Introduction: Seeing God’s Face?‌

Ang mukha ng isang tao ay nagre-reveal ng kanyang unique identity. Kapag nakita mo ang mukha ko, alam mong ako ito. Kapag nakita ko ang mukha mo, alam kong ikaw ‘yan. Bukod sa identity, nagre-reveal din ito ng kalagayan ng relationship natin sa isa’t isa. Kapag darating ka sa bahay na nakangiti ang asawa mo, okay kayo. Pero kapag nakasimangot, naku may problema kayo. Ganun din kapag estudyante ka, tapos tiningnan mo ang crush mo, at nginitian ka pa, kinilig ka naman, assuming ka. Pero kapag hindi ka pinapansin, mukhang walang chance. O kapag ikaw na anak, umuwi sa nanay mo at ipinakita ang mataas na grades, at nakangiti, siyempre okay ‘yan, baka mag-Jollibee kayo bukas. Pero kapag may ginawa kang masama, at nanlilisik ang mata sa ‘yo, siyempre di ka makatingin, takot mo lang, di ba?‌

In a similar way, kapag binabanggit ang “mukha” ng Diyos sa Bibliya, nagpapakita rin ito ng unique identity ng Diyos at ng relationship status natin sa kanya. Pwedeng okay ang relationship natin sa kanya at nalulugod siya sa atin, o baka naman galit ang sasalubong sa atin dahil sa mga kasalanan natin. Pero siyempre, hindi natin pwedeng ikumpara ang Diyos sa ating mga tao. Ibang-iba siya, wala siyang katulad. At ang paraan kung paano siya makipag-relate sa atin ay ibang-iba rin sa pagtrato natin sa asawa natin, o sa anak natin, o sa empleyado natin. May panahong may pagkakatulad, pero iba pa rin talaga. Iba ang Diyos.‌

Kaya sobrang crucial itong tatlong chapters ng Exodus 32–34. Dahil napapagitnaan ito ng dalawang mahabang sections tungkol sa instructions sa tabernacle (25–31) at sa construction ng tabernacle (35–40), makikita natin na napakahalaga talaga ang nais ng Diyos na ang presensya niya ay nasa kalagitnaan ng kampo ng Israel. Gusto ng Diyos na magkaroon ng malapit na relasyon sa Israel. Yun nga ang point kung bakit sila iniligtas sa pagkakaalipin sa Egipto. Hindi lang para magkaroon ng magandang buhay, kundi para magkaroon ng magandang relasyon sa kanya. Pero sa chapter 32 sinira nila agad yun. Sa pagsamba nila gamit ang gintong baka, nagrebelde sila sa utos ng Diyos, nagtaksil sila sa tipan nila sa Diyos. Kaya muntikan nang ibagsak ng Diyos ang matinding galit sa kanila (v. 10). Buti na lang at namagitan si Moises (v. 12), kaya hindi itinuloy ng Diyos na lipulin sila (v. 14). Nagmakaawa si Moises na patawarin ang kasalanan nila (v. 32). Pinatawad naman sila ng Diyos, pero nagpadala pa rin ang Diyos na salot (v. 35). Awa pa rin ng Diyos ang nangibabaw sa lahat ng ito. Sa chapter 33 naman ay sinabihan ng Diyos si Moises na hindi sila sasamahan sa pagpunta sa Canaan, ang Lupang Pangako (v. 3). Si Moises nga lang ang nakaka-enjoy ng presensya ng Diyos. Nakikipagtagpo siya sa Diyos sa “tent of meeting” at nakikipag-usap face to face, mukhaan (v. 11). Ibig sabihin, in good terms siya sa Diyos. Kaya malakas ang loob ni Moises na hilingin sa Diyos, “Show me your ways” (v. 13). Sinabi naman ng Diyos, “Sige, sasamahan kita” (v. 14). Pero sagot ni Moises, “Hindi lang ako, dapat kaming lahat! Kung hindi, hindi na lang kami aalis dito” (vv. 15–16). Pumayag naman ang Diyos (v. 17). Tapos hindi pa kuntento si Moises. He wants more of God! Sabi niya, “Please show me your glory” (v. 18). Sinasabi naman ng Diyos, “Sige, ipapakita ko sa ‘yo, pero hindi mo pwedeng makita ang aking mukha” (vv. 20, 23).‌

Napapansin n’yo ba yung gospel pattern dito? 3Rs. Rebellion (na sumira sa relasyon), rescue (ang paraan ay sa pamamagitan ng isang mediator), at restoration (pagpapanumbalik ng nasirang relasyon). Dito sa chapter 34 natin makikita kung paano na-restore ang nasirang covenant relationship, na nagbibigay daan siyempre sa pagtatayo ng tabernacle sa huling six chapters ng Exodus. Habang tinitingnan natin ang nangyari sa chapter 34, tingnan din natin kung paano nakikitungo sa atin ang Diyos sa parehong paraan—pero sa paraang much much greater sa mga nangyari dito! Ang unang bahagi nito, verses 1–9, ay tungkol sa…

‌I. Revelation of God’s Name to His People (vv. 1–9)‌

Bilang sagot sa prayer ni Moises, “Please show me your glory” (33:18), makikita natin kung paano nga ipinakita ng Diyos ang kanyang kaluwalhatian. Yung glory sa Hebrew ay kabod, tumutukoy sa bigat o weightiness ng kung sino ang Diyos. Hindi isang ordinaryong bagay kapag ipinakita ng Diyos kung sino siya. Kaya bago niya gawin yun, pinaghanda niya muna si Moises. Kailangang palitan yung dalawang tapyas ng bato na kinasusulatan ng Ten Commandments. Sabi niya, “Tumapyas ka ng dalawang batong tulad noong una at isusulat ko roon ang nasa mga tapyas na batong binasag mo” (Ex 34:1). Ang batong binasag ay nag-iindicate ng pagsira ng Israel sa tipan nila sa Diyos. Oo, tahasan nilang sinuway ang una at ikalawang utos. But in breaking that, sinira na rin nila ang buong tipan. “Ang lumalabag sa isang utos, kahit tumutupad sa iba pa, ay lumalabag sa buong Kautusan” (Jas 2:10). Pero kahit na tao ang sumira sa tipanang ito, nangako ang Diyos na siya mismo ang bubuo sa kung ano ang nasira. “Isusulat ko…” sabi niya. Siya ang nag-initiate ng renewal. Our God is a covenant-renewing God. Hindi niya basta-basta sinasabi, “Ayoko na. Tama na. Sobra na kayo.” Buti na lang, di ba? Paano na kung aayawan tayo ng Diyos?‌

Pero bago mangyari yun, kailangang kinabukasan nang maaga ay gumayak si Moises at pumunta sa tuktok ng Mount Sinai para iharap ang kanyang sarili sa Diyos (Ex 34:2). Hindi ito sa “tent of meeting” na nakita natin sa chapter 33, kundi sa Mount Sinai kung saan din siya nanggaling para tanggapin yung dalawang tapyas ng bato. Mahigpit din na nagbilin ang Diyos na ‘wag siyang magsasama ng kahit sino, pati hayop bawal (Ex 34:3). Kung ano ang iniutos ng Diyos na gawin ni Moises, yun naman ang ginawa niya. Maaga siyang umakyat ng bundok, dala-dala ang dalawang tapyas ng bato (Ex 34:4).‌

At tinupad nga ng Diyos ang ipinangako niya kay Moises na gagawin niya in response sa prayer niya, “I will make all my goodness pass before you and will proclaim before you my name ‘The LORD’ (Yahweh)” (Ex 33:19). What do you expect? No surprise here. Lahat naman ng sinabi ng Diyos na gagawin niya ay gagawin nga niya. Hindi tulad nating mga tao. Our promises fail. Pero ang Diyos, kahit kailan ay hindi. Hangarin ng puso ng Diyos na hindi itago ang sarili niya kundi magpakita, magpahayag, bigyang luwalhati ang sarili niya. Tama lang na gawin niya dahil siya lang naman ang karapat-dapat sa self-glorying, unlike us na kasalanan ang itanghal ang sarili. Kaya ganito ang nangyari:

‌“Si Yahweh ay bumabâ sa ulap, tumayo sa tabi ni Moises at binanggit ang kanyang pangalan: Yahweh. Si Yahweh ay nagdaan sa harapan ni Moises at sinabi niya, “Akong si Yahweh (literally, si Yahweh, si Yahweh: may emphasis sa pag-uulit) ay mahabagin at mapagmahal. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako’y nananatiling tapat. Tinutupad ko ang aking pangako maging sa libu-libo, at patuloy kong ipinapatawad ang kanilang kasamaan, pagsuway at pagkakasala. Ngunit hindi ko pinalalampas ang kasalanan ng ama at ang pagpaparusa ko’y hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi” (Ex 34:5-7 MBB).

‌For sure, extraordinary experience ‘to. Pero na-experience na ni Moises for forty days noong una siyang nasa tuktok ng bundok. Pero take note na ang emphasis nito ay wala sa experience ni Moises kundi sa verbal revelation o malinaw pagpapahayag ng Diyos kung sino siya. Kaya may emphasis sa simula, “Yahweh, Yahweh.” May diin, may bigat ng kung sino ang Diyos, na hindi lang isa sa maraming mga diyos, kundi ang nag-iisang Diyos, wala nang iba (Deut 6:4). At sino ang Diyos na ito na walang katulad at nakahihigit sa lahat?‌

Merciful, mahabagin. Ito ang kabutihan ng Diyos sa mga makasalanan at nasa miserableng kalagayan. Dahil sa awa niya, hindi niya ibinigay sa atin kung ano ang nararapat sa atin—ang bagsik ng poot ng Diyos sa mga nagtaksil sa kanya.‌

Gracious, mapagmahal, matulungin, mapagpala. Ito ang kabutihan ng Diyos na ibinibigay sa atin ang hindi natin deserved. Dahil sa kasalanan, we do not deserve any good thing from God. Lahat ng mabubuting bagay na nae-enjoy natin ay dahil lang sa grasya ng Diyos.‌

Slow to anger, hindi madaling magalit. Mahaba ang pasensya. Nagagalit, pero hindi tulad ng galit ng tao na hindi kontrolado ang emosyon. Pero ang Diyos ay laging matuwid at makatarungan sa kanyang galit, at hindi agad-agad itong ibinabagsak sa ating mga makasalanan dahil sa kanyang grace and mercy, para bigyan tayo ng pagkakataon ng magsisi at magbalik-loob sa kanya.‌

Abounding in steadfast love and faithfulness, sagana sa wagas na pag-ibig at katapatan (AB). Sagana, hindi barya-barya lang. Hesed, pag-ibig ng Diyos na ayon sa kanyang katapatan sa kanyang tipan. Itinali ng Diyos ang kanyang sarili sa atin with an unbreakable bond. Hindi tulad ng maraming mag-asawa na ang dali-daling sinusukuan ang relasyon nila. Makatitiyak tayo at mapagtitiwalaan natin ang katapatan ng Diyos.‌

Keeping steadfast love (hesed ulit, loyal love) for thousands, sa libu-libo, either sa libu-libong tao o hanggang sa ikasanlibong henerasyon. Hindi lang sa lawak ng sakop ng pagmamahal ng Diyos, kundi maging sa haba nito hanggang sa mga susunod na henerasyon. The steadfast love of the Lord endures forever.‌

Forgiving iniquity and transgression and sin, kasamaan, pagsuway, at pagkakasala. Anumang kasalanan, lahat ng kasalanan, kahit gaano kagrabe, kahit gaano karami, malawak ang sakop ng pagpapatawad ng Diyos.‌

Who will by no means clear the guilty, paparusahan pa rin ang maysala. Paano yun? Papatawarin ba o paparusahan? Ibig sabihin, hindi pinalalampas lang ng Diyos ang kasalanan. Meron kailangang magbayad. Merong atonement. Kaya nga tayo napatawad sa kasalanan natin at itinuring na matuwid ay dahil itinuring ng Diyos si Jesus na guilty bagamat wala siyang kasalanan nang akuin niya sa krus ang bigat ng parusa ng Diyos na nararapat sa atin.‌

Visiting the iniquity of the fathers on the children and the children’s children, to the third and fourth generation. Hindi ibig sabihin na pinaparusahan ng Diyos ang anak dahil sa kasalanan ng ama. Ibig sabihin, ang epekto ng kasalanan ay nagpapasalin-salin at paparusahan ng Diyos siyempre kung sino ang nagpapatuloy sa kasalanan.‌

Heto ang pagpapahayag ng Diyos kung sino siya. At ito pa rin ang Diyos na meron tayo ngayon dahil hindi naman siya nagbabago. Nagpapakita ang Diyos sa atin hanggang ngayon hindi sa pamamagitan ng mga visual extraordinary experiences. Kundi sa pamamagitan ng ordinaryong pangangaral ng kanyang salita, tuwing naririnig natin kung sino siya—tungkol sa pag-ibig niya, tungkol sa katuwiran niya; tungkol sa pagpapatawad niya, tungkol sa pagpaparusa niya; tungkol sa habag niya, tungkol sa galit niya sa kasalanan. Nakikita natin ang kaluwalhatian ng Diyos tuwing naririnig natin si Cristo at kung ano ang ginawa niya para sa atin. Ang awa, habag, pag-ibig, katarungan, katuwiran ng Diyos ay ang awa, habag, pag-ibig, katarungan at katuwiran ni Cristo. We see the glory of Yahweh when we see Jesus. Sa preaching ng gospel, kumikilos ang Diyos para bigyang liwanag ang isip natin para makilala natin “ang kaluwalhatian ng Diyos na nahahayag sa mukha ni Cristo” (2 Cor 4:6). Sa mukha ni Cristo.‌

At kapag nakikita natin ang liwanag na ‘yan, how do we respond? Tulad ni Moises, “mabilis na lumuhod si Moises, at sumamba kay Yahweh” (Ex 34:8). Kung nakikita mo ang liwanag ng kaluwalhatian ng Diyos, bakit sasamba ka sa diyos-diyosan? Bakit hindi ka sasamba sa Diyos, especially kapag nagtitipon tayo kapag Linggo? At itong pagkakilala sa Diyos ang nagbibigay din ng boldness sa atin para lumapit sa Diyos sa panalangin. Tulad ng sinabi Moises, “Kung talagang kinalulugdan ninyo ako, isinasamo kong samahan ninyo kami kahit na po matigas ang ulo ng lahing ito. Patawarin na ninyo kami at tanggapin bilang inyong bayan” (v. 9). Ang tugon ng Diyos sa panalangin niya ay hindi base sa kung mas konti ba ang kasalanan niya kumpara sa iba, o sa bisa ng karakter ni Moises. Ito ay nakadepende sa karakter ng Diyos. Merong pabor ang Diyos sa kanya dahil sa grasya at habag niya. May kapatawaran sa kasalanan ng Israel dahil ang Diyos ay mapagpatawad. Ituturing silang “inheritance” ng Diyos hindi dahil sila ay worthy kundi dahil sa walang katumbas na halaga o worth ng Diyos.‌

Hindi lang maliit ang kasalanan natin sa Diyos. Big time din ang pagkakasala natin sa Diyos. Hind ilang minsan, kundi maraming beses. Sa kabila ng kabutihan niya sa atin, ng buhay na bigay niya sa atin, ng mga pagpapalang tinatanggap natin, nagtaksil tayo sa Diyos. Kailangang mapanumbalik ang nasirang relasyon natin sa Diyos. Kung hindi, matinding trahedya ang sasapitin natin. Pero paano mapapanumbalik ang nasira nating relasyon sa Diyos? Sariling diskarte? Sariling paraan? Sariling sikap? Well, kung kilala natin ang Diyos na nagpahayag ng kanyang pangalang “Yahweh” kay Moises, maiintindihan natin kung bakit kailangang siya rin ang gagawa ng paraan para mapanumbalik ang relasyon natin sa kanya.

‌II. Renewal of God’s Covenant with His People (vv. 10-28)‌

Ito ang ginawa ng Diyos sa ikalawang bahagi ng chapter 34, mula verse 10 hanggang 28: the renewal of God’s covenant with his people. Hindi ito bagong covenant, kundi isang renewal ng covenant na sinira nila. Katulad pa rin naman ang mga nakasulat dito dun sa nauna. Kailangan lang sabihin ulit. Sabi ng Diyos, “Behold, I am making a covenant…” “Makikipagkasundo akong muli sa bayang Israel” (v. 10). Parang mag-asawa na nagbitaw na naman ng wedding vows nila nang araw ng kasal. Kaso nag-away, nagkahiwalay, pero nagkabalikan ulit. Merong renewal of vows. May pag-uulit ng sinumpaan nilang pangako noong una. Sa parte ng Diyos, ano ang pangako niya? “Sa harapan nilang lahat ay gagawa ako ng mga himalang hindi pa nangyayari sa daigdig kahit kailan. Dahil dito, makikita ng mga Israelita kung gaano ako kadakila” (v. 10). Mula pa sa Egipto, hanggang sa paglalakbay sa disyerto, hanggang sa Canaan, his great power will be at work para sa kanila. Sa parte naman ng Israel, ano ang kailangan nilang gawin? “Sundin ninyo ang mga iniutos ko ngayon…” (v. 11), at ano naman ang gagawin ng Diyos dahil dun? “…at palalayasin ko sa pupuntahan ninyo ang mga Amoreo, Cananeo, Heteo, Perezeo, Hivita at mga Jebuseo” (v. 11).‌

Pero ipinapaalala ng Diyos sa kanila na ang covenant nilang ito sa Diyos ay isang exclusive covenant. Dalawang partido lang, walang third party. Parang sa mag-asawa rin, kapag sumumpa ka sa kasal n’yo, ibig sabihin, itinatali mo rin ang puso mo sa asawa mo at isinasara ito na hindi pwedeng pasukin ng ibang babae o lalaki. Kaya sabi ng Diyos na ‘wag silang makikipagtipan sa mga tao sa Canaan. Kapag ginawa nila yun, madadala rin sila sa pagsamba ng mga diyos-diyosan nila, “iyon ang magiging patibong na ikapapahamak ninyo” (v. 12; sinabi rin sa 23:32-33). Ang dapat nilang gawin sa mga diyos-diyosan ay hindi sambahin kundi “sirain…durugin…ibuwal” (v. 13; also 23:24). Kailangan nilang magdeklara ng all-out war against idolatry, na gawin ang lahat ng dapat gawin para hindi matangay ang puso nila palayo sa Diyos. Kaya nga pinagbawalan din silang mag-asawa ng ibang lahi (v. 16), hindi dahil against ang Diyos sa interracial marriage, kundi dahil against ang Diyos sa interfaith marriage. Hindi pwedeng paghaluin ang dalawang magkaibang pananampalataya at “baka mahikayat sila ng mga ito na maglingkod sa kanilang mga diyus-diyosan” (v. 16).‌

Bakit ganito kahigpit ang pagbabawal sa kanila ng Diyos? Ang sagot ay dahil ito ay consistent sa kung sino ang Diyos. “Huwag kayong sasamba sa ibang diyos sapagkat akong si Yahweh ay mapanibughuing Diyos” (v. 14). Sa ESV, his “name is Jealous,” he “is a jealous God.” Sinabi na rin ito sa second commandment (20:5). Ang pagiging “jealous” niya ay hindi tulad ng pagiging seloso ng isang asawa. Pero may pagkakahawig din siyempre. May “jealousy” dahil “zealous” ang Diyos, masidhi ang damdamin ng Diyos hindi lang para protektahan ang relasyon natin sa kanya at hindi maagaw ng iba. Unang-una, God is zealous for his own glory, at hindi niya hahayaang mayurakan ito ng pagsamba natin sa diyos-diyosan. Kung babaling tayo sa ibang “diyos,” sinasabi natin na meron pang ibang bagay na higit na dakila, higit na mabuti, higit sa pagmamahal, higit sa kapangyarihan kaysa sa Diyos. Kaya ang idolatry ay paglapastangan sa pangalan ng Diyos.‌

Kaya mula verses 17-26 ay inulit ng Diyos ang ilang mga instructions tungkol sa pagsamba sa kanya. Sampung utos din ang narito, pero sample lang, to represent ang kabuuan ng tipan na sinira nila pero nire-renew ngayon ng Diyos. Unang-una dito, “Huwag kayong gagawa ng diyus-diyosang metal at sasamba sa mga ito” (v. 17), yun kasi ang ginawa nila sa pagsamba sa gintong baka (32:4, 8). Meron din tungkol sa Feast of the Unleavened Bread, pati yung sa consecration ng mga panganay na anak at maging ng alagang hayop (34:18-20; sinabi na ‘yan sa 13:1-16; 15:12-20; 23:15). Tapos tungkol sa pagpapahinga (34:21; na may kinalaman sa utos tungkol sa Sabbath, 20:9). Then, yung Feast of Weeks at Feast of Ingathering (34:22-23; na pareho sa 23:16). Then yung instruction tungkol sa Passover (34:25; na binanggit na sa 12:8; 23:18). Then yung pagbibigay ng offering, at yung pagbabawal sa paglalaga ng tupa o batang kambing sa gatas ng sarili nitong ina, na malamang ay may kinalaman sa religious rituals sa Canaan tungkol sa fertility (34:26; binanggit na sa 23:19).‌

Hindi natin iisa-isahin na kung ano ang ibig sabihin ng bawat isang utos na ‘yan. Gusto ko lang pansinin natin na itong mga ibinigay na utos ng Diyos sa kanila sa renewal ng covenant ay pareho rin nung nauna. Hindi binaba ng Diyos ang standard niya, hindi niya binawasan ang obligasyon nila, hindi niya isinantabi ang nais niya para sa kanila dahil lang stubborn itong mga Israelita. Ang ginawa niya ay nagbigay ng mas marami pang assurances na nakabatay sa mga pangako niya para matulungan silang tumupad nito. Sabi niya sa gitna nitong mga utos na ‘to, “Kapag napalayas ko na ang mga taong daratnan ninyo at lubusan na ninyong nasakop ang kanilang lupain, wala nang sasalakay sa inyo sa mga araw na kayo’y haharap sa akin” (v. 24; na tulad ng binanggit din sa 23:27-30). Na nagpapaalala sa kanila na kung committed sila sa pagsamba sa Diyos, makakaasa sila sa commitment ng Diyos na gagawin niya ang lahat para sa kanila para hindi mahadlangan ang pagsamba nila sa Diyos. So, kung meron mang humahadlang sa ‘yo sa pagsamba sa Diyos, hindi Diyos yun! Malamang ikaw yun, o hinahayaan mo ang iba na hadlangan ka.‌

Nagtapos ang bahaging ito tulad din ng unang covenant ceremony sa chapter 24. Sinabi ni Yahweh na isulat ni Moises ang mga sinabi niya, yung words of the covenant (34:27). Tulad noong una, forty days din si Moises sa bundok, at nagfasting, walang pagkain, walang inumin. Pero nanatili siyang buhay dahil sa presensya at salita ng Diyos. Si Yahweh naman ang nagsulat sa tapyas ng bato ng Sampung Utos, tulad din noong una (v. 28; 34:1; 31:18; 32:16).‌

Ano ang point ng lahat ng pag-uulit na ‘to? Dahil ba makulit ang Diyos? Tulad ng nanay mo na paulit-ulit ang utos sa ‘yo? Hindi dahil makulit siya, kundi dahil matigas ang ulo mo, ayaw mong makinig. Inuulit dahil importante ito sa Diyos. Inuulit dahil renewal ito ng nasirang tipan. Inuulit dahil nagpapahayag ito ng puso ng Diyos, ng laki ng puso ng Diyos para sa ating mga makasalanan. Ikaw, kung may asawa ka ngayon, at merong ginawang malaking kasalanan ang asawa mo sa ‘yo, nagtaksil sa sinumpaan n’yong pangako sa isa’t isa, at bago kayo ikasal, ipinakita sa ‘yo ng Diyos ang future na mangyayari ‘yan, itutuloy mo pa ba ang kasal? Aba, teka, ‘wag na lang kaya. Pero ang Diyos alam niyang lahat na ganyan nga ang mangyayari. Pero pinasok pa rin niya ang masalimuot na relasyong ito sa Israel. At may renewal ng covenant ngayon, pero alam din niya na hindi ‘yan magtatagal balik na naman sa dating gawi. Hindi nagbabago ang puso ng Diyos, hindi pa rin nagbabago ang puso ng mga taong makasalanan. Kahit ilang covenant renewal pa ang gawin. Kahit paulit-ulit pa silang mangako sa Diyos, “Pagbubutihin na po namin. We will try our best.” Pero hindi pa rin, kulang pa rin.‌

Paano na ‘yan? Ang solusyon ay nasa Diyos pa rin. Ipinapakita ng Diyos na hindi lang basta renewal ng covenant ang kailangan. Kailangan ng “new covenant” na higit na mas mainam pa dito sa “old covenant.” At ito yung “new covenant” sa Jeremiah 31 na ipinangako ng Diyos na gagawin niya (v. 31). Hindi ito tulad ng covenant niya sa kanila sa Exodus. “Bagama’t para akong isang asawa sa kanila, sinira nila ang kasunduang (o, tipang) ito” (v. 32). Kaya madalas kong ginagamit na illustration ang marriage covenant dahil din sa sinabing ito ng Diyos. But this time, sinabi niya na he will do something greater: “Itatanim ko sa kanilang kalooban ang aking kautusan; isusulat ko ito sa kanilang mga puso” (v. 33). Ito ang binabanggit ni Pablo na kahigitan ng bagong tipan dahil hindi na ito nakasulat sa tapyas ng bato kundi sa puso mismo ng tao (2 Cor. 3:3). Sa bagong tipan, ipinangako ng Diyos na bibigyan niya tayo ng bagong puso (Ezek 36:26) para masunod natin ang mga utos ng Diyos. At ang katuparan ng bagong tipan na ito ay nangyari nang ibuhos ni Cristo ang kanyang dugo, the blood of the new covenant, nang mamatay siya sa krus para sa ating mga kasalanan, at pagkatapos ay ibinigay ang kanyang Espiritu sa sinumang sasampalataya kay Cristo.‌

We are the new covenant people of God. Nakay Cristo. So, be amazed na ganito kalaki ang puso ng Diyos para sa atin. Na meron tayong Diyos na pinili tayong mahalin at iligtas kahit alam niya ang lahat ng mga kasalanan natin—past, present and future. Na meron tayong Diyos na hindi tayo susukuan, hindi tayo bibitiwan, hindi tayo iiwanan, at patuloy tayong mamahalin, iingatan, poprotektahan. Hindi tayo tatantanan ng kabutihan ng Diyos. Ang old covenant ay pansamantala. Ang new covenant ay “everlasting covenant” at dito nakaukit ang walang hanggang pangako ng Diyos: “I will not turn from doing good to them…I will rejoice in doing them good…with all my heart and all my soul” (Jer 32:40, 41).

‌III. Restoration of God’s Favor for His People (vv. 29-35)‌

Dito sa huling bahagi ng Exodus 34, verses 29-35, nagkaroon ang Israel ng bahagyang preview nitong mga greater things to come. Makikita kasi sa nangyari dito ang restoration of God’s favor for his people. Pagbaba kasi ni Moises mula sa bundok, habang dala ang dalawang tapyas ng bato, wala siyang kamalay-malay na nagniningning pala ang kanyang mukha (v. 29). Hindi dahil sa pawis, kundi dahil sa pakikipagtagpo at pakikipag-usap niya sa Diyos (v. 29). Ang reaksyon nina Aaron at ng mga Israelita ay takot, at hindi sila makalapit kay Moises (v. 30). Na-recognize nila malamang ang bigat ng “glory” o kabod ng Diyos na nasilayan ni Moises. Pero hindi lang awtoridad ng Diyos ang nakay Moises, pati ang presensya at pabor ng Diyos. Kaya wala silang dapat ikatakot. Kaya tinawag sila ni Moises para lumapit sa kanya (v. 31). Kinausap sila ni Moises at sinabi niya ang mga utos na bigay ni Yahweh (v. 32). Pagkatapos, nagtalukbong siya, nagsuot ng veil (v. 33), probably to indicate yung tulad ng veil na ilalagay sa tabernacle na tumatakit sa Most Holy Place na sumisimbolo sa presensya at glory ng Diyos (Enns, Exodus, 587). Pero tatanggalin niya ang veil kapag makikipag-usap kay Yahweh, at makikita ulit ng mga tao ang mukha niyang nagniningning pagkatapos nun, at tatakpan niya ulit ang mukha niya (vv. 34-35). Hindi ito marahil sandali lang nangyari, kundi every time na nakikipag-usap siya sa Diyos sa buong paglalakbay nila sa disyerto.‌

Ang point? Para bigyan sila ng assurance na ang presensya ng Diyos ay sasama sa kanila sa buong paglalakbay nila, hindi para patayin sila kundi para gabayan sila at dalhin sila sa lupang pangako. Para bigyan sila ng assurance na ang pagrerebelde nila sa Diyos sa chapter 32 ay pinatawad na niya, ang galit niya ay napawi na, ang pagsama niya ay sigurado na dahil siya rin ang gumawa ng paraan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanyang kaluwalhatian kay Moises. But of course, meron pa ring hindi nagbabago, tulad ng binanggit ko kanina. Ito yung matigas na puso ng tao. Kaya kung titingnan mo yung 2 Corinthians 3, nagreflect si Pablo rito kung paanong higit na superior ang new covenant na meron tayo kay Cristo kaysa sa old covenant na ito sa kasaysayan ng Israel. Ang Espiritu ng Diyos ang nagsulat ng kalooban ng Diyos sa puso natin, hindi na sa tapyas ng bato (v. 3). “Ang kautusang nakasulat ay nagdudulot ng kamatayan, ngunit ang Espiritu’y nagbibigay-buhay” (v. 6). Kung merong “glory” sa ministry ni Moises sa Israel, higit na glory ang meron sa Holy Spirit na nasa atin (vv. 7-8). Yung old covenant ay “ministry of condemnation,” ang new covenant ay “ministry of righteouness” (v. 9). Ang old covenant ay pansamantala, ang new covenant ay permanent (vv. 10-11). Kung ito yung glory, yung bigat, yung weightiness ng new covenant and you are a part of that, meron tayong pambihirang kumpiyansa sa pagharap sa buhay natin araw-araw (v. 4). Sa mga panahong hinang-hina tayo at hindi natin alam kung sasapat pa ang lakas natin, ang kasapatan natin ay nasa Diyos (v. 5). Dito nakaangkla ang pag-asa at lakas ng loob na meron tayo (v. 12).

‌Conclusion: Seeing Your Face?‌

Yun ay kung ikaw ay nakay Cristo. Kung ikaw ay wala kay Cristo, katulad ka ng mga Israelita na hanggang ngayon, dahil sa katigasan ng puso nila, may veil pa rin sa puso nila (v. 14). Ibig sabihin, naririnig nga nila ang salita at utos ng Diyos, pero hindi naman nila nakikita ang ningning at ganda at liwanag ni Cristo. Maaalis lang yung veil na yun kung sila ay nakay Cristo na (vv. 14–16). Kapag tinanggal ng Diyos ang talukbong na ‘yan, at nasilayan nila ang tunay na ganda ni Cristo, that will change everything. Nakikita mo ba ang liwanag ng mukha ni Cristo everytime you hear the preaching of the Word? Nagtitiwala ka ba sa kanya?‌

Kung oo, nababakas ba sa mukha mo ang liwanag ni Cristo? Kung nakatitig ka palagi kay Cristo, mangyayari ‘yan. Isa sa paborito kong verse sa Christian life, 2 Corinthians 3:18, “And we all, with unveiled face, beholding the glory of the Lord, are being transformed into the same image from one degree of glory to another. For this comes from the Lord who is the Spirit.” At bigat ng glory ng Panginoon ang palagi mong tinitingnan, masisilayan ‘yan ng mga makakakita sa ‘yo. Pag-uwi mo sa bahay, sa pagharap mo sa asawa mo, sa pakikipag-usap mo sa mga anak mo, sa relasyon mo sa biyenan mo, sa response mo sa nakasakit sa ‘yo, maging sa pagharap mo sa mga taong parang ayaw mong nakikita, anong mukha ang masisilayan nila sa ‘yo? Bagsak na mukha ba dahil sa bigat ng kasalanan na dala-dala mo at sakit ng mga hirap na pinagdaraanan mo? O nagliliwanag na mukha dahil sa bigat ng kaluwalhatian ng Diyos na nasilayan mo dahil kay Cristo?

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply