Introduction

Merry Christmas and a Happy New Year. We all want to be happy, obviously. But we struggle to find happiness. Matatabunan pansamantala ng mga reunions, Christmas parties, etc. Pero once all the parties are over, back to reality na naman. Yung difficulties mo sa trabaho, o sa marriage ninyo, o sa financial troubles ng family mo, or any kinds of troubles na kinahaharap mo. Umaasa ka na maganda ang sasalubong sa ‘yo sa bagong taon, pero wala namang certainties kung ano ang mangyayari. May mga inaasahan kang trabaho, o promotion, o ibang tao na makatutulong sa ‘yo, o makapagpapasaya sa ‘yo. Pero wala namang permanente sa mundong ito. Wala namang siguradong maaasahan mo at hindi ka bibiguin. Pwede kang lokohin ng ibang tao. Pwedeng yung ipinangako sa ‘yong babayaran, kahit gusto mang tuparin ay hindi magawa dahil wala talaga. Pwedeng ang inaasahan mo ay kuhanin agad ni Lord sa panahong di mo naman inaasahan.‌

Kaya sa pagtatapos ng taong ito, at sa pagsalubong natin sa susunod na taon, magandang ipaalala sa atin na tanging ang Diyos lang at ang kanyang salita ang maaasahan at makakapitan natin, dahil Diyos lang at ang kanyang salita ang permanente, perpekto, at hindi nagbabago. Makikita natin ang basic truth na ito sa Psalm 119:89-96. Ito yung ikalabindalawang section dito sa Psalm 119, na almost every year ay isa o dalawang sections ang pinag-aaralan natin, either sa year end or new year. Isang reason ay para ipaalala sa atin na sobrang basic, vital, at essential sa atin ang Salita ng Diyos. Buong Psalm 119 kasi ay awit tungkol sa salita ng Diyos. Almost every verse nitong 176 verses, with only a few exceptions, ay may references sa word of God. Tinatawag din itong acrostic psalm. Bawat linya ng bawat section ay nagsisimula sa same letter sa Hebrew alphabet. Merong 22 sections na may eight verses each. Itong vv. 89-96 ay section lamedh, yung letter “L” sa Hebrew. So bawat verse dito ay simula sa lamedh.‌

Makikita natin na ito ay carefully at beautifully composed, giving us words to express our own heart for the word of God. At hindi ito isang awit na para bang all is well sa buhay niya, at puro blessings kaya napapakanta siya. No. Actually, babad sa hirap ang dinaranas nitong psalmist, sabi ng iba si King David, pero hindi tayo sure. Sa previous section pa lang, makikita na natin yung hirap na dinanas niya. Tinatanong na niya ang Diyos kung kelan darating yung comfort na hinihintay niya (v. 82). “How long must your servant endure?” (v. 84), lament niya sa Panginoon. Dahil sa mga kaaway na nagpe-persecute sa kanya, nagsasalita ng kasinungalingan laban sa kanya, para bang naghukay na ng patibong para sa kanya (vv. 85, 86). Feeling niya, katapusan na niya, “They have almost made an end of me on earth” (v. 87). May katapusan naman talaga ang buhay natin sa mundong ito. May katapusan ang anumang meron tayo dito. That makes our life fragile, di ba? Para itong usok, sabi nga ni James, na sa isang iglap ay nandyan at maya-maya ay wala na (Jas 4:14). Kaya kailangan natin ng isang bagay na makakapitan, isang bagay na hindi maglalaho. Kailangan natin ng pader na masasandalan, pader na di magigiba. Kailangan natin ng batong matutuntungan, batong hindi guguho.‌

Ito ay higit pa sa wishful or positive thinking na, “2025, be good to me,” wishing na mas maraming magagandang mangyayari next year. Pero paano kung hindi? Paano kung mas maging malala pa? Itong psalmist, sa section natin, may “affliction” pa rin siya (v. 92), yung mga masasamang tao naghihintay pa rin para patayin siya (v. 95). The worst is not over for his life. Pero sa kabila ng lahat ng ito, paanong naisulat pa niya ang awit na ‘to? Ano ang dahilan bakit nagse-celebrate pa rin siya at nagpupuri sa Diyos at may joy kahit sa mga difficulties na nararanasan niya at buung-buo pa rin ang pag-asa sa kabila ng hirap na dinaranas niya? Dahil ang salita ng Diyos ay permanente, maaasahan at perpekto.

