Abraham Part 5 – God’s Covenant Commitment (Gen. 15)

Kung tayo ay nakay Cristo, alam natin na lahat ng pangako ng Diyos para sa atin ay tutuparin niya. Garantisado. “All the promises of God find their Yes in him” (2 Cor. 1:20). Amen? Amen! Alam nating nasa atin na ang kaligtasan dahil sa biyaya ng Diyos nung tayo ay sumampalataya kay Cristo. Pero kapag nahuhulog tayo sa kasalanan, lalo pa kung paulit-ulit, pinagdududahan natin ang pagliligtas at pagpapatawad sa atin ng Diyos. Baka kailangang ayusin nating mabuti ang buhay natin bago tayo maging katanggap-tanggap sa Diyos. Alam nating nasa atin na ang tagumpay dahil kay Cristo, at ipinangako niya na hindi niya tayo iiwan at pababayaan. Pero sa panahong parang nababaon tayo sa problema at hindi makaahon, feeling natin talunan tayo, feeling natin iniwan tayo ng Diyos na mag-isa. Alam natin ang pangako ng Diyos na lahat ng kaguluhang nangyayari sa buhay natin at sa paligid natin ay aayusin ng Diyos. Pero parang naiinip tayo, natatagalan, at parang hindi natin maisip kung paano niyang aayusin ang lahat. Sa takbo ng panahon ngayon parang imposible.

Eto yung tinatawag ni Ian Duguid na “gap between promise and reality” (Living in the Gap Between Promise and Reality: The Gospel According to Abraham). Ito yung paglalakbay ni Abraham, na siya ring kuwento ng buhay natin as we make a pilgrimage of faith sa magulong mundong ito. Pero gaano man kahirap ang paglalakbay na ‘to, alam nating hindi tayo nag-iisa para paliitin o punan yung “gap” na yun. Kasama natin ang Diyos at siya ang gagawa and he is committed to help us move—mula sa takot patungo sa kumpiyansa sa presensiya niya, mula sa pagdududa tungo sa tiwala sa kanyang kabutihan, mula sa pag-aalinlangan tungo sa katiyakan sa kanyang katapatan.

Alam na alam niya exactly kung ano ang pinagdadaanan natin, kung ano ang pinaka-kailangan natin sa mga oras na ito. At hindi basta alam lang, at parang passive na sinusubaybayan kung ano ang gagawin natin in response, but he is actively involved all throughout—nagsasalita, nagpapakita’t nagpapakilala. He takes the initiative sa relasyon natin sa kanya, at hindi hihintayin na tayo muna ang lumapit sa kanya at humingi ng tulong.

Tulad ng mapapakinggan natin sa usapan sa pagitan ng Diyos at ni Abram sa Genesis 15. Walang ibang karakter dito. Silang dalawa lang. One on one discipleship ng Diyos kay Abram, personal and intimate encounter. Dalawang magkahiwalay na usapan ‘yan, yung isa ay yung sa vv. 1-6, at yung isa ay yung sa vv. 7-21. Wala namang bagong ipinangako ang Diyos dito, medyo ipinaliwanag lang yung ibang detalye. Pero alam ni Abram ang pangako ng Diyos na magkakaroon siya ng mga anak at magiging isang malaking bansa (Gen. 12:2-3)—although mukhang imposible dahil sa katandaan nilang mag-asawa. Alam na ni Abram ang pangako ng Diyos na mapapasakanya at sa kanyang lahi ang lupain ng Canaan—bagamat mukhang napakahirap mangyari dahil sa iba’t ibang lahi na nagmamay-ari ng lupaing yun. Pero naniwala siya sa pangako ng Diyos, sumunod siya sa iniutos ng Diyos.

Humiwalay na sa kanya ang pamangkin niyang si Lot (Gen. 13). Naranasan na rin niya ang malaking tagumpay nang mailigtas niya si Lot nang madakip siya (Gen. 14). Mayaman na siya. Pero meron pa ring takot sa puso niya—maaaring baka dahil dun sa posibilidad na itong mga haring kinalaban niya ay magre-group at gantihan siya, o mas malaman dahil sa uncertain future na meron siya na baka imposible na na matupad ang pangako ng Diyos sa kanya.

Sa ganitong kalagayan ni Abram, at kung ganito rin ang lagay ng puso natin, ano ang gagawin ng Diyos?

Abram believed the Lord (15:1-6)

God speaks (v. 1)

Genesis 15:1, “After these things the word of the LORD came to Abram in a vision…” May dumating, isang package na kailangang-kailangan niya sa panahong yun, hindi delayed, just in time. Dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng isang vision. May ipinakita ang Diyos sa kanya. May sinabi ang Diyos sa kanya. Kaya napakahalaga na makita natin nang malinaw kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos.

Ano ang sabi ng Diyos kay Abram, “Fear not, Abram, I am your shield; your reward shall be very great” (v. 1). Kung paanong nakita natin ang tapang ni Abram as a lion-hearted warrior sa pagliligtas sa kanyang pamangkin sa nakaraang istorya, meron rin palang takot sa puso niya. And God knows that. Alam ng Diyos kung ano ang takot na nasa puso ko, kahit na sa tingin n’yo ay napakatapang o napakahusay ko sa paglilingko sa Panginoon. At alam ng Diyos exactly what I need. Hindi yung magpanggap, kundi yung makilala ko siyang mabuti, at panghawakang mabuti ang mga pangako niya.

“I am your shield,” kalasag, sabi ng Diyos. Confirmation ng mga salita ni Melchizedek sa Gen. 14:20, na pagkilala na ang Diyos ang nagbigay ng tagumpay kay Abram laban sa kanyang mga kaaway. Maaaring mas matinding puwersa pa ang kumalaban sa kanya in the future, pero ano nga naman ang ikakatakot niya kung ang Diyos na lumikha ng langit at lupa ang nasa panig niya (14:19).

“Your reward shall be very great,” assurance na bigay sa kanya ng Diyos. Walang dapat ikahinayang nang tanggihan niya ang alok ng hari ng Sodom (14:21). Ang Diyos ang magbibigay ng gantimpala sa kanya, at ito ay higit pa sa lahat ng kayamanan sa mundong ito. Ano nga naman ang dapat mong ikatakot mawala man sa iyo ang maraming bagay, o ipamigay mo man ang marami sa ‘yong mga ari-arian, o kuhanin man ito ng ibang tao, ng sakit o ng sunog, kung ang Diyos na lumikha ng langit at lupa (14:22) ang rewarder mo? God’s reward is far greater. And he is not just the source of our reward. “Abraham may not have the reward, but he has the God of the reward” (Bruce Waltke, Genesis, 241). God is our greatest reward.

Abram complains (vv. 2-3)

Ang ganda ng sinabi ng Diyos, no? Reassuring. Pero paano nagrespond si Abram? Maganda naman ang pagka-address niya sa Diyos, “O Lord GOD” o “Sovereign LORD” (Panginoong Yahweh), pero parang tinukdukan na niya yung future niya, hindi niya kasi nakikita ang nakikita ng Diyos, hindi niya kasi lubos na naaabot ang lawak ng kapangyarihan ng Diyos. Sabi niya, vv. 2-3, “Panginoong Yahweh, ano pang kabuluhan ng gantimpala mo sa akin kung wala naman akong anak? Wala akong tagapagmana kundi si Eliezer na taga-Damasco. Hindi mo ako pinagkalooban ng anak, kaya ang alipin kong ito ang magmamana ng aking ari-arian” (MBB).

Yung iba ang tingin dito kay Abram ay para bang nawawalan na siya ng tiwala sa Diyos na tutuparin niya yung pangako niya. Posible nga naman kasi sinabi niya na parang mamamatay na siya na wala pang anak, at yung pinaka-trusted niya na servant na si Eliezer ang magiging tagapagmana ng mga kayamanan niya. Sa v. 3 parang sinisisi pa niya ang Diyos na hindi pa siya binigyan ng anak, o pinagkaitan ng anak. Pero posible din, tulad ng sabi ng iba, na he’s voicing out this complaint in line din naman sa faith niya (na obvious sa v. 6, “He believed the Lord.”). It takes a lot of courageous faith nga naman para makapagsalita ng ganito sa Diyos mismo. Na para sa kanya, he’s pointing out yung ebidensiya na nakikita niya sa present experience niya, sa kanyang sariling limitadong perspective.

Ganyan din naman tayo. Yes, we are believers, we trust God na totoo siya sa kanyang mga pangako. Pero kung ikokonekta natin sa present situation natin, sa abot ng nakikita natin, parang hindi ganun. So we struggle. And okay lang sabihin natin sa Diyos yung mga ganung struggle natin, kesa naman magpanggap tayo na parang sinasabing buong-buo ang tiwala natin sa Diyos samantalang we struggle to connect his promises with present reality. Whenever we struggle, God confronts us with this question, “Contrary nga ba ang salita ng Diyos sa realidad ng buhay? Fantasy lang ba yung maniwala sa pangako niya? O may kapangyarihan ang sarita ng Diyos to create a new reality or to bring about what he has promised, gaano man ito kaimposible sa tingin ng tao?”

God speaks (vv. 4-5)

‘Yan ang gustong patunayan ng Diyos. And he’s patient with us. Alam niya na kahit believers na tayo, we are still slow to believe his promises. Kaya pagdating sa v. 4, intro ng narrator, though di natin makikita sa ibang translations, “And behold the word of the LORD came to him.” Paanyaya ito sa atin na tingnan natin, pay attention sa sasabihin ng Diyos kay Abram. Kanina itinuro ni Abram kung ano ang ebidensya kung bakit hirap siyang paniwalaan ang pangako ng Diyos, ngayon naman ituturo sa kanya ng Diyos kung bakit dapat siyang maniwala. Sabi ng Diyos sa kanya, “Hindi siya ang magmamana ng mga ari-arian mo kundi ang sarili mong anak” (v. 4 ASD). Pwede namang maging tagapagmana ang isang alipin kung siya ay legally adopted para magkaroon ng karapatang maisalin sa kanya ang inheritance. Pero lilinawin ng Diyos na yung pangako niya sa Gen. 12:2-3 ay tungkol sa anak na manggagaling mismo sa kanya, a biological son.

Pagkatapos, nagpakita siya ng visual aid as illustration kung paanong ang pangako niya ay higit pa sa isang anak! Gabi noon, niyaya siya ng Diyos sa labas, pinatingala siya sa langit, sabi ng Diyos, “Tingnan mo ang langit. Masdan mong mabuti ang mga bituin. Bilangin mo kung kaya mo. Ganyan magiging karami ang lahi mo” (v. 5 my translation). Yung isa nga lang na anak, mukhang imposible na, ngayon naman pinalaki pa ng Diyos ang pangako niya. Ah, yun pala ibig sabihin din ng “great reward” sa v. 1. Pagkatapos mahiwalay si Lot sa kanya, ganyan na rin ang promise niya, pero “dust of the earth” (Gen 13:16) ang illustration niya. Dito naman, “stars in the sky.” At hindi exaggerated yan, hindi nagbibiro ang Diyos, kasi inulit pa niya yung ganyang staggering nature ng kanyang promise sa Gen. 22:17; 26:4; 28:14; 32:12. So, paano naman makakatulong yun kay Abram na maniwala sa pangako ng Diyos? Parang pinahirap pa niya. Too good to be true ba ‘yan? Too good, it is true, kasi sinabi ng Diyos.

Abram’s faith and God’s justifying grace (v. 6)

So how did Abram respond? Verse 6, “And he believed the LORD.” Hindi ito yung naniwala lang dun sa sinabi niya, na parang agreeing sa facts nung napresent na produkto sa ‘yo na bibilin mo. Mas akma yung “sumampalataya” (MBB) o “nanalig” (ASD). He puts his trust in the trustworthiness and realibility and goodness of the one who has made the promise. At malamang na hindi ito yung unang beses na nagtiwala siya sa Diyos, kundi isang clarification for the sake of emphasis ng narrator para isalarawan sa atin ang relasyon ni Abram sa Diyos. His faith is not perfect, but it is true, it is genuine.

And how did God respond to that faith? Verse 6, “And he believed the LORD, and he counted it to him as righteousness.” Ito yung justifying grace ni God. Ito yung mas remarkable. Karaniwan kasi nakafocus tayo sa faith ni Abraham na isang halimbawa na dapat nating tularan, at dapat naman talaga. But the main thing is not our faith, but the object of our faith, at ano yung amazing grace na dumadaloy sa atin as we take by faith his promises. Itinuring siyang matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya. Yun kasi ang pinakamalaking problema nating mga makasalanan—how we can be made right with God. Ang pinakamalaking atraso natin ay sa Diyos, dahil sa kasalanan natin. At ang solusyun din ay hindi yung patunayan sa Diyos na worthy tayo. Ibinilang tayo ng Diyos na matuwid noong hindi pa tayo matuwid, at hindi pa natin napapatunayang matuwid tayo. Ibinilang tayo ng Diyos na matuwid hindi dahil sa mabuting gawa natin, pagiging relihiyoso, pagbibigay ng malaki sa simbahan o sa kapwa. We are justified—God counted us as righteous—by grace alone through faith alone in Christ alone.

This verse—Genesis 15:6—is a key verse hindi lang sa life story ni Abraham, kundi sa life story ng lahat ng mga Cristiano. Kaya apat na beses itong binanggit sa New Testament, tulad sa Romans 4 na paulit-ulit itong ginamit ni apostle Paul para patunayang hindi religious ritual ang paraan para maayos ang relasyon natin sa Diyos: “Ano ang sinasabi ng kasulatan? ‘Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos at dahil dito, siya ay itinuring ng Diyos na matuwid’” (Rom. 4:3 MBB)? Sabi pa niya,

Ang katagang, “itinuring na matuwid,” ay hindi lamang para kay Abraham, kundi para rin sa atin. Tayo rin ay itinuturing ng Dios na matuwid kung sumasampalataya tayo sa kanya na muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus. Pinatay si Jesus dahil sa ating mga kasalanan, at muling binuhay para tayoʼy maituring na matuwid” (vv. 23-25 ASD).

Ikaw, ano ang basehan mo para matanggap ka ng Diyos at maituring na matuwid sa harapan niya? Ang tiwala mo ba ay sa kung ano ang kayamanan na meron ka, o ang mabuti mong gawa, o ang dami ng serbisyo mo sa pamilya at sa church? Wala kang magagawa na makasasapat para bayaran ang laki ng pananagutan mo sa Diyos. The Lord is inviting us through this story to put our trust in Jesus. Siya lang ang sapat at siyang nagbayad ng mga kasalanan mo. Kaya kung nagtitiwala ka kay Jesus, itinuturing ka ng Diyos na matuwid sa kanyang harapan. Yun ang ibig sabihin ng justification.

Abram received reassurance (15:7-21)

At ang biyayang ito—his justifying grace—ay tiyak na mapapasaatin because of God’s covenant promises in Christ. Pero kahit believers na tayo, ang dali pa rin sa atin na pagduduhan na pinatawad na tayo ng Diyos at ang tingin sa atin ay perfectly righteous tulad ni Cristo. At kahit ganun ka-fickle, o aandap-andap ang init ng pananampalataya natin, sobrang amazing na patuloy na gumagawa ang Diyos para tulungan tayong mas lumalim ang tiwala sa kanya. Hindi lang hanggang   isa, dalawa o tatlong hakbang niya tayo sasamahan sa paglalakbay natin, he goes all the way.

Itinali niya ang kanyang sarili sa atin through his covenant promises. At mas magiging klaro ito sa ikalawang bahagi ng pag-uusap ng Diyos at ni Abram na nangyari sa ibang araw na pero nakarugtong sa eksenang ito to emphasize na it is not primarily about Abram’s faith, but to highlight yung covenant faithfulness ng Panginoon. At itong mga Israelita na unang nakarinig ng kuwentong ito ay maririnig na ang Diyos na nakipagtipan kay Abram ay siya ring nakipagtipan sa kanila.

God speaks (v. 7)

Verse 7, “Sinabi pa ni Yahweh kay Abram, ‘Ako ang kumuha sa iyo sa bayan ng Ur ng Caldea upang ibigay sa iyo ang lupaing ito’” (MBB). Di ba’t ganyan din ang bungad (o preamble) ng covenant ng Diyos sa Israel paglabas nila sa Egypt at nang ibigay sa kanila ang Sampung Utos, “Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na naglabas sa iyo sa Egipto at nagpalaya sa iyo mula sa pagkaalipin” (Exod. 20:2). Ang Diyos ang nag-initiate para ipakilala ang kanyang sarili kay Abram, at sa Israel na lahi ni Abram. Ang Diyos ang nagdesisyon, nagtakda, nagplano at gumawa ng paraan para ilipat si Abram mula sa Ur patungo sa promised land, gayon din sa Israel na lahi ni Abram mula sa Egypt patungo sa promised land. Ipinangako ng Diyos hindi lang ang maraming lahi kay Abram, kundi ang lupaing titirhan ng kanyang lahi—“upang ibigay sa ‘yo ang lupaing ito” (Gen. 15:7); “To your offspring I will give this land” (Gen. 12:7). Wala pa noon ang Israel sa promised land, pero hindi sila dapat matakot, mag-alinlangan, dahil yun ay ibinigay sa kanila ng Diyos.

Abram asks for reassurance (v. 8)

Kahit sinabi na ng Diyos, naghahanap pa rin ang puso natin ng mas matibay na katiyakan. Natural lang yun, kasi we don’t know everything, we don’t see everything. Si Abram, ganun din, parang yung sa unang eksena rin, verse 8, “Itinanong naman ni Abram, ‘Panginoong Yahweh, paano ko malalamang ito’y magiging akin.’” Of course, he should take God at his word, pag sinabi niya, gagawin niya, garantisado yun. Pero hindi naman siya sinaway ng Diyos, hindi naman nainis ang Diyos sa kanya, at sinabing, “Ano ba, kung ayaw mong maniwala, bahala ka! Paulit-ulit na lang ako! Basta maniwala ka lang!”

Buti na lang hindi ganyan ang Diyos natin, no? Hindi hihintayin na sariling effort natin para tumibay ang tiwala natin sa kanya. Siya pa ang gagawa to assure us. So from vv. 9-21, it is all about God doing everything para mas tumibay ang assurance na meron si Abram.

God gives instructions to Abram (vv. 9-11)

Ang una niyang ginawa ay nagbigay siya ng instructions kay Abram, verse 9, “Dalhan mo ako ng isang baka, isang babaing kambing, at isang tupa, bawat isa’y tatlong taon ang gulang. Magdala ka rin ng isang kalapati at isang batu-bato.” Maaaring para itong mga hayop na ihahandog as sacrifices reminding Israel ng mga hayop na inihahandog nila noon to remember God’s gracious covenant with them. Iba’t ibang klaseng hayop, sapat sa gulang. Pero as we will see later on, hindi niya bibigyan ng instruction si Abram na ihandog yun, basta dalin lang niya. Para sa atin medyo weird yung ganitong seremonya, pero pamilyar na si Abram sa ganitong ritwal kasi noon merong mga ganitong covenant ceremonies kapag magkakaroon ng kasunduan yung hari at yung mga taong nasakop niya. May mga hayop din na dadalin at hahatiin sa gitna. Kaya kahit hindi sabihin ng Diyos sa kanya na ganun ang gawin, ganun nga ang ginawa niya.

Verse 10, “Dinala nga ni Abram ang lahat ng iyon at biniyak ang bawat isa maliban sa mga ibon. Inihanay niyang magkakapatong ang pinaghating hayop.” Sumunod siya kahit hindi pa niya alam kung para san yung mga yun. That’s taking God at his word. Pero meron pang mga gustong humadlang sa plano ng Diyos, at lagi naman talagang merong gustong humadlang sa plano niya mula pa sa simula, pero wala pang sinuman ang nagtagumpay. Verse 11, “Bumabâ ang mga buwitre upang kainin ang mga ito, ngunit itinaboy sila ni Abram.”

God gives vision of future to Abram while sleeping (vv. 12-16)

Instrumental si Abram, malaki naman talaga ang bahagi niya, para maisakatuparan ang plano ng Diyos. Pero kailangan ba ng Diyos ang tulong ng tao? No! Hindi nakasalalay sa tao o sa anumang gawa ng tao ang katuparan ng pangako ng Diyos. Kaya, verse 12, “Nang lumulubog na ang araw, nakatulog nang mahimbing si Abram”—maaga pa naman bakit siya nakatulog agad, marahil ay pinatulog siya ng Diyos—“at nilukuban siya ng isang nakakapangilabot na kadiliman.” Literally, “and behold—ayan na naman, inaanyayahan tayong magbigay ng atensyon sa susunod na nangyari—dreadful and great darkness fell upon him.” Dahil nga ang ipapakita sa kanyang vision ng Diyos in the future—habang natutulog siya—bagamat maganda ang ending ay mahabang panahon ang pagdurusa ang sasapitin ng kanyang lahi. Verses 13-16:

Sinabi ni Yahweh, “Ang iyong mga anak at apo ay mangingibang-bayan at magiging alipin doon sa loob ng 400 taon. 14 Ngunit paparusahan ko ang bansang aalipin sa kanila, at pag-alis nila roon ay marami silang kayamanang madadala. 15 Pahahabain ko ang iyong buhay; mamamatay at ililibing kang payapa. 16 Daraan muna ang apat na salinlahi bago sila makabalik dito, sapagkat hindi ko muna paparusahan ang mga Amoreo hanggang sa maging sukdulan ang kanilang kasamaan.”

Merong privilege si Abram to see a vision of the future. Pero hindi ito tulad ng mga prosperity gospel o feel good preachers na sasabihin sa ‘yo na basta sumampalataya ka sa Diyos ay magiging maayos din ang lahat. Yung sinabi ni Lord na ending ng life ni Abram, totoo nga,

Genesis 25:7–8 ESV

These are the days of the years of Abraham’s life, 175 years. Abraham breathed his last and died in a good old age, an old man and full of years, and was gathered to his people.

How we wish na ganyan din siguro ka-peaceful ang death natin, wag lang 175 years! at wag sana covid sa ICU. Pero itong si Abram, namatay siya na hindi pa nakikita ang katuparan ng lahat ng pangako ng Diyos—especially yung lupain na mapapasakanya. At itong lahi niya sinabi ng Diyos na maaalipin ng 400 years (430 years to be exact). At ang bansa tinutukoy dito ay yung Egypt, at katuparan yung kuwento sa Exodus kung saan nagpadala ang Diyos na iba’t ibang salot para mapalaya sila. At lumabas nga sila na may maraming kayamanan:

Exodus 12:36 ESV

And the Lord had given the people favor in the sight of the Egyptians, so that they let them have what they asked. Thus they plundered the Egyptians.

Kapag marinig ng mga Israelita ang kuwentong ito, mapapaalalahanan sila na anumang paghihirap na naranasan nila ay hindi detour sa plano ng Diyos. Lahat ay bahagi ng plano niya. Yes, tayo rin, we are looking toward sa future na tatanggapin natin ang inheritance na ipinangako ng Diyos, pero mahabang panahon at marami pa tayong pagdadaanang hirap bago yun.  Kasama yun sa plano ng Diyos para sa atin. At lahat tutuparin niya. Hanggang sa dulo. Paano tayo makakasigurado?

God made a covenant with Abram (vv. 17-21)

Pinarusahan ng Diyos ang Egipto—justly—para mapalaya ang mga Israelita. At habang naghahanda sila para pasukin ang Canaan, dapat paniwalaan din nilang paparusahan ng Diyos ang mga tao doon sa pamamagitan nila. Hindi pa sa panahon ni Abraham, kundi sa panahon nitong mga Israelita about to enter the promised land. Katarungan yun ng Diyos, hindi dahil deserving ang mga Israelita, o higit na mabuti sila, “sapagkat hindi ko muna paparusahan ang mga Amoreo hanggang sa maging sukdulan ang kanilang kasamaan.”

At itong mga Amoreo ay representative ng lahat ng mga lahi na nakatira doon, tulad ng sabi ng Diyos sa vv. 18-21:

At nang araw na iyon, gumawa si Yahweh ng kasunduan nila ni Abram at ganito ang sinabi niya: “Ibibigay sa lahi mo ang lupaing ito, mula sa hanggahan ng Egipto hanggang sa Ilog Eufrates, 19 kasama ang lupain ng mga Cineo, Cenizeo, Cadmoneo, 20 Heteo, Perezeo at Refaita, 21 gayundin ang lupain ng mga Amoreo, Cananeo, Gergeseo at Jebuseo.”

Bago ang Israel magmay-ari at magmana ng lupaing yun, tatanggalin ng Diyos ang pagmamay-ari sa mga taga-Canaan. May karapatan ang Diyos na gawin yun ay Creator and Judge of all the earth. Mararanasan ng Israel ang pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga taong ito—this is salvation through judgment.

Kapag marinig mo ang ganitong pangako ng Diyos na gagawin niya, talaga namang reassuring ‘yan. Pero alam n’yo ba na merong mas kamangha-mangha dito sa covenant ceremony na ‘to? Hindi lang yung sinabi ng Diyos, kundi yung ginawa ng Diyos to demonstrate his all-out commitment to this covenant. Bungad sa verse 18, “On that day the Lord made a covenant with Abram…” Yung “made a covenant” sa literal na salin ay “cut a covenant.” Bahagi kasi ng covenant ceremony noon ay dadaan sa pagitan ng mga hinating hayop ang parehong partido sa covenant treaty, na parang dinedemonstrate visually na kung meron man isa sa kanila ang hindi susunod sa napagkasunduan, ganun din ang mangyayari sa kanila tulad ng hayop na hinati sa gitna.

Sino yung dalawang partido dito? Si Abram at ang Diyos. E tulog si Abram, right? Hindi siya kasama dun sa dumaan sa pagitan ng hinating hayop. Sino lang ang dumaan? Verse 17, “Pagkalubog ng araw at laganap na ang dilim, biglang may lumitaw na palayok na umuusok, at maningas na sulo na dumaan sa pagitan ng mga pinatay na hayop.” Ang Diyos na gising na gising, anyo ng usok at apoy—tulad ng presensya ng Diyos sa paglalakbay ng Israel na pillar of cloud and fire—ang dumaan sa pagitan ng mga hayop na hinati-hati. As if saying to Abram, “Ganito ang mangyayari sa akin, parang hayop na hinati sa gitna, papatayin, kakatayin, kung hindi ko tutuparin ang mga ipinangako ko sa ‘yo.” “God is invoking a curse upong himself if he does not keep his covenant” (Waltke, 234). Hindi naman siya pwedeng mamatay kasi Diyos siya, imortal. Ibig sabihin, imposibleng sumira siya sa kasunduang ito.

Gospel Assurance for Every Believer

This is not a bilateral o two-sided agreement, but a unilateral o one-sided covenant. Hindi hahayaan ng Diyos na ang sumpa at parusa ay danasin ng kanyang mga piniling maligtas. Bagamat tayo ang karapat-dapat na parusahan dahil sa ating mga kasalanan, pero si Jesus na walang kasalanan—the true Son of Abraham, the beloved Son of God—siya ang umako ng sumpa. Bago siya ipako sa krus, pinaghahagupit ang katawan niya at tila hinati-hati ang kanyang mga balat dahil sa sugat, tinusok ng koronang tinik ang kanyang ulo, at nang ipako siya sa krus, tagos ang pako sa kanyang mga kamay at paa, tinusok ng espada ang kanyang tagiliran, at higit sa lahat ay yung parang hinati ang puso niya nang pabayaan siyang mamatay ng Diyos. Madilim ang kalangitan—“a dreadful and great darkness” (v. 12), sumigaw siya, “My God, my God, why have you forsaken me.” Sa krus parang siyang isang hayop na kinatay. He was cut off that we may inherit the promises of God.

Remembrance is powerful. Kung nalulungkot ka dahil sa nangyayari ngayon, o natatakot sa mangyayari in the future, hindi sapat ang mga “memories” ng Facebook. Dadalin ka lang niyan sa 3 or 5 years ago. As we look back sa story ni Abraham 4,000 years ago, na nagtuturo sa nangyari 2,000 years ago, we remember God’s pledge of his covenant faithfulness to us—the cross of Jesus. Yun ang pinaka-demonstration o Exhibit No. 1 ng kanyang perfect love, perfect justice, and great faithfulness to his covenant people. So, remember the gospel everyday. Masdan mo ang nabayubay na katawan ni Cristo sa krus, at ang dugo niyang dumanak sa Kalbaryo.

Binigyan din tayo hindi lang ng salitang papakinggan natin in the preaching of the gospel, but also visible signs and seals of his covenant for us—water baptism and the Lord’s Supper. Sa bautismo, hindi lang tayo ang nag-eexpress ng faith natin at commitment to follow Jesus, but more importanly, God making a pledge that we belong to him. One time lang yun. Pero sa Lord’s Supper, we make a regular covenant renewal, ipinapaalala sa atin ang tibay ng pangako ng Diyos, na itinali niya ang sarili niya sa atin, we belong to him, we belong to his people, at tatanggapin natin ang mana ng kanyang pinangakong great reward—Christ himself our Treasure and Joy forevermore.

So next time na pinagdududahan mo ang mga pangako ng Diyos dahil parang ang daming delays, o natatakot ka sa mga nangyayari sa buhay mo at sa mundo natin ngayon, o nababahala sa mga uncertainties sa kinabukasan, alalahanin mong ang Diyos ay dakila sa kanyang katapatan, he is for you 100%, all out, no turning back, no turning back, his word is sure.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.