Hindi lang sa pagpasok ng bagong taon, kundi sa bawat bahagi ng buhay natin ay kailangan natin ang tulong na nanggagaling sa salita ng Diyos, lalo na sa mahihirap na bahagi ng buhay natin. Ito yung ipapahayag ng psalmist sa Psalm 119:105–112 tungkol sa salita ng Diyos habang sinasabi rin niya with all honesty ang hirap na nararanasan niya.
Psalm 23:4 • Si Yahweh, Aking Gabay
Gaano man kahirap ang daan na nilalakaran mo ngayon o lalakaran mo balang araw—anuman ‘yang libis ng lilim ng kamatayan na itinakda ng Diyos na lakaran mo, mao-overcome natin ang anumang takot sa puso natin kung aalalahanin natin at paniniwalaan natin na si Yahweh, ang Panginoong Jesus mismo, ang kasama natin.
Part 1 – “Habang Inaapi, Lalong Dumarami” (Ex. 1)
Itong Exodus chapter 1 na focus natin ngayon ay nagsisilbing mahalagang paalala na ang kuwento ng Israel ay kuwento rin ng bawat isa sa atin na nakay Cristo. At kung hanggang ngayon ay wala ka pa kay Cristo, ang kuwentong ito ay nag-aanyaya sa ‘yo na maging bahagi rin ng kuwentong ito. There is no other story worth living for.
#10: Psalm 119:73–80 • Our Afflictions and the Faithfulness of God
Ang Diyos na ating Ama ang may hawak ng lahat ng nangyayari sa buhay natin at gumagawa siya para tuparin ang kanyang magandang layunin sa kanyang mga anak—even using the hardest of our afflictions to that end. “In faithfulness you have afflicted me” (Psa. 119:75). Kahit na yung mga afflictions na yun ay hindi mabubura ang faithfulness ng Diyos. Yun nga ang marka na tapat ang Diyos sa kanyang pangako na tatapusin ang mabuting bagay na sinimulan niya sa buhay natin.