God’s Enduring Word (Psa. 119:89-91)

Sa verses 89 to 91 ay malinaw na makikita na ang salita ng Diyos ay permanente. Hindi ito nagbabago dahil ito ay everlasting, eternal, o forever. Verse 89, “Forever, O Yahweh, your word is firmly fixed in the heavens.” “Forever…firmly fixed.” Sa ASD, “Panginoon, ang salita mo ay mananatili magpakailanman; hindi ito magbabago tulad ng kalangitan.” You want stability, security, certainty in life? You need the word of God. Kung ang salita ng Diyos ay nakapako sa kalangitan, dito naman sa second line ng verse 90 ay nakabatay rin ito sa permanency ng paglikha ng Diyos sa mundo: “…you have established the earth, and it stands fast.” Sa ASD, “Matibay nʼyong itinatag ang mundo, kaya itoʼy nananatili.” Sa mga uncertainties ng mga nangyayari sa buhay natin, tinuturuan tayo ng psalmist na tumulad sa kanya sa pagtingin sa nilikha ng Diyos, the God who created the heavens and the earth. At sa pagtingin sa nilikha niya ay pagbulayan na kung paanong di tayo nangangamba na maglalaho basta-basta ang langit at lupa, wala rin tayong dapat ipangamba na magbabago ang mga salita ng Diyos. “Ang inyong mga katuruan ay magpapatuloy magpakailanman” (Psa 119:152ASD). ‌

Ang salita ng Diyos ay eternal at di-nagbabago dahil ang Diyos ay eternal at di-nagbabago. Sabi ng Panginoong Jesus, mas permanente pa nga ang mga salita niya kaysa sa langit at lupa, “Ang langit at ang lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita ko ay mananatili magpakailanman” (Mat 24:35ASD). “Oo, ang damo’y nalalanta, at kumukupas ang mga bulaklak, ngunit ang salita ng ating Diyos ay mananatili magpakailanman” (Isa 40:8 MBB). Ang langit at lupa, at lahat ng bagay na nasa mundo, ay mananatili lang kung ito ay nais ng Diyos. By his word, all things were created. Sa isang salita lang niya ay pwede ring maglaho ang lahat. Walang inherent stability ang mundo o ang universe. Sabi sa Psalm 119:91, “Ang lahat ng bagay ay nananatili hanggang ngayon ayon sa inyong nais. Dahil ang lahat ng bagay ay sumusunod sa inyo” (ASD). Sa ESV, “All things are your servants.” O slaves. Ang Diyos ang master na napangyayari ang lahat ng kanyang sinasabi. Everything in creation is under his bidding. In talking about the Son, “he upholds the universe by the word of his power.”‌

Itong sumulat ng Psalm 119, matapos siyang hampasin ng malalakas na alon sa kanyang buhay, sinabi ni Charles Spurgeon na dito ay makikita natin siyang nakatayo sa isang matibay na bato. “[God’s] word is not fickle nor uncertain; it is settled, determined, fixed, sure, immovable” (The Treasury of David). Kung ganito pala ang salita ng Diyos, hindi maglalaho, hindi magbabago, walang hanggan, we can trust na ang katapatan niya sa bawat isa sa kanyang mga anak ay hindi rin magbabago. Verse 90, “Ang inyong katapatan ay magpapatuloy sa lahat ng salinlahi” (ASD); “Your faithfulness endures to all generations.” Kung paanong naging tapat siya kay Abraham, Isaac, at Jacob; kung paanong naging tapat siya kina Moises at sa buong Israel; kung paanong naging tapat siya kay David at Solomon, gayon mananatiling tapat ang Diyos sa lahat ng kanyang mga anak—this year, next year, and forevermore. Ang ibang lalaki sumusuko na sa sinumpaan nilang pangako sa asawa nila—sa hirap ng buhay, o sa di matiis na ugali ng asawa, o dahil sa iba’t ibang tuksong hinaharap araw-araw, pero ang Diyos ay mananatiling tapat magpakailanman. Lumala man ang ekonomiya ng Pilipinas, mas lalo mang maging kurakot ang mga nasa kapangyarihan, hindi man matupad ang mga bagay na inaasahan mo sa bagong taon, pero ang Diyos ay mananatiling tapat magpakailanman.‌

Ayon sa vv. 89-91, God’s word is an enduring word. Mananatili ang salita ng Diyos dahil ang Diyos ay eternal. Ayon kay Stephen Charnock, napakalaking comfort ang ibinibigay sa atin ng katotohanang ang Diyos ay eternal. Kung ang Diyos ay eternal, dahil siya ay Diyos na nakipagtipan sa atin, siya ang ating “eternal good and possession” (The Existence and Attributes of God, “Discourse 5: On the Eternity of God”). “This is God, our God forever and ever. He will guide us forever” (Psa 48:14). Sinabi pa niya na ang kasiyahan natin ay nakadepende sa presensya ng Diyos: “Happiness cannot perish as long as God lives. He is the first and the last: the first of all delights, nothing before him; the last of all pleasures, nothing beyond him; a paradise of delights in every point, without a flaming sword.” Sinabi pa niya na anumang kaguluhan ang mangyari sa paligid natin, “the church’s eyes are to be fixed upon the eternity of God’s throne, where he sits as governor of the world. No creature can take any comfort in this perfection but the church; other creatures depend upon God, but the church is united to him.” Ano nga naman ang katatakutan natin sa mga taong “mortal,” “when an immortal God has promised protection in his word and lives forever to perform it?” Sinabi pa niya na “kung ang salita niya ang tinutuntungan ng pagtitiwala natin at ang kanyang katotohanan ang katiyakan ng kanyang sinseridad, ang kanyang pagiging walang-hanggan ang katiyakan ng kanyang kakayahang isagawa ang sinabi niyang gagawin niya.” “The word of our God will stand forever” (Isa 40:8).‌

Kapatid, ‘yan ba ang pinaniniwalaan mo? Sa pagpasok ng bagong taon, nakadepende ba ang kasiyahan at seguridad mo sa pababagu-bagong bagay sa mundong ito? O matibay itong nakatali, nakakabit, nakaangla, nakaugat sa walang-hanggan at di-nagbabagong salita ng Diyos?

God’s Saving Word (Psa. 119:92-95)

Sa verses 92-95 ay malinaw na makikita na ang salita ng Diyos ay maaasahan. Naghahanap tayo ng aasahan kung kailangan natin ng tulong. Noong maysakit ako, at kailangan kong magpa-ospital, kailangan ko ng sasama sa akin. Hindi pwede ang asawa ko kasi walang magbabantay sa mga bata. Hindi pwede si daddy dahil kasama naman siya ni mommy at maraming kailangang gawin nung araw na yun. Buti pwede ang kapatid ko, at sinamahan ako nang mahigit limang oras sa ER para sa mga tests at observations kung mako-confine ba ko o hindi. Buti pinauwi na ako at itinuloy na lang ang meds sa bahay. Kailangan natin ng tulong kung maysakit tayo. Lalo na kung it is a matter of life and death na. Ito naman ang panganib na hinaharap ng psalmist na evident sa verses 92 to 95. Merong threat inside: “namatay na sana ako dahil sa pagdadalamhati” (v. 92 ASD). Meron ding threat outside: “Nag-aabang ang masasama upang ako’y patayin” (v. 95 ASD). Sa mga ganitong life-threatening situations, kakapit ka sa anumang bagay na alam mong makapagsasalba sa ‘yo. At para sa kanya, iyon ay walang iba kundi ang salita ng Diyos. Maaasahan ang salita ng Diyos, dahil ang salita ng Diyos ay nakapagliligtas, nagbibigay-buhay; life-saving and life-giving word.‌

Maraming tao ang namamatay dahil sa matinding kalungkutan. Dahil sa depression, ang iba ay nagpapakamatay. Kung hindi man, pero mababakas mo sa mga mukha nila na dahil sa tindi ng kalungkutan ay para bang walang buhay, walang liwanag sa kanilang pagmumukha. Nangyayari ‘yan dahil ang kagalakan ng mga taong ito ay nakatali sa mga bagay sa mundong ito na hindi permanente, at hindi maaasahan. Pero itong psalmist? Sabi niya sa verse 92, “Kung ang inyong kautusan ay hindi nagbibigay sa akin ng kaaliwan, namatay na sana ako dahil sa pagdadalamhati” (ASD). Positively, sinasabi niya, Your law is my delight, at dahil diyan, dahil ang salita ng Diyos ang kanyang kaaliwan, kagalakan, kalakasan, kaya nananatili siyang buhay kahit na matinding paghihirap ang dinaranas niya. Sabi ni Spurgeon, “That word which has preserved the heavens and the earth also preserves the people of God in their time of trial.”‌

Tayo rin naman, kung hindi dahil sa salita ng Diyos, sa mabuting balita ni Cristo, tiyak na mapapahamak tayo. Meron tayong buhay dahil sa mga salita ni Cristo na narinig at pinaniwalaan natin. Sabi ni Jesus sa mga disciples niya, “It is the Spirit who gives life; the flesh is no help at all. The words that I have spoken to you are spirit and life” (John 6:63). May mga hindi naniwala kay Jesus. Tulad ng ilan sa inyo ngayon na hanggan ngayon ay hindi pa rin naniniwala sa kanya. Ang iba ay tumalikod na at umalis na. Tinanong ni Jesus ang twelve disciples niya, “Aalis din ba kayo?” Sabi ni Pedro, “Lord, to whom shall we go? You have the words of eternal life” (John 6:68). The same Peter na nagpaalala sa mga Christians na dumaranas ng iba’t ibang mga pagsubok at pag-uusig dahil sa kanilang pananampalataya na magpatuloy sa pagsunod sa salita ng Diyos, “since you have been born again (nagkaroon kayo ng bagong buhay!), not of perishable seed but of imperishable, through the living and abiding word of God…And this word is the good news that was preached to you” (1 Pet 1:23, 25).‌

Kapag may isang tao na nagligtas sa ‘yo mula sa tiyak na kamatayan, o nagbayad ng malaking pagkakautang mo, o tumulong sa ‘yo sa oras na wala ka nang makapitan, tiyak na hinding-hindi mo makakalimutan ang taong iyon. Kung nagkaroon tayo ng buhay, at nananatiling buhay dahil sa salita ng Diyos, bakit naman natin kakalimutan ang salita ng Diyos? Kaya ganito yung resolve ng psalmist sa verse 93, “Hindi ko kailanman lilimutin ang inyong mga tuntunin, dahil sa pamamagitan nitoʼy patuloy nʼyo akong binubuhay” (ASD). “I will never forget,” hindi lang magme-memory verse siya araw-araw, kundi ibig sabihin ay regular niyang babasahin, pag-aaralan, pagbubulayan, pahahalagahan, at susundin. Para sa kanya, ang salita ng Diyos ay hindi lang para sa simula ng buhay Kristiyano, o weekly lang every Sunday, o kapag kailangang-kailangangan talaga, kundi araw-araw. Dapat din nating ituring ang salita ng Diyos na parang gatas ng sanggol na hindi pwedeng laktawan ng isa o dalawang araw man lang. “Like newborn infants, long for the pure spiritual milk, that by it you may grow up into salvation—if indeed you have tasted the the Lord is good” (1 Pet 2:2-3). Nakalimutan mo na ba kung gaano kahalaga—a matter of life and death importance—ang salita ng Diyos sa buhay mo? Hinahanap-hanap mo ba ito araw-araw, o itinuturing mo na ito ay optional lang at mas mahalaga pa ang mga pinagkakaabalahan mo araw-araw? Think again: saan ba nakadepende ang buhay mo?‌

Ang buhay naman natin ay nasa kamay ng Diyos. Siya ang nagbigay ng buhay sa atin. Siya ang may kapangyarihang bumawi nito. Siya rin ang may kakayahang iligtas tayo sa tiyak na kapahamakan. At sa bandang huli, sa kanya ka rin naman talaga hihingi ng tulong. Ito yung prayer ng psalmist sa verse 94, “Ako’y inyo, kaya iligtas n’yo po ako!” / “I am yours; save me.” Ang kumpiyansa na meron siya na ililigtas siya ng Diyos ay nasa katotohanang siya’y sa Diyos at ang Diyos ay sa kanya. God will not forsake his own. At makakaasa rin tayo na dahil tayo ay nakay Cristo, hindi tayo pababayaan ng Diyos. Sabi ni Jesus, “My sheep hear my voice, and I know them, and they follow me. I give them eternal life, and they will never perish, and no one will snatch them out of my hand” (John 10:27–28).‌

Kung tayo ay kabilang sa tupa, we have this assurance. How do you know na isa ka sa mga tupa? Nakikinig ka sa salita ni Cristo, at sumusunod ka sa kanya. Kaya nga sinabi ng psalmist sa second line ng verse 94, “Akoʼy inyo, kaya iligtas nʼyo po ako! Dahil pinagsisikapan kong sundin ang inyong mga tuntunin.” Hindi dahil ang resolve niya na sumunod sa mga utos ng Diyos ang dahilan kung bakit siya dapat iligtas ng Diyos. Kundi ito ay patunay na he is in relationship with God. At kailangan niya ang tulong ng Diyos para makapagpatuloy sa pagsunod sa Diyos. Instead of boasting, nandoon pa nga yung humility dahil inaamin niya na kailangan niya ang tulong ng Diyos. Tayo ba, kung natutuklasan natin ang sarili natin na nag-iistruggle sa pagsunod sa salita ng Diyos, sinusubukan mo bang ayusin ito sa sarili mong sikap, o do you humbly ask the Lord for help, “Lord, tulungan mo po ako, hindi ko kaya sa sarili ko. Please, Lord, help me.”‌

Kapag mas pahirap nang pahirap ang sitwasyon natin, mas nagiging prone tayo na makalimutan kung ano talaga ang kailangan natin. Isip tayo nang isip kung anong diskarte ang gagawin, paano maso-solve ang problema, kung paano gagawan ng paraan, we forget kung sino lang talaga ang maaasahan. Naghahanap tayo ng solusyon sa Internet. Humihingi tayo ng payo ng ibang tao. Tinitingnan natin kung ano ang ginagawa ng ibang tao at kung paano sila nakakaraos sa mga problema nila. We easily forget na sapat ang salita ng Diyos. Pero itong psalmist, hindi problema niya o circumstances niya, o mga kaaway niya ang nangingibabaw sa isip niya, kundi ang salita ng Diyos. “Nag-aabang ang masasama upang akoʼy patayin, ngunit iisipin ko ang inyong mga turo” (v. 95 ASD). Sa mga panahong hirap na hirap ka, ano ang mga iniiisip mo? Sa panahong may umaaway sa ‘yo, ano ang pinagtutuunan mo ng pansin? Ang masamang sinabi o ginawa laban sa ‘yo, o ang mga mabubuting bagay na ginagawa at sinasabi ng Diyos? “Mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang” (Phil 4:8). Paanong magiging ganyan ang laman ng isip natin kung hindi tayo naglalaan ng oras sa pagbubulay ng salita ng Diyos? Don’t rush reading God’s word, slow down, namnamin natin, nguyain, enjoy the God of the Word. “Oh, taste and see that the Lord is good” (Ps 34:8).

God’s Perfect Word (Psa. 119:96)

Nakita natin na ang salita ng Diyos ay permanente at maaasahan, dahil nga ito ay permemente. Kaugnay rito, sa last verse, verse 96, malinaw na makikita na ang salita ng Diyos ay perpekto. Katunayan tanging salita lang ng Diyos ang perpekto. “I have seen a limit to all perfection, but your commandment is exceedingly broad” (Psa 119:96). Alam naman natin na sa mundong ito, nothing and nobody is perfect. Pero ginagagamit pa rin natin ang word na “perfect” o “perfection” para i-describe kung gaano kaganda yung libro na trinanslate ng Treasuring Christ, “Perfect!”, pero kaming mga editors kahit maprint na meron pa ring makikita na imperfections. O para i-describe ang masarap na leche flan sa Noche Buena, “perfect!,” pero may masasabi pa ring comment yung iba, “Matamis masyado, mas masarap ang luto ko dyan.” Kahit ano pang bagay sa mundong ito ang maganda, mahusay, masarap, meron pa ring mas maganda, mas mahusay, mas masarap.‌

Pero kung ikukumpara mo ang salita ng Diyos sa anumang salita ng tao, you will see kung ano ang ibig sabihin ng “perfection.” Kung salita ng mga pulitiko ang papakinggan mo, alam mong binobola ka lang. Pero ang salita ng Diyos, perpekto, totoo, garantisado. Kapag nangako ang asawa mo, for the first few years maaaring naging totoo ‘yan, pero eventually papalya rin. Pero ang pangako ng Diyos, perpekto, totoo, garantisado—mula noon, hanggang ngayon, at magpakailanman. Kapag nangako ang tatay mo sa ‘yo, kahit na gustung-gusto niyang ibigay sa ‘yo, pero dahil may limitasyon ang kakayahan niya, pwede ka ring ma-disappoint. Pero ang salita ng Diyos, perpekto, totoo, garantisada—may kapangyarihan to accomplish what it intends to accomplish. “Ang mga ito’y hindi babalik sa akin na walang katuturan. Tutuparin nito ang aking mga balak, at gagawin nito ang aking ninanais” (Isa 55:11MBB). “Exceedingly broad” ang salita ng Diyos. Malawak, sa sobrang lawak ay hindi mo masusukat ang “limit” ng perfection nito. Noong nakakulong si Pablo, nakagapos ang mga kamay na parang isang kriminal, hindi yun problema para sa salita ng Diyos: “But the word of God is not bound!” (2 Tim 2:9).‌

Sapat ang salita ng Diyos sa lahat ng bahagi ng buhay natin. Nanghihina ka o gusto mong mabago ang buhay ng kaibigan mo, salita ng Diyos ang kailangan mo: “The law of the Lord is perfect, reviving the soul” (Psa 19:7)

a). Hindi mo alam kung ano ang desisyon na gagawin mo, o hindi mo alam kung ano ang ipapayo mo sa isang member ng church na kailangang gumawa ng isang major decision: “the testimony of the Lord is sure, making wise the simple” (Psa 19:7)

b). Nalulungkot ka sa takbo ng buhay mo o apektado ka sa mga kapatid sa Panginoon na hindi nagre-respond positively sa pagdidisiplina sa kanila: “the precepts of the Lord are right, rejoicing the heart” (Psa 19:8)

a). Tila nawawalan ka ng pag-asa sa di-maubos na mga problemang dumarating sa buhay mo o sinusukuan ka na sa dini-disciple mo na parang walang nagbabago: “the commandment of the Lord is pure, enlightening the eyes” (Psa 19:8)

b). Nawalan ka recently ng isang mahal sa buhay o natatakot ka na mawalan ng mga bagay na importante sa ‘yo: “the fear of the Lord is clean, enduring forever” (Psa 19:9)

a). Sa dami-dami ng balita sa araw-araw, nalilito ka na kung ano ang paniniwalaan mong totoo: “the rules of the Lord are true, and righteous altogether” (Psa 19:9)

b). Perpekto ang salita ng Diyos. Salita lang ng Diyos ang perpekto. So why settle for anything less than the perfect word of God?

Conclusion

Sa bahaging ito ng Psalm 119, ipinaalala sa atin na permanente ang salita ng Diyos, maaasahan ang salita ng Diyos, at perpekto ang salita ng Diyos. Permanente dahil ang Diyos ay walang-hanggan at nananatili ang kanyang katapatan. Maaasahan dahil ang Diyos ay makapangyarihang nagliligtas at nagbibigay-buhay. Perpekto dahil ang Diyos ay perpekto.‌

Prayer ko na as we end this year—puno man ito ng mga pagpapala o sunud-sunod ang mga pagdadalamhati o parang roller-coaster ride yung ating mga spiritual at emotional experiences—na patuloy kang kumapit nang mahigpit sa mga salita ng Diyos, na magkaroon ka ng resolution o matinding determination (hindi pang-January lang!) na higit na babasahin, mas lalo pang pakikinggan, pag-aaralan, at susundin ang mga salita ng Diyos. Araw-araw. Hangga’t humihinga pa tayo.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply