Tungkol sa Spiritual Warfare

Sikat ang Ephesians 6:10-20 sa major topic na tinatalakay nito na tungkol sa “spiritual warfare.” Obvious naman sa text na bawat isang Kristiyano ay nakikipaglaban o nakikipagdigma spiritually. Meron tayong dapat gawin “upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo” (Eph 6:11). Ang digmaang ito ay “against the spiritual forces of evil” (Eph 6:12). At kapag spiritual warfare ang usapan, ano ang karaniwang pumapasok sa isip n’yo? Siguro ay tulad nung experience namin noong bata pa lang kaming magkakapatid, bagong converts ang family namin. Tapos meron kaming kasambahay na na-possess ng evil spirit. Every 6PM, gabi-gabi, on time dumarating ang masamang espiritu at sumasanib sa kanya, naiiba ang boses niya, nagwawala siya. Ilang araw din ‘tong nangyayari. Tapos gabi-gabi rin nandun yung mga pastor at mga missionaries sa bahay namin, nagpe-pray, nagkakatantahan, at sinasabi ng pastor sa masamang espiritu, “In the name of Jesus, tumahimik ka, lumayas ka!” Sumusunod naman ang masamang espiritu.

Spiritual warfare ba yun? Obviously, yes. Ganito rin ang nangyari nang nagpunta si Paul noon sa Ephesus for his missionary journey. Nakasulat ‘yan sa Acts 19, kung saan gumawa ang Diyos ng mga “extraordinary miracles” sa pamamagitan ni Paul. Gumaling ang mga maysakit, napalayas ang mga masasamang espiritu (Acts 19:11-12). Meron ding ilang mga nagpa-practice ng magic arts ang pinagsisihan ang evil practices nila at naging tagasunod ni Jesus (Acts 19:18-19). So, malamang na aware si Paul na itong mga Ephesian Christians na sinulatan niya ay merong takot sa mga evil forces na kumokontrol sa buhay nila kaya isinulat ni Paul sa dulo ng sulat niya ang tungkol sa spiritual warfare.

Pero hindi natin pwedeng limitahan ang usapin tungkol sa spiritual warfare sa mga “extraordinary” manifestations nito—tulad ng kapag may nagwawala, nagsisisigaw, nangingisay, at obvious na gawa ng masamang espiritu. Kung mindful tayo sa context ng Ephesians, makikita natin na ang diyablo ay actively making war against everyone who is in Christ. Dati, noong wala pa tayo kay Cristo, noong patay pa tayo sa kasalanan, hindi natin siya kaaway, kasi nga we were “following the prince of the power of the air, the spirit that is now at work in the sons of disobedience” (Eph. 2:2). Pero ngayong kay Cristo na tayo, pinapaalalahanan tayo ni Pablo na huwag hayaang tumagal ang galit sa puso natin, “and give no opportunity to the devil” (Eph 4:27); na huwag makibahagi sa mga “unfruitful works of darkness” (Eph 5:11); na maging maingat sa araw-araw na pamumuhay, maging matalino, sinasamantala ang bawat pagkakataon, “because the days are evil” (Eph 5:16).

Aware si Paul, at dapat aware tayong lahat, na ang spiritual warfare ay nangyayari araw-araw. Nangyayari ‘yan as we face yung mga araw-araw na desisyon na gagawin natin: Magpapatuloy ba ako sa paglakad sa pag-ibig, sa liwanag, at sa karunungan? Magpapasakop ka ba sa husband mo? Mamahalin ko ba ang asawa? Susundin at igagalang mo ba ang magulang mo? Tuturuan at didisiplinahin ko ba ang mga anak ko? Susundin mo ba ang mga nakatataas ang authority sa ‘yo? Pakikitunguhan ko ba nang maayos yung mga ipinagkatiwala sa akin ng Diyos?

Ito yung mga ordinaryong aspeto ng spiritual warfare na kinakaharap natin araw-araw, at naging focus ng mga nakaraang pag-aaral natin sa Ephesians. When you think of spiritual warfare, don’t just think of “extraordinary.” Dapat maging aware tayo na nangyayari ito especially kapag hindi natin ‘to nakikita, nararamdaman, o everything seems going well sa buhay natin.

Kaya ito yung panghuling mga paalala ni Paul sa kanila. Sabi niya sa simula ng text na ‘to, “Finally,” “Bilang pagwawakas” (MBB). Nagsi-signal ito na malapit nang matapos ang sulat ni Pablo. Actually, second to the last sermon na ‘to sa series natin as Ephesians. Pero bukod dun, nag-eexpress din ito ng burden sa puso ni Pablo tungkol sa pagnanais niya na manatili silang matibay sa pananampalataya nila at magpatuloy hanggang wakas. Heto yung mga salitang ginamit niya to emphasize that: “Be strong in the Lord” (Eph 6:10), “that you may be able to stand”( Eph 6:11), “stand firm” (Eph 6:13), “stand” (Eph 6:14), “with all perseverance” (Eph 6:18). Mainam naman na narinig nila ang gospel, na sumampalataya sila kay Cristo (Eph 1:13). Pero ang hangad ni Pablo para sa kanila ay hindi lang magandang simula, but also for them to finish well.

Ito ang prayer ko para sa bawat isa sa atin. Na magpatuloy kayo sa pananampalataya at pagsunod kay Cristo hanggang sa dulo. Kahit mahirap, kahit maging sobrang hirap pa. Tulad ni Paul na nakakulong habang sinusulat niya ‘to: “a prisoner of Christ Jesus” (Eph 3:1); “a prisoner for the Lord” (Eph 4:1); “I am an ambassador in chains” (Eph 6:20). Makakalaya pa siya pagkatapos nito. Pero makukulong siya ulit. At bago siya patayin, sinulat niya kay Timothy, 2 Timothy 4:7 “I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith.”

Para matapos natin ang lakbayin at labang Kristiyano, kailangang matutunan natin how to fight well. Para mangyari yun, sagutin natin ang tatlong tanong sa text natin:

Bakit tayo nakikipaglaban? (vv. 10-13)

Una, bakit tayo nakikipaglaban? Makikita natin ang mga sagot diyan sa first four verses:

Finally, be strong in the Lord and in the strength of his might. Put on the whole armor of God, that you may be able to stand against the schemes of the devil. For we do not wrestle against flesh and blood, but against the rulers, against the authorities, against the cosmic powers over this present darkness, against the spiritual forces of evil in the heavenly places. Therefore take up the whole armor of God, that you may be able to withstand in the evil day, and having done all, to stand firm.” (Eph 6:10-13)

Meron tayong matinding kalaban (vv. 11-12)

Bakit tayo nakikipaglaban? Bakit kailangan nating magpakalakas sa labang ito? Bakit dapat nating ihanda ang sarili natin? Kasi nga, meron tayong matinding kalaban: “that you may be able to stand against the schemes of the devil” (Eph 6:11). Merong diyablo. Hindi ‘yan panakot lang, at paniniwala lang ng mga sinaunang Kristiyano. No matter how advanced ang technology natin, dapat tayong maging aware na hindi fiction, hindi legend ang existence ng devil. Hindi lang siya nakatayo na parang guwardiya na nagbabantay lang. Merong kalaban, kaya translation sa Tagalog, “upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo.” Sa Greek diabolos, ibig sabihin, “slanderer.” Sa Hebrew, “Satan,” ibig sabihin ay kaaway o kalaban. Isa siya sa mga matataas na anghel na nanguna sa paghihimagsik laban sa Diyos at sa paghahari ng Diyos, dala-dala ang 1/3 of the angels sa pagrerebelde sa Diyos at paglaban sa mga anak ng Diyos (Rev 12:3-4).

At ang pakana o strategy niya ay magsinungaling tungkol sa Diyos, to slander God. Remember yung sinabi ng ahas kay Eba, “Totoo ba…?” Para pagduduhan nila ang salita ng Diyos. At ganyan tayo nahuhulog sa patibong ng diyablo, kapag pinaniniwalaan natin ang mga kasinungalingan niya, mga false promises, promising us satisfaction, security, and power, na hindi naman talaga natin makukuha sa kasalanan. May the Lord forgive us sa paniniwala sa kasinungalingan ng diyablo.

Matindi ang kalaban natin, hindi lang isa. At hindi pa nakikita with our physical eyes. “For we do not wrestle against flesh and blood” / “Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao” (Eph 6:12). Ang salitang ginamit dito sa pakikipaglaban ay tumutukoy sa close hand-to-hand combat, nakikipagbuno, nakikipagsuntukan. Metaphor ang ginagamit dito ni Paul, hindi literal na pisikal na laban. Hindi naman tao ang kalaban natin, although mas sanay tayo na tao ang kaaway, kahit nga kasama natin sa church nakikipag-away pa tayo sa halip na makipagbati, makipagkasundo, at magpatawad. Remember, this is spiritual warfare.

Pinagtutulung-tulungan tayo ng mga spiritual forces: “against the authorities, against the cosmic powers over this present darkness, against the spiritual forces of evil in the heavenly places.” Hindi mga pinuno at maykapangyarihan na mga tao ang tinutukoy dito. Sinabi na nga niya na hindi sa tao ang pakikipaglaban natin. Yung iba sinasabi na iba-ibang hierarchy daw yung tinukoy ni Paul tungkol sa mga spiritual beings. Pero hindi naman malinaw na ganun sa sinabi ni Paul. Ine-emphasize lang dito ni Paul na matindi ang kalaban natin, marami ang kalaban natin, hindi natin nakikita ang kalaban natin, mas malakas sa atin ang kalaban natin. Sa labang ito, ‘wag nating ia-underestimate ang kalaban natin, ‘wag din nating i-overestimate ang sarili natin. Hindi tayo pwedeng maging complacent at self-confident. Kasi…

Meron tayong kahinaan (v. 10)

Meron tayong kahinaan. Ito yung ikalawang sagot kung bakit tayo nakikipaglaban. E kung mahina tayo, hindi ba’t mas dapat na sumuko na lang tayo at umatras? No. Meron tayong kahinaan, kaya kailangan natin ng lakas na nanggagaling sa Diyos, “Be strong in the Lord and in the strength of his might” / “Magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan” (Eph 6:10). Exhortation at encouragement ito ni Paul sa kanila na magpakalakas sila, “Kayanin n’yo ang laban.” Nasa ilalim nito yung assumption na tayo ay may likas na kahinaan. Kung sa likas na kalagayan natin, wala tayong aasahang lakas sa laban. Kailangan natin ng tulong. Kaya hindi lang niya sinabing, “Kaya n’yo ‘yan, tibayan n’yo lang ang loob n’yo,” tulad ng karaniwang ipinapayo sa mga nanghihina. Ang sabi niya, hindi “Be strong.” Ang sabi niya, “Be strong in the Lord and in the strength of his might.” So…

Meron tayong higit na malakas na kakampi (vv. 10, 11, 13)

Meron tayong higit na malakas na kakampi. Kaya nga in-emphasize ni Paul kung saan nanggagaling ang lakas natin: “in the Lord and in the strength of his might” (Eph 6:10). Magiging malakas lang tayo kung tayo ay “in the Lord.” Isa ito sa blessings ng pagiging in union with Christ. Ang lakas ni Cristo ay dumadaloy sa atin. Pero kung hiwalay tayo kay Cristo, you don’t have his strength to fight. Sa buong kasaysayan, sino bang tao ang kinaya ang lahat ng tukso ng Diyablo? Only Jesus. Without Christ, wala tayong magagawa (John 15:5). Kung nakay Cristo, ang lakas na meron tayo ay yung kanyang dakilang kapangyarihan, “the strength of his might.” Magagawa natin ang lahat sa labang ito sa pamamagitan ni Cristo na nagpapalakas sa atin (Phil 4:13). Si Cristo na ngayon ay nakaupo sa kanan ng Diyos ay higit pa sa lahat ng mga spiritual forces na lumalaban sa atin, “far above all rule and authority and power and dominion” (Eph 1:21).

Ibinigay na niya ang lahat ng kailangan natin sa labang ito: “Put on the whole armor of God, that you may be able to stand” (Eph 6:11); “Therefore take up the whole armor of God, that you may be able to withstand in the evil day, and having done all, to stand firm” (Eph 6:13). Itong “whole armor of God” ay isinalin na “ang buong kasuotang pandigma na kaloob ng Diyos” / “ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos.” Isinusulat ito ni Pablo habang nakakulong siya, at nakikita niya ang mga Roman soldiers na suot-suot ang armor na ‘to kaya siguro yun ang ginamit niyang illustration (Hoehner, Ephesians, 822-23).

Pero bago natin tingnan isa-isa yung mga bahagi ng armor na ‘to, mahalagang bigyang diin na ito ay “of God.” Itong kasuotang ito na dapat nating isuot at gamitin ay galing sa Diyos, at kailangan natin para tayo ay manatiling nakatayo, hindi maitumba ng kaaway, at magtagumpay sa laban. Napakabuti ng Diyos na ipinagkaloob na niya ang lahat ng kailangan natin sa labang ito. Hindi niya hinayaang mag-isa tayo at hubad at walang armas sa labang ito. At kung ang gamit na ito ay galing sa Diyos, we have all the resources of God at our disposal, ang buong kapangyarihan ng Diyos ay nasa atin sa labang ito.

Mga bata, hindi ba’t ang ilan sa inyo ay natatakot kapag may nambu-bully sa inyo o kaya ay kapag madilim. Pero kapag nasa tabi mo ang daddy mo, hawak-hawak ang kamay mo, at sabi sa ‘yo, “‘Wag kang matakot. Ako ang bahala sa ‘yo,” hindi ba’t yung panghihina ng loob natin ay napapalitan ng pambihirang kumpiyansa at tapang? So, fellow weak and fearful Christians, take heart, ‘wag tayong matakot sa lakas ng kalaban natin. “He who is in you is greater than he who is in the world” (1 Jn 4:4).

Meron tayong kailangang gawin (vv. 11, 13)

Pero sa labang ito, hindi ibig sabihin na wala tayong gagawin. Kaya nga tayo nakikipaglaban, ibig sabihin, meron tayong kailangang gawin. Ito yung ikaapat na sagot kung bakit tayo nakikipaglaban: meron kasi tayong kailangang gawin. Yes, ibinigay na ng Diyos ang kailangan natin. Ang kailangan nating gawin? “Put on the whole armor of God” (Eph 6:11). Kailangang isuot na parang damit, at kapag isinuot hindi na dapat tatanggalin. Hawig ito sa put off/put on language ni Paul sa chapter 4. Sabi pa niya, “Take up the whole armor of God” (Eph 6:13). Hindi lang suot-suot, kundi dapat alam din natin kung bakit mahalaga at paano gamitin. Ang pakikipaglaban natin ay hindi passive but active. “Sa gayon, makakatagal kayo sa pakikipaglaban pagdating ng araw na sumalakay ang masama” (v. 13). Oo araw-araw ang digmaan, pero merong mga araw na matindi ang pag-atake ng kaaway. No matter how hard it gets, hindi tayo susuko sa kaaway. Walang peace treaty. Bakit? “Upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo” (v. 13).

Meron tayong kailangang gawin para manatiling nakatayo at hindi tayo mapatumba ng kaaway. Lahat ng Kristiyano ay sundalo sa labang ito. Walang nanonood lang, walang cheerleaders lang, lahat ay aktibong nakikipaglaban. But take note, hindi tayo inutusan na lusubin ang kalaban. Hindi tayo magsisimula ng deliverance ministry sa church at hahanapin kung nasaan ba ang strongholds ng kaaway at lulusob na para ba tayong mga ghostbusters o warfreaks sa spiritual warfare. No. Ang kalaban natin ay talunan na, nilusob na ni Cristo at pinatumba nang siya’y mamatay sa krus para sa atin (Col 2:15). Ang dapat nating gawin ay manatiling nakatayo, “Stand therefore” (Eph 6:14), defending our position, hawak-hawak ang tagumpay na meron na tayo kay Cristo.

Anu-ano ang dapat na meron tayo sa pakikipaglaban? (vv. 14-17)

Kaya mahalaga ang ikalawang tanong, anu-ano ang dapat na meron tayo sa pakikipaglaban? Ang good news ay ito: nasa atin na, ibinigay na sa atin ang kailangan natin, “the whole armor of God” na nakita natin sa verse 10 at verse 13. Dito naman sa verses 14 to 17, iniisa-isa niya kung anu-ano ang bahagi nitong armor na ‘to.

Stand therefore, having fastened on the belt of truth, and having put on the breastplate of righteousness, and, as shoes for your feet, having put on the readiness given by the gospel of peace. In all circumstances take up the shield of faith, with which you can extinguish all the flaming darts of the evil one; and take the helmet of salvation, and the sword of the Spirit, which is the word of God. (Eph 6:14–17)

Anu-ano itong meron na tayo, na binigay na ng Diyos na kailangan nating armor sa pakikipaglaban? Merong anim.

Sinturon ng katotohanan (v. 14)

“Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan” (Eph 6:14). Sa pagmamaneho o kapag sasakay ng eroplano, fasten your seatbelt for safety. Sa pakikipaglaban, yung belt ay kailangan para secured yung suot-suot at hindi mahuhubad, na karaniwang ginagawa para sa paghahanda para sa isang mahalaga at mahirap na gawain. Sa Isaiah 11:4-5, inilarawan ang darating na Messiah na isang Divine Warrior na may suot-suot na sinturon ng katuwiran at katapatan. Similarly, tayong mga nakay Cristo, ang belt na kailangan nating suot-suot ay ang katotohanan. Kung ang sandata ng kaaway ay kasinungalingan, nasa atin na ang kailangan para sa labang ito dahil natanggap na natin ang katotohahan. We heard “the word of truth, the gospel of your salvation” (Eph 1:13). Ang katotohanang ito ay nakay Jesus (Eph 4:21) at si Jesus mismo (John 14:6). At suot-suot natin ang katotohanang ito kung tayo ay nagsasabi ng totoo, tinutupad ang mga pangako natin, at namumuhay na may integridad, at hindi hipokrito.

Baluti ng katuwiran (v. 14)

“…at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran” (Eph 6:14). Itong breastplate ay gawa sa metal at bahagi ng armor na nakatakip sa dibdib para protektahan sa sibat, espada, o pana. Sinabi sa Isaiah 59:17 na si Yahweh ay isang Divine Warrior na merong breastplate of righteousness. Kung ang armas ng kaaway ay kasamaan, ang proteksyon natin ay katuwiran. Sa sarili natin siyempre, wala tayong sariling katuwiran. Pero dahil nakay Cristo tayo, we have his righteousness sa dibdib natin. Unang-una, hindi ito yung sarili nating righteousness, kundi yung righteousness ni Cristo na nakabalot sa atin. Pero para maging panangga sa pag-atake ng kaaway we cannot have the righteousness of Christ pero ang buhay naman natin ay taliwas sa justified status na meron tayo.

Sapatos ng pagiging handa sa ebanghelyo (v. 15)

Itong sapatos ng pagiging handa ay maaaring isalin sa dalawang paraan. Maaaring ito yung pagiging handa na dulot ng gospel tulad ng salin ng ESV: “the readiness given by the gospel of peace” (Eph 6:15). O kaya naman ay pagiging handa sa preaching ng gospel tulad ng salin ng MBB: “Isuot ninyo ang sapatos ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan.” Kapag nakasapatos ka na, o yung boots na ginagamit ng mga sundalo, handa ka nang lumakad o tumakbo. Nangingibabaw na image dito ay pakikidigma, pero ang gospel na dala-dala natin ay “gospel of peace.” Nag-aanounce tayo sa mga tao na si Cristo ang gumawa ng paraan para magkaroon ng reconciliation o pakikipagkasundo ang Diyos at ang taong makasalanan.

Tulad ng sabi sa Isaiah 52:7 “How beautiful upon the mountains are the feet of him who brings good news, who publishes peace, who brings good news of happiness, who publishes salvation, who says to Zion, ‘Your God reigns.’” Nakahanda ba tayo na ipamalita ang gospel na ‘to at maipagkasundo ang mga makasalanan sa Diyos? Nakahanda rin ba tayo na puntahan ang mga taong nakaaway natin para makipagkasundo sa kanila?

Panangga ng pananampalataya (v. 16)

“Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo” (Eph 6:16). “Lagi,” ibig sabihin, nagpapatuloy ang laban, hindi tayo dapat ma-caught off guard, dapat laging suot ang armor of God. At ag panangga laban sa pag-atake ng kalaban ay ang pananampalataya natin sa Diyos. Tulad ng pananampalataya na meron si David sa pakikipaglaban kay Goliath. We are most vulnerable sa atake ng kaaway kung hindi tayo nagtitiwala sa mga pangako ng Diyos. Naniniwala ka ba na “walang tuksong dumating sa inyo na hindi karaniwan sa tao, subalit tapat ang Diyos, na hindi niya ipahihintulot na kayo’y tuksuhin nang higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay naglalaan ng pag-iwas upang ito’y inyong makayang tiisin” (1 Cor 10:13 AB)?

Pinapaulanan tayo ng mga nagliliyab na palaso ng diyablo, ng mga tuksong ibinabato niya sa atin na tutupok sa atin kung hindi natin sasanggahin ng pananampalataya sa mga pangako ng Diyos. Pero kung nagtitiwala tayo sa pangako ng Diyos, walang anumang tukso ni Satanas ang tatama sa atin. By faith we overcome our enemy.

Helmet ng kaligtasan (v. 17)

“Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan” (Eph 6:17). Ang helmet ay proteksyon sa ulo. Sa pagmomotor, at lalo na siyempre sa panahon ng digmaan. Ang helmet na tinutukoy tayo ni Pablo ay ang kaligtasan o salvation. Siyempre, kung tayo ay nakay Crist, ang kaligtasang tinanggap natin ay sigurado na, hindi na babawiin pa. Binanggit din itong helmet of salvation, kasama ang breastplate of righteousness sa Isaiah 59:17. Itong salvation nito ay gawa ng Diyos, bigay ng Diyos sa atin. Pero may panahon na pinagdududahan natin ‘yan o nakakalimutan natin ‘yan. Mas magiging prone tayo sa atake ng kaaway kung ganun. Kaya mahalagang ipaalala natin sa sarili natin araw-araw ang ginawa ng Diyos sa atin sa pamamagitan ni Cristo.

Tabak ng Espiritu, ang Salita ng Diyos (v. 17)

Lastly, “…at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos” (Eph 6:17). Ang tabak ay maliit na sword na ginagamit sa close combat, hindi tulad ng mahabang espada. At ang tabak na ito ay galing sa Espiritu, na tinukoy na walang iba kundi ang Salita ng Diyos. Ito yung sandata ni Jesus sa pakikipaglaban sa bawat tukso ni Satanas sa wilderness, “Nasusulat…Nasusulat…Nasusulat…” (Mat 4:1-11). More specific, tumutukoy ito sa gospel, yung core message ng Bibliya, na pinapaalala natin sa sarili natin every time humaharap tayo sa tukso o atake ng kaaway. Kaya nga tinawag natin ang memory verses natin na Fighter Verses. So, memorize Romans 8:1 this week, “There is therefore now no condemnation for those who are in Christ Jesus,” at gamiting panlaban sa anumang natitirang pagdududa sa puso natin.

Ito yung anim na bahagi ng armor of God na dapat nating isuot sa sarili natin para handa tayong depensahan ang sarili natin. Sabi ng Puritan na si Richard Rogers, chapter 7 ng Holy Helps for a Godly Life: “Kumbinsihin mo ang iyong sarili at paniwalaan mo ang katotohanang ito: kung hindi ka nakabihis ng baluti ng Diyos, ikaw ay naglalakad na nakahubad. Kung wala ang baluti, para kang isang mandirigmang walang armas na nakikipaglaban sa maraming malalakas at armadong kaaway.” Mabuti ang Diyos, hindi niya hinayaang hubad ka at wala kang armas sa pakikipaglaban. So, put on the whole armor of God.

Anu-ano ang dapat nating gawin sa pakikipaglaban? (vv. 18-20)

Ikatlong tanong, anu-ano ang dapat nating gawin sa pakikipaglaban? Sa pagpapatuloy ni Pablo sa verses 18 to 20, hindi na niya binanggit yung military images, diretso nang sinabi kung ano ang dapat gawin. Direkta itong nakakonekta sa last two pieces ng armor na binanggit ni Paul sa verses 16 and 17 (“take up the shield of faith…take the helmet of salvation…”):

…praying at all times in the Spirit, with all prayer and supplication. To that end, keep alert with all perseverance, making supplication for all the saints, and also for me, that words may be given to me in opening my mouth boldly to proclaim the mystery of the gospel, for which I am an ambassador in chains, that I may declare it boldly, as I ought to speak. (Eph 6:18–20)

Manalangin (v. 18)

Ano ang dapat gawin? “Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, humiling at sumamo sa patnubay ng Espiritu” (Eph 6:18). Ang panalangin ay pakikipag-usap sa Diyos, pag-amin na kailangan natin ang Diyos. Paano ka makakalaban sa kaaway kung prayerless ka? Tuwing kelan tayo mananalangin? Hindi lang tuwing prayer meeting ng church o every Sunday, kundi “sa lahat ng pagkakataon.” Araw-araw nakadepende tayo sa Diyos. “Humiling at sumamo,” pero hindi lang puro hiling, kundi meron ding panalangin ng papuri sa kadakilaan ng Diyos (praise), paghingi ng tawad sa mga kasalanan natin (confession), at pagpapasalamat sa gawa at pagpapala ng Diyos (thanks). Paano tayo makakapanalangin ng ganito? “Sa patnubay ng Espiritu.” Siya ang magbibigay sa atin ng sasabihin sa prayer na sang-ayon sa salita at kalooban ng Diyos (Rom 8:26).

Maging alerto (v. 18)

Ano pa ang dapat gawin? Maging alerto: “To that end, keep alert with all perseverance” (Eph 6:18). Alerto bente-kuwatro. Gising, hindi natutulog. Hindi tulad ng mga disciples ni Cristo noong gabi bago siya arestuhin. Habang alertong nananalangin si Jesus, sila naman natutulog (Luke 22:39-46). Kaya sinabi rin ni Paul, “with all perseverance.” Nadapa tayo pero babangon, nakatulog at nahulog sa tukso, pero hindi tatalikod kay Cristo, magpapatuloy hanggang wakas. We persevere in faith. Hindi natin ‘to kakayanin sa sarili natin, kaya kailangang…

Magtulungan tayo (vv. 18-20)

Hindi tayo nag-iisa sa laban. Meron din tayong kasamang iba. At kailangan din nila ng tulong. God appointed our ministry to one another para tulungan tayo sa labang ito.

“…at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos” (Eph 6:18). O, “all the saints,” na tumutukoy sa lahat ng Christians sa Ephesus (Eph 1:1), at sa ibang lugar din siyempre. Minodelo na ito ni Paul sa kanila nang banggitin niya sa dalawang bahagi ng sulat na nagpe-pray siya para sa kanila (Eph 1:15-23; 3:14-21). Ganun din, dapat nilang ipag-pray hindi lang ang mga kasama nila sa church, kundi pati ibang churches din, all the saints! Kaya pinagpe-pray din natin yung ibang churches, yung mga kapatid natin na nasa persecuted countries, pati mga missionaries. Ano ang ipagpe-pray natin sa kanila? Marami. Pero si Paul, heto yung priority sa prayer request niya: may kinalaman sa preaching of the gospel.

Sa huling dalawang verses ng text natin ay sinabi niya kung ano ang prayer request niya: “Ipanalangin din ninyong ako’y pagkalooban ng wastong pananalita upang buong tapang kong maipahayag ang hiwaga ng Magandang Balitang ito. Dahil sa Magandang Balitang ito, ako’y isinugo, at ngayo’y nakabilanggo. Kaya’t ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat” (Eph 6:19-20). Nakakulong si Pablo during this time. Hindi lang nila kailangan ang pagtuturo at panalangin ni Pablo. Kailangan din sila ni Pablo. Paul was humble enough na amining kailangan niya ang tulong nila. Apat na bagay ang dapat nilang ipagpray para sa kanya:

  • Clarity: “wastong salita” para maipahayag niya hindi lang yung mensahe ng mabuting balita, kundi yung “mystery” na nakapaloob dito, na sa mga unang bahagi ng sulat niya ay tumutukoy sa plano ng Diyos na pag-isahin ang mga Judio at mga Hentil (Eph 3:6), and in fact, lahat ng bagay kay Cristo (Eph 1:9-10).
  • Boldness, na dalawang beses niyang binanggit: “buong tapang…buong tapang.” Na hindi niya katakutan na ma-offend ang ibang tao sa dapat niyang sabihin, at hindi makumpromiso na palabnawin yung salita ng Diyos para maging accetable sa iba.
  • Faithfulness: “gaya ng nararapat” o “as I ought to speak,” na sabihin kung ano ang gusto ng Diyos na sabihin niya sa paraang nais ng Diyos. Sinabi niyang siya ay “ambassador” o sugo ng Diyos, representing God, speaking for God. Walang karapatan ang sinumang mangangaral na i-modify o baguhin ang salita ng Diyos.
  • Endurance, dahil hindi lang siya ambassador na VIP ang treatment sa kanya, siya ay “ambassador in chains” dahil sa preaching of the gospel. Kailangan niya ng prayer para manatili siyang malakas at naninindigan at nagpapatuloy sa preaching of the gospel ayon sa pagkakatawag sa kanya ng Diyos bilang apostol (Eph 1:1; 3:7). Magagawa lang niya ito by the power of God. At ang kapangyarihang ito ay dumadaloy through the prayers of other saints.

So, never underestimate the power of prayer in spiritual warfare. Espirituwal ang laban, espirituwal din ang armas na kailangan natin. We need the Spirit working through the prayers of his people. Every single day. Araw-araw, ipag-pray ninyo ang ibang members ng church. Pray especially para sa mga missionaries at sa amin na mga pastor. Kahapon I received a message galing sa isang member, “Pastor, I prayed for you.” That was so encouraging! Mga tatay, especially, meron tayong atas na pangunahan ang ating pamilya sa panalangin. Ang marriage natin ay under attack, ang isip at puso ng mga anak natin ay under attack everyday. Ipanalangin natin sila, manalangin tayo kasama sila.

Encouragement mula sa Gospel

Mahirap ang labang hinaharap natin araw-araw. Maraming beses na tayong bumagsak. Baka nga yung iba pinanghihinaan na ng loob dahil dito. Kaya pakinggan nating mabuti ang salita ng Diyos sa atin ngayon: Sa ating araw-araw na espirituwal na pakikipaglaban, dapat tayong magpakalakas sa pamamagitan ng lakas na nanggagaling sa Diyos, sa pakikipag-isa natin kay Cristo, at sa tulong ng Espiritu. Nagsimula ang Ephesians sa pagpupuri sa mga spiritual blessings na dumadaloy sa atin mula Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu (Eph 1:3-14). Nagtapos naman ito sa encouragement sa atin sa spiritual warfare na galing din sa Trinity.

  • God the Father: Siya ang Divine Warrior na siyang nagkaloob sa atin ng armas na kailangan natin sa laban, the full armor “of God” (Eph 6:11, 13). At sinabihan tayong hawakan ang sandatang ito, “ang salita ng Diyos” (Eph 6:17).
  • God the Son: Siya ang ating “Christus Victor.” Nagtagumpay na siya laban kay Satanas, sa kanyang mga tukso, gamit ang salita ng Diyos, ang pananampalataya sa mga pangako ng Diyos, ang pagsunod sa kalooban ng Diyos, hanggang sa kamatayan sa krus at sa kanyang muling pagkabuhay. At ngayon ay nakaupo sa kanan ng Diyos sa langit. In Christ, he is our truth, our righteousness, our peace, our strength. “Be strong in the Lord” (Eph 6:10). In Christ, nasa atin na ang tagumpay.
  • God the Spirit: Siya ang nagbigay sa atin ng tabak ng salita ng Diyos (Eph 6:17). Sinabihan tayo na manalangin “sa patnubay ng Espiritu” (Eph 6:18).

Sapat ang tulong na nasa atin na. If God is for us, if God the Father, God the Son, God the Spirit, is for us and with us sa digmaang ito, who can successfully be against us (Rom 8:31)? Sabi nga ni John Calvin, “Walang tayong haharaping anumang panganib na hindi kayang pagtagumpayan ng kapangyarihan ng Diyos, ni wala ring sinumang nakikipaglaban kay Satanas sa tulong ng Diyos ang babagsak sa araw ng laban” (Galatians and Ephesians, p. 337). Kapatid, do you reallly believe that?

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply