Paano ba nangyayari ang discipleship?

Pangunahing nangyayari ang discipleship sa pamamagitan ng pagtuturo at pagtulad. Pinakaepektibo itong nagagawa sa pamamagitan ng pag-ibig. Habang buong pagmamahal nating tinuturuan ang mga nakababatang mananampalataya sa daan ng kabanalan at pamumuhay na kapuri-puri, sila ay lumalago sa pagiging katulad ni Cristo sa pamamagitan ng pagtulad sa ating buhay at doktrina.

Beloved, Let Us Love One Another (1 John 4:7-12)

Heto ang tatlong dahilan kung bakit hindi lang tayo inaanyayahang magmahalan kundi obligado tayong magmahalan: una, ang pagmamahalan ay nagpapatunay na tayo nga ay mga tunay na anak ng Diyos; ikalawa, ang pagmamahalan ay bunga ng magandang balita ng kaligtasang tinanggap natin; ikatlo, ang pagmamahalan ay nagpapatotoo na ang presensiya ng Diyos ay nasa church natin. At lahat ng ito ay may kinalaman sa isang mahalagang katotohanan: ang Diyos ay pag-ibig, at ipinakita niya ang pagmamahal niya sa atin sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang sarili sa pamamagitan ni Cristo.

Abraham Part 4 – The Warrior-King and the Priest-King (Gen. 14)

Kapag sinabi mong faith, you believe in God, hindi ‘yan passive response sa mga kaguluhang nangyayari sa paligid. By faith, we take risks para gawin kung ano ang kailangang gawin. Kapag sinabing love, hindi lang yan feeling or emotion, merong kasamang aksyon at sakripisyo para sa minamahal. “Faith working though love,” sabi nga ni Paul sa Galatians. Yan ang makikita natin sa response ni Abram sa Genesis 14.