Taste and See that the LORD is Good (Psalm 34) – Jowinik Bautista

Blessed Lord’s Day po sa inyong lahat. Ngayon pong araw na ito, magpapatuloy tayo sa ating pag-aaral sa aklat ng mga awit. Partikular sa Psalms 34. Ang awit po na ito ay pinamagatang Taste and See that the Lord is Good. At ‘yan din po ang sisikapin natin na makita at makamit ngayong umaga.

Bago din tayo magsimula, inaanyayahan ko po ang bawat isa na panatilihing bukas sa pahina na ‘yan ang inyong mga Bibliya sapagkat babalik-balikan po natin ang chapter na binasa natin as we go along sa ating mensahe. Kung kayo po ay walang dalang mga physical copies ng Bible, kindly ask our ushers para sa ilang kopya na pwede ninyong hiramin ngayong araw. I am encouraging everyone as well na gawin po nating habit ang pagdadala at pag-gamit ng Bible during our worship service. Napakahalaga po na mayroon tayong pisikal na kopya ng Salita ng Diyos para aktibo nating nasusundan ang daloy ng mensahe at maikukumpara at maiche-check niyo rin po kung ang mga sinasabi ba namin ay talagang nakalagay sa Bibliya at naaayon sa mga tinuturo nito.

Sa ating pagsisimula, samahan niyo muna ako sa isang maikling panalangin.

            Our heavenly and gracious Father, consume our hearts. Kami po ay mga nanghihina. Maaaring ang karamihan sa amin ay dumaraan sa mga pagsubok na ‘di namin alam kung paanong makaka-ahon at makakausad. Maaaring ang iba sa amin ay nagdadala ng mga pusong umiiyak dahil sa hirap na kinakaharap sa pang-araw-araw. We are weak, limited, and in great need of your grace, Father. That is why, consume our hearts, o God. Help us see Jesus. Help us see the gospel. Bigyan mo kami ng mga mata at pusong nakikita at nadarama ang biyaya at kabutihan mo. Help us that in this morning, we can come to you to taste and savor your goodness and faithfulness. We rest our souls in you. Ito po ang aming dalangin sa pangalan ng iyong nag-iisang anak na si Jesus at sa kapangyarihan ng banal na Espiritu, Amen.

            Ang pamagat po ng awit na ating pag-uusapan ngayong umaga ay makikita sa verse 8 ng Psalm 34. Ang sabi roon, “Oh, taste and see that the LORD is good!” Binanggit ang mga salitang tasting and seeing. Sa MBB ang sinabi ay, “Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh.” Pero ano nga ba ang ibig-sabihin para sa atin ng mga salitang ito? Paano ba natin magagawa na matingnan at malasap ang kabutihan ng Panginoon? Well for one, hindi natin magagawa ‘yun kung wala tayo sa Panginoon. At pangalawa, ang buong awit na ito ay tinuturuan tayo kung paano makakamit ang bagay na ‘yun. Partikular na sa panimulang mga talata nito.

Let’s read verses 1 to 3. Ito po ay salin sa Ang Biblia. Ang sabi rito, “Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng panahon; ang pagpuri sa kanya ay sasaaking bibig nang patuloy. Nagmamapuri sa Panginoon ang aking kaluluwa, marinig nawa ng mapagpakumbaba at magsaya. O kasama kong dakilain ninyo ang Panginoon, at magkasama nating itaas ang kanyang pangalan!”

            Anong mapapansin natin sa unang tatlong verses? Paulit-ulit na binanggit ang salitang papuri at iba pang synonymous words nito. Pupurihin ko ang Panginoon. Dakilain natin ang Panginoon ng sama-sama. Itaas natin ang kanyang pangalan! Ano ang ipinapakita nito patungkol doon sa Psalm? It is a praise song. A thanksgiving song. Isa itong awit ng papuri at pasasalamat para sa mga kabutihan ng Diyos. And it is one of the ways we can taste and see the goodness of the Lord. Sa pamamagitan ng pagpupuri sa kanya, naipapakita natin at mas nalalasap natin na ang Diyos ay talagang mabuti.

Actually, ito ay isa sa mga verses na ginamit natin as reference nung inaral natin ang Awit 103 ilang linggo lamang ang nakalilipas. At kagaya nung awit na ‘yun, this psalm is calling us to bless the Lord with our souls. Maaaring ‘yung iba sa inyo ay may ganitong katanungan ngayon. “E kung ganoon at nakapag-aral na pala tayo ng tulad nito, hindi ba redundant na awit ng papuri nanaman ang pag-aaralan natin? Ano ba ang pinagkaiba niyan sa mga pinag-usapan natin dati? Ano pa ba ang kakaibang mapapala natin diyan?”

            Well, kagaya ng sinabi rin natin dati, araw-araw ay kailangan nating maalala ang mga rason para purihin ang Diyos dahil araw-araw din ay nakakalimutan natin ang mga ito. Pero bukod pa roon, mahalaga ang pag-uusapan nating awit ngayon dahil it urges us to praise God even in suffering.

Quick show of hands. Sino rito ang nakaranas na ng pagsubok? Sino dito ang nakaranas na mapagod? Ang manlupaypay? Lahat tayo. Kahit bata. Matanda. ‘Yung mga nag-aaral, napapagod ‘yan at nag-aalala para sa mga kinakaharap nila. ‘Yung mga magulang, mga nanay at tatay, maaaring namo-mroblema para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilya nila. Maaaring ang iba sa inyo ngayon ay dumaraan sa mga matitinding hamon at pagsubok ng buhay na napakahirap para sa inyong malampasan. Sa mga broken relationships na nahihirapan kayong ayusin. Maaaring may iba sa atin na kumakaharap sa malubhang sakit. At naghahanap ng lunas o kahit saglit na kaginhawaan. Maaaring ‘yung iba sa inyo ngayon ay nakakaramdam ng matinding kadiliman sa isip na para bang wala manlang malapit na liwanag na pwede niyong kapitan. Sa mga pagkakataon na kagaya nito na dumaraan ang bawat isa sa atin sa mga pagsubok, madali bang magpuri at umawit tungkol sa kabutihan ng Panginoon? No. That’s an obvious answer.

Pero sa mga panahon na ito, dito tayo hinihimok nung sumulat ng awit na patuloy na magpuri sa Diyos, na mas tingnan at lasapin ang kabutihan niya, lalo na sa kabila ng mga kahirapan at pagsubok.

            Now, let me give you some context patungkol sa awit na ito. Kung babasahin ninyo ang inyong mga Bibliya, sa pinakataas na bahagi ng kabanata, sino raw ang sumulat ng salmo na ito? Let me read. Awit ni David, nang siya’y nagkunwaring baliw sa harapan ni Abimelec, kaya’t pinalayas siya nito, at siya’y umalis.

Si David ang nagsulat. Ngayon, paano natin masasabi na ito ay sinulat niya para sa mga taong nakararanas sa pagsubok? Well, isa ‘yang kwento na makikita sa 1 Samuel. Isinulat ni David ang awit na ito sa panahon kung saan nangyari ‘yung kwento na binanggit sa salmong pinag-aaralan natin. So let me briefly tell you the story.

Ito ‘yung time kung saan hindi pa ganap na hari si David at ang nakaupo pa sa trono ay si Haring Saul. Matapos i-annoint si David at nang makita ng lahat kung paano niya tinalo si Goliath, may isang awit na kumalat at talagang sumikat hindi lang sa bansa ng Israel kundi maging sa mga kalapit bansa nila.

1 Samuel 18:6-9
Matapos mapatay ni David si Goliat, nagbalik na si Haring Saul at ang kanyang mga tauhan. Sa bawat bayang madaanan nila, sinasalubong sila ng mga kababaihang umaawit at sumasayaw sa saliw ng mga tamburin at alpa. Ganito ang kanilang awit:
“Pumatay si Saul ng libu-libo, si David nama’y sampu-sampung libo.”
Hindi nagustuhan ni Saul ang sinasabi sa awit. At mula noon ay naging masama ang kanyang pagtingin kay David. Dahil sa mga katagumpayan na nakamit ni David, nabuo ang selos sa puso ni Haring Saul. Sobra siyang nagalit at napuno ng paghihiganti. Sinabi pa niya doon sa mga talata na “kulang na lamang, si David na ang kilalanin nilang hari.”

        Dahil sa mga bagay na ito, ninais ni Haring Saul na patayin si David. Sa mga sumunod na talata, verse 11, dalawang beses sinibat ni Saul si David. Marami pang nangyari sa pagitan ng mga anak ni Haring Saul at kay David na lalong nagpagalit sa kanya kaya naman nagtulak ito kay David para magtago. Nagpunta siya sa sa isang pari na si Ahimelec at umabot sa punto na nagsinungaling pa siya rito para lamang makakuha ng pagkain at sandata bilang panangga sa mga tauhan ni Saul na naghahanap sa kanya.

Matapos non, nagpunta rin siya sa Gat, isa sa mga pangunahing bayan ng mga Filisteo. Ibig-sabihin, para makatakas kay Haring Saul, naisip niya pang magtago sa kuta ng mga kalaban nila. At pagdating doon, nakilala siya nung hari, si Haring Achis na may titulong Abimelech, kaya naman itong si David, para makatakas siya, nagpanggap siyang isang baliw. ‘Yun ang sinabi sa 1 Samuel 21:10-15. Pagkatapos noon, nagpunta siya sa isang kweba para doon naman magtago. At doon sa kweba na ‘yun, habang siya’y inuusig at gustong ipapatay ni Haring Saul, isinulat niya ang awit ng papuri na pinag-aaralan natin ngayon.

Just try to imagine. Habang siya ay nasa bingit ng panganib, nagawa pa ni David na magpuri sa Diyos. At hindi lang basta magpuri. Itong Psalm 34 ay isang uri ng acrostic psalm. Pag sinabi nating acrostic, ito ‘yung bawat simula ng awit o tula ay nakabase sa mga titik ng Hebrew alphabet. May pagkakasunod-sunod at mas detalyado ‘yung ayos. Ngayon, kung iisipin natin, he managed to create something beautiful despite the chaos in his life. Nagawa ni David na lumikha at sumulat ng isang awit ng kapayapaan sa kabila ng mga takot na nararamdaman ng puso niya. And it’s a very unique and beautiful response sa mga sufferings.

So malinaw naman siguro. Itong Psalms 34 ay para sa mga katulad ni David na humaharap sa pagsubok. Ito ay isang encouragement sa atin na patuloy na umawit ng papuri sa Diyos kahit na tayo ay nahihirapan. Kahit na tayo ay inuusig at nasa kapahamakan. Hindi nito iniinvalidate ‘yung mga sufferings na nararanasan natin. It acknowledges them. But more than that, pinapaalala sa atin ng awit na ito kung ano ang mga dahilang mayroon tayo para patuloy na papurihan ang Diyos sa kabila ng pagsubok. Kasabay noon, tutulungan din tayo nito na alalahanin ang mga pangako ng katapatan ng Diyos para sa bawat isa sa atin.

God’s Past Faithfulness

            Sa verses 4-7, makikita natin ang testimony ni David patungkol sa katapatan ng Diyos at kung paanong pinagkukuhanan niya ito ng lakas at motibasyon para purihin ang Panginoon. Sabi sa salin ng Ang Biblia,

4“Hinanap ko ang Panginoon, at ako’y kanyang sinagot, at iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga takot. 5 Sila’y tumingin sa kanya, at naging makinang, at ang kanilang mga mukha ay hindi mapapahiya kailanman. 6 Ang abang taong ito ay dumaing, at ang Panginoon sa kanya’y nakinig, at iniligtas siya sa lahat niyang mga ligalig. 7 Ang anghel ng Panginoon ay nagbabantay sa palibot ng mga natatakot sa kanya, at inililigtas sila.

            This part of David’s life is a story of suffering. Ito ‘yung testimony niya. Maraming beses na muntik siyang mamatay. At kung babasahin natin ‘yung chapters 18 to 23 ng 1 Samuel, makikita natin ‘yung mahabang panahon na nagtatago si David dahil sa pagtatangka sa kanyang buhay. Mahirap ‘yung pag-uusig na naranasan niya. Pero God was faithful to answer his prayers. Ano ang sabi doon sa talatang binasa natin? Hinanap ko ang Panginoon at ako’y kanyang sinagot. Iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga takot. Ito ay isang ganap na patotoo ng katapatan ng Diyos sa buhay ni David.

            Kung mapapansin din natin, hindi hinahighlight ng mga bagay na ito ang faithfulness ni David o ang lakas at diskarte na mayroon siya para malampasan ang problema niya. Walang anuman sa mga talatang ito ang nagpapakita na sa paglapit niya sa Panginoon, e parang mayroon siyang karapatan sa mga hinihingi niya. Bagkus, lumalapit siya ng may pagpapakumbaba at kaalaman na siya’y lubos na mahina at nangangailangan sa tulong ng Diyos. Verse 6, sabi roon. “This poor man cried.”

            Ganoon din sa ating paglapit sa Diyos. Sabi sa verse 2, “let the humble hear and be glad.” Kailangan natin ng humility and admission na tayo ay mga mahihina sa ating sarili at wala tayong ibang maiaambag para guminhawa ang ating mga sitwasyon. Lahat ng mayroon tayo ngayon ay dahil lamang sa biyaya ng Diyos.

            Ngayon, kung ikaw ‘yung tao na umaasa sa kanyang sariling magagawa para masolusyonan ‘yung problema, ito din ‘yung paalala ni David para sayo. Tandaan natin, doon sa kwento, nakita din natin kung paanong pinagtiwalaan ni David ang kanyang sarili nang higit sa Panginoon.

Fear of Man and Fear of the Lord

            Naaalala ninyo nung kaharap niya ang pari ng Nob. Siya ay nagsinungaling dahil sa takot na nararamdaman niya. Sinabi niya na siya’y pinadala ni Saul at ‘yung mga hiningi niyang pagkain at sandata ay kasama sa mga iniutos ng hari. Pagkatapos noon, siya din ay nagpanggap na baliw sa harap ng hari ng Gad. ‘Yung iba sa inyo ay maaaring iniisip o tinatanong, “Well, hindi ba tama lang ‘yun para manatili siyang ligtas? Gusto naman ng Diyos ‘yun.”

            Si David ay nagsinungaling at ang pagsisinungaling ay kasalanan. ‘Yun ay pagpapakita ng kanyang kawalan ng pananampalataya. Unbelief. Bakit? Kasi sa dinami-rami ng mga labanan na kinaharap niya dati, sino ba ang tumulong sa kanya? Diba ang Diyos. Paano pa kaya sa mga pagsubok na mayroon siya ngayon? Hindi niya kakailanganing magsinungaling o magpanggap para lamang manatiling ligtas. Dahil mayroon siyang Diyos na makapangyarihan na palagiang tumutulong sa kanya. Bakit ko sinasabi ‘yung mga bagay na ito? Bakit ko ba pinapakita na maling nagtiwala si David sa kanyang sariling magagawa? Ano ang koneksyon nito sa mga buhay natin?

            Maaaring kasi na gaya ni David, mayroong ilan sa inyo na pinili o pinipiling magtiwala sa kanilang sariling diskarte para malampasan ang mga problema. Pinili na ma-satisfy temporarily ng mga bagay sa mundong ito kaysa sa eternal satisfaction na handog ng Diyos. Maaaring gaya ni David, imbis na magtiwala, tayo pa ay nagkakasala para lamang masiguradong mayroon tayo nang mga bagay sa mundong ito. ‘Yung safety, assurance ng relationships, pera, trabaho.

Kahit na nako-compromise na ang pananampalataya natin, basta tanggap ako ng mga kaibigan ko, okay lang. Kahit na hindi na ako nakakadalo ng Sunday service, basta mayroon pa rin akong trabaho, okay na ‘yun. Maiintindihan naman ni Lord ‘yun. Kahit na mag-outing kami ng Linggo, alam naman ni Lord na kailangan ko ng pahinga. Kahit na magcommit ako ng sexual sin, wala namang makakaalam at mababawasan pa ang stress ko. Kahit na hindi na ako mag-evangelize sa school o sa trabaho, basta ‘di ako nahuhusgahan ng iba, okay na ‘yun.

If we, like David, feared other people and feared losing what we have in this world more than we fear God, kailangan nating magrepent.

Dito sa ating text, apat na beses binanggit ang salitang fear o takot. Makikita natin ‘yan sa verses 4, 7, 9, at 11. Mahalaga ang takot. Pero ano ‘yung takot na tinutukoy dito. ‘Yung verses 7,9, and 11 refers to the fear of God. The fear of the Lord.

David urges people to fear the Lord more than men. Kasi naranasan niya ang takot sa mga panahong nagtitiwala siya sa kanyang sarili. At alam niya ang pakiramdam noon. Maaaring ‘yung iba sa inyo ay ganoon din ang nararanasan. Kakaiba ang takot at pag-aalala kapag sa atin nakasalalay ang mga bagay. Hindi ka makakapagpahinga. Hindi ka makakatulog. Kasi iniisip mong sayo umiikot ang mundo at hindi gagalaw ang lahat kapag wala kang ginawa. Ganoon ang pakiramdam nang nagtitiwala sa sarili. Nakakapagod. Kaya naman this is a reminder for all of us to rest in God and fear him more than this world. Bakit? Kasi all authority in heaven and on earth has been given to him. And if we fear him, we’ll have rest. If we fear him, ang sabi sa verse 9, we will lack nothing. At makakapagpuri tayo sa Diyos dahil sa biyayang iyon.

Ngayon, dalawang tanong ang sasagutin natin. Sino ba ang mga may takot sa Diyos? At paano ba ang tamang pagkatakot sa Diyos? Who fears the Lord and how should we fear the Lord?

Who Fears the Lord?

            Who fears the Lord? Verse 9 and 11. Ang sabi roon, “O matakot kayo sa Panginoon, kayong kanyang mga banal, sapagkat ang mga natatakot sa kanya ay hindi magkukulang!Halikayo, mga anak, pakinggan ninyo ako, ang takot sa Panginoon ay ituturo ko sa inyo.”

            Two things. Mayroong dalawang bagay o katangian na tinukoy dito para sa mga taong may takot sa Diyos. Una, kayong mga banal. Sino ang mga banal na tinutukoy rito? Mayroon ba sa atin ang mapapatunayang banal sa harap ng Diyos? Wala. Wala ni isa maliban na lang kung tayo ay nagtitiwala kay Jesus para sa ating kaligtasan. Kung tayo ay nakay Kristo, ang kanyang kabanalan ay nasa sa atin din. Therefore, ang pagkatakot sa Diyos ay kaugnay ng ating pananampalatya kay Kristo.

Ikalawa, ang mga may takot sa Diyos ay hindi lang mga banal kundi nagsusumikap na matuto ng kabanalan. ‘Yun ang binanggit sa verses 11-14. Ang mga may takot sa Diyos ay inaanyayahang makinig sa mga turo ng kabanalan. Kung tayo ay nakay Kristo, tayo rin ay nagsusumikap na magpatuloy sa kabanalan. Hindi lang basta tinanggap kundi pinagsusumikapang panatilihin.

How to Fear the Lord?

Ngayon, paano naman ang tamang pagkatakot sa Diyos? Mabibigyang diin ‘yun sa verses 12 hanggang 14.

“Sinong tao ang nagnanasa ng buhay, at naghahangad ng maraming araw, upang magtamasa ng mabuti? 13 Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama, at ang iyong mga labi sa pagsasalita ng pandaraya. 14 Lumayo ka sa kasamaan, at ang mabuti’y iyong gawin; hanapin mo ang kapayapaan at ito’y iyong habulin.”

Binanggit natin kanina na ang isang may takot sa Diyos ay nagsusumikap na magpatuloy sa kabanalan. At ginagawa niya iyon sa pamamagitan ng pagsunod at pananampalataya. Una, pagsunod o obedience. Obedience in words, thoughts, and actions. Ito ‘yung mga specific areas na binanggit sa verses 12-14. Isa din itong patunay na ang pagsisinungaling ni David ay kinonsidera niyang isang kasalanan o kawalan ng kabanalan. Ano bang sinabi niya rito? Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama, at ang iyong mga labi sa pagsasalita ng pandaraya. Maaaring ito ‘yung damdamin niya para sa kanyang mga ginawa nung siya’y nagsinungaling sa ibang tao. Ano pa? Ang pagsunod ay may pagtalikod o paglayo sa kasalanan. At hindi lang basta paglayo kundi pagtungo naman doon sa kabanalan.

Ang ikalawang simbolo na ang isang tao ay may pagkatakot sa Diyos ay ang kanyang pananampalata. Ang buong pusong pagtitiwala sa katapatan ng Diyos. That God’s past faithfulness is consistent until the end. Kanina, nakita natin ang katapatan ng Diyos sa buhay ni David. Ngayon naman, naglahad pa siya ng mga bagay na nagpapakita ng present and future faithfulness of God. At ang lahat ng mga ito ay nag-uudyok sa ating sumamba at papurihan ang Panginoon.

God’s Present and Future Faithfulness

Mula verses 15 hanggang 22, makikita natin ang mga paalala ng katapatan ng Diyos sa bawat segundo ng kasalukuyan hanggang sa panghinaharap. At ang lahat ng ito ay posible lamang dahil sa biyaya ng Diyos na nakamtan natin kay Kristo.

God sees our pains.

Verse 15a. “Ang mga mata ng Panginoon ay sa matuwid nakatitig.”

Nakikita ng Diyos ang ating mga paghihirap. Nakikita ng Diyos ang ating mga pagpapagal. At hindi ito legalism na kailangan nating laging maging upright. Hindi ito parang military authority na paparusahan ka kapag nakita kang hindi nagpapagal. This is a gentle and loving oversight. Kung paanong binabantayan ng mga pastol ang kanilang mga tupa, ganoon din ang Diyos sa bawat isang mananampalataya na nakay Kristo. And it’s a reason to rejoice and praise God. Dahil mayroon tayong assurance na tayo ay hindi mapapalayo, hindi iiwan, at hindi pababayaan.

God hears our cries.

            Verse 15b at verse 17a. “Sa kanilang daing, bukas ang kanyang pandinig. 17 Kapag ang matuwid ay humingi ng saklolo, ang Panginoon ay nakikinig,”

Naririnig ng Diyos ang ating mga tangis. Nakikinig siya sa ating mga daing. At ito ‘yung malaking kumpiyansa at ginhawa natin. Hindi siya nakikinig sa ating mga panalangin dahil tayo ay sapat, kundi dahil si Kristo ay karapat-dapat. God listens to our prayers not because we are good enough but because Christ is worthy. At napakalaking biyaya sa atin na malamang nakikinig ang Diyos sa katulad natin dahil sino ba naman tayo? Sino ka at sino ako para pakinggan ng Diyos na lumikha ng kalawakan, hari ng mga hari, at pangwalang-hanggan ang bawat daing at alalahanin natin sa araw-araw? Pero dahil kay Kristo, we have access to God. And that’s reason for celebration and praise. That “we have a great high priest who has passed through the heavens, Jesus, the Son of God” Hebrews 4:14.

God answers our prayers and delivers us from our sufferings.

            Hindi lang basta nakikinig ang Panginoon. Sa pamamagitan ni Kristo, siya din ay sumasagot sa ating mga panalangin. Sa ESV, but the LORD delivers him out of them all. Delivers. Makikita ang salita na ‘yan na paulit-ulit na binanggit verses 4, 7, 17, at 19. God hears our prayers and answers them. 2 Corinthians 1:20. “For all the promises of God find their Yes in him. That is why it is through him that we utter our Amen to God for his glory.” Natatanggap at nararanasan natin ang kasagutan sa ating mga panalangin dahil kay Kristo at sa mga ginawa niya para sa atin. Now, to clarify, hindi ito tulad ng ibang katuruan na nagsasabing lahat ng ating mga panalangin ay sasagutin ng Diyos. Kapag humiling ka ng kotse, ng bahay, ng komportable at marangyang buhay o nang masaganang pangangatawan. Hindi ganon. It’s a misinterpretation and distortion of God’s promises. Sumasagot ang Diyos sa panalangin natin pero hindi palaging sa paraan na gusto at iniisip natin. ‘Yun ay dahil higit na wari ng Diyos kung ano ang pinakamakabubuti sa atin. And that is a cause for praise. That when we pray about his promises, God will surely accomplish his will.

God cuts evil from earth.

            Ang sabi sa verse 16 and 19. Ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga gumagawa ng masama, upang tanggalin ang alaala nila sa lupa. Ang masama ay papatayin ng kasamaan, at ang mga napopoot sa matuwid ay hahatulan.

            Isa pa sa mga dahilan natin para magpuri sa Diyos ay ang paalala ng kanyang matapat ng hustisya. God is just and he promises to repay evil. Mabiyaya at mahabag ang Diyos. Nakita at naranasan natin ‘yun kay Kristo nang siya’y mamatay sa krus. Pero sa kanyang muling pagbabalik, babalik siya hindi bilang tagapagligtas kundi bilang hukom ng lahat ng kumalaban sa Diyos.
At sa pagkakataong iyon, tatanggalin ng Diyos ang alaala nila sa lupa.

And this is true for everyone na wala pa kay Kristo. Kaya kung ikaw na nakikinig ngayon ay wala pang maayos na relasyon sa Diyos na buhay at naghahari pangwalang hanggan, talikuran mo ang mga kasalanan mo, simulang katakutan ang Diyos, at maniwalang sa pamamagitan lamang ni Kristo ikaw maliligtas mula sa anumang parusa ng Diyos laban sa mga masama. In one way or another, you will praise God. Either praise him for his salvation in heaven or praise him for his righteousness in hell.

And I’m saying this not because we are more deserving kaysa sayo. Lahat tayo ay dapat tanggalin sa lupa, dapat malimutan, dapat parusahan. Pero, dahil kay Kristo, may pag-asa kami na mabubuhay pang-walang hanggan kasama ang Diyos na sapat at lumalang ng lahat. At nais namin na makasama kang sambahin ang Diyos na ‘yun. Kasi karapat-dapat siya para sa mga papuri mo. God cuts evil from earth.

God redeems his people.

            At panghuli, verse 22. “Tinutubos ng Panginoon ang buhay ng mga lingkod niya; walang hahatulan sa sinumang nanganganlong sa kanya.”

            God redeems his people. Karapat-dapat papurihan ang Diyos dahil sa kanyang katapatan sa pagtubos sa kanyang mga piniling lingkod. Ito ay posible lamang dahil sa ginawa ni Kristo sa krus. Ano pa ang ibang mga pangakong kasama nito? Ano ang sabi sa dulong bahagi nung talata? Walang hahatulan sa sinumang nangangalong sa kanya. Sa ESV, none of those who take refuge in him will be condemned.

            No condemnation. Kung ikaw ay nakay Kristo, nangangalong sa ilalim ng kanyang mahabag na mga kamay, wala nang kaparusahan para sayo. Dahil ibinuhos na sa kanya ng ama ang poot na dapat ay para sa lahat ng masama. Sabi dito, those who take refuge in him. Sinabi din ‘yun sa verse 8. Oh, taste and see that the LORD is good! Blessed is the man who takes refuge in him! Ito ang kalubusan ng kabutihan ng Diyos.

Kung paanong ang kweba na tinuluyan ni David ay nagsilbing kublihan niya sa panahon ng panganib at kamatayan, ganoon din naman natin naging kublihan si Kristo mula sa purong poot at galit ng Diyos Ama laban sa ating mga kasalanan. Ang mga kaparusahang dapat sana ay tayo ang tumanggap ay nagsilbing mga sugat at kamatayan ni Kristo na lumikha ng mundong ito.

Matthew 26:39, “Lumayo siya nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin, “Ama ko, kung maaari po, ilayo ninyo sa akin ang kopang ito ng paghihirap. Ngunit hindi po ang kalooban ko, kundi ang kalooban ninyo ang mangyari.” Ano ang laman ng kopang iyon? What was in the cup?

Jeremiah 25:15-16, “Ito ang mga sinabi sa akin ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: “Kunin mo sa kamay ko ang kopang ito na punô ng alak ng kapootan, at ipainom mo sa lahat ng bansang papupuntahan ko sa iyo. 16 Iinumin nila ito, sila’y malalasing at mababaliw sa tindi ng parusang ipadadala ko sa kanila.”

Ang kopa ng purong poot ng Diyos na dapat ay ibuhos sa bawat isa atin ay mabiyayang tinanggap ni Kristo doon sa krus ng kalbaryo.

Isaiah 51:22, “ganito ang sabi ni Yahweh, na inyong Diyos at Tagapagtanggol, “Aalisin ko na ang kopa ng aking poot sa inyong mga kamay, at magmula ngayon hindi ka na iinom ng alak na iyan.”

That’s what it means to see Jesus as our refuge. At kung si Kristo ang iyong kublihan, makakasigurado ka na, “wala nang kahatulang parusa sa mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus. 2 Sa pamamagitan ng kautusan ng Espiritung nagbibigay-buhay dahil sa pakikiisa natin kay Cristo-Jesus, pinalaya na ako mula sa kautusan ng kasalanan at kamatayan.” Romans 8:1-2.

Because of Jesus, we now have no condemnation.

Because of Jesus, we now have no brokenness.

Verse 18, “Ang Panginoon ay malapit sa may pusong wasak, at inililigtas ang mga may bagbag na diwa.” Sa ESV, “The LORD is near to the brokenhearted and saves the crushed in spirit.”

            Ang awit na ito ay hindi lang para sa mga nahihirapan kundi para din sa mga may pusong wasak. Para sa mga lugmok sa hirap at kaguluhan ang isip at diwa. Para sa mga nakakaramdam na nag-iisa, ang awit na ito ay para sayo din. The Lord is near. Malapit siya sayo dahil kay Kristo.

Sa Mateo 1:23, sabi roon, “Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel” (ang kahulugan nito’y “Kasama natin ang Diyos”).

            People will fail you. People will disappoint you. Sa mga panahong kailangan mo nang kasama at nabibigo ka ng mga tao sa iyong paligid, tandaan mong kasama mo ang Diyos. Sa iyong paghihirap at pag-iisa, kasama mo ang Diyos. Hebreo 4:15, “Ang ating Pinakapunong Paring, walang iba kundi si Kristo, ay nakakaunawa sa ating mga kahinaan sapagkat tulad natin, tinukso siya sa lahat ng paraan, subalit kailanma’y hindi siya nagkasala.” At nararamdaman niya ang nararamdaman mo. Naiintindihan ka niya. Isn’t that reason to praise him? Hindi ba kapuri-puri ang Diyos na samahan ka, maintindihan ang iyong mga struggles, at matulungan kang lagpasan ito? Hindi ba kapuri-puri na darating ang panahong wala na ang lahat ng brokenness sa buhay mo?

Because of Jesus, we now have no condemnation.

Because of Jesus, we now have no brokenness.

Because of Jesus, we now have no final suffering.

Ulitin ko, no final suffering. Hindi ibig sabihin na wala nang paghihirap. That will come. Pero for now, we can assure na we have no final suffering. Sa kabila ng lahat ng ating pinagdadaanan, laging may kakayahan ang Diyos na itaguyod tayo pabalik sa kanya. Verse 19.

“Marami ang kapighatian ng matuwid; ngunit inililigtas siya ng Panginoon sa lahat ng mga iyon.”

Baka may ibang nag-iisip sa inyo, “pero paano kung hindi ko maranasan o maramdaman ‘yung pagliligtas na ‘yun? Ano ang gagawin ko?” Take heart. “For this light momentary affliction is preparing for us an eternal weight of glory beyond all comparison. Inihahanda tayo nitong magaan at panandaliang kapighatian para sa walang hanggan at di-masukat na kaluwalhatian.”

            Ang mga pagsubok at paghihirap na kinakaharap natin ngayon, gaano man kawalang-kabuluhan, ay hinahanda tayo para sa ‘di masukat na kaluwalhatian kasama si Kristo.

Our sufferings now, no matter how meaningless they seem, are preparing for us an eternal weight of glory.

‘Di man lahat ng ating pagsubok ay maresolba o maayos, ‘di man maging payapa ang mga susunod na araw, makakaasa pa rin tayo na ang kabutihan at katapatan ng Diyos ay hindi nagbabago. Dahil hindi nakadepende sa ating mga sitwasyon ang pagka-Diyos ng ating Panginoon.

Because of Jesus, we now have no condemnation.

Because of Jesus, we now have no brokenness.

Because of Jesus, we now have no final suffering.

            And these things lead us to taste and see the goodness of the Lord. Kapag nauunawaan natin ang mga bagay na ito, nalalasap natin ang katapatan ni Kristo. Kapaga araw-araw nating inaalala ang mga bagay na ito, nakikita natin ang kasapatan ni Kristo. At para doon ang ating mga buhay. ‘Yun ang dahilan ng ating pagkalikha. Na sa bawat segundong tayo ay humihinga, palagian tayong nasisiyahan sa kadakilaan ni Kristo.

Gaya ni David, tayo ay tinatawag niyang magpuri sa Panginoon. At ito ang ilan sa mga practical applications na pwede nating isagawa para araw-raw na madakila ang kanyang pangalan.

Application

  1. Bless the Lord’s Goodness – Sikapin nating papurihan ang Diyos kahit na tayo ay nahihirapan. Ano ang ibig sabihin non? Go to church kahit ayaw mo. Sing to God kahit mahirap. Pray kahit hindi mo dama. Read the Word kahit pagod at nasasaktan ka. We bless God when we choose him more than our comfort, rest, and peace in light of our sufferings.
  2. See the Lord’s Goodness – Sikapin mong araw-araw na tumingin kay Kristo. Alalahanin mo lagi ang kanyang mga pangako kahit mahirap at kahit nasasaktan ka. Lubos nating nakikita ang kasapatan ni Jesus sa mga panahong lubos nating nararamdaman ang ating kakulangan at paghihirap.
  3. Fear the Lord’s Goodness – Magtiwala at sumunod ka sa Diyos kahit mahirap. That’s what fearing the Lord means. It’s trusting and obeying God. And our fear of the Lord is exemplified especially when we trust and obey him despite our sufferings.
  4. Magnify the Lord’s Goodness Together – Purihin mo ang Diyos kahit mahirap at purihin mo siya kasama ang iglesya. Kasama ang iba pang mga kapatid mo kay Kristo na araw-araw ding lumalaban para malasap ang kasapatan ni Kristo.
  5. Taste the Lord’s Goodness – Aktibo kang makibahagi sa pag-alaala ng iglesya sa biyaya ng ginawa ni Jesus. Partake in the Lord’s supper other ordinances and declare the faithfulness of God by tasting his grace and goodness.

Taste and See that the Lord is Good, kapatid. Kahit mahirap.

Share your thoughts about this post...

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.