Gospel Riches: The Message of Ephesians

Walang-wala o hinang-hina? Nararamdaman natin ‘yan, pero hindi ‘yan nakatugma sa realidad ng buhay Kristiyano. Bakit kaya ganun? Kasi nakakalimutan natin kung sino ang Diyos natin, kung ano ang ginawa ni Cristo para sa atin, kung sino na tayo ngayon dahil kay Cristo, kung ano ang buhay na inilatag sa atin ng Diyos ngayon, at kung ano ang buhay na naghihintay sa atin sa pagbabalik ni Cristo. We are easily forgetful of the gospel.

The Gospel and Church Membership (Eph. 2:19-22)

Ang problem kasi, hindi natin naiintindihang mabuti kung ano ang ibig sabihin ng meaningful church membership. Hindi ito yung membership na nakalista lang ang pangalan mo. Hindi ito yung membership na sentimental lang. Meaningful ang pinag-uusapan dito, yung makabuluhan, yung merong active participation. Yung merong pagsisikap na magawa ang mga trabaho ng isang member na nakapaloob sa church covenant.