Pagdating sa relihiyon, sinasabi ng mga tao ngayon, "Lahat ng paniniwala ay patungo sa Diyos. Walang mali, walang nag-iisang tamang daan. Ang tamang paniwalaan ay kung ano ang angkop o kapaki-pakinabang para sa'yo." Pero ‘yan ba ang sinasabi ng Bibliya?
Bakit Dapat Kang Maging Member ng Isang Local Church?
Oo, ang gospel ay nagkakaloob sa atin ng personal relationship sa Diyos. Ngunit ayon sa Banal na Kasulatan, yung relationship na yun with God ay may kasamang meaningful na relationship with His people. Kapag tayo ay nakipag-isa kay Cristo, tayo ay ibinibilang Niya sa isang pamilya - isang pamilya na literal na may laman at dugo, isang pamilya na tunay mong makikita at makakasama.
Ano ang “conversion”?
Ang conversion ay isang U-turn sa buhay ng isang tao. Ito ay ang pagbaling ng buong buhay ng isang tao mula sa kasalanan at patungo kay Cristo para sa kaligtasan. Mula sa pagsamba sa diyus-diyosan patungo sa pagsamba sa tunay na Diyos.
[Sermon] The Gospel According to Genesis
Mahaba-habang paglalakbay ‘to mula sa paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay sa Genesis 1 hanggang sa pagkamatay ni Jose sa Genesis 50. Simulang-simula ng kuwento ng buong Bibliya. Unang aklat sa 66 books of the Bible, entry point na magbibigay sa atin ng lente para mas maging malinaw ang kabuuan ng Bibliya, at lente rin para mas maging malinaw ang pagtanaw natin sa buhay ngayon.
