Introduction
Ito na ang pangatlong bahagi ng pag-aaral natin sa Ephesians 2:1–10. Binanggit ko last week, sa pagtingin natin sa verses 4–7 na sa istorya ng pagliligtas ng Diyos sa mga taong makasalanan sa buong Bibliya—Genesis to Revelation—hindi tao ang bida, kundi Diyos ang Bida. Kaya nga “The Story of God” ang tawag natin sa buong kuwento na ‘to na ibinabahagi natin sa mga mahal natin sa buhay na gusto rin nating maranasan ang pagliligtas ng Diyos.
Several weeks ago, nag-lead ako ng Story of God sa family ng ilan sa mga regular na dumadalo na sa church natin. May na-invite sila noon na kamag-anak nila na Romano Katoliko. Karaniwan kasi sa kanila sasabihin na pareho lang naman daw ang pinaniniwalaan nila sa pinaniniwalaan natin. Pareho nga ba? Pagkatapos kong ikuwento ang summary ng istorya ng buong Bibliya, nagkaroon na kami ng discussion. Tinanong ko, “Sa kuwentong narinig natin, paano maliligtas ang isang taong makasalanan?” Ang sagot niya ay ito, “Sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti.” Ayan, lumabas na hindi talaga pareho ang paniniwala nila sa paniniwala natin. Naniniwala kasi tayo na hindi maliligtas ang sinumang tao sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti. Tulad ng nakita natin sa verses 1–3, imposible naman kasi sa isang taong patay spiritually at nagpapatuloy sa paggawa ng kasalanan ang makagawa ng sapat na kabutihan (perpektong kabutihan!) para siya ay maligtas.
Sinasabi rin naman ng Roman Catholic Church na maliligtas ang taong makasalanan dahil sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Pero hindi nila pinaniniwalaan ang sola gratia, sola fide, solus Christus: na tayo ay naligtas by grace alone through faith alone in Christ alone. Kailangan daw na merong kalakip na mabuting gawa tulad ng pagdalo sa mga seremonya ng simbahan o paglilimos sa mahihirap, at iba pa, para maligtas. So lumalabas na faith plus works ang sistema nila ng kaligtasan. Pero ‘yan ba ang itinuturo ng Salita ng Diyos: salvation = faith + works?
Sobrang linaw ng Ephesians 2:8–10 para maunawaan na mali ang itinuturo ng Romano Katoliko tungkol sa kaligtasan. Pakinggan nating mabuti ang salita ng Diyos: “For by grace you have been saved through faith. And this is not your own doing; it is the gift of God, not a result of works, so that no one may boast. For we are his workmanship, created in Christ Jesus for good works, which God prepared beforehand, that we should walk in them” (ESV). Sa simula ng verse 8, sinabi ni Paul, “For by grace you have been saved . . .” Hindi naman bago yung sasabihin ni Paul. Naisingit na niya ‘yan sa verse 5, “by grace you have been saved.” At directly naka-connect ang verse 8 sa verse 7. Nagbibigay si Paul ng dahilan o basehan kung bakit mangyayari ang layunin ng Diyos at the end of history na maipakita ang kanyang di-masukat na biyaya, “the immeasurable riches of his grace” (v. 7). Ang dahilan: ngayon pa lang naranasan na natin ‘yan kung tayo ay nakay Cristo na. Ang biyaya ng Diyos ay hindi lang future reality o hindi lang maso-showcase in the future. Ito ay past and present reality rin sa buhay natin.
Sa wider context naman ng Ephesians 2:1–7, ipinakita na ni Paul kung bakit kailangan natin ng kaligtasan sa verses 1–3, dahil nga tayo ay patay dahil sa ating mga kasalanan, dahil tayo ay aktibong nagkakasala sa Diyos, dahil tayo ay nasa ilalim ng parusa ng poot ng Diyos kung mananatiling ganito ang kalagayan natin. At sa verses 4–7 ay ipinaliwanag ni Pablo kung ano ang ginawa ng Diyos para iligtas tayo. Sa awa, pag-ibig, kapangyarihan, biyaya, at kabutihang-loob ng Diyos, hinango tayo ng Diyos sa masaklap nating kalagayan, binigyan tayo ng buhay, at ikinabit tayo sa kanyang Anak na si Cristo, na ang ibig sabihin, tayo’y kasama rin ni Cristo nang siya’y muling nabuhay, umakyat sa langit, at naupo sa kanan ng Diyos. Dito naman sa verses 8–10, bibigyang-linaw ni Pablo kung ano ang koneksyon ng kaligtasang tinanggap natin sa biyaya ng Diyos, sa pananampalataya kay Cristo, at sa mabuting gawa natin. Salvation, grace, faith, works—‘yan ang titingnan natin kung ano ang koneksyon ng mga iyan sa isa’t isa.
A. Saved by grace through faith (v. 8a).
Sa unang bahagi ng verse 8, tingnan muna natin ang koneksyon ng kaligtasan sa biyaya at pananampalataya (salvation, grace, and faith). Paano natin sasagutin ang tanong na ‘to: Paano tayo naligtas? Ang sagot: Naligtas tayo dahil sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Sabi ni Paul sa verse 8, “For by grace you have been saved through faith” (v. 8a).
Salvation past. “You have been saved.” Ang salitang “saved” o “iniligtas” ay nangangahulugan “to rescue from danger.” Of course, hindi physical danger ang pinag-uusapan dito, kundi yung spiritual misery na kinalalagyan natin dahil sa kasalanan. Hinango na tayo ng Diyos mula sa miserableng kalagayan natin sa kasalanan at mula sa kapahamakang naghihintay sa atin sa pagpaparusa ng Diyos. Ligtas na tayo, safe from danger. Kapag ginagamit ang salitang “salvation,” minsan ay tumutukoy ito sa pangkalahatang gawa ng Diyos from eternity past (pinili tayo ng Diyos), from historical past (atonement, redemption o pagtubos na ginawa ni Cristo sa krus), from our personal past (regeneration, conversion, justification, reconciliation, adoption), to salvation present (being saved, sanctification, preservation), to salvation future (will be saved, resurrection from the dead, glorification, beatific vision).
Ang ginamit ni Paul dito na tense ng verb ay perfect tense. Hindi lang ‘yan basta past tense. Of course, past tense din, yung pinalaya na tayo ng Diyos sa kasalanan, pinatawad na, at hindi na pananagutin sa parusang nararapat para sa atin. Yun yung justification na term na madalas namang ginagamit ni Paul sa Romans at Galatians. Pero ang emphasis dito ni Paul ay yung perfect tense na past tense with continuing or abiding results. Sa harap ng Diyos, itinuring na tayong walang-sala, matuwid na, at nananatili ang ganitong kalagayan natin araw-araw and for all eternity. Kaya nga sinabi niya sa Romans 8:1, “There is therefore now no condemnation for those who are in Christ Jesus.” So, naligtas tayo at nananatili tayong ligtas. We are saved, and we cannot be “unsaved.”
Grace as the ground/basis of our salvation. Paano nangyari ‘yan? By grace. Kapag sinabing grace, ibig sabihin ay ang kabutihan ng Diyos na ibinigay niya sa mga hindi karapat-dapat tumanggap nito. Ang karapat-dapat sa atin ay walang hanggang kamatayan. “The wages of sin is death” (Rom. 6:23). Pero sa halip na yun ang ibigay sa atin ng Diyos, buhay na walang hanggan ang ibinigay niya, “but the free gift fo God is eternal life in Christ Jesus our Lord” (Rom. 6:23). Wala ni isa man sa atin ang karapat-dapat iligtas ng Diyos. Bawat isa sa atin ay nararapat lang na itapon ng Diyos sa impiyerno. God is holy, righteous, and just kung gagawin niya yun. Ang tanging basehan para mailigtas tayo ay wala sa sarili natin kundi nasa Diyos mismo, nasa biyaya ng Diyos. The righteous requirement of God and his justice were satisfied noong inako ni Cristo ang mga kasalanan natin at ang parusang nararapat dito sa kanyang kamatayan sa krus.
Faith as the instrumental means of our salvation. Paano ngayon dumadaloy sa atin ang biyaya ng kaligtasan na pinagtrabahuhan ni Cristo sa krus para sa atin?Sagot ng text natin, “through faith.” Ito ay kontra sa paniniwala ng Roman Catholic Church na ang grace ay infused grace sa pamamagitan ng mga sacraments tulad ng binyag at misa o pagtanggap ng komunyon. Meron kasi silang concept sa sacramental theology nila na tinatawag na ex opere operato, na salitang Latin na ibig sabihin ay, “by the work worked.” Ibig sabihin, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ito, kung ito ay validly performed, kahit ano pa ang moral condition o action ng tatanggap nito, ay meron itong bisa para dumaloy ang grasya ng Diyos. Kaya kailangan daw nilang binyagan ang mga sanggol para maligtas, o yung mga nagsisimba na kahit hindi nila marinig mabuti ang sermon ng pari, kahit hindi intindihin o paniwalaan, basta makatanggap ‘yan ng ostsa, dumadaloy na raw ang biyaya ng Diyos sa kanila.
We also believe sa “means of grace” ng Panginoon sa baptism at Lord’s Supper at preaching of the Word. Pero hindi ito automatic. Merong necessary response sa recipient nito. At yun ang “faith” o “pananampalataya.” Hindi ito ginawa o gagawin ng Diyos o ng ibang tao para sa atin. Tayo ang sumampalataya o sasampalataya. Pero hindi nangangahulugang itong ginawa nating ito ang ambag natin sa grasya ng kaligtasan. Ito ay instrumento at hindi ang source o basis ng salvation natin. Si Cristo ang Tagapagligtas. Hindi tayo iniligtas ng pananampalataya natin. Iniligtas tayo ni Cristo sa pamamagitan ng instrumento ng pananampalataya. Faith connects us to Christ na parang isang tubo na nakakabit sa water tank na hindi dadaloy ang tubig kung walang tubo. Maliwanag ‘yan sa Ephesians 1:13, “Sa pamamagitan ni Cristo, kayo rin na nakarinig ng salita ng katotohanan, ng Magandang Balita na nagdudulot ng kaligtasan, at sumampalataya sa kanya . . .”
Narinig mo ang gospel, pinaniniwalaan mo bang ito ang totoong mabuting balita ng kaligtasan? Mainam kung oo. Pero hindi pa yun ang pananampalataya. Ang tanong, Nagtitiwala ka ba kay Cristo at sa ginawa niya sa krus na siyang sapat na basehan para ikaw ay maligtas? Sagot sa ika-30 tanong sa New City Catechism, Ano ang pananampalataya kay Jesu-Cristo?: “Ang pananampalataya kay Jesu-Cristo ay ang pagkilala sa katotohanang inihayag ng Diyos sa Kanyang Salita, pagtanggap at pagtitiwala lamang sa Kanya para sa kaligtasan na Kanyang iniaalok sa atin sa Ebanghelyo.” Meron ka na bang ganyang pananampalataya? Kung wala, ibig sabihin ay hindi ka pa talaga ligtas.
B. Saved not by our good works (vv. 8b-9).
Ngayon naman, tingnan natin ang koneksyon ng kaligtasan, ng gawa natin, at ng biyaya ng Diyos (salvation, works, and grace). Makikita natin ito sa ikalawang bahagi ng verse 8 at verse 9. At ganito natin dapat sagutin ang tanong na ‘to: Kung gayon, masasabi ba nating naligtas tayo sa pamamagitan ng sariling gawa natin? Ang sagot: Hindi. Hindi tayo naligtas sa pamamagitan ng sariling gawa natin. Ito ay regalo ng Diyos sa atin na tinanggap natin sa pamamagitan ng pananampalataya. Dahil dito, wala tayong maipagmamalaki sa sarili natin. Basahin natin nang buo ang verses 8 and 9, “For by grace you have been saved through faith. And this is not your own doing; it is the gift of God, not a result of works, so that no one may boast.”
Salvation not by works. “And this is not your own doing . . . not a result of works . . .” Sa MBB, “Hindi mula sa inyong sarili . . . hindi ito bunga ng inyong mga gawa . . .” Sa AB, “ito’y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili . . . hindi sa pamamagitan ng mga gawa.” Ibig sabihin, malinaw na ang kaligtasan natin ay hindi bunga o resulta ng mabuting ginawa natin o anumang katangian na meron tayo. This is understandable, lalo na kung inuunawa natin at pinaniniwalaan ang sinabi ni Pablo sa verses 1–3. Patay nga tayo spiritually, ano naman ang magagawa nating mabuti? Malinaw ‘yan sa Romans 8:8, “Those who are in the flesh cannot please God.” In the flesh, yun ang mga spiritually dead. Ano ba ang mga gawa natin? Hindi ba’t pagrerebelde sa Diyos, pagsunod sa takbo ng mundo, pagsunod sa pamamaraan ng diyablo, pagsunod sa sariling nasa ng puso natin na lahat ay taliwas sa naisin ng Diyos?
Maging ang mabuting gawa nga natin ay maruming basahan sa harapan ng Diyos: “Lahat tayo’y naging marumi sa harapan ng Diyos; ang mabubuting gawa nati’y maruruming basahan ang katulad” (Isa. 64:6 MBB). Paano naman yun magiging katanggap-tanggap sa Diyos? Anumang ginagawa natin na ang hangarin ay hindi ang kaluwalhatian ng Diyos at hindi natin ginagawa nang may pagtitiwala sa Diyos ay itinuturing na kasalanan. “So whatever does not proceed from faith is sin” (Rom. 14:23). So wala talaga tayong pag-asa sa sarili natin na magtamo ng kaligtasan. Wala tayong maiaalay na anumang mabuti na magiging katanggap-tanggap sa Diyos.
Salvation as a gift of God. Ano ngayon ang pag-asa natin? Ang tanging pag-asa lang natin ay kung ipagkakaloob ng Diyos ang kaligtasang ito bilang regalo. At yun eksakto ang ginawa niya. “It is the gift of God.” Kaloob ng Diyos. Pinagtatalunan kung ano ang tinutukoy rito na kaloob ng Diyos. Siyempre, kapag sinabi nating “grace,” parallel din iyan sa “gift.” Ang biyaya ng Diyos by nature ay maituturing na regalo. Ibig sabihin, walang bayad, ibinigay nang libre, free gift. Hindi rin ‘yan pinagtrabahuhan na parang sweldo: “Ang ibinibigay sa taong gumagawa ay hindi itinuturing na kaloob, kundi kabayaran” (Rom. 4:4 MBB). ‘Yan ay regalo na hindi dahil sa anumang katangian meron tayo o reward sa performance na ginawa natin. Kung sasabihin kasi natin na ang kaligtasan ay by works, hindi na ‘yan pwedeng by grace. “But if it is by grace, it is no longer on the basis of works; otherwise grace would no longer be grace” (Rom. 11:6). So kapag grace, free gift ‘yan, na paulit-ulit ikinonekta ni Paul sa Romans 5:15-17.
Sa biyaya ng Diyos, ibinigay niya na libreng regalo ang kaligtasan. More likely, yun ang tinutukoy na kaloob ng Diyos, yung kaligtasang tinanggap natin. Yung pagpapatawad sa kasalanan, regalo ng Diyos. Yung deklarasyon na tayo ay matuwid sa paningin ng Diyos, yung justification, regalo ng Diyos. Yung ipagkasundo tayo sa Diyos, yung itinuring tayong anak niya, yung pagkalooban tayo ng mana, regalo ng Diyos, kaya nga spiritual blessings ang tawag diyan ni Paul (Eph. 1:3-14).
How about “faith”? Maituturing ba natin ‘yan na regalo ng Diyos? Technically, ang pananampalataya ay ang pagbubukas ng kamay natin para tanggapin ang kaligtasan na regalo ng Diyos. So, most likely, hindi ito yung specific na tinutukoy na regalo sa passage na ‘to. Pero, kung titingnan natin ang kabuuan ng kaligtasan natin bilang regalo ng Diyos, masasabi rin natin na ang pananampalataya na meron tayo ay regalo rin ng Diyos to enable us na tanggapin ang regalo ng kaligtasan. Bakit ko nasabi? Paano natin maibubukas ang kamay natin para tanggapin ang regalo ng Diyos kung buong buhay natin ay iwinawagayway natin ang mga kamay natin in defiance of God’s rule? Paano natin maibubukas ang puso natin para tanggapin ang mabuting balita ni Cristo kung ang pusong ito ay patay spiritually?
Mangyayari lang yun kung ibubukas ng Diyos ang puso natin tulad ng ginawa niya kay Lydia (Acts 16:14). At ‘yan din ang ginawa ng Diyos nang ipagkaloob sa atin ang pananampalataya bilang isang regalo. “Sapagkat sa inyo’y ipinagkaloob alang-alang kay Cristo, hindi lamang ang manampalataya sa kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang sa kanya” (Phil. 1:29 AB). Kung paanong suffering is a gift from God, ganoon din ang faith na meron tayo ay regalo ng Diyos. Bagamat ang pananampalataya natin ay tayo ang gumawa (meaning, it is our act of faith), pero sa likod nito ay ang Diyos: “sapagkat Diyos ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanais at sa paggawa, para sa kanyang mabuting kalooban” (Phil. 2:13 AB). Gawa ng Diyos ang kaligtasan natin, maging ang pananampalatayang kinakailangan para tayo ay maligtas ay galing din sa Diyos.
Salvation removes our self-boasting. Kung gayon, ano pa ang maipagmamalaki natin sa sarili natin? Wala, wala, wala. Dinisenyo ng Diyos na ganito ang paraan ng kaligtasan for this purpose: “so that no one may boast.” Kung tayo nga naman ay naligtas sa pamamagitan ng sariling gawa natin, meron tayong dahilan para magmalaki (Rom. 4:2). O kung meron man tayong naiambag sa kaligtasang tinanggap natin, meron tayong maipagmamalaki na kahit kaunting ambag man lang. Pero kung ikaw ay isang pulubing gutom na gutom at pinakain ka, maipagmamalaki mo ba na nabusog ka kasi malakas kang kumain? Kung ikaw ay patay tapos nagkaroon ng buhay, maipagmamalaki mo ba na ibinangon mo ang sarili mo sa libingan? Kung ikaw ay isang bulag na ngayon ay nakakakita na, maipagmamalaki mo ba na meron kang 20/20 vision? Kung ang lahat ng ito ay regalo ng Diyos, dahil sa makapangyarihang gawa at biyaya ng Diyos sa pagliligtas sa atin, ano ang matitira na ipagmamalaki natin? Yung nag-share ng gospel sa atin? Yung church natin? Yung nagsulat ng librong nabasa natin? Yung nag-produce ng video kung saan natin napakinggan yung gospel message? No. Kung magmamalaki man tayo, ang Diyos ang tanging maipagmamalaki natin (Jer. 9:23, 24). Let all our boasting be a boasting in God.
C. Saved for good works (v. 10).
Ngayon, paano naman ang good works natin? Sinasabi kasi ng Roman Catholic Church na ang Protestant doctrine ng justification by faith alone is a dangerous doctrine dahil pwede raw ‘yan abusuhin at mag-lead sa pag-iisip na kung hindi naman pala tayo maliligtas sa paggawa ng mabuti, e di pwede naman palang hindi na tayo gumawa ng mabuti! Ah, kung inaakusahan tayo ng ganyan dahil sa mga itinuturo natin, we are in good company. Kasi nga si Paul din ganyan ang ibinabato sa kanya! “Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy ba tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay sumagana? Huwag nawang mangyari . . . Ano nga? Magkakasala ba tayo, dahil tayo’y wala sa ilalim ng kautusan, kundi nasa ilalim ng biyaya? Huwag nawang mangyari” (Rom. 6:1, 2, 15). So, mahalaga itong verse 10 ng text natin para makita natin kung ano ang kaugnayan ngayon ng mabuting gawa sa kaligtasan natin. Sa verse 9, malinaw na ang kaligtasan natin ay hindi bunga o resulta ng mabuting gawa natin. So, ang question, Kung hindi naman pala tayo naligtas sa pamamagitan ng mabuting gawa natin, kailangan pa ba nating gumawa ng mabuti? Oo naman, dahil binigyan tayo ng bagong buhay para mamuhay na katulad ni Cristo, na nagpapatuloy sa paggawa ng mabuti.
Malinaw ‘yan sa paliwanag ni Pablo sa verse 10. Heto ang dahilan kung bakit wala tayong maipagmamalaki, kahit ang mga mabubuting gawa na nagagawa na natin ngayong tayo ay may bagong buhay na: “For we are his workmanship, created in Christ Jesus for good works, which God prepared beforehand, that we should walk in them” (v. 10). Ipinapakita rin sa talatang ito ang kaugnayan ng kaligtasan sa mabuting gawa.
Salvation as a work of new creation. Sa unang bahagi nito, sinasabi ni Pablo na ang kaligtasang gawa ng Diyos para sa atin ay isang gawa ng paglikha ng Diyos. Kung paanong nilikha niya ang lahat ng bagay, ang kaligtasan natin ay maituturing din na bagong paglikha o new creation ng Diyos. Tulad ng sabi sa 2 Corinthians 5:17, “Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation. The old has passed away; behold, the new has come.” Dito rin sa text natin, sinabi, “For we are his workmanship, created in Christ Jesus . . .” Sa Greek, yung “workmanship” ay poiema, kung saan galing ang salitang “poem.” Sa pakikipag-isa natin kay Cristo, tayo ay mga bagong nilalang na na gawa ng Diyos, likha ng Diyos, obra maestra ng Diyos. At kapag ang Diyos ang gumawa, it is always good, very good, tulad ng mababasa natin sa creation account sa Genesis 1.
Kung very good ang pagliligtas sa atin ng Diyos, paano namang walang magbabago sa kalagayan ng buhay natin ngayong nakay Cristo na tayo sa kalagayan ng buhay natin dati na outside of Christ pa tayo? Kung dati tayo ay spiritually dead and in active rebellion against God, tapos ngayon spiritually alive na, meron nang bagong buhay, tama ba na ang maging resulta nito ay pagpapatuloy pa rin ng paggawa natin ng masama? Hindi siyempre! Yes, totoo naman na nag-iistruggle pa tayo sa kasalanan, pero hindi pwede na ang bagong buhay na meron tayo ay hindi magdulot ng pagbabago sa buhay natin. Dahil kung walang nangyayaring pagbabago sa buhay mo, walang pagmamahal sa Diyos, walang pagsunod sa Diyos, at nae-enjoy mo ang ginagawa mong mga kasalanan, baka kaya ang dahilan ay wala ka pa talagang bagong buhay, hindi ka pa born again, hindi ka pa genuinely converted, hindi ka pa talaga ligtas?
Salvation resulting in good works. Maliwanag sa verse 10 na ang kaligtasang gawa ng Diyos sa buhay natin ay magkakaroon ng bunga, at ang bunga ay ang mabuting gawa. Ang kaligtasan natin ay hindi bunga ng mabuting gawa natin. Ang mabuting gawa natin ang bunga ng kaligtasan natin. We are saved not by good works; we are saved for good works. “For we are his workmanship, created in Christ Jesus for good works . . .” Iniligtas tayo ng Diyos dahil sa biyaya niya hindi para abusuhin natin ang biyayang iyon at magkaroon tayo ng lisensya para gawin ang lahat ng gusto nating gawin kahit na ito ay taliwas sa mabuting kalooban ng Diyos.
No. Iniligtas tayo ng Diyos para maging malaya tayo, magkaroon tayo ng kakayahan, ma-empower tayo sa paggawa ng mabuti. Ganito rin ang bilin ni Pablo na ituro ni Titus, na hindi tayo iniligtas ng Diyos dahil sa anumang mabuting gawa natin, at para sa anong layunin? ” . . . so that those who have believed in God may be careful to devote themselves to good works” (Tit. 2:8). Ang kaligtasan ba na sinasabi mo na meron ka ay nagbubunga ng mabuting gawa? Kapag walang bunga, ibig sabihin, peke o hindi totoo ang sinasabi mong profession of faith mo. Kaya nga hindi natin basta-basta tinatanggap ang lahat ng interesado na magpa-baptize at maging miyembro. Naghahanap tayo ng ebidensya kung pinaniniwalaan ba talaga niya na ang salvation is by grace alone through faith alone in Christ alone, at kung meron bang ebidensya sa buhay niya na bunga ng paniniwalang ito.
Salvation designed by God from eternity past. Kung tayo man ay na-affirm na totoong Kristiyano, na-baptize, naging member ng church, at aktibong gumagawa ng mabuti (hindi man perfectly, but genuinely) sa paglilingkod sa church, sa pagmamahal sa pamilya natin, sa pagtulong sa mga nangangailangan, can that be a cause for boasting on our part? Well, siyempre, hindi! Ano ba yung mga good works na ‘to na tinutukoy ni Paul? “Which God prepared beforehand, that we should walk in them.” Oo nga’t tayo ang gumagawa ng mabuti, pero ang Diyos ang naglatag ng daan na lalakaran natin noon pa man. Hindi noong nagdesisyon tayo na sumunod kay Cristo, kundi sa simula’t simula pa. From eternity past, “before the foundation of the world,” pinili na tayo ng Diyos “that we should be holy and blameless before him” (Eph. 1:4). Sa plano ng Diyos, itinakda niya na iligtas tayo hindi lang mula sa kaparusahan ng kasalanan, kundi sa kapangyarihan din ng kasalanan sa buhay natin.
Kung dati na wala tayo kay Cristo, ang nilalakaran nating daan ay ang daan ng kasalanan (“in the trespasses and sins in which you once walked,” 2:1-2); ngayon naman, siya ang tumutulong sa atin “that we should walk” hindi na sa kasalanan kundi sa mga mabubuting gawa (v. 10). Bahagi ito ng new covenant promise ng Diyos, na kapag na-born again ka ng Diyos, inilalagay rin niya ang kanyang Espiritu sa puso mo para tulungan ka na sumunod sa kanyang mga utos: “Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong pusong masunurin. Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos” (Ezek. 26:26-27 MBB). Kaya kung napagtatagumpayan mo man ang mga kasalanan ngayon, at nakakasunod sa mga utos ng Diyos, not yet perfectly but growing in Christlikeness, yun ay dahil sa gawa pa rin ng Diyos sa puso mo. Wala talaga tayong maipagmamalaki sa kabuuan ng salvation na tinanggap natin: ang election, ang regeneration, ang conversion, ang justification, ang adoption, ang sanctification, ang glorification, lahat ‘yan ay dahil sa sovereign grace ng Diyos, sa makapangyarihang gawa ng Diyos. “Sapagkat mula sa kanya, at sa pamamagitan niya, at para sa kanya ang lahat ng mga bagay. Sumakanya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen” (Rom. 11:36 AB).
Ang mabuting balita ay ito: na naligtas tayo hindi dahil sa mabuting gawa natin, kundi dahil sa kabutihan ng Diyos at sa pamamagitan ng mabuting ginawa ni Cristo sa krus. Hindi ang mabuting gawa natin ang dahilan at paraan para tayo ay maligtas; ang mabuting gawa ang resulta ng kaligtasang tinanggap natin. ‘Yan ang good news of our salvation.
Diagnostic Questions
Kung ‘yan ang mabuting balita ng kaligtasan, mainam na magtapos tayo ngayon sa tatlong diagnostic questions.
- Ito bang gospel of the grace of God in salvation ang pinaniniwalaan mo?
Posible kasi na ang ilan sa inyo ay pumupunta sa church kasi sa tingin n’yo ay isa ito sa paraan para maging katanggap-tanggap kayo sa Diyos. So, salvation by works pa rin ang pinaniniwalaan mo. Lalo na sa mga hindi pa baptized, sa mga bata rin, ito ang tanong ko sa inyo: Naniniwala ka ba na may kakayahan kang gumawa ng mabuti para maligtas? O, naniniwala ka ba na wala kang magagawa sa sarili mo, at ang tanging pag-asa mo ay si Cristo na siyang Tagapagligtas ng mga makasalanan? Sumasampalataya ka ba kay Crito lamang para sa iyong kaligtasan? Nagtitiwala ka bang ang ginawa niyang mabuti sa buong buhay niya at ang ginawa niyang mabuti sa kanyang sakripisyo ay sapat na para maligtas ka at wala ka nang kailangang idagdag? Kahit baptized ka na at member ng church, ‘yan din ang tanong ko sa ‘yo. Baka kasi magaling ka lang sumagot sa nag-interview sa ‘yo kaya na-baptize ka, posible na alam mo kung ano ang tamang sagot. Pero ang tanong, ‘yan ba ang nasa puso mo? Do you believe this with all your heart? Kung hindi, ‘wag mong ipalagay na ligtas ka na. Tumawag ka sa Panginoon at magtiwala sa kanya, at ililigtas ka niya. Kung oo naman ang sagot mo, ito ang susunod na diagnostic question . . .
- Ito bang gospel of the grace of God in salvation ang ibinabahagi mo sa iba?
Sinasabi mo na ito ang paraan ng kaligtasan, e bakit hindi mo ito ibinabahagi sa iba, lalo na sa mga kaibigan at kamag-anak mo? Kapag inaanyahan mo sila sa church, tapos sumama sila, kasi sabi nila, “Sige, pare-pareho naman ang pinaniniwalaan natin na isang Diyos lang.” Ano ang sasabihin mo sa kanila? Sasabihin mo ba, “Oo nga, pareho lang,” kasi natatakot ka na ma-offend sila? Pero mahal mo sila, di ba? Ayaw mo silang mapahamak. Kaya dapat nating sabihin sa kanila, “Hindi pareho. Heto ang malaking pagkakaiba . . .” Then, go on to tell them the good news of the grace of God in salvation. Ito rin ang dapat nating ituro sa mga anak natin. O baka naman ang naririnig nila sa atin, “Anak, magpakabait ka ha, para mapunta ka sa langit.” Ayan tuloy, kaya maraming mga bata, kahit lumaki sa simbahan, inaakala nilang ligtas sila dahil mababait lang mga bata. Kahit ang mga mababait, patay rin spiritually, alipin din ng kasalanan, sumusuway palagi sa utos ng Diyos, kaya si Cristo rin ang kailangan nilang Tagapagligtas. Make sure you point them to Christ our Savior, at ipaalala sa kanila na hindi ang pagiging mabait at masunurin nila ang makapagliligtas sa kanila. Again, hindi natin sinasabi na hindi mahalaga ang paggawa ng mabuti at pagsunod. Kaya ito ang huling diagnostic question . . .
- Ito bang gospel of the grace of God in salvation ang nakikitang bumabago sa buhay mo?
Ito bang gospel na ‘to ang nilalakaran natin sa bawat bahagi ng buhay natin, sa araw-araw, sa bawat relasyon natin? O bukambibig lang natin, o pinapakinggan lang natin, o inaawit lang natin every Sunday, pero wala namang epekto sa buhay natin? Nagsisikap ba tayo na gumawa ng mabuti sa araw-araw hindi upang maligtas kundi dahil naligtas na tayo? O ginagawa natin itong excuse o justification para magpatuloy sa kasalanan? Sinasabi mong tinanggap mo ang biyaya ng Diyos, at ibinigay niya sa ‘yo kung ano ang hindi mo deserving tanggapin. Pero ganyan din ba ang trato mo sa asawa mo na nagkasala sa ‘yo, o sa ibang tao na nakasakit sa ‘yo? Pinapatawad mo rin ba sila at ginagawan ng mabuti, o mas nananaig sa puso mo ang ibigay sa kanila ang sa tingin mo ay nararapat para sa kanila? Na dapat masaktan din sila, na dapat pagbayaran nila ang kasalanan nila, na patunayan muna nila ang sarili nila, para magtino sila? Mga kapatid, tinanggap natin ang biyaya ng pagliligtas ng Diyos sa atin. Ganito ring biyaya ang ibigay natin sa iba, not because they deserve it, but because God deserves our whole-hearted obedience. Ang biyaya ng Diyos na nagligtas sa atin ay ang biyaya rin ng Diyos na bumabago sa buhay natin.
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

