon sa sinabi ni Jesus (v. 13). Alam niya ang lahat, nakaplano ang lahat. Nagplano si Judas na traydurin si Jesus, ibigay sa mga religious leaders para ipapatay. Oo nga’t may pananagutan sila doon. Pero ang hindi nila alam, ang mga ginawa nila ay nakailalim sa paraang itinakda ng Diyos.

Si Jesus ang nagsabi pagkatapos nilang maghapunan, verse 22, “Sapagkat ayon sa itinalaga ng Dios, ako na Anak ng Tao ay papatayin.” Sa araw na bumaba ang Espiritu, sinabi ni Pedro sa mga tao na ang pagtatraydor ni Judas ay hindi aksidente, but “according to the definite plan and foreknowledge of God” (Acts 2:23 ESV). Ang mga sabwatan ng mga political at religious leaders ay ayon din sa plano ng Diyos, ayon sa prayer ng mga disciples sa Acts 4, “to do whatever your hand and your plan had predestined to take place” (4:28 ESV). So, in the death of Jesus, he is sovereign. Ang plano niya ang nasusunod, hindi ang plano natin.

Sacrifice. Sinabi ni Jesus sa mga disciples niya na gustong magkaroon ng greater status kaysa sa iba na ang calling ng isang disciple ay not for status but to sacrifice. Tulad niya, sabi niya sa verses 26-27, “Ngunit hindi dapat ganyan sa inyo. Ang mas mataas ay dapat magpakababa…[Di ba’t mas mataas ang pinaglilingkuran kaysa sa naglilingkod?] Ngunit naglilingkod ako sa inyo kahit na ako ang Panginoon ninyo.” Parang sinasabi ni Jesus, “Ganyan bang halimbawa ang pinakita ko sa inyo? Di ba’t dapat tumulad kayo sa akin?” Naparito siya hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay para tubusin tayo sa ating mga kasalanan (Mark 10:45).

Malinaw ang picture nito sa hapunan nila. Si Jesus ang naglilingkod sa kanila, na ginagawa dapat ng isang alipin. Ang tinapay ay simbolo ng kanyang katawan na ibinibigay para sa kanila. Ang inumin ay simbolo ng kanyang dugo. Nagpapakita ito na ang paglilingkod ni Jesus ay self-giving sacrifice. In his death, he gave himself for us. Iyan ang paraan ng Diyos, kasi iyan ang kailangan natin. Hindi ang magagawa natin kundi ang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus para sa atin. Para sa atin, he became our…

Substitute. Verses 19-20, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Ang inuming ito ay ang bagong kasunduang pinagtitibay ng dugo kong mabubuhos nang dahil sa inyo.” Para sa inyo. Dahil sa inyo. Alam ng Diyos sa sarili nating paraan, wala tayong magagawa. Even our best efforts are not good enough. Sa Exodus 24, matapos ibigay ng Diyos ang kanyang mga utos sa Exodus 20, nag-alay sina Moises ng isang hayop, at ang dugo nito ay iwinisik sa mga tao. Kinuha niya ang Book of the Covenant (o Ten Commandments) at binasa sa mga tao. Sinabi nila, “All that the Lord has spoken we will do, and we will be obedient” (24:7 ESV).

We will! As if kaya nila. As if kaya natin. Ilang beses na ba nating sinabi ‘to at ilang beses na ba tayong nabigo? Ang dugo ni Jesus ay pagpapatibay ng bagong kasunduan. New Covenant. Dahil sa Old Covenant, lahat tayo ay nasa ilalim ng sumpa dahil sa pagsuway sa Diyos. We cannot gain his approval by obeying the Law. But by Jesus, by faith in Jesus who perfectly obeyed the Law in our place. Tayo ang dapat itakwil at parusahan ng Diyos. Pero inakong lahat iyon ni Jesus para sa atin.

Our Present Identity in Jesus

At dahil si Jesus ay siyang humalili sa atin, dahil siya na ngayon ay nasa atin (by trusting him) at tayo ay nasa kanya, ano na ang bago nating kalagayan o katatayuan (status/identity)? Makikita natin ito sa larawang ipinapakita nang pagsasalu-salo sa hapunan. Every time we gather for Lord’s Supper, remember this, na dahil kay Jesus, we already have…

Peace with God. Si Jesus ang kasama nila sa hapunan. Siya ay Diyos. Hindi ka naghahapunan sa mga taong itinuturing mong kaaway. You do it with friends, with people you are in good terms with. Sa intro remarks niya sabi ni Jesus, verse 15, “Gustung-gusto kong makasalo kayo…” Hindi lang gusto, hindi lang napipilitan, hindi lang dahil no choice siya, kundi gustung-gusto. Kahit na tayo ang lumayo sa Diyos, siya pa ang sabik na lumapit sa atin at makasalo tayo. Naghahanap ka ng approval ng tao, o approval ng Diyos sa sarili mong paraan. Pero sinasabi ng Diyos ngayon sa iyo, “Anak, you already have my approval. Pinagtrabahuhan na iyan ng aking Anak na si Jesus. Bakit pilit mo pa ring pinagtatrabahuhan. Nasa iyo na iyan. Let’s enjoy our meal together, shall we?”

Pleasures of God. Walang taong magsasabing, “Gustung-gusto kong makasalo kayo,” tapos wala naman maihain, o kakaparanggot lang ang ihahain. Sa salu-salo natin sa Panginoon, he is offering us the best food. Ang goal ng isang handaan ay hindi lang para mabusog, kundi masiyahan din. At iyan ang ibinigay na sa atin ng Diyos. Naghahangad tayo ng maraming pera, trabaho nang trabaho, akala sa pamamagitan noon ay magiging masaya. Pero sabi ng Diyos, “Ang lahat ng spiritual blessings ay nasa iyo na dahil sa ginawa ng aking Anak para sa iyo (Eph. 1:3), higit pa sa lahat ng kayamanan sa mundong ito. In my presence, you have fulness of joy, at my right hand are pleasures forevermore (Ps. 16:11). Wala ka nang hahanapin pa.”

Power in God’s Kingdom. Imagine kung imbitahan ka ng presidente na magdinner. Di ba’t ipopost mo ang picture niyan sa Facebook status mo? Bakit? Kasi ibang status iyan, astig. Pero sa hapunang ito, ang kasalo ng mga disciples ay si Jesus, the King of the Universe! Iyan ang astig! Wala nang status na hihigit diyan. Bakit maghahangad pa tayo na mas maging magaling, mas maging mataas kesa sa iba, samantalang meron na tayong power or greatness dahil kasa-kasama natin ang Hari. Kaya sabi ni Jesus, verse 28, “Kayo ang nananatiling kasama ko sa mga pagsubok na dinaranas ko…” Oo nga’t may pagsubok, lalaitin ng ibang tao, hindi magiging popular o approved sa ibang tao, pero ang makasama si Jesus ang tunay na greatness.

God’s Promises of Future Grace

The Coming of the King. Oo nga’t ganyan na ang status natin, pero hindi pa natin lubos na nakikita, lubos na nararamdaman, lubos na nararanasan. Kasi, the best is yet to come! Narito na ang kaharian ng Diyos dahil sa pagdating ni Jesus. Pero hindi pa lubos iyon, malulubos lang sa pagbabalik niya. Ito ang expectation na gusto ni Jesus kasabikan ng mga disciples niya nang sabihin niyang “Sapagkat…hindi na ako muling kakain nito hanggang sa matupad ang kahulugan nito sa araw ng paghahari ng Dios…Sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling iinom (nito) hanggang sa araw ng paghahari ng Dios” (vv. 16, 18). Kaya nga kapag naglo-Lord’s Supper tayo, we “proclaim the Lord’s death until he comes” (1 Cor 11:26 ESV).

The Promises of the Kingdom. At sa araw na iyon, sabi ni Jesus, ito ang pangako niya, verses 29-30, “Kaya kung paanong binigyan ako ng aking Ama ng kapangyarihang maghari, kayo rin ay bibigyan ko ng ganoong kapangyarihan. Makakasalo ko kayo sa aking mesa sa aking kaharian, at uupo kayo sa mga trono upang mamahala sa 12 lahi ng Israel.” Sa araw na iyon, makakaharap natin nang mukhaan ang Diyos, we will see the smile on his face. Malulubos ang kasiyahan natin at talagang mag-uumapaw. At maghahari tayong kasama ni Cristo! Di mo man makuha ang approval ng ibang tao ngayon, ang kayamanan sa mundong ito, o ang greatness na hinahangad mo ngayon, may pangako ang Diyos na balang araw, mahahawakan mong lahat iyan, garantisado dahil kay Cristo.

The Judgment of the Kingdom. May pangako siya, pero meron din siyang warning. Ito ay hindi para sa lahat ng kasalo niya. Merong isa doon, na nagpapanggap lang. Hindi naman tagasunod ni Jesus. May ibang hinahangad na makuha. Di bale nang mawala si Jesus sa kanya, makuha lang niya ang approval ng mga religious leaders o ang usapan nilang perang ibabayad sa kanya. Sabi ni Jesus, verses 21-22, “Ngunit makinig kayo! Kasalo ko sa mesang ito ang taong magtatraydor sa akin. Sapagkat ayon sa itinalaga ng Dios, ako na Anak ng Tao ay papatayin, ngunit nakakaawa ang taong magtatraydor sa akin.” Sa Matthew, may nakalagay na ganito, “It would have been better for that man if he had not been born” (Mat 26:24 ESV).

Kasa-kasalo niya si Jesus, pero binastos niyang lahat iyon. Kaya di basta-basta ang pakikibahagi sa Lord’s Supper. Sabi ni Paul, “Whoever, therefore, eats the bread or drinks the cup of the Lord in an unworthy manner will be guilty concerning the body and blood of the Lord. Let a person examine himself, then, and so eat of the bread and drink of the cup” (1Co 11:27-28 ESV). Marami rin ngayon ang nakikisalo, nakikisama sa church, akala ng mga tao totoong Christian, mga peke pala. Mga Judas din pala. Hindi naman si Jesus ang Treasure nila. Hindi naman si Jesus ang Joy nila. Hindi naman si Jesus ang pinakananais nila. Ginagamit lang si Jesus para sa sarili nilang mga plano o interes. Nakakaawa ang sasapitin ng mga taong iyan sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. E ano kung nasa kanila ang maraming kayamanan o paghanga ng tao? Anong mapapala nila doon sa araw na sila ay itatapon na sa apoy ng impierno?

We respond in faith

In light of what Jesus did for us, our new identity in union with him and God’s promises of future grace, how do we respond? We respond in faith. Hindi na sariling paraan natin ang masusunod para makuha natin ang mga gusto natin, kundi ang paraan ng Diyos para maibigay sa atin ang mga kailangan natin. We respond in faith, ibig sabihin…

Repent. May pagkakataong magsisi ang mga religious leaders at si Judas din. Pero nangibabaw si Satanas sa puso nila. Verse 3, “Pumasok si Satanas kay Judas…” Sariling paraan nila ang nasunod, ipapapatay ang tanging paraan para tayo’y maligtas. Don’t be like them. Aminin mong sariling paraan mo ang sinusunod mo. Sabihin mo sa Diyos, “Nagkasala ako sa iyo…”

Receive God’s provision in JesusVerse 17, “Pagkatapos, kumuha siya ng inumin, nagpasalamat sa Dios, at sinabi sa kanila, ‘Kunin ninyo ito at paghati-hatian…'” Kunin. Tanggapin. Kainin. Sabihin nating, “Panginoong Jesus, ikaw lang ang kailangan ko. Ikaw lang ang kabusugan ko. Ikaw lang ang paraan para makalapit ako sa Diyos.”

Remember the gospel. Makakalimutin kasi tayo. Nakakalimutan natin ang ginawa na niya sa atin at ang ibig sabihin nito sa buhay natin ngayon. Kaya may Lord’s Supper. Verse 19, “Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” Kapag buhos ka ng buhos ng oras sa trabaho o ministry at napapabayaan mo ang pamilya mo, nakakalimutan mong ang approval mo ay di nanggagaling sa performance mo o sa church o sa pamilya, kundi sa Diyos. Remember the Gospel, hindi lang kapag Lord’s Supper, kundi everyday.

Rest on God’s promises of future grace. Nakakapagod pagtrabahuhan ang approval ng iba, o para yumaman, o para mas makilalal ng tao. Marami sa atin ang pagod. Ang sabi ng Diyos, “Halika, magpahinga ka.” Ang pagkain ay hindi trabaho, ito ay kapahingahan. Ito ang inaalok ng Diyos. Stop doing it your way. Start resting in God’s promise to do it his way.

Ilang dekada na ang nakararaan nang sumikat si Frank Sinatra at ang kanyang kantang “My Way.” Kaso, nang matanda na si Sinatra, 80 years old na at malapit nang mamatay, sobra ang drive niya na maging successful at kumita pa ng pera, kahit delikado na ang health niya, ayon kay Tina na kanyang anak. Sinasabi daw niya,

“I’ve just got to earn more money.” Sinasabihan na siya ng kanyang anak, “Pop, you can stop now; you don’t have to stay on the road.” Sagot sa kanya ni Sinatra, “No, I’ve got to earn more money. I have to make sure everyone is taken care of.” http://bit.ly/1EMREix

Nakakapagod. Kasi, his way ang nasusunod. Tulad ng awit niya,

I’ve lived a life that’s full
I traveled each and every highway
And more, much more than this
I did it my way
I planned each charted course
Each careful step along the byway
And more, much more than this
I did it my way

Ang mga nasa impierno at nagdurusa doon ngayon ay umiiyak na kinakanta ang awit na ito, “I did it my way.” Ang mga tagasunod ni Jesus na napapagod na sa burden ng expectations ng iba o expectations na nilalagay nila sa sarili nila, “I’m doing it my way.” Ang mga tagasunod ni Jesus, tayong lahat, dapat makinig sa sinasabi ng Diyos sa atin ngayon, “Stop doing it your way. Start resting in God’s promise to do it his way.”

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.