Maraming mga pag-aaway at mga conflicts na nangyayari araw-araw. On a more global level, nandyan ang away ng Israel at Iran. Nandun yung longing for peace. Kahit nag-declare ng ceasefire si Donald Trump na presidente ng US, hindi pa rin natin sigurado kung maaayos na ba ang gulo diyan. Sa mas personal level naman, merong mga pag-aaway ang mga mag-asawa, na nagko-cause ng lamat sa relasyon, at ang iba ay nauuwi na sa hiwalayan. Nandun yung longing natin for peace, forgiveness, reconciliation. Kahit sa pagitan ng magkakapatid sa Panginoon, even inside the church, nagkakaroon pa rin ng mga conflicts, may tampuhan, may samaan ng loob. Nandun yung longing natin sa pagkakasundo para magkaroon ng maayos na relationships sa loob ng church. Pero mas nagiging madali sa iba na umalis na lang ng church at lumipat sa iba, kesa makipag-usap at makipag-ayos. We tend to avoid doing the hard work of reconciliation.
Sa church sa Ephesus, isang malaking challenge ang relasyon ng mga Gentiles at Jews sa loob ng congregation. Historically at culturally, merong malaking gap at tension sa pagitan ng dalawang grupo na ‘to. Ang mga Judio, siyempre tingin nila sila ang mas superior na lahi dahil sila ang piniling bayan ng Diyos sa Old Testament. So, mahirap din para sa mga Gentiles na naging Christians na ngayon ay magkakasama na sila sa isang church. Dahil majority ng mga members ng church ay mga Gentiiles, kaya ia-address sila ni Paul sa Ephesians 2:11-22. Ang ginagawa dito ni Paul ay ipinapaalala sa kanila kung paanong ang mabuting balita ni Cristo na nagligtas sa kanila ay ang mabuting balita na siya ring bumabago sa relasyon ng magkakapatid sa Panginoon. We need to remember the gospel para matulungan tayo in doing the hard work of reconciliation. So, bago natin isipin kung paano maaayos ang relasyon natin sa ibang tao, isipin muna natin kung paano naayos ang relasyon natin sa Diyos.
So, itong reconciliation ay isa pang benefit o blessing na natanggap natin as a result of the gospel. Sa pag-aaral natin ng Ephesians, mas nakikita ngayon natin na mas nagniningning ang ganda ng ebanghelyo, “the gospel of your salvation” (Eph 1:13), dahil mas nakikita natin na iba’t ibang aspeto ng kaligtasang tinanggap natin mula sa Diyos. At times, ang salvation ay tumutukoy sa isang particular aspect of our salvation, tulad ng past event of our justification before God: “you have been saved” (Eph 2:5, 8), kasama rin diyan yung pagpapatawad sa mga kasalanan natin (Eph 1:7). Pero hindi natin pwedeng limitahan ang “salvation” doon lang. Kasali rin dito ang pag-aampon (adoption) sa atin bilang mga anak ng Diyos (Eph 1:5), mula sa dati nating kalagayan bilang “children of wrath” (Eph 2:3). Kasali rin yung redemption (Eph 1:7), kung paano tayong iniligtas mula sa pagkakaalipin sa kasalanan tungo sa kalayaan kay Cristo na siyang Panginoong ngayon ay pinaglilingkuran natin. Kasali rin dito yung regeneration o yung ating spiritual resurrection: dati tayo ay mga spiritually dead dahil sa ating mga kasalanan (Eph 2:1), pero ngayon ay binuhay na ng Diyos, born again na (Eph 2:5, 6).
At isang particular emphasis dito ni Pablo ay yung palaging ipaalala sa atin na ang kaligtasan ay by grace alone, undeserved, unmerited. Ito ay tinanggap natin dahil sa pag-ibig ng Diyos sa atin, hindi dahil sa pag-ibig natin sa Diyos; dahil sa awa ng Diyos sa atin, hindi dahil sa mabuting ginagawa natin para sa ibang tao. At tulad ng huling napag-aralan natin sa Ephesians, ang saving grace ng Diyos ay transforming grace din. Hindi tayo naligtas dahil sa mabuting gawa natin, kundi naligtas tayo para ang kaligtasang ito ay magbunga sa paggawa ng mabuti (Eph 2:10). Isang implikasyon nito ay sa relasyon natin sa mga kapatid natin kay Cristo na naturally ay hindi natin gustong makasama. Kaya nagsimula ang verse 11 sa salitang “Kaya’t” o “Therefore.” Sasabihin dito ni Pablo, hanggang verse 22, kung ano ang dapat nating alalahanin para mas maging humble tayo, para mas ma-motivate tayo na gumawa ng mabuti, para mas ma-experience natin ang transforming power of this grace. Dalawang linggo nating pag-aaralan ang tekstong ito. Verses 11-16 muna tayo ngayon. Ganito ang sabi ni Pablo:
Kaya’t alalahanin ninyo ang dati ninyong kalagayan. Kayo’y ipinanganak na mga Hentil, at “di-tuli” ang tawag sa inyo ng mga Judio. Ang mga Judio naman ay tinatawag na mga “tuli” dahil sa ginagawa sa kanilang katawan. 12 Noong panahong iyon, hiwalay kayo kay Cristo, hindi kabilang sa bayang Israel, at hindi saklaw ng tipan na nababatay sa mga pangako ng Diyos. Noo’y nabubuhay kayo sa mundo nang walang pag-asa at walang Diyos. 13 Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus, kayo na dati’y malayo ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. 14 Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan dahil pinag-isa niya ang mga Judio at ang mga Hentil. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, giniba niya ang pader ng alitan na naghihiwalay sa atin. 15 Pinawalang-bisa niya ang Kautusan, kasama ang mga utos at mga alituntunin nito upang mula sa dalawang lahi ay makalikha siya ng isang bagong bayan na nakipag-isa sa kanya at sa gayon ay magkaroon ng kapayapaan. 16 Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan niya ang kanilang alitan, pinagkasundo sila sa Diyos at pinagbuklod sa iisang katawan. (MBB)
Sa verses 11 and 12, naka-highlight dito yung problema natin at kung bakit kailangan natin ng reconciliation. Sa verse 13 naman ay yung bago na nating kalagayan ngayon in union with Christ, na nagsisilbing doctrinal summary ng section na ‘to at bridge na nagkokonekta sa sa verses 11-12 at verses 14-16. Sa ikatlong bahagi naman makikita kung ano ang ginawa ni Cristo to make this reconciliation a reality.
A. Doctrinal Summary: Reconciliation in Christ (v. 13)
Simulan muna natin sa verse 13, kasi magandang summary ito ng doktrinang itinuturo sa atin ni Pablo sa tekstong ito: “Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus, kayo na dati’y malayo ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.” Magsimula tayo kung nasaan tayo ngayon bilang mga Kristiyano, “Ngunit ngayon…” Pansinin mong hawig ito sa ginawa niya sa verses 1-10. Sinabi niya yung dati nating kalagayan sa verses 1-3, tapos sa verse 4, “But God…”, ganito na tayo ngayon dahil sa ginawa ng Diyos. May pagkakahawig, pero meron ding unique emphasis dito si Pablo, hindi lang new life, but new relationship din. Tingnan natin ‘to by answering four questions.
- Ano na ang kalagayan natin ngayon?
“But now in Christ Jesus…”/“Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus…” This is not new sa Ephesians, paulit-ulit na nating nakikita itong precious doctrine of our union with Christ. Kung ikaw ay Kristiyano, nakay Cristo ka, nakakabit ka kay Cristo, tulad ng sanga sa isang puno. Lahat ng mga spiritual blessings na na-eenjoy natin ngayon ay dumadaloy mula sa pakikipag-isa natin kay Cristo: our redemption, our forgiveness, our adoption, our inheritance, our sealing by the Spirit (Eph. 1:3-14), and our reconciliation with God and with one another tulad ng makikita natin mamaya. At nakakonekta tayo kay Cristo at sa lahat ng mga spiritual blessings na ‘to through faith, noong tayo ay nagtiwala kay Cristo for our salvation (Eph 1:13, 19; 2:8). Kung wala kang pananampalataya kay Cristo, hindi ka konektado kay Cristo.
- Ano ang problema natin dati?
“…kayo na dati’y malayo…” Hindi distansya in terms of space or time ang pinag-uusapan dito. Of course, malaki ang agwat natin sa Diyos, tayo na finite at time-bound creatures kung ikukumpara sa infinite, eternal God. Pero hindi naman magbabago ang distansya na meron tayo sa Diyos in terms of Creator-creature distinction. Ang tinutukoy rito ni Paul ay in terms of relationship. Dati kasi, nang likhain ng Diyos sina Adan at Eba, merong harmony sa relationship ng tao sa Diyos. Pero dahil sa kasalanan, nasira, napunit, nabiyak ang relasyong iyon. Meron nang guilt and shame, sa halip na loving relationships. Ever since the fall, eto na ang estado ng relasyon ng Diyos sa tao, sa lahat ng tao. “Children of wrath” nga ang turing sa atin (Eph. 2:3), galit ng Diyos ang nararapat sa atin na mga kaaway ng Diyos dahil sa pagrerebelde natin sa kanya. This is our greatest problem. Hindi ang giyera ng Israel at Iran, hindi ang away ninyong mag-asawa, hindi ang fellow member ng church na ayaw nang makipag-usap sa ‘yo.
- Nasolusyunan na ba ang problemang iyon?
Maaring hindi pa solved ang iba mong relationship problems, pero ito solved na, ayos na. “…kayo na dati’y malayo ay inilapit…” Malapit na tayo sa Diyos. Again, relationship ang pinag-uusapan dito. Sa verse 16, “reconcile” ang ginamit na salita: “pinagkasundo sila sa Diyos.” Tapos na ‘yan, past tense na ‘yan, naayos na ang relasyon natin sa Diyos, hindi na magkaaway, magkasundo na, wala na ang guilt, wala na ang shame na dulot ng kasalanan. Of course, may mga times na hindi natin nararamdaman na malapit tayo sa Diyos o malapit ang Diyos sa atin. We are not talking here about subjective feelings. Objective reality ang pinag-uusapan dito. Kapag nakay Cristo ka, nakadikit at nakakonekta ka na rin sa Diyos. Solved na ang pinakamalaki nating problema.
- Paano nasolusyunan ang problemang ito?
By any sacrifice we have done? Dahil ba sa sarili nating ginawa? Dahil ba meron tayong ibinayad sa Diyos para makabawi sa atraso natin? Dahil ba napatunayan na natin na magiging mabait na tayo? No. Tayo ay “inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.” Si Cristo ang gumawa. Buhay niya ang ipinambayad. Kamatayan niya ang naging kapalit para ma-enjoy natin ang malapit na relasyon sa Diyos. Siya na walang atraso sa Diyos ang namatay sa krus para sa atin na malaki at marami ang atraso sa Diyos, para ano? “That he might bring us to God” (1 Pet. 3:18).
Heto ang doctrinal summary ng teksto natin, nasa verse 13. Ang pinakamalaking problema natin: malayo at hiwalay tayo sa Diyos dahil sa kasalanan. Ang nag-iisang solusyon: si Cristo at ang kanyang kamatayan sa krus. Dahil dun: malapit na tayo sa Diyos, naibalik ang nasirang relasyon natin sa Diyos. Paano ‘yan magiging totoo sa atin? Sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo. Isang bagay na paniwalaang totoo ang doktrinang ito. Pero mas importanteng pagtuunan ng pansin kung ito ba ang kuwento ng buhay mo? Bago mo kasi problemahin ang relasyon mo sa ibang tao, mahalagang masolusyunan muna ang higit na malaking problema—ang relasyon mo sa Diyos. At yun ang gusto ni Pablo na alalahanin natin.
B. Our Problem: Our Need for Reconciliation (vv. 11-12)
So, balikan natin yung sinasabi niya sa verses 11 and 12 kung gaano kalaki itong problemang ito na sinolusyunan ng Diyos, na ang summary ay nakita natin sa verse 13, “…kayo na dati’y malayo…” Heto ang mas detalyadong paliwanag niyan:
Kaya’t alalahanin ninyo ang dati ninyong kalagayan. Kayo’y ipinanganak na mga Hentil, at “di-tuli” ang tawag sa inyo ng mga Judio. Ang mga Judio naman ay tinatawag na mga “tuli” dahil sa ginagawa sa kanilang katawan. 12 Noong panahong iyon, hiwalay kayo kay Cristo, hindi kabilang sa bayang Israel, at hindi saklaw ng tipan na nababatay sa mga pangako ng Diyos. Noo’y nabubuhay kayo sa mundo nang walang pag-asa at walang Diyos.
Subukan ating sagutin ang tatlong tanong para mas makita natin kung gaano kalala ang problema natin noong tayo ay wala pa kay Cristo.
- Sino ang partikular na kinakausap dito ni Pablo?
Ang partikular na kinakausap niya ay ang mga Gentiles, yung mga hindi Judio. “Kayo’y ipinanganak na mga Hentil…” (v. 11). Majority kasi ng congregation ay mga Gentiles. Meron ding mga Jews sa kanila, kaya merong tension sa relationships nila. At malamang na nagdudulot ng ilang mga conflicts sa church. Kaya kailangan itong i-address ni Paul sa church, at maturuan sila kung paano i-navigate yung ganitong mga tensions sa relationships nila sa pamamagitan ng pag-alala sa ilang mga mahahalagang theological realities. Ang tawag sa kanilang mga “Gentiles in the flesh” ng mga Judio ay “di-tuli.” Ang mga Judio naman ang tinatawag na “tuli.” Ito kasing circumcision ang marka under the old covenant na kabilang ka sa “people of God.” So, itong mga Judio, ginagawang separation marker ang circumcision na naghihiwalay sa kanila sa mga Gentiles. Pero ang ipinapaalala ni Pablo sa mga Gentiles na sila ay “Gentiles in the flesh,” at itong mga Jews bagamat circumcised sila, pero yung circumcision nila ay “made in the flesh by hands.” Ibig sabihin, sa dati nilang kalagayan ay pareho rin naman silang “in the flesh.” Ang mahalaga ngayon ay “in Christ” na sila pareho, baptized na sila in the name of the Father, and of the Son, and of the Spirit, yun ang mahalaga sa lahat. Hindi ang pagiging di-tuli ng mga Gentiles ang pinakamalaking problema nila. Hindi rin ang pagiging tuli ng mga Jews ang magso-solve sa problema nila.
- Ano ang dati nating kalagayan?
Tayo rin naman ay mga Hentil. Well, most of us are circumcised, pero hindi tulad ng circumcision as sign ng pagiging kabilang sa old covenant people of God. Hindi pa rin tayo mga Judio. So itong dating kalagayan ng mga Ephesian believers dati ay kalagayan din natin noong hindi pa tayo mga Kristiyano. Merong limang binanggit si Pablo sa verse 12:
- Una, “Noong panahong iyon, hiwalay kayo kay Cristo…” Sa ESV, “separated from Christ.” Pwede ring salin ay “without Christ” o “walang Cristo.” Siyempre, kung hiwalay ka kay Cristo, hiwalay ka rin sa lahat ng mga benefits of being in Christ. Pero sa section na ‘to, ang emphasis ay yung expectation ng mga Judio sa isang Cristo o Messiah, “the Anointed One.” Kung Gentile ka, wala ka namang ganyang expectation. Kung walang Cristong inaabangan, ibig sabihin walang Prophet para dalhin ang salita ng Diyos sa ‘yo, walang Priest para magdala sa ‘yo palapit sa Diyos, walang King para dalhin ang Diyos palapit sa ‘yo.
- Ikalawa, “…hindi kabilang sa bayang Israel…” Ibig sabihin, hindi citizen ng Israel, foreigner, walang mga privileges na meron ang mga kabilang sa bayang Israel.
- Ikatlo, “…at hindi saklaw ng tipan na nababatay sa mga pangako ng Diyos.” Hindi tayo sigurado kung anong tipan o covenang ang tinutukoy rito, kung Abrahamic Covenant ba, kung Mosaic Covenant ba, kung Davidid Covenant ba. Pero generally speaking, dahil ang mga Gentiles ay outside of God’s covenant people, ibig sabihin ay hindi rin mapapasakanila ang mga pangako ng Diyos na nakakabit sa covenant niya sa Israel. Hindi nila mae-enjoy ang mga benefits and blessings of being God’s covenant people. Ang pangako ng Diyos, “I will be your God, and you will be my people,” ay hindi hindi mararanasan ang reality kung wala sila kay Cristo, the Anointed One, the covenant mediator.
- Ikaapat, “Noo’y nabubuhay kayo sa mundo nang walang pag-asa…” “No hope.” Pwede kang umasa sa isang better future, pwede kang umasa na maaayos ang mga broken relationships mo, pwede kang umasa na magiging okay ang lahat. Pero kung hiwalay ka kay Cristo, you are really hopeless. Miserable ang kundisyon ng isang taong walang pag-asa.
- Ikalima, “…at walang Diyos.” Sa Greek, atheos, kung saan galing ang “atheist.” Marami ngang mga sinasambang iba’t ibang diyos, pero mga pekeng diyos. Mapasaatin man ang lahat ng bagay sa mundo, kung wala naman sa atin ang tunay na Diyos, balewala ang lahat.
‘Yan ang kalagayan natin dati: walang Cristo, walang bahagi sa bayan ng Diyos, walang bahagi sa pangako ng Diyos, walang pag-asa, walang Diyos. Walang-wala talaga. So…
- Ano ang dapat nating gawin?
Balikan natin ang sinabi ni Paul sa verse 11. Sa mga nakaraang pag-aaral natin, sinabi ko na walang utos na ibinibigay si Pablo sa mga taga-Efeso na dapat nilang gawin sa first three chapters. Pero meron pala. May utos dito sa verse 11. Pero hindi pa naman ito nakafocus sa response na dapat gawin sa ginawang pagliligtas sa atin ng Diyos. Ang utos ay ang alalahanin ang dati nating kalagayan. “Therefore remember…” (v. 11) that, sabi ni Pablo. Galing ‘yan sa salitang mnemoneuo, kung saan galing yung salita nating “mnemonic” na may kinalaman sa memory o pag-aalaala. Sa mga panahong meron tayong mga ka-conflict, mas madali sa ating maalala ang mga pagkakamali na ginawa nila, mas madali sa atin ang mag-focus sa mga kasalukuyang problema, tulad ng pag-aaway ng mag-asawa, hindi pagkikibuan ng magkapatid sa Panginoon. Tama nga na problemahin ‘yan, pero balikan muna natin, alalahanin muna natin na sa ating makasalanang kalagayan na hiwalay sa Diyos, pare-pareho tayo, pantay-pantay ang kalagayan natin. This should humble us, tayo na mga prideful na sinasabi, “Ako ang tama, siya ang mali, talaga naman ah!” This humbles us kapag naaalala natin na noong tayo ay wala pa kay Cristo, talagang walang-wala tayo, talagang malala ang problema natin. Lahat tayo, without exemption. What, then, makes us better than other people? Wala. Biyaya lang talaga ng Diyos bakit naririto na tayo ngayon sa relasyon natin sa Diyos.
C. The Solution: The Means of Reconciliation (vv. 14-16)
Nakita natin sa verses 11-12 kung gaano kalaki ang problema natin at kung bakit kailangan nating maibalik palapit sa Diyos (reconciliation). Nakita na rin natin kanina sa verse 13 sa doctrinal summary kung ano ang solusyon—ang tanging solusyon—sa problemang ito: “…kayo na dati’y malayo ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.” Ang sumunod namang bahagi pagkatapos nito ay pagpapalawig pa kung sino si Cristo, ano ang ginawa ni Cristo para sa atin, at paano ito nagawa ni Cristo. Basahin natin ulit ang verses 14-16:
Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan dahil pinag-isa niya ang mga Judio at ang mga Hentil. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, giniba niya ang pader ng alitan na naghihiwalay sa atin. 15 Pinawalang-bisa niya ang Kautusan, kasama ang mga utos at mga alituntunin nito upang mula sa dalawang lahi ay makalikha siya ng isang bagong bayan na nakipag-isa sa kanya at sa gayon ay magkaroon ng kapayapaan. 16 Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan niya ang kanilang alitan, pinagkasundo sila sa Diyos at pinagbuklod sa iisang katawan.
- Paano ipinakilala dito si Cristo?
Makikita natin ‘yan sa simula ng verse 14 at sa dulo ng verse 15. Sa simula ng verse 14, “Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan…” Literally, “Siya ang ating kapayapaan” (AB); “he himself is our peace.” Sa dulo naman ng verse 15, “…at sa gayon ay magkaroon ng kapayapaan.” Literally, “sa gayo’y gumagawa ng kapayapaan” (AB); “so making peace.” Walang kapayapaan, walang genuine reconciliation na mangyayari—sa relasyon natin sa Diyos at sa relasyon natin sa ibang tao—kung wala si Cristo. Siya mismo ang nagsabi sa Sermon on the Mount, “Blessed are the peacemakers, for they shall be called sons of God” (Matt. 5:9). Si Cristo ang Son of God by nature. Siya ang ultimate Peacemaker. Tayo naman ang sons and daughters of God by adoption. We become imitators of God, at sinusundan ang yapak ng Panginoong Jesus as his disciples, kung ginagawa rin natin ang lahat ng magagawa natin para magkaroon ng pagkakasundo, pagkakaisa, pagpapatawad, pag-aayos ng relasyon. At magagawa lang natin ‘yan kung tayo ay nakay Cristo. Kapag merong dalawang tao na hindi magkasundo, asahan mo na ang focus ng relasyon nila ay nasa mga maling ginawa ng isa’t isa at wala kay Cristo at sa ginawa niya para sa atin. Yun naman ang pangalawang tanong…
- Ano ang na-accomplish ni Cristo?
Ang misyon ng Diyos sa pagpapadala niya sa kanyang Anak ay ang pagkakasundo at pagkakaisa. Nakita na natin ‘yan sa chapter 1: “to unite all things in him, things in heaven and things on earth” (Eph. 1:10). Sa pagparito rin ni Cristo, as our peacemaker, “pinag-isa niya ang mga Judio at ang mga Hentil” (v. 14). Ang dalawang magkahiwalay ay ginawa niyang isa. Ito ang layunin ng ginawa ni Cristo: “upang mula sa dalawang lahi ay makalikha siya ng isang bagong bayan (literally, “one new man”) na nakipag-isa sa kanya” (v. 15). Ang mga Kristiyano (nakay Cristo) na nakatira sa Israel at ang mga Kristiyano (nakay Cristo) na nakatira sa Iran ay hindi magkaaway, kundi “pinag-isa” at ginawang “isang bagong bayan.” “Pinagkasundo sila sa Diyos at pinagbuklod sa iisang katawan” (v. 16). ‘Yan ang na-accomplish ni Cristo: inilapit tayo sa Diyos at sa isa’t isa. Vertical reconciliation with God and horizontal reconciliation with each other. Lalo naman kung nasa isang church tayo. Kapag gospel ang pinag-uusapan natin, ang ginawa ni Cristo, ‘wag lang nating isipin ang naayos nang relasyon natin sa Diyos, isipin din natin ang implications nito sa relasyon natin sa isa’t isa. The gospel transforms how we relate to each other sa church, lalo na yung ayaw mong makalapit nang upuan o makasalubong o makamayan kapag Linggo. Pag-uusapan pa natin ‘yan sa verses 17-22 next week. Bago yun, patuloy muna tayong magreflect kung…
- Paano niya ito na-accomplish?
Paanong nagkaroon ng maayos at malapit na relasyon tayo sa Diyos at sa isa’t isa? Hindi lang naman siya nag-declare ng “ceasefire” tapos okay na. Merong barrier sa relationships natin na kailangang maalis. At ganito ang ginawa ni Cristo: “Sa pamamagitan ng kanyang katawan, giniba niya ang pader ng alitan na naghihiwalay sa atin” (v. 14). Ang tinutukoy rito ay ang pagkamatay ni Cristo sa krus. Iba-iba nga lang ang interpretation pagdating sa giniba niyang “pader ng alitan na naghihiwalay sa atin” o “the dividing wall of hostility.” Sabi ng iba, literal na pader yun, parang geographical o political barrier. Sabi ng iba, yung kurtina yun na nagtatakip sa Most Holy Place. But, of course, it can be metaphorical. Tumutukoy malamang sa pinakaugat na dahilan kung bakit merong conflict—ang kasalanan natin. Hindi lang ito issue ng culture o religion o politics na naghihiwalay noon sa mga Jews at Gentiles. The issue is far deeper. Dahil sa kasalanan, we think of others as inferior at tayo ang superior, ang iba ay masama at tayo ang mabuti, ang iba ay mali at tayo ang nasa tama. Sinolusyunan na ni Cristo ang pinakamalaking problema natin—ang kasalanan. Giniba niya ang pader. We are now free hindi lang ang lumapit sa Diyos, kundi ang lumapit sa kapatid natin at humingi ng tawad, magpatawad, at makipag-ayos.
Heto pa ang sabi ni Pablo na ginawa ni Cristo to accomplish that reconciliation especially sa pagitan ng mga Judio at mga Hentil: “Pinawalang-bisa niya ang Kautusan, kasama ang mga utos at mga alituntunin nito” (v. 15). Abolished, o nullified, sabi ni Paul. Pero dapat linawin na hindi ibig sabihin niyan na balewala na ang mga utos ng Diyos sa Old Testament, o hindi na natin susundin ang mga iyon. Sinabi naman din ni Cristo na naparito siya hindi para i-abolish ang Kautusan kundi para tuparin ito. So ang point: sa pagdating ni Cristo, binago niya kung paano natin dapat tingnan at gamitin ang Kautusan. The coming of Jesus, the cross of Christ, changes everything. Ito kasing mga Judio ginagamit nila ang Kautusan as justification para layuan nila ang mga Hentil, para hindi sila pumasok sa bahay nila, para hindi nila makasama sa pagkain. “Kami ang malinis, kayo ang marumi. Kami ang circumcised, kayo hindi. Kami ang sumusunod sa Sabbath, kayo hindi.” Pero sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesus, malinaw na isinisigaw ni Cristo na hindi ang pagsunod sa Kautusan ang basis of our acceptance with God, kundi sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo. So hindi ang Kautusan ang basis of our acceptance with one another, kundi ang pakikipag-isa natin kay Cristo.
So, ang point ng lahat ng ito ay para ipaalala sa atin ni Pablo na there is really no other way para ma-reconcile tayo sa Diyos, and there is really no other way para ma-reconcile tayo sa isa’t isa, kundi sa pamamagitan lamang ni Cristo.
Conclusion
Ang dami kasi nating naiiisip na dahilan o justifications o excuses para hindi gumawa ng paraan para sa pagkakasundo: siya naman kasi ang may problema, ayoko siyang kausap, malaki ang atraso niya sa akin, hindi ko nga alam kung Kristiyano ba ‘yan talaga, baka nga ibang “Diyos” o “Cristo” ang sinasamba niyan, ang hirap niyang kausap, ewan ko ba kung magbabago pa siya. Ang dami nating dahilan, marami ring dahilan para hindi lumapit ang Diyos sa atin. Pero ano ang ginawa niya? Hinintay ba niya na magbago muna tayo bago niya tayo tanggapin? Hinintay ba niya na mag-promise muna tayo na magtitino na tayo bago niya tayo patawarin? Dahil sa pag-ibig, awa, grasya ng Diyos, ipinadala niya si Cristo.
Marami rin tayong dapat malaman kung ano ang gagawin natin sa iba’t ibang sitwasyon, sa iba’t ibang klase ng conflicts. Ano ang sasabihin, paano gagawin, paano kung ganito o ganoon. May panahon para pag-usapan niyan, pwede kayong lumapit sa mga elders o ilan sa mga mature members ng church para magpatulong. At sa mga susunod, pag-uusapan din natin ‘yan. Pero ngayon, ang panawagan sa atin ng tekstong tiningnan natin, bago ang lahat ng gagawin natin, ay tumingin tayo palagi kay Cristo. Tingnan natin kung ano ang ginawa niya para sa atin. Let his sacrifice on the cross fuel and motivate us para gawin yung hard work of reconciliation with others. Sa halip na alalahanin ang mga masasakit na ginawa o sinabi ng ibang tao sa ‘yo, alalahanin mo ang sakit na dinanas ni Cristo para sa ‘yo. Bago isipin kung ano ang dapat sabihin sa taong dapat kausapin, kausapin mo muna ang sarili mo, preach the gospel to yourself over and over and over again. Bago mo tingnan sa mata ang ibang tao, tingnan mo muna ang ganda ni Cristo at ng ginawa niya sa krus para sa ‘yo, para sa atin.
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

