Part 9: Sama-sama sa Paglaban sa Kasalanan

#7: Sisikapin natin, sa tulong ng biyaya ng Diyos, na mamuhay nang maingat sa mundong ito, tumalikod sa mga makamundong mga hangarin at mga gawain, at ipamuhay ang isang bago at banal na pamumuhay, ayon sa inilalarawan ng bautismo na tayo’y namatay na, inilibing, at muling nabuhay kasama ni Cristo (Rom. 6:1-4; 12:1-2; Eph. 5:15-18; Col. 3:12-13: 1 Pet. 1:14-16; 2:11-12).

Introduction: Sin in God’s House

We have to make this commitment na labanan at talikuran ang makamundong pamumuhay at mamuhay nang may kabanalan, kasi nagkakasala pa rin tayo. Akala minsan ng mga non-members, kaya siguro ayaw nilang magpa-member, ang tingin nila sa atin ay holier at more righteous kaysa sa kanila. Baka meron pa silang kailangang ayusin sa buhay nila bago sila matanggap na member. But membership is not about perfection. We may appear holier kaysa sa iba, pero deep inside our hearts, alam natin na we’re still struggling with sins everyday.

Meron sa inyo hanggang ngayon ay nag-iistruggle pa rin sa pornography, o sa pagkakaroon ng sexual relationship sa hindi pa ninyo asawa, o nahihirapang mahalin ang asawa, o nahihirapang patawarin ang ibang tao, o nagiging mapagmataas, o nagiging maramot, o nagiging materialistic, o hindi sumusunod sa mga iniuutos ng Diyos na gawin natin. Nagkakasala tayo in so many ways. Dapat sana ay iba ang buhay natin kung ikukumpara sa mga tao sa mundong ito na wala kay Cristo. Kaya nga sabi ni Paul sa Romans 12:2, “Do not be conformed to this world.” Pero may mga panahon na we are acting like the world.

Pinagalitan ni Paul ang church sa Corinth dahil sila-sila ay nagdedemandahan sa korte, sa halip na ayusin ang kanilang mga pag-aaway. “Bakit nagsasakdal kayo sa hukuman, kapatid laban sa kapatid, at sa harap pa naman ng mga di-mananampalataya?…kayo mismo ang gumagawa ng masama at nandaraya, kahit na sa mga sarili ninyong mga kapatid sa pananampalataya” (1 Cor. 6:6, 8). Or sometimes, mas malala pa nga. Tulad ng nabalitaan ni Paul na nangyayari rin sa church sa Corinth. Sabi niya sa kanila, “Nakarating nga sa akin ang balitang mayroong kabilang sa inyo na gumagawa ng imoralidad; kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Kahit mga pagano ay hindi gumagawa ng ganyang kahalayan! At nakukuha pa ninyong magmalaki! Dapat sana’y mahiya kayo at malungkot, at ang taong gumagawa ng ganoon ay dapat ninyong itiwalag!” (1 Cor. 5:1-2). May mga kasalanang nangangailangan ng ganitong aksiyon tulad ng pagtitiwalag dahil sa lifestyle na hindi nagpapakita ng repentance. Pero in most cases, hindi naman. Oo, nagkakasala pa rin tayo tulad ng mga tao sa mundo. Pero ang kaibahan, lumalaban tayo, hindi tayo nagiging kampante sa pagkakasala, nagsisisi tayo, humihingi ng tawad sa Diyos, humihingi ng tulong sa kanya para magsikap na mamuhay nang may kabanalan, at tinutulungan natin ang bawat isa sa labang ito.

Tulad ng ginagawa ni Paul sa mga churches na sinulatan niya. Tinuturuan niya, sinasaway niya, itinutuwid niya, sinasanay niya para mamuhay nang may kabanalan. Paano niya ito ginagawa?

‌I. The Gospel and Our Pursuit of Holiness

‌Una, ipinapaalala niya na ang gospel ang kapangyarihan ng Diyos hindi lang para sa kaligtasan kundi pati na rin sa paglaban sa kasalanan at pamumuhay nang may kabanalan. Konektado ang gospel at ang pursuit of holiness. Hindi pwedeng paghiwalayin ‘yan. Kapag sinabing “the gospel is the power of God for salvation” (Rom. 1:16), hindi lang yun para sa “conversion” kundi para rin sa ating ongoing “sanctification.”

Kitang-kita ‘yan sa general structure ng ilan sa mga sulat ni Pablo. Tingnan mo yung Romans. First eleven chapters ay exposition ng message ng gospel, sa chapters 12 to 16 naman yung application ng gospel sa church at sa Christian life. Kaya ganito yung transition niya sa Romans 12:1, “Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin (gospel!), ako’y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili (response sa gospel) bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos.” Sa Ephesians ganun din. Yung first three chapters ay tungkol sa yaman ng biyaya ng Diyos na tinanggap natin because of the gospel of Christ. Yung chapters 4 to 6 ay tungkol sa paano mamuhay nang nararapat dun sa pagpapalang tinanggap natin kay Cristo. Ganito ang transition niya sa Ephesians 4:1, “Kaya’t ako…ay nakikiusap sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos,” o yung buhay na naaayon o consistent sa gospel na pinaniniwalaan natin. Sa Colossians ganun din. Yung first two chapters ay tungkol sa supremacy and sufficiency of Christ (gospel ‘yan!), at yung last two chapters ay tungkol sa buhay na nakatuon sa mga bagay na nasa atin na dahil kay Cristo. Ganito ang transition niya sa Colossians 3:1-2, “Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo (gospel identity), (then, response) ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos.”

Hindi lang sa general structure ng letters ni Paul, may mga times na kapag nagbibigay siya ng instructions kung ano ang dapat nilang gawin (imperatives), ikinakabit niya sa gospel indicatives (ibig sabihin, kung ano ang ginawa na ni Cristo para sa atin). Halimbawa, sa Romans 15:2-3, “Sikapin nating lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapwa para sa kanyang ikalalakas. Sapagkat maging si Cristo man ay hindi naghangad ng sariling kasiyahan subalit nagpaubaya.”Romans 15:7, “Kung paanong kayo’y malugod na tinanggap ni Cristo, tanggapin ninyo ang isa’t isa.”Ephesians 4:32, “Maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa’t isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo..”Ephesians 5:2, “Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos.” Verse 25, “Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya.” Hindi lang ito basta imitation of Christ, na para bang kaya natin sa sarili natin na gayahin ang halimbawa ni Cristo. Ang pag-alaala sa gawa ni Cristo ang siyang nagbibigay ng lakas at kakayahan para gawin at tularan siya. Not just imitation of Christ, but the work of Christ empowers our own doing.

Itong ipinapakita niyang halimbawa sa mga sulat niya na ang gospel ay makapangyarihan para bumago sa buhay natin ay mas explicit sa itinuturo niya sa Titus 2:11-12, “Sapagkat nahayag na ang kagandahang-loob ng Diyos na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao (the gospel!). Ito ang nagtuturo (o nagsasanay, training us) sa atin na talikuran ang makamundong pamumuhay at damdaming makalaman, at mamuhay tayo sa daigdig na ito nang may pagpipigil sa sarili, matuwid at karapat-dapat sa Diyos.”

So, ibig sabihin, as we pursue sanctification, mahalaga na matutunan natin how to preach the gospel to ourselves everyday, hindi lang yung sabihin sa sarili natin kung ano ang dapat at hindi natin dapat na gawin. Ganun din as we help each other sa church. We don’t just give each other a set of rules to follow. We preach the gospel to one another.

‌II. Baptism and Our Pursuit of Holiness

Ang ikalawa naman ay yung koneksyon ng baptism sa pursuit of holiness. Ipinapaala ni Pablo ang kahulugan ng bautismo na tayo’y nakipag-isa na kay Cristo sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Pansinin n’yo kung paano ikinonekta ni Paul sa Romans 6 ang baptism sa argument na hindi dapat nagpapatuloy sa pagkakasala ang mga nakay Cristo na. Yung iba kasi ginagamit na excuse ang gospel of grace para gawing lisensiya sa pagkakasala. Pero sabi ni Paul, “No way!”

Ano ngayon ang sasabihin natin? Patuloy ba tayong magkakasala upang sumagana sa atin ang kagandahang-loob ng Diyos? Hinding-hindi! Tayo’y patay na sa kasalanan, paano pa tayo mamumuhay sa pagkakasala? Hindi ba ninyo alam na tayong lahat na nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nabautismuhan sa kanyang kamatayan? Samakatuwid, tayo’y namatay na at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay. (6:1-4)

Bungad niya sa verse 3, “Hindi ba ninyo alam…?” Rhetorical question ‘yan, ibig sabihin, alam ninyo, dapat alam ninyo, dapat alalahanin ninyo palagi. Ang alin? Na ang baptism ay picture ng gospel at ng pagliligtas na ginawa sa atin ni Cristo. Namatay si Cristo at inilibing, tayo rin ay namatay at inilibing na kasama niya, yung dati nating pagkatao, yung pagkatao natin na namumuhay sa kasalanan. At sa ikatlong araw muli siyang nabuhay at tayo rin ay kasama niyang muling nabuhay. Kung tayo ay nakay Cristo, meron na tayong bagong buhay, bagong nilalang, wala na ang dati, lahat ay bago na (2 Cor. 5:17). Kaya kailangan nating hubarin ang lumang pagkatao at bihisan ang sarili natin ng mga katangian ni Cristo (put off/put on sa Ephesians 4:22-24 at Colossians 3:9-10).

Ang ginagawa dito ni Paul ay tinuturuan tayo na oo nga’t ang baptism ay one time event lang sa buhay natin, pero meron itong nagpapatuloy na kahalagahan kapag aalalahanin natin yung sarili nating baptism, at kung sasaksihan natin ang baptism ng mga bagong members ng church natin. Ito yung tinatawag ng Westminster Larger Catechism na “improving” our baptism.

Westminster Larger Catechism Question 167: “How do we continue to use our baptism?”

A. We have a necessary but frequently neglected obligation to use our baptism our whole lives, particularly in times of temptation and when we are present at the baptism of others. We should seriously and thankfully reflect on what is involved in baptism, why Christ established it, the privileges and benefits conferred and sealed by it, and the significance of our own solemn vows when we were baptized. This reflection humbles us when we recognize how defiled we are by sin and how far short we fall of living up to, and indeed walk so contrary to the standards set by the grace of baptism and by our other spiritual commitments. We are also assured of pardon from sin and of all the other blessings sealed in that sacrament. We draw strength from the death and resurrection of Christ, into whom we were baptized, in order to keep killing our sins and becoming alive by his grace. We are also spurred on to try to live by faith, to have our human relationships defined by holiness and righteousness, as is proper for those who have given up their names to Christ, and to walk with each other in brotherly love, as is proper for those baptized by the same Spirit into one body. (Source: https://dansonnenberg.com/2015/12/21/the-westminster-larger-catechism-modern-english-version/)

Hindi pala isang beses lang ang gamit o usefulness of benefit ng baptism sa atin. Dapat pala nagpapatuloy. Kapag haharap ka sa tukso, remember your baptism. Kapag kailangan mo ng lakas para patayin ang kasalanan, remember your baptism. Kapag nahihirapan kang patawarin at mahalin ang taong nakasakit sa ‘yo, remember your baptism. Kapag merong nawawala sa church, maganda siguro padalhan natin ng picture ng baptism niya, bilang paalala sa kanya, “Remember your baptism at kung ano ang kahulugan nito.” Lalo na kung hindi na umaattend sa church, parang binalewala na ang meaning ng baptism. Tulad ng sabi sa last line ng catechism, “as is proper for those baptized by the same Spirit into one body.” Hindi natin pwedeng ihiwalay ang baptism sa church as body of Christ. Sa baptism, ipinapahayag natin na tayo ay nakipag-isa na kay Cristo at sa katawan ni Cristo, ang church. That brings us to our third point.

‌III. The Church and Our Pursuit of Holiness

Ikatlo, ipinapaalala ni Pablo sa mga larawan ng church kung ano ang kaugnayan nito sa paglaban natin sa kasalanan at pamumuhay sa kabanalan. Tatlong larawan ang titingnan natin, at bawat isa ay konektado sa bawat persona ng Trinity.

A. Household of God

Ang una ay ang church bilang household o family of God. Sabi ni Paul sa Ephesians 5:1, “Therefore be imitators of God, as beloved children.” Tayo’y kabilang sa pamilya ng Diyos. Siya ang ating Ama, tayo ang kanyang mga anak, anak na minamahal. Hindi lang ito tungkol sa relasyon natin sa Diyos, kundi sa relasyon natin sa isa’t isa. Like Father, like children. Kung paano nagmahal ang Diyos sa atin, ganun din tayo magmahal sa kapatid natin. Kung paano siya nagpatawad, ganoon din tayo magpatawad. Kung gaano kabuti ang trato ng Diyos sa atin, kung gaano siya mapagbigay sa atin, tularan natin bilang mga anak ng Diyos. Like Father, like children. Kung paanong ang Diyos natin ay banal, ganoon din natin dapat pakanasain ang kabanalang katulad niya. Pakinggan n’yo kung paano nakaporma sa “household” metaphor yung argument ni apostol Pedro tungkol dito:

Bilang masunuring mga anak, huwag kayong umayon sa masasamang pagnanasa tulad ng ginagawa ninyo noong kayo’y wala pang tunay na pagkaunawa. Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa, sapagkat nasusulat, “Magpakabanal kayo, sapagkat ako’y banal.”…At dahil tinatawag ninyo siyang Ama, mamuhay kayong may takot sa kanya habang kayo’y nasa mundong ito. (1 Pet. 1:14-17)

Kung kabilang ka sa pamilya ng Diyos, aasta ka rin at mamumuhay na hindi tulad ng mga taong nasa labas ng pamilyang ito. At kung meron sa atin na namumuhay na tulad ng mga taong ang “ama” ay ang Diyablo, may responsibilidad tayo sa mga kapatid natin kay Cristo na sawayin sila at turuan kung paano mamuhay ang isang anak ng Diyos.

B. Temple of the Spirit

Ang ikalawa ay ang church bilang “temple” of the Spirit. As individual Christians, totoo ito sa atin. Habang naninirahan pa ang kasalanan sa atin, naninirahan din ang Holy Spirit sa atin. At siyempre magkaaway ‘yan. Ito yung tension na sinasabi ni Paul na “works of the flesh” vs “the fruit of the Spirit” (Gal. 5:19-23). As we remind ourselves na tayo ay hindi lang “makasalanan” by nature, ipaalala natin lalo na ang mas higit na reality na ang katawan natin ay templo ng Espiritu: “Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi ninyo pag-aari ang inyong katawan; sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos” (1 Cor. 6:19-20). Ang isip, katawan, at sekswalidad natin ay hindi para sa kahalayan kundi para sa kabanalan.

Individually, tayo ay templo ng Espiritu. Corporately, as a church, ganun din. Dahil sa issue ng mga pag-aaway-away sa Corinth, na dahil din naman sa mga natitira pang kasalanan sa puso ng mga Kristiyano, ipinaalala ito ni Paul sa kanila: “Hindi ba ninyo alam (of course, alam ninyo!) na kayo’y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu? Paparusahan ng Diyos ang sinumang magwasak ng templo niya. Sapagkat banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan” (1 Cor. 3:16-17). Reminding ourselves na tayo ay templo ng Espiritu, magkakaroon tayo ng mas malalim na commitment na iwasan ang kasalanan at lumayo sa anumang relasyong makakahadlang sa pagsunod natin sa Diyos. Ito yung tinatawag na “pakikipamatok” or being unequally yoked with unbelievers tulad ng pakikipagrelasyon o pakikipag-asawa sa kanila. Pakinggan n’yo kung paano pinagsama ni Paul yung larawan ng temple of the Spirit at household of God sa argument niya tungkol dito. Kung hanggang ngayon hindi n’yo pa rin naiintindihan kung bakit sinasabihan namin kayo na huwag makikipagrelasyon o mag-aasawa ng unbelievers, ibig sabihin hindi n’yo pa rin naiintindihan what it means for the church to be a temple of the Spirit.

Huwag kayong makisama sa mga di-sumasampalataya na para bang kapareho ninyo sila. Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya’y ang liwanag at ang kadiliman? Maaari bang magkasundo si Cristo at ang Diyablo? Ano ang kaugnayan ng sumasampalataya sa di- sumasampalataya? O di kaya’y ng templo ng Diyos sa diyus-diyosan? Hindi ba’t tayo ang templo ng Diyos na buháy? Siya na rin ang maysabi,

“Mananahan ako at mamumuhay sa piling nila. Ako ang magiging Diyos nila, at sila’y magiging bayan ko. Kaya’t lumayo kayo sa kanila, humiwalay kayo sa kanila,” sabi ng Panginoon. “Iwasan ninyo ang anumang marumi, at tatanggapin ko kayo. Ako ang magiging ama ninyo, at kayo’y magiging mga anak ko,” sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.

Mga minamahal, yamang ipinangako sa atin ang mga bagay na ito, alisin natin sa ating sarili ang lahat ng nakapagpaparumi sa ating katawan at sa ating espiritu. Sikapin nating mamuhay nang may ganap na kabanalan at paggalang sa Diyos. (2 Cor. 6:14-7:1)

‌Kung tayo ay templo ng Espiritu, gagawin natin ang lahat ng dapat gawin para alisin ang kasalanan sa loob ng church. Ni wala kang makikita na instruction si Paul sa mga churches na pagbuhusan ng gastos at effort ang mga building projects at mga special events ng church (although wala namang masama dun!). Pero kung ganung energy rin sana ang ibinubuhos natin para tulungan ang isa’t isa na labanan ang kasalanan, then we are on the right track as a church. God is more concerned hindi sa kaayusan ng mga programa at events ng church natin o kung gaano karami ang members ng church. God is more concerned about the purity and unity of his church.

C. Bride of Christ

Ang pag-aasawa ay larawan ng relasyon ni Cristo at ng church. Kaya ang church ay “bride of Christ,” parang isang babaeng inihahanda para sa araw ng kasal na mangyayari sa muling pagbabalik ni Cristo. Dito ibinase ni Paul ang argument niya kung bakit dapat mahalin ng lalaki ang kanyang asawa:

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya upang ialay ito sa Diyos, matapos linisin sa pamamagitan ng paghuhugas sa tubig at sa salita. Ginawa niya ito upang ang iglesya ay maiharap niya sa kanyang sarili na nasa kagandahan nito, walang anumang dungis ni kulubot man, banal at walang anumang kapintasan. (Eph. 5:25-27)

‌Kung ito ang layunin ni Cristo sa pangangalaga at pagmamahal sa church, para maiharap tayo sa kanya na “banal at walang anumang kapintasan,” hindi ba’t ganito rin dapat ang hangarin natin para sa bawat isa sa church, para tayo’y magtulung-tulong na labanan ang natitira pang kasalanan, at makapamuhay nang may lumalagong kabanalan. We are not aiming for perfect holiness. Mangyayari yun sa pagbabalik ni Cristo. We are aiming for growing in holiness and Christlikeness. We cannot just ignore sin in our midst. Hindi pwedeng kuntento lang tayo na masaya tayong nagkakainan, nagkukuwentuhan, at nagsasama-sama. We ask one another, are we preparing the church to be a beautiful and flawless bride for Christ? That leads us to this practical question na dapat nating sagutin as a church.

‌IV. How Do We Pursue Holiness Together?

A. Confrontation

Sabi ni Cristo, “Kung magkasala [o, magkasala sa iyo] ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian” (Matt. 18:15). Hindi yung pagtsismisan siya, o isumbong agad sa iba. Kung kaya mong kausapin nang one on one, gawin mo. Ang goal nito ay repentance at restoration. Pero siyempre, kapag hindi nakinig, saka pa lang natin ii-involve ang iba tulad ng elders ng church o ibang leaders ng church. We’ll talk more about church discipline next week. Ngayon ay alalahanin muna natin na ang pagkumpronta sa nagpapatuloy na kasalanan ay hindi lang trabaho ng mga elders ng church. Responsibility natin ang bawat isa. Sabi naman ni Pablo, “Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso. Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa” (Gal. 6:1-2). Meron ka bang alam na member ng church na nagpapatuloy sa kasalanan? May karelasyon na unbeliever? Sobrang luho sa buhay? O hindi na nakikita sa church? Ano ang gagawin mo para kausapin siya?

B. Confession

Kung tayo naman ang nagkakasala, ‘wag na nating hintayin na kumprontahin tayo. Paano naman kasi kung hindi naman alam ng iba? Itatago na lang ba natin ang kasalanan natin hoping na walang makakaalam nito? Paano kung nag-iistruggle ka sa porn? O sa same-sex attraction? Kaya mahalaga ang confession. “Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa’t isa” (Jas. 5:16). Hindi naman ibig sabihin ibo-broadcast natin ang kasalanan natin sa social media o sa harap ng buong church—except in some cases na kinakailangan talaga. Pero at least, meron kang isa o dalawa o tatlong kapatid sa Panginoon na masasabihan, na makikinig sa ‘yo, na mag-aassure sa ‘yo ng forgiveness mula sa Panginoon, na magpapaalala sa ‘yo ng gospel, na mananalangin sa ‘yo, na sasama sa ‘yo sa pakikipaglaban mo sa kasalanan. Meron ka bang ganyang mga kaibigan na makakasama sa “fight club,” sa pakikipaglaban sa kasalanan nang magkakasama? Sabi ni Garrett Kell:

Who knows you? I mean, who really knows you? Who not only has permission, but is currently acting upon that permission to ask you penetrating questions? Are you answering those questions honestly, or are you hiding details and painting over your sin to guard your image? Do not hide from God’s gracious aid of loving relationships.

If our church is saturated with the gospel of God’s forgiving and renewing grace, ano ang ikakatakot mo na ipagtapat ang mga kasalanan mo?

C. Counseling

‌Patuloy ang laban sa kasalanan. Lalo pa kung may mga hinaharap tayo sa buhay natin na hindi talaga kakayanin ng minsanan na confrontation at confession lang. Dito pumapasok ang kahalagahan ng counseling. Mahabang proseso ‘to, kailangang maging matiyaga tayo. Kaya sabi ni Paul, “Mga kapatid, ipinapakiusap din namin na inyong pagsabihan ang mga tamad, pasiglahin ang mahihinang-loob, at kalingain ang mga mahihina. Maging matiyaga kayo sa kanilang lahat” (1 Thess. 5:14). Pwede kayong lumapit sa aming mga elders ng church, o sa ibang female leaders ng church kung meron kayong pinagdadaanan sa marriage, kung pinanghihinaan kayo ng loob, kung talagang nanghihina kayo sa pananampalataya ninyo. Wag kayong mahihiya. Wag kayong matatakot sa amin. Magsabi lang kayo. Pero ang counseling ay dapat din nating pagtulungan. Kaya sinabihan ni Paul ang church na gawin ito nang matiyaga. At para mas masanay tayo, kailangang patuloy tayong mag-aral ng salita ng Diyos. The ministry of the Word is crucial as we help each other in sanctification. Salita ng Diyos ang gagamitin din natin sa counseling, at “kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay” (2 Tim. 3:16). Kaya nga meron tayong mga equipping classes—tulad ng Suffering at Systematic Theology classes na nagsimula kanina. Paano kayo masasanay magbigay ng biblical counsel sa iba kung hindi ka maglalaan ng oras sa mga pagsasanay na ginagawa natin?

‌Conclusion: The End of Sinning

Habang narito tayo sa mundong ito, sa buong buhay natin, kahit magmature na tayo sa Christian faith, hindi matatapos ang confrontation, confession at counseling. Bakit? Sin will always be there. We will not reach sinless perfection sa buong buhay natin. Laging nandiyan ang indwelling sin. Siyempre, hindi tayo susuko, at sasabihing, ayoko nang lumaban, para namang walang katapusan ang labang ito. No, we fight until we put to death every remaining sin. Ibig sabihin, patuloy tayong lalaban at hindi hihinto. “For if you live according to the flesh you will die, but if by the Spirit you put to death the deeds of the body, you will live” (Rom. 8:13). Ang patuloy nating pakikipaglaban sa mga natitirang kasalanan sa atin ay nagpapaalala na we are in need of God’s renewing grace everyday. Araw-araw, we need the gospel. Araw-araw, we need the church para tulungan tayo kung paano i-apply ang gospel sa pakikipaglaban natin sa kasalanan.

As we groan and struggle with sins, we long for that day when Christ will return and our fight will be over. Ang nakatirang kasalanan sa atin ay mapapalitan ng katuparan o realization ng plano ng Diyos na sa pagbabalik ni Cristo, ang Diyos mismo ang maninirahan sa piling natin—wala nang kasalanan, tapos na ang pakikipaglaban. Ganito ang mangyayari sa araw na iyon:

Pagkatapos nito, nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang dating langit at lupa, wala na rin ang dagat. At nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, gaya ng isang babaing ikakasal. Siya’y nakabihis at nakahanda sa pagsalubong sa kanyang mapapangasawa. Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, “Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan siyang kasama nila, at sila’y magiging bayan niya. Diyos mismo ang makakapiling nila at siya ang magiging Diyos nila. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay. (Rev. 21:1-4)

‌Pero habang naghihintay tayo, patuloy tayo sa pakikipaglaban, patuloy sa pagtitiwala sa Diyos na tutulong sa atin sa labang ito, at patuloy na makikipagtulungan sa buong church para labanan ang kasalanan at tulungan ang bawat isa na mamuhay nang ayon sa nararapat para sa mga anak ng Diyos.

Share your thoughts about this post...

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.