Ang challenge ng kultura
Gustong-gusto ng mga tao ngayon ang maging inclusive. Ayaw nating sabihin na mali ang isang tao, gusto nating tanggapin na nasa tama ang lahat ng tao. Sa katunayan, nasasabi lang natin na mali ang isang tao kapag pinaghinalaan niyang mali ang ibang tao tungkol sa anumang bagay. Pagdating sa relihiyon, sinasabi ng mga tao ngayon, “Lahat ng paniniwala ay patungo sa Diyos. Walang mali, walang nag-iisang tamang daan. Ang tamang paniwalaan ay kung ano ang angkop o kapaki-pakinabang para sa’yo.” Pero ‘yan ba ang sinasabi ng Bibliya?
Maikling sagot
Sinabi ni Pedro sa Gawa 4:12, “Walang kaligtasan sa kanino pa man, sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na ating ikaliligtas” (Ang Bagong Ang Biblia).
Mas mahabang sagot
Pananampalataya kay Cristo ang tanging daan para maligtas dahil sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Cristo nagiging matuwid ang isang tao sa paningin ng Diyos (Galacia 2:16). Sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Cristo maaaring maipagkasundo ang tao sa Diyos (Roma 5:9-11). Sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Cristo maaaring makatanggap ang tao ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16). Si Jesus lamang ang tanging tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao (1 Tim. 2:5).
Tunay na Inclusive
Habang maraming tao ngayon ang nagsasabi na masyadong exclusive ang mensaheng ito, dapat natin silang ituro sa nakakapagpabagong inclusivity ng gospel. Ang gospel ay para sa lahat, pinapatunayan nito na lahat ng tao ay makasalanan at nag-aalok ito ng kapatawaran at buhay na walang hanggan sa mga tatalikod sa kasalanan at magtitiwala kay Cristo. Hindi mahalaga kung gaano ka kasama o gaano ka kabuti. Hindi mahalaga kung saan ka galing o anumang relihiyon ang iyong pinanggalingan. Kung ikaw ay magsisi sa iyong mga kasalanan at magtiwala kay Cristo, maliligtas ka.
*Original English article here.
Photo by Phil Hearing on Unsplash