Every Christian – I will repeat that – every Christian is on mission with God. To follow Christ is not just to follow a person but to join him in his mission.
We are sent out by Jesus by the power of the Spirit into this world. We are on a search and rescue mission. We are sent to fight for life – not to kill in combat. We are sent to proclaim liberty to those who are still captive by the kingdom of darkness that they might find the freedom of being citizens and children of the Kingdom of our Father in Heaven.
Now, tell me if being a part of that mission is not worth giving your life to.
Note: To download the audio (in mp3), click the “menu” button on the bottom right corner of the sermon player.
Appointed (10:1)
Masaya ang araw na ito dahil magkakaroon tayo ng tatlong “commissioning.” Ang una ay ang ating mga elders – anim ang re-affirmed at dalawa ang bagong hinirang ng Panginoon (through your confirmation) para maglingkod bilang mga pastor ninyo. Ang pangalawa ay ang anim na nakapagtapos ng Story of God training para makapagsanay din ng iba pang mga tagasunod ng Panginoong Jesus. Ang pangatlo ay ang ilang mga bagong kapatid nating babautismuhan at haharap sa ating lahat at mangangakong susunod sa Panginoong Jesus nang buong buhay hanggang sa kamatayan.
This is a special day for our church to start the new year. At merong espesyal na salita ang Panginoon sa tatlong grupong ikukumisyon natin. Pero siyempre hindi lang sa kanila. Pati sa inyo na mga leaders ng church at mga tatawagin ng church balang araw na manguna. Pati sa inyo na mga nakapagtapos na ng SOG training at sa mga tatawagin pa ng Diyos na magsanay ngayong taon. Pati sa inyong lahat na nabautismuhan na at sa mga ilan sa inyo na ngayon ay may pag-aalinlangan kung magpapabautismo ba o hindi.
Parami nang parami ang tinatawag ng Panginoon na sumunod sa kanya at makibahagi sa kanyang misyong ipangaral ang mensahe ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. Ang kuwento ng ating iglesia ay salamin ng nangyayari din sa ating pagsubaybay sa The Story of Jesus sa Gospel of Luke. Sa Luke 9:1, isinugo ni Jesus ang kanyang 12 apostol. Ngayon naman sa 10:1, 72 na – ilang linggo pa lang marahil ang nakakalipas. Ito ang mga tinawag ng Panginoon at sumunod sa kanyang misyon. Ibang-iba ang mga ito sa tatlong lalaking “alanganin” sa pagsunod kay Jesus sa 9:57-62 na ang prayoridad ay ang kanilang pamilya, ang sariling ambisyon, ang sariling kalagayan at hindi ang pagsunod kay Jesus.
Sa dinami-dami ng mga taong hanggang ngayon ay pinapahalagahan ang pera, ang pamilya, ang sariling ambisyon nang higit sa Panginoon, nagpapasalamat tayo dahil merong tulad ng mga kapatid natin ngayon na mangangakong ibibigay ang kanilang buhay para makasunod sa Panginoong Jesus at tapusin ang misyong ibinigay niya sa atin. Tulad ng 72, kayo rin ay “appointed” (v. 1) – pinili o hinirang. Ang salitang ginamit dito, ayon kay Friberg, ay hindi lang basta appointment kundi “commissioning, giving a task to, a setting apart by some outward expression.” Merong tungkulin o obligasyon o gampanin o responsibilidad ang ibinibigay sa inyo.
Sino ang nagbigay ng tungkuling ito? “The Lord” (v. 1) – ang Panginoong Jesus. Siya ang pumili sa inyo, hindi kami. Hindi kayo ang nagprisinta, ang Diyos ang nagtalaga sa inyo. Hindi kayo ang nagparegister, the Lord enlisted you to serve in his army. Ayon sa verse 2, siya ang “Lord of the harvest.” Siya ang may-ari ng buong mundo – na kailangang anihin para sa kanya. It’s his harvest field. Verse 3, “I am sending you out…”
Ano ang tungkuling ibinigay niya? “Ipangaral ang tungkol sa paghahari ng Diyos” (9:60). “Make disciples of all nations” (Matt. 28:19). Tayong mga pastor, inatasang pangunahan ang mga ito at sanayin sila how to make disciples who make disciples, “to equip the saints for the work of the ministry” (Eph. 4:12).
Saan tayo pupunta? “Sa mga lugar na pupuntahan niya” (Luke 10:1). Kung saan gusto ng Panginoon doon tayo pupunta. Ayon sa Acts 1:8, mula sa Jerusalem, hanggang Judea at Samaria (na sinisimbolo ng 12) hanggang sa dulo ng daigdig (sinisimbulo ng 72 o 70, na siyang bilang ng mga “people groups” noon [see Gen. 10]). Para ihanda ang mga tao sa pagdating niya. Sa mga lugar na tulad ng pangarap ni Pablo, “sa mga lugar na hindi pa naipapangaral si Cristo” (Rom. 15:20).
Sino ang makakasama natin? Ang 12 (Luke 9:1) at 72 (10:1) ay isinugo ni Jesus hindi isa-isa kundi dala-dalawa. We need partners or companions sa misyong ito. Tulung-tulong tayo. Sama-sama. Walang iwanan.
Kung si Jesus ang Sender o Commander o In-Charge sa misyong ito, anu-anong “tasks” ang ibinigay niya na dapat nating gawin at palagiang tandaan sa paghayo natin sa misyong ito?
Pray for More Workers (10:2)
“Marami ang aanihin ngunit kakaunti ang tagapag-ani. Kaya idalangin ninyo sa Panginoon, na siyang may-ari ng anihin, na magpadala siya ng mga tagapag-ani” (v. 2). The missionary task is huge. It is global. Two thousand years after Jesus commissioned his disciples, more than 6000 people groups (2.5 billion people) are still without access to the message of Jesus. May nadadagdag na mga “workers” – but we need more! Paano mangyayari ito? Hindi sa sarili nating efforts, kundi sa gagawin ng Panginoon. We need to pray more. “Pray earnestly” (ESV), lumuhod sa Diyos, humiling sa kanya. Siya ang “in charge” (NLT) sa misyong ito. Siya ang magpapadala ng mga workers. He will send out more workers. He will not let this mission fail. It cannot fail because the Lord is in charge. Sa Story of God natin, let us pray more. Sa bawat dalawa o tatlong hahayo para mag-SOG, merong dalawa o tatlo dapat na nananalangin para sa kanila at sa mga taong makakarinig ng mensaheng dala nila. Tayong mga pastor, let us pray for more committed leaders, more pastors, more teachers, more missionaries.
At kung mananalangin ka man sa Panginoon na magdagdag ng “workers” at ikaw mismo ay hindi pa isa sa mga “workers” na iyon, tandaan mong ikaw din ang sagot ng Panginoon sa sarili mong dalangin. Sabi niya, “I will send you out. Huwag kang magturo ng iba. I want you.”
Go and Trust God for Provision and Protection (10:3-4).
Verse 3, “Sige, lumakad na kayo…” Huwag nang mag-atubili. Huwag nang marami pang tanong o kundisyon. Kapag sinabi ng Panginoon, “Go,” then go! Hindi pababayaan ng Panginoon ang mga workers niya. Hindi niya sinabing madali ang trabaho. Hindi niya sinabing hindi delikado. Sabi pa nga niya, “Go your way; behold, I am sending you out as lambs in the midst of wolves” (v. 3). Tulad ng tupa, hindi tayo gumagamit ng dahas o puwersa sa misyon natin. We just tell them the message of Jesus. Pero may mga kaaway tayo tulad ng mga “wolves.” Delikado ang pagmimisyon, pero ang pangako ng Diyos siya ang bahala sa atin. “I am with you always” (Matt. 28:20).
He will protect you. He will provide for you. Huwag mong alalahanin kung mapapakain mo at mapapag-aral ang mga anak mo. God will provide for everything you need to accomplish his purposes for you and your family. Sabi niya sa 72, “Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o sandalyas. At huwag kayong mag-aksaya ng panahon sa pakikipagbatian sa daan.” Worrying about our needs distract us from the Great Commission. Huwag tayong mag-aksaya ng panahon sa mga bagay na hindi makapagsusulong ng kaharian ng Diyos. Hindi ibig sabihing magresign na kayo sa trabaho. Pero kung ganoon ang sinasabi ng Panginoon, he promised to take good care of you.
Look for Sons of Peace (10:5-7)
Saan tayo pupunta? Sinu-sino ang pupuntahan natin? Hahanapin natin ang mga taong sagot ng Diyos sa panalangin natin, mga taong noon pa man ay inihahanda na ng Diyos na makinig at tumanggap sa mensaheng dala-dala natin. Natandaan n’yo ang kuwento ni Cornelio sa Acts 10-11? Kaya sabi ng Panginoon sa Luke 10:5 na sabihin natin sa mga tao sa mga bahay na pupuntahan natin, “Peace be to this house.” Pamilyar ang salitang “peace” (Gk. Irene; Heb. Shalom) sa mga Judio. Ito ay mensahe ng ginawa ni Jesus para maibalik ang magandang relasyon natin sa Diyos.
Bawat taong kakausapin natin, blessing mula sa Panginoon ang dala natin. Pero hindi ito tanggap ng lahat ng tao. “If a son of peace is there, your peace will rest upon him. But if not, it will return to you. And remain in the same house, eating and drinking what they provide for the laborer deserves his wages. Do not go from house to house” (vv. 6-7). Sa bawat lugar na pupuntahan natin, merong “son of peace.” Ito ang mga taong tatanggap ng alok na biyaya ng Diyos. Ito ang mga taong, bukas na bukas na ang puso sa mensahe ng Diyos. Ito ang mga taong tatanggap sa atin. Masaya silang mag-aalok sa atin ng makakain at maiinom. Sila ang instrumento din ng Diyos para maging pagpapala sa atin. Kaya sabi sa NLT, “Don’t hesitate to accept hospitality” (v. 7). Siyempre we don’t demand that, pero masaya tayong tinatanggap ang mga iyon.
Sons of peace. Ito ang mga taong hahanapin natin at hindi tayo titigil hangga’t di natin nakikita. Tulad ng Dimla family, na naghohost ng SOG sa San Luis. Masaya nilang iginagayak ang bahay nila, iniimbita ang mga kamag-anak at mga kaibigan, at pinapakain pa. Ilang buwan – linggu-linggo – namalagi ang team natin doon. Hindi nagbahay-bahay, tulad ng sinabi ni Jesus. Para matutukan ang bahay na iyon at masanay naman ngayon para sila ang magdala sa iba’t ibang bahay. May pinsan ang asawa ko na lumapit sa akin at nagtatanong kung puwede kaming mag-Bible study sa kanila. Iyon marahil ang senyales na isa ito sa mga sons/daughters of peace. Nakahanda na ang maraming tao, nasasabik na sa Salita ng Diyos, baka kaya tayo na lang ang hinihintay nila?
Declare and Demonstrate the Good News of the Kingdom (10:8-9)
Anong ginagawa ng team natin sa San Luis na linggu-linggo na nandoon? We do the 12-Week Story of God. Ito ang paraan natin para maipahayag sa kanila at maipakita kung paanong sila din ay paghaharian ng Diyos at maibabalik sa magandang relasyon sa kanya. Pakainin man nila tayo, dapat alalahanin nating tayo talaga ang magdadala sa kanila ng makakain – ang Salita ng Diyos. “If you enter a town and it welcomes you, eat whatever is set before you. Heal the sick, and tell them, ‘The Kingdom of God’ is near you now’” (vv. 8-9).
We declare. May balita tayong dala-dala na kailangan nilang marinig para sila’y maligtas at makapamuhay araw-araw na pinaghaharian ng Diyos. But we don’t just declare, we demonstrate. Pinapakita natin na totoo ang Diyos na ito na bumabago ng buhay ng isang tao. We tell and show them the story of how God is changing our lives. And we pray for them. “Heal the sick,” sabi ng Panginoon. Ipinapanalangin natin ang mga tao – kung may sakit sila, kung may problema sila, kung may kahilingan sila. At linggu-linggo tinitingnan natin, inaabangan, kung paano sumasagot ang Diyos sa panalangin. We declare. We demonstrate. Oo nga’t ang Kaharian ng Diyos ay ganap na darating sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, pero ngayon pa lang ipinapakita na sa atin, pinapatikim na sa atin ang ganda at sarap ng buhay na nasa ilalim nito.
Warn People of the Higher Cost of Rejecting Jesus (10:10-15)
Hindi lahat ng pupuntahan natin ay tatanggap sa atin. May mga tao na ayaw ng mensaheng dala natin. Anong gagawin natin? Sabi ni Jesus, “Ngunit kung ayaw kayong tanggapin sa isang bayan, umalis kayo, at habang naglalakad kayo sa lansangan nila ay sabihin ninyo, ‘Kahit ang alikabok ng bayan ninyo na dumidikit sa mga paa namin ay ipinapagpag naming bilang babala sa inyo. Ngunit dapat ninyong malaman na malapit na ang paghahari ng Diyos’” (vv. 10-11). Hindi lang natin basta dapat balewalain ang rejection nila at sabihin sa isip-isip, “Kung ayaw n’yo, ‘di ‘wag!” We must give them a warning. Darating at darating ang kaharian ng Diyos, tanggapin man ito ng tao o hindi. For those who receive the message, the kingdom brings blessing. For those who reject it, the kingdom brings judgment.
Dapat nating sabihin sa kanila ang bigat ng parusa ng Diyos. Oo nga’t there’s a high cost of following Jesus. But the cost of not following him is much higher. Sabihin natin ang sinasabi ni Jesus, “Tinitiyak ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin nila kaysa sa mga taga-Sodom” (v. 12). Sa panahon ni Abraham, kasama ng Sodom ang Gomorrah na tinupok ng apoy bilang parusa ng Diyos sa kasamaan nila. Sa pagdating ni Jesus, itatapon sa lawa ng apoy ang mga di-sumusunod kay Jesus kasama ni Satanas at ng mga demonyo – and that will be for all eternity.
Tapos na ang ministeryo ni Jesus sa Galilea. Naglalakbay na siya papuntang Jerusalem. Sa Galilea, kasama ang mga bayan ng Betsaida, Corazin at Capernaum sa mga nakasaksi sa ginawa at itinuro ni Jesus. Pero karamihan sa kanila ay hindi tumanggap sa kanya. Sabi ni Jesus na hindi sapat ang makarinig lang – sila rin ay hindi makakatakas sa parusa ng Diyos. May sinabi si Jesus tungkol sa kanila – na dapat marinig ng lahat ng nakikinig sa salita niya ngunit hindi naman nagsisisi at sumasampalataya:
Nakakaawa kayong mga taga-Corazin! Nakakaawa rin kayong mga taga-Betsaida! Sapagkat kung sa Tyre at Sidon (mga paganong bayan sa hilaga ng Israel) naganap ang mga himalang ginawa ko sa inyo, matagal na sana silang nagsuot ng sako at naglagay ng abo sa kanilang ulo para ipakita ang pagsisisi nila. Sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin ninyo kaysa sa mga taga-Tyre at taga-Sidon. At kayo naming mga taga-Capernaum, inaakala ninyong pupurihin kayo ng lahat. Pero ihuhulog kayo sa lugar ng mga patay (o Hades) (vv. 13-15).
Kung ganito pala ang kakahinatnan ng mga kamag-anak natin at ibang taong di susunod kay Jesus, our mission is urgent. It’s a matter of eternal life or eternal death. Kung tinanong natin sila kung susunod na sila kay Jesus at sinabing, “Hindi,” huwag nating sabihing, “OK lang iyon. Pag-isipan mo muna. Saka na lang kung handa ka na.” It’s never OK to reject Jesus! Let’s warn them of the high cost of not following him. We’re not that bold in confronting people, but we need to remember that you need to…
Act with Authority as You Represent Jesus (10:16-19)
Ang misyong ito ay hindi tungkol sa atin. Hindi tayo ang bida dito. Takot kasi tayong mareject ng mga tao. Baka magalit sila sa atin. Magalit na kung magalit, basta tayo, dala natin ang pangalan ni Jesus. We represent him. Kung anong ugali ang ipakita nila sa atin, kay Jesus nila ipinapakita iyon. Verse 16, “Ang nakikinig sa inyo’y nakikinig sa akin, ang nagtatakwil sa inyo’y nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.”
Bumalik na ang 72. Nagreport kay Jesus, masayang-masaya, at sinabi, “Panginoon, kahit po ang masasamaang espiritu ay sumusunod sa amin kapag inuutusan naming sila sa pangalan n’yo” (v. 16). They have authority because of Jesus. Dala nila – dala-dala natin – ang pangalan ni Jesus. Fellow pastors, we represent the Great Shepherd. Fellow Christians, you represent Jesus. Be bold. Be courageous. Walang sinuman ang lalaban sa atin at magtatagumpay. Kahit si Satanas ay manginginig sa pangalan ni Jesus na nasa atin. Sagot ni Jesus sa kanila, “Nakita kong nahulog si Satanas mula sa langit na parang kidlat. Binigyan ko kayo ng kapangyarihang daigin ang masasamang espiritu at ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway nating si Satanas. At walang anumang makapipinsala sa inyo” (vv. 18-19). We have authority. Pero hindi ito dahilan para magmalaki at ipamukha sa mga tao ang mga accomplishments natin sa ministry: “Daig ko kayo, elder na ko ngayon. Mas magaling ako, marami na akong nabaptize.” Sa halip…
Rejoice and Thank God for His Grace (10:20-24)
Verse 20, “Ganoon pa man, huwag kayong matuwa dahil napapasunod n’yo ang masasamang espiritu kundi matuwa kayo dahil nakasulat sa langit ang pangalan n’yo.” Rejoice not in your accomplishments – kahit pa sa ministry o missions iyan. That’s boasting and prideful. Rejoice because of the grace of God in you and through you. You don’t deserve to be in his kingdom. You don’t deserve to be one of his followers. You don’t deserve his life. You don’t deserve to be a pastor or a minister of the gospel. That’s all of grace.
Seeing how God works in fulfilling his mission through us brings great joy. Posible ito sa pamamagitan ng Espiritung nasa atin. Tulad ni Jesus:
Nang oras ding iyon, napuno si Jesus ng kagalakang mula sa Banal na Espiritu. At sinabi niya, “Pinupuri kita Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, dahil inilihim mo ang mga katotohanang ito sa mga taong ang akala sa sarili’y mga marurunong at matatalino, at inihayag mo sa mga taong tulad ng bata na kaunti lang ang nalalaman. Oo, Ama, pinupuri kita dahil iyon ang kalooban mo (ESV, “for such was your gracious will”).” Pagkatapos, sinabi niya sa mga tao, “Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama. Walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga taong nais kong makakilala sa Ama.” Humarap si Jesus sa mga tagasunod niya at sinasabi sa kanila nang sarilinan, “Mapalad kayo dahil nakita ninyo mismo ang mga ginawa ko. Sinasabi ko sa inyo na maraming propeta at mga hari noon ang naghangad na makakita at makarinig ng nakikita at naririnig ninyo ngayon, pero hindi ito nangyari sa panahon nila.” (vv. 21-24)
Purihin natin ang Diyos. Mapalad tayo. Hindi dahil mas marunong, mas magaling o mas mabait tayo kesa sa iba. Kundi dahil pinili tayo ng Diyos. Nahabag siya sa atin. Ipinakilala niya at inilapit ang kanyang Anak sa atin. Naligtas tayo at ngayo’y naglilingkod sa kanya, hindi dahil sa sariling kalooban natin, kundi dahil ninais niya iyon para sa atin. Hindi lahat ng mga tao ay binigyan ng ganitong pagkakataon, ng ganitong kagalakan sa biyaya ng Diyos na nararanasan natin ngayon. Being on mission with God is not a burden. It’s a joy, great joy.
4 Comments