We don’t take our covenant membership seriously. Yung baptism nga natin noon saka yung significance nito bihira nating alalahanin, as if walang kinalaman yun sa buhay natin ngayon. Yung iba naman nagpabaptize dati, feeling nila it’s all about their personal relationship with God, at tila walang koneksyon yung baptism sa church membership. Bakit kaya ganun? Posibleng isang dahilan ay dahil hindi natin lubos na nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng covenant.
Abraham Part 6 – The God Who Sees and Hears (Gen. 16)
Parang yung pangako ng Diyos ay contrary sa realidad. Ganun ang perception natin kasi ikinakahon natin ang pagkilos ng Diyos ayon sa sarili nating expectations, o ayon sa kalakaran ng mundo natin sa panahon ngayon. Pero ang katuparan ng pangako ng Diyos ay ayon sa sarili niyang panahon, ayon sa sarili niyang pamamaraan. Sa panahong itinakda ng Diyos, sa paraang itinakda ng Diyos. Mahirap maghintay. Sa halip na magtiyaga at magtiis, naiinip tayo, at kapag naiinip tayo at nagiging impatient, ano ang karaniwang ginagawa natin?
Abraham Part 5 – God’s Covenant Commitment (Gen. 15)
Alam na alam ng Diyos exactly kung ano ang pinagdadaanan natin, kung ano ang pinaka-kailangan natin sa mga oras na ito. At hindi basta alam lang, at parang passive na sinusubaybayan kung ano ang gagawin natin in response, but he is actively involved all throughout—nagsasalita, nagpapakita’t nagpapakilala. He takes the initiative sa relasyon natin sa kanya, at hindi hihintayin na tayo muna ang lumapit sa kanya at humingi ng tulong.
Abraham Part 4 – The Warrior-King and the Priest-King (Gen. 14)
Kapag sinabi mong faith, you believe in God, hindi ‘yan passive response sa mga kaguluhang nangyayari sa paligid. By faith, we take risks para gawin kung ano ang kailangang gawin. Kapag sinabing love, hindi lang yan feeling or emotion, merong kasamang aksyon at sakripisyo para sa minamahal. “Faith working though love,” sabi nga ni Paul sa Galatians. Yan ang makikita natin sa response ni Abram sa Genesis 14.
