Introduction: Loving the Word

Isa sa dahilan kung bakit I usually preach on Psalm 119 sa pasimula ng bawat taon ay para i-encourage kayo to read, study, and love the Bible more. Kung meron ka mang gagawing new year’s resolution, mainam na kasama ‘to: na basahin ang Bibliya araw-araw for 365 days, and to attend our church’s Lord’s Day gatherings every Sunday for 52 Sundays. Doable naman ‘yan para sa ating lahat. Maraming mga tao ang gumagawa ng mga excuses kaya hindi nila ‘yan nagagawa. Sobrang busy daw, isa ‘yan sa common na dahilan. Pero sa tingin ko, ang problema natin sa regular na pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya ay may kinalaman sa motivation. Hindi naman natin pababayaan ang isang bagay na we are motivated to do, yung isang bagay na pinaniniwalaan nating napakahalaga at non-negotiable sa buhay natin. Kaya ang isa sa mahalagang trabaho ko bilang pastor ay i-motivate kayo to resolve to feed yourself of the Bible more regularly this 2025. Motivation comes before resolution. Our resolution is strong only as far as our motivation goes.

Kaya mahalaga itong Psalm 119. Isa kasi itong awit, a prayer to God, na itinatanghal ang kahalagahan ng salita ng Diyos sa kanyang buhay. Lahat ng 176 verses na ‘to ay nagha-highlight ng essential place ng salita ng Diyos sa buhay natin. Acrostic psalm ito, ibig sabihin, bawat section nito (eight verses per section) ay kumakatawan sa bawat letra ng Hebrew alphabet. Itong section na titingnan natin ngayon, verses 97 to 104 ay mem section, ibig sabihin, bawat verse nito ay nagsisimula sa letrang mem, katumbas ng letter “m” sa salita natin.

Bawat verse dito ay nag-eexpress ng puso ng psalmist sa salita ng Diyos. At ito ang prayer ko na likhain ng Diyos sa puso ng bawat isa sa atin, na masabi rin natin ang tulad ng psalmist sa verse 97, “Oh how I love your law!” (Psa 119:97). Sa ASD, “Iniibig ko ang inyong kautusan.” Hindi lang pangako ng Diyos, hindi lang mga kuwento ng pagliligtas ng Diyos, kundi ang kautusan o torah. Specifically ay tumutukoy ito sa mga utos ng Diyos, generally ay sa first five books of Moses (Genesis to Deuteronomy), pero malamang na ang tinutukoy ay ang kabuuan ng salita ng Diyos. Do we love the word of God? If we love God, we also love his word. At kung ang puso mo ay nagmamahal sa salita ng Diyos, hindi ka na kailangang pilitin pang magbasa ng Bible. If you love something, hindi ka na kailangang pilitin to do that thing. If you love biking, kapag inaya kang mag-bike, “Tara!” Hindi ka na pipilitin kasi nga gusto mo. If you love coffee, kapag inaya kang magkape, “Tara!” Hindi ka na pipilitin kasi gusto mo. If you love ramen, kapag inaya kang mag-ramen, “Tara!” Excited ka, hindi ka na pipilitin kasi gusto mo.

At kung natikman mo na kung gaano kasarap ang salita ng Diyos, you have developed a taste for the word. Hahanap-hanapin mo. At masasabi mo rin tulad ng psalmist, at ito rin ang prayer ko na masabi rin nating lahat about the word of God, verse 103, “How sweet are your words to my taste, sweeter than honey to my mouth!” (Psa 119:103). Sa ASD, “Kay tamis ng inyong mga salita, mas matamis pa ito kaysa sa pulot.” Sa panahon nila, ang honey ay hindi lang pampatamis, ito rin ay kumakatawan sa something precious and pleasurable. Kapag sinabing ang salita ng Diyos ay mas matamis pa kaysa sa honey, ibig sabihin ay mahalaga at nagbibigay-kasiyahan ang salita ng Diyos kapag nabasa mo, kapag napakinggan mo, kapag pinag-aralan mong mabuti, kapag itinuro mo sa iba.

The word of God is a treasure and joy para sa kanyang mga anak. “Ang mga itoʼy higit pa kaysa purong ginto, at mas matamis pa kaysa sa pulot-pukyutan” (Psa 19:10). “Anak, uminom ka ng pulot-pukyutan at ito’y makakabuti sa iyo. Kung ang pulot-pukyutan ay masarap sa panlasa, ang karunungan naman ay mabuti sa kaluluwa” (Prov 24:13 MBB). Sa pagtawag ng Diyos kay prophet Ezekiel, ganito na-recall ni Ezekiel ang ipinagawa sa kanya ng Diyos: “Sinabi niya sa akin, ‘Sige, kainin mo iyan at magpakabusog ka.’ Kinain ko ang aklat, matamis ang lasa nito gaya ng pulot” (Ezek 3:3 ASD). Kapag natikman mo ang sarap ng salita ng Diyos, hahanap-hanapin mo, hindi na kailangang pilitin ka ng pastor para basahin ang Bibliya.

Do you long for the Word? Have you tasted its sweetness? Kung oo, hindi mo na gagawing excuse ang hirap ng buhay, o ang maraming pinagkakaabalahan. Tulad ng sinabi ni Pedro sa mga persecuted Christians noon, “Gaya ng sanggol, kayo’y manabik sa dalisay na gatas na espirituwal upang lumago kayo tungo sa kaligtasan, sapagkat ‘Naranasan na ninyo ang kabutihan ng Panginoon’” (1 Pet 2:2-3 MBB). Ang tinutukoy niya rito ay galing sa Psalm 34, “Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya” (Ps 34:8 MBB).

Madaling sabihin, “I love the Word.” Pero paano nakikita sa buhay natin ang ganitong pag-ibig sa salita ng Diyos? Paano natin maie-express ang pagmamahal sa salita ng Diyos? Magbibigay ako ng dalawang sagot based sa text natin.

I. All-Day Meditation of the Word (Psa 119:97-100)

Yung una ay nasa first four verses.

97 Iniibig ko ang inyong kautusan. Palagi ko itong pinagbubulay-bulayan. 98 Ang mga utos nʼyo ay nasa puso ko, kaya mas marunong ako kaysa sa aking mga kaaway. 99 Mas marami ang aking naunawaan kaysa sa aking mga guro, dahil ang lagi kong pinagbubulay-bulayan ay ang inyong mga turo. 100 Higit pa ang aking pang-unawa kaysa sa matatanda, dahil sinusunod ko ang inyong mga tuntunin.

Pansinin n’yo sa verse 97 kung ano ang isang expression ng pag-ibig sa salita ng Diyos: “Iniibig ko ang inyong kautusan. Palagi ko itong pinagbubulay-bulayan.” Sinasabi niya na dahil mahal niya ang salita ng Diyos, kaya pinagbubulayan niya ito palagi: “It is my meditation all the day.” Ibig sabihin, kung hindi mo naman pinagbubulayan ang salita ng Diyos, hindi totoo kahit sabihin mo pang, “Oh how I love the Word of God!” Ang “pagbubulay” o “meditation” ay hindi lang yung nag-spend ka ng ilang minuto sa Bible reading paggising sa umaga. Mahalaga yun. Kasali yun. Diyan naman usually magsisimula ang meditation natin. Pero ang ibig sabihin nito, kaya “all the day” ang sinasabi niya, ay dahil hindi lang basta babasahin ang Bible sa umaga tapos all-throughout the day—sa trabaho o sa eskwelahan o sa mga gawaing bahay maghapon—ay kakalimutan na ang binasa. No. Ang ibig sabihin ng meditation ay pinag-iisipang mabuti kung ano ang ibig sabihin ng salita ng Diyos, at pinagpaplanuhan sa maghapon kung paano masusunod ang mga utos ng Diyos. Nginunguyang mabuti ang salita ng Diyos. Hindi instant meal lang na tapos na. Ine-enjoy ang salita at mga pangako ng Diyos sa maghapon. Ninanamnam ang kabutihan ng mabuting balita ni Cristo na ipinapaalala sa atin ng Salita ng Diyos.

Hindi isolated itong verse 97 tungkol sa kahalagahan ng pagbubulay-bulay sa salita ng Diyos. Sinabi na niya sa verse 15 pa lang, “Ang inyong mga tuntunin ay aking pinagbubulay-bulayan at iniisip kong mabuti ang inyong pamamaraan” (ASD). Ito ang description ng Psalm 1 sa “blessed man” o isang taong taglay ang tunay na kasiyahan sa buhay: “kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh. Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi” (Psa 1:2 MBB). Sinabi ng Diyos kay Joshua na hindi niya mararanasan ang totoong “prosperity” at “good success” kung wala ang ganitong pagbubulay sa salita ng Diyos: “Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi para malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, uunlad ka at magtatagumpay” (Jos 1:8).

Dito naman sa text natin, sa verses 98 to 100, ay binanggit niya ang tatlong resulta kung ang salita ng Diyos ang pinagbubulayan niya araw-gabi. Sinabi niya dito na dahil sa pagbubulay sa salita ng Diyos, nagkakaroon siya ng higit na pang-unawa at higit na karunungan kaysa sa tatlong grupo ng tao: “aking mga kaaway” (v. 98); “aking mga guro” (v. 99); at “matatanda” (v. 100).

Una, yung tungkol sa kanyang mga kaaway ang sabi niya: “Your commandment makes me wiser than my enemies, for it is ever with me” (v. 98). Sa Ang Biblia (2001), “sapagkat ito’y laging kasama ko.” So, dahil ang salita ng Diyos, particularly ang mga utos ng Diyos, ay palaging nasa isip niya at palaging nasa puso niya, ito ang nagbibigay sa kanya ng higit na karunungan kaysa sa mga kaaway niya. Itong mga kaaway niya ay tumutukoy sa mga unrighteous people na tumutuligsa sa kanya, umuusig sa kanya, at gumagawa ng paraan para lumihis siya sa pagsunod sa utos ng Diyos. Para sa atin, pwede itong “kaibigan” natin, o karelasyon ninyo na “unbeliever,” o sinumang ginagamit ng Kaaway para tuksuhin tayo para tayo’y sumuway sa utos ng Diyos. At mas napatutunayang mas marunong sa atin ang mga kaaway natin kapag ang balak nila ang nagtatagumpay. Every time na pinipili natin ang pamamaraan ng kaaway, every time na hindi boses ng Diyos ang sinusunod natin, we are not walking the way of wisdom, but the way of foolishness. Paano tayo mas magiging marunong? Kung lalabanan natin ang anumang tukso ng kaaway sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Earlier sabi ng psalmist, “Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo” (v. 11 ASD). Nagkakasala tayo dahil nakakaligtaan nating pagbulayan ang salita ng Diyos araw-gabi.

Yung ikalawa naman ay tungkol sa kanyang mga guro: “I have more understanding than all my teachers, for (ito ang dahilan) your testimonies are my meditation” (v. 99). Again, malinaw ang koneksyon sa pagbubulay. Siyempre mahalaga ang roles ng mga teachers natin. At kapag sinabing “teacher”—si nanay man ‘yan, o yung teacher sa school, o yung teacher sa Sunday school, o yung pastor na nagtuturo ng Bibliya—usually ang tingin natin ay mas marunong sila kaysa sa atin. Most probably kasi sila yung unang nag-aaral, sila yung unang natuto sa itinuturo nila, sila yung may expertise, sila yung mas maraming binabasa at pinag-aaralan. Pero sinasabi dito ng psalmist na ang totoong wisdom ay higit pa sa intellectual knowledge. Nangyayari ito kung pinagbubulayan natin ang mga “testimonies” o “turo” ng salita ng Diyos. Ang bawat bahagi ng salita ng Diyos ay nagtuturo sa atin tungkol kay Cristo—kung sino siya, kung ano ang ginawa niya sa krus para sa atin, kung paanong siya ang Panginoon at Tagapagligtas na kailangan natin sa buhay natin. Hindi kailangan ng mga anak natin na maraming alam sa math, sa science, o sa history. Mahalaga din yun. Pero ang higit na mahalaga ay kilala nila kung sino ang pinanggagalingan ng tunay na “karunungan.” Walang iba kundi si Cristo. He is our wisdom: “Christ the power of God and the wisdom of God” (1 Cor 1:24); “And because of him you are in Christ Jesus, who became to us wisdom from God, righteousness and sanctification and redemption” (1 Cor 1:30). Kung hindi mo kilala si Cristo, kahit marami kang alam sa mga bagay-bagay sa mundong ito, isa ka pa ring mangmang.

Ang ikatlo naman ay yung mga matatanda: “Higit pa ang aking pang-unawa kaysa sa matatanda, dahil sinusunod ko ang inyong mga tuntunin” (v. 100). We associate wisdom sa mga matatanda. At totoo naman na kapag tinabihan mo ang mga matatanda sa church at nakipag-usap ka, at nakinig ka sa mga kuwento nila, sa mga pagsubok na pinagdaanan nila, at sa witness ng pananampalataya nila, ng endurance at perseverance nila, mamamangha ka sa karunungan na taglay nila. Marami tayong matututunan sa kanila. Sabi nga, “Experience is the best teacher.” Pero hindi naman lahat ng maraming experience ay automatic na “wais” na sa buhay, hindi naman lahat ng mga matatanda ay maituturing na “mature” in wisdom. Yung iba, sa dinami-rami ng experience, hindi pa rin natututo. Kaya para sa psalmist, posible na magkaroon siya ng higit na pang-unawa kaysa sa mga matatanda kahit na kulang pa siya sa experience. Paano? Hindi lang sa pamamagitan ng all-day meditation of the word, kundi ang higit sa lahat, pagsunod sa mga utos ng Diyos. Pag-uusapan pa natin ito sa second part ng message na ‘to. Para sa mga mas nakababata, tama nga na matuto tayo sa mas nakatatanda sa atin. Pero hindi ibig sabihing wala kang kaalaman at karunungan na maituturo naman sa iba, kahit sa higit na nakatatanda sa ‘yo. Tulad ng sabi ni Paul sa nakababatang pastor na si Timothy, “Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay” (1 Tim 4:12 MBB). Paano ka magiging halimbawang dapat tularan kung hindi mo paglalaanan ng panahon at atensyon ang pagbubulay sa salita ng Diyos?

Dito sa verses 97 to 100, nakita natin sa halimbawa ng psalmist na ang pagmamahal natin sa salita ng Diyos ay ine-express natin sa pagbubulay sa salita ng Diyos araw at gabi, all-day meditation of the word of God. May isang member na nagtanong sa akin just before the new year, “May tanong po ako. Planning na matapos ko po basahin ang buong Bible in a year, pero praying din for in-depth na personal bible study to know God deeper and enjoy Him more—how could it be possible given the limited time that I can allot with other life demands everyday?” Heto ang sagot ko:

Be convinced of the priority of the word of God. Kapag priority, kapag essential, hindi pwedeng mawala. Hindi dapat ikumpromiso.

Set aside anumang “limited time” na meron ka. Maybe 15 minutes in the morning, or 30 minutes, or one hour. Read yung assigned Bible reading schedule. One chapter, o three chapters. Then reflect sa ilang bahagi ng nabasa mo, meditate on the gospel, then turn that into a prayer. Pray for your heart, pray for your family, pray for our church, pray for unbelieving family and friends.

May mga days na mami-miss mo yung time na ‘yan. Don’t be guilty about it. Just press on. Basta ituloy mo lang. ‘Wag mong ihinto.

And make sure na throughout the day, pinag-iisipan mo pa rin ang mga salitang nabasa mo, at pinagpe-pray at pinagpaplanuhan paano mai-aapply sa bawat bahagi ng buhay mo—to make you a better follower of Christ, a better lover of God, a better husband/wife/father/mother/son/daughter, a better student, a better worker, a better church member, a better discipler, a better friend. Hindi pwedeng hindi babaguhin ang buhay mo kapag pinagbubulayan mo ang salita ng Diyos.

That brings us to the second point.

II. All of Life Application of the Word (Psa 119:101-104)

Paano natin ine-express ang pagmamahal natin sa salita ng Diyos? Ang unang sagot ay sa pamamagitan ng pagbubulay sa salita ng Diyos araw at gabi—all-day meditation of the Word. Ang ikalawa naman, na siyang emphasis ng second half ng passage natin, sa verses 101 to 104, ay ito: sa pamamagitan ng pag-aapply ng salita ng Diyos sa lahat ng bahagi ng buhay natin—all of life application of the Word. Kung matamis sa panlasa natin ang salita ng Diyos— “How sweet are your words to my taste, sweeter than honey to my mouth!” (Psa 119:103)—ibig sabihin, hindi natin ipagpapalit ang salita ng Diyos, ang pagsunod sa salita ng Diyos, sa mga bagay na taliwas sa kalooban ng Diyos. So, hindi talaga natin pwedeng paghiwalayin ang pagmamahal sa salita ng Diyos (affection), pagbubulay sa salita ng Diyos (meditation), at pagsasabuhay ng salita ng Diyos (application).

Ang commitment sa pagsasabuhay na ito ay in-express ng psalmist sa tatlong verses dito in terms of walking the right way, o paglakad sa tamang daan, o pananatili sa direksyon na ayon sa mga utos ng Diyos. So, merong tamang daan, merong maling daan. To love the word ang ibig sabihin ay manatili sa daan na inilatag ng Diyos sa atin—not to follow our own hearts, not to follow the ways of this world.

Sabi niya sa verse 101, “I hold back my feet from every evil way, in order to keep your word.” Meron siyang commitment, a resolution, na pigilan ang paa niya sa paglakad sa lahat ng daan ng masama, “every evil way.” This is all-of-life commitment. This is a life of no-compromise. Kahit ano ang sabihin ng ibang tao, kahit hindi magiging popular ang mga desisyon natin, kahit na merong cost or consequences ang pagsunod kay Cristo, we keep following his ways. Meron siyang ganitong resolve for what purpose? “In order to keep your word.” Hindi siya makakasunod sa salita ng Diyos kung salita ng tao ang susundin niya. Hindi tayo pwedeng mamangka sa dalawang ilog. We cannot serve two masters. You cannot say “yes” to God and say “yes” to the world in rebellion against God at the same time. To say “yes” sa kasalanan ibig sabihin ay you are saying “no” to God.

Sa verse 102 naman, sabi niya, “I do not turn aside from your rules, for you have taught me.” Hindi siya “lumihis” (ASD) sa mga utos ng Diyos. Again, ang picture dito ay ang pananatili sa tamang daan, ang daan ng Diyos. Sa buhay natin, palaging may choice kung sino ang pakikinggan natin. Pakikinggan ba natin ang boses at itinuturong pamamaraan ng Diyos o ang sinasabi ng sarili nating puso o ang sinasabi ng mundo? Mula pa sa Garden of Eden kung saan nasubok sina Adan at Eba kung kaninong boses ang papakinggan—sa Diyos ba o sa ahas—hanggang ngayon ay ganyan pa rin ang hinaharap natin. Sinabi ng psalmist ang dahilan kung bakit hindi siya lumilihis ng landas, kung bakit boses ng Diyos ang pinapakinggan niya: “for you have taught me.” Ang Diyos ang nagtuturo sa kanya. Mas pinagtitiwalaan niya nang higit ang turo ng Diyos kaysa turo ng tao. Kailangan nating lahat na si Jesus ang magturo sa atin. After all, yun ang ibig sabihin ng pagiging disciple ni Cristo, a learner. Tayo ang estudyante na nakikinig sa teacher natin na si Cristo. Sinabi ni Alistair Begg tungkol sa pagiging Prophet at Teacher ni Cristo para sa atin: “We need Jesus to teach our hearts, to dispel our darkness, to reach us in a way that no one else can. Until He teaches us, we will never learn about Him. Until we see Him as the Word of God, we will never be wise for salvation. But when this greatest of the prophets speaks truth to our hearts, we say, ‘This is truth’—and we praise the one who is all truth as our wonderful, beautiful, incomparable Teacher and Savior” (Truth for Life, vol. 2, Jan. 2).

Sa verse 104 naman, after saying kung gaano katamis para sa kanya ang mga salita ng Diyos, sabi niya,“Through your precepts I get understanding; therefore I hate every false way.” Balik na naman tayo sa binigyang-diin niya sa first half ng passage natin, kung paanong nagkaroon siya ng higit na pang-unawa at karunungan sa pamamagitan ng pagbubulay sa salita ng Diyos. Para sa kanya, kung ganito ang benefit sa kanya ng salita ng Diyos, mas mag-iincrease ang pag-ibig niya sa salita ng Diyos at sa kabilang banda naman ay mag-iincrease ang pagkamuhi niya sa mga bagay na taliwas sa salita ng Diyos. Kaya sinabi niya, “therefore I hate every false way.” Take note again, “every false way.” This is an all-consuming passion for the word of God. If we love the word of God, we love what God loves, we hate what God hates. Anumang taliwas sa salita ng Diyos ay “false way,” dahil ang salita ng Diyos ay katotohanan. “Your word is truth,” sabi ng Panginoong Jesus sa prayer niya sa Diyos Ama (John 17:17). At sa pamamagitan ng salita ng Diyos matutuklasan natin at mas makikilala natin si Jesus, “ang daan, ang katotohanan, at ang buhay” (John 14:6). He is our way to the Father. Wala nang iba. If we love Jesus, and we do!, ibig sabihin, anumang bagay na contrary to Jesus and his gospel ay kamumuhian natin.

Ang pag-ibig sa Diyos at sa kanyang salita ay hindi lang natin sinasabi kapag Sunday sa mga prayers at mga songs natin. Ito ay nag-uumapaw sa pang-araw-araw nating buhay as we seek to obey God in all areas of our life. Sabi nga ng Panginoong Jesus, “Ang sinumang tumatanggap at sumusunod sa mga utos ko ang siyang nagmamahal sa akin” (John 14:21 ASD). So, ang prayer ko sa lahat sa atin, kasali ako siyempre, ay hindi lang basta ugaliin nating basahin ang Bibliya araw-araw at makinig mabuti sa preaching of the Word every Sunday. Mahalaga yun siyempre. But more than that, I pray na lahat sa atin ay mas lumalim ang pagkakilala at pagmamahal sa Diyos na nagpapahayag ng kanyang sarili as we read and listen to the Word of God. Ang pagbabasa ng Bibliya ay hindi ang ating ultimate goal. It is a means to an end…at ang end goal ay mas maenjoy natin ang love relationship natin sa Diyos.

Conclusion: Growing Deeper into the Word

With that end goal in mind, gusto kong tapusin ang mensaheng ito sa pamamagitan ng three rules ni Martin Luther kung paano maging better theologian. Sabi ni John Piper, ‘wag kang malula sa term na theologian, description kasi ‘yan ng bawat isang Kristiyano na nagsisikap na mas makilala ang Diyos para mas lumalim ang pagmamahal at pagsunod natin sa kanya, siyempre (Source: https://www.desiringgod.org/articles/luthers-rules-for-how-to-become-a-theologian). Concluding reflection ito hindi lang ng passage na pinag-aralan natin ngayon, kundi maging mula pa sa simula ng Psalm 119. Kilala natin si Martin Luther bilang isang instrumento na ginamit ng Diyos para sumiklab ang Protestant Reformation sa Europe noong 16th century. Sabi niya tungkol sa Psalm 119: “I want you to know how to study theology in the right way. I have practiced this method myself…The method of which I am speaking is the one which the holy king David teaches in Psalm 119…Here you will find three rules. They are frequently proposed throughout the psalm and run thus: Oratio, meditatio, tentatio” (prayer, meditation, trial).”

Oratio (prayer) (Psa 119:18, 27, 34, 35, 36, 37)

“You should completely despair of your own sense and reason, for by these you will not attain the goal…Rather kneel down in your private little room and with sincere humility and earnestness pray God through his dear Son, graciously to grant you his Holy Spirit to enlighten and guide you and give you understanding. As you see, David constantly prays in the psalm…”

Psalm 119:18, “Buksan nʼyo ang aking isipan upang maunawaan ko ang kahanga-hangang katotohanan ng inyong kautusan.”

Psalm 119:27, “Ipaunawa nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin, upang pagbulay-bulayan ko ang inyong kahanga-hangang mga gawa.”

Psalm 119:34-37, “Bigyan nʼyo ako ng pang-unawa sa inyong kautusan, at itoʼy buong puso kong susundin at iingatan. 35 Pangunahan nʼyo ako sa aking pagsunod sa inyong mga utos, dahil ito ang aking kasiyahan. 36 Bigyan nʼyo ako ng pagnanais na sundin ang inyong mga turo at hindi ang pagnanais na yumaman. 37 Ilayo nʼyo ako sa pagnanais ng mga bagay na walang kabuluhan. Panatilihin nʼyo ang aking buhay ayon sa inyong pangako.

“He uses many more words of this nature, although he knew the text of Moses well and that of other books besides and heard and read them daily. Yet he desires to have the real Master of Scripture in order by all means to make sure that he does not plunge into it with his reason and become his own master.”

Meditatio (meditation) (Psa 119:11, 15, 24, 47, 48, 93, 97)

“Secondly, you should meditate. This means that not only in your heart but also externally you should constantly handle and compare, read and reread the Word as preached and the very words as written in Scripture, diligently noting and meditating on what the Holy Spirit means…Therefore, you observe how in this psalm David always says that he will speak, think, talk, hear, read, day and night and constantly—but about nothing else than God’s Word and Commandments.  For God wants to give you his Spirit only through the external Word.”

Psalm 119:11, “Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo.”

Psalm 119:15, “Ang inyong mga tuntunin ay aking pinagbubulay-bulayan at iniisip kong mabuti ang inyong pamamaraan.”

Psalm 119:24, “Ang inyong mga turo, ay nagbibigay sa akin ng kagalakan, at nagsisilbing tagapayo.”

Psalm 119:47-48, “Nagagalak akong sundin ang inyong mga utos na aking minamahal. Iginagalang ko ang inyong mga utos na aking minamahal, at pinagbubulay-bulayan ko ang inyong mga tuntunin.”

Psalm 119:93, “Hindi ko kailanman lilimutin ang inyong mga tuntunin, dahil sa pamamagitan nitoʼy patuloy nʼyo akong binubuhay.”

Psalm 119:97, “Iniibig ko ang inyong kautusan. Palagi ko itong pinagbubulay-bulayan.”

Tentatio (trial) (Psa 119:67, 68, 71)

“Thirdly, there is the tentatio, testing (Anfechtung). This is the touchstone.  It teaches you not only to know and understand but also to experience how right, how true, how sweet, how lovely, how mighty, how comforting God’s word is: it is wisdom supreme. This is why you observe that in the psalm indicated David so often complains of all sorts of enemies…For as soon as God’s Word becomes known through you, the devil will afflict you, will make a real [theologian] of you.”

Psalm 119:67-68, Nang akoʼy hindi nʼyo pa pinarurusahan (ESV, Before I was afflicted), akoʼy lumayo sa inyo, ngunit ngayoʼy sinusunod ko na ang inyong mga salita. 68 Napakabuti nʼyo at mabuti ang inyong mga ginagawa. Ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin.

Psalm 119:71, “Mabuti na pinarusahan nʼyo ako (ESV, It is good for me that I was afflicted), dahil sa pamamagitan nito natutunan ko ang inyong mga turo.”

Sa pamamagitan ng panalangin (Psalm 119 is a prayer!), ng pagbubulay ng salita ng Diyos (Psalm 119 is a very long meditation on God’s word), at ng mga pagsubok na pinagdaraanan (na siyang experience ng sumulat ng Psalm 119, mas lalo tayong napapamahal sa salita ng Diyos at sa Diyos na nagsasalita habang binabasa natin ang Bibliya at pinapakinggan ang pangangaral ng Salita ng Diyos. Tulad ng sumulat nitong Psalm 119, ang prayer ko ay masabi rin natin sa Diyos with all our heart, “Oh how I love the word of God! Oh how I love the God of the Word!”

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply