Abraham Part 6 – The God Who Sees and Hears (Gen. 16)

Introduction: Problem of Sarai’s barrenness (Gen. 16:1)

Mahirap maghintay. Gusto natin ngayon na, right now! Kaya marami ang mahilig sa “instant.” Nakakainip kasi. Kung pwede namang madaliin, bakit pa nga naman pagtatagalin? Yes, tayong mga Christians ay mga “believers,” pero may mga panahon na tayo ay “unbelieving.” Sinusubok ng paghihintay ang pananampalataya natin, at madalas tayong bagsak sa pagsubok na ‘yan. Nagiging impatient tayo, sa halip na matiyagang maghintay. Sinusubok din ng mga sufferings ang pananampalataya natin, maaaring sufferings na dulot ng sarili nating kasalanan, o kasalanan ng ibang tao sa atin. Sa halip na magtiis tayo at magpasakop sa kalooban ng Diyos in our sufferings, mas gusto nating takasan ito, in trying to find a more comfortable or easier life. Sinusubok ng maraming boses sa paligid natin ang pananampalataya natin. May tendency tayo na pakinggan ang boses ng iba, o ang tibok ng puso natin, sa halip na makinig sa salita ng Diyos at sumunod sa nais niya.

Sa paglalakbay natin sa buhay ni Abraham, kitang-kita natin na dapat natin siyang tularan as a man of faith. Yung faith niya sa pagsunod sa sinabi ng Diyos na magpunta siya sa Canaan. Yung faith niya sa paniniwala niya sa mga pangako ng Diyos na gagawing tanyag ang pangalan niya, pagpapalain siya, magiging marami ang lahi niya, at ang ibang lahi ay pagpapalain sa pamamagitan niya (Gen 12:2-3). Yung faith niya nang ayusin ang naging conflict niya kay Lot at hayaan niya si Lot na pumili ng lupain na gusto niya (Gen 13). Yung faith niya na nagbigay ng tapang sa kanya na iligtas si Lot ng madakip siya (Gen 14). At yung faith niya nang paniwalaan niya ang pangako ng Diyos na bibigyan siya ng sariling anak at ang lahi niya ang magmamana ng lupaing ipagkakaloob ng Diyos (Gen 15). “Abram believed the Lord and it was counted to him as righteousness” (15:6).

Pero hindi pa ganun katibay ang faith ni Abram. Genuine ang faith niya, pero hindi perpekto. Marami pang bakas ng unbelief at pagdududa sa puso niya. Nakita natin ‘yan nang masubok ang pananampalataya niya nung magkaroon ng taggutom sa lupain at pumunta siya sa Egipto, at nagsinungaling tungkol sa asawa niya (Gen 12:10-20). Nakita natin ‘yan sa nakaraang kuwento nang akalain niyang hindi siya magkakaroon ng sariling anak at yung servant niya ang aampunin niya para maging tagapagmana niya (Gen 15:2).

Tulad din ni Abram, marupok ang pananampalataya natin. In a way, this is encouraging. Dahil pinatutunayan ng Diyos na siya ay nananatiling tapat—consistently faithful—hindi lang sa panahong matibay ang faith natin, kundi lalo na sa panahong gegewang-gewang ang faith natin. Pinakita ito ng Diyos kay Abram nang siya ay natutulog sa pamamagitan ng covenant ceremony nang siya’y dumaan sa pagitan ng hinati-hating mga hayop sa anyong usok at apoy. Para garatiyahan na hinding-hindi siya sisira sa pangako niya.

Kailangan nga lang maghintay ni Abram. Patungkol sa lupa, hundreds of years pa ang hihintayin (Gen 15:13). Hindi na niya aabutan ‘yan. Pero yung anak, ilang taon pa rin ang hihintayin niya. At this point, 10 years na yung nakalipas simula nang mapunta siya sa Canaan (16:3), 85 years old na si Abram, si Sarai naman ay 75. Fifteen years pa ang hihintayin nila para magkaroon sila ng anak (Gen 21:1-7). Matagal-tagal pa. And we don’t have the strength and patience to wait.

Ten years ang nakalipas mula nang matanggap ni Abram ang pangako ng Diyos. Hindi nga lang natin alam kung ilang taon ang lumipas matapos ang reaffirmation ng promise niya sa Genesis 15. Pero bungad ng kuwento natin ngayon, hindi pa rin “magkaanak si Sarai na asawa ni Abram” (16:1). Parang yung pangako ng Diyos ay contrary sa realidad. Ganun ang perception natin kasi ikinakahon natin ang pagkilos ng Diyos ayon sa sarili nating expectations, o ayon sa kalakaran ng mundo natin sa panahon ngayon. Pero ang katuparan ng pangako ng Diyos ay ayon sa sarili niyang panahon, ayon sa sarili niyang pamamaraan. Sa panahong itinakda ng Diyos, sa paraang itinakda ng Diyos. Magkakaanak si Abram, pangako niya yun, pero hindi adopted son, like yung proposal niya sa chapter 15 about Eliezer. Hindi rin anak sa ibang babae na hindi niya asawa, gaya ng makikita natin sa kuwento ngayon.

Fifteen years pa ang hihintayin niya. Mahirap maghintay. Sa halip na magtiyaga at magtiis, naiinip tayo, at kapag naiinip tayo at nagiging impatient, ano ang karaniwang ginagawa natin?

Human, Sinful Solutions (Gen 16:1-3)

Si Sarai merong proposal kay Abram. Acceptable kasi sa kanila nun yung pagkakaroon ng higit isang asawa, para itong asawang babae na hindi magkaanak ay magkaroon ng anak sa pamamagitan ng ibang babae. Tinatawag itong surrogate motherhood. Merong personal servant na babae si Hagar na Egyptian (Gen 16:1), na malamang na nakuha nila noong nasa Egypt sila (Gen 12:16). Heto ang sabi niya sa asawa niya, heto ang simula, “Behold now…” (16:2 ESV, wala sa Tagalog translation)—Abram, makinig kang mabuti. Dapat naman talaga tayong mga lalaki ay nakikinig sa asawa natin! Amen? Well, depende. Kasi sabi ni Sarai, “Abram, dahil pinagkaitan ako ni Yahweh ng anak, ang alipin ko ang sipingan mo. Baka sakaling magkaanak siya para sa akin” (v. 2 MBB)!

Naniniwala naman si Sarai sa kapangyarihan ng Diyos na may hawak ng kanyang bahay-bata. Kaya itong isarado at ibukas ng Diyos. Pero duda siya na gagawin ito ng Diyos. Siguro, para sa kanya, heto ang magandang solusyon—magkaroon siya ng surrogate child sa pamamagitan ni Hagar. Sa atin ngayon, wala namang matinong babae na magsa-suggest ng ganito sa asawa niya. Pero sa panahon nila, hindi ito unusual. Yun na lang ang naisip niya kasi nainip na siya. Sa halip na magtiwala sa Diyos tulad ng asawa niya, may naisip siyang sariling paraan. Siguro para matulungan ang Diyos? Pero kailangan ba ng Diyos ang tulong natin? Mas powerful and wiser pa ba tayo kesa sa Diyos?

Ano naman ang response ni Abram? Aba, mukhang pabor sa kanya ang proposal ng asawa niya. Pero di ba dapat sinabi niya, “Sarai, mahal kong asawa, hinding-hindi ko magagawa yun. Paglabag yun sa gusto ng Diyos na maging tapat ako sa isang asawa lang. Saka dapat magtiwala tayo sa pangako ng Diyos. Maghintay tayo. Konting tiis pa. God is faithful”? Dapat pakinggan ang asawa natin kung ayon sa kalooban ng Diyos, pero kung hindi we have responsibility to lead them sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Sadly, hindi ganun ang ginawa ni Abram. Ni wala siyang sinabi. Silent and passive, tulad ng maraming mga asawang lalaki ngayon. “And Abram listened to the voice of Sarai” (v. 2). Nakinig, sumunod, napakamasunuring asawa, nagpasakop sa kanyang asawa, baligtad sa disenyo ng Diyos. Sa verse 3, kinuha ni Sarai si Hagar, ibinigay kay Abram para maging second wife, at magkaanak para kay Sarai.

Culturall acceptable, yes. Hindi scandalous during that time. Pero kasalanan sa paningin ng Diyos. Paglabag sa kalooban niya. Hawig na hawig ito sa salaysay ng unang kasalanan nina Adan at Eba. Si Eba, kinuha ang bunga na pinagbabawal ng Diyos, kinain, binigyan ang kanyang asawa, at kinain din niya (Gen 3:6). Nakinig din si Adan sa boses ng kanyang asawa (3:17). Tulad ni Abram. Tulad nating lahat na mas pinakikinggan ang boses ng ibang tao o ang sarili nating boses kesa sa malinaw na salita ng Diyos.

Gumagawa tayo ng sarili nating paraan (kahit hindi ayon sa paraan ng Diyos), o nakikinig tayo sa payo ng iba (kahit hindi ayon sa salita ng Diyos), inaakala nating mas magaling pa tayo sa Diyos, mas marunong pa tayo sa Diyos. Akala natin makukuha natin yung gusto natin sa ganung paraan, o masosolusyunan ang problema natin sa ganung diskarte. Pero ano ang karaniwang nangyayari when we take matters into our own hands, deciding what is good for ourselves and not trusting God’s wisdom and timing? Mabuti ba?

Suffering the Consequences of Our Foolish Choices (Gen. 16:4-6)

Verse 4, pumayag si Abram sa proposal ni Sarai. May nangyari sa kanila ni Hagar. Wala namang palag si Hagar, masunurin din sa mga amo niya. Maybe alam niya na baka mapabuti rin siya sa ganitong setup. Social promotion kumbaga, from servant to wife. At kung magkaanak pa siya, mas magiging mataas ang tingin sa kanya kesa kay Sarai na walang sariling anak—na sa custom nila ay itinuturing na kahiya-hiya. Ganun nga ang nangyari, nabuntis siya. At sa halip na manatiling nagpapasakop at nagpapakumbaba, “nagmalaki si Hagar at hinamak nito si Sarai” (v. 4 MBB). Naging mataas na ang tingin niya sa sarili niya, at mababa naman ang tingin kay Sarai. Itong “hinamak” ay parehong salita na nakapaloob sa pangako ng Diyos, “I will bless those who bless you, and him who dishonors (“hahamak”) you I will curse” (12:3). Oh oh, hindi mapapabuti kay Hagar yung ganitong attitude niya sa amo niya.

Sa relasyon naman ni Sarai at Abram, naging mabuti ba? Sinabi ba ni Sarai, “Ayan, buntis na si Hagar, salamat Sweetheart kasi nakikinig ka sa asawa mo”? Hindi, sinisi pa ang asawa niya na sumunod lang naman sa planong naisip niya, at dinala pa ang apela sa korte ng Diyos na para bang siya pa ang tama. Heto ang sabi ni Sarai kay Abram, verse 5, “Ikaw ang dahilan ng paghamak ni Hagar sa akin! Alam mong ako ang nagkaloob sa iyo ng alipin kong ito; bakit niya ako hinahamak ngayong siya’y nagdadalang-tao? Si Yahweh na ang humatol kung sino sa atin ang tama!” Nangyari nga yung plano niya, pero nasisira naman ang relasyon niya sa ibang tao.

At ito namang si Abram, ayaw ng gulo, mahirap namang awayin pa yung asawa niya lalo na kung menopause na. Verse 6, sagot ni Abram, “Alipin mo naman siya, kaya gawin mo sa kanya ang gusto mo.” Sa halip na ayusin ang gulo, tulad ng ginawa niya nung nagkaroon sila ng conflict ni Lot, hinayaan lang niya si Sarai na gawin ang gusto niya. May authority siya over his wife, pero hindi niya pinangungunahan ang relasyon nila ayon sa salita ng Diyos (Col 3:18-19). Oo, may authority si Sarai over Hagar, pero hindi yun karapatan na gantihan at pagmalupitan si Hagar (Col 3:22-4:1). Tulad ng ginawa niya (Gen 16:6). Unkind exercise of her authority yun. Hanggang hindi na makatiis si Hagar, at tumakas na siya.

Heto ang consequences kapag inilalagay natin sa sariling kamay natin ang mga desisyon sa buhay at pinapangunahan ang Diyos. Nagkagulu-gulo na sa pamilya ni Abram. Wala pang anak ‘yan ha! Lalo na kung may anak na! Hindi naman anak ang solusyon sa problema nila. At sino ba ang dapat sisihin sa nangyayaring ito? Si Sarai? Kasi siya naman nagpasimula at nagplano nito, at masama ang ugaling pinakita kay Hagar. Si Abram? Na sunud-sunuran lang sa plano ng asawa niya, na walang sinasabi at ginagawa para protektahan ang inaapi at ayusin ang kaguluhang nangyayari. Si Hagar? E nagmataas naman siya at hinamak ang amo niya.

They cannot put the blame sa iba, bagamat may kasalanan naman talaga ang ibang tao sa kanila. Pero may kasalanan ang bawat isa sa kanila. Sobrang messy na ng sitwasyon. At ganito rin naman ang maaaring kalagayan ng pamilya ninyo ngayon, maybe not exactly like this, pero may problema pa rin. At karaniwan, hindi naman sa lahat ng pagkakataon, ang problemang nararanasan natin ay dulot na rin ng mga desisyon nating pinapangunahan din ang Diyos. Akala mo pagtatrabaho sa ibang bansa ang solusyon, pero lalo pang nagulo ang pamilya mo. Akala mo ibang babae ang solusyon, pero lalo pang naging miserable ang buhay mo. Akala mo addiction mo sa social media ang solusyon, pero lalo ka pang naiinggit sa iba, at nalulungkot sa kalagayan mo ngayon. Akala mo matatakasan mo ang problema mo sa pamamagitan ng drugs, alak, o maling relasyon. Pero matatakasan mo nga ba? Masosolusyunan nga ba? O lalong lalala at hihirap ang kalagayan mo?

Nasaan nga ba ang solusyon? Nakay Abram ba? O Sarai? O Hagar? Kung silang lahat nga ang problema, wala sa kanila ang solusyon. Kailangan nang pumasok sa eksena ang pinakaimportanteng karakter sa istoryang ito, sa istorya ng buhay ni Abraham, at ng istorya ng buhay nating lahat—karaniwan nating inieetsa-puwera kung sino ang pinakamahalaga sa lahat.

Return and Submit (Gen. 16:7-9)

Sinubukan ni Hagar na takasan ang hirap na dinaranas niya. Buntis pa siya. Tapos pabalik siya sa Egypt, tagaroon naman talaga siya dun at baka meron pang mga kamag-anak na makakatulong sa kanya. Si Abram din akala nasa Egypt ang solusyon (Gen 12:10). Si Lot natukso na lumipat ng Sodom, na parang Egypt sa  prosperity (13:10). Yung mga Israelita sa panahon ng paghihirap nila sa wanderings sa wilderness, paulit-ulit na binalak na bumalik sa Egypt. Nasaan ba ang tulong na kailangan ni Hagar? Wala sa Egipto, kundi nasa Diyos. At hindi rin palayo kay Abram, tulad ng ginawa ni Lot.

Nung naka-halos 200km na si Hagar, nandun na siya “sa tabi ng isang bukal sa ilang na malapit sa daang patungo sa Shur” (v. 7), ang direksyon nito ay papuntang Egypt, natagpuan siya ng “anghel ni Yahweh” (v. 7). Paulit-ulit binanggit itong “angel of the Lord” sa story na ‘to. Sabi ng iba, Christophany daw ito, o appearance ng Son of God sa Old Testament. Pero wala namang indication dito na yun nga. Sabi ng iba, angelic messenger na galing sa Diyos. Most likely. Pero posible din na ito ay Diyos mismo sa anyo ng isang anghel dahil sinabi ni Hagar later on na nakita niya ang Diyos. Whatever the case, messenger man ‘to na anghel, o ang Diyos mismo, malinaw na ito ay pagkilos ng Diyos kay Hagar, at ang mensaheng sinabi ay salita mismo ng Diyos sa kanya.

Natagpuan siya, hindi aksidente lang. Hindi nagkataon lang, kundi intentional, deliberate, personal. Merong Diyos na kumakatagpo sa atin sa panahon ng mga paghihirap natin. Sa mga panahong we are trying to run away, God will seek us out. “Surely goodness and mercy shall follow me all the days of my life” (Psa 23:6).

Tinanong siya ng Diyos, “Hagar, alipin ni Sarai, saan ka nanggaling at saan ka pupunta” (v. 8)? Alam naman Diyos ang sagot. Tulad ng tanungin niya si Adan nung nagkasala ito kung bakit siya nagtatago. Gusto ng Diyos na aminin ni Hagar ang pagtakas niya. Inamin naman niyang tinakasan niya si Sarai. Sabi ng Diyos sa kanya, verse 9, “Magbalik ka at muling magpasakop sa kanya.” Hindi madaling bumalik, lalo na kailangan mong magsakripisyo at magtiis. Mahirap magpasakop sa amo kung hindi maganda ang trato sa ‘yo. Actually, yung salitang “magpasakop” dito ay kaparehas ng salitang ginamit sa v. 6 tungkol sa pagmamalupit sa kanya ni Sarai. Mas attractive sa atin yung prospect ng ease, convenience at prosperity kesa naman sa kalagayan na kailangan mong magtiis ng hirap. Pero paano kung yun pala ang calling sa atin ng Panginoon, tulad ng sabi ng anghel kay Hagar (Phil 1:29).

Sa halip na takasan ang problema, nais ng Diyos na harapin natin ito, magtiis at magpatuloy sa pagkakatawag sa atin ng Diyos. A note here is in order bago tayo magpatuloy. May pagkakataon naman na kailangan nating takasan ang isang sitwasyon, lalo na kung sinasaktan ka na at nalalagay na sa alanganin ang buhay mo at nakakasira na ng relasyon mo sa Diyos. May mga cases talaga na kelangan mong iwan ang asawa mo halimbawa, o magsumbong sa pulis, para proteksyunan ang buhay mo at ng mga anak mo. But in most cases, kailangan nating pagtiiisan ang hirap na kasama sa pagkakatawag sa atin ng Diyos.

Sa halip na layasan ang problema sa bahay, kailangang bumalik at makipag-usap. Sa halip na tuluyan nang umalis sa church, kailangang bumalik sa church kahit medyo delikado physically and health-wise dahil sa Covid, pero kailangan alang-alang sa espirituwal na kalakasan mo at mutual encouragement sa mga kapamilya sa church. Sa halip na takasan ang problema at mangibang-bansa, kailangang bumalik alang-alang sa mas ikabubuti ng pamilya.  

Mahirap nga namang harapin ang dapat harapin. Pero hindi naman tayo sasabihan lang na gawin ang dapat nating gawin at bahala na tayo. The law has no power to give us the strength we need. Kailangan ni Hagar ng sandata ng mga salita at pangako ng Diyos. At ito naman ay hindi sa kanya ipinagkait ng Diyos. Dahil ang pagpapala ni Abram ay mararanasan din niya kung hindi siya lalayo. Gagamitin din ng Diyos ang anak niya, bagamat bunga ng pagkakasala, para patunayang ang awa niya ay higit na mayaman kaysa sa dami ng pagkakasala nila at paghihirap na nararanasan dahil sa kasalanan. Our sins they are many, our miseries they are many, his mercy is more.

God’s Promises to Sinners and Sufferers (Gen. 16:10-14)

Heto pa ang sabi ng Diyos sa kanya, verses 10-12:

Mga anak mo ay aking pararamihin,
at sa karamiha’y di kayang bilangin;
di na magtatagal, ika’y magsisilang,
Ismael ang sa kanya’y iyong ipangalan,
sapagkat dininig ni Yahweh ang iyong karaingan.
Ngunit ang anak mo’y magiging mailap, hayop na asno ang makakatulad;
maraming kalaban, kaaway ng lahat,
di makikisama sa mga kaanak.

Hindi ito promise of an easy life. Magiging mahirap din ang future ni Ishmael. Magkakaroon ng conflicts sa ibang tao. Yung lahi niya (mga Ishmaelites) ay magkakaroon ng matinding conflict sa mga Israelites. Paniwala ng mga Muslims (Arabs) na dito sila kay Ishmael nanggaling at siya yung promised son kay Abraham at hindi si Isaac. Totoo ngang hanggang ngayon ay maraming religious at political conflicts sa mundo natin ngayon. Hindi lang dahil sa Islam, kundi dahil sa pagkamakasarili ng lahat ng tao. Pero ang pangako ng Diyos kay Hagar, nakaugnay din sa pangako niya kay Abram. “All the families of the earth shall be blessed through you” (Gen 12:3). At anumang conflicts meron ngayon among individuals, among nations, among religious groups, walang anumang peace committee o United Nations special team ang makakaresolba—only Jesus the Prince of Peace sa pamamagitan ng preaching of the gospel of reconciliation.

Ang pangakong ito ay nakaugat sa karakter ng Diyos. Kaya nga Ishmael ang ipapangalan sa anak ni Hagar. Ibig sabihin, God hears, nakikinig ang Diyos. Ipinaliwanag din naman ng Diyos sa kanya, “sapagkat dininig ni Yahweh ang iyong karaingan.” “Because the Lord has listened to your affliction.” Wala namang binanggit na tumawag siya sa Diyos. Pero yung daing niya, yung hirap na nararanasan niya, naririnig ng Diyos, and he responds in great mercy.

Nakikinig ang Diyos sa daing natin. Hindi siya nagbibingi-bingihan. Nakikita ng Diyos ang kalagayan natin, hindi siya nagbubulag-bulagan. In response to that encounter with God and his promises, sabi ni Hagar sa sarili, confessing her faith in Yahweh, verse 13, “Totoo ngang nakita ko ang Diyos na tumitingin sa akin.” Binigyan niya ng pangalan ang Diyos as a result of this personal encounter, El Roi, “Ikaw ang Diyos na Tumitingin sa Akin.” Pati yung well o balon na igiban ng tubig pinangalanan din niya, verse 14, “Beer-lahai-roi,” “Balon ng Diyos na Buháy at Tumitingin sa Akin.”

Diyos na tumitingin sa kanya sa panahon ng kahirapan. Diyos din na personal niyang tinitingnan. Diyos na nakikinig sa kanyang mga daing. Diyos din na narinig at pinakinggan ni Hagar. Kaya babalik siya, titiisin ang hirap na kaakibat ng pagkakatawag ng Diyos, at panghahawakan ang pangako ng Diyos sa kanyang pagbubuntis hanggang sa pagsilang ng kanyang anak. Ganito rin ba ang pagkakilala mo sa Diyos? Maaaring inaawit mo ang pangalan ng Diyos, o napapakinggan sa mga sermon, pero personal mo ba siyang kilala, kinikilala, tinitingnan, pinagtitiwalaan, pinakikinggan at sinusunod—kahit kailangan mong magtiis, kahit kailangan mong maghintay nang matagal? O mas pinipili mo pa ang sarap ng buhay na inaakala ng mga tao sa mundong ito?

Babalik ka ba kung ikaw si Hagar? O magpapatuloy ka sa pagtakas? Depende kung naniniwala ka na ang solusyon sa problema mo ay in relationship with God and not away from God. Bumalik ba si Hagar? Yes, bagamat hindi binanggit sa story, pero obvious sa ending, verses 15-16, “Nagsilang nga si Hagar ng isang anak na lalaki kay Abram at ito’y pinangalanan nitong Ismael. Noo’y walumpu’t anim na taon na si Abram.”

Pinangalanan ni Abram ang bata na Ishmael. Paano niya nalamang ito ang pangalang gusto ng Diyos tulad ng sinabi kay Hagar? Malamang na pag-uwi ni Hagar, ikinuwento niya kung paanong nagpakita at nangusap sa kanya ang Diyos. And ironic na ito pang si Hagar ang gagamitin ng Diyos to bring a message kina Abram at Sarai na pinanghihinaan ng pananampalataya dahil sa pagkainip sa paghihintay. Kung tinupad ng Diyos ang salita niya kay Hagar na magsisilang siya ng anak na lalaki, tutuparin din niya ang salita niya kay Abram at Sarai—hindi nga lang ayon sa sarili nilang timetable and expectations. Kung merong Diyos na tumitingin at nakikinig sa pagdurusa ni Hagar, kahit hindi naman siya tumatawag sa Diyos, kahit sa panahong palayo siya sa pagpapala ng Diyos, how much more na tinitingnan sila ng Diyos at pinakikinggan ang kanilang mga daing—lalo pa’t kung tatawag sila at hihingi  ng tulong sa Diyos at hindi dadaanin sa sarili nilang diskarte.

Gaano man karami ang ating mga pagdurusa, higit na mayaman ang awa ng Diyos. Yung keyword sa story na ‘to ay yung “affliction” o “karaingan” (MBB) o “pagtitiis” (ASD) sa verse 12. Yun ang kalagayan ni Hagar na pinakinggan ng Diyos. Yun ang naranasan niya kay Sarai sa verse 6, same word, “pinagmalupitan” (MBB), “dealt harshly” (ESV), “mistreated…so much” (CSB). Same word din ito sa prophecy na sinabi ng Diyos kay Abram sa chapter 15 about sa experience ng Israel sa Egypt, “they will be afflicted (same word, “pagmamalupitan,” MBB/ASD) for 400 years” (15:13).

Nung nakakaranas ng maraming paghihirap ang mga Israelita sa disyerto for 40 years paikut-ikot bago makapasok sa promised land, hindi ba’t dapat nilang alalahanin din na merong Diyos na hindi sila tinatalikuran kahit na ilang beses silang tumalikod sa kanila, patuloy silang pinakikinggan kahit ilang beses silang sumuway sa utos niya. Hindi ba’t yun ang karanasan nila nung nasa Egipto pa sila at dumaing sila sa Diyos? Exodus 2:23-25:

Pagkalipas ng mahabang panahon, namatay ang Faraon (ang hari ng Egipto) ngunit dumaraing pa rin ang mga Israelita sa patuloy na pang-aalipin sa kanila ng mga Egipcio. 24 Narinig ng Diyos ang kanilang daing at naalala niya ang ginawa niyang kasunduan kina Abraham, Isaac at Jacob. 25 Nakita niya ang kalagayan ng mga Israelita at siya’y nahabag sa kanila (MBB).

Kung tinitingnan ng Diyos ang kalagayan ng isang Egyptian tulad ni Hagar, paano pa ang kanyang bayan? Kung pinakikinggan niya ang paghihirap ni Hagar bagamat hindi naman siya tumatawag sa Diyos, paano pa ang kanyang bayan kung sila ay tatawag sa kanya? At ano ang pinaka-sagot ng Diyos sa kanilang daing? Ano ang pinaka-solusyon ng Diyos sa kanilang mga kasalanan? Hindi ang maraming lahi sa isang payapang lupain. Sa panahong ito ng istorya natin, halos 15 taon pang maghihintay si Abram bago ipanganak si Isaac. Sa panahon ng mga Israelita, ilampung taon silang naghintay bago makapasok sa lupang pangako ng Diyos. At daang-daang taon silang naghintay bago dumating ang Messiah—ang Tagapagligtas. Hindi nagmamadali ang Diyos na tulad natin, hindi rin siya nahuhuli o nadedelay. He is not slow to fulfill his promise. He is always on time.

Hindi lang isang anghel o anyong anghel ang ipinadala niya. “Sa tamang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak” (Gal 4:4). Tunay na Anak ni Abraham. Tunay na Anak ng Diyos. Perfect Man, full of faith. Hindi nainip, hindi nagshort-cut sa pagtupad ng plano ng Diyos. Kahit tuksuin ng diyablo o ng mga disciples niya na laktawan ang sufferings on the way to glory, tiniis niya ang lahat ng hirap, embracing his calling, hanggang sa kamatayan sa krus. Tinalikuran ng Diyos ang kanyang Anak sa kanyang hirap sa pagdurusa sa krus, para tingnan tayo ng Diyos na matuwid bagamat nagkakasala. Hindi pinakinggan ng Diyos ang daing ng kanyang Anak, para ilapit ang kanyang sarili sa atin, at pakinggan ang ating mga daing.

So, because he rose again from the dead and is at the right hand of God interceding for us, anumang hirap na dinaranas natin ngayon, wag tayong magsawang dumaing sa kanya, humingi ng tulong sa kanya. Wag tayong mainip sa paghihintay sa katuparan ng pangako ng Diyos dahil ang pinakamahalaga sa lahat ng pangako niya ay tinupad na niya kay Cristo. Wag nating daanin sa shortcuts, o sariling diskarte o makiuso sa kalakaran ng mundong ito. Magpatuloy tayo sa pagtitiis at paghihintay. Pakinggan ang salita ng Diyos, at hindi ang salita ng iba. Kung paanong naging mabuti ang Diyos sa atin, patuloy din tayo sa paggawa ng mabuti sa iba, lalo na sa mga kapamilya natin. Patuloy din tayo sa pag-abot sa ibang lahi—sa mga Muslims, sa mga Buddhists, dito sa Pilipinas at sa lahat ng dako ng mundo. Habang hinihintay natin na maabot na ang lahat ng lahi para kay Cristo. Habang hinihintay natin ang pagbabalik ni Cristo. Habang hinihintay nating matanggap ang mana na ipinangako ng Diyos sa lahat ng kanyang mga anak.  Patuloy tayong magtiwala’t maghintay dahil ang Diyos nati’y patuloy na tumitingin sa kalagayan natin at nakikinig sa ating mga daing.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.